Enigmatic Stubborn Student

Written in a month of 2017

This page shows the preview of the complete story.
To download the pdf file, click the image above.

Enigmatic Stubborn Student

Mysteria Secrecy

         

This is a work of fiction. Names, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distribute or transmitted in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission from the author, except by a reviewer, who may quote brief passages in a review.

Unauthorized public copying is a violation act of applicable laws.

All rights reserved.

2017

PROLOGUE

What a vulgar girl unfamiliar to elegance.

Those were my thoughts the first time I laid my eyes on the most rude yet most spectacular sight that I got to witness that day. It's kind of a shame I share a name with a girl whose entirety is completely opposite to mine. But now that I see things in their places, maybe it wasn't all that bad.

She's Ken, enigmatic and stubborn. The weirdest so far.

---

CHAPTER ONE

"Falcon, Kenjel Ann?" Nagtawag na naman yung teacher sa unahan. Ilang segundo na, wala namang sumagot. "Falcon, Kenjel Ann? Ano ba, wala bang sasagot?" Naiinis na yung teacher namin nun.

May narinig nalang kaming sumagot ng 'Ma'am, andito po. Natutulog'. Dahil may tinatapos naman akong output, hindi na ako lumingon kung sino 'yon. Nainis naman yung teacher namin nun at nagbunganga dun sa estudyanteng natutulog daw. Dun naman ako napatunghay dahil baka mapag-initan rin ako kasi hindi ako nakikinig.

"Ba't ka pa pumasok? Anong tingin mo sa classroom, ineng? Kwarto mo? Aba'y kung gaganyan ka ng gaganyan sa klase ko, sinasabi ko, ngayon palang eh babagsak ka." Binagsak pa ni Mrs. Vergara yung module niya sa desk sa unahan. "Magsasabi ka lang ng 'present' eh hindi mo kaya? Ang mga bata talaga ngayon!" Mga matatanda talaga eh, ginegeneralize na naman agad.

Magsasalita pa sana si Mrs. Vergara kaso nagulat kami nung biglang may upuang bumagsak. Yung tipong padabog na sinadyang ibagsak. Eh tahimik nun yung classroom kaya napatingin kami lahat sa kung saan yun galing.

Dun sa dulo, sa bandang gitna may bumagsak na upuan tapos nakatayo sa tabi nung upuan yung babaeng mukhang dahilan ng pag-iinit ng ulo ni Mrs. Vergara. Nakatingin lang sya ng diretso kay Mrs. Vergara na akala mo eh inaantok. Itim na itim yung mata nya pero mukha syang may lahing british o american. May sidebangs sya nun na natatakpan yung buong noo niya at yung kanang mata nya. Basta yung pang-emo. Naka-black shirt pa sya tas nakasukbit sa isang balikat niya yung isang strap ng bag niya.

Ilang segundo sigurong tahimik nun habang nakatingin yung estudyante kay Mrs. Vergara nang parang inaantok tapos bigla syang naglakad papunta sa unahan. Akala ko nga nung una, may sasabihin sya kay Mrs. Vergara dahil sa kanya lang sya nakatingin pero bigla nyang nilagpasan si Mrs. Vergara at pumakananan. Lalabas pa yata ng classroom.

"And where do you think you're going?" Parang hindi makapaniwala na naiinis na tinanong sya ni Mrs. Vergara.

Huminto naman yung babae tapos humarap sa kanya. Nakapamulsa tapos yung isang kamay, nakahawak sa strap ng bag nya.

"Lalabas. Matutulog dahil inaantok ako sa klase nyo."

'Yon! 'Yon ang nangyari sa second day ng school year. Nalaman nalang namin na transferee pala yung babaeng yun. At kasali rin sya sa Fencing Club ng school kaya may hawak syang wooden sword na madalas ay dala nya. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam. Sadyang nakakairita lang yung ugali nya. Parang ang walang respeto naman nya sa mga nakakatanda sa kanya diba? Walang modo.

Second week na ng school year ngayon. At gaya ng una, pangalawa at pangatlong taon ko sa high school, ngayong pang-apat ay ako na naman ang ibinoto bilang presidente ng klase. Tumanggi ako pero hindi naman nila ako pinayagan. Alam ba nila kung gaano kasakit sa ulo ang pagiging president?!

Sinara ko na yung locker ko paglagay ko ng mga libro ko. Nung pagsara ko eh nakita ko sa kanan ko na may nagbubukas din ng locker. Nang tingnan ko naman, nakita ko yung babaeng may emo na sidebangs. Falcon, Kenjel Ann. Nagtama naman yung paningin namin nun pero ako din yung unang nagbitaw dahil dire-diretso na akong lumabas ng locker room.

Sa totoo lang, hindi ko naman siya gaanong napapansin sa room. Tahimik lang kasi siya tapos yung assigned seat pa nya eh sa dulo ng unang linya na katabi ng pinto. Pero sabi ng iba, nakakatakot naman talaga raw syang kausapin. Parang parating galit sa mundo. Ewan ko. Hindi ko naman sinubukang kausapin siya. Ni hindi nga kami nagiging magkagrupo. Hindi rin siya yung tipo ko. Para kasing siya yung tipo ng estudyante na palaging pabagsak ang grade. Pano, palaging absent! Bale ako kasi yung taga-check parati ng attendance.

Pero may mga encounter din kami sa isa't isa. Mabibilang nga lang. Ang natatandaan ko eh yung last week na may mga lalaking mukhang siga yung pumunta ng room tapos hinahanap raw si Ken. Eh ako naman 'tong Kennedy ang pangalan eh tumayo kaso kasabay ko syang tumayo at naglakad. Nung magtama yung paningin namin habang naglalakad papuntang pinto, ngumisi siya na parang natatawa siya sa akin. Kinunutan ko naman sya ng noo tapos nagsalita siya.

"Kenjel Ann Falcon ka ba?" Sarcastic pa yung pagkakasabi nya nun kaya na-realize ko na parehas pala kami na 'Ken' yung palayaw. 'Ba, malay ko ba? Maraming nakakakilala sa akin kaya minsan, kahit di ko kilala eh pinapatawag ako.

Puro outputs at activities naman yung tinambak sa amin ng teachers ng sumunod na mga araw. Nanlalata na nga ako. Kaya naman nung isang araw na nagkaroon ng general conference, masaya kaming magkakaklase na walang mga teacher na pumapasok.

Kaso nung isang beses naman akong lumabas ng classroom para mag-CR, nakasalubong ko yung homeroom teacher namin tapos sinabihan nya ako na wag munang pauwiin yung mga kaklase ko hangga't hindi pa alas quatro. Nag-oo nalang ako dahil naiihi na talaga ako nun.

Pagbalik ko ng classroom, para na namang jungle sa ingay. Nung napasulyap naman ako sa tabi ng pintuan, nakita ko si Kenjel na naka-ub-ob na naman sa desk nya. Natutulog na naman yata.

Bumalik ako sa upuan ko tas si Kean, seatmate ko sa kanan, tumabi sa 'kin para lang mangopya ng assignment. Binigay ko naman nalang sa kanya. Parang normal naman na yata sa 'min 'yon. O sabihin na nating sa mga high school. Sabi naman ni Nelgen, yung seatmate ko sa kaliwa, umuwi na raw kami kaso sumagot naman ako na pinag-utusan akong wag munang pauwiin yung buong klase. Tapos bigla nyang tinuro yung pintuan.

"Ba't si Falcon, pauwi na?"

Dun naman din ako napalingon. Sinuot na nung mukhang emo na babae yung black jacket nya tas sinalpak naman nya yung earphones nya. Napatayo tuloy ako.

"San ka?" Tinanong naman ako ni Kean.

"Papabalikin ko si Falcon."

Tumawa sya. "Kakausapin mo si Falcon? Eh hindi nga nagsasalita yun eh!" Tumawa din si Nelgen sa kanya.

Hindi nagsasalita?

Hindi ko sila sinagot at pumunta nalang sa labas. Nung makarating naman ako sa pintuan, nasa labas na si Kenjel. Bale ground floor kasi 'tong room namin kaya paglabas ng classroom, halamanan na. Nakita ko naman siya dun na naglalakad na. Nasa bulsa ng jacket nya yung kamay nya.

"Ken!" Tinawag ko naman sya. Ang weird nga lang kasi parang tinatawag ko yung sarili ko. "Ken!" Inulit ko yung pagtawag ko kaso di pa rin siya lumingon. Ba naman 'to. "KENJEL ANN FALCON!" Nilakasan ko na. Napalingon tuloy yung ibang nadaan. Talaga naman oh.

Pero napalingon din sya. Dun ko naman na-realize na naka-earphones nga pala sya. Tinanggal nya yun tapos nilingon nya ako habang may nginunguya na sa tingin ko eh bubble gum. Hinihintay nya yung sasabihin ko habang nakatingin sa 'kin. Mukha pa nga syang inaantok habang nanguya ng bubble na nakatingin sa akin.

"Sa'n ka pupunta? Bawal pang umuwi." Sabi ko naman sa kanya.

Tinaas nya yung kaliwang kamay nya tas tiningnan yung oras sa wrist watch nya. "Sinong may sabi? 3:30 na."

"Gusto mo na naman bang mapagalitan ng teacher? Pupunta dito si Sir bago magdismissal kaya bawal pang umuwi."

Ngumuya muna sya tapos nginisihan nya ako. "Oh? Magsumbong ka kung gusto mo. Gusto mo, samahan pa kita oh?"

What the---?

Bago pa ako sumagot, tumalikod at naglakad na ulit sya palayo habang sinusuot ulit sa tenga nya yung earphones. Napaawang naman yung labi ko habang sinusundan sya ng tingin na naglalakad na palayo. Grabe, anong klaseng estudyante yun?

Bigla namang may umakbay sakin. Pag tingin ko, nakita ko si Nelgen. Natatawa nga sya. "Ano, pre? Taob ka dun no?"

Tapos sumingit naman sa kaliwa ko si Kean. "Buti nga sinagot ka eh. Nung kinausap ko nga yun, aba, tinitigan lang ako?!" Tapos tumawa sya.

Napailing naman ako habang tinitingnan yung dinaanan ni Kenjel. Yun, yung unang beses na nag-usap kami. Yung totoong usap, well, kung matatawag ngang pag-uusap yon. At yung unang beses pa na yun eh napagalitan ako dahil may pinauwi raw akong kaklase!

Takte naman oh.

CHAPTER TWO

  Ewan ko ba kung ako lang o totoo pero pagkatapos nung unang beses na nagkausap kami, parang parati ko na syang nakikita. O ganun lang talaga? Sabi nga nila, kapag hindi mo naman raw kilala yung tao, kahit ilang beses mo namang makasalubong, hindi mo mapapansin kaya pag kilala mo na, sa tuwing makikita mo sya eh napapansin mo kaya akala mo, madalas na kayong nagkikita. Magulo? 'Ba, bahala na kayo dyan.

  Pero tuwing makikita ko naman sya sa classroom eh parating may nginunguyang bubble gum o kaya eh naka-earphones habang hawak yung phone niya.

  Third period na ng morning class nung lumabas ako ng classroom dahil pinapatawag na naman ako ng kung sinong teacher. Ito mahirap pag president ka eh. Ang dami mong responsibility. Though may advantages naman.

  Dahil may ginagawang giant painting sa hallway, medyo crowded kaya sa kabilang daanan ako pumunta. Gilid na 'to ng school na likod naman ng classroom namin. Bihira namang may dumaan dito dahil bukod sa tahimik, nakakatakot pa raw yung mga dahon at halaman na mahahabang nakadikit sa mataas na pader ng school.

  Pinupunasan ko yung salamin ko habang naglalakad nun. Nung pagtunhay ko naman, may natanaw ako sa dulo ng daanan na 'to. May babaeng nakatayo at nakatingala sa mataas na pader. Parang pamilyar nga siya sakin eh. Yung stunt nya eh parang kakalabanin yung pader tapos ang parang weapon pa nya ay yung bag nya na mukhang itatapon yata nya sa pader. Napangiwi naman ako at napahinto para alamin kung anong ginagawa nya. Sinuot ko yung salamin ko para makita yung mukha ng babae. Medyo malayo kasi kami sa isa't isa.

Anak ng. Si Kenjel 'to ah?!

  Ang totoo kasi, madali lang namang matandaan ng kahit sino sa campus si Kenjel. Laging nakatali yung mahaba at itim na itim nyang buhok tas may sidebangs sya na natatakpan yung kanang mata niya. Madalas pa syang naka-tee shirt lang at parating naka-sneakers. Kung mag-uniform man siya, nagsusuot siya ng itim na closed jacket. Higit sa lahat, NEON GREEN ANG BAG NYA!

  Nagulat nalang ako nang umatras siya at bigla niyang ihagis ang bag niya ng malakas. Sobrang taas nun at sa loob ng ilang segundo, nasa kabilang side na ng pader ang bag nya--sa labas na ng school. Pagkatapos nun, lumapit ulit siya sa pader at nagsimulang umakyat na parang langgam paakyat sa pader. Teka nga, balak ba niyang magcutting classes?!

  "HOY!" Sumigaw naman ako at mabilis na naglakad papunta sa direksyon niya.

  Napalingon naman siya sa akin. Walang ekspresyon yung mukha niya at mukhang hindi man lang nagulat. In short, parang wala siyang pakialam na malamang may nakakita sa kaniya! Binalik niya ang pokus sa ginagawa at mas binilisan pa ang pag-akyat.

  "Ano ba! Anong ginagawa mo?!"

  Mabilis din naman akong nakarating sa tapat ng pader kung sa'n siya naakyat. Dun ko din napansin na may mga ukit sa pader na pwedeng tapakan. Kaya naman pala nakakaakyat siya. Tiningala ko sya pero nag-iwas agad ako ng tingin dahil baka mapagkamalan pa akong manyakis! Maikli kasi ang school skirt at nasa mataas lang naman siya ngayon.

  Nilingon niya ako at saktong pagsulyap ko eh sinadya nyang igasgas ang sapatos niya sa bato kaya naman may mga nalaglag na buhangin. Naipikit ko ang kanang mata ko dahil may pumasok na buhangin. Yung kaliwa eh nakadilat para makita ko yung ginagawa nya.

  "Tsh. Manyakis." Narinig ko pang bulong nya.

  "Kasalanan ko bang maikli ang school skirt at nasa taas ka ngayon?! Bumaba ka nga dyan! Ano bang ginagawa mo?!"

  "Hindi ba halatang nag-o-over-da-bakod ako?" Kaswal na sabi nya.

  Sinimulan ko rin namang umakyat nang nakapikit pa rin ang kanang mata. Ang sakit pa rin ng mata ko dahil sa buhangin na pumasok. Napansin rin nya na nakasunod ako sa kanya. Bigla ba namang ibinaba ang isa nyang paa at sinipa ang isang kamay ko. Napabitaw tuloy ako.

  "Wag kang sumunod! Tanga!" At sinipa na naman nya yung isa ko pang kamay. Sinipa-sipa nya yung kamay ko kaya napatalon ako pababa. Muntikan pa nga akong matumba.

  "Bumaba ka dyan! Masamang record ang pagka-cutting, alam mo ba?!" Sigaw ko sakanya tapos magsisimula na naman sana akong umakyat nang lingunin nya ako.

  Nakakunot na yung noo nya nun. "Ba't ka ba nasunod?"

  Parang dun naman ako natauhan. Oo nga, ba't naman ba kasi ako nasunod? Engot naman oh. "B-Basta bumaba ka dyan! Dadalhin kita sa detention!"

  "Asa ka!" Sigaw nya pabalik.

  Dinilat ko na rin yung isang mata ko at nakita ko ng malinaw na nasa taas na sya nung pader. Nakatayo sya dun habang nakatingin sa akin na nasa baba na nakatingala naman sa kanya. Ngumisi siya sa akin.

  "Umalis ka na. Hinahanap ka na ng iyong minamahal na guro." Sinabi nya yun in a way to mock me.

  Dun ko naman naalala na oo nga pala, pinapatawag pa ako sa faculty! Nagulo ko bigla yung buhok ko nun. Tapos nakita ko namang tumalikod na si Kenjel at patalon na sya nun nung bigla ulit syang humarap sa 'kin.

  "At oo nga pala!" Napatingala ako sa kanya. "Wag kang pakialamero, nerd!" Ngumisi siya at bigla nalang tumalon.

  Napanganga naman ako nun habang tinitingala ang pader kung sa'n siya nakatayo kanina. Hindi ko alam kung sa'n magugulat. Kung sa pagtalon ba niya sa gan'to kataas na pader o... ang sinabi niya.

  Heck. What the hell did she just call me?!

CHAPTER THREE

  "Mom, I'm already 16." Sabi ko kay Mommy bago sinubo ang huling piraso ng toasted bread na niluto niya.

  Pinagpatuloy naman ni Mommy ang paglalagay ng chocolate syrup sa niluto niyang pancake para sa kapatid kong si Vina.

  "Exactly, Victorino Kennedy. You're 16. Still underage." Tonong nagsasaway naman na sabi ni Mommy.

  "Kennedy. Kennedy. Kendi. Kendi. Candy. Candy!" Kinanta-kanta naman ni Vina ang pangalan ko hanggang sa mauwi iyon sa 'candy'.

  Napaangat ang isang sulok ng labi ko at inambahan syang babatuhin ng hawak kong kutsara. "Tumigil ka nga." Saway ko sa pang-aasar niya.

  "You know what? Mom's right. You can't use a motorbike just yet." Singit naman ni ate Via habang nilalagyan nya ng nutella yung tinapay nya. Siya yung panganay sa 'ming tatlo.

  Nasa almusal kami no'n nang umupo sa isa sa mga upuan si Daddy saka sinimulang basahin ang dyaryong nakalapag sa mesa.

  "Ano na naman bang hinihingi nyan ni Kennedy, 'My?" Tanong ni Dad kay Mommy.

  Sumagot naman si Mommy. "Eh itong nag-iisa mong lalaki eh. Gustong gamitin ang motor papuntang eskwelahan."

  Tiningnan ko naman ang magiging reaksyon ni Daddy. Sinulyapan ako ni Daddy na parang nagdedesisyon tapos tiningnan nya si Mommy.

  "Hayaan mo na, Mommy. Binata na ang lalaki natin oh."

  Napa-yes naman yung kamao ko sa ilalim ng mesa. Kaya okay ako dito kay Daddy eh. Tiningnan naman ako ni Mommy na obvious namang disapproved kaso pumayag si Daddy.

  "Dad, ibabangga nya lang yan." Inikot pa ni ate Via yung mata nya.

  "Hay naku." Kunsumido namang sabi ni Mommy.

  "Kayo talaga oh!" Ngumiti naman ako kay Daddy na kumindat sa 'kin ng nakangiti. "Thanks, Dad!"

  Tumango lang sya ng nakangiti. Si Mommy naman, nagmamaktol na inilagay sa tabi ko ang susi ng motor. Nakanguso pa nga sya nun. Halatang napipilitan.

  "Oh basta. Ayusin mo, Victorino Kennedy. Malilintikan ka sa 'kin kapag may nangyaring hindi maganda. Malinaw?" Nakataas ang dalawang kilay na pagpapaliwanag ni Mommy.

  Napakamot naman ako sa likod ng tenga ko ng nakangiwi. "Oo, 'My. Pero wag nyo naman na akong tawagin sa buong pangalan ko, pwede? Masyadong makaluma eh."

  Tinaasan naman nya ako ng dalawang kilay. "Anong makaluma? Ang ganda-ganda nga ng pangalang ibinigay ko sa 'yo!" Oo ma, sa panahon niyo.

  Pagkatapos ng almusal na 'yon, nagpaalam na rin ako na aalis para pumasok ng school. Alas sais ng umaga palang at ganito talaga ako kaaga. Ewan, nakasanayan na rin. Natuwa pa ako dahil magagamit ko na rin yung motor papuntang school. Madalas kasi eh alas siete na ako nakakarating kahit alas sais okay na ako dahil hinihintay ko pa si Daddy kasi hinahatid niya kami nina ate Via at Vina.

  Pinasok ko naman sa parking lot ng Mysterecy High ang motor ko. Bandang unahan ko nalang nilagay para hindi na hassle pag pauwi. Nilagay ko naman sa bulsa ko yung susi at kinuha ko yung bag ko.

  Paalis na sana ako ng parking lot nang may marinig akong umungol. Yung pang-horror pa. Shet, ang aga aga ah. Nagtayuan bigla tuloy lahat ng balahibo ko. Ang tahi-tahimik kasi dito tapos walang katao-tao. Napalingon ako sa dulo para makita kaso ang dami namang sasakyan. Hindi ko alam kung saan mismo nanggaling. Naman oh! Binalik ko na yung tingin sa daan at magpapatuloy na sana ulit nang may umungol na naman. Nagsitayuan na naman ang mga balahibo ko sa katawan. Shet naman. Ba't ba ako natatakot? Kalalaki kong tao oh.

  Nilingon ko ulit yung dulo. Pupunta ba ako? Nakatingin lang ako nang may umungol ulit. Dalawang beses naman na magkakasunod. Pero may narinig na akong salita na parang 'Tama na'. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi naman pala multo.

  Naglakad ako papuntang dulo para makita kung anong meron. Tumingin ako sa kaliwa't kanan at nakita ko sa kaliwang side na may dalawang lalaki sa sahig na mukhang namimilipit sa sakit. Nasa pagitan sila ng dalawang itim na kotse. Anong nangyari sa mga 'to?

  Maglalakad na sana ako palapit nang may lumabas galing dun sa gilid ng sasakyan na babae. Nakatalikod sya sa 'kin kaya hindi niya ako nakikita. Black closed hoodie, neon green bag, sidebangs at high black socks. Si Kenjel 'to ah? Nung medyo magside view siya, nakita kong ngumunguya na naman sya ng bubble gum tapos yung dalawang kamay nya, nasa bulsa ng jacket niya.

  Walang ekspresyon na naglakad sya palapit dun sa dalawang nasa sahig tapos sinipa nya yung isa sa mga lalaki sa sikmura. Ang lakas no'n ah?! Umungol yung sinipa nya at namilipit sa sakit. Dun ko nalamang dun nanggagaling yung ungol. Lumapit naman sya dun sa isa pa at sinipa rin nya sa tagiliran. Nagpagulong-gulong yung lalaki sa sahig habang namimilipit.

  Napaatras pa ako nang sipain niya na naman yung dalawa. Nasa bulsa nga lang ng jacket niya yung kamay nya pero halatang sobrang lakas ng sipa niya dahil halos mapatalon paatras yung katawan nung dalawa. Idagdag pa na ang lakas nung tunog ng kada sipa nya. Nanlalaki yung mata ko nun habang nakaawang ang labing nakatingin sa kanila.

  Tinitignan lang niya yung dalawa na namimilipit sa sakit habang naungol sa sahig. Puro pasa na nga yung dalawa. Siya kaya bumugbog sa mga yan? Hindi siya nagsalita, tinalikuran lang niya yung dalawa kaya nakita niya na nakatayo ako do'n halos apat na dipa ang layo galing sa kaniya. Mukhang hindi naman siya nagulat. Mukha nga siyang walang paki. Nagdire-diretso pa siya sa paglalakad. Nakatingin lang siya sa akin habang naglalakad siya at ganun din ako sa kaniya. Tapos huminto siya sa harap ko.

  Ang liit nga talaga niya. Siguro hanggang dibdib ko lang siya. Kaya tumingala siya para tingnan ako. Hindi pa rin ako makapagsalita nun. Hindi kasi talaga ako makapaniwala. Tapos bigla nalang niyang dinura yung bubble gum sa gilid saka niya ako nilagpasan. Binangga pa niya yung balikat ko.

  "Nakaharang ka." Sabi niya na hindi mo naman malaman kung inaantok ba o naiirita.

  Nung pagtapos ng ilang seconds, saka lang ako napalingon sa kanya. Naglalakad sya nang medyo malayo na. Grabe. Nakaawang ang labing napailing nalang ako. Ni wala man lang siyang konsiderasyon sa presensya ko.

  "P-Pre, t-tulong.."

  Napalingon naman agad ako dun sa dalawang lalaki at napatango. "Ah! Oo." Lumapit naman ako sa kanilang dalawa.

  Pagkatapos kong dalhin yung dalawa sa clinic, dumiretso na rin ako sa classroom. Hindi pa 'ko nakakatungtong ng classroom, tinanong na ako ni Sir kung ba't ako late. Sinabi ko namang may mga dinala lang ako sa clinic. Pagsabi ko nun, sinulyapan ko si Kenjel. Halos magkatabi lang kami dahil nasa pintuan ako at yung upuan niya eh katabi lang nitong pintuan. Kaso pagtingin ko, nakatungo na naman siya sa desk niya.

  Pinapasok naman agad ako. Pag-upo ko nga, tinanong agad ako ng dalawang mokong kung nambugbog raw ba ako. Tumawa tuloy ako at sinabing 'mukha ba akong nambubugbog?'. Kaso ako mismo, parang gustong kontrahin yung sarili ko. Kasi naman, si Kenjel, kababaeng tao at ang liit-liit pa, akalain mong binugbog nya yon? Eh anak ng tokwa. Imposible namang hindi sya eh tatlo lang sila dun kanina?

  Nung pangalawang subject eh nagkaroon ng bagong teacher. Ewan, di pa daw maayos yung schedule ng teacher samantalang dalawang linggo nang nagsimula ang klase! Mabait naman yung bagong teacher. Lalaki siya na malambot. Haha, alam nyo na yun. Puro tawanan na nga kami sa classroom dahil kung anu-anong sinasabi niya na nakakatawa naman talaga.

  "Hindi ba nakakatawa ang mga jokes ko?" Tanong pa nya. Sumagot naman yung iba na hindi. Tinuro ni Sir yung dulong upuan sa unang linya. "Eh ba't hindi siya natawa?"

   Napalingon naman kaming lahat sa kung sinong tinuturo ni Sir. Si Kenjel pala. Nakasalumbaba sya habang nakatingin lang kay Sir na akala mo eh si Sir yung visual version ng lullaby dahil antok na antok na siya.

  Lumapit naman sa kaniya si Sir at nginitian siya. "Ang aga-aga, pang-biyernes santo ang mukha mo, hija."

  Nagtawanan naman yung klase dahil sa sinabi at tono ni Sir. Kaso yung mismong binibiro eh wala man lang reaksyon. Literal na nakatingin lang siya kay Sir nang nakasalumbaba. Walang nagbago sa reaksyon niya. Amfufu.

  Tumawa nalang din si Sir tapos tinanong nya kung anong pangalan ni Kenjel. Eh itong mabait namang estudyante eh hindi sumagot kaya yung seatmate nya ang nagsabi na Ken ang pangalan niya. Napatingin naman nga sakin nun si Sir dahil alam nya yatang Ken ang pangalan ko kaya nilinaw ng kaklase ko.

  "Sir, siya." Tinuro niya ako gamit yung daliri nya sa kaliwang kamay. "Kennedy." Tinuro naman niya si Kenjel gamit yung daliri nya sa kanang kamay. "Ito, Kenjel Ann." Tapos pinagdikit nya yung dalawang daliring pinanturo nya sa amin. "Ken sila parehas."

  Sa hindi malamang dahilan, nagsipag ayiee naman yung klase. Tapos ito pang si Kean eh tinutulak ako. Ngumiti nalang ako. Pero sa totoo lang, anong nakaka-ayiee do'n?

  Dahil nga bagong teacher si Sir, pinabigay naman kami ng 1/4 sheet of paper na sinulatan namin ng pangalan, age, address at hobby. Meron lang daw syang limang bubunutin para magpakilala. Akala ko nga hindi na ako matatawag pero nung pang-apat...

  "Victorino Kennedy Torres." Tinaas nya yung papel tapos tiningnan nya 'ko. "Be the fourth to introduce yourself."

  At dahil nga may mga tropa akong masyadong 'supportive', tinulak na nila ako patayo. Pumunta naman agad ako sa unahan para nga ipakilala ang sarili ko. Takte naman oh. Ano ba 'to, first day of elementary classes?

  "Everyone probably know me by now since most of you are already my classmates for three consecutive years." Simula ko. Ngumiti naman ako. "I'm Ken Torres. 16 years of age. I'm from Mars." Nagtawanan naman yung mga kaklase ko dahil sa sinabi kong address. "Well, I'm into sports and books. My sport is basketball and my favorite book is 'The Painting of Dorian Gray.' Yeah, ang weird siguro na kalalaki kong tao eh mahilig akong magbasa. But weird things make us unique, right?" Yun lang tapos umupo na ako.

  Yung panglima naman, binunot na rin agad ni Sir tapos binuklat nya para basahin kung sino. "Oh, guess who?" Nakangiti siya nun tapos tumingin sya kay Kenjel. "It's Kenjel!"

  Nung tingnan ko si Kenjel, nakakunot yung noo nya nun tapos sumagot siya. "Hindi ako nagpasa ng papel." Tsh, ayos din 'to makipag-usap eh.

  Natawa naman si Sir. "Honestly, gusto ko lang talagang itong batang ito ang magpakilala."

  Pinilit sya ni Sir. Aalis nga sana sya gaya ng ginawa nya dati kay Mrs. Vergara pero mapilit si Sir hanggang sa wala na syang choice kundi ang nakasimangot na tumayo sa unahan. May nginunguya na naman nga syang bubble gum eh.

  "Ken Falcon. Pwede na kong umupo?"

  Tsk, tsk. Ibang klase.

CHAPTER FOUR

  "Pre, anong kulay ng Math notebook mo?" Tinanong naman ako ni Kean kung nasan yung bag ko dahil kokopya na naman raw sila ng Math na activity.

  Vacant hour na naman kami nun. Tamad kasi pumasok 'tong teacher namin. Ako naman, pinagpapatuloy ko yung sketch na output sa MAPEH namin kaso dahil ang likot ng katabi ko, sinagi ba naman ako kaya nagkaroon ng pilas sa papel dahil sa biglaang pagslide ng lapis.

  Nabadtrip naman nga ako kay Nelgen dahil sa pagsagi nya pero tapos na rin naman. Tumayo nalang ako para itapon yung papel. Nakita kong may mga dalawang female students sa labas ng pintuan. Sa tabi lang nila yung trashbin kaya nung nagtapon ako, narinig ko pa yung sinabi nila.

  "Be, nasaan dito si Ken?" Mukhang kinakausap yata nila si Kenjel dahil sya lang naman yung nakaupo sa tabi ng pintuan.

  "Ilang taon ba ako sa tingin mo para tawagin mong be?" Narinig ko namang sagot ni Kenjel. Imba talaga 'to.

  Kaya lumapit naman na ako sa mga estudyante. "Sino bang Ken ang hinahanap nyo?" Tanong ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin. Tinuro ko si Kenjel. "Kenjel kasi sya. Kennedy ako." Tinuro ko yung sarili ko.

  Ngumiti yung isang babae. "Ikaw, kuya. President ka ng Class 4-1 diba?" Sabi nya.

  Tumango naman ako nun. Pinapupunta naman pala ako sa Student Council. Pinapatawag raw ako ng President ng Student Council. Ba't naman kaya? Wala naman kasi akong masyadong ginagawa sa Student Council dahil Fourth Year Representative lang ako. Madalas, pag year level meeting lang naman kasama ang mga representative.

   Pagdating ko naman dun, pinapasok agad ako sa office ng President. Yung president naman namin ay parang bata lang na mukhang manika. Sophomore palang kasi siya. Pero okay naman kasi yung pamamalakad nya sa Mysterecy High sa loob ng dalawang taon kahit na grade 8 palang sya kaya walang problema.

  "Uhm. Okay lang bang ikaw muna magbantay sa Detention Room? May pupuntahan kasi ako." Sabi sa akin ni Barbie pagdating ko dun.

  Natawa tuloy ako. "Kahit hindi naman okay, required akong sabihing oo dahil president ka diba?"

  Tumawa din sya tapos napakamot pa sya ng ulo nya. Binigay naman nya sa 'kin yung susi at listahan ng oras ng mga estudyanteng nasa Detention Room tas may mga papunta palang. Hintayin ko lang daw dumating tas i-lock ko nalang at balikan ko pag natapos yung oras nila. Inexcuse na rin daw nya ako sa klase.

  Pumunta na rin naman ako sa Detention Room. Sa maliit na desk pagpasok ng Detention Room naman ako umupo. Pagdating ko nga, dalawa lang yung andun. Based sa kulay ng border ng plate name nila eh mga freshmen pa. Ang boring naman nito.

  Ang totoo, nakakatakot pumasok sa Detention Room. Madalas kasi, yung mga napupunta dito eh yung mga siga talaga sa campus. Mga fifth year--especial year sa Mysterecy High. Kaya siguro, dapat matuwa na ako na walang gulo dito. Mismong detention kasi, nagiging crime scene.

  Paulit-ulit kong tinatap yung desk gamit ang dulo ng ballpen ko nang bigla ba namang may sumipa ng pintuan. Sa gulat ko, muntikan na akong matumba sa pagkakaupo at napahawak pa ako sa dibdib ko. Takte naman. Sino ba 'yon?!

  Hinintay ko 'yung pumasok at hindi ko alam kung magugulat pa ba ako nang malaman kung sinong pumasok. Suot na naman nya yung black hoodie nya at nasa bulsa nun yung dalawang kamay nya. Syempre, yung bangs nya, nakaside tapos natatakpan yung kanang mata nya. Kahit nakatali yung maitim nyang buhok, umabot yun hanggang gitna ng likuran nya.

  Hindi ko naman sya makapaniwalang tinitigan na dire-diretsong naglakad papasok. Nakapoker face habang ngumunguya ng bubble gum. Nung mapansin nya ako, lumingon siya sa akin. Napalunok ako dahil mukhang badtrip siya. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa saka sya nagsalita.

  "Anong tinitingin-tingin mo?" Maangas na tanong niya.

  Bago pa 'ko sumagot, nagpatuloy na sya sa paglalakad. Nung dumaan naman sya dun sa dalawang freshmen na tulad ko eh nakatingin sa kaniya, sinipa nya bigla yung isa sa mga upuan malapit sa dalawa na nagitla naman.

  "Mukha ba akong artista at kayo ang kamera?!" Gusot na gusot yung mukha nya nun.

  Hindi naman nakasagot yung dalawang freshmen na halatang natakot. Napaangat ang isang sulok ng labi ni Kenjel bago siya dire-diretsong sumalampak sa dulong upuan ng detention room. Tinaas nya ang dalawang paa at inilagay yun sa desk na nasa harapan nya. Hindi nya inalis sa bulsa nya ang kamay nya at tumingala sya para i-rest yung leeg nya sa upuan saka pumikit.

  Napabunga ako ng hangin dahil sa relief. Grabe, bumilis yung tibok ng puso ko dun. Ano bang problema ng dagul na 'yon. Napangiwi ako. Buti nalang hindi sya nakakabasa ng isip. Kundi baka nasa clinic na ako ngayon. Pero naisip ko lang...

  Maliit naman kasi talaga siya. Pft.

CHAPTER FIVE

  Sa isang klase, may mga masasabi mong 'matalino' o 'sikat'. Merong madalas na ma-bully. Meron din namang masyadong mga tahimik kaya hindi gaanong kapansin-pansin. Merong sobrang iingay may teacher man o wala. At hindi naman talaga mawawala yung mga pasaway. Yung pala-cutting at madalas na bisita ng Discipline Office o suki ng Detention Room.

