Yellow

YELLOW

Yey! As for this one, ang plot na 'to ay inisip ko nung 14 yata ako or 15. Hehe. Tapos ngayon ko lang  gagawin, hano? Ewan, madrama talaga goal ko dito at ang main scene talaga na nagtrigger sa 'kin gawin 'to ay ang picture ng isang unreadable na lalaki which turns out to be Sean in here! *sabog confetti* Sana matapos ko. >.<


PROLOGUE

I... I don't know.

I don't know where should I start. I don't know what to say to begin with. I don't know if this would be the right thing to do. I don't know if I'm going to regret or be completely satisfied after this. I.. I just don't know.

Sa loob ng sampung minuto, nanatili kaming tahimik na naglalakad sa gilid ng dalampasigan. How romantic for a scenario that I'm going to create.

Hindi kami magkahawak-kamay. We’re just... simply walking. Papalubog na ang araw at lumalamig na ang hangin. Hindi rin naman sya nagtatanong o nagsisimula ng usapan. He has always been the person I knew. I know he knows I have something to say and so he remains silent.

Napasulyap ako sa kanya. Nakayuko sya sa buhanginan habang nakapamulsang naglalakad. As usual, I can't read his expression. I can't guess what's going on in his mind. Napabuntong-hininga ako at muling ibinalik sa daan ang tingin.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nanatili lang kaming tahimik. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang 5:40 na. Nauubusan na ako ng oras. Huminga ako ng malalim. I have to do this. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin sya. Dahan-dahan ko syang hinarap at nakitang nakaharap na sya sa 'kin.

Nakita ko syang nakatingin sa ‘kin. That pair of hazzel brown orbs. Hinahangin ang buhok nya at against sya sa orange na sinag ng araw na dahilan para lalong tumingkad ang brown na kulay ng buhok nya. He’s still handsome as ever. He always looked calm and composed. Kung titingnan siguro sya ng ibang tao ngayon, malamang sasabihin nilang bored sya. I wanted to smile at the thought. That's what I first thought of him. But now, I know, the way he look at me right now is a way that he never did to any other girls. His eyes are undoubtedly full of love. Oh God. Am I really going to do this?

Napalunok ako kasabay ng pagpikit. “I'm..” Why it has to be painful? “I-I..” Tiningnan ko sya. He seemed to have an idea of what I'm going to say. Inabot ko ang kamay nya at pinisil iyon. “Let's.. Let's end this.”

Two seconds. Five seconds. Seven. Ten. He had no response. He remained staring at me. He maintained a calm blank expression. Sean, what are you thinking?

I gulped. “I'm.. I'm breaking up with you.” And that was as if a signal.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at ibinalik ang tingin sa buhanginan. Hindi pa rin sya sumasagot kahit ilang minuto na ang lumipas. Muli ko syang tiningala at nakitang nakatagilid ang ulo nya patingin sa papalubog na araw. Hindi ko makita ang mukha nya.

Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko. Napasinghot ako at pinunasan yon. Ako 'tong nakikipagbreak pero ako pa 'tong nauunang umiyak. Stupid. Tiningnan ko sya na nananatiling nakatingin sa araw. Tumulo na naman ang luha ko at hindi ko na 'yon pinunasan pa.

“Listen.” Halata sa boses ko na umiiyak ako. “I-I’m dating someone else. I-I..” I gulped. “I-I've been dating him for days now..” Halos pahina na nang pahina ang boses ko.

I waited and still got no response. Tinawag ko sya at lumingon sya sa 'kin. His eyes suddenly felt cold. Parang nawalan ng kulay ang paningin nya at naging hollow ang mga pares niyon. Just plain blank. Magsasalita sana ulit ako nang magsalita na sya.

“I know.”

Nagulat ako. Napatitig ako sa kaniya at hindi ako makasagot. I.. I didn't know what to say. Nanatili akong nakatulala sa kaniya nang bigla syang ngumiti. Yung usual nyang slight smile. But this time, it was null.

“Chai, I know..” Pag-uulit nya. This time, mahina na ang boses niya. It was full of pain and it was as if a knife that had been stabbed on my chest. H-He knows and yet.. and yet...

Parang umurong ang mga luha ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. He knows. Parang may mas malaki ang bumara sa lalamunan ko. I couldn't speak. I couldn't find any words to say. What am I supposed to say anyway? Bumaling sya sa buhanginan. He was still wearing that usual slight smile.