  Sa nakaraang tatlong taon ko sa pagiging high school, dahil palagi akong nasa star section, wala gaanong pasaway na students. Kung meron man, madali kong nasasaway. Kaya medyo magaan ang pagiging Class President ko nun pagdating sa paghahandle ng mga kaklase ko.

  Pero ito naman ngayong huling taon ko na sa high school, saka naman sumasakit ang ulo ko dahil sa transferee na 'yun. Pa'no, palaging sa akin siya inuutos ng mga teachers dahil ako nga raw ang 'president'. Tsk.

  "Alam nyo, Class 4-1. Okay kayo eh. Maayos ang klase nyo. Kayo ang best class ng taon sa level niyo. Pero iyon ay kung..." Nagcross arms si Mrs. Vergara tapos sumulyap sya sa dulong upuan ng unang linya. "..kung wala kayong pasaway, walang modo at tatamad-tamad na estudyante."

  Pinaparinggan na naman niya si Kenjel. Hindi niya talaga gusto si Kenjel. Pagkatapos ba naman syang sagutin ng transferee na yun sa second day ng klase? Isa pa, sino nga bang matutuwa sa ugali ng babaeng yun?

  "Class." Inikot ni Mrs. Vergara yung tingin niya sa klase. "To be able to success in life, the most important to do is to respect and learn to follow the rules and regulations wherever you are." Tapos lumingon na naman sya kay Kenjel. "Dahil kung hindi nyo kaya 'yon, paano kayo makakahanap ng mga taong tutulong at makakasama ninyo?"

  Gusto ko na ngang mapailing. Nagsasayang ka lang ng laway, Ma'am. Pa'no ba naman, yung pinaparinggan nya ay wala namang pakialam sa kaniya. Nakapatong yung ulo ni Kenjel sa braso niya na nasa desk at kitang-kita ni Mrs. Vergara kung gaano kahimbing ang pagtulog niya.

  Bumulong naman si Kean sa 'kin. "Tigas din ni Falcon, eh 'no?" Tapos medyo natawa siya.

  "RAMOS!"

  Biglang napatayo si Kean nang isigaw naman ni Mrs. Vergara ang apelyido niya. Gusto ko sanang tumawa kaso baka pati ako eh mapag-initan. Patay kang loko ka.

  "Y-Yes, Ma'am?" Tanong ni Kean.

  Tinaasan siya ng kilay. "Anong tinatawa-tawa mo?" Tapos tinuro niya si Kenjel. "Ano? Gagaya ka pa sa bastos mong kaklase? Na nandito na ko't lahat-lahat eh ang lakas pa rin ng loob na matulog?"

  Napalingon kaming lahat nang biglang magsalita si Kenjel habang nakapikit at nasa ganoong pwesto pa rin.

  "Pwede nyo naman akong palabasin kung ayaw nyo sa 'kin. Hindi yung nanggigising kayo gamit ang pagsermon."

  "W-What?!" Hindi makapaniwalang sigaw naman ni Mrs. Vergara sa kaniya. Nagpameywang sya habang nakatingin kay Kenjel. Parang wala na nga syang masabi sa sobrang inis at gulat sa ugali ng isang estudyante.

  Bigla namang nag-unat si Kenjel kasabay ng paghikab na akala mo, bagong gising lang sa bahay nila. Tiningnan niya si Mrs. Vergara at tinuro ang buong klase.

  "Hindi nyo ba nakikita? Naboboring na ang klase sa pagsermon nyo. Nasa school tayo, wala sa simbahan. Ba't hindi nalang kayo nagmadre? Tutal panay ang sermon ninyo." The fuck?

  Hindi naman na makapagsalita nun si Mrs. Vergara habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya. Pulang-pula na nga yung mukha nya sa inis at ang nagawa nalang nya ay ang galit na sigawan si Kenjel.

  "GET OUT! NOW!"

  Wala namang pag-alinlangang tumayo si Kenjel at sinukbit sa isang balikat nya ang bag nya saka inilagay sa bulsa ng hoodie nya ang dalawang kamay.

  Tiningnan nya si Mrs. Vergara mula ulo hanggang paa. "Tsh. Akala mo naman gusto ko yung subject mo." Tapos tumalikod na sya. Itinaas nya pa yung isang kamay nya. "Paalam!" At tuluyang lumabas.

  Pabagsak pa nga nyang sinara ang pinto. Bago pa yun sumara, nakita pa namin syang tinaas ang dalawang kamay at sumigaw ng Sa Wakas!.

  Nakangiwing napatingin ako kay Kean para bumulong. "Pre, pa'no ba yun naging qualified sa section one?"

  Nagkibit-balikat sya tas tinanong yung katabi nyang babae at tumingin na naman sa 'kin. "Pre, tang*na, 96 daw average ng grade nun?!"

  Pati si Nelgen na nasa kanan ko ay napalingon. "The hell. Di nga? Seryoso?"

  Ang tindi.

  Pagkatapos ng period ni Mrs. Vergara, pumasok na ulit si Kenjel. Pero hindi naman sya nakinig. Tss. Katulad ng ginagawa nya sa klase ni Mrs. Vergara, buong period lang syang nakatungo sa desk nya. Ang totoo, bihira naman syang umabsent---or bihira magcutting rather. Pero ganyan sya kaya more or less, mas tama syang tawaging ghost student.

  Nung P.E., ginrupo naman kami sa apat para daw sa ipeperform na sayaw bukas agad. Social dancing yun at napunta ako sa group one. Anim kami sa grupo at ako na naman ang ginawa nilang leader. Supposed to be eh tig-aanim dapat sa isang grupo kaso dahil 25 kami, may isang naiiwan. At si Kenjel yun. Nung nagcounting kasi, lumabas sya para magCR.

  "Okay. Class, who wants to recruit Miss Falcon to your group?" Tanong sa 'min ng MAPEH Teacher namin.

  Para namang may kuliglig nung mga oras na yun dahil biglang tumahimik yung room. Si Kenjel eh nanguya ng bubble gum tas may hawak na cup ng juice habang yung isang kamay, nakalagay sa bulsa ng palda nya. Mukha nga syang walang paki.

  "Class 4-1." Tawag pansin ng teacher namin. Wala kasi talagang nasagot.

  "We'll take her." Narinig ko nalang nun yung sarili ko na sinabi yun. Nagtinginan naman yung mga kagrupo ko sakin. Ba't ko nga ba sinabi 'yon? Tsk.

  "Pre, ba't mo sinama? Patay tayo nyan eh." Bulong pa sa 'kin ni Nelgen nun.

  "Naman oh. Hindi mo ba alam na si Ken yan, Ken?" Nakangiwing sabi ni Jona. Tapos kinumpas nya yung kamay niya, "I mean, si Kenjel 'yan, Kennedy. God, ba't ba kayo nagkaparehas ng pangalan eh ang layo-layo naman ng ugali niyo? Napakaopposite! Sa pangalan lang kayo magkaparehas."

  Hindi naman na ako sumagot. Basta kasama sya sa grupo namin. Nung magtama naman yung paningin namin, aba, ang ginawa lang nya ay tanguan ako. Yung maangas na tango pa! Tsh. Hindi man lang magawang ngumiti bilang pasasalamat. Pero ngayong naisip ko yun, para ngang hindi ko pa nakikitang ngumiti ang babaeng yun. Parati naman kasi syang mag-isa. Kung may lumapit man sa kanya, sinisigawan nya o di kaya, tititigan niya lang. Geez.

  Pagtapos naman kaming i-grupo, sinabihan kaming mag-usap usap nalang tungkol sa gagawin. Nagset na rin naman ako ng date para sa grupo kung kelan magpapractice at kung saan. Kaso si Kenjel naman eh hindi naman pumunta sa 'min. Ni hindi nagtanong. Nung sinabihan ko si Jona na sabihan nya, ayaw naman nya. Pati yung iba eh ayaw.

  "Ako? Kakausapin 'yon? Hindi nga nagsasalita 'yon eh." Yun pa nga yung sabi ni Kevin sa 'kin.

  "Oo nga, Ken. Tititigan lang kami nun. Ayokong mapahiya ah." Dinagdagan pa 'yon ni Yna.

  Tinap ako ni Kean sa balikat. "Pre, tutal ikaw naman ang leader, ikaw ang nagpasok sa kaniya at ikaw lang ang nakakausap niya--este nasisigawan niya kahit papaano ng sagot, ikaw na ang pumunta don."

  Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang ako lang talaga yata ang maaasahang sabihan sya.

  Tumayo naman ako sa upuan ko at lumapit sa upuan nya.  Nakatingin sya nun sa labas ng bintana at may suot na earphones. Nakatayo lang naman ako sa harap nya. Teka nga, ano bang approach ang gagawin ko? Aish. Bago pa ako magsalita, napansin na nya ako. Tumingala sya sa 'kin at bigla nalang nagusot yung mukha nya nun. Ano namang meron sa mukha ko ang kagusot-gusot ng mukha ng iba?

"Ano.." pagsisimula ko naman. "Tungkol sa Social Dancing, mamaya yung prac---"

  Bigla syang tumayo. Tinanggal nya yung earphones sa magkabilang tenga nya saka nilagay na naman sa bulsa ng jacket nya yung kamay nya. Nakasimangot sya sakin tapos may kinuha sya sa bulsa ng jacket nya. Bubble gum. Binalatan at sinubo nya yun sa harap ko tapos bigla naman syang nagsalita habang nanguya.

  "Tingin mo ba, may balak akong umattend?" Ang sarcastic ng pagkakasabi nya nun nang poker face yung mata tas medyo nakangisi.

  "Ha?" Yun nalang nasabi ko dahil wala talaga 'kong masabi. Nakakaloko talaga ang isang 'to. Pero... Oo nga naman kasi, Ken.

  Nawala yung ngisi nya at sumimangot ulit. "Tsh." Napaangat pa yung isang sulok ng labi nya. "Mukha kang tanga."

  What?!?

  Nilagpasan nya ako. Binangga pa nya yung balikat ko kasabay ng pagsigaw ng 'Tabi nga! Paharang-harang eh!'. Nagsipaglingon tuloy sa direksyon namin yung mga kaklase namin. Siya naman, dire-diretsong lumabas ng classroom. Hindi man lang sya napansin ni Sir.

  Napakamot nalang ako ng ulo nun. Mali ata talaga yatang sinama ko sya sa grupo namin. Imbes na magpasalamat, ganun pa.

  Bumalik nalang ako sa upuan ko. Tinawanan nga ako nina Kean. Pero okay na yun dahil hindi naman daw talaga nakikipag-usap si Kenjel at swerte na ako na kinausap nya. Tsh, swerte?! Swerte, my ass.

  Nagtuloy-tuloy naman yung morning class. Hindi na nga pumasok pa sa mga sumunod na klase si Kenjel. Ewan ko ba. Napapalingon ako nang napapalingon sa upuan niya. Anla, baka lang kasi may dumating para hanapin ulit ako, diba?

  Nung lunch break naman, nag-usap usap nalang kami ng mga kagrupo ko kung saan at anong oras magpapractice mamayang uwian. Pagka-ala una ng hapon, nagsimula na ulit yung klase nang Values ang subject.

  Parang nagulat pa nga ako nung pagpasok ko ng classroom, nakatungo na sa upuan nya si Kenjel. Nasa tabi lang naman ng pintuan yung upuan niya kaya mapapansin talaga ng kahit sino pagpasok. Late naman pumasok nun yung subject teacher namin at nagpasulat lang. Sinita naman nya si Kenjel dahil hindi raw nagsusulat at natutulog pa sa klase nya mismo na Values. Si Kenjel naman, mukhang naingayan kaya nagsalumbaba nalang imbes na matulog.

  "Everyone's writing except you, Miss Falcon. Get your notebook and jot down notes!"

  "Buti nga, hindi na ko natutulog eh." Sagot naman ni Kenjel. Mahina lang yun. Parang hindi naman nya intensyon na sabihin mismo sa teacher kundi sa sarili lang nya. Dahil tahimik, medyo rinig namin.

  Wala naman nang nagawa yung teacher namin at sinabing puputi raw agad ang buhok nya sa batang yon. Hindi ko na nga lang pinansin at nagpatuloy sa pagsusulat. Ba naman 'to. Ba't ba nirerequire pa ang notes bilang pang-attendance? Badtrip eh.

"Ken." Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Si Helen, kaklase ko. "Nakita mo ba si Ken?"

 Napa Ha? naman ako dun. Hindi ko kasi alam kung nagbibiro ba sya eh seryoso naman yung mukha nya. Pero nung ma-realize ko naman na si Kenjel ang hinahanap nyang Ken, natawa ako at sinabi ko namang wala.

  "Ba't sa 'kin mo hinahanap?" Natatawang tanong ko.

  Natawa din sya. "Wala. Class President ka diba? Every subject, chinicheck mo yung attendance." Ganon ba yun?

  Tinanguan ko nalang sya nun. Tapos kinuha ko yung hallway pass sa bag ko at lumabas ng classroom. Naiihi na naman ako. Buti nalang malapit lang yung rest room sa 'min.

  Nung pabalik naman na ako sa classroom, nadaanan ko yung Science Building. Nasa dulo na sya ng school. Pero hindi sya nakadikit halos sa pader ng Mysterecy High dahil merong garden dun na katabi ng pader. Bihira naman yung tao dun dahil bukod sa masyadong maraming puno, dulo na. Nakakatakot raw.

  Pero nakita ko dun si Kenjel. Nakaupo sya dun sa isa sa dalawang lamesa at natutulog sya nang nasa braso ang ulo. Tsk. Nagcutting sya para lang matulog? Ako naman bilang presidente eh pumasok sa garden at umupo sa upuang kaharap ng kanya.

  "Ayoko ng istorbo." Nagulat ako nang magsalita sya pag-upo ko palang.

  Tumikhim ako at nagsalita. "Ba't ganyan yang ugali mo?" Ewan ko ba at nagkusang maging rude yung tono ng boses ko. Tsk. Parang na-guilty naman ako na nagtonong bastos ako.

  Dun naman sya dumilat at inangat ang ulo nya para tingnan ako. Ang singkit pa ng mata nya dahil mukhang galing talaga sya sa tulog. Nakakunot na naman yung noo nya sa 'kin at nakasimangot.

  "Anong pakialam mo?"

  "Hindi mo man lang ba magawang gumalang? Kung pagalitan ka, ba't di ka nalang manahimik?" Tanong ko sa tonong nangangaral.

  Napa Tsh naman sya tapos siniring yung tingin sa kanan saka binalik ulit sa akin. "Ba't ka ba nandito? Bumalik ka sa lungga mo, nerd. Magsaya ka kasama ng mga libro."

  Aba'y matinde. Siya palang. Siya palang talaga ang tumawag sa 'kin ng nerd! Sabi ng iba, hindi naman raw ako mukhang nerd dahil sa fashion ko. Socialite din ako. Isa pa, bagay sa porma ko ang frame ng glasses.

  Kinalma ko naman yung sarili ko bago sumagot ulit. "Simpleng 'po' at 'opo', hindi mo kaya. Diba simula pagkabata, tinuturo na yon? Ganyan ka din ba sa mga magulang mo?" Ba't ko nga ba nilelecturan ang isang 'to?

  Halos magitla ako nang bigla naman nyang ibagsak ng malakas yung dalawang kamay nya sa lamesang pumapagitan sa 'min kasabay ng pagtayo.

  "Pwede ba?" Medyo mataas yung tono nya nun. "Kung wala kang matinong sasabihin, puwes umalis ka." Sobrang talim na ng tingin nya sa 'kin at napagkikiskis nya na yung ngipin nya sa inis.

  Bigla naman akong napalunok habang nakatingin lang sa kanya. Hindi ko kasi alam ang sasabihin. Shet naman. Did I hit below the belt? Napabuntong-hininga ako at tumayo. Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa bulsa ng pants ko. Nilalamig kasi. Kinakabahan ba ako? Ewan, para akong biglang napahiya sa mga pinagsasasabi ko.

  "Fine, pasensya na. Ge." Tapos nilagpasan ko na sya at naglakad palabas ng garden.

  Nung makalabas naman ako, nilingon ko yung direksyon nya. Nakatingin pa rin sya sa 'kin ng matalim pero nang magtama yung tingin namin, tinalikuran na nya ako at naglakad palapit sa isa sa mga puno. May isa pa akong napansin, ang higpit ng pagkakasara nya ng kamao nya.

  Geez. Ano ba namang sinabi mo, Kennedy?!

CHAPTER SIX

"Miss Bawalan! Saglit po!"

Hinabol ko yung Filipino Teacher namin dala yung pinapasa kong Filipino Report. Buti nalang huminto sya at naabutan ko sa tapat ng building ng isang puno na nasa unahan ng isang building dito sa gilid ng ground.

"Mr. Torres. Deadline is deadline. Kung estudyante ka palang, hindi mo na pinapahalagahan ang deadline, paano nalang kapag nagtatrabaho ka na?"

"Pero Miss---"

Tinap nya ako sa balikat. "Let's make it good next time, okay? I'm going." Ngumiti sya at iniwan ako dun.

Badtrip naman oh! Nagusot naman yung mukha ko. Nonsense na ni-rush ko 'tong report na 'to. Hindi ba nya naiintindihan na bilang presidente ng klase, parte ng Student Council at athlete ng school, ang dami kong kailangang gawin to the point na nauubusan ako ng oras?

Bagsak yung mga balikat ko nun nang nagulat ako dahil bigla nalang may tumalon galing sa itaas ng punong katabi ko. Pagtingin ko, nakita ko si Kenjel na nakahawak sa lupa habang naka-half bend knee. May dinura sya sa gilid, parang bubble gum. Mukhang sya yung tumalon. Ang taas nun ah? Natatakpan na naman ng bangs nya ang kanang mata nya. Naka-black shirt sya. Mukhang hindi nya ako napansin dahil dire-diretso syang umalis.

Buti pa yun. Parang walang problema sa mga grades nya. Ni hindi naman pumapasok.

Bumalik nalang ako ng classroom. Pagdating ko, nandun yung homeroom teacher namin at kinausap ako. Sinabihan nya akong i-monitor si Falcon dahil sya lang ang pasaway na estudyante ng section one. Oo nalang ako ng oo.

Sunod na subject eh yung MAPEH namin. Pinresent namin yung social dance at nung yung grupo na namin, napansin ni Sir wala si Kenjel sa mga magpeperform. Sinabihan nya si Kenjel na tumayo at sumama sa 'min. Nung una, hindi natayo si Kenjel pero pumunta din sya at pumwesto sa likuran. Magsisimula na sana yung klase nang sabihan sya ng teacher na pumunta sa unahan. Gusto raw nyang makitang sumayaw si Kenjel. Pero tinitigan lang sya ni Kenjel ng naka-poker face. Nanahimik yung buong gym habang nagsusukatan sila ng tingin. Si Sir ang bumawi at sinigawan sya na kung hindi raw sya sasayaw nang nasa gitna, wala syang grade. Eh sa katigasan ng ulo ni Kenjel, lumabas nalang sya ng classroom.

Isang buwan na rin mula nang nagsimula ang school year. Sobrang daming kailangang i-prioritize. Last year na kasi namin sa high school at mga graduating students na. Ang Fifth Year naman kasi ay optional dahil hindi lahat ng school sa Pilipinas ay merong fifth year.

Nung pagkauwian, napagalitan ang buong klase dahil napakarumi raw ng classroom at ang dami naming nasira. Kami raw ang maglinis. Nabadtrip naman ako dun. Sa 'kin na naman ang sisi dahil ako ang Class President. Wala naman akong nasira at hindi naman ako nagkalat pero ako pa ang parang may pinakamalaking atraso.

Dahil nga badtrip ako, hindi na ako kinakausap ng mga kaklase ko at nasunod nalang sila sa utos ko. Ewan. Pag ganto kasing wala talaga ako sa mood, lumalayo sila at nananahimik. Ito yung ilan sa mga pagkakataon na nailalabas ko ang President-side ko ng buo. Yung bawat salita ko, authorative para mapasunod sila. Sabi nga ni Nelgen, mukha raw akong mananapak. Siya kaya yung inosente pero mapagalitan?! Badtrip.

Pinasara ko yung pintuan at walang pwedeng umuwi hangga't hindi maayos yung classroom. Simula sa unang piraso ng buhangin sa kasuluk-sulukan ng classroom hanggang sa huling butil ng chalk na makikita sa ilalim ng black board ay dapat na mawala. Pati yung mga designs at bookshelves sa likuran ay inayos na rin.

"Oy Torres, si Falcon, tatakas oh." Pabulong na sumbong sa 'kin ni Rhea.

Napatingin naman ako sa pintuan at nakita si Kenjel na tumayo sa upuan nya nang suot ang bag at ang hood ng jacket nya. Mabilis naman akong lumapit at hinarangan ang dadaanan nya. Kunot-noo at seryoso ko syang tiningnan.

"Sa'n ka pupunta?" Seryosong tanong ko.

Tinitigan nya ako. Walang ekspresyon yung mukha nya nun at nakatingin lang sa akin. Pagkatapos ng ilang segundo sumagot din sya.

"Aalis. Hindi ba halata?" Tigas din talaga neto. Lalong nakakabadtrip eh.

"Sinabi kong lahat maglilinis diba?" Sabi ko na may diin sa salitang 'lahat'. "Kasama ka sa 'lahat' na 'yon."

Matunog naman syang ngumisi. "Tingin mo maglilinis ako?" Tapos lumapit sya at hinawakan ang knob para buksan pero bago pa nya mabuksan, tinulak ko sya para pagpalitin ang pwesto namin.

Nagawa ko syang isandal sa likod ng pinto nang nasa gilid nya yung isang kamay ko. Nang magtama ang paningin namin, walang reaksyon ang mukha nya at diretsong nakatingin lang sa 'kin. Hindi ko lang alam kung anong nasa isip nya.

"Miss Falcon." Tapos dahan-dahan akong lalong lumapit sa kanya. Napaatras naman sya habang nakatingala pa rin sa 'kin. Ngayon, halata na sa mukha nya ang gulat. "Pag sinabi kong lahat..." Nilapit ko sa kanya yung mukha ko. Pinantay ko sa tenga nya ang labi ko. "Ibig sabihin, lahat." Don ko nahawakan yung kamay nya na at tinanggal yun sa pagkakahawak sa knob.

Nagulat ako nang bigla nya akong itinulak ng malakas. Na-caught off guard naman ako kaya napaatras ako.

"Ang laki mong harang!" Sigaw pa nya at nagulat nalang kaming lahat na nasa classroom nang pumunta sya sa broom box at kumuha ng walis.

Nung pagharap nya sa klase at nakita nyang lahat kami nakatingin sa kanya, sinipa ba naman nya yung isang upuan na malapit sa kanya tapos sumigaw.

"Anong tinitingin-tingin nyo?!"

Nagsipag-iwas nalang lahat ng tingin at pinagpatuloy yung ginagawa. Nagsimula namang magwalis si Kenjel at nang may isang mapatingin sa kanya, sinigawan na naman nya.

"Gusto mong dukutan kita ng mata?!" Inambahan pa nya na lalapitan. "Ano?! Papalag ka, ha?!"

Tsk tsk. Okay na sana na naglilinis sya. Pero baka maging crime scene 'tong classrooom. Nilapitan naman ako nina Nelgen at tinapik sa balikat. Kinongrats ba naman ako dahil raw napaamo ko ang isang tigre. Sa huli, naging sobrang kintab sa linis yung buong lugar at nakauwi kami nang papadilim na. Grabe, nakakapagod.

Pumunta ako sa parking lot at kinuha dun yung motor ni Papa na simula nang gamitin ko, madalas ko nang nadadala. Sumakay na rin ako dun at nung iistart ko na yung engine, biglang may maingay na nagpaharurot ng motor at huminto sa harap ko. Sa lakas nga, ang sakit sa tenga. Napatingin tuloy ako.

Itim yung motor. Puro at walang ibang kulay bukod sa silver. Naka-helmet yung babaeng nakasakay at sa black tee shirt palang, kilala ko na kung sino. Idagdag pa na neon green ang bag at may neon green lining sa helmet. Ba't naman 'to huminto sa harap ko?

Inalis nya yung helmet nya at tumingin sa akin. Nakakunot na naman yung noo at nakasimangot.

"Hoy, nerd." Ayos din pagbati neto eh 'no? Ngumuya muna sya ng bubble gum bago nagsalita. "Kung hindi mo naman hinarangan yung pinto, hindi naman talaga ako maglilinis eh." Tapos dali-dali nyang sinuot ang helmet at pinaharurot paalis yung motor nya. Wala na akong nagawa kundi sundan nalang sya ng tingin ng nakaawang ang labi dahil sa totoo lang, nahihirapan akong ispelingin sya.

Okay? Is it just me or she was really being defensive?

CHAPTER SEVEN

  "Ma?" Tinawag ko si Mommy habang pababa ako ng hagdan ng bahay namin. Hindi ko pa sya nakikita, nagpaalam na ako. "Magbabasketball lang ako dyan kasama sina Mark."

  Kaso nung pagbaba ko ng hagdan, nakita ko sa sala si Mommy na may kausap na lalaki na mukhang kaedaran nya. Around 40's siguro at halata dun sa lalaki na may lahi. British? German? Ewan. But he seemed pretty familiar. Mukha pang seryoso yung pinag-uusapan nila dahil nakahawak pa sa kamay nung lalaki si Mommy na parang kino-comfort nya. Hindi na nga nila ako napansin kaya nagdire-diretso nalang ako palabas dahil ayoko namang makaistorbo.

  Dala ko yung bola ko palabas ng bahay. Dahil Linggo, konti lang yung mga nakakasalubong ko. Nung nandun naman na ako sa parte ng subdivision kung saan puro puno nalang, may nakita akong batang babaeng naka-black dress at naka-black high socks. Ang haba pa ng maitim na buhok nya at nakatalikod sya sa 'kin.

  Wala naman akong balak sanang pansinin kaso nakita kong may hawak syang tirador at ang inaasinta nya eh yung mga ibon. Anak naman ng tokwa oh. Yun yung mga ibon na inaalagaan ng subdivision! Kaya naman nilapitan ko yung bata na naka-ready nang bitawan yung tirador. Hinawakan ko sya sa balikat at sinabihang 'Bata, bawal yan'.

  Humarap naman sya bigla sa akin at napaatras ako sa gulat nang makita kung sino talaga 'yon. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Nakalugay yung buhok nya na umabot hanggang sa bewang pero may bangs pa rin sya na natatakpan yung kanang mata nya. Ang gothic pa ng black dress nya na mahaba ang sleeves at hanggang leeg. Naka-black high socks gaya sa school. Lastly, kulay blue ang mata niya.

  "Ken?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

  Shet, akala ko bata! Ang liit kasi nya. Siguro flat 5 ang height neto. Ito ang unang beses na nakita ko syang may ibang suot maliban sa school skirt, black shirt at jacket. Isa pa, ngayon ko lang din sya nakitang nakalugay. Pero ang nakakagulat talaga sa lahat ay yung mata nya. It was blue. Clear blue.

  Hahanga na sana ako sa hitsura nya kaso bigla akong napatalon sa sakit nang sipain nya ng malakas ang tuhod ko. Napatalon-talon ako habang naungol at nakahawak sa tuhod kong nasaktan.

  "Sinong may sabing pwede mo 'kong tawagin sa first name basis?" Napaangat pa yung isang sulok ng labi nya.

  Kahit naman masakit pa rin yung tuhod ko, nagawa ko syang tanungin. "Anong ginagawa mo dito? Taga-dito ka ba?" Tanong ko sakanya.

  "Hindi. Pumunta kami sa bahay mo." Seryoso nyang sagot at nilagay sa suot nyang bag ang tirador. Tirador? Ang old-school. Ano ba namang klaseng mga trip meron ang babaeng 'to?

  "Sa amin? Bakit?"

  Nilingon nya ako. Seryoso lang sya at hindi nakasimangot pero naka-kunot noo. "Hindi pa ba sinasabi sayo ng Mommy mo?"

  "Ano? Ang alin? Sinasabi na..?"

  "Na magkapatid tayo."

  Na magkapatid tayo.

  Na magkapatid tayo.

  Na magkapatid tayo.

  AAAAAAAHHHHH!

  Dahan-dahan akong napahakbang paatras, palayo kay Kenjel, nang nanlalaki ang mata. "W-What?" Anong sinasabi nya?! Anak ako sa labas ni Papa? O ni Mama? O baka siya? O di kaya, long lost sister namin ang wirdong 'to?! AHHHH!

  Nagulat nalang ako nang bigla siyang tumawa. Teka, tumawa? Napatitig tuloy ako sa kaniya. Akalain nyo yun? Marunong pala 'tong tumawa? Kaso yung tawa nya eh yung hindi mo malaman kung totoo ba o nang-aasar. Pagtapos nyang tumawa eh tiningnan nya ako nang nakangisi.

  "Mukha ka na namang tanga." Tapos nilagpasan nya ako nang nasa likod ang dalawang kamay.

  Ilang segundo lang bago sya makalagpas bago ako naka-recover at napaharap sa kanya. Nakita ko syang naglalakad palayo nang may hawak na itim na payong. Mukhang papunta sa amin.

  "Ibig sabihin, nagbibiro ka lang?" Tanong ko na parang hindi makapaniwala sa humorless nyang joke.

  Huminto naman sya at humarap sa akin. Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa labi nya. "Tingin mo?"

  "Ha?"

  Hindi na sya sumagot at tinalikuran na ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na nya ulit ako kinausap nang magsalita ako. Sumunod nalang ako para malaman kung sa amin ba talaga sya papunta at nakumpirma kong sa 'min nga nang pumasok sya sa loob ng bahay namin.

  Napalingon si Mommy at yung lalaking kausap nya sa 'ming dalawa. "Andito na pala silang dalawa eh."

  Lumapit naman ako. "Mom, what's going on? Is she my sister?" Itinuro ko ang babaeng nasa tabi ko.

  Bigla namang tumawa sina Mommy at yung lalaki. Nag Tsh naman si Kenjel at narinig ko pa syang parang sinasabing "tanga talaga".

  "Sa'n mo naman nakuha ang ideyang yan, Ken?" Natatawang sabi ni Mommy.

  "Ken?" Takang tanong nung lalaking kausap ni Mommy.

  Ngumiti naman si Mommy. "Ah oo nga pala. Ken din kasi ang pangalan ng binata ko. Kennedy, anak, ito si Tito Leo mo. Ang best friend ko. Siya naman ang anak ng Tito Leo mo." Tinuro ni Mommy si Kenjel.

  Sumulyap ako kay Kenjel at sa Tito Leo ko daw. Kaya pala pamilyar si Tito Leo dahil magkamukha sila ni Kenjel. They had the same foreign features. Especially, their blue eyes.

  "Yeah, I know her. We're classmates." Sabi ko naman.

  Tiningnan ni Tito Leo si Kenjel. "Eh di kilala mo na sya, anak?"

  "Hindi."

  Napalingon naman kaming tatlo kay Kenjel. Ano na namang sinasabi nito? Nang marealize nyang nakatingin kami sa kanya ay medyo inatras pa nya yung mukha nya.

  "Ano?" Tanong nya. "Hindi lang ako dumedepende sa pangalan." Pagpapaliwanag nya.

  Ang wirdo.

  Naiilang na tumawa naman si Mommy tapos hinawakan nya ako sa balikat. Napatingin naman ako sa kaniya.

  "Oo nga pala, Kennedy. Dahil sa ilang dahilan, humingi ng pabor ang Tito Leo mo sa atin. At pumayag naman ako." Sinulyapan nya muna si Kenjel bago tumingin ulit sa akin. "She's staying with us."

  Whoa, what?!?

CHAPTER EIGHT

"It's just for a while, Ken. Close your mouth."

Yun yung sabi sa akin ni Mommy dahil ilang segundo na yata eh nakanganga pa rin ako. Pagkatapos nun, sinabihan na nya akong dalhin yung mga gamit ni Kenjel at samahan sya paakyat sa kwarto sa taas.

She's staying with us?

Hindi nalang ako nagsalita at kinuha na yung bag nya. Isang itim na bag lang naman kasi ang dala nya. Nauna na akong umakyat at sumunod naman sya. Bale ang magiging kwarto nya ay yung kwartong katapat ng sa akin at katabi ng kay ate Via.

Paglapag ko ng bag sa kama, nilingon ko sya. Napangiwi ako nang isara nya ang lahat ng bintana. Naging madilim tuloy ang kwarto dahil dark brown yung kurtina. Nung tumingin sya sa 'kin, nagsalita na ako.

"It's gonna be your room. Yung katabi nito." Tinuro ko yung kanan ko. "Ay kwarto ni ate. Yung katapat naman ay sa 'kin. There's a rest room beside my room. If you need to ask anything, don't hesitate to spill it out to me."

Lumapit naman sya sa 'kin at bigla nya akong hinawi sabay sabing 'Tabi'. Anong problema neto? Mas malawak naman sa kanan ko, hinawi pa nya ako? Humiga sya sa kama at kinuha sa bag nya ang phone at earphones nya. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Wala man lang ba syang balak na magpasalamat?

Napabuntong-hininga nalang ako at lalabas na sana nang may makalimutan akong tanungin. Nilingon ko sya at hindi ko alam ang magiging reaksyon nang makita syang diretsong nakahiga at nakapikit habang may suot na earphones. Kabaong nalang kulang ah?

"Hey." Malakas yung boses ko pero hindi pa rin nya ako narinig.

Lalapit na sana ako nang dumilat sya at tiningnan ako. Tinanggal nya yung earphones nya. "Ano pang ginagawa mo dito?"

What?

Huminga ako ng malalim para pahabain ang pasensya ko. "You wear blue contacts?"

"Anong pakialam mo?"

"Oo at hindi lang. Mahirap ba yon?"

"Tsh. Itim ang sinusuot ko. Tingin mo ba matutulog ako ngayon gaya ng nakita mo nang may suot na contact lens?"

"Baka palagi kang natutulog sa klase?" Sarcastic na sagot ko. Nagcocontacts pala sya pero parati syang natutulog?

"Hindi ako natutulog. Hindi pa 'ko natulog sa klase. Ayoko lang na nakikita ang mga bagay sa paligid ko. Ano? Okay ka na? Labas na."

"Ha?" Yun nalang ang nasabi ko. "Ayaw mong makita ang paligid mo? Bakit?"

Nag-tsk na naman sya. "Wala ka na dun! Lumabas ka na nga!"

"Fine! What's wrong with questions?" Bumubulong pa ko nun habang naglalakad palabas.

"Masakit sa tenga! Wag mo nga akong ingleshin!" Sigaw pa nya.

Napailing nalang ako. Ang complicated masyado ng utak ng isang 'yon. Naglakad na ako papuntang pintuan. Nung buksan ko yung pinto, nilingon ko sya bago umalis nang nakapamulsa.

"Oo nga pala." Lumingon sya sa 'kin kaya nagpatuloy na ako. "Kung dito ka na titira, ayokong makikita kang ngumunguya pa rin ng bubble gum. Goodnight."

Hindi ko na sya hinintay na sumagot o magreact dahil baka kung anong disaster ang abutin ko. Dumiretso na ako sa paglabas.

Paglabas ko, wala na yung bisita ni Mommy. Nagpaalam nalang ulit ako na magbabasketball. Pagtapos naman ng dalawang oras, umuwi na rin ako. Wala na si Mommy at mukhang pumasok na ng office. Ako naman, dumiretso sa kusina at nagugutom ako.

Kaso hindi pa ako nagsisimulang kumain at naghahanda palang, nakarinig na ako ng sigawan. Nang hanapin ko naman kung saan galing, nakita ko si ate Via at si Kenjel na nasa hagdan. Nasa taas na hagdan si Kenjel, naka-cross arms at nakasandal sa gilid. Si ate Via naman, dinuduro-duro sya.

"Be considerate! Kung makikitira ka, ayusin mo yung ugali mo! Nakakairita! If my family tolerates you, well, I won't! Pack up. I don't want you here, you--you--you freak!"

Luh? Anong nangyari dun sa dalawa? Naglakad naman ako palapit sa kanila.

"Hindi ka din maka-intindi eh 'no? Hindi ko sabi alam na may tao sa kabilang kwarto dahil nang katukin ko, walang sumagot." Parang bored na bored na sagot ni Kenjel.

"Kahit pa! Sino ka ba? Ha?! Hoy! Kung akala mo, maganda yung mga yun, pwes hindi! Ang sasakit sa tenga! You damaged my precious ears, freak! You know what? Nasa iisang school lang tayo at kayang-kaya kitang pahirapan sa loob at sa labas! You don't know who you messed up with."

Kinumpas naman ni Kenjel yung kamay nya na parang naiirita. "Oo na. Oo na. Pinatay ko na nga diba? Ang dami mo pang satsat." Tapos tatalikod na sana sya at aakyat nang magsalita ako.

"Anong nangyari?"

Napalingon naman silang dalawa sa akin na akala mo, nun lang nila namalayang nandun ako.

"Ken! Sino ba 'to?!" Inis na tanong ni ate Via habang nakaturo kay Kenjel.

"She's Ken." Sagot ko. "I mean, Kenjel. Mom's bestfriend's daughter." Nagpalit ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Ano bang nangyari?"

"Well, this little freak doesn't know how to cope up with people. Matutulog na sana ako kanina nang magpatugtog sya ng rock music. Sobrang lakas na nga, ang sakit pa sa tenga!"

Nilingon ko naman si Kenjel. Nakablack na long sleeves sya at naka-black pajamas. Nakalagay sa bulsa nung long sleeves ang dalawang kamay nya. Hanggang pajama ba naman? Ano ba naman 'to. Parang palaging nagluluksa.

"Hindi ko alam na may tao, okay? Kinatok ko yung kwarto nya at walang sumagot. Nung mag-inarte naman sya sa pagpapatugtog ko, pinatay ko na. Teka nga, ba't ba 'ko nagpapaliwanag? Tsh. Matutulog na ako." Bago pa may sumagot, mabilis na syang nakaakyat paitaas.

Tiningnan ko naman si ate. "Ano pang problema mo? Pinatay na nya. Hindi rin nya alam na nandun ka na."

Ngumuso naman sya na parang bata. Bigla naman nya akong hinampas sa dibdib. "I hate you, Ken! How dare you side with that freak! Che!" Tapos umakyat na rin sya sa kwarto nya.

Hay. Sasakit yata ulo ko sa dalawang yun.

Kinabukasan, napag-alaman nalang namin kay Mommy na umuwi na si Kenjel sa kanila. Natuwa naman dun si ate dahil ayaw raw talaga nya sa babaeng yun. Akala ko nga, magtatagal pa sya. Sabi ni Mommy, nagpaalam daw sa kanya at nang hindi nya payagan, nalaman nalang nya na tumakas.

Pagpasok ko sa school, ako naman yung na-assign na marshall ng area namin. Nakakainis nga dahil kailangan kong i-check nang i-check yung labas para makita kung sino yung pakalat-kalat na wala namang suot na hallway pass o CR pass.

Bandang hapon na nun nung lumabas ulit ako para i-check ang hallway. Wala naman akong nakita kaya papasok na sana ako nang matanaw si Kenjel na naglalakad palayo. Suot na nya yung bag nya. Magka-cutting na naman ba 'to?!

"Ken!"

Nung tawagin ko sya, hindi sya lumingon pero bumilis ang bawat hakbang nya. Jahe! Binilisan ko na yung lakad ko papunta sa kanya.

"KENJEL ANN!" Tinawag ko na naman sya.

Lumingon na sya nun sa 'kin at nagulat nalang ako nang kumaripas sya ng takbo! Napatakbo din tuloy ako para habulin sya as initial reaction. Narinig ko pa syang tumawa.

"Ba't mo ba 'ko hinahabol?" Tumatawang tanong nya.

"Magka-cutting ka na naman ba? Bumalik ka nga sa klase!"

Lumingon sya sa 'kin at nag behlat pose. "Asa ka! Ba't di ka ikaw ang bumalik?! Eh ikaw lang naman ang grade conscious sa 'ting dalawa! Nerd!"

What?!?

Bigla naman syang lumiko sa isang classroom at pagliko nya eh saktong naabutan ko naman na sya.

"Gotcha!"

Nahawakan ko sya sa hood ng jacket nya kaya naman nahila ko sya pabalik. Tumama pa nga yung ulo nya sa dibdib ko at muntikan na kaming matumba. Akala ko, okay na at mahihila ko na pabalik sa classroom si Kenjel nang bigla nya akong sikuhin at isenyas ang nasa harap namin. Napatingin naman tuloy ako.

"You two! Anong section kayo?! Ba't kayo nagtatakbuhan sa hallway?!"

Napalunok ako nang makita si Mrs. Balaag. Siya ang pinakamasungit na teacher sa buong fourth year! Kung sinuswerte ka nga naman talaga oh. Nagulat ako nang lumapit sa akin si Kenjel at pasimpleng bumulong nang nakatingin pa rin sa teacher.

"Pagbilang ko ng tatlo, tatakbo tayo.."

"Ano?! Hindi ba kayo sasagot?! Name and section!"

"Isa..."

"K-Kennedy Torres and K-Kenjel Ann Falcon po!" Napasagot ako agad dahil sa sigaw ni Mrs. Balaag. Pakiramdam ko, isa syang commander ng army at ako ang sundalo!

"Section?!" Nakataas ang dalawang kilay na tanong nya.

Napalunok na naman ako. Madudungisan pa ang section namin dahil samin! Sasagot na sana ako nang bigla akong magulat dahil humawak sa kamay ko si Kenjel. Napalingon tuloy ako sa kanya. Kay Mrs. Balaag pa rin sya nakatingin.

"Dalawa..." Nagbibilang sya?

"Baka gusto nyong maghabulan naman sa Detention Room?!" Napabalik ulit ang tingin ko kay Mrs. Balaag dahil sumigaw na naman sya.

"S-Section One---"

"Tatlo!"

Nagulat ako nang hilahin ako ni Kenjel patakbo pero dahil mas lamang ang takot ko kay Mrs. Balaag eh hinila ko nalang sya pabalik at inisteady sa harap ni Mrs. Balaag sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang balikat nya.

"Kita nyo na! Section one na section one kayo eh pakalat-kalat kayo sa hallway! Take these!"

Napanganga nalang kaming dalawa nang abutan nya kami ng tag-isang detention slip! The heck!

Wala kaming nagawa kundi ang tanggapin iyon. Kaya nung pagka-dismissal, parehas kaming nag-ending sa detention room. Nauna akong pumasok at umupo sa pinakaunang silya. Dahil uwian na, apat lang kaming nando'n. Kaming dalawa at yung dalawang lalaki sa likuran.

Pagpasok naman ni Kenjel, nagkatinginan kami at dahil naiinis kami sa isa't isa kasi na-detention kami, pasiring kaming nag-iwas parehas ng tingin. Naka-pamulsang dumiretso sya sa likuran. Dahil naalala kong may mga lalaki dun, hindi ko napigilang sundan sya ng tingin na naglalakad papunta sa dulo.

Ano ba naman 'tong babaeng 'to?! Sa mukha palang, halata nang hindi mapagkakatiwalaan yung dalawang lalaki, doon pa sya sa dulo kung nasaan ang dalawang yun uupo?!

Napakagat ako ng labi sa inis. Naiinis naman ako sa kanya dahil sa apat na taon ko sa high school, ngayon lang ako na-detention pero nag-aalala pa rin ako dahil babae siya at dalawang lalaki 'yon. Pero nakalimutan mo bang nambugbog sya ng dalawang lalaki sa parking lot, Ken?

Sumalampak ng upo si Kenjel dun sa isang upuan sa dulo. Gaya ng inaasahan, tumayo yung dalawang lalaki at nilapitan siya nang may mga ngisi sa labi. Umupo sa tabi nya yung isa at umupo sa desk ng inuupuan nya yung isa pa.

"Pre, chix oh." Sabi nung nakaupo sa tabi nya.

"Miss, baka gusto mong maglaro habang andito tayo?" Nakangising sabi naman nung nasa harap nya.

Hindi nasagot si Kenjel at parang wala lang syang naririnig. Mukha nga syang walang pakialam. Tagusan yung tingin nya sa dalawa saka may suot syang earphones. Naririnig nya ba sila? Ano bang gagawin ko? Lapitan ko kaya? Baka mapagtripan pa 'to eh.

Yung lalaking nasa harapan naman nya, bigla nalang hinaplos yung mukha nya. "Ang kinis mo ah?"

Tapos biglang umakbay yung katabi nyang lalaki sa kanya. "Tara, sama ka sa 'min."

Napatayo na ako nun sa upuan ko. Hindi ko naman kayang panoorin lang 'to kahit na nababadtrip ako sa kanya. Babae pa din sya 'no! Kaso saktong pagtayo ko, bago ko pa sigawan yung dalawa, sinipa nya ng napakalakas yung desk na inuupuan nung unang lalaki kaya nahulog yun sa sahig kasabay ng paghiyaw sa sakit.

Napatayo naman agad yung lalaking nakaakbay sa kanya. "Pre, ayos ka lang?!" Tanong nya dun sa natumba tapos binalingan nya ng masamang tingin si Kenjel. "Gusto mo bang masaktan?!"

Tumayo naman si Kenjel, wala na rin yung earphones sa tenga nya at nasa bulsa na naman ng jacket nya ang kamay nya. Nagulat nalang ako nang sipain nya ng malakas sa tuhod yung lalaking sinigawan sya. Dahil sa lakas ng sipa nya, napatalon-talon yung lalaki sa sakit.

"Tigilan nyo 'ko. Hindi kayo nakakatuwa." Inis na sabi ni Kenjel dun sa dalawa tapos naglakad sya papunta sa upuan na nasa kabilang dulo.

Napangiwi nalang ako habang nakatingin dun sa dalawang namimilipit sa sakit. Parang sa susunod, mas dapat pa akong mag-alala sa mga taong mantitrip sa kanya. Nung tingnan ko naman sya, nakapikit na sya at may suot na uling earphones. Talagang hindi sya lumapit sa akin ah?!

Sa huli, ako nalang yung lumapit at umupo sa tabi nya. Naramdaman naman nya at tiningnan ako. Inalis nya yung earphones nya. Nagsalita na ako bago pa nya 'ko maunahan.

"Ba't dun ka pa umupo eh halata namang mukhang gago yung mga yun?" Inis na sabi ko sa kanya.

Pero tinitigan lang nya ako na para bang isa akong alien. Hindi sya sumagot ni gumalaw. Nakatitig lang sya sa 'kin kaya napasigaw naman ako ng 'Ano?!' Dahil nawiwirduhan ako sa tingin nya.

"Marunong kang magmura?" Parang hindi pa sya makapaniwala.

Kumunot naman yung noo ko. "What?"

Inalis na nya sa 'kin yung tingin. "Wala. Mukha ka kasing yung good boy type. Hindi ko akalaing tinawag mo silang gago."

Napa 'ha?' nalang ako nun. Hindi naman sya sumagot. Sumandal nalang ulit sya sa upuan nya. Pero hindi nya na binalik yung earphones nya. Nakatingin sya sa bintana sa side nya.

Dahil ang tahimik, nakaramdam ako ng pagkailang. Magsasalita ba ako? Takte, ba't nga ba ako kinakabahan? Sinulyapan ko sya. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Mukha syang malungkot.

"Hey." Tinawag ko sya. Hindi naman sya sumagot. Pero nagsalita pa rin ako. "Hindi porke tumabi ako sayo, hindi na ako naiinis. Naiinis pa rin ako sayo! Ito ang unang beses kong ma-detention at dahil yun sayo!"

Nilingon naman nya ako nang kunot noo. "Eh ikaw nga 'tong tanga! Sabi kong tatakbo tayo, hinila mo 'ko pabalik! Ako pa sisisihin mo?! Upakan kaya kita?!"

Naiharang ko bigla yung braso ko dahil inambahan nya ako ng suntok. Nang makita nya naman yung reaction ko eh tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa ng naiinis tas nag 'tsh' at umayos ng upo.

"Kung hindi ka naman nagbalak magcutting, hindi kita hahabulin." Sagot ko pero malumanay na. Baka masapak na nya ako eh.

"Yada! Yada! Ang daming sinasabi. Tapos na, diba? Manahimik ka nalang." Tapos sinalpak na nya yung earphones nya.

Pumikit sya at ni-rest yung ulo nya sa sandalan ng upuan. Ganun din yung ginawa ko. Habang nasa gano'ng pwesto, naririnig ko yung music nya. Ang lakas. Puro drums pa at electric guitar. In other words, puro rock songs. Pa'no naman ako makakaidlip nun?

Umayos na ako ng upo at tiningnan sya. Magsasalita na sana ako pero pinili kong hindi. Napatitig nalang ako sa kanya. Ngayon ko lang napansin na ang haba ng pilik mata nya. Natatakpan pa rin ng bangs nya yung kanang mata nya. Tikom yung bibig nya at ang liit ng lips nya na may pagka-orange. Teka nga, ano ba 'tong ginagawa ko? Am I actually checking her out?

Bigla syang dumilat kaya napaiwas agad ako ng tingin. Umayos sya ng upo at tinanggal ulit yung earphones nya tapos nginisihan nya ako. "Ano? Baka sabihin mo na rin ang sinabi ng dalawang yun kanina?"

"What?!" Napasigaw naman agad ako habang nanlalaki yung mata kong nakatingin sa kanya.

Tumawa sya. "Ang OA mo. Namumula ka pa oh. Tsh."

Napaiwas na naman ako ng tingin. Jahe naman 'to. Hindi ako nakasagot nun. Ilang segundo kaming tahimik at dahil tahimik, naririnig ko na naman yung malakas na tugtog galing sa earphones nya. Dun naman ako nagkaroon ng sasabihin sa kanya.

"Hindi ka ba naririndi sa lakas ng music mo?"

Sinulyapan naman nya muna yung earphones nya bago sumagot. "Hindi. Mas nari-relax ako."

"Ang lakas kaya."

"Ayoko kasing naririnig ang mga tao sa paligid ko kapag nakikinig ako ng music."

"You're into rock music?" Naalala ko lang yung sabi ni ate Via na nagising sya dahil nagpatugtog si Kenjel ng rock music.

"Hindi ba halata?" Sarcastic na sagot nya pero malumanay yung tono.

"Ano namang mga banda ang gusto mo?"

"Simple Plan. Green Days. Red Jumpsuit Apparatus. Nickelback. All American Rejects. Madami."

Wala naman akong hilig sa rock music pero may alam naman ako sa mga 'yon at anak ng tokwa! Puro mga emo at punk music yung tinutugtog ng mga yun ah? No wonder, mukha ding emo ang isang 'to.

"Favorite song mo?"

"Madami din. Ba't ba tanong ka ng tanong?" Mukha naman syang nairita na.

"Wala. Ang tahimik! Hindi ako sanay."

"Tsh. Eh di yung tungkol sayo ang sabihin mo hindi yung ako nang ako."

"Tungkol sa 'kin? Nah. Dapat balance. Ikaw din?"

"Oo na. Oo na."

"Sige. Well, I'm also into music pero hindi rock. Siguro konting rock pero hindi katulad ng sayo. Secondhand Serenade ganun. O kaya Dashboard Confessional."

"Pinapakinggan ko rin ang music nila. Gusto ko yung Lost at Awake ng Secondhand Serenade."

"Talaga? Sa 'kin yung Vulnerable."

"Hindi ko alam yun. Pero pamilyar. Sa Simple Plan, wala kang alam?"

"Meron. Ang totoo, alam ko na kung pa'no tugtugin sa gitara yung Lucky One nila. Yun kasi, hindi rock."

And we spend our remaining two hours talking about random stuffs. Can you believe that? I actually... I actually talked to her in a most peaceful way?

CHAPTER NINE

  Introverts are not shy. They just don't talk because they are not interested or don't have anything to say. Talk with introverts about the things they're interested in and they won't shut up for days.

  Isa 'to sa shinare ng Facebook friend ko na nabasa ko. At mukhang ganun ang nangyari sa 'min ni Kenjel nung araw na napunta kami sa Detention Room. Pero hindi ko naman alam kung introvert ba talaga sya. At hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang introvert. Geez.

  Papasok palang ako ng school nun. Tanghali na akong nagising at ngayong afternoon classes nalang ako makaka-pasok. Kaso nung naglalakad na ako sa ground, natanaw ko si Kenjel na mukhang may binubully na naman. Oo, mukhang sya yung nambubully dahil magkanda-luhod luhod na yung dalawang babae sa harap nya. Hay naku! Parang gusto kong mapasapo ng noo.

  Naglakad ako palapit sa kanila dahil hindi ko naman matiis na hindi tulungan yung dalawang babae na namimilipit sa sakit. Medyo nakaside view sa 'kin yung dalawang babae at nakatalikod naman si Kenjel. Yung isa, nadugo pa yung gilid ng labi. Kaso nung palapit na ako sa kanila, na-realize ko na si Brenda yung isa sa dalawa. Sya yung pinakabully sa batch namin. Nakatingin sya ng masama kay Kenjel habang nakaupo sa tabi nung babaeng pumutok yung labi. Hindi kaya...?

  Napahinto ako nang makumpirma ang iniisip ko dahil nagsalita si Kenjel.

  "Sa susunod, maghanap kayo ng taong sigurado kayong mabubully niyo. Hindi yung tulad ko na kakayanin kayo."

  "Bitch." Sabi naman ni Brenda na matalim ang titig kay Kenjel.

  "Tsh." Dinura ni Kenjel ang isang bubble gum sa right side nya. "Gusto mo bang harapan kita ng salamin?"

  Napabuntong-hininga ako. Three bullies collided. And the smallest one won.

  Tumalikod na ako at dumiretso sa classroom. Mukhang hindi na dapat pa ako makialam. Hindi ko masasabing mali si Brenda at hindi ko rin masasabing tama si Kenjel. Tutal naman, parehas nilang binully ang isa't isa.

  Sa kalagitnaan ng klase, habang abala ang lahat sa paggawa ng math activity na pinapasagutan ni Sir Estrella. Nagkasabay pa kami ni Kenjel na tumayo para ipasa yung papel namin. Napatingin ako sa kanya pero hindi man lang nya ako sinulyapan. Akalain mo yun? Nagawa pala ng school works ang isang 'to?

  Pagkakuha naman ni Sir ng papel namin, may kumatok sa pinto. At ako naman ang nautusang pagbuksan ang kung sinong 'yon kaya dumiretso na ako sa pinto. Pagbukas palang, napaatras na ako dahil sa tapang ng amoy ng alak galing sa dalawang babaeng sa tindig palang ay halata nang mga barako at pasaway na mga estudyante.

  Nanguya din ng bubble gum yung unang babae at nakataas yung kilay. Yung isa naman eh mukhang bangag. I don't mean to sound rude but I think that's the most appropriate word to describe her.

  "Nasa'n si Falcon?" Maangas pang tanong ng babaeng may bubble gum. Ang lakas ng boses nya kaya halos lahat sa klase ay napatingin. Bago pa ako sumagot, tumingin na sya sa likuran ko. "Serr, i-eexcuse ko lang ang babaeng yan." At tumuro sya.

  Nilingon ko naman ang direksyon nina Sir Estrella at Kenjel. Tumingin si Kenjel kay Sir Estrella at tumango si Sir kay Kenjel para payagang lumabas. Kaya naglakad naman palapit sa amin si Kenjel.

  Pag apak naman nya ng labas ng classroom ay aalis na dapat ako pero lahat kami eh nagulat dahil saktong pagtapat ni Kenjel sa babae, sinampal sya nito ng malakas. Napabaling ang mukha ni Kenjel sa direksyon namin. Tumalim agad ang tingin nya at dahan-dahan nyang pinunasan ang dugo sa labi nya. Masama ang tingin na binaling nya ang tingin sa babae. Tapos bigla syang ngumisi. Nagulat nalang kami nung siya naman yung sumampal---kaso nasalo nung babae yung kamay niya. Sunod na ginawa ni Kenjel, gamit yung kaliwang kamay nya eh sinapak nya yung babae. Na-out balance nga yung babae pero nasalo siya nung kasama niya. Sa pangalawang babae naman bumaling si Kenjel, sinampal niya at hindi nakaiwas yung babae dahil hawak niya yung kasama niya. Sinampal ulit ni Kenjel sa kabilang pisngi naman. Ang sama na ng tingin nila sa isa't isa nang tanguan sila ni Kenjel at naunang maglakad para lagpasan silang dalawa. Mukhang gusto ni Kenjel na sa ibang lugar sila mag-usap na sinundan naman nung dalawa. Kung usap nga bang matatawag 'yon.

  Lahat naman kami na nakasaksi no'n eh mga nasa shock state para magsalita. Mukhang ako ang unang nakabawi at nilingon ko si Sir.

  "Hindi po ba natin sila susundan?" Tanong ko. "Mukhang gulo po ang mangyayari."

  Napaisip naman dun si Sir bago sya bumuga ng hangin. Napahawak sya sa sentido nya. "Hayaan mo na, Torres. Alam naman natin na matigas ang ulo ni Falcon at hindi mapigilan ng mga teacher na masangkot sa gulo."

  What kind of teacher are you?

  Hindi nalang ako umimik. Respeto pa rin syempre. Napatingin pa ako sa pintuan na sinarado na pala ng kaklase ko bago tahimik na bumalik sa upuan ko. Kahit na gano'n ang sinabi ng teacher, balak kong sundan sila pagkatapos ng klase nya. Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang sampung minuto nalang bago matapos ang period ni Sir. Makakapaghintay pa naman ako.

  Sa loob ng sampung minuto na yun eh hindi ako mapakali. Panay ang pagtap ko ng ballpen sa desk ko. Kaya naman nang dalhin na ni Sir ang mga libro nyang nakalapag sa teacher's table, napatayo agad ako para sana lumabas at hanapin kung saan dinala si Kenjel ng mga babaeng yun.

  Pero bago pa ako maglakad palabas, bumukas na ang pinto at pumasok si Kenjel. Madilim ang ekspresyon ng mukha nya at may pasa sya sa gilid ng labi at may cut yung sa may nose bridge nya. Sa unahan naman yung upuan nya pero nagsimula syang maglakad papunta sa dulo, tuloy, lahat ng madaanan nya na nasa gitna eh nagsisipagtabi. Ang sama kasi ng tingin nya bagaman wala naman syang partikular na pinupukulan.

  Pati ako eh nilagpasan lang nya. Nilagpasan lang nya ako?! Napapikit ako. What do you expect, Ken? She's been like that. Why are you affected just by now? And heck, do you expect her to greet you?!

  Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa makaupo sya sa dulo. Mag-isa lang sya dun dahil vacant yung buong last row. Nagbubulungan pa yung iba na nakipag away na naman sya at isa talaga syang panira sa buong section one. Na kesyo kababae nyang tao eh away ang inaatupag nya. Napabuntong-hininga ako. Minsan, pati ako, hindi maisip kung educated ba talaga ang mga tao sa section na kinabibilangan ko.

  Bubuka na sana ang labi ko para sawayin ang klase nang bigla nalang sipain ng malakas ni Kenjel yung unang upuan na malapit sa kanya. Halos lahat eh napagitla at napaatras dahil ang layo ng narating ng sinipa nyang upuan. Tumingin sya ng masama sa buong klase.

  "Kung magbubulungan kayo, hindi yung maririnig ko!"

  Tumahimik naman yung classroom. Yung iba eh nagsipag-iwas ng tingin at bumalik sa mga ginagawa. Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya. Iniscan na naman nya kami ng tingin.

  "Ano? Hihintayin nyo pang tumayo ako bago nyo ialis yang mga tingin nyo sa 'kin?!"

  Dun naman parang bumalik sa normal ang klase. Saktong dumating na din yung teacher. Napabuntong-hininga ako at naglakad palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi nya nun at hindi naman sya nagsalita. Nakatingin lang sya sa bintana na nasa tabi nya. Ewan ko ba. Ba't ba ako umupo dito?

  Nilingon ko sya. Magsasalita sana ako para magtanong pero bigla namang nagsalita yung terror naming teacher sa Science.

  "Two Kens. Hindi ba't may assigned seat tayo? Ba't nandyan kayo?" Okay, two Kens, what?

  "Miss---" Naputol ang sasabihin ko nang tumayo si Kenjel.

  "Pwede naman akong lumabas kung hindi pwedeng umupo dito."

  Hinila ko sya bigla paupo. Sinamaan naman nya ako ng tingin at winaksi ang hawak ko sa kamay nya. Hindi ko binitawan kaya napabalik sa 'kin ang tingin nya. "Problema mo?"

  "Hindi mo ba alam kung ano ang 'rude' at 'respect'?" Pabulong pero may diin na tanong ko.

  Sumiring sya. "Tsh. Tigilan mo 'ko, okay?" Dun nya na winaksi ang kamay nya na hinayaan ko naman na. Hindi na rin kami pinilit pa ni Miss Garcia na bumalik sa assigned seats namin.

  Napabuntong-hininga ako at tiningnan ulit sya. "Did they hurt you?"

  Nakatingin pa rin sya sa labas ng bintana nang sumagot. "Hindi ba halata?" Puno ng sarkasmong sagot nya. Tiningnan nya ako tas ngumisi sya. "Pero tingin mo ba papayag akong ako ang mas dehado?"

  Napangiti naman ako dun. Yeah right. She's not Kenjel Ann Falcon if she walks out more damaged than her enemies.

  Nung umuwi ako sa bahay ng araw din na yon, pinabihis ako agad ni Mommy at minadaling bumaba dahil kakausapin raw nya ako. Mukha nga syang seryoso nun kaya naman kinabahan ako. Ano naman kaya yun?

  Nung makabihis na ako, bumaba na rin ako gaya ng sabi ni Mommy. Naabutan ko sya nun sa may sala. Umupo ako sa tapat nya.

  "Bakit, ma? Tungkol po saan?" Tanong ko.

  Ngumiti naman sya. Okay, I think, there's nothing to be nervous about. "It's about Ken." Ken?

CHAPTER TEN

"It's about Ken."

"Huh?" Yun agad yung nasagot ko pero milliseconds lang eh narealize ko naman na. "Oh. You mean, Kenjel? What about her?"

Magsasalita na sana si Mommy nang narinig naming sumigaw si Ate Via galing sa pintuan. "Mom! We have a freak visitor?!?"

Napalingon naman kami parehas nun ni Mommy sa pinto at nakita namin si ate na mukhang naiirita. Tapos pumasok sa pintuan si Kenjel na may dalang bag. Nakasuot sya nun ng black hoodie at black skirts with black high socks.

"Nandito na pala sya." Tumayo naman si Mommy at lumapit kay Kenjel. Sumunod nalang ako. Kinuha nya yung bag na dala ni Kenjel at inabot sa akin. "Anak, samahan mo ulit si Kenjel papunta sa kwarto nya."

Nakakunot-noo naman ako na nagpalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. Ni hindi naman nangiti o nalingon sa 'kin si Kenjel. Ang totoo, yung mukha nya eh may expressio na 'I'm-dying-of-boredom-can't-these-just-end-in-a-second?'.

"Teka nga." Tiningnan ko si Mommy. "Mom, mind explain what's happening?"

Nagpameywang naman si ate Via. "Yeah, Mom. She says she's gonna be staying here from now on?!"

"Whoa, what?!" Pati ako nanlaki yung mata nun.

Giniya naman ni Mommy si Kenjel papasok at tinap ako sa balikat. "Sige na, Ken. Samahan mo na si Kenjel sa itaas at saka ko na ipapaliwanag."

Wala naman akong nagawa nun kaya dinala ko nalang yung bag ni Kenjel at umakyat na paitaas. Sumunod naman sya sa 'kin. Nung nasa taas na kami at nasa tapat na ng pintuan nya, huminto ako saka humarap sa kanya.

"Mind explaining why are you here?"

Pero kinuha lang nya sa kamay ko ang bag nya. "Salamat." Tapos pumasok na sya sa kwarto at binagsakan ako ng pintuan pasara!

"Hah!" Hindi naman ako makapaniwalang tinitigan ang pintuang sinara nya. What the hell? Napasiring ako nun habang nakapameywang. "Grabe!"

Bumaba nalang ako para puntahan si Mommy. Nakaupo pa rin sya sa sala at naupo naman ulit ako sa tapat nya.

"Mom?!?" Tinawag ko naman sya sa tonong humihingi ako ng eksplenasyon.

"Calm down, Ken."

"Okay. So, what's going on here?"

"Si Kenjel kasi at ang papa nya... ang Tito Leo mo.." Nagsimula naman na sya. "They're not in good terms. You see, Ken's being a rebel against her father." So, I was right. Nagrerebelde nga sya. "Since 14, Ken decided to live in an apartment by her own. Ayaw iyong payagan ng Tito Leo mo pero sinabi ni Kenjel na maglalayas sya kung hindi sya papayagan, wala nang nagawa ang tito mo." She's been living by her own for two years? "Pero ngayong taon, dahil masyadong marami nang away ang kinasasangkutan ni Kenjel, pati sa apartment nya, hindi na sya safe. Sinubukan syang kumbinsihin ng papa nya na tumira na kasama ito pero ayaw nya kaya naman humingi ng pabor sa akin ang best friend ko at dito muna pansamantalang titira si Ken."

Napatangu-tango naman ako. "Alam na po ba yan nina Daddy at ate?"

Tumango naman si Mommy at ngumiti. "Last time na visit nila, you remember? Dapat dito na sya mag-i-stay nun pero tumakas sya."

Oh.

Biglang humawak naman sa balikat ko si Mommy. "Anak, since you and Ken are classmates, I think, you're close enough to stop her from escaping. I care for her. Please look after her while she's staying here, okay?"

Tinitigan ko si Mommy bago ako napabuntong-hininga. "Yes, Mom."

Nagdinner kami ng gabing yun nang hindi kasabay si Kenjel. Nang tingnan daw ni Mommy, natutulog na. Everyone in the house got no problem about her stay except Ate Via.

Dumiretso na rin ako sa kwarto ko at sinimulan ko nang gawin yung pinapagawa sa aming report. Alas otso ako nagsimula pero alas onse na, hindi pa rin ako natatapos. Ang haba kasi at puro research pa ang kailangang i-input. Napapapikit-pikit na ako at inaantok nang bigla akong may marinig na kalabog.

Napatayo ako agad dahil galing yun sa terrace ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa terrace at sinilip kung ano yun. Turns out, hindi yun galing sa terrace ko kundi sa terrace na katabi ng terrace ko. That's the terrace of Kenjel's room.

May nakatumbang upuan sa terrace nya na sa tingin ko, tinamaan ng lubid na nakatali galing sa loob ng kwarto at kasalukuyan nyang ginagamit para bumaba. Napailing nalang ako. Mom's right.

Patayo na ako nang tawagin ulit ako ni Mommy.

"Kennedy."

Napatingin naman ulit ako sa kanya. "Bakit po?"

Ngumiti sya. "I think, she's planning to escape again tonight. Kaya ang binigay kong kwarto sa kanya ay yung katabi lang ng terrace mo."

Napabalik ako sa reyalidad nang may bumagsak na naman na upuan dahil tinamaan ng lubid. "Shit." Narinig ko pa sya.

Naglakad ako papunta sa railings na humahati sa terrace naming dalawa at yumuko ako para tingnan sya na nahihirapang bumaba gamit ang lubid.

"Ba't tatakas ka na naman, ha?"

Napatingin sya bigla sa akin at noon ko lang ata sya nakitang nagulat. Nanlaki ang mata nya at napabitaw sa lubid na hawak nya. Shit! Hindi ko naman sana balak pero bigla ko nalang tinalon ang pagitan ng terrace ko at ng kanya given na nasa third floor kami. Nang tingnan ko sya, nasa mas mababa na sya pero nakakapit pa rin sa lubid. Nakahinga ako ng maluwag pero nananatili pa rin sa dibdib ko ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba na baka mahulog sya.

"What were you doing?!" Singhal ko sakanya. Hinawakan ko yung lubid at hinila pataas hanggang sa maabot ko na sya.

Fortunately, napabalik ko naman sya sa terrace pero ngayon eh ang sama ng tingin nya sa 'kin. Kunot-noo naman akong nakatingin sa kanya habang naka-pameywang. Akala ko, sa school lang magiging sakit ng ulo ko ang isang 'to, pati ba naman pala sa bahay. Napakamot ako sa sentido ko nang naiinis.

"Ba't ka ba natakas? Ha?" Parang isang nakatatandang kapatid na pagtanong ko sakanya. Tinuro ko yung terrace. "You almost fell back there! Alam mo ba kung gaano kataas 'tong kwarto natin? Ano bang problema mo?" Hindi ko mapigilan ang inis sa boses ko.

"Third floor 'to, alam ko. At hindi naman mangyayari yun kung hindi ka lumabas. Kasalanan mo kung ba't muntikan na akong mahulog." Sarcastic naman na sagot nya. Tapos tinalikuran na nya ako para pumasok sa loob ng kwarto nya.

Naglakad rin ako papasok para sundan siya. "I can't believe you! Kasalanan ko pa ngayon?!"

Hinarap nya ako. "Ba't ka pumasok?" The hell? Ilang milya ang layo ng sinabi nya sa sinabi ko?!?

"Ba't ba tumatakas ka? What do you think would happen if you fell? Who do you think would be blamed? Alam mo ba kung anong klaseng inconvenience ang ginagawa mong pagrerebelde? If you had stayed with your father, this could have not happen!"

Mukha rin namang nainis na sya at nagtaas na rin ng boses. "Lagpas na sa dapat ang sinasabi mo! Manahimik ka na bago pa ako mainis ng tuluyan sayo!"

"Seriously, Ken?" Naiinis ko naman syang tinitigan. "Don't you think you're being immature? Whatever it is that you're being rebel with, don't you think you're just being too narrow-minded to think broadly?"

Nagulat nalang ako nang bigla nya akong itulak ng malakas. "Shut up! Ano bang alam mo?!" Mas malakas na yung sigaw nya sa 'kin. Matalim na rin yung tingin nya. "Tingin mo ba, gusto kong tumira dito?! Puwes, HINDI! Aalis na ako pero pinigilan mo 'ko! Kaya wag mo 'kong pagsalitaan ng ganyan! Hindi ka nakakatulong. Sino ka ba para sabihan akong ang immature ko para magrebelde?! Alam mo ba yung totoong nangyari? Yung dahilan? NO! Wala kang alam kaya wala ka ring dahilan at karapatan para pagsalitaan ako at pakialaman, naiintindihan mo?!"

Natigilan ako nun hindi dahil nakasigaw na sya kundi nangingilid na yung luha sa mata nya habang nakatingin sya sa 'kin ng masama. "I.. I'm sorry." Yun nalang yung nasabi ko. Ba't nga ba ako nakialam? Damn, Ken, you were crossing the line!