“I knew it all along, Chaisee.” Napailing sya ng nakangiti. “What I didn’t know is that it would be this painful to hear it from you.”

Yumuko sya at sa loob ng isang saglit, nakita ko kung paanong nahulog ang isang butil ng mga luha sa mata nya. Saglit lang yon, halos hindi lumagpas ng second, pero sigurado ako sa nakita ko. At parang pinipiniga ng mga oras na 'yon ang dibdib ko. I had never seen him cry. And the first time I see him to was because of me. How lovely.

“I knew it all along and I still stayed. Do you know why, right, Chai?” He said, almost in whisper.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko. I shook my head. “I’m sorry, Sean. I’m.. I’m sorry. I-I’m really really sorry..”

He looked at me. Walang bakas ng pag-iyak. I almost think the tear I saw fell from his eyes was just part of my imagination. But I am certain. Why does he still hold back his emotion even at this moment? Why?

“Even if, Chaisee.” Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi. “Please.” Halos pabulong na sabi nya. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko. “Please, stay..” Pabulong na na sabi nya. “Please choose me. Please stay with me.”

Napapikit ako at kasunod niyon ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Bakit ang sakit marinig? Ang sakit sakit sakit. Hinawakan ko rin ang magkabilang pisngi nya at inilayo sya sa 'kin para titigan sa mga mata.

“Sean.” I called him. “I love you.” Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Lumunok ulit ako. “Pero iba na kasi ngayon.” Sabi ko sa paraang parang nagpapaintindi.

My words were sent to him as if a poison that is bound to kill him. Lumayo sya sa 'kin at muling ngumiti. Sean, why do you keep on smiling? Why do you keep on holding back your feelings? Why don't you let it out and cry?

“Right.” He nodded continously. Tumingin ulit sya sa 'kin. Ngumiti sya but the sadness were now visible on his eyes. “I’ll just be where you’re happy.” Lumapit sya sa 'kin, muling hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahan akong napapikit nang halikan nya ang noo ko. Within two seconds, I felt his extreme emotion; love, care, pain, sadness and sacrifice. Lumayo sya sa 'kin at muling ngumiti. “And if this is what would make you happy. Then so be it.”

With that, he left.

 

 

CHAPTER ONE

One month earlier...

  Mahina akong natawa habang nakatingala sa umiiyak na kalangitan. Talagang sumabay pa. Inilahad ko ang kaliwang palad ko para saluhin ang ilang patak ng ulan. Ang dilim ng langit at tanging ang ulan lang ang naririnig ko. Ang senti naman ng datingan ko nito.

  Ilang minuto rin akong nakatayo sa gitna ng isang tahimik na kalsada bago ako nagpasyang magpatuloy sa paglalakad papasok ng eskwelahan. Medyo malakas ang ulan pero nakakatuwa dahil maliliit at diretso ang bagsak nila. Gustong-gusto ko ang ulan. At ang ganitong senaryo ay talagang maganda. Tahimik kasi ang malawak na kalsada at puro puno ang paligid. May ilang dahon pa ang bumabagsak dahil na rin sa ihip ng hangin.

  Nang matanaw ko na ang malaki at kulay itim na may ginto ng Mysterecy International School ay saka naman ako napadaan sa isang mini stop. Walang tao do'n maliban sa isang cashier at isang lalaking nakatayo sa labas at mukhang sumisilong. Nakasuot siya ng itim na jacket at nakapamulsa. Nakatingala pa siya at tinatanaw ang langit. Ako naman, dahil may kailangan akong bilihin ay pumunta ako doon at pumasok. Sandali lang at lumabas din ako dala ang isang supot.

  Pagkasara ko ng pinto ay napansin kong nando'n pa rin si kuyang naka-jacket sa tabi ng pinto dito sa labas. Mukha ngang wala siyang payong. Bilang isang normal na tao eh magsisimula na sana akong maglakad palayo pero nakakaisang hakbang pa lamang ako nang bigla nalang akong tawagin ng lalaki.

  "Ah, ate?"

  Dahil dalawa lang naman kami do'n, alam ko namang ako na ang tinatawag niya kaya lumingon ako.

  "Bakit po?" Tanong ko naman.