"Umalis ka na." Namumula na yung mata nya nun pero masama pa rin yung tingin nya sa 'kin.

Tinitigan ko naman sya. Pigil yung hininga ko. Oh boy, you've poked something you shouldn't to her. May mga gusto pa sana akong sabihin. Gusto ko sanang itanong kung okay lang ba sya kahit na halata namang hindi. Gusto ko sanang kausapin sya para gumaan yung pakiramdam nya. Gusto kong i-comfort sya dahil sa totoo lang, right now, she's so fragile. Pero wala akong nagawa kundi ang titigan sya. Napa-buntong-hininga ako at tumalikod na para bumalik sa kwarto ko.

Pagpasok ko ng kwarto, napahiga nalang ako sa kama habang nakatitig sa salamin. Mukha talaga syang iiyak. Ano ba naman kasing mga sinabi ko?! Ano naman nga bang alam ko?! Tsk. Anak naman ng pating, Victorino Kennedy!

Napabuntong-hininga ako. Bumalik kaya ako? Eh kakausapin naman kaya ako nun? Ba't ba kasi bigla nalang akong sumigaw-sigaw? Badtrip talaga. Matulog ka na nga, Ken! Pumikit na ako para matulog pero as if on cue, napaupo ako galing sa pagkakahiga at ginulo yung buhok ko. Pumapasok lang sa isip ko yung mukha nya na mukhang iiyak na eh! Takte, hindi ako mapakali.

Tumayo ako at lumabas sa terrace ko para magpahangin. Pero paglabas ko, nakita ko sa terrace nya si Kenjel. Nakaupo sya dun sa upuan sa may terrace at nahikbi. Nakatalikod sya sa 'kin kaya hindi nya ako nakikita. Napabuntong-hininga nalang ako dahil alam kong hindi ko kaya ang konsensya ko. Pumasok ako para kumuha ng panyo tapos lumabas ulit ako ng kwarto para pumasok sa kwarto nya.

Napansin nya naman agad ako nun pero hindi sya nagsalita. Umupo ako sa tapat ng upuan nya at nilapag ko yung panyo sa tapat nya.

"You can tell me your pain. I'm here to hear you out." Mahinahong sabi ko. Yung tono ko pa eh yung nagdadahan-dahan.

Tiningnan nya ako nang namumula pa rin yung mata nya. Nakataas yung dalawang tuhod nya nun. Ang laki ng black jacket nya. Suot nya yung hoodie tapos daliri lang nya ang kita na ginamit naman nyang pampunas sa luha nya na parang bata. Sumisinghot-singhot pa sya.

"Diba sabi ko umalis ka na?" Husky na yung boses nya.

"Umalis nga 'ko." Tapos ngumiti ako. "Wala ka namang sinabing wag na 'kong bumalik diba?"

Sumiring naman sya. "Tsh." Pinunasan nya ulit yung luha nya. "Eh di ngayon, umalis ka na ulit at wag ka nang bumalik."

Ngumisi naman ako. "Ayoko. Baka tumakas ka pa ulit."

Tiningnan naman nya ako ng masama pero medyo ngumiti na din. Kinuha na rin nya yung panyo na nakalapag sa lamesita. "Hindi ko alam kung sayo ko ba dapat talaga 'to sasabihin pero tutal naman nandito ka na at nagvolunteer, sige na." Binalik nya ulit yung tingin sa madilim na na langit. "Ang bigat na kasi."

Tiningnan ko lang naman sya. Ang liit nya talaga. Para syang bata. Lalo pa ngayon na isang malaking black hoodie ang suot nya. Isa pa, bukod sa maliit sya, ang liit din ng mukha nya. Aakalain mo ba namang ang ganto kaliit eh malakas na para mambugbog?

"Nine years old lang ako nun... buhay pa si Mommy. Ang lalaking yun, nakikita ko na syang may kasamang ibang babae. Bata palang ako pero alam ko naman kung ano yun." Bigla nalang syang nagkwento. Nakapatong yung baba nya sa dalawang braso nya na nakapatong naman sa tuhod nya. Alam kong ang papa nya ang sinasabi nyang 'lalaking yun'. "Nang malaman ni Mommy yun, nagpakamatay sya. Sabi pa sa suicide note nya, hindi na nya kaya. Dahil sa matandang hukluban na yun kung ba't sya nagpakamatay. Dahil nambabae sya. Ba't ganun? Diba pag kasal, sumumpa kayong yung pinakasalan nyo lang ang mamahalin nyo?"

Nakatingin lang ako sakanya at tahimik na nakikinig. Siya naman, nagpatuloy lang sa pagkukwento.

"Fourteen na ako nang kausapin nya ako na magpapakasal ulit. Hah! Hindi nya alam na alam kong yung babaeng yun ang dahilan kung ba't nagpakamatay si Mommy at alam kong nakikipagkita na sya dun mula pa nung nine years old ako. Sinong ginawa nyang tanga?"

Pinunasan na naman nya yung luha nya. Tapos tumingin na sya sa 'kin. "Sabihin mo nga, mali bang masaktan ako? Mali bang umalis ako sa poder nya dahil hindi ko kayang makita yung lalaking minahal ng Mommy ko ng buong puso ay nagtaksil sa kanya at dinala pa sa bahay kung saan dapat ay para kay Mommy lang?"

Napabuntong-hininga naman ako tapos nilapit ko sa kanya yung upuan ko. Tinap ko yung likod nya. "Hindi naman sa mali, Ken. Normal ang masaktan. Normal ang magalit sa kanya. Anak ka eh." Nginitian ko sya. "But you're expressing yourself in a wrong way. You're living a life that is driven by anger and it ruins you rather than heal you."

Bigla na namang sumama ang tingin nya. "Diba sinabi ko nang wag mo na 'kong ingleshin?!"

Doon naman ako natawa. "At diba sinabi ko na sayong ayokong ngunguya ka pa ng bubble gum kung dito ka na titira?" Tinuro ko yung loob ng kwarto nya. "I saw a pack on your table. Throw them all."

Umangat ang isang sulok ng labi nya. "Tsh. Ano bang problema mo dun?" Iritableng ekspresyon nya.

"Wala. Hindi lang talaga magandang tingnan, lalo pa, babae ka. It's not cool. It's pretty lame."

"Tigilan mo na nga ang pag-i-english!"

Natawa nalang ako.

Nang gabing yun, sa kwarto nya ako natulog. Wala pa rin kasi akong balak pagkatiwalaan ang sinabi nyang hindi sya tatakas.

Isa pa, nag-aalala ako...

Syempre sa kama sya natulog at naglatag lang ako sa lapag ng higaan. Okay na sana eh. Maayos na lahat eh. Mahimbing na sana ang tulog namin. Kaso alas tres ba naman ng umaga eh nagring yung phone nya. At paano ba naman akong hindi magigising kung rock ang ringing tone nya?! Narinig ko naman syang nagising at naiinis na sinagot ang tawag.

"Kung hindi importante 'to, tang *** hahuntingin talaga kita!" Yun yung bungad nya sa caller. Dalawang segundo lang, umungol na naman sya at mukhang ginulo ang buhok nya. "Ya! Wala akong problema kung makaka-receive ako ng death threat pero gawin mo naman sa tamang oras at hindi yung natutulog ako! Istorbo ka eh!"

Grabe, gusto kong mapa-facepalm.

CHAPTER ELEVEN

Sabi nila, kapag nag-e-enjoy ka raw gawin ang isang bagay, hindi mo na mamamalayan ang oras at magiging mabilis daw iyon para sa iyo.

Sabihin nyo nga, nag-eenjoy ba ako sa pag-aaral?! The overloading homeworks, outputs, activities, reports and such! Every student hates the school craps whether a grade conscious ones or the not interested ones.

Or maybe it's the people that makes the school year pass by so rapidly?

"Ken-ken! Bumalik nga kayo dito!"

Napalingon kami ni Ken kay Mama at nakita namin syang lumapit kahit na sinabi nyang kami ang bumalik. Paglapit nya, inabot nya sa 'min ang tag-isang lunch box! Inabot yun ni Ken nang naka-poker face samantalang tiningnan ko lang naman yun.

"Mom?!?" Tiningnan ko naman si Mommy nun na parang hindi makapaniwala. "We're in fourth year high school, not in elementary." Nakangusong sabi ko.

"Anong problema mo, Ken? Si Kenjel nga eh kinuha eh."

Nilingon ko si Ken at hawak nga nya. Nang tingnan ko sya, tumingin din sya sa 'kin at tinaasan ako ng dalawang kilay. "Ano?"

"Seriously? Magdadala ka ng hello kitty na lunch box?!?" Nakangiwing sabi ko.

Nagkibit balikat sya at yumuko. Inayos nya yung sintas ng rubber shoes nya. "Anong masama dun? Hindi rin naman ako nag-almusal." Kelan ka naman nag-almusal?! Umayos sya ng tayo at tiningala ako. "Isa pa, ito ang unang beses na nakatanggap ako ng lunch box." At saka sya naglakad palabas nang bitbit ang korning hello kitty lunch box na binigay sa kanya ni Mommy!

Nilingon ko si Mommy. "Ma, ayoko." Sabi ko.

Pero tinulak nya nalang ako palabas. "Bilis na, Kennedy! Si Kenjel nga, tinanggap. Ikaw pang anak ko?" Ngumuso sya. "Magtatampo naman ako sayo nyan eh."

Aish.

"Sige, sige na, Ma." Kiniss ko si Mommy sa noo tapos kinuha ko na yung lunch box na.. spiderman saka sumunod kay Ken na kung maglakad, akala mo, wala syang kasabay.

It's been a week since Kenjel stayed in our house. Dalawang beses ko naman syang nahuli at pinigilang tumakas. Sabi nga nya, kinabukasan nung gabing sinabi nya ang problema nya, eh isang pasigaw na 'Hoy! Di porke nagkwento ako sayo, manghihimasok ka na sa akin, naiintindihan mo?!'. Napatitig nga ako nun sakanya dahil bukod sa ginising nya ako para lang sabihin yun, iba ang pumapasok sa isip ko. Bigla syang namula nun at bigla nalang akong sinipa sa tagiliran sabay sigaw ng 'Gusto mong putulan kita?!'. Natawa nalang ako nang padabog syang lumabas dahil halata sa kanyang napahiya din sya.

Ganun pa din naman sya. Seryoso at bigla-bigla nalang maninigaw o mananapak. Ang kinaibahan siguro eh yung bigla naming lagay. Hindi ko masasabing magkaaway kami pero hindi din naman magkaibigan. Pero kumpara sa mga taong nakakasalamuha nya sa eskwelahan, ako na siguro ang pinakamadalas nyang kausapin. Isa pa, okay na sa kanya ang tawagin ko syang 'Ken'. Pero ang pinakagusto ko sigurong nabago sa kanya eh yung hindi ko na sya nakikitang ngumunguya ng bubble gum, at least not everyday. Hindi ko alam kung nakinig ba sya o trip lang nya. Basta, mas maganda na 'to ngayon. Ang pangit tingnan, lalo na sa babae, ang ngumunguya ng bubble gum.

Sabay kaming pumapasok ng school--dahil sabi ni Mommy. Ewan ko ba sa nanay ko, masyadong mahal 'tong si Ken at panay ang pagpapaalala sa 'kin na bantayan ko raw. Kung mabantayan ko naman, tingin nya ba papapigil ang isang 'to?! Tss. Yung mga kaklase ko nga, nagtataka dahil ba't parang close daw kami. Yung tipong pinakamatino at pinakapasaway ng klase, magkasama?! Ganun daw yung tandem namin.

"Kakainin mo ba yan?" Tanong ko kay Ken habang naglalakad kami. Naka-black jacket sya at nasa bulsa ng jacket ang isang kamay habang yung isa, may bitbit dun sa lunch box.

"Hm." Simpleng tango lang ang sinabi nya.

Pagpasok ng classroom, uupo na dapat kami sa assigned seat namin nang sabihan kami ng teacher na wag muna dahil may temporary seating arrangement daw para sa first quafterly exam na ngayon mangyayari. Boy, girl, boy na naman yung arrangement at akalain mo ba namang napunta ako sa unahan?! Katabi ko pa si Ken, natawa tuloy ako.

Unang exam namin nun ay yung Filipino. Pft, pinaka-sisiw sa lahat ng subject! Nadalian lang naman ako dun at inabot lang siguro ako ng 20 minutes. Akala ko ako yung unang natapos kaso pagtingin ko kay Kenjel, nasa unahan na para magpasa! Hanep.

Tumayo naman ako para ipasa din yung sa 'kin. Tiningnan tuloy kami ng homeroom teacher namin nang nagdududa.

"Nagkopyahan ba kayo o nanghula?"

What???

Bago pa ako magreact, sumagot naman si Kenjel. "Kung nagkopyahan o nanghula man po kami, tingin nyo ipapasa namin 'to ng gan'to kaaga para mahalata at mapagalitan?" Monotone yung tono nya pero the heck, yung sinasabi nya eh sarcastic! At kahit alam kong hindi naman nya intensyong maging bastos, yun pa rin ang labas kaya hinila ko na sya pabalik sa upuan namin!

Pag upo nya, sinamaan nya ako ng tingin. "Ba't mo 'ko biglang dinadarag?"

Does she know proper term that will sound good?!

Bumuntong-hininga ako. "Hey. I know you didn't mean to be rude pero yun ang labas ng sinasabi mo. Kaya magpasalamat ka nalang, pwede?" Pabulong na pagsabi ko sa kanya.

Teka nga. Pa'no ko nga ba nasabing hindi naman talaga pambabastos ang motibo nya sa pagsagot?

Tinitigan naman nya ako. Hindi sya sumagot. Nakatitig lang sya sa akin ng siguro mga limang segundo. Nakakailang tuloy! Magsasalita na sana ako nang bigla nalang may lumipad na notebook sa pagitan namin. Sabay naman naming nilingon yung pinanggalingan at nakita yung kaklase naming si Sheena.

"Oy, nag-eexam tayo, tama na ang titigan okay?!" Natatawang sabi nya na may halong pang-aasar.

May bigla pang dumagdag. "Nasobrahan sa tamis eh! Pwedeng mamaya nalang ang tunawan?!"

Nagtawanan tuloy lahat. Napakamot nalang ako ng ulo tapos ngumiti. Si Kenjel naman, nakasalumbaba lang tapos parang walang naririnig at poker face lang na nakatingin sa board.

"Falcon, Torres, kayo ba?"

Nanlaki naman yung mata ko nung tanungin kami nun ng homeroom teacher namin. The heck? Umiling-iling nalang tuloy ako. Teka nga, ba't ba ako lang ang namumula dito? Jahe. Ang bakla ng dating.

Halos lahat siguro ng subject, madalas eh magkasunuran o sabay lang kaming natatapos ni Ken. Minsan, sya yung mauuna, minsan ako. Mukha tuloy talaga kaming cheat buddies! Geez. Kaya nung Math, dahil nakita ko syang nagpapasa na, nagpatagal muna ako ng ten minutes bago ko pinasa yung sa akin.

Pagbalik ko sa upuan, tiningnan ko naman sya. Natutulog ata sya gamit yung braso nya na nasa desk. Iniwas ko naman yung tingin ko dahil malamang gising 'to. Naalala ko kasing sinabi nyang hindi naman sya natutulog sa classroom. Ayaw lang nyang makita yung paligid nya. Ang wirdo talaga.

Gaya ng mga nakaraang araw, sabay din kaming umuwi nung hapon. Habang naglalakad, nagulat ako nang kausapin nya ako. Madalas kasi, ako yung nauunang kumausap sa kanya. Bihira yung sya yung maunang magsalita.

"Ken."

"A-Ah?" Halata bang nagulat ako? Tss.

Tumingin sya sa 'kin. "Pustahan tayo oh?"

"Pustahan saan?"

"Sino tingin mo mas mataas na score sa ating dalawa sa exams?" Nakangisi na sya nun.

Medyo inatras ko naman yung ulo ko sa kanya. "Whoa! Confident kang mataas ang score mo? That's not so you!"

Umangat yung isang sulok ng labi nya at nagulat nalang ako ng bigla syang umikot tapos bigla akong sinipa sa tuhod. Napahiyaw ako nun at napatalon-talon sa sakit. Nagtuloy-tuloy naman sya sa paglalakad tas sumigaw sya.

"Anong tingin mo sa 'kin, boplaks?! Para sa'n pa't nasa section nyo ako?!"

Masakit pa rin yung tuhod ko nun kaya patalon-talon akong sumunod sa kanya. "Sorry naman! Kasi naman, ikaw yung tipo ng estudyante na--"

"Yada! Yada! Yada! Ano ba? Makikipagpustahan ka ba o hindi?!"

Nginiwian ko naman sya. "Bet? Ikaw? Seryoso ba 'to?"

Huminto sya sa paglalakad at tinitigan ako ng seryoso. Napalunok ako. Seryoso nga.

"Okay. Seryoso ka nga. Tigilan mo na ang pagtitig." Sabi ko sakanya tapos binalik ko na sa daan yung tingin ko. Badtrip, ba't ba ako naiilang?

Nakita ko naman syang ngumiti sa peripheral vision ko. "Gan'to. Kapag nanalo ka, bibigyan mo 'ko ng parusa. Kahit ano! At kapag ako ang nanalo..." Bigla syang humagikhik na parang isang villain.

"Dapat na ba akong matakot?"

Napa 'aray' nalang ako nang bigla nya akong suntukin sa braso. "Adik! Basta pag ako ang nanalo... saka ko na sasabihin kapag nakita mo na ang scores natin." Tapos nakangiti syang naunang maglakad.

Sinundan ko naman sya ng tingin na mukhang tuwang-tuwa. Teka nga, si Ken ba yun? Naningkit ang mata ko dahil mukhang may binabalak sya kasi sya yung nagsabing magpustahan kami. Napailing nalang ako saka naka-pamulsang naglakad-takbo pasunod sa kanya.

"Oy! Hintay!"

Nang magkapantay kami, malawak ang ngiting hinarang ko sa view nya ang mukha ko. Agad namang naging straight ang mga mata nya gaya ng sa mga anime ang ekspresyon nya at gamit ang buong palad ay tinulak nya palayo ang mukha ko.

"Ba't ganyan ka makangiti?"

Hindi naman naalis ang ear-to-ear smile ko. "May naisip na kasi agad ako pag ako ang nanalo."

Tinaasan naman nya ako ng dalawang kilay. "Oh? Talaga? Ano?"

Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko--well, kung posible pa. "Kapag ako ang nanalo, titigil ka na sa magulo mong gawain. Mula sa pakikipag-away hanggang sa ultimong pagmumura. Sa madaling salita, magpapakabait ka na."

Bigla syang huminto at umawang ang labi nya para sana sigawan ako pero tinikom nya ulit yun saka nagpatuloy sa paglalakad. Medyo nakangiti pa nga sya nun eh.

"Sige lang, Torres. Asa namang manalo ka. Sigurado ako sa pagkapanalo ko."

"What?!?"

"Wag mo nga 'kong what-whatin dyan! Tsh! Ang sakit sa tenga!"

Tingnan mo 'to. May lahing british, ayaw na ayaw sa English.

CHAPTER TWELVE

"Victorino Kennedy, lumabas ka na dyan at kakain na tayo ng gabihan. Saka puntahan mo na rin si Kenjel Ann sa kwarto nya. Sabihin mo kakain na." Utos ni Mommy sa akin. Pumasok pa sya sa kwarto ko at inostorbo ako sa pagrireview para lang utusan ako na ayain si Kenjel.

Syempre, si Mommy yun, sinarado ko na lahat ng libro sa study table ko at lumabas na ako ng kwarto. Yung kwarto naman ni Ken, katapat lang sa akin kaya paglabas ko, pinto na agad ng kwarto nya. Napahinto tuloy ako bigla. Kung iisipin, ito palang ang pangalawang beses ko na masisilip o mapapasok ang kwarto nya. Ang una ay yung pinigilan ko syang tumakas.

Kumatok na rin naman agad ako tapos tinawag ko sya. Nakadalawang beses siguro akong tawag bago ko sya narinig na sumagot.

"PASOK!"

Eh?

Pinihit ko naman yung knob at dahan-dahang pumasok na parang nag-aalangan pa ako. Pagpasok ko, sobrang dilim nung kwarto. Hindi pa naman gabi pero alas singko na, papadilim, kaya dapat bukas na yung mga ilaw pero dahil kwarto ni Kenjel, walang ilaw at nakasarado pa yung mga kurtina. Hanep.

Ilang segundo din bago nasanay sa dilim ang mata ko. Inikot ko yung tingin ko sa kwarto at hindi ko sya makita. Pinindot ko tuloy yung switch ng ilaw dahil ang dilim talaga!

"Ba't mo binuksan?!"

Tiningnan ko kung sa'n yung galing ang boses nya at nakita ko sya na nasa pinakasulok ng kwarto sa bandang kisame. Geez. Mukha syang spiderwoman sa lagay nya. Nakalugay yung buhok nyang hanggang bewang tapos naka-black jacket sya at black shorts. Yung ulo nya, nakabaligtad habang nakatingin sa 'kin kaya laylay yung tuwid na tuwid na buhok nya.

"Anong ginagawa mo dyan?" Tanong ko sa kanya. Ang wirdo talaga ng taong 'to.

Inikot ko yung tingin sa kwarto nya at mukhang may mga pinagbago na nga ang bakanteng kwarto na 'to. Kakaiba nga lang yung ambiance na ibibigay nito. Bawal pumasok ang mga matatakutin. May cabinet sya sa gilid na kulay black tapos may mga naka-dikit na logo, sticky notes, memes at kung ano. Yung study table naman, pinatungan ng itim na tela tapos may vase dun na may black roses. Yung kama, gray yung blanket at pillow cases. May mga nakasabit na hoodie sa buong kwarto at lahat 'yon itim. May gitara din dun na malamang eh itim din pero gaya nung black cabinet, may mga nakadikit na logo. May mga sapatos din sa gilid ng kwarto na lahat naman eh itim, iba iba lang sya ng style. Mga nakatumba at may ibang maayos. Pero parang sinadya yung ganun. Sa wall, may mga nakadikit na paintings na puro black border pero puro mga nakatabingi ang pagkakalagay.

'Organized in a messy way.'

"Tapos ka nang tingnan ang kwarto ko? Baka gusto mong lumapit para tulungan ako? Lumapit ka na dito. Dali!"

Napabalik naman ang tingin ko kay Ken at nandun pa rin sya sa pinakasulok ng kisame, nakabaligtad habang nakaapak sa magkabilang bookshelf na nakadikit sa pader. Napakamot naman ako sa likod ng tenga ko pero lumapit din sa kanya. Paglapit ko, saka ko nalaman kung ano ang ginagawa nya. Tiningnan ko tuloy sya na para bang isa syang alien.

"Ano 'to? Nagdidikit ka ng voodoo doll?!"

"Hindi ba halata?! Tsh." Tinuro nya yung isa pang voodoo doll na nakalapag sa computer na nasa ilalim lang nya. "Iabot mo sa 'kin yan." Alam ba nya ang mga masisira nya kung sakaling mahulog sya?!

"HOY! Ano ba? Gagalaw ka ba o ano?"

"Aba." Napabuga ako ng hangin. Sya na nga 'tong nag-uutos, sya pa 'tong demanding. "Oh ito!" Inabot ko sa kanya yung voodoo doll. Mabilis naman nya yung kinabit tapos paatras syang tumalon at naglanding sya sa kama nya nang nakaharap sa akin.

"Ba't nandito ka?" Tanong nya bago sya nagpagpag ng kamay tapos binuksan nya yung zipper nung jacket nya.

Nanlaki naman ang mata ko at natatarantang tinuro sya. "H-H-Hoy! A-A-Anong ginagawa mo?!"

Mabilis naman nyang nahubad ang jacket nya at tinapon 'yon sa 'kin na tumama naman sa mukha ko. "Tsh! Ang dumi ng utak mo! Lumabas ka na nga!"

Tinapon ko naman sa kung saan ang jacket nya at nakita ko syang may suot naman pala na black shirt. Napaiwas tuloy ako ng tingin. Ano nga ba naman kasi ang iniisip mo, Kennedy?!

"Mainit kaya naghubad ako. Saka tingin mo ba, magsusuot ako ng jacket ng walang pang-ilalim?! Teka nga, ba't ba ako nagpapaliwanag?! Tss." Dumapa sya sa kama nya at inabot ang phone nya na nasa bedside table. Sinaksakan nya ng earphones at susuutin na nya nang magsalita ako.

"Teka nga, wala ka bang balak magreview?" Tanong ko.

Tiningnan naman nya ako at ngumisi. Umupo sya galing sa pagkakahiga. "Hindi na kailangan 'yon. Tiwala ako sa sarili kong utak."

Umangat naman ang isang sulok ng labi ko. "Tss. Ang yabang. Tara na. Kakain na daw." Naglakad na ako palabas ng kwarto nya. Alam ko namang susunod sya. Kung paano ko alam? Hindi ko rin alam.

Naging maayos naman ang dinner. Sina Mommy, kinamusta lang naman kami. Nagkakwentuhan din kahit konti. Sabi nga ni Daddy, hindi na raw kami gaanong nagkakabonding kaya nagsuggest naman si Vina na manood daw kami ng movie. Pumayag naman sina Mommy kaya nagsipagnood kami pagkatapos kumain. Hindi nga dapat sasali si Kenjel pero napilit naman sya ni Mommy.

Pee Mak yung pinanood namin. Horror-comedy-romance ng Thailand. Tawa na kami nang tawa, yung katabi ko, poker face. Ang laki ng problema sa buhay. Tapos pag natili naman sina Mommy, sya eh nakangiwi na halatang iritang-irita. Kaya nga nagulat nalang kami nung bandang dulo na, yung naiyak na si Nak at nagdadrama kay Mak, umiyak sya! Shet. Ang lakas ng tama sa utak ng isang 'to.

Pero di ko rin talaga iniexpect na siya yung tipong mabilis umiyak. Isang corny'ng scene lang pala sa isang movie ang makakapagsabing marunong siyang umiyak.

Nang napansin naman nyang nakatingin kaming lahat sa kanya, tiningnan nya kami. "Ano?! Nung natawa nga kayo nang hindi ako natawa, hindi ko kayo pinansin. Ba't pinapansin nyo 'ko ngayong naiyak ako at hindi kayo naiyak?!"

Minsan, napapaisip ako. Ilang turnilyo kaya ang maluwang sa utak ni Kenjel?

Kinabukasan, alas sais palang ng umaga, tumayo na ako dahil gano'n naman talaga ang oras ng gising ko. Kinuha ko na yung towel ko para maligo na. Pagbukas ko naman nung pinto ko, napaatras ako dahil nagulat ako nang magkasabay kami ni Kenjel na magbukas ng pinto ng kwarto namin. Katulad ko, may tuwalya syang dala. Yun lang, yung akin, puti, sakanya itim. At kung yung sa 'kin, sa leeg nakasabit, sa kanya, sa isang balikat lang.

Teka nga. Seryoso ba 'to? Alas sais ng umaga tumayo si Kenjel? Sa pagkakatanda ko, alas siete ang pinakamaaga nyang tayo.

"Wag mo 'kong titigan ng ganyan." Tapos naglakad na sya at naglakad papasok sa shower room na nasa tabi ng kwarto ko.

Hindi ko naman sya makapaniwalang sinundan ng tingin. Nagpameywang pa ako. "At inunahan pa nya ako sa shower room ah?" Napailing nalang ako. "Ibang klase."

Yun din ang unang araw na kumain ng almusal si Kenjel. Palagi kasi syang hindi nakain ng breakfast dahil hindi daw sya sanay. Kung yung iba raw, sumasakit ang tyan tuwing hindi nakakakain ng umagahan, sya naman eh sumasakit ang tiyan kapag nakain ng umagahan.

Habang nakain kami, tinanong ko sya. "May homework ka ba?"

Sinulyapan naman nya ako. "Mukha bang ako yung tipong gagawa ng assignment?"

Tss. Ang pilosopo talaga. Sumubo ako bago sumagot. "Gumawa ka."

"Ayoko." Tapos sumubo sya ng isang buong pancake. Tinulak-tulak pa nya papasok sa bibig nya yung pancake. Napangiwi ako. Marunong ba 'to kumain ng matino?

"Gawin mo. Hindi tayo aalis nang hindi mo pa ginagawa yung homework natin. Dalawa lang yun, sa English at Physics lang."

Bigla naman nyang kinuha yung tinidor na nasa plato nya at tinutok sa akin. "Hoy, wahg mwo 'gong igwaya shayong nerbd kwa shalaga!"

Inaatras ko naman yung ulo ko dahil dinuduro nya talaga sa 'kin yung tinidor. "Kumain ka nga ng maayos! Saka hindi 'yon basehan ng pagiging nerd. Tss. Responsibilidad 'yon bilang estudyante."

"A-yo-ko."

Lumapit ako sa kanya. Kinuha ko yung bag na nasa upuan na katabi ng kanya at ako na ang nagbukas. Hinalukay ko naman. Ang dami nyang notebook pero walang libro. "Nasa'n dito Physics notebook mo?" Inisa-isa kong buklatin yung mga notebook nya pero kahit isa, walang sulat! Tiningnan ko sya na patuloy pa rin sa pagkain. "Estudyante ka ba talaga?"

Tinuro nya yung uniform nya. "Hindi ba halata?" Tapos hinablot nya sa 'kin yung bag nya. "Saka wag ka ngang pakialamero! Tsh."

"Gumawa ka kasi sabi ng homework eh." Iritang sabi ko.

Tiningnan naman nya ako mula ulo hanggang paa. "Ikaw na ba nanay ko ngayon?"

Tapos may kinuha syang notebook sa bag nya at ginilid nya yung plato sa lamesa saka nya inilagay ang notebook nya dun. Bigla naman syang nag-open palm sa 'kin kaya tinanong ko sya kung ano yun.

"Pengeng ballpen." Poker face na sabi nya.

"Wala kang ballpen?!"

"Manghihingi ba ako kung meron?!"

"Tss!" Kinuha ko yung ballpen na nasa bulsa ko at inabot yun sa kanya.

"Ano bang assignment? Basahin mo, bilis."

Ang demanding. Kinuha ko nalang yung bag ko at tiningnan kung anong assignment sa Physics. Binasa ko sa kanya at nagulat ako dahil dire-diretso syang nagsulat pagkabasa ko. Hindi ko alam kung sinusulat ba nya yung tanong o sumasagot na sya pero mukhang ang haba ng sinusulat nya. Nagbullets pa nga sya.

Nung matapos naman si Mommy na iluto yung pancake para kay Vina, napansin nya si Kenjel. Tinignan nya ako nang halatang nagugulat at nagkibit balikat naman ako. Binaling ulit ni Mommy ang tingin kay Kenjel at hindi sya nakapagpigil dahil pinuna na nya.

"Kenjel, nakakapanibago ah. Gumising ka ng umaga, kumain ng almusal at gumagawa ng homework? Anong meron, hija?"

Natawa naman sya. "Masyado po siguro akong excited para makita ang mukha ng isang talunan." Tapos sinulyapan nya ako. The heck?!?

Pero hindi lang yun ang napansin ko. Ako lang ba o may nagbago sa isang 'to? Higit sa lahat, nag 'po' siya!

Shet, magugunaw na ba ang mundo?!?

CHAPTER THIRTEEN

There is no greater danger than underestimating your opponent, say Lao Tzu.

At isa iyon sa mga mali ko. Sabi pa nga, 'Don't judge a book by its cover'. Dahil sa mga oras na ito, hindi pa rin ako makapagsalita habang nanlalaki ang mga matang nakatitig sa mga examination papers ko na nakatabi sa mga examination papers ni Kenjel.

Wag nyong sabihing exaggerated ang reaksyon ko dahil pati ang buong klase, hindi makapaniwala sa nakikita nila. Lahat kasi kami ay nanlalaki ang mga mata habang nakatitig sa mga papel na nandito sa teacher's desk. Dalawang salita ang paulit-ulit nilang sinasabi tungkol dito--hindi makatotohanan.

Samantalang si Ken eh nando'n lang nakasandal sa upuan nya at poker face habang nakatingin sa black board habang lahat kami eh nandito sa teacher's table at pinagkukumpulan ang mga papel niya.

Dahil over-all ang pustahan namin ni Kenjel, itototal din namin ang mga scores sa bawat subject. Meron kaming walong subject at lahat ng 'yon ay may tig-100 items bawat exam. Bale, 800 points lahat at ang nakuha over 800 ay 791. Nakadalawang mistake ako sa TLE Subject namin na CHS, tatlong mistake din sa Math namin at naka-four mistake ako sa Physics! Samantalang si Kenjel....

Samantalang si Kenjel..

"Seryoso ba 'to?! Perfect lahat ni Falcon ang mga exams?!"

Halos lahat ng nasa klase ay gano'n nalang ang reaksyon. Tulad ko, sabi nga nila, kung titingnan at oobserbahan mo si Kenjel, hindi sya yung tipong mag-aaral at may pakialam sa mga grades nya. Mas tamang sabihing wala syang interes sa pag-aaral. Pero heto kami ngayon at nakaharap sa mga examination papers nya na may napakalalaking mga 100 sa itaas. May mga nagsasabi na ngang nagcheat sya pero dumating yung homeroom adviser namin, pinaupo kami sa mga assigned seats saka sya tumayo sa unahan at nag ala-abogado ni Ken.

"Class. Don't judge the book by its cover, ika nga. Pasaway si Falcon. Pala-cutting at bastos kausap. Hindi marunong rumespeto, hindi sumusunod sa rules and regulations, walang interes sa pag-aaral at pagrirecite."

Hindi namin alam kung matatawa ba kami o siseryoso dahil puro naman insulto yung sinabi ng teacher namin. Hindi mo malaman kung nasa side ba talaga ni Kenjel o hindi. Si Kenjel nga, parang binabatukan at napapayuko kada masamang deskripsyon sa kanya. Pero bumawi naman si Sir.

"Pero kahit ganyan 'yan, alam kong hindi sya nandaya. Alam naming mga teacher na sya mismo ang sumagot at walang pandarayang nangyari. Though, even us doubted her at first because she always get the perfect score in every written works. In short, lahat na-perfect nya. Kaya last week, kinausap na namin sya at itinest." Huminga ng malalim si Sir. "Class, keep calm and believe."

Natawa naman kami sa huling sentence ni Sir. Pero dahil ang teacher na mismo ang nagsabi, wala nang nagawa ang mga estudyante kundi manahimik. Mukha rin namang ang karamihan ay naniwalang ganun na nga. Though yung iba, may mga ibinubulong pa rin. Nung sulyapan ko si Ken, nakatungo na ulit sya sa desk nya at nakapikit. Parang ayaw ko na ulit maniwala. Jeez.

Paglabas ng classroom, hinanap ko naman si Ken pero gaya naman ng madalas na nangyayari, hindi ko na sya makita. Palagi kasi syang nauunang lumabas bago pa magbell. May sariling schedule yun eh.

Kumain nalang ako kasama sina Kean. Madalas naman kasing sila pa rin ang kasama ko. Talagang may mga pagkakataon lang na nagkakausap kami ni Kenjel. At dahil nagkakausap kami, sinasabi na nilang close kaming dalawa. Sabi ko nga, 'Ganon ba yon?'. Sinagot ba naman ako, 'Oo kasi kung hindi pasigaw o tango at iling, tititigan lang nya ang mga kumakausap sa kanya'.

Hindi na naman pumasok si Kenjel sa mga sumunod na subject. Panay lingon nga 'ko sa upuan nya dahil hindi ako mapakali dahil wala pa sya. Napansin na nga ako ni Kean eh.

"Ano, pre? Wala pa ba ang crush natin dyan ha?"

Sinamaan ko naman tuloy sya ng tingin kaya alanganin lang syang ngumiti. Binalik ko naman yung tingin sa upuan ni Kenjel na nasa tabi lang ng pintuan. Ako, crush si Ken? Jahe.

Para naman akong nagulat nang paglabas ng huling subject teacher, bigla nalang pumasok sa room si Ken. Nakayuko tapos suot nya yung hood ng jacket nya. Kinuha nya lang yung bag nya tapos lumabas na din. Napatayo tuloy ako bigla.

"Oy, anyare sayo?" Napalingon naman ako kay Kean nang magsalita sya. "Bigla ka nalang natayo dyan."

Kinuha ko rin yung bag ko tapos umalis na 'ko. Tinawag nga 'ko ni Kean, saan daw ako pupunta. Hindi nalang ako sumagot. Alangan namang sabihin kong 'Magka-cutting! Sama ka?'. Ang boplaks ko naman nun. Idagdag mo pa ang pagiging class president. Saka irregular pa naman, konting teacher lang ang napasok tapos papetiks-petiks palang kasi katatapos palang ng quarterly exam kaya malakas ang loob kong magcutting. Sigurado kasi akong wala akong malalagpasang quiz.

Paglabas ko naman ng classroom, tumingin ako sa kaliwa't kanan para tingnan kung nasaan si Kenjel kaso hindi ko na sya makita. Takte, sa liit ng mga binti nun, ang bilis maglakad? Biglang nawala. Sa'n ko naman sya hahanapin? Jahe naman oh.

Naglakad-lakad nalang ako kung sa'n ko pwedeng makita si Kenjel. Tapos naalala ko na dati ko na syang nakita sa pinakatagong garden sa buong Mysterecy High kaya dun naman ako pumunta.

Pagdating ko, inikot ko yung garden. Puro puno kasi kaya hindi sya makikita nang mata lang ang iniikot. Pero naikot ko na, wala pa din sya. Huminto na ako tapos tiningnan ko yung mga abot ng mata ko. Nasaan naman kaya 'yon?

"Tabi!"

Napalingon agad ako sa itaas nang marinig ko na galing dun ang boses nya. At tama nga ako dahil pagtingala ko, nakita ko syang nakaupo sa isang sanga ng puno. Ang taas nyan ah? Pero mukhang sanay naman sya dahil ni hindi sya nakahawak. Tapos nagulat ako dahil sa napansin ko. Wala syang suot na jacket at ni hindi sya naka-tee shirt! Suot nya ang prescribed uniform ng school. Hindi ko yun napansin kanina sa room dahil nahaharangan ng jacket at ng bag na inuunanan niya.

Oo nga pala, dahil second quarter na, ang suot nang uniform ng mga female students ay ang Class A2 nila. Meron kasing maraming klase ng uniform sa MIS na tinatawag na A1, A2, B1, B2, B3, B4, C1 and so on. Sa unang quarter, Class A1 uniform ang suot. Yun yung black and white naming uniform. Sa lalaki eh white long sleeves polo na meron lang black neck tie at pinatungan ng black coat tas black pants. Samantalang sa babae, ang Class A1 nila ay long sleeves na blouse na merong black neck tie din tas pinatungan din ng black coat then black skirts na above the knee.

Pero ngayon, yung suot nilang uniform na Class A2, plain white. Isa syang straight dress na may foldings lang sa itaas at may collar. Three inches below the knee yun at purong puti.

And she's wearing the same stuff. With her hair freely moving, untied.

Hindi pa sya naka-jacket nun. Pure white. Idagdag pa na tuwid na tuwid ang buhok nya. Wala akong masabi kundi bagay sa kanya. Ang amo nyang tingnan.

"Ano ba? Tatabi ka ba o sasaluhin mo 'ko na parang isa akong lame na prinsesa at ikaw ang pathetic na prinsepe sa isang stupid na fairytale?" Sarcastic na sabi nya.

Natauhan naman ako nun kaya naglakad ako pagilid. Ang tindi naman ng adjectives niya dun. Paggilid ko, tumalon sya pabagsak. May mga napuntang buhok sa harapan nya kaya inayos nya yun at nilagay sa likod nya sa pamamagitan ng kaunting pagshake ng ulo.

"May babae palang ayaw ng fairytale, hindi nangangarap maging prinsesa at walang interes sa mga prince charming?" Sabi ko nalang sa kanya na para bang natatawa ako.

Lumapit sya sa akin. "Marami kami. Kasi ayaw naming may tumatayo para sa amin." Tapos nagulat ako nang bigla syang maghigh kick at ilang inches lang ay tatama na sana sa ulo ko kung hindi ko lang iniwas. Ngumisi sya. "Dahil kaya naming protektahan ang mga sarili namin. Dahil ayaw naming maramdamang mahihina kami." Tapos bigla naman nya akong dinamba ng suntok na kung hindi naman ako umatras eh malamang, bulagta na ako. Ngumisi sya at nilapit sa mukha ko ang mukha nya. "Dahil mas gugustuhin naming maging bayani sa isang digmaan kaysa maging isang mahinang dalaga sa gitna ng panganib."

Hindi ko yata na-process yung sinasabi ni Ken dahil ang tanging na-absorb ng utak ko... AY ANG NAPAKALIIT NA DISTANSYA NAMIN SA ISA'T ISA! Hindi ba sya kinakabahan at naiilang? Kasi ako, OO! Napalunok ako. Ang lapit nya masyado. Ang kinis pala ng mukha nya? At mamula-mula ang labi nya. Pero ang pale ng mukha nya. Hindi rosy gaya ng sa ibang babaeng nakita ko.

Nabalik nalang ako sa reyalidad nang bigla nyang katukin ng isang beses ang noo ko tapos lumayo na naman sya. "Ba't ganyan ka makatingin? Tsh. Tigilan mo 'yan bago pa ako mainis sayo."

"Ngayon ka lang naglugay." Yun nalang yung lumabas sa bibig ko.

"Hindi ba halata?" Sarkastikong ngiti ang pinakita nya. Tumalikod sya sa akin at umupo sa upuan na nasa isa sa dalawang table doon.

Lumakad naman ako pasunod sa kanya. "At tinanggal mo rin ang bangs mo?"

May inaayos sya sa sapatos nya nang sagutin ako. "A-Ano naman?" Tapos tumunghay sya. "Ba't ba pinupuna mo?"

Natawa tuloy ako. "Ba't andito ka?"

Ngumisi na naman sya. "Sa'n ba ako dapat?"

"Baka sa classroom, 'no?" Sarkastikong sabi ko. Ano ba 'to. Nahahawa ba ako sa sarcasm ng babaeng 'to?

Tumawa sya, yung sarcastic. "Hoy, Torres. Kelan ba ako pumasok ng isang buong araw? Hindi ko kaya yun. Hindi ako makakahinga sa ingay ng classroom. Kailangan ko ng isolation." Tapos tumungo sya at mukhang matutulog dahil pumikit.

Oo nga naman, Ken. Kelan ba sya pumasok ng buong araw?!

"Ba't nasa taas ka ng puno?" Tinuro ko yung punong tinalunan nya.

"Dun ako natutulog."

"Ha? Ba't sa puno? Nung huli kitang makita, dito ka natutulog. Dyan mismo sa inuupuan mo."

"May mga napunta na kasing estudyante dito hindi tulad ng dati na ako lang. Yung iba, para tumambay. Yung iba, para hunting-in ako." Tapos inangat nya yung ulo nya at kinunutan ako ng noo. "Teka nga. Pumunta ka ba dito para interviwehin ako? Panay ang tanong mo eh." Iritable ang tono nya.

Napangiwi naman ako. Oo nga naman. Ba't nga ba ako tanong ng tanong? Hindi ko sya sinagot at iniba nalang ang usapan.

"Nanalo ka sa over-all scores natin. Kahit anong kapalit, gaya ng usapan, gagawin ko. Pero..." Binigyan ko sya ng nagdududang tingin. "hindi ang punishment ang nagtitrigger ng curiosity ko kundi... kung pa'no naging posible 'yon?"

Ngumisi naman sya. "Ang alin? Tsh! Ikaw lang eh. Wala kang bilib sa 'kin. Sabi ko naman sayong sigurado akong tataasan kita."

"I mean, that's just really impossible even for the smartest kid in the whole school. Our homeroom instructor already told us."

"Sinabi sa inyo ang alin?" Ano ba 'to? Nagmamaang-maangan?

"Tss. Ang mga written outputs..." Medyo lumapit ako sa kanya. "Lahat 'yon, na-perfect mo." Halos pabulong na sabi ko. "Now, tell me. What do you do? Saka ang sabi nila, kinausap ka na raw nila tungkol do'n?"

Binigyan nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Tsh. Wala kang balak tanungin muna kung anong parusa mo?" Mukhang mas iritable na sya kaya napilitan akong do'n muna ibaling ang usapan.

"Sige. Ano ba 'yon?"

Baka-cross arms na sumandal sya sa inuupuan nya. "Napag-isipan kong wag nalang palang bigyan ka ng parusa." Tingnan mo 'to. Lakas talaga ng amats.

"Sige, salamat. Oh ano? Hindi mo pa ba sasabihin yung tinatanong ko?" Takte. Nagagaya ko na ba talaga ang ugali ni Kenjel?!

"Aba. Parang naririnig ko ang sarili ko sayo ah?" Natatawang sabi nya. Kita mo na, pati sya napapansin.

"Binabago mo naman ang usapan eh." Parang batang pagmamaktol ko.

Natawa tuloy sya ng kaunti tapos sya naman ang naglean sa table para pabulong na sabihin sa akin kung ano man ang sasabihin nya.

"Makinig ka. Wala akong balak ulitin." Naglean din naman ako palapit. "Isa akong alien na naninirahan sa Earth ng higit isang libong taon na. Dahil sa unang revolution ng zombie noong 500 BC, nakain ang utak ko at napagpasyahang gamitin ang utak ng pinakamatalinong tao sa buong planeta namin nang mga panahong 'yon. Dahil do'n kaya ganito ang taglay kong katalinuhan."

Bigla namang naging straight line yung dalawa kong mata at pinitik sya sa noo. Medyo napaatras naman ako ng ambahan nya ako ng suntok. "Ba't namimitik ka?!" Amazona talaga.

"Wala ka kasi sa hulog." Bored tone na sabi ko. Tapos may na-realize ako. "Ang daldal mo yata ngayon? Parang... ang lively ng aura mo?" Ang layo sa nakasanayan ko.

Ngumiwi siya. "Oh? Talaga? Eh di ang swerte mo at ikaw ang natyempuhan ng gantong aura ko." Ibig ba nyang sabihin, tyempuhan lang talaga ang gantong side nya at hindi dahil... dahil... argh! Anong iniisip mo, Kennedy?

"Wag mo ngang baguhin ang usapan." Yun nalang yung sinabi ko.

Umangat ang isang sulok ng labi nya. "Ako pa ang nagbabago?" Tapos lumapit ulit sa akin. "Okay, totoo na 'to. Ehem." Pinwesto nya yung kamay nya sa tenga ko na parang bubulong. "Pero sabihin mo muna, may crush ka na ba sa 'kin kaya ka curious?"

Biglang nag-init ang mukha ko at kinabahan ako kasabay ng panlalamig ng aking mga kamay. Napalayo tuloy ako sa kanya na nakatingin sa akin na parang isang inosenteng tuta. Bilugan yung mata nya kaya ang cute tingnan. T-Teka!

"A-A-A-Ano b-bang sinasabi mo dyan?!?" Nakasigaw na tanong ko sa kanya. Jahe. Ba't nauutal ka, Ken?! "A-A-Anong c-crush ka? Yuck! M-Mandiri ka nga! A-Asa!" Sheeet, putulan ako ng dilaaaaaa!

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Bumagsak ang panga ko nang bigla syang humalakhak ng tawa. Sobrang lakas ng tawa nya! Pinukpok-pukpok pa nya yung lamesa habang tuloy sa paghagalpak ng napakalakas na tawa. Kung may mga tao sa paligid, malamang nasigawan na syang manahimik. Nauubusan na sya ng hininga sa kakatawa pero hindi sya makapagpigil at hinahawakan pa yung tyan habang patuloy pa rin sa pagpukpok sa mesa.

Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili kong mapatitig sa kanya. Ito na ang pinakamalakas na tawa nyang narinig ko. Sa isang iglap, bigla nalang naibabawan ang tawa nya ng biglang paglakas ng tibok ng puso ko. Para akong naestatwa habang nakaawang ang labing nakatitig sa kanya. Yung mata nya, nagha-half-moon.

"Tingnan mo! Nangangamatis ka na nga, tutulo pa yang laway mo!" Malakas na halakhak na naman ang umalingawngaw sa lugar. Ang pagsalita naman nya ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"A-Ano ba! B-Ba't ka ba natawa! T-Tumigil ka!" Parang wala naman syang naririnig. Para tuloy lalong tumindi ang pag-iinit ng buong ulo ko kasama na pati tenga. Mas humagalpak naman sya ng tawa. Sheeet! "KENJEL ANN FALCON! TUMIGIL KA NGA!"

Sa wakas, tumigil sya. Pero pinupunasan pa nya ang gilid ng mata nya na may luha na katatawa. Medyo natatawa pa sya nung tingnan nya ako.

"Obvious na obvious ka naman." Tumawa na naman sya tapos kinumpas nya yung kamay nya. "Niloloko lang kita, timang! Ang totoo nyan, may photographic memory ako. Alam mo naman siguro yun diba? Pushanggala. Namumula ka pa rin. Epic!" Tumawa na naman sya nang tumawa nang tumawa.

Photographic memory? As in, the rare ability to remember every single thing in her life?

But that's not where my attention is.

It's her laugh. It was so genuine. At ito ang unang beses na nakita ko syang tumawa ng totoo. Bakit parang nagbu-blurr ang paligid nya? Kinakabahan na naman ako pero hindi takot ang dahilan. Ano 'to? Basta ang alam ko, wala akong ibang nagawa kundi ang titigan ang isang bagay na tinuturing kong once in a lifetime. A precious moment that deserves to be treasured. Dapat mas ngumiti sya ng mas madalas. Sana ngumiti sya ng mas madalas.

Right then, hearing my very own loud heart beat makes me realize something.

Maybe she's right. I do like her, don't I?

CHAPTER FOURTEEN

  "Ano? Aalis tayo o iiwan na kita?"

  Nawala ang mga puso. Naging malinaw ang lahat. Na-zoom out ang vision ko. Ang lahat ng 'yon ay dahil sa iritableng pagtatanong ni Kenjel sa akin. Para ngang gusto na nga nya akong batukan.

  "Sabi ko nga diba, tara na?" Natatawang sabi ko saka inunahan pa syang maglakad. Madalas kasing magsabay kami sa pagpasok tutal naman, nasa iisang bahay lang kami.

  Sumunod naman sya at sumabay ng paglalakad sa akin. Gaya ng nakasanayan, hindi na naman sya nagsasalita at ako na naman ang magsisimula ng isang usapan kaya nilingon ko sya.

  "Seryoso ka ba kahapon? May photographic memory ka?"

  Tiningnan naman nya ako pero binalik ang tingin sa daan ang tingin. Ang cute nya. Lalo pa ngayon na tinanggal nya na ang contact lens nya. Hindi naman pala tinanggal. Nagpalit lang sya ng clear na contacts dahil kailangan nya yun kasi malabo ang mata nya. Okay na rin. Bagay naman kasi talaga sa kanya ang pagiging blue ng mata nya. Napaka-serene tingnan. Ang isa pang nakakapanibago ay wala syang suot na hoodie ngayon pero gaya ng nakasanayan, may sidebangs pa rin sya na tumatakip sa kanang mata nya. Kahapon lang talaga niya tinanggal. Pero ngayon, nakatali ng isahan ang lahat ng buhok nya. Nakakapanibago. Babaeng-babae ang hitsura nya ngayon.

  "Hindi naman kita pinipilit maniwala."

  "Oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko."

  "Tsh. Pinipilosopo mo na 'ko ngayon ah?"

  Tumawa ako. "Pero seryoso. Kung may photographic memory ka nga, kailan yung unang beses na nag-usap tayo?"

  Ngumisi sya. "Alin ba? Nung high school na tayo o hindi pa?"

  "Ha?"

  "Unang beses tayong nag-usap ay nung grade three ka. Pero kung sa high school, nung third day ngayong school year, August 10."

  Nilingon ko sya. "Teka. Grade three? Wala akong matandaan!"

  Nakatingin lang sya sa daanan. "Malamang. Halos isang dekada na yun eh. Pero napunta na ako sa inyo nung grade three ako." Tapos ngumisi sya ng nakakaloko.

  "Ayoko ng ngiting yan." Sabi ko nang may naniningkit na mata.

  "Ang unang beses na nag-usap tayo eh.." Bigla syang tumingkayad at bumulong. "..nung nahuli kitang nagbabasa ng FHM Magazine!"

  Nanlaki naman ang mata ko at para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Napahinto pa ako at ramdam na ramdam ko kung paanong napunta sa buong ulo ko ang lahat ng dugong meron ako. WHAT THE HELL?!

  Patalon-talon namang naunang naglakad si Ken. "Natatandaan ko rin ang bawat linya ng binabasa mong FHM Magazine nang hablutin ko sayo." Tumingin sya sa langit at nag open arms pa. "He pinned her against the wall and started kissing her neck. The girl kept moaning. She then started inserting her hand inside his pants. The guy unhook the girl's brassiere---"

  "AAAAHHHH! ANO BAAAA!" Agad kong hinabol si Kenjel na nagsimula namang tumakbo palayo sa akin. "ITIGIL MO NA NGA YAN!" Sigaw ko dahil alam kong sobrang pula na ng buong mukha ko kasama na tenga!

  Tumatawa namang nagpatuloy si Kenjel. "--He then cupped her breast as he slid his two fingers in her thigh--" Tumatakbo pa rin sya palayo sa akin.

  Binibilisan ko naman ang takbo ko. "TAMA NAAAAAA!" Saka ko sya nahablot sa bewang at hinapit ko sya palapit sa akin. Tumama ang likod nya sa dibdib ko dahil sa impact. Tinakpan ko ng kamay ko ang bibig nya. "Tumigil ka na, okay?!" Bulong ko sa kanya galing sa likod nya.

  Hindi sya sumagot sa pamamagitan ng pag-iling o pagtango kaya nilapit ko lalo yung ulo nya at hinapit ko sya palapit lalo sa akin. "Naniniwala na ako sa photographic memory mo na yan. Hindi mo na kailangang i-recite ang.. ang FHM Magazine na yun!"

  Pero hindi pa rin sya nagalaw. Para ngang nanigas na sya sa pwesto nya. Nagtaka na nga ako eh kaya tiningnan ko ang mukha nya nang tinatakpan pa rin ang bibig nya. Dahil ganun pa rin ang pwesto namin kaya ang lapit ng mukha ko. Pagkakita ko naman sa kanya, nagulat ako dahil parang mas mapula pa sa mukha ko ang mukha nya. At wala syang ka-rea-reaksyon! Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa bibig nya at umikot para tumayo na sa harap nya.

  "Oy, okay ka lang?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa rin kasi talaga sya nagalaw. "Napano ka ba?" Wala akong ginawang masama ah!

  Pero hindi sya sumagot. Inisip ko tuloy kung ano bang nangyari dito. Tapos biglang pumasok sa isip ko ang ginawa ko. Hindi kaya...? Binigyan ko sya ng nakakalokong tingin. "Teka nga. Kinikilig ka ba? Ha?" Nilapit ko pa sa kanya yung mukha ko. "Dahil sa distansya natin? Kasi ang lapit lapit natin sa isa't isa? Huh?" Pangisi-ngisi pa ako nun at tinataas-baba ang dalawang kilay ko sa kanya.

  Bigla nalang akong napahiyaw sa sakit nang bigla nalang nya akong sinipa sa hindi ako dapat sipain! Dahan-dahan akong napaluhod habang nakahawak sa aking alaga. Jahe, nadurog yata.

  "TSH! Manyakis! Grade three palang nagbabasa na ng FHM Magazine! Wag nga ako ang pagdiskitahan mo!" At padabog syang naglakad palayo sa akin.

  Hindi ko naman magawang makasunod dahil namimilipit pa rin talaga ako sa matinding sakit. Ang sarap magmura! Sa dinarami-rami naman ng pwedeng sipain, Kenjel, bakit naman dito pa? Paano ang future nating dalawaaaa? Anak ng pitumpu't pitong pating naman oh!

Pagdating ko ng classroom, nakita kong nakaupo na sa upuan nya si Kenjel at gaya ng palagi, eh nakatungo. Tsh, iniwan nya talaga 'ko kanina. Dumiretso nalang ako sa upuan ko. Okay na rin na yun. Pinahiya nya 'ko sa pagrirecite ng nakaraan at napahiya sya dahil sa pamumula. Quits lang. Pft.

  Pagpasok ni Sir, ang homeroom teacher namin, dumire-diretso agad sya sa Teacher's Table at ni hindi na nag good morning. Nagsimula na syang sermunan ang klase dahil sa mga may bagsak raw na subject. At ayun na naman ang linyang 'section one na section one kayo, panay ang palakol sa mga marka nyo! Pa'no kayo magiging role model?'. Sabi naman ni Sir, marami raw ang may bagsak at kailangang habulin pero may isang 'natatanging' estudyante lang raw ang may apat na bagsak. Pagkasabi nun ni Sir, nagbulungan ang buong klase kung sino daw 'yon.

  "Settle down, Class 4-1! Settle down!" Tumahimik naman nang magsalita si Sir. Tapos nilingon nya ang nakatungong si Kenjel sa upuan nya. "You! Stand up!" Sigaw nya.

  Pa'no naman malalaman ni Kenjel na sya yung tinatawag kung nakatungo sya? Dat sinabi ni Sir apelyido. Parang pare-parehas kami ng mga kaklase ko ng iniisip. Pero nagulat kami nang bigla nalang tumayo si Kenjel at sinalubong ang matalim na tingin ni Sir ng isang inaantok na tingin.

  Ngumisi si Sir. "Alam mo ring ikaw iyon, ano?" Nagcross arms pa si Sir.

  Nagbulungan na naman. Kesyo may nagsasabing tama ang hula nila at meron namang hindi. May isa pa ngang nagsabi na perfect naman ang lahat ng written works ni Ken kaya nakapagtatakang bumagsak sya.

  Sa kaso ko... tingin ko alam ko kung bakit.

  Sumandal si Sir sa table nya at may kinuhang papel, mukhang record ni Ken. "Sa grading system ng Mysterecy International School, 30% ang Written Works at 50% ang Performance Task. 20% lang ng grade ang Quarterly Examinations." Sinulyapan nya si Ken. "Sa M.A.P.E.H., English at History ay bumagsak ka. Puro 73 ang grades mo, Falcon. Hindi porke na-perfect mo ang written outputs at Quarterly Exam, papasa ka. Ang performance task ay 40% ng grade. Pero anong ginagawa mo sa mga klase nila? Sa M.A.P.E.H., pag ayaw mong sumayaw, hindi ka sumasayaw. Kung ayaw mong kumanta, hindi ka kakanta. Hindi ka magpiperform kung ayaw mo. Ikaw na ba ang instructor? Sa English naman, dahil ayaw mong sundin ang English Only Policy, bihira ka ding magperform at magparticipate. Lastly, sa History, ang attitude mo sa klase ni Mrs. Vergara ang problema. Binabastos mo raw sya at panay ang pagsagot mo. Hindi lang 'yon, Falcon." Tumingin na naman sya sa hawak nyang papel. "Damaged na damaged ang Attendance Record mo. Panay ang cutting classes. Ang dami mong absents. Idagdag pa ang pagiging inactive at palagiang pagtulog sa mga klase. Tingin mo ba hindi isinasama ang mga 'yon sa pagcompute ng grade?" Dun tumigil si Sir at tinaasan ng kilay si Kenjel.

  Hindi sumagot si Kenjel. Nakatitig lang sya kay Sir na para bang ang mga oras na 'yon ang pinakaboring na karanasan nya sa buong buhay nya. Para ngang konti nalang, hihikab na sya.

  Napahawak naman si Sir sa sentido at napabuntong-hininga. "Congratulations, Falcon. Ikaw na ang pinakasakit sa ulong estudyanteng nakilala ko." Binasa-basa nya ng ilang segundo yung papel na hawak nya at tiningnan ulit si Kenjel. "Oh. Kung may pakialam ka pa naman sa grades mo, ipapasa ka raw ng mga instructor mo kung gagawin mo ang gusto nila. Iyon ay kung lang, Falcon. Kung ayaw mong umulit ng fourth year at hindi maka-graduate ng high school, puwes gawin mo ang gusto nila."

  "Ayoko." Monotone na sabi ni Kenjel.

  Bigla akong napatayo. Dahil tahimik ang buong classroom at nag-ingay ang upuang tinamaan ko, ang lahat ay napalingon sa akin. Sa isang iglap, nasa akin ang atensyon ng lahat. Takte, ba't ba ako tumayo? Nang tingnan ko si Kenjel, para naman syang naiirita na hindi mo maintindihan. Tinaasan naman ako ng kilay ni Sir. Napalunok tuloy ako.

  "Sir. Pa'no naman po sya magkakaroon ng lakas ng loob na ipasa ang sarili nya kung kayo po mismo na teacher nya, ibababa sya? Isa pa po, ba't hindi nyo nalang sya kinausap ng private para hindi sya mapapahiya? Kailangan nyo po ba talagang ipamukha sa kanya yun sa harap ng buong klase?" Kung saan galing ang lakas ng loob ko para sabihin iyon nang ni hindi man lang nauutal, hindi ko rin alam.

  Lalo namang tumaas ang kilay ni Sir. "Yan!" Tinuro nya ako. "Yan ang napapala ng sumasama sa estudyanteng tulad ni Falcon." Bumuntong-hininga sya. "Torres, running for valedictorian ka ng batch, wag mong sayangin yun."

  Parang lalo namang nag-init ang ulo ko sa sinasabi ni Sir. Teacher ba talaga sya? Ewan ko ba. Parang ngayon lang ata ako nakaramdam ng kagustuhang manapak ng isang teacher. Ano ba 'tong pinasok ko? Ah. Bahala na. Akmang magsasalita na ako nang bigla namang magsalita si Kenjel.

  "Ken, umupo ka." Mariin nyang sabi sa akin.

  Tiningnan ko naman sya. Seryoso sya at yun yung tipo ng tingin na ginagamit nya kapag gusto nyang patahimikin ang isang tao sa marahas nyang paraan. Pero inipon ko ang natitirang lakas ng loob ko para sagutin sya ng sing-seryoso nya.

  "No. Not until you do something to make your grades up, Kenjel Ann Falcon." Seryoso ding sagot ko. Pinagdiinan ko pa yung buong pangalan niya.

  Nang mga oras na 'yon, parang wala ang mga tao sa paligid namin pero alam naming pareho na nasa amin ang tingin nila at ang lahat ay nakikiramdam. Basta, nakatingin ako sa kanya at nakatingin rin sya sa 'kin. Parang nag-usap kami sa tingin at nagsusukatan. Hindi ko rin alam kung ba't gan'to nalang ang pakialam ko sa grades nya. Pero alam kong hindi lang 'to basta dahil sa gusto ko sya. Pwede namang isa 'yon sa dahilan. Ewan ko ba. Dahil ako ang presidente ng klase? Dahil naaawa ako sa kanya? Dahil natural sa akin ang magkaroon ng simpatya sa kahit na sino? Ewan.

  Pagkatapos ng ilang minutong katahimikan, bumuntong-hininga si Ken at binaling na kay Sir ang tingin. "Ano daw bang kondisyon nila?" Tingnan mo 'to, wala na namang po.

  Para namang dun lang nabalik sa reyalidad si Sir at tumikhim sya. Tumingin sa papel at kay Kenjel na naman. "Gumanap ka bilang main character sa isang Musical Play na gaganapin sa Foundation Day ng school next month." Tapos ako naman ang binalingan ng tingin ni Sir. "Oh, tutal naman mukhang nasa 'magandang' lagay kayo ni Torres, Torres, sumama ka na sa Musical Play na 'yon at maging leading man nitong si Falcon. Pumunta kayo mamaya sa Auditorium. Goodbye, Class."

  Dahil do'n, gaya ng gawain bilang presidente ng klase, tumikhim muna ako bago nagsalita. "Attention. Everyone pay respect."

  Saka lang naman nagsipagtayo ang lahat at nagbow. Lumabas na rin si Sir na binigyan pa ng isang huling tingin si Kenjel. Nang tingnan ko naman si Kenjel, saktong lumingon sya sa akin. Nakita ko sa paggalaw ng labi nya na nag 'Tsk tsk tsk' sya tapos naggesture sya ng pagputol ng leeg nya tapos tinuro nya ako. Hindi ko naman napigilan ang maglabas ng isang maliit na ngiti sa labi ko nang nakatingin sa kanya.

 

  Well, at least, I'm relieved knowing you would be able to graduate with me.

CHAPTER FIFTEEN

"Ugggh! Ayoko na! Itigil na natin ang kalokohang 'to!" Humiga si Kenjel sa bermuda grass hawak ang script saka nya winagwag ang paa. "Nababadtrip lang ako!" Nakatakip pa sa mukha nya ang hood ng black hoodie na suot nya.

Tinawanan ko nalang sya. Dumating naman si Mommy galing sa loob ng bahay at pinuntahan kami dito sa garden dala ang isang tray na puro naman merienda.

"Oh? Kamusta ang practice ninyo?" Tanong ni Mommy.

Tinuro ko si Kenjel. "Nasuko na, Mommy."

Tumawa naman si Mommy. "Tamang-tama pala ang dating ko. Kumain na muna kayo."

Parang dun naman nabuhayan si Kenjel. Bigla syang umupo at tiningnan ang mga pagkain sa tray. Natawa tuloy si Mommy.

"Sige. Maiwan ko na kayo." Sabi ni Mommy at tumayo na para bumalik ng bahay.

"Thanks, Mom." Pahabol ko nalang.

Tiningnan ko naman si Kenjel. Kumikinang yung mata nya at mukhang konti nalang, tutulo na yung laway. Tsk, ni hindi man lang nagthank you! Kukuha na sana sya ng isa sa mga cookies nang tampalin ko ang kamay nya. Bigla namang sumama ang tingin nya sa 'kin.

"Hindi muna tayo kakain hangga't hindi mo nadi-deliver ng maayos ang linyang yan."

Bigla naman nyang tinaas ang dalawang kamay na parang isang nananakot na bampira at ngumanga para ipakita ang ngipin nya. Umakto syang parang isang kakain na halimaw.

"Rawr! Nagugutom na ako! Gusto mong ikaw ang lamunin ko?!"

Kung siguro ito pa rin ang mga panahong nagsisimula palang ang school year at hindi ko pa sya kilala ng personal, malamang tatahimik ako at kakabahan sa pwede nyang gawin. Pero dahil kahit papaano, alam ko na ang takbo ng utak ng isang 'to, tinulak ko lang yung noo nya gamit ang dalawang daliri ko.

"Wag kang makulit. Saka nga matuto kang magpasalamat kapag may binigay sayo."

Umangat naman ang isang sulok ng labi nya. "Tsh." Tapos nagsimula nang magbunot ng damo sa bermuda grass.

"Tigilan mo nga yan! Sinisira mo 'tong garden."

Kaso binato naman nya bigla sa mukha ko yung mga damong nabunot nya. May mga pumasok pa nga sa bibig ko. Aba naman talaga.

"Tigilan mo sabi yan eh!" Naiiritang sigaw ko sa kanya dahil patuloy pa rin sya sa pagtapon.

Ngayon, ako na ang naiinis at sya na ang tumatawa. Ang lakas talaga ng amats ng isang 'to eh. Dahil ayaw pa rin nyang tumigil sa pagbato ng mga damo, sa sunod nyang paghagis, sinalo ko na yung magkabilang pulsuhan nya.

"Ang hirap mong pasunurin eh 'no?" Sabi ko sa kanya nang mahawakan ko na parehas ang pulsuhan nya.

Hindi naman sya nagsalita o pumalag. Ang totoo, mukha syang natigilan. Nang tingnan ko kasi, nakaawang yung labi nya tapos nakatingin lang sa 'kin. Hindi na naman nagalaw. Para ngang hindi na rin nahinga.

"Hoy, naano ka na naman?" Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot. Hindi pa rin sya nagalaw. Anong trip naman kaya 'to? Nagulat nalang ako nang dahan-dahang mamula ang mga pisngi nya. At shet, ngayon ko lang na-realize na sobrang lapit namin sa isa't isa! Pati ako, naramdaman ko ang pag-iinit ng buong mukha ko. Do'n ko din naalala yung huling beses na naging gan'to sya katulala. At dahil hindi naging maganda ang ending ng isang 'yon, mabilis pa sa alas quatro ko syang binitawan.

"H-Hindi ko sinasadyang maging ganun kalapit ah! N-Namumula k-ka na naman!" Tapos nag-iwas ako ng tingin saka pilit na tumawa. "Ha-ha-ha." Shet, ang awkward.

Nang tingnan ko sya, nakita kong dahan-dahang naging masama ang tingin nya sa 'kin kasabay ng pagdiin ng pagkakasara ng kamao nya. Nanlaki naman ang mata ko. Ayoko ng ganyang tingin, Ken!

"H-Hoy---ugh!"

Naiimagine ko ang sarili kong parang isang anime na naging gray at dahan-dahang bumagsak sa damuhan habang nakahawak sa sikmura kong tinamaan ng isang malakas na suntok galing sa isang maliit na babae. Nahihilo yata akoooo @_@

"TSH! Kakain muna ako!" At dire-diretso syang kumain habang nanatili naman akong nakahiga habang hawak ang sikmura at dinaramdam ang sakit.

Ilang minuto din akong namilipit sa sakit habang nakain si Ken nang biglang tumunog yung phone ko. May tumatawag. Kinuha ko naman yun at nakitang si Nelgen ang tumatawag.

"Boi, bakit?" Yun yung bungad ko.

[NASAAN NA KAYO?!]

Nailayo ko yung phone sa tenga ko dahil sigaw naman ang bungad ni Nelgen. Dahan-dahan kong ibinalik dahil baka nasigaw pa sya.

"Anong nasaan kami? Nino? Bakit ba?"

[You forgot?! YOU FREAKIN' FORGOT?! Man! Saturday, 10am ang usapan diba? First practice ng Musical Play! Ba't wala pa kayo ni Kenjel?!]

"Ah shit, di ko napansin yung oras! Sige pupunta na kami." Hindi ko na sya hinintay sumagot at pinatay ko na yung tawag.

Nilingon ko si Kenjel at hinablot sa kamay nya ang tray. Tiningnan naman nya ako nang puno pa ang bibig.

"Tara na. Late na tayo sa practice ng Musical Play!"

Tiningnan nya lang ako. Kumurap-kurap pa. "Huh? Diba sabi ko, ayoko na?"

Argh.

Hinigit ko nalang sya patayo dahil alam kong wala syang balak tumayo kung hindi ko gagawin 'yon. Hinila ko na rin sya papasok sa bahay at hinablot ko nalang yung bag ko na nasa sala na rin naman. Buti nalang hinanda na 'to ni Mommy.

"Oh? Ba't nagmamadali ka, Victorino Kennedy?" Nagtanong naman si Mommy pagkakita nya sa 'min ni Ken.

"Ma! May practice pa pala kami sa school. Alis na po muna kami!"

Hindi ko na sya hinintay sumagot. Hinila ko nalang ulit si Kenjel palabas ng bahay. Buti nalang, hindi din sya nagpupumiglas kaya hindi naman na kami nagtagal.

Pagdating namin sa auditorium ng Mysterecy High, sinalubong agad kami ni Nelgen na mukhang inis dahil late kami. Hindi man halata pero siya kasi ang President ng Theater Club. Wala naman syang magawa kundi ang pagalitan kami. Tapos saka nya kami pinalapit sa iba para daw makapagsimula na.

Dun naman namin nakilala yung ibang mga gaganap. Si Nelgen yung namagitan. Pinakilala nya muna kami bilang gaganap na mga leading characters na sina Cinderella at Prince Leonard. Sabi nung iba, naririnig na daw nila ang pangalan ni Kenjel sa campus at gaya raw ng mga nasa usap-usapan, may bangs pala talaga syang tumatakip sa kanang mata nya. Pagtapos, pinakilala naman nya yung mga nandun. Nung matapos nyang ipakilala, bigla namang may sumigaw na babae na nasa stage.

"Nelgen! Okay na dito!"

Sumenyas naman sa kanya si Nelgen na bumaba kaya lumapit sa amin yung babae. Sa lahat ng casts na babae, sya na yung pinakamatangkad. Ako yung pinakamatangkad sa mga lalaki tapos sya, siguro hanggang tenga ko sya. Halata namang may lahi dahil blonde yung buhok at green yung mata.

"Ah, oo nga pala, Kens. Ito pa pala." Ngumiti si Nelgen. "This is Glydel. The vice president of the club. Sya rin yung gaganap na eldest step sister ni Cinderella."

Ngumiti naman yung babae. "Glydel Scholez at your service!" Inoffer nya yung kamay nya sa 'kin. "You must be Kennedy Torres?"

"Yeah. Ken nalang." Tumango ako at ngumiti. Tinanggap ko naman yun.

Saka naman sya bumaling kay Ken. "And you're Kenjel Ann, our dear Cinderella?"

Hindi sumagot si Kenjel. Tinitigan lang nya si Glydel. Naku talaga 'to. Pero hindi naman din nag-offer ng handshake si Glydel sa kanya. Sa katunayan, parang sarcastic yung pagkakasabi nya ng 'our dear Cinderella'. Pero hindi ko naman masasabing sigurado akong sarcastic yun. Parang lang. Alam nyo naman ang mga babae, ang hihirap ispelingin.

"You're not really socialite, huh?" Ngumiti na naman si Glydel. Yung friendly at masasabi mong nice. "Just so you know, hindi magandang simula ang pagiging late. Pinapakita mo namang wala kang interes sa play eh." Sa accent palang ni Glydel, halata mo nang hindi sya sanay sa tagalog.

Nagcross arms naman si Kenjel. "Sino bang nagsabing interesado akong maging isang lame na prinsesa na naghahanap ng pathetic na prinsepe sa isang stupid na fairytale?" Anak naman ng pating oh. Ang gandang simula, Kenjel Ann! Siniko ko sya para sawayin pero sinamaan lang nya ako ng sulyap at tiningnan ulit si Glydel. "Saka wag mo 'kong englishin. Wag mo rin akong tagalugin. Nakakairita ang boses mo! Halatang pinapaarte ang pronounciations sa Tagalog. Sa madaling salita, wag mo 'kong kausapin!"

Nanlaki naman ang mata ni Glydel pati na ng ibang nakarinig. Bigla kong hinigit sa akin si Kenjel at pilit na nginitian si Glydel. "H-Hehe. Pasensya ka na dito sa batang 'to ah. H-Hindi naman sya seryoso sa mga sinasabi nya. Talagang---aray!" Bigla akong napahawak sa tagiliran ko nang sikuhin yun ni Kenjel. Jahe.

"Seryoso ako dun. Hindi ako marunong magbiro." Tapos tumalikod na sya sa amin saka dumiretso sa may stage.

Sinundan nalang namin syang lahat ng tingin. Nung may madaanan pa nga syang box yata ng mga props, sinipa ba naman! Pagkasipa nya, biglang nagsipaglingon sa akin yung mga casts sa Musical Play. Sa tingin nila, parang ako ang hinihingan nila ng eksplenasyon sa inakto ni Kenjel! BAKIT AKO?!?

Buti nalang sinabihan na sila ni Nelgen na bumalik sa mga ginagawa. Saglit lang daw at magsisimula na. Pag-alis nila, lumingon sa akin si Nelgen.

"Pre." Tinap ako ni Nelgen sa balikat. "Alam naman nating mula nang maging close kayo ni Falcon, medyo nagbago na sya diba? Pero may mga ugali pa rin syang mahirap pakisamahan." Tinuro nya yung box na sinipa ni Ken. "Katulad nalang kanina." Nilingon nya ako. "Dahil ikaw lang naman ang nakakausap nya ng matino, malamang sayo lang din makikinig yun."

"Ayos ka lang?!?" Inis kong sabi sa kanya. "Sakin, makikinig?! Alam mo bang parang kailangan ko pa ng latigo, mapaamo lang ang tigreng yun?!"

Tumawa naman sya. "Alam ko! Pero pre naman."Inihilamos nya ang isang palad sa mukha saka ako inakbayan.  Yung mukha ni Nelgen eh yung mukhang parang desperado na at gustong magmakaawa. "Kung ikaw, bilang presidente ng klase, sakit ng ulo mo ang pasaway na si Falcon, ako, bilang presidente nitong club, sakit ng ulo ko si Glydel!" Tapos hinawakan nya yung ulo nya. "Tama na si Glydel. Ayokong may dumagdag na isa pa."

"Anong punto mo?" Poker face na tanong ko. Daming pasikut-sikot eh.

Ngumiti naman sya ng malawak. "Yown!" Nagsnap pa sya. "Ang sa akin lang naman, ayaw naman nating pareho na magkaroon ng instant disaster dito diba?" Tinuro nya ako. "So, you'll guard your tiger and I'll guard my lion, get it?"

Nginiwian ko sya. "Pa'no tayo naging guardian ng mga hayop?"

Natawa sya pero biglang naging bato yung expression nya at mabilis pang lumayo sa akin. Nang sundan ko ang tinitingnan nya, nakita ko si Kenjel sa tabi ko! Nakasuot yung hood ng jacket nya at nasa bulsa ng jacket nyang itim ang kamay nya. Ang sama ng tingin nya kay Nelgen na mukhang anumang segundo eh dadambahin na nya.

"Paano ako naging tigre?" Kunot-noo at seryosong tanong ni Kenjel kay Nelgen.

Nang tingnan ko si Nelgen, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa. Mukha kasi syang matatae! Pft! Kabado bente 'to malamang. Nagpilit syang ngumiti kaso nagmukhang ngiwi.

"A-Ano.. g-gusto mo bang ikaw yung leon?"

Matatawa na sana ako sa mukhang tangang sagot ni Nelgen pero pinigilan ko dahil baka imbes na sya ang mapag-initan, ako ang masapak ni Kenjel. Mas malapit pa naman ako.

"Tsh." Sumiring si Kenjel tapos tinalikuran nya si Nelgen pero hindi sya umalis sa kinatatayuan nya. "Ayoko. Mukha naman 'tong gubat at ang babaeng 'yun ang pinuno. Okay na ako sa pagiging tigre dahil alam kong ako lang ang may kayang makapagpakaba sa Leon dahil ako lang ang kayang tapatan sya." Hindi na sya naghintay ng sagot at naglakad na paalis. Nang medyo malayo na sya, tinaas nya yung isang kamay nya at sumigaw. "Tara na! Hindi pa ba tayo magsisimula? Uuwian ko 'to!"

Nagkatinginan tuloy kami ni Nelgen na mukhang parehong nawirduhan sa isang yun. Sya naman, nakahinga ng maluwag. Pinunasan nya pa yung noo nya na akala mo eh may pawis bago sya natawa.

"Takte, akala ko sasakmalin na nya ako. Tara na nga." Nagsimula na rin kaming maglakad nang tanungin nya ako. "Pero alam mo, kung ito ang gubat at sila ang Tigre at Leon, ano tayo?"

Natawa ako dahil sinakyan pa nya ang trip na yun ni Ken. "Ikaw ang unggoy at ako ang paparating palang na tao."

Binatukan naman nya ako. "Gago!"

Natawa nalang ako bago ko ulit tiningnan si Kenjel na nasa stage na at naka-cross arms habang nakatingin sa mga stage organizer na gumagalaw. Gaya ng nakasanayan, nakasalubong ang kilay at mukhang mangangagat ng sinumang kakausap sa kaniya. Pero sa hindi malamang dahilan ay namuo ang isang maliit na ngiti sa labi ko.

Well then, if she's the Tiger then I'll be the human who will take care of her.

CHAPTER SIXTEEN

  Hinarang ko yung kamay ko sa pinto. Tumingin naman sya sa akin ng masama. Ngumiti ako sa kanya. Hindi mo na 'ko madadala sa paganyan-ganyan mo oy.

  "Bawal. Ang. Cutting. Classes." Sabi ko sa kanya.

  Umangat naman ang isang sulok ng labi nya. "Sino bang magsasabing magka-cutting ako? Tabi! Magsi-CR ako!"

  Tiningnan ko ang bag na nakasukbit sa isang balikat nya. "Nang dala ang bag..?"

  Boom! Nainis na talaga sya sa akin. Napatalon pa ako sa gulat nang suntukin nya ang pader na nasa tabi ng tenga ko. Napalunok ako. Chillax lang, Kennedy. Si Kenjel lang yan... SI KENJEL LANG?!

  "Hoy, Torres. Hindi. Ka. Na. Nakakatuwa. TUMABI KA!"

  Nginitian ko pa rin sya. Alam ko namang hindi nya ako masasaktan. Syempre, ayaw nyang ibunyag ko ang sikreto nya. HAHAHAHA! Namumula na sya sa inis. Shet, ang cute ni crush! Kaso nagitla ako nang sipain naman nya yung pinakamalapit na upuan at lumipad yun papunta sa kabilang dulo ng classroom. Tiningnan na naman nya ako ng masama at inilapit na naman nya sa 'kin ang mukha nyang nanggigigil na sa inis.

  "Sinusubukan mo ba talaga ako, Kennedy?"

  Oh c'mon.

  Napangisi ako at hinapit sya papalapit sa akin lalo. Gaya ng inaasahan ko, nanigas na naman sya. Alam ko na weakness ng isang 'to eh! Nilapit ko sa kanya yung mukha ko. Nakangisi pa rin ako nun.

  "Chillax, Ken. Ayaw mo naman sigurong malaman nila na---SHIT!"

  Napabitaw ako sa kanya at napahawak sa ilong ko na bigla nalang nyang sinuntok! Ano bang problema ng babaeng 'yon?! Nang tingnan ko sya, inirapan nya ako at binuksan yung pinto. Haharangin ko ulit sana pero buti nalang, pagbukas nya, nandun na si Mrs. Vergara.

  Tinaasan sya agad ng kilay ni Mrs. Vergara. "Yes, Miss Falcon? Go back to your seat."

  Walang nagawa si Kenjel at bumalik sa upuan nya. Alanganin pa rin ang grade nya kay Ma'am kaya wala syang palag. Kailangan nyang magpa-good shot syempre. Ako naman, na mukhang nadurog ang buto sa ilong, bumalik na sa upuan ko na napapagitnaan ni Kean at Nelgen habang nakahawak ako sa ilong ko.

  Tinatawanan nga ako nung dalawa pag upo ko. Sabi pa ni Kean, 'Pre. Okay na eh. Sweet atmosphere na sana kaso biglang... boom!'.

  Isang linggo na din mula nang magsimula kami sa pagpractice sa Theatre Play na Cinderella at sa totoo lang, sakit talaga sa ulo ang pagbabantay kay Kenjel. Palagi nyang sinusubukang tumakas para magcutting pero kung ang performance naman nya ang pagbabasehan, may improvement dahil hindi na inaantok ang boses nya at nagkakaroon na ng emosyon ang mata nya. Pero seryoso, ang hirap nun ituro sa kanya.

  Maya't maya yung tingin ko sa upuan nya. Baka kasi makatakas eh katabi lang ng pintuan ang upuan nya. Dalawang beses din nya akong tinakasan kaya ayoko nang maulit pa. Ako ang sumasalo ng mga sermon na dapat ay para sa kanya.

  "Pre. Matutunaw yan eh." Natatawang sabi ni Kean.

  Tumawa din si Nelgen at siniko ako. "Di ka mapakali. Palitan mo dun si De Guzman." Tapos sinenyas nya yung seatmate ni Kenjel.

  "Tss! Gusto mong palabasin ako ni Mrs. Vergara?! Alam mo namang strict yun sa seating arrangement." Pasigaw na bulong ko sa kanya.

  Bigla ba naman akong binatukan ni Kean. "Timang. Tingin mo pagagalitan ka nyan eh ikaw paborito nyang estudyante?"

  "Alam mo, Ken. Minsan gusto kong maniwala kay Falcon na nerd ka eh." Nakangising dagdag naman ni Nelgen.

  Nainis naman ako kaya tumayo na ako. "Sinong nerd?" Tapos tinalikuran ko na sila at nakipagpalit ako kay De Guzman.

  Alam ko namang napansin na ni Kenjel ang paglipat ko pero hindi nya man lang ako nilingon. Nasa labas pa rin sya nakatingin at ginawa nyang unan yung bag nya na nakalapag sa desk nya. Kinalabit ko sya pero hindi talaga sya lumingon kundi naiinis na pumikit sya na parang sinasabing, 'Tulog ako. Bawal ang istorbo'.

  Nung magbreak, lumabas agad si Kenjel. Sinigawan ko syang hintayin nya ako pero parang mas lalo pa syang nagmadali. Hindi naman ako makasunod dahil sa mga gamit ko sa desk tapos kinakausap pa ako ng mga kagrupo ko sa ibang subject. Badtrip!

  "Bakit ba??" Naiinis kong nilingon yung mga kalabit ng kalabit sa akin. Natigilan naman tuloy sila.

  Pagtapos kong sagutin ang mga tanong nila, nagmamadali na rin akong lumabas para hanapin si Kenjel. Pag lang talaga yun nakapag-over-da-bakod, lagot sa akin yung mga istorbo kanina. Argh! Ano ba 'to? Pakiramdam ko, gan'to mag-isip si Kenjel at nahahawa ako!

  Hindi ko na sya makita dahil ang dami ding mga estudyanteng nagsisipaglabas. Crowded pa yung hallway. Tapos may lumapit na naman sa aking estudyante na hindi naman taga-section namin. Sinabihan naman nya akong puntahan ang homeroom teacher namin sa Faculty Room. Wala naman akong nagawa kundi sumunod dahil kailangan at responsibilidad ko yun.

  Dahil sa third floor pa ng unang building ng school ang Faculty Room ni Sir, sinabihan lang nya ako ng mga kailangang i-announce bago yung dismissal. Nag-oo nalang ako. Pinaalis rin nya ako pagtapos nun.

  Nung naglalakad na ako sa hallway ng third floor, napalingon ako dun sa may pintuan sa dulo ng hallway. Yun kasi ata yung daan paakyat sa rooftop. Ewan ko ba pero pumunta ako dun. Paglabas ko, railings tapos hagdan paakyat. Tumingin ako sa ground nung paglabas ko habang nakahawak sa railings. Tapos nakita ko yung puno kung sa'n ko unang nakita si Kenjel na tumalon galing sa taas ng puno.

  Napakunot-noo ako dahil nakita ko ulit si Kenjel dun ngayon. Sa baba ng puno, may dalawang babae na nakatingala sa kanya. Sino naman kaya yung mga yun? Parang may sinigaw yung isang babae tapos bigla nalang tumalon pababa si Kenjel saka sya lumapit sa dalawang babae. Nag-uusap sila pero base sa expression ng mga mukha nila, mukhang hindi maganda ang kung anuman iyon. Gulo na naman kaya yan?

  Nagmadali naman na akong bumaba para puntahan sila dahil baka kung anong gulo na naman ang magawa ni Kenjel. Dapat talaga nag-iingat yung mga taong lalapit sa kanya eh. Nung makarating naman na ako, napahinto ako dun sa di kalayuan sa kanila. Nasa ilalim din ako ng puno na kasunod ay yung puno kung nasaan sila. Napahinto ako kasi biglang sumigaw si Kenjel at hindi yun yung normal nyang sigaw na pagkairita ang dahilan.

  "DIBA SABI KO UMALIS NA KAYO?!"

  Kung yung iba siguro, iisiping nababadtrip lang sya at ito yung natural nyang ginagawang pagtataboy sa mga tao. Pero hindi ako. Siguro nga kilala ko na sya dahil na rin madalas na kaming nagkakasama. At alam kong apektado sya sa dalawang babaeng yun. Nang tingnan ko pa yung kamao nya, ang higpit ng pagkakasara at nanginginig pa. Pati yung mata nya, sa paningin ko, para ding nanginginig.

  Tiningnan ko yung dalawang babae. Mukha din silang malungkot. Napayuko yung isa at niyayaya yung kasama nya na umalis pero nagpapigil yung isa.

  "NO, WENDY! HINDI TAYO AALIS!" Sinigawan nya yung babaeng nagyayaya sa kanya paalis habang nakatingin kay Kenjel nang nangingilid yung luha.

  Ipinasok naman ni Kenjel yung kamay nya sa bulsa ng hoodie nya at nginisihan yung dalawa. "Tingin nyo, may mapapala kayo? Kilala nyo 'ko, pinaninindigan ko ang mga salitang sinasabi ko." Tapos tinalikuran nya na sila para umalis.

  Nakakaisang hakbang palang sya, sumigaw na naman yung isang babae. "Yan! Yan ang problema sa 'yo, Kenjel eh!" Halata sa boses nung babae na naiyak na sya. "Hindi ka nakikinig ng paliwanag namin! Hindi mo kayang magbigay ng pangalawang pagkakataon! Ano pang naging mga kaibigan mo kami?" Humahagulgol na sya at inaalalayan nalang nung isa.

  Kaibigan?

  Tiningnan ko si Kenjel, nakatalikod sya sa kanila pero dahil sa pwesto ko, naka-side view sya sa akin at nakikita ko kung gaano karaming emosyon ang meron sa mata nya. She's hurt, that I know.

  "Kenjel naman eh!" Naiyak na rin yung isa. "Alam naman naming nasaktan ka namin. Alam naming nagkamali kami. We realized it and we longed for your forgiveness. We want to be your friends again because we regret what we have done. Kenjel, please."

  Pero hindi sumagot si Kenjel at nagsimula nang maglakad palayo sa dalawa. Yung dalawa naman ay umiiyak na naglakad palayo.

  Did I just witness a broken friendship trying to be mended?

  Nang tingnan ko si Kenjel, nakita ko syang nakatingin na sa dalawang babaeng naglalakad palayo sa kanya. At nangingilid yung luha nya. I knew it. Bigla naman syang napabaling sa direksyon ko at nang magtama ang mata namin, bigla nalang syang tumakbo palayo!

  Bigla din tuloy akong napatakbo pasunod. Malamang alam nya na susundan ko sya kaya tumakbo sya palayo. Nakarating kami sa Technology Building kakatakbo. Pagdating ko sa hallway ng first floor, hindi ko na sya makita. Sarado yung mga pinto kaya malamang umakyat sya. Umakyat din ako at kakahanap sa kanya, nakarating ako ng rooftop.

  Nakatalikod sya sa akin at nakasandal sa railings. Naglakad naman ako palapit sa kanya at tumayo ako katabi nya. Hindi ako nagsalita. Tumabi lang ako. Nang mapatingin ako sa ibaba, bigla akong napahawak sa railings. Shet, nalulula ako!

  "Tsh." Napatingin ako kay Ken. Binalik nya ulit ang tingin sa langit pag tingin ko sa kanya.

  "Anong gagawin ko eh takot ako sa matataas?" Inis kong sabi sa kanya dahil sa pagtingin nya kanina, halatang kinicriticize nya ang pagiging matatakutin ko sa taas. Nasa seventh floor kami, aba!

  "Takot ka pala. Ba't andito ka?" Sarcastic na tanong nya na nasa langit pa din ang tingin.

  Ngumiti naman ako. "Andito ka eh."

  "Tsh. Ano naman ngayon kung nandito ako? Gusto mo, hulog pa kita eh."

  Tumawa naman ako. "Takot ako pero dahil nandito ka, tiwala naman akong hindi mo 'ko papabayaan."

  Dun sya tumingin sa akin. Nakaawang pa yung labi nya na halatang nagugulat. Tiningnan ko naman tuloy sya na parang nawiwirduhan ako.

  "Ano yang tingin na yan?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.

  "Pa'no ka naman mabilis magtiwala?"

  "Ha?" Ang weird naman nung tanong nya?

  Binalik na nya ulit yung tingin sa langit. "Isang taon na nung magkawatak-watak kami. Hindi ko alam na sinundan nila ako sa school na 'to."

  Napatingin naman tuloy ako sa kanya. "Seryoso ba 'to? Nag-oopen up ka?"

  Tiningnan naman nya ako ng masama. "Alam ko namang magtatanong ka."

  Napangiti nalang ako. "Sige, tuloy mo."

  Tiningnan na naman nya ako ng masama. "Anong tuloy ko?! Asa ka! Hanggang dun lang yun. Tsh." Tapos iniwas nya yung tingin nya.

  Natawa naman ako. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin at hangin lang ang maririnig. Hindi ko alam kung anong iniisip nya. Pero gusto kong malaman. Tiningnan ko sya.

  "Bakit..." Wag na nga. Binalik ko nalang ulit yung tingin sa langit. Ayoko sa baba, baka malula ulit ako.

  Bigla syang nagtanong. "Anong bakit?" Gusto nyang ituloy ko?

  Kaya naman tiningnan ko ulit sya na nakatingin na rin sa 'kin. "Bakit... Bakit nahihirapan kang magtiwala ulit sa kanila?" Napaiwas ako ng tingin. "Ibig kong sabihin, k-kaibigan mo naman sila. Para sa'n pa't magbigay ka lang ng pangalawang pagkakataon alang-alang dun isang napakagandang samahan nyo? Gano'n ba kabigat ang nagawa nila?"

  Akala ko, sisigawan ako ni Kenjel o bibigyan ng isang sarkastikong sagot o kaya ay sisipain dahil yun ang pinakanatural nyang gawin. Pero hindi. Nanatili syang kalmado at nagawa pang ngumiti ng kaunti.

  "Hindi mo ba itatanong kung anong ginawa nila?"

  Umiling ako. "Para sa inyong tatlo lang yun. Isa sa mga bagay na kayong tatlo lang ang nakakaalam."

  "Napatawad ko naman na sila, Ken." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin pa rin sya sa langit. "Matagal na. At alam nila yun. Ni hindi nga nagtagal ng isang buwan yung galit ko eh." Tapos bigla nyang pinunasan yung gilid ng kanang mata nya kasabay ng pagsinghot.

  Napakapa naman ako ng panyo sa bulsa ko. Bago ko pa mahanap, tumawa na sya ng kaunti. Sabi nya, may panyo naman daw sya at nilabas nya yun sa bulsa ng hoodie nya. Isang kulay itim na panyo na may makukulay na paru-paro. Dahil itim yun, kinuha ko pa rin yung panyo ko at inabot yun sa kanya.

  "Ito, puti. Mas bagay para sa umiiyak." Biro ko.

  Sinamaan nya naman ako ng tingin. "Sinong umiiyak?!"

  "Sus, magdideny pa." Ngumiti ako at ibinalik ang naunang topic. "Napatawad mo naman na pala sila, ba't ayaw mong ibalik yung dati nyong samahan?"

  Natawa naman sya. "Para sa'n pa?"

  "Hindi ka ba nanghihinayang?"

  "Hindi."

  "Ha? Bakit?"

  "Ayoko nang maulit yung dati." Nag-iwas sya ng tingin.

  "Yung dati?" Nagtatakang tanong ko. Sa pagkakatanda ko kasi, base sa usapan nila, ito palang ang unang beses na nagkaaway sila.

  Matunog syang ngumisi. "Ano bang tingin mo sa 'kin? Hindi nagkaroon ng kaibigan?!"

  Natawa naman ako. "Everyone thinks that way about you, Kenjel Ann."

  Sumiring sya. "Tsh. Nagkaroon din ako ng mga kaibigan." Tapos tumingin sya sa baba. "Pero lahat naman ng 'yon, iisa lang ang nagiging ending."

  Napatitig ako sa kanya. Ang lungkot ng pagkakasabi nya nun. At habang nakatingin ako sa kanya, sa loob ng iilang segundo, nakita ko kung paanong nahulog ang isang patak ng luha galing sa mata nya pabagsak sa lupa. Saglit lang yun pero sigurado ako.

  "Nung grade five ako, meron akong isang circle." Suminghot sya. "Apat kami. Yung isa, nagalit sa 'kin dahil sa naagawan ko sya sa top. Yung dalawa, nagalit din sa 'kin dahil inakala nilang ako yung kumuha ng gamit nila. Ni hindi man lang nila ako pinagpaliwanag. Yung isa naman, ako yung nagalit. Pero wala akong natanggap na sorry kaya hinayaan kong maging ganun nalang ang sitwasyon namin."

  Tiningnan ko naman sya. "Grade five ka palang nun. Away-bata.." Malumanay na sabi ko sa paraang nagpapaintindi.

  Ngumisi na naman sya. "Yun din ang tingin ko. Hindi ko nga yun pinansin eh. Dahil nga, away-bata lang ang dahilan. Lumipat ako ng school nun kaya hindi ko nagawang ayusin ang kung anumang meron kami. Grade six naman ako, nagkaroon ako ng isang panibagong kaibigan. Sya yung kasama ko parati. Hindi ko alam, tinatraydor pala ako. Nalaman ko nalang, sumasama sya sa 'kin dahil sa mga bagay na meron ako at kayang ibigay sa kanya." Pinunasan na naman nya yung gilid ng mata nya. "Nung grade seven naman ako, nagkaroon ako ng mga panibagong kaibigan. Tatlo kami. Pero hindi rin nagtagal, nag-lay low silang dalawa sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko na rin sila tinanong. Kung yun ang gusto nila, anong magagawa ko?" Pinunasan nya yung mata nya. At sa totoo lang, halata sa kamay nya ang panginginig.

  "Hindi ba dapat nilinaw mo?" Tanong ko pero yung tono ko eh nagdadahan-dahan at nag-iingat.

  Ngumiti sya. "Ayoko. Natatakot ako na baka isang nakakalokong rason na naman ang malaman ko. Isa pa, bata pa ako. Akala ko, magiging okay din. Pinairal ko yung pride ko, oo." Sumulyap sya sa 'kin tapos tumingin na naman sya langit. "Nung grade eight naman ako, sabi ko, sige, huli na, huling beses na 'kong makikipagkaibigan. At naging maayos naman. Nagkaroon ako ng apat na kaibigan. Dalawang lalaki at tatlo kaming babae. Pero nagkasira kami dahil lang sa gusto nung dalawang babae yung dalawang lalaki na sa 'kin naman daw may gusto. Ang sakit sa ulo. Para sa 'kin, napakababaw ng dahilan. Pero ako pa yung naging sentro ng gulo. Ayun, nagkasira lang din." Nanginginig na nun yung boses nya. Pinunasan nya yung mata nya. Suminghot sya pero nagpatuloy pa din.

  "G-Grade nine.. last year.." Nagka-crack na yung boses nya. Hindi na nya napigilan. Napayuko na sya at nagsunud-sunod na yung tulo ng luha nya.

  "Sshh.." Inalalayan ko sya hanggang sa makaupo kami sa semento na ang sandalan namin ay yung railings. Magkatabi kami at nakasandal sya sa 'kin. "Hindi mo naman na kailangang ipagpatuloy kung hindi mo kaya." Sabi ko.

  Pero naramdaman ko syang umiling sa balikat ko. "Grade nine naman, dun ako sa dati kong school. Wala na akong kabalak-balak na makipagkaibigan. Ayoko na. Parang nakaka-trauma pala ang pakikipagkaibigan. Yun din yung panahong nagpakasal si Papa sa iba. Nung mga oras na yun, nawalan ako ng interes sa lahat ng bagay, sa pag-aaral, sa pamilya, sa buhay." Tumahimik saglit. Bumuntong-hininga sya ng malalim. "Pinabayaan ko yung pag-aaral ko at ginagawa ang lahat ng gusto ko. Problem child nga." Natawa sya ng kaunti. "Pero sila, lumapit sila. Sinubukan pa rin nila akong kaibiganin. Tinulungan nila ako. Pinigilan nila ako sa mga bagay na pinaggagagawa ko. Sila na yung naging kaibigan ko. Yung isa, sya si Wendy. At yung isa naman, yung sumisigaw, sya naman si Rica." Pinunasan nya yung mata nya. "Grade nine, sila yung mga kaibigan ko. Sila yung pinakamatagal kong naging kaibigan, alam mo ba? Akala ko nga, okay na pero gaya ng mga nangyari, wala din. Nasira lang din. At sa kanila ang pinakamasakit. P-Pinakamabigat.." Nagkacrack na naman yung boses nya. "Kaya lumipat ako ng school. Kaya ayoko nang makipagkaibigan. Alam mo? Hinihintay ko na nga lang kung kelan ko makakasama ang Mommy ko sa itaas. Kasi ayoko na dito. Ayokong-ayokong-ayoko na.."

  Hinimas ko yung buhok nya. Naiyak na kasi talaga sya. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin o gagawin ko. Nanahimik nalang ako. Sa ngayon, parang nararamdaman ko din yung bigat na nararamdaman nya.

  Tumawa sya ng mahina. "Ngayong taon naman, ikaw 'tong naging kaibigan ko. Nung una, hindi ko pinasok sa isip ko na kaibigan kita. Sabi ko, kaklase lang kita at kakilala. Walang kaibigan. Pero pa'no naman yun kung palagi naman tayong napagsasama?" Umalis sya sa pagkakasandal sa balikat ko at tiningnan ako. "Pero sa pagkakataong 'to, hinahanda ko na yung sarili ko. Alam ko kasing masisira lang din. Pakiramdam ko nga, nasa ilalim ako ng isang sumpa. Samantalang hindi naman ako naniniwala sa mga fairytale."

  Pati ba naman ako?

  Nginitian ko sya at pinitik ko yung noo nya. "Ibahin mo 'ko."

  "Tsh, ba't namimitik ka?" Sinubukan nyang gawing sarcastic yung boses nya pero sa pandinig ko, parang drained na drained yung lakas nya.

  "Kung may sumpa nga talaga sayo.." Tumawa ako tapos tinap ko yung ulo nya. Napatitig naman sya sa akin na para bang nagugulat sya. Ngumiti ako sa kanya. A genuine sweet smile. "Then, princess, be glad. Your long and awaited prince has come to save you from your distress."

 

CHAPTER SEVENTEEN

"ARAY NAMAN!" Sigaw ko nang tumama ang malaking karton sa ulo ko.

"LABAS!" Namumulang sigaw ni Kenjel sa akin.

Tinawanan ko sya. "Kung makasigaw! Flatchested ka naman!" Nakapamulsa at humahalakhak na lumabas ako ng dressing room.

"Ano yun? Huh?" Nakangising tanong sa 'kin ni Nelgen paglabas ko ng dressing room.

"Wala!" Natatawang sabi ko. Tapos tiningnan ko yung stage nitong Theatre Club. "Okay na?"

"Oo. Saka yung dalawang chix dun, puntahan mo na." Tinuro nya yung unahang upuan.

Tinap ko lang yung balikat nya at pumunta dun sa dalawang nasa unahan. Parehas silang naka-uniform pa. Nang makita naman nila ako, ngumiti sila at tumayo. Nandito sila para raw manood ng last rehearsal bago ipalabas bukas ng alas singko.

"Wow! Ang gwapo ng prinsepe ng friend namin ah?" Sabi ni Rica habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Suot ko na kasi yung costume.

Nagpogi pose naman ako. "Ako pa ba?"

"Oo nga. Ang pogi. May pera ka ba?" Sabi naman ni Wendy.

Natawa naman ako dun. "Yun lang! Wala akong pera. Kaya pala ang tindi ng pambobola nyo dahil sa hidden agenda'ng yan ah?"

Tumawa sila parehas. Natawa na din ako. Tapos tinuro ko yung dressing room. "Nasa dressing room pa si Ken. Pinag-iisipan nya pa kung magsusuot ba talaga sya ng gown."

Natawa tuloy silang dalawa.

Isang linggo na rin ang nakalipas mula ng araw na 'yon. Natawa ako nang maalala na nung sabihin ko ang pamatay kong linya kay Kenjel ay isang jab ang tumama sa dibdib ko at sigaw nya. Pero ang bottomline ay nakumbinsi ko syang ayusin ang problema nya sa dalawa nyang kaibigan. At ngayon, isang bagay nalang ang tingin kong kulang. Mali, dalawa pala.

"Ano na? Tara na!"

Napalingon kami nang marinig ang bruskong sigaw ni Kenjel. At literal na napaawang ang labi ko nang makita sya. Si Kenjel ba talaga 'to?

Hindi pa naman sya nakagown dahil sa dulo pa yun ng play. Naka-plain dress lang sya na customized para magmukhang madumi. Pero hindi yun ang bagay na nakapagpaawang ng labi ko. Nakalugay yung buhok nya na alon-alon. At wala na yung bangs nya.

Naramdaman ko kung paanong bumilis ang heart beat ko. Sobrang lakas pa habang nakatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko nga, naging blurred na yung paligid maliban sa kanya. Shet, ano ba 'to! Nabalik lang ako sa reyalidad nang sikuhin ako ni Wendy at parehas sila ni Rica na natatawa.

"Uyyy."

"Halatang-halata ka." Natatawang sabi ni Wendy.

Napakamot naman nalang ako ng batok. "Di nga?"

Tumawa sila.

"Pero in fairness, ang ganda nga talaga ni Kenjel dyan." Sabi ni Wendy.

"Plus, ito ang unang beses na nakita namin siyang walang bangs. As in, first time!"

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa nang nagugulat. "Seryoso?"

Tumango sila. "Yep. Palagi naman kasi syang may bangs although minsan, yung type ng bangs na nakikita yung mata niya."

Napatingin ako kay Kenjel. Gusto ko ngang mapangiti eh. Ibig bang sabihin no'n eh ako ang unang taong nakita syang walang bangs? Yung araw na nakita ko syang nakalugay at naka-prescribed uniform? Ang liit na bagay kung tutuusin pero ewan ko ba, parang ang big deal sa 'kin.

Nagpaalam na din ako sa kanila dahil tinatawag ako sa stage. Si Kenjel naman yung lumapit sa kanila. Pagtapos kong kausapin si Nelgen, nagstay nalang ako sa stage habang binabasa yung script ko. Umalis na din si Rica at Wendy at si Kenjel, dahil sa photographic memory nya, hindi na nya kailangang magkabisado ng script. Nang tingnan ko, ayun, nasa pinakaunang upuan sa gilid at nakatungo sa lamesang nasa harap nya. Natutulog. Sinuot nya yung jacket nya na black at naka-hood. Dahil si Kenjel lang naman ang alam kong magsusuot at matutulog ng ganon sa ganitong sitwasyon, alam kong sya yun.

Hindi pa makapagsimula dahil hinihintay pa namin sina Glydel. Nang makarating sila, tumayo na ako pero napakunot ang noo ko nang lapitan nya ang natutulog na si Kenjel at malakas na batukan sa ulo. Ngumisi pa sya saka sya lumagpas kasama yung dalawa pang babae. What the hell?!

Dahil do'n, inangat ni Kenjel yung ulo nya at inikot para malaman kung sino ang gumawa nun. Mukha pang inaantok dahil naniningkit ang mga mata. Nang makita nya si Glydel, sumama yung timpla ng mukha nya. Nagmadali naman akong bumaba ng stage dahil alam na, baka disaster. Sinabihan ko na rin naman sya na iwasan ang gulo at bawasan ang pagiging matigas ang ulo!

Nakita kong kinuha ni Kenjel yung isang notebook na nasa lamesang tinutunguhan nya kanina at binato nya 'yon sa papalayong si Glydel. Napaawang nalang ang labi ko habang sinusundan ng tingin ang lumilipad na notebook na tumama sa ulo ni Glydel. Hindi pa sya nakuntento, bago makalingon si Glydel, binato nya pa ulit ng isa at isa pa na libro naman. Tumama ang tatlong yun sa ulo ni Glydel. Paktay.

Lumingon si Glydel at isang direktang masamang tingin ang pinukol nya kay Kenjel. Si Kenjel naman, parang walang pakialam na tumayo at lumapit sa kanya. Tapos pagtapat ni Kenjel sa harap nya, nagkatitigan muna sila. Binawi ni Kenjel ang tingin sa pamamagitan ng pagyuko at pagdampot sa mga tinapon nyang mga notebook at libro. Pagtayo nya ulit, tiningnan nya si Glydel na para bang sobrang bored sya.

"Sorry." Yun yung sinabi ni Kenjel at kahit sino, masasabing wala iyong emosyon. Monotone at direct. Pagtapos nyang iyong sabihin, tinalikuran na nya si Glydel pero bago pa sya tuluyang makatalikod, sumigaw na si Glydel.

"SINADYA MO BA 'YON?!" Napatingin yung mga malapit sa kanila dahil sa sigaw nya.

Dahan-dahan, talagang dahan-dahan na para bang tinatamad na humarap naman si Kenjel kay Glydel. "Alam mo?" Inaantok na sabi nya. Hindi ko nga malaman kung nang-aasar ba ang tono nya o sadyang ganun lang.

Lalong namula sa inis si Glydel. "You...! You freak! Nagawa mo pang magsorry?!"

"Buti nga nagsorry ako eh. Kesa naman sayo. Sinadya mo ring batukan ako kanina diba?" Sarcastic na sagot ni Kenjel pero nananatiling inaantok ang ekspresyon nya.

Naglakad palapit sa kanya si Glydel at inangat ang kamay na akmang sasampalin sya. Napasinghap lahat ng nakatingin. Sa kaso ko, alam kong hindi hahayaan ni Kenjel na sampalin sya ni Glydel. Pero nagulat ako sa naging paraan nya. Imbes na ilabas ang isang kamay nyang nasa bulsa ng jacket nya (since may hawak na notebooks yung isa) para pigilan ang sampal ni Glydel, umatras sya ng dalawang hakbang. At dahil sa lakas ng dapat ay sampal ni Glydel, na-out balance sya at napaupo sa sahig. Agad na inangat nya ang ulo at tiningala si Kenjel nang may masamang tingin.

Ngumisi lang naman si Kenjel. "Ayaw mo yata ng sorry ko. Sige, binabawi ko na pala yun." Tapos tumalikod na sya at nagsimulang maglakad palayo.

Tumayo naman si Glydel para sana habulin si Kenjel pero mabuti nalang, pinigilan sya nung dalawang babaeng kasama nya. Hindi ko alam kung anong ibinulong ng dalawa sa kanya para kumalma pero maigi na yun. Binalikan ko naman ng tingin si Kenjel at nakita syang papalabas na ng auditorium.

Tsk.

Tinuloy ko ang naudlot na pagbaba ng hagdan para sundan sya hanggang sa labas ng auditorium. Malawak na ground naman ang bumungad sa akin pero ang ground na ito ay sakop pa din ng auditorium. Matataas na halaman ang ginamit bilang bakod.

Isang ikot lang ng tingin sa ground at nakita ko si Kenjel na nakatayo sa harap ng isang lalaki--her father. Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi. Mukha kasi silang nagtatalo. Pero dahil mukhang seryoso, tumalikod na ako para umalis. Kaso hindi pa ako nakakahakbang, narinig ko nang sumigaw si Kenjel.

"TAMA NA!"

Agad akong napalingon at gaya ng iniisip ko, umiiyak nga siya. Ang sama ng tingin nya sa papa nya pero halata dun na nasasaktan sya. Oo nga pala, hindi pa sila okay. Isa yon sa dalawang kailangan ko pang ayusin para sa kanya. Mukhang natigilan din dun si Tito at bago pa sya makabawi, tumakbo na palayo si Kenjel.

Hindi ko alam kung bakit at kung ano bang tumama sa utak ko pero walang pag-aalinlangang tumakbo din ako para sundan si Kenjel. Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa pag-aalala. Ewan ko ba. Gan'tong-gan'to din ang naramdaman ko nang makita ko sya kasama ang mga kaibigan nya. Parang.. ayoko lang syang nakikitang nasasaktan at kung nasasaktan sya, merong malakas na urge sa loob ko ang gustong damayan sya kahit na hindi ko alam kung may magagawa ba ako para pagaanin ang loob nya.

Gaya nung isang linggo, naabutan ko sya sa rooftop ng Tech Building. Nakahawak sya sa railings habang nakatingin sa kawalan. Hindi na rin sya naiyak pero kitang-kita sa mata nya ang lungkot. Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa kanya at hindi pa ako nakakalapit, nagsalita na sya nang hindi man lang ako nililingon.

"Sinundan mo na naman ako."

Hindi ako sumagot at tumabi lang sa kanya. Hindi ko na binalak na tumingin sa ibaba. Tanging ang malakas na hangin lang ang maririnig sa paligid namin. Ilang minuto din kaming tahimik bago ako bumuntong-hininga ng malalim at nagpasyang lingunin sya para sana magsalita. Pero nang akmang bubuka na ang bibig ko, lumingon naman sya at inunahan ako.

"Nandito ka ba para kumbinsihin na naman ako?"

Naitikom ko naman ang bibig ko. Hindi ko kasi alam kung ano bang ibig sabihin ng tono niya--kung sarkastiko ba, naiinis o ano. Nang hindi ako makasagot, ngumiti sya. Nagulat ako do'n at napaawang ang labi ko. Alam kong wala sa sitwasyon para sabihin pero... ang ganda nya. Isa ata ang ngiting 'yon sa mga bihirang ngiting totoo na nakita ko sa kanya.

"Ba't ganyan yang mukha mo?"

Umupo sya sa semento at sumandal sa railings. Tinapik nya ang sementong tinatayuan ko.

"Tara, upo ka. Makikinig ako."

Ha?

Gulat namang umupo ako sa tabi nya. Hindi ko nga maialis yung tingin ko. Si Kenjel ba 'to?

"Anong... anong makikinig ka?" Nawiwirduhang tanong ko.

Tiningnan naman nya ako at bumalik na sa normal na iritable ang mukha nya. "Tsh. Hindi ba pwedeng matuwa ka nalang at wag nang magtanong?" Tapos nag-iwas sya ng tingin na parang nahihiya. Dun ko naman napansin na bahagyang namumula yung pisngi nya. Nahihiya ba sya?

Ngumiti naman ako. "Hindi ko kasi maisip kung anong pumasok sa isip mo para sabihing makikinig ka sa 'kin. That's not so you."

Hindi sya natingin sa akin. "Tsh. Nung huling beses na kinausap mo ako, naging maayos ang resulta. Kaya... gusto kong pakinggan ang mga sasabihin mo ngayon." Pahina na nang pahina yung boses nya. Tapos yumuko sya. "Isa pa, hindi ko rin alam kung tama ba ako, ang nararamdaman ko o ang ginagawa ko."

Eh?

Inalis ko sa kanya ang tingin ko at ipinukol iyon sa paa kong naka-half kneel. Napangiti ako. This girl never fails to amuse me. Hindi ko alam ang laman ng isip nya kahit na medyo alam ko na kung paano iyon tumatakbo.

"Bakit ba hindi mo pa rin sya pinapatawad?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi--teka." Kunot-noo nya akong nilingon. Tiningnan ko naman sya. "Ayoko ng pagkakatanong mo." Inis nyang sabi.

"Ha?" Anong mali sa tanong ko?

"Tsh." Sumiring sya. "Inisip mo kasi agad na hindi ko pa sya pinapatawad at ang tinanong mo na ay kung bakit. Hindi ba dapat, tanungin mo muna ako kung galit pa ba ako o hindi na?"

Napaawang naman ang labi ko habang nakatingin sa kanya dahil sa gulat. Hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng pagkapahiya o hahanga na naman sa paraan ng pag-iisip nya. Tama nga naman sya, inisip ko na agad na hindi pa nga nya napapatawad ang papa nya.

"Bakit, hindi ka na ba galit sa kanya?"

"Galit pa."

"Eh ba't nagrereklamo ka sa paraan ng pagkakatanong ko?

"Tsh. Bawal?" Maangas na tanong nya. Nag-iwas sya ng tingin nang nakakunot-noo. "Saka kung nasa ibang sitwasyon tayo, magiging tama ba ang pagtatanong mo ng ganon?"

Do'n naman ako natahimik. "Hindi." Tapos ngumuso ako dahil naiinis. "Tss. Parang ang labas, ako ang makikinig sa 'yo ah?"

Natawa naman sya. Pero hindi sya nagsalita. Ilang segundong naging tahimik sa pagitan namin. Ewan ko ba, kino-construct ko ng maayos ang sasabihin ko. Ang totoo, hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin. O kung ano ang mga sasabihin ko. Magsasalita na sana ako pero nauna na naman sya.

"Dapat bang patawarin ko na sya?"

Tiningnan ko sya. "Hindi naman ako ang nakakaalam nyan--"

"Hindi ba dapat 'oo' at 'hindi' lang ang sagot do'n?" Poker face na sabi nya.

Nagpoker face din ako. "Bigyan mo nalang kaya ako ng script?"

Umangat naman ang isang sulok ng labi nya at inalis sa akin ang tingin. "Daming sinasabi. Ano? Bibigyan mo ba ako ilaw o hindi?"

"Anong ilaw?"

Bigla syang namula. "Wala! Ang gusto ko lang namang malaman ay kung anong sagot sa tanong ko na kung dapat ko na ba syang patawarin! Wag kang manermon!" Parang batang pagmamaktol na sabi nya.

Natawa naman ako kaya napalingon sya sa akin. Nginitian ko na sya. "Nag-aalangan ka na diba?"

Hindi naman sya nakasagot. Nakatitig lang sya sa 'kin na parang pina-process ang sinabi ko. Ngumiti tuloy ako. Nakatitig pa rin sya sa akin na mukhang natigilan at pinag-iisipan nga ang tanong ko.

"Hindi naman kita sesermunan eh."

"Ha?" Parang wala sa sariling tanong nya. Mukhang gulat dahil sa sinabi ko.

Sa loob ng dalawang segundo, nailapit ko ang mukha ko sa kanya at initial reaction nya ang mapaatras. "Isang tanong, isang sagot, Kenjel Ann. Anong nararamdaman mo sa sitwasyon nyo?"

Tinitigan nya lang ako. Hinihintay ko yung sagot nya pero imbes na magsalita, bigla nalang lumipad ang palad nya at dumapo sa mukha ko. Dahil sa lakas no'n, bumagsak ako't napahiga sa semento saka umuungol na hinawakan ang mukha ko. Syete, ang lakas nun. Daig ko pa nasampal.

"BA'T MO 'KO TINULAK?!" Inis ko syang tiningnan na ngayon ay nakatayo na.

"Tsh! Ba't mo kasi nilapit ng ganun yung mukha mo?!" Siya pa galit?!?

Tumayo na ako at pinagpagan ang pants ko. Natawa nalang ako. Kunsabagay, isa iyong bagay na dapat ay inaasahan na sa kanya. Nang lingunin ko sya, nakatalikod na sya sa akin at mukhang maglalakad na paalis.

"Oy, sa'n ka pupunta?" Tanong ko.

Humarap naman sya sa akin. Nakasimangot at kunot-noo. "Mabigat."

"Ha?" Layo naman ng sagot nya.

Tinuro nya yung dibdib nya. "Ang sagot ko sa tanong mo ay mabigat sa dibdib. Kaya pupuntahan ko na sya." Tumalikod na sya. "Dahil dapat na inaalis ang mabigat para hindi maging mahirap ang lahat, hindi ba?"

Napangiti naman ako at tumango

Nagets na nya agad. Tumakbo naman na sya palayo sa akin at sa pagkakataong ito, hindi ko sya sinundan. Tinanaw ko nalang sya ng tingin.

Nasa rooftop ako at nakita ko kung paanong lumapit si Kenjel sa Tito na nakaupo sa bench na nasa ilalim ng isang puno. Mula sa likod, niyakap nya ang Papa nya. Nagulat si Tito kaya napalingon sa kanya at mas lalo syang nagulat nang makita si Kenjel. Nang magtama ang paningin nila, isang ngiti ang ibinigay ni Kenjel.

At sa lahat ng ngiting nakita ko sa kaniya, ang isang 'yon ang pinakamasaya.

CHAPTER EIGHTEEN

  Isang malakas na suntok ang nagpabagsak sa akin sa sahig ng stage ng auditorium. Mabilis ring isinarado ang kurtina para takpan ang stage. Kasabay niyon ang pagpatay ng mga ilaw. Sa ganoong paraan, itinago ang totoong ending ng Musical Play.

"WALA 'YON SA SCRIPT, G*GO!"

  Hindi pa sya nakuntento at sinugod ako ng suntok. Hindi ko sya pinigilan. Dahil pati ako, naiinis ngayon sa sarili ko. Ba't ko ba ginawa 'yon? Lumapit at umawat naman sina Nelgen para pigilan si Kenjel. Nagpaawat sya at winaksi ang pagkakahawak sa kanya nina Nelgen at Brix. Binigyan nya muna ako ng masamang tingin bago sya tumalikod saka galit na umalis. That was the most ballistic expression I've ever seen to her.

  Napabuntong-hininga ako. Anong kagaguhan naman kasi 'yon, Kennedy? Pinunasan ko ang dugo sa gilid ng labi ko. Bakit ba hindi ko napigilan ang sarili ko at nahalikan sya? Inalalayan naman ako ni Nelgen para umayos ng upo sa stage.

  "Ayos ka lang, pre?" Tanong nya.

  Tango lang ang sinagot ko at sinenyasan silang wag na nila akong asikasuhin. Sinundan ko ng tingin ang daang dinaanan paalis ni Kenjel. Now, I've messed up everything.

  Tumayo ako at nagpaalam sa mga kasamahan ko para umalis. Sumunod naman sa akin si Nelgen at inabutan ako ng compress.

  "Ba't mo naman kasi hinalikan, pre? Fake kiss lang ang usapan diba?" Natatawa pang sabi nya.

  Sa inis ko naman sa kanya, jinab ko sya sa dibdib. Tss, imbes na makiramay, tatawanan pa 'ko. Pero okay na din. Less awkward. Tinap nya lang ako sa balikat bago sya umalis para bumalik sa loob at sila na raw ang mag-aayos ng stage.

  Lumabas ako para magpahangin. Kaso saan naman? Ang daming tao dahil Foundation Day ng school kaya allowed ang outsiders. Ni hindi ko alam kung may lugar bang walang tao. At dahil wala akong maisip puntahan, naglakad nalang ako nang walang pupuntahan.

  Hindi ko rin alam kung ba't hindi ko napigilan ang sarili ko kanina. Parang gusto kong sapakin ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Bakit ko ba sya hinalikan?! Oo, gusto ko si Kenjel. O baka mas malalim na nga do'n. Pero t*ng *n* naman. Diba dapat nagtatapat muna bago humalik?! Badtrip.

  Napabuntong-hininga ako. Iyon ang pinakagalit nyang ekspresyon na nakita ko. And knowing her? Malabong bumalik sa dati ang kung anong meron kami. Okay lang kami kahapon eh. Kaso dahil sa kagaguhang 'to, sa isang iglap, wala na lahat 'yon. Nakakat*ng *n*.

  Ewan ko ba. Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko kanina. Gan'to ko na ba sya kagusto? Tsk. Ako 'tong lalaki pero ako pa 'tong nadadala sa isang fairytale. Geez. Hindi ko naman kasi akalaing gano'n sya kagaling umarte dahil papetiks-petiks lang sya pag practice. Parang lahat ng dialogue nya kanina, totoo. Sobrang realistic. At ngayon ko lang nakita ang mga mata nya na puno ng emosyon. Lalo na nung kumanta sya.

  Hindi naman kasi sya kumanta kahit isang beses sa practice. Sabi nya lang, oo marunong sya kumanta at hindi naman gano'n kasama ang boses nya. Pero kanina, parang halos lahat yata ng nakakakilala sa kanya bilang ang "sakit sa ulong problem child ng section one" ay napanganga. Talagang tumahimik yung buong auditorium nung bigla syang kumanta. Idagdag pa na acapella yung simula ng kanta at nagkaroon lang ng musical background nung chorus na. Ang lamig ng boses nya kaya ang sarap pakinggan.

  Huminto ako at napahawak sa batok ko saka napayuko habang nakapameywang. Napangiti ako nang maalala yung ending ng Cinderella play namin. Sa dulo, katulad ng ibang fairytale, nagsalita ang narrator ng 'And they lived happily ever after'. Ang kasunod niyon ay dapat fake kiss lang. Pero tinotoo ko 'yon.

  'Ang lambot ng lips nya.'

  Bigla ko namang binura ang ngiti sa labi ko dahil bukod sa mukha akong timang na nangiti sa gitna ng ground, tama ba namang ngumiti ako kung galit sya? Nagpamulsa ako at nagsimulang magpatuloy ulit sa paglakad nang tinitingnan ang paligid. Bigla yatang umaliwalas? Kahit anong gawin ko, napapangiti pa din ako sa tuwing maalala ko yung nangyari kanina. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko. In love na ba ako? Iniling-iling ko ang ulo ko. Anak naman ng pating oh. Pwede ko namang ma-realize 'yon nang walang gan'tong eksena na may pahawak-hawak sa dibdib sa gitna ng ground! Ang bading ng dating. Tsk.

   Dumiretso nalang ako sa parking lot. Uuwi nalang ako. Open gate naman dahil may events. Dala ko yung motor ni Daddy kaya hindi naman ako nahirapang umuwi. Pero syempre, hindi ko pa rin maiwasang isipin si Kenjel. Malamang lang na magagalit 'yon. Nang pumasok naman 'yon sa isip ko, bumalik na naman yung inis ko sa ginawa ko at kaba sa kung anong sasabihin nya. Pero kahit saan kong anggulo pakiramdaman, hindi ko magawang magsisi. Oo, naiinis ako sa ginawa ko dahil galit sya pero hindi ako nagsisisi. Argh.

  Pagdating ng bahay, sinalubong ako ni Mommy sa sala. Niyakap nya ako tapos tinapat nya sa akin yung pisngi nya.

  "Ano 'yan, Mom?" Tanong ko sa kanya.

  Tiningnan naman nya ako. "Kiss. Nasa'n ang kiss ko?"

  Eh? "Mom, wag na po." Ayoko po munang mawalan ng bisa yung halik. Nag-iwas ako ng tingin pagkasabi ko nun. Shet, ano nga ulit yung sabi ko?!

  Kumunot naman ang noo ni Mommy. "Bakit naman, Victorino Kennedy? Palagi mo naman akong hinahalikan sa pisngi tuwing nadating ka ah?!"

  "Mommy naman. Mano nalang po. I'm no longer a kid." In love na nga po ako eh.

  "Hmp!" Nagpameywang naman si Mommy. Alam mo namang ayoko ng mano."

  "Ang Mommy talaga." Niyakap ko nalang si Mommy. "Nga pala, 'Ma. Nakauwi na ba si Ken?"

  "Oo, bakit mo naman naitanong? Hindi ba kayo nagkasama?"

  Nilibot ko naman yung tingin tapos nakita ko sa gilid ng hagdan ang isang itim na bag. At kilala ko kung kanino 'yon. Nilingon ko naman si Mommy.

  "Ba't nandyan yung bag nya, Mommy?"

  Ngumiti naman sya. "Niyayaya kasi sya ng Tito mo na umuwi na sa kanila. Nagkaayos na pala sila. Hindi ko alam kung paano pero natutuwa akong malaman 'yon."

  "Mom, did she say yes?" Para naman akong nagmamadali na natataranta sa tono ng pagtatanong ko.

  "Yes. Actually, kahapon pa--Kennedy! Where are you going?!"

  Hindi ko na pinatapos si Mommy at nagmamadaling umakyat pataas. Saktong pag-akyat ko, nakasalubong ko na sya kasama si Tito na mukhang pababa na. May hawak pa syang bag.

  "Kennedy, hijo. I must thank you for all the things you've done for my daughter. And about yesterday, I owe you one, young man." Sabi ni Tito ng nakangiti. "By the way, nasabi na siguro sa 'yo ng Mommy mo? Kenjel agreed to live with us from now on. That's a big thanks to you." Tapos lumapit sya sa akin at ginulo ang buhok ko.

  Tiningnan ko si Kenjel. "Ken---"

  Pero ni hindi man lang nya ako tiningnan at dire-diretso akong nilagpasan. Wala akong nagawa kundi ang tumayo lang do'n hanggang sa makalagpas sila. Nakabawi lang ako nang makalagpas na sila. Nilingon ko ang mag-ama na pababa na ng hagdan.

  'She didn't even bother telling me about this.'

  Tumalikod nalang ako at walang imik na naglakad papunta sa kwarto ko. Nang mapahinto ako sa pintuan ng kwarto ko, napatingin din ako sa pintuan ng kwarto ni Kenjel. Dating kwarto nya. Bumuntong-hininga lang ako at pumasok na sa kwarto ko. Humiga na nga ako agad sa kama nang hindi man lang naghuhubad ng sapatos. Inunanan ko yung dalawang braso ko at nakatingin sa kisame.

  Wala naman akong problema kung aalis na sya dito sa bahay. Oo, malulungkot ako. Syempre, nasanay na din ako sa presensya nya. Pero mas mangingibabaw naman dun yung saya dahil sa wakas, okay na ang relasyon nya sa pamilya nya. Ang kaso, ba't hindi man lang sya nag-abalang sabihin sa akin kung kahapon pa? Saka... aalis sya nang hindi man lang kami nagkakaayos?

CHAPTER NINETEEN

  Dalawang linggo.

  Dalawang linggo na nya akong iniiwasan! Hindi nya ako kinakausap. Para ngang hindi ako nag-eexist sa paningin nya. Hindi rin nya sinasagot ang emails at tawag ko. Ni hindi nya man lang ako matapunan ng tingin. At sobrang nakakag*go. Hindi ko na alam kung anong dapat maramdaman. Kung walong beses ko siyang nilapitan, siyam na beses syang umiwas.

  "Torres, check mo attendance." Inabot sa akin ni Mrs. Vergara ang Master List nya.

  Tumayo naman ako para kunin yun at pumunta sa unahan para isa-isahing tawagin ang mga kaklase ko.

  "Acusta, Justin?" Pagsisimula ko.

  "Present."

  Nagtuloy-tuloy yun hanggang sa females na. Nung sa apelyido nya na, tiningnan ko sya. Nakatingin lang sya sa labas ng bintanang katabi nya. Tinawag ko yung apelyido nya pero ni hindi man lang sya lumingon.

  "Falcon, Kenjel Ann?" Inulit ko. "Falcon, Kenjel Ann." Inulit ko ulit ng mas malakas. Imposibleng hindi pa rin nya ako narinig. Talagang pinapahirapan ako ng liit na 'to.

  "Falcon." Si Mrs. Vergara na yung tumawag kay Falcon dahil napansin nyang tatlong beses ko nang tinawag yung apelyido ni Kenjel.

  Dun lang nya tinaas yung kamay nya na parang nun nya lang narinig na tinawag yung apelyido nya. Napapailing na siniring ko yung tingin ko. Ibang klase. Nang makita nga yun nina Nelgen, tinawanan pa ako. Tss. Mga mongoloid talaga. Tinapos ko agad yung attendance tapos bumalik na rin ako sa upuan ko.

  Pag-upo ko, tinapik ni Kean yung dibdib ko. "Ano, pre? Wala kang palag kay Falcon 'no?" Natatawang sabi nya.

  Tumawa din si Nelgen. "Wala 'to, weak. Olats ka pala dun eh."

  "Tss. Tigilan nyo nga 'ko." Inub-ob ko nalang yung ulo ko sa desk. Pero naririnig ko pa din yung dalawang kolokoy.

  "Oy pre. Si Torres ba 'to?" Natawang sabi ni Nelgen.

  "Totoo ba 'to? Yung top one natin, hindi nakikinig ng lecture ng terror na teacher?!"

  Nagtawanan na naman sila. Tinawag tuloy sila ni Mrs. Vergara at pinatayo sa dulo. Dun naman ako nakaganti at binigyan sila ng mapang-asar na ngisi. Sinenyasan ba naman akong kokotongan. Napailing nalang ako.

  Pagkatapos ng period ni Mrs. Vergara, wala nang pumapasok na instructor. Naging vacant hour nalang namin kaya ang ingay nung classroom. Panay naman yung tingin ko sa may pintuan. Okay, particularly, kay Kenjel.

  "Hoy, Ken. Panay sulyap ah?" Pinuna na naman ako ni Nelgen.

  Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Baka lang magcutting."

  "Wushu! Kalalaki mong tao, nagdideny ka pa. Saka ang tagal na nung magsimulang magtino si Falcon." Sabi naman ni Kean. Tsk. "Pero tutal, naaawa ako sa 'yong g*go ka. Gan'to nalang pre." Lumingon si Kean sa likod ng classroom. "Montero!"

  Pati kami ni Nelgen, tiningnan si Montero--kabanda sya ni Kean--para malaman kung ba't sya tinawag ng mongoloid kong kaibigan. Kasama ni Montero sa dulo yung dalawa pa naming kaklase na si Luke at Oliver.

  "Dito kayo, bilis! Dalhin mo yang gitarang hawak mo, Montero!"

  Sumunod naman yung tatlo sa sinabi ni Kean at lumapit nga sa 'min yung tatlo kasama yung gitara ni Montero. Ngumisi naman nun si Nelgen. Malamang, parehas kaming alam na ang balak nitong si Kean.

  "Gusto mong magpasapak ako sa harap ng buong klase?" Iritable kong sabi kay Kean nung makalapit na yung tatlo. Nagets ko na kasi kung anong ibig nyang sabihin sa 'ganto nalang'.

  Natawa naman sya. "Jologs, hindi. Pero pwede din. Hindi ko na-witness yung pagkakasapak nya sayo nung play. Sinarado agad yung kurtina." Tumawa na naman sya kasabay si Nelgen.

  "Tsk!" Tumayo na ako nun. Pero pinwersa naman akong inupo nitong dalawang kolokoy.

  "Hindi ka naman lalapit. Lakasan lang natin. Takot ko nalang sayo pag nasapak ka ng dahil sa 'kin, master!" Natawang sabi ni Kean. Tapos kinuha nya kay Montero yung gitara at inabot sa 'kin. "Alam na, pre."

  "Ge, back up lang kami." Sabi naman ni Luke. Maki-kolokohan din eh.

  "Ano bang kanta?" Tanong ni Nelgen.

  Napaisip naman ako. Tutal naman, nandito na rin at hawak ko na ang gitara, pwede na rin siguro. Isa pa, matagal na akong may naiisip na kanta na bagay sa kanya. Umupo na rin ako sa desk ko at nagsipagngisi ang mga mongoloid dahil alam nilang game na.

  "Just The Girl, The Click Five." Sabi ko sa kanila. "May iibahin lang akong lyrics."

  Buti nalang alam ko pa yung chords nun at alam din naman nung lima yung kanta kaya walang problema. Nung magsimula na akong maggitara, nagsipaglingunan naman yung mga kaklase namin. Takte, ba't bigla akong kinakabahan? Ah basta, wala nang atrasan.

Playing: Just The Girl by The Click Five

She's cold and she's cruel

But she knows what she's doing

She kick me in my knee

At our school parking lot

  Lively yung kanta kaya magandang pakinggan. Idagdag pa na nag-iingay din 'tong mga kasama ko sa paraang sasabay sila sa pagkakalively nung kanta.

She laughs at my dreams

But I dream about her laughter

Strange as it seems

She's the one I'm after

  Malakas yung tunog ng gitara. Ginagamit din nina Nelgen yung mga upuan na pang beat box kuno. Tapos nagbaback up pa sila sa pagkanta ko kaya kami na yung pinakamaingay sa room pero hindi masakit sa tenga.

'Cause she's bittersweet

She knocks me off of my feet

And I can't help myself

I don't want anyone else

She's a mystery

She's too much for me

But I keep coming back for more

She's just the girl I'm lookin' for

  Hindi ko inaalis yung tingin ko sa kanya. Ang totoo, simula nang magsimula ako, sa kanya lang ako nakatingin. Gaano naman ka-obvious na para sa kanya yung kanta? Kaso yung kinakantahan ko, ayun, nakasalumbaba at nakatingin pa rin sa labas ng bintana. Anong meron sa labas ang mas interesante kesa sa 'kin?!

She can't keep be patient

For more than an hour

She runs on 100

proof attitude power

And the more she ignores me,

The more I adore her

What can I do?

I'd do anything for her

'Cause she's bittersweet

She knocks me off of my feet

And I can't help myself

I don't want anyone else

She's a mystery

She's too much for me

But I keep coming back for more

She's just the girl I'm lookin' for

  Dahil nga masyadong halata na para sa kanya yung kanta at dahil masyadong malakas yung ginagawa naming music, yung mga babae sa classroom, naghihiyawan na at kinikilig on behalf of Kenjel na wala pa ring pagbabago sa puwesto. Gusto ko na ngang mapaisip, hindi ba nya kami naririnig kahit wala syang suot na earphones? Tsk.

And when she sees it's me

On her caller ID

She won't pick up the phone

She'd rather be alone

But I can't give up just yet

'Cause every word she's ever said

Is still ringing in my head

Still ringing in my head

  Gusto kong matawa dahil naalala ko yung isang beses tinawagan ko sya ng ilang beses para alamin kung nasaan sya dahil wala sya sa loob ng classroom pero puro rejected yung calls at nang magkita kami, tinanong ko sya kung ba't hindi nya sinagot at ang sinabi nya lang ay 'Mas interesanteng mag-isa sa ilalim ng puno kesa makipag-usap'.

She's cold and she's cruel

But she knows what she's doing

Knows just what to say

So my whole day is ruined

  Yeah right. Saktong-sakto 'tong kanta. Nung panahong hindi pa kami personal na magkakilala, palagi akong nababadtrip sa talas ng dila nya. Lalo na tuwing tatawagin nya akong nerd dahil hindi naman ako mukhang nerd!

'Cause she's bittersweet

She knocks me off of my feet

And I can't help myself

I don't want anyone else

She's a mystery

She's too much for me

But I keep coming back for more

She's just the girl I'm lookin' for

  Anak ng. Walang pag-asa. Hindi talaga 'to lilingon. Kahit na sumisigaw na yung iba na 'uy, lingunin mo na' o 'sagutin mo na', wala naman yung epekto sa kanya. May mga nagsasabi ngang 'sabi ko na eh. May something kayo ni Torres.' pero isang tingin lang nya, napapaatras na.

'Cause she's bittersweet

She knocks me off of my feet

And I can't help myself

I don't want anyone else

She's a mystery

She's too much for me

But I keep coming back for more

She's just the girl I'm lookin' for

Oh, I keep coming back for more

She's just the girl I'm looking for

She's just the girl I'm looking for

She's just the girl I'm looking for

  Binaba ko na yung gitara. Pinagtatapik naman ako sa balikat nina Kean habang natatawa.

  "Pre, saludo na 'ko dyan kay Falcon. Ang tibay eh!" Natatawang sabi ni Kean.

  "Olats si Ken!" Dagdag pa ni Nelgen at nagtawanan naman yung tatlo.

  Ngumiti lang ako sa mga pang-aalaska nila habang nakatingin pa rin kay Kenjel. Oo nga eh. Ang hirap suyuin ng isang 'yon! Kung ibang babae siguro 'yon, kinikilig at tumitili na. Tsk, pero si Kenjel yun. Si. Ken. Jel. Kaso kahit anong ugali meron sya, gaya ng lyrics sa kanta, 'I can't help myself. I don't want anyone else.' Kung bakit? Simple. She's just the girl I'm lookin' for.

  Tumayo sya bigla. Kung may tenga siguro ako ng aso, tumaas na bigla para i-indicate na naging alerto ako. Napansin din yun nitong mga kolokoy kong kaibigan kaya sinundan din nila ng tingin si Kenjel. Nanahimik tuloy bigla. Akala ko, haharap na kaso takte! Hinablot nya yung bag nya at walang lingon-lingong binuksan ang pinto para lumabas!

Saktong paglabas nya, nagtawanan na naman 'tong mga kolokoy na mukhang masyadong natutuwa sa sitwasyon ko. Ako naman, naiwang nakanganga habang sinusundan ng tingin ang nilabasan ni Kenjel. The heck. Seryoso bang nilayasan lang nya ako?

  Hindi na ako nakasunod sa kanya gaya ng natural kong gawain dahil pumasok na ang sunod na instructor namin para sa oras na 'yon. Nagsimula na rin syang magturo pero wala do'n ang iniisip at atensyon ko.

  Nakakainis talaga yung babaeng yun. Hindi ba nya kayang i-appreciate man lang yung ginawa ko? Tsk. Ikaw naman pumiling maggitara, Kennedy. Isa pa, ganun na talaga sya--teka... sandali. Hindi sya ganun talaga! Kasi para sa akin, kung pagkakakilala ko kay Kenjel ang magiging basehan, ang pinakanormal na gagawin ay sigawan ang gagawa nun sa kanya o lalayasan ang taong yun bago pa man magsimula ang kanta. Pero sa kaso ko kanina... hindi sya lumingon o gumalaw pero hindi sya umalis simula hanggang matapos yung kanta.

  Bigla ay napangiti ako.

  Did she... actually listen?

CHAPTER TWENTY

  "Hindi ka pa rin nya pinapansin?"

  "Mukha bang oo?" Sarcastic na sagot ko kay Kean. Tumawa naman sila ni Nelgen.

  Nanatili naman sa stage ang tingin ko. Tinuturuan yung mga babae sa class namin na sayawin yung ipeperform na sayaw ng buong fourth year batch sa School Festival. Tapos na kami kaya kami 'tong mga nakaupo sa bench.

  Dahil sa height nyang flat 5, inassign sya ng choreographer namin sa pinakaunahan at pinakagitna dahil na rin daw agaw-pansin sya sa pagkakaroon ng mahaba at magandang buhok. Nung una, umayaw sya kasi hindi raw sya marunong sumayaw. Pero dahil masyadong mapilit yung baklang choreo namin, wala syang nagawa.

  "Hindi talaga sya inalis sa unahan ah?" Natatawang sabi ni Nelgen na si Kenjel ang pinatutungkulan. "Hanep."

  Nagtawanan kaming tatlo. Hindi naman sa matigas ang katawan nya, talagang hindi lang sya marunong sumayaw! Ang asim na nga ng mukha nya dahil hindi nya makuha yung napakasimpleng single-single-double-double-single na step. Ang mas malala pa, pinapahinto silang lahat para lang ituro sa kanya yung steps. Tuloy, nakatingin sa kanya lahat. Knowing Kenjel, malamang pikon na 'yan.

  "Pustahan pre. Ilang minuto pa tatagal yang si Falcon?" Bigla namang nagsalita si Kean. Ito talaga, basta kalokohan.

  Sumakay naman sa trip nya itong si Nelgen. "Pre, ten minutes. Isang daan sa akin."

  "Ten minutes? Masyadong matagal! Five minutes. Two hundred." Nakangising sabi ni Kean tapos umakbay sya sa 'kin. "Sayo, Ken?"

  Nagcross arms ako. Well, nandito na rin naman. "I know her better. Two minutes. Five hundred!"

  "Whoa! Five hundred?!?" Sabay pa sila.

  Ngumisi lang ako. Tumutok naman kaming tatlo sa stage. Nagcontinue sila at pinatugtog yung music. Kaso nawawala na naman si Kenjel kaya sumenyas yung choreo na tumigil. Pagkapatay ng music, tinadtad nya ng sermon si Kenjel.

  "Hija! Myghad. Napakadali ng steps and yet, hindi ka makasabay! To think na nasa jitna ka, mapapahiya ang buong batch nyo! Ilang beses na tayong nagpahinto---"

  "Teka naman, sandali." Iritableng sabi ni Kenjel. Natahimik naman yung stage. Napangisi naman ako. Sabi na nga ba eh. Teka nga, parang ngayon lang ako natuwa na may ginawang mali 'yang pasaway na yan ah? "Nung una palang, sinabi ko na sainyo na hindi ako marunong sumayaw! Pero nakipagpilitan kayo at nakakarindi yang matinis nyong boses na daig pa yung mga babae kaya para matapos na 'tong kalokohang 'to, pumwesto ako sa gitna. Ngayon, sinisisi nyo sa akin kung bakit hindi ako makasabay. Nakukuha ko ang steps nyo pero hindi naman ako professional dancer para makasabay kung ito lang yung unang beses na sumayaw ulit ako." Dire-diretsong sabi ni Kenjel na nakapagpanganga dun sa choreo. Hindi sya nakasigaw pero sobrang iritable nung boses nya at idagdag pa na gusot na gusot na yung mukha nya.

  "How.. How dare you!" Yun nalang yung nasabi nung choreo. Nakahawak pa sya sa dibdib nya nang hindi makapaniwalang tinitingnan si Kenjel.

  "Tsh! Kung ayaw nyo sa akin, pwede nyo akong tanggalin dahil wala akong problema kung ma-si-zero ako dito." Kunot-noong sabi ni Kenjel.

  Wala namang masabi yung choreo namin at nakaawang lang ang labi sa sobrang pagkagulat kay Kenjel. Nakahawak pa sya sa dibdib nya na sobrang hindi makapaniwala. Namumula na nga rin sya na hindi ko alam kung dahil pa sa galit o pagkapahiya.

  Bigla naman akong tinulak ni Nelgen. "Oy Ken. Awatin mo yun. Gusto mong mapa-trouble na naman yan?"

  "Oo nga. Bilis, panalo ka na sa pustahan. Awatin mo lang. T*ng *n*, ako kinakabahan dito eh!" Dagdag naman ni Kean.

  Napababa naman ako ng bench at lumapit na sa kanila. Hindi lang naman dahil sa personal kong dahilan na ayaw kong mapa-trouble si Ken kaya ako lalapit kundi dahil presidente pa rin ako ng klase--ng first section. Paglapit ko sa kanila, napalingon naman agad sa akin si Sir--yung choreo namin. Samantalang si Kenjel, hindi man lang sumulyap. Parang hindi ako napansin.

  "Yes, Mr. Torres?" Nakataas ang kilay na tanong nya.

  "Sir, pagpasensyahan nyo na 'tong si Falcon. Pero tingin ko po, para maging maayos din yung sayaw, ilagay nyo nalang po sya sa likod.

  Tinaasan nya ako lalo ng kilay. Napalunok naman ako. Pa'no kaya nagawang sagutin ni Kenjel ang isang taong mukhang anumang oras, handang lumamon ng tao? Tiningnan pa nya ako mula ulo hanggang paa bago sya sumagot.

  "Member ka ng Interpretative Dance, diba?" Mataray na tanong nya.

  "Opo." Sagot ko naman.

  Sinenyas nya si Kenjel. "Then, teach her. There's no way I'm going to put her at the back." Tapos bigla syang pumalakpak ng dalawang beses. "Okay, 4-1! Twenty minutes break!" Tapos tiningnan nya ako. "Turuan mo sya sa loob ng twenty minutes." At walang sabi-sabing tumalikod at naglakad paalis.

  The heck?!?

  Napalunok ako. Dahan-dahan kong nilingon si Kenjel. Nakakunot noo pa rin sya habang tinitingnan yung dinaanan ng choreo. Takte, mas kinakabahan yata ako sa kanya kesa dun sa choreo.

  "Hindi ko pinlanong maging---"

  Lumingon sya sa akin at kunot-noong nagsalita. "Simulan na natin. Naiinis na ako." Tapos tumalikod sya at pumunta sa pinakagitna ng stage. "Trainor-Trainee. Walang lalabas." Narinig ko pang sabi nya. Okay?

  Bigla ko namang nahugot ang hininga ko. Kinausap nya talaga ako? Napailing ako habang nakayukong nakahawak sa batok bago naglakad papunta sa tabi nya sa gitna ng stage. Kinausap nga nya ako pero para lang sabihing Trainee-Trainor lang kami. Ngayon, pa'no ko naman sisimulan 'to? Nang tingnan ko naman sya, nakakunot ang noo nya at halata ngang naiinis. Sa aming dalawa, parang ako lang naman ang naiilang. Kinalma ko yung sarili ko sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Set aside the personals, Kennedy. Be a teacher for now. Nilingon ko siya.

  "Ano ba yung hindi mo makuha?" Tanong ko sa kanya sa pinaka-casual na paraang kaya ko.

  Hindi sya tumingin sa akin. Sa harap sya nakatingin nang sumagot. "Sa second rotation."

  Tumango ako. "Watch me." Tapos lumayo ako ng kaunti sa kanya saka pumwesto ako sa unang step ng second rotation.

  "Ha?" Parang nagulat pa sya nun tapos nilingon ako. "Ah, ge." Balik sa bored na tono nya.

  Iniwas ko yung tingin ko pagtingin nya sa 'kin. Mas kinakabahan kasi ako pag nakatingin sya. Gaya nung sa step, tinaas ko yung kamay ko galing sa kanan pati yung tuhod ko. Then taas-baba habang pinapapapunta sa kaliwa. Inulit ko yun dahil dalawang beses naman talaga. Sinabayan ko rin ng number from 1-8 para maging mas madali sa kanya. Nung matapos ako sa step na yun saka ko lang sya tiningnan. Naka-poker face pa din sya.

  "Nakuha mo?" Tanong ko.

  Nag-iwas sya bigla ng tingin. "Susubukan ko."

  "Sige, ako na magbibilang."

  Binilangan ko sya nang dahan-dahan at nagsimula naman sya. Nung nasa number 4, pinahinto ko sya kaya tiningnan nya ako.

  "Medyo itaas mo. Saka yung steps sa paa, gan'to." Pinakita ko sa kanya yung steps sa paa. Tapos tiningnan ko ulit sya. "Ulitin ko?"

  "H-Hindi na. Tingnan mo kung makukuha ko." Sya naman yung gumawa. Sinabay nya agad yung sa kamay kaya medyo nalito sya pero nakukuha naman nya.

  "Saglit." Unconsciously, hinawakan ko yung braso nya para patigilin sya. Napatingin naman sya dun kaya inalis ko agad. "Sorry."

  Hindi sya sumagot. Ako naman, sinabi ko sa kanya na mali na naman yung ginagawa nya. Tinanong naman nya kung paano at tinuro ko yung tama. Pinapanood muna nya ako tapos sya naman yung sasayaw. Basta, ganun umikot yung pagtuturo ko sa kanya.

  Sa kalagitnaan ng pagpapractice namin, nakacross arms ako habang pinapanood sya. Biglang napangiti ako kasi habang nasayaw sya, ang seryoso nung mukha nya tas sinusundan nya ng tingin ang bawat galaw nya. Hindi yun yung seryosong naiinis o yung natural nyang mukha pero yun yung seryoso na focus sa ginagawa. Nang makita naman nya akong nakangiti, bigla syang sumimangot.

  "Wag kang ngumiti."

  Bigla naman akong nagpoker face. Tinaas ko yung dalawang kilay ko. "Haaa? Sinong nangiti? Hindi ah!" Nagmamaang-maangang sabi ko.

  Sumiring naman sya. "Tsh."

  Ngumiti naman ulit ako. Ang cute nyang mainis. Kaso saktong pagngiti ko, tumingin ulit sya sa 'kin. Nagulat nalang ako nung bigla nya akong sipain sa tuhod. Sinubukan kong tumalon para umatras pero inabot pa rin ng paa nya ang tuhod ko.

  "Aw! Shit." Napatalon-talon ako habang hawak ang tuhod ko.

  Sinamaan naman nya ako ng tingin. "Kung tatawanan mo 'ko dahil hindi ako marunong sumayaw, wag mong ipakita! Tsh!" At inis nyang tinalon pababa ang stage. Hindi alam ang use ng hagdan.

  "Ano?!" Hindi makapaniwalang sinundan ko sya ng tingin nang nakahawak pa rin sa tuhod kong tingin ko eh mamamaga. "Hindi, oy!" Natatawang sigaw ko. Iniisip nyang dahil dun kaya ako nangiti?

  Nakapamulsa naman sya nun na sinipa yung mga nadaanan nyang upuan. "Maghanap ka ng ibang lolokohin, Torres!"

  Natatawang bumaba ako ng stage at iika-ikang sinundan sya. Buti nalang at nagawa kong harangan ang dinadaanan nya. Kumanan sya para iwasan ako pero kumanan din ako. Kumaliwa sya, kumaliwa din ako. Sa wakas, huminto na sya at tiningala ako. Nanlilisik pa yung mata nya. Pft.

  "Aalis ka ng kusa o aalis ka nang may pasa?" Iritableng tanong nya.

  "Whoa! Chill." Natatawang sabi ko pero nakaopen arms pa din ako para harangan sya.

  "Hindi ka nakakatuwa." Seryosong sabi nya.

  Nginitian ko sya ng malawak. "Kinakausap mo na 'ko bilang ako ngayon, 'diba? Eh di bati na tayo?"

  Dahan-dahang umangat ang isang sulok ng labi nya. Tapos sinipa na naman nya ang tuhod ko at tumakbo pagilid para takasan ako. Aba naman talaga. Pero malas nya, kahit paika-ika, nagawa kong hilahin sya pabalik at dahil masyadong napalakas yung hila ko, tumama at napahawak sya sa dibdib ko at para hindi sya ma-out balance, hinawakan ko sya sa likod nya. Tiningnan ko sya at saktong tumingala naman sya.

  Parehas kaming natigilan dahil do'n. Biglaang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang tingin namin. Shet. Ang lapit nya masyado. Nakatingin lang sya sa 'kin at nakatingin lang din ako sa kanya. Sa pwesto namin, parang nakayakap ako sa kanya. Buti nalang, maliit sya dahil kung hindi, pagharap nya, mahahalikan ko sya imbes na tumama sya sa dibdib ko. Napatingin ako sa labi nya. Napalunok ako at binalik agad sa mata nya ang tingin. Ito na naman yung pakiramdam na parang sya lang ang malinaw at walang iba sa paligid. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na gano'n pero natauhan lang kami nung may marinig nalang kaming magsalita.

  "Mr. Torres and Miss Falcon, ang sabi ko, practice. Hindi landian."

  Sabay naman kaming napalingon sa gilid at nakita yung choreo namin na nakapameywang habang nakataas ang kilay. Katabi pa nya yung ibang babae. Agad naman kaming naghiwalay ni Kenjel sa paraang parang tinulak pa namin palayo ang isa't isa.

  "Ano? Nakapagpractice ba kayo?" Mataray na pagtatanong nya.

  Tumango lang kami parehas. Sinabihan naman nya kaming pumunta sa stage at panonoorin raw nya kami. Umakyat naman kami parehas ni Kenjel para nga sumayaw. Akala ko, yung choreo lang yung manonood. Silang lahat na pala. Tumatawa na naman nga yung dalawang kolokoy sa dulo at naglabas pa ng phone si Kean.

  Sinenyasan naman ng choreo namin na simulan na yung music. Tiningnan ko si Kenjel at tiningnan rin nya ako. Walang nagsalita sa 'min. Tumango lang sya at tumango din ako--paraan namin para sabihing ready na kami parehas.

  Pagkasimula nung tugtog, sinimulan ko rin yung sayaw. Sumabay naman agad si Kenjel. Dahil kabisado ko naman, wala akong problema. Tiningnan ko si Kenjel at ayun na naman yung seryoso nyang mukha. Napangiti na naman ako. Medyo binabagalan ko din yung galaw ko para makasabay sya at masasabi kong sabay nga kami ngayon.

  Bigla syang bumaling sa 'kin kaya binalik ko agad sa audience yung tingin. Pilit ko ring itinago yung ngiti ko. Tapos nung pag-ikot na, yung magpapalit kami ng pwesto, nagkatinginan na naman kami. Ang seryoso nung mukha nya pero nagulat ako nung nagtapat kami, bumulong sya.

  "Magaling ka pala talaga?"

  Hindi na ako nakasagot dahil nagkalayo na kami. Hindi naman pwedeng huminto para sumagot kaya nilingon ko nalang sya. At nakakita ako ng isang hint ng ngiti sa labi nya. Napangiti din tuloy ako. At ibinalik na sa audience ang tingin.

  Nung matapos namin yung sayaw, nagpalakpakan naman yung mga nanood. May mga nagsabi pa na ang ganda daw. Tapos yung mga babae, nagtitilian. Nag-isang practice pa yung mga babae tas sinabi na ni Sir Choreo na pwede na daw kaming umuwi dahil si Kenjel lang naman daw yung hinihintay na maayos.

  Nung pauwi na, sinabihan ko sina Nelgen na hahanapin ko muna si Kenjel. Hindi naman nila agad ako pinaalis. Pinanood muna nila yung video nung sayaw namin ni Kenjel.

  "Ang epic nyo pre. Pag natingin ka sa kanya, sya naman yung naiwas. Tapos pag inalis mo na yung tingin mo sa kanya, siya naman titingin sayo. Anong trip nyo?" Yun pa yung sinabi ni Nelgen.

  Hindi ko natapos mapanood yung video dahil biglang nagring yung phone ko. Nang tingnan ko, nakita ko naman na si Mommy yung natawag kaya sinagot ko agad.

  [Kennedy, hello?]

  "Mom? Bakit po?"

  [Nasa school pa ba kayo ni Kenjel? Sabihan mo, nandito na ang Papa nya at sinusundo sya. Dalawang oras nalang daw bago yung flight nila kaya kailangan nya nang umuwi]

  Napaawang yung labi ko. Uwi? Flight? Parang sa loob ng ilang segundo, nagkanda-gulo gulo yung isip ko. Sobrang chaotic para ma-organize. Bakit sya uuwi? Bakit sya aalis? Bakit ngayon pa? Bakit hindi nya sinabi sa 'kin? Bakit kung kelan pa handa na akong umamin sa kanya? Kung anu-ano na namang naiisip ko pero sinubukan ko namang kalmahin agad yung sarili ko. Tumikhim ako bago sagutin si Mommy.

  "Anong flight, Mommy? Sa'n sila pupunta? Ba't aalis sila? Mom?" Yun na yata ang pinakakalmado ko sa ngayon.

  [Ha? Ah, eh hindi ba sinabi sayo ni Kenjel? Babalik na sila ng America para sa--]

  Hindi ko na pinatapos si Mommy at pinatay ko na yung tawag. Tumakbo na rin ako paalis kahit na tinatawag pa ako nina Nelgen. Hinanap ko ng tingin sa buong gym si Kenjel pero wala sya kaya lumabas na ako dahil baka nasa parking lot na 'yon para umuwi.

  Ngayon, ang gusto ko lang ay ang makausap sya.

EPILOGUE

Hindi ko na alam yung mararamdaman ko habang hinahanap sya. Basta, alam ko, naghahalu-halo na. Ba't naman hindi nya sinabi sa 'kin? Ba't biglaan? Kelan pa? Simula ba nung magkaayos sila? Dammit.

  Takbo lang ako ng takbo habang hinahanap siya sa paligid. Nasan ba sya? Nang makarating ako sa parking lot, huminto ako tapos nakahawak pa ako sa dalawang tuhod dahil hinahabol ko yung hininga ko. Masyado akong hiningal. Hinanap ko sya at nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko syang naglalakad sa bandang dulo. Kami lang naman yung nakita kong tao kaya nilakasan ko na yung boses ko nang magsalita ako para marinig nya.

  "Talaga bang balak mong umalis nang hindi tayo nagkakaayos?"

  Napahinto sya sa paglalakad. Tapos dahan-dahan syang humarap sa akin. Suot na nya yung hoodie nya at nasa bulsa na naman no'n ang dalawang kamay nya. Walang ekspresyon yung mukha habang diretsong nakatingin sa 'kin.

"I've already said sorry. Hindi ko naman sinasadya yung nangyari. Hindi ko lang talaga napigilan yung sarili ko. Oo, alam ko namang mali ako. Kaya nga ako nagsosorry pero ba't ayaw mo pa rin akong pansinin?"

  Wala naman syang sinabi. Tinilt lang nya yung ulo nya habang walang ekspresyong nakatingin sa akin. Sa madaling salita, wala syang reaksyon. Ano ba naman 'to?

  Bumuntong-hininga ako. "Ano pa bang kailangan kong gawin?" Tanong ko sa pinakamalumanay na paraang alam ko. Ayokong umalis sya nang hindi kami nagkakaayos--hindi, ayokong umalis siya.

  Ilang segundo kaming tahimik. Nakatingin lang sya sa 'kin sa hindi nagbabagong posisyon. Wala ba talaga syang sasabihin? Bumuntong-hininga na naman ako at iniwas sa kanya ang tingin ko. Geez, ba't humapdi naman bigla 'tong mata ko? Badtrip. Pinikit-pikit ko yung mata ko at medyo tumingala para pigilan yung tingin kong mangyayari.

  "May dala kang motor diba?"

  Napalingon ako sa kanya nang nagugulat nang bigla syang magsalita. Ganun pa rin yung mukha nya. Seryoso at walang pagbabago sa reaksyon.

  "O-Oo.." Kahit nawiwirduhan, sumagot nalang ako.

  Tumalikod ulit sya. "Tara."

  Naglakad naman sya at napasunod nalang ako. Akala ko kung ano, hinanap lang pala nya yung motor ko--ni Papa pala. Tapos tinuro nya yung motor at nilingon ako.

  "Angkas mo 'ko. May pupuntahan tayo. Ako nalang magtuturo ng daan."

  "Ha? Ah, oo."

  Para naman akong tanga na sumunod nalang. Ewan, parang wala ako sa wisyo. Nung sumakay ako, sumakay na din sya. Dahil uwian na din naman, pwede na rin kaming lumabas. Paglabas ng school, tinuro nga nya yung daan. Siguro mga limang minuto lang kaming bumyahe at pinahinto nya ako sa harap ng isang apartment.

  "B-Ba't tayo andito?" Tanong ko pagbaba nya ng motor.

  "Baba na, bilis." Tingnan mo 'to, ayaw man lang sumagot.

  Sumunod nalang ako. Sa second floor kami at yung dulong kwarto ang binuksan nya. Pagbukas nya, nilawakan nya yung bukas ng pinto at sinabihan akong pumasok. Pumasok din naman ako at unang tingin palang, alam ko na kung kanino 'to.

  White walls. Black carpet na may puting pusa. May dalawang gitara na nakasabit. Yung sofa pa, pare-parehas na nakatabingi. Nakatabingi pero nakalinya. Ang daming logo sa gilid at may mga posters ng banda sa gilid. Mostly, puro rock bands.

  "Apartment mo?" Tanong ko nang maupo ako sa isang couch.

  "Oo." Naglakad sya, binuksan yung mga ilaw at bintana. Himala?

  "Diba sa bahay na ng Papa mo ikaw nakatira?" Tanong ko.

  "Ibig bang sabihin nun, kailangan ko na 'tong iwan?" Eh? "Binili ko na 'to. At twice a week, dito pa rin ako natutulog."

  "Pero delikado ah!"

  "Tsh." Ngumisi sya. "Nag-aalala ka na nyan?"

  Bigla naman akong nag-iwas ng tingin. "Teka nga. Ba't ba tayo nandito?" Tapos parang dun ko lang naisip na... dalawa lang kami. Shet. Iniling-iling ko yung ulo ko. Tumigil ka nga, Kennedy!

  Bigla naman akong binato ng unan ni Kenjel. "Tss! Kung anu-ano na namang iniisip mo."

  "A-Ah. H-Hindi ah."

"Magdideny pa, pulang-pula naman yung mukha." Sumiring sya tapos pumunta sa kwarto nya. Bago sya pumasok, nagsalita sya. "Dito ka lang, saglit lang ako."

  Pag alis naman nya, do'n ko naman inikot ulit ang tingin sa paligid. Mostly, black, white, gray at silver lang. Sa unang tingin, masasabi mong magulo. Pero kung tititigang mabuti, malalaman mong maayos ang lahat. Paano ko ba ipapaliwanag? Basta, ang isa sa mga nagpapagulo tingnan ay yung mga posters ng rock band. Syempre, rock kaya yung hitsura eh medyo complicated. Tapos idagdag mo pa yung sofa nya. Kulay black pero yung sofa, may mga 3D na drawings at iba-iba ang kulay--puro dark colors. Pati yung carpet nya, bukod sa pusa, may mga burdang akala mo sa unang tingin, mga kalat. Yung bintana nya, may mga nakasabit. Yung gitara nya--parehas na maraming mga logong nakadikit kaya magulo ring tingnan. Katulad ng sabi ko sa dating kwarto nya sa bahay namin, ang apartment nya na 'to ay organized in a messy way.

  Bigla naman akong may naisip. Ayos lang kaya? Bahala na. Tumayo ako tas kinuha ko yung gitarang nakasabit. Bumalik ako sa couch at naghanda para kantahan sya. Nagdequatro akong upo at hinawakan yung gitara. Okay lang kaya akong tingnan? Hindi ba pa-cool masyado? Binago ko yung upo ko. Inayos ko din yung buhok ko gamit lang yung daliri ko sa pagsuklay. Pinagpawisan na 'ko kanina. Hindi ba 'ko mukhang dugyot? Inayos ko na naman yung upo ko. Tapos medyo humarap pa ako sa pintuan ng kwarto nya. Ang bilis nga ng tibok ng puso ko. Takte, ba't ba sobra akong kinakabahan? Huminga ako ng malalim. Chillax lang, Ken. Hinintay ko syang lumabas at nagki-clear throat pa 'ko. Nung saktong paglabas nya, ngumiti ako tapos nagsimula akong magstrum. Kinunutan nya 'ko ng noo pero wala syang sinabi at mukhang naghihintay sa kung anong kakantahin ko.

  "Well, it's hard to explain

But I'll try if you let me

Well, it's hard to sustain

I'll cry if you let me.."

  Hindi ko alam kung anong meron sa mga oras na 'to pero parang bumabalik sa akin lahat nang alaala ko sa kaniya. Ang weird sa pakiramdam. Weird and nostalgic.

This doesn't change the way

I feel about you or your place in my life

Can't you see?

I'm dying here

A shot of broken heart

That is chased with fear

Angel's cry when stars collide

And I can't eat and I can't breathe

I wouldn't want it any other way

Intentions that were pure

Have turned obscure

Seconds into hours

Minutes into years

Don't ask me why

  Hindi ko na kaya. Naramdaman ko nalang na tumutulo na yung luha ko kaya binaba ko na yung gitara at pinunasan yung luha ko. Wag ka namang tumulo oh. Mukha naman syang nataranta dahil nakita nya 'kong naiyak. Lumapit siya agad at tumayo sa tabi ko.

  "O-Oy, ba't ka naiyak?"

  "W-Wala." Iniwas ko yung tingin ko at pasimpleng pinunasan ang luha ko. Tsk. Hindi ko sya tinitingnan pero ramdam kong nakatingin sya sa 'kin. Humugot ako ng hininga bago nagpasyang magsalita. "Why can't you forgive me?" Halos pabulong na tanong ko.

  Narinig ko syang nag 'tsk' kaya bigla ko syang nilingon. Nakakunot ang noo nya at naka-cross arms. "Sinabihan na kita, diba?"

  "Ha?" Anong sinasabi nya?

  Umiling-iling sya. "Una, sinabihan na kita na tanungin mo muna kung oo o hindi bago ka magtanong ng bakit." Natigilan naman ako do'n. Oo nga. "Pangalawa." Pinakita nya sa 'kin ang dalawang daliri nya para sabihing pangalawa. "Dadalhin ba kita dito kung galit pa ako?" Napangiti naman ako. "At pangatlo." Biglang sumama ang timpla ng mukha nya at muling nagcross arms. "Wag mo sabi akong english-in."

  Natawa naman ako ng mahina. "What's with English that you hate it much? To think that you have british blood on you."

  Iritableng napangiwi sya. "Sa ayoko, anong magagawa mo?"

  Iniwas ko yung tingin ko. "Kakailanganin mo 'yon, diba? You're going back to America, aren't you?" Halos pabulong na sabi ko.

  Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin. Parang sumikip na naman ang dibdib ko. The thought of her going away is already painful. It rips me. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya at parang isa 'yong masakit na sagot sa tanong ko. She's really leaving. Pero nagulat nalang ako nang mabilis nyang inilapit ang mukha nya. Naramdaman ko nalang ang paghinga nya sa tapat ng tenga at leeg ko. Ugh, urges, not now.

  "Isang linggo lang 'yon, sobra mo na ba 'kong mamimiss sa loob ng pitong araw?" Halata sa boses nya ang tuwa.

  Mabilis pa sa alas quatrong nilingon ko sya. "One week?!" Para akong nabunutan ng tinik. Seryoso ba 'to? Parang sa isang iglap, nawala lahat ng mabigat sa dibdib ko at nakaramdam ako ng kung ano sa tiyan ko. Ang bading, shet.

   Sumimangot siya. "Isang linggo. Hindi one week."

  Tinde, gusto kong mapa-facepalm. Ang laki ng problema niya sa english. "Ah, so isang linggo?" Pag-uulit ko.

  Matunog syang ngumisi. "Oo. Yun ba ang dahilan kung ba't ka nagdadrama dyan?" Natatawang sabi nya na ang tinutukoy ay ang pag-iyak ko. "May kanta-kanta ka pa at paiyak-iyak. Mukha kang tanga."

  Bigla naman akong napangiwi sa reyalisasyon. Ang totoo, hindi ko rin alam ang dahilan; kung dahil nga ba sa aalis sya o dahil sa galit sya. O baka parehas. Pero anuman do'n ang dahilan, ba't kailangan nyang mang-asar?!

  "S-Seryoso ka ba?"

  "Saan? Sa mukha kang tanga o sa isang linggo lang ako dun?"

  "Sa isang linggo ka lang." Poker face na sabi ko.

  "Oo, isang linggo lang. Aayusin lang ang apelyido ko. Bata pa ang Mommy ko nung maipanganak ako kaya sa kanyang apelyido ang dinadala ko. Pero ngayon, gagawing apelyido ni Daddy."

  Napatangu-tango naman ako.

  Tumawa sya bigla. "Pero seryoso, kung nakita mo sana ang hitsura mo kanina. Mukha kang baklang pinagsakluban ng langit at lupa. Gusto ko sanang tumawa kaso baka umiyak ka lalo. Hindi pa naman ako magaling magpatahan ng bata."

  What. The. Hell.

  Tumayo ako at nilapitan sya na nananatili naman sa mukha ang mapang-asar na ngiti. "Inaasar mo ba 'ko, Ken?" Tanong ko sa tonong nagbabanta. Lumakad ako palapit sa kanya at naglakad sya paatras.

  Hindi naman ako gaanong pikon, nahihiya lang ako. Pero nangingibabaw sa oras na 'to ang sayang nararamdaman ko. Joyful? Delightful? Blissful? Hindi ko alam ang eksaktong salita para sabihin ang nararamdaman ko. Maybe beyond those words. Basta, ang bottomline sa ngayon na ikinakasaya ko ay ang katotohanang hindi sya aalis for good. Hindi sya aalis at pwede kong gawin ang bagay na matagal ko na dapat na ginawa, ang huling bagay sa tatlo na kailangan kong ayusin--ang ligawan sya. Because this girl is the only girl I can ever imagine to be my girl.

  "Oops. Naasar ka ba, Ken?" Nakangising balik nya na may pagdidiinan sa pangalan ko na pangalan rin nya.

  "You know. Hindi mo magugustuhan kapag gumanti ako." Sagot ko nang nakatingin sa kanya habang may nakakalokong ngisi.

  Umatras sya nang lumakad ako palapit. "Oh? Baka fencing expert 'tong kaharap mo?"

  "Who says I'm talking about that stuff?" Ngumisi ako. "I'm talking about.."

  Dinamba ko sya dahilan para mapaupo sya sa sofa at saka ko sya kiniliti nang kiniliti. Nagsimula syang pumalag pero malas nya dahil mas malakas ako at nasa ibabaw. Tawa na sya ng tawa dahil sa totoo lang, ang lakas pala ng kiliti nya sa leeg at sa bewang.

  "HAHAHA-ANO BA-HAHAHAHA TIGIL--HAHAHAHAHA TAMA NAAAHAHAHAHA KEEEEN!"

  Pati ako, humahalakhak na habang nagpapatuloy sa pagkiliti sa kanya. Sinisipa na nga nya ako at kung hindi ako alerto, malamang bumagsak na ako. Ang likot nga nya pero pinagpatuloy ko ang pangingiliti ko. Umalingawngaw sa buong kwarto ang tawanan namin hanggang parehas kaming mapagod at tumigil. Nasa ilalim ko pa rin sya at nasa ibabaw ako pero tinutukod ko yung kamay ko sa magkabilang gilid nya. Ang shirt ko ay nakalaylay nang hindi sumasayad sa kanya. Parehas kaming hinihingal habang nakatingin sa isa't isa at nakikita ko sa mata nya na masaya sya.

  Ngumiti ako. "Bati na tayo?" Hinihingal na tanong ko.

  Bigla naman syang sumimangot. "Wag kang ngumiti ng ganyan. Naiinis pa ako."

  Napawi naman ang ngiti ko at napalitan ng ngiwi. "Bakit?"

  Tiningnan nya 'ko pero iniwas nya ulit yung tingin nya. "H-Hindi ka... hindi mo pa pinapaliwanag kung ba't.. ba't mo 'ko hinalikan..." Sobrang hina na ng pagkakasabi nya nun na halos hindi ko marinig. Pero dahil kaming dalawa lang naman, malinaw ko 'yong naintindihan.

  Bumalik naman ang ngiti sa labi ko. Ang cute nyang mamula. Nakangiting inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya. At dahil nakahiga sya sa sofa at nakakulong sa magkabilang braso ko, wala syang magawa para umatras. Nanlaki lang yung mata nya habang diretsong nakatingin sa 'kin. Mas lalong pumula ang buong mukha nya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko.

  "Gusto kita." Mabilis na sabi ko, nakangiti. Tinitigan ko sya ng mas maigi para pagmasdan ang reaksyon nya. At mukha syang mas nagulat pa lalo pero hindi inalis sa akin ang tingin. Natawa ako ng mahina at napayuko saka ibinalik ulit sa kanya ang tingin. "No. That's an understatement." Tinitigan ko sya at mas lalo kong naramdaman ang malakas na tibok ng puso ko na pakiramdam ko, nasa lalamunan ko. "I love you, that is."

  Walang nagbago sa hitsura nya. Namumula pa rin habang nakaawang ang labi. Nakatingin pa rin sya sa 'kin nang nanlalaki ang mga mata. Kumurap-kurap ang mata nya na para bang hindi makapaniwala. Ang bawat pagbabago sa ekspresyon nya ay malinaw kong nasusundan. Lumabas na naman ang maliit na ngiti sa labi ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa labi nya.

  'I'd really like to feel how soft those orange lips again..'

  Dahan-dahan kong pinaliit ang distansya sa pagitan namin. Tiningnan ko ang mata nya at wala akong makitang pag-aalinlangan o pagpoprotesta. Sumulyap ulit ako sa labi nya bago sa mata nya. Mas lalong lumiit ang distansya sa pagitan namin at nang sandaling malapit na, bigla nalang akong lumipad palayo sa kanya at bumagsak sa matigas at malamig na sahig. The hell, sinuntok na naman nya ako!

  Wala akong ibang nagawa kundi ang mapaungol sa sakit habang namimilipit at hawak ang masakit kong likod. Ibang klase. Nang masulyapan ko sya, mukhang pati sya eh nagulat sa pagsuntok ring ginawa nya. Takte.

  Lumapit sya at umupo sa tabi ko. "Hala! Sorry! Tsk! Gano'n ang naging initial reaction ko dahil sa nangyari sa play! Pero pramis, hindi ko 'yon sinadya! Okay ka lang ba?!" Parang natatarantang pagpapaliwanag nya.

  Nakangiwi at namimilipit naman akong sumagot. "Oo, okay lang ako." Kahit ang totoo, pakiramdam ko, nagkanda durog durog ang buto ko. Sa ilong at sa likod.

  Kunot-noo nya akong tinitigan. Hindi ko malaman kung naiirita ba o naiinis o ano. Ilang segundo din syang nakatitig sa 'kin bago nang sa isang iglap ay mabilis na lumapit sa mukha ko ang mukha nya. Saglit lang pero ramdam ko kung paanong mabilis na naglapat ang labi namin. Napaawang ang labi ko at napatitig sa kanya. Did she just give me a smooch? Hindi sya makatingin ng diretso at namumulang nakatingin sa kanang side nya. Samantalang dahan-dahan naman akong napahawak sa labi ko bago dahan-dahang napangiti.

  "Does that mean...." Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang ituloy nya 'yon.

  "I love you."

  And that was the very first time I've ever heard her speak in English in the form of three precious words.

 

 

fin.

 

 

QUICK NOTE:

This is too cringey for my 20 year old self to read. But something fun about this is that I got Kenjel Ann from a certificate I received one summer camp. Instead of my name, it said Kenjel Ann then my surname despite the fact that my name do not have the letters K, E, J and L. So, I figured it was funny and memorable that I might as well use the name when I couldn’t think of one when I was writing this random and abrupt story.