  "Ah---ano.." Napakamot siya sa batok niya tapos nag-iwas pa ng tingin, halatang nahihiya. Gusto ko tuloy mapangiti. "Papunta ka rin do'n sa MIS, diba?" Tapos tinuro niya yung gate ng MIS na nasa itaas pa. Pataas kasi ang daan papunta do'n.

  Tumango naman ako. Obvious namang do'n ako pupunta dahil suot ko ang uniform namin at may packback pa akong suot. Do'n ko lang din napansin na naka-pants pala siya ng school namin at nakablack shoes. Di ko lang napansin agad na nakapolo din pala siya ng school namin dahil sa suot niyang jacket. Tapos nakasukbit sa isang balikat niya yung itim niyang bag.

  "Okay lang makisabay?" Tanong niya.

  Ano daw? Bigla tuloy akong napatingin sa hawak kong floral na payong na may blue background. Kasya ba naman kami dito? Hindi kaya mabasa kami? Kasi pang-isang tao lang talaga 'tong payong tapos ang lakas pa ng ulan. Saka isa pa... ito ang unang beses na magagamit ko ang regalong 'to.

  "Ah, okay lang kung sasabihin mong hindi." Bigla namang nagsalita si kuya dahil napansin rin nya yung tingin ko sa payong.

  "H-Hindi---!" Agad kong sabi naman. Baka kasi na-offend siya dun sa pag 'hindi' ko, akala yata niya eh pagtanggi kaya nagsalita ulit agad ako. "Hindi--ano, ang ibig kong sabihin, okay lang." Tapos nilapit ko yung payong sa kaniya para sabihan siyang okay lang.

  Sobrang tahimik namin habang naglalakad. Talagang yung ulan at paglalakad lang ang maririnig. Nakakailang tuloy. Feeling ko nga, mapapanisan na ako ng laway. Hindi kasi ako sanay ng tahimik. Pero alangan namang magpaka-feeling close ako at chikahin siya diba? Tapos ang tangkad pa niya. Kaya ako naman 'tong 5'2 lang ang height eh todo angat ng kamay ko para sumakto sa kaniya yung payong at hindi siya yumuko.

  "Unang araw ko ngayon dito."

  After siguro ng limang minuto ng katahimikan eh nagsalita siya. Buti na rin 'yon. Naiilang ako eh. Pero ano daw? Unang araw niya ngayon? Eh fourth grading na ah? Ito kasi ang unang araw namin pagkagaling sa Christmas break.

  "Transferee ka?" Tumango siya sa tanong ko. "Buti pinayagan kang magtransfer kahit January na."

  "Well, luckily enough." Ngumiti siya. "I'm in my fourth year in high school. Ikaw? Anong year mo?"

  Ngumiti din naman ako. "Third year palang po ako. Kuya pala dapat tawag ko sa inyo?" Pagbibiro ko.

  Tumawa naman siya. "Wag ka na magkuya. Nakakatanda eh."

  Ngiti lang naman 'yung sinagot ko. Tapos medyo inayos ko ulit yung hawak ko do'n sa payong dahil bumababa na naman. Napansin ko kasing napapayuko na siya.

  "Ako na hahawak ng payong." Sabi naman niya tapos umambang kukunin yung payong ko kaso nilayo ko.

  "A-Ah hindi, ako na."

  Napakamot naman siya sa batok niya. "Ang pangit namang tingnan. Ako yung lalaki tapos ikaw nagpapayong."

  Natawa naman ako. "Okay lang 'yan."

  "Ako na kasi maghahawak."

  "Payong ko 'to kaya ako ang masusunod."

  Nagulat nalang ako nang bigla niyang kunin nalang 'yung payong sa kamay ko. Hala siya! Hindi na ako nakapagreact dahil sa aramdaman ko na nahawakan niya yung kamay ko para kunin sa kamay ko yung payong.

  Nginitian niya ako. "Hindi, ako na. Mas matangkad ako kaya nahihirapan kang magbitbit eh."

  Napaiwas nalang ako ng tingin. Hay, gusto ko pa naman sanang ako ang maghawak ng payong kahit na nakakangalay dahil gaya nga ng sabi ko, unang beses kong magagamit yon! Kaso alangan namang bawiin ko nalang diba? Baka ma-offend siya. Saka ang rude. Kaya hinayaan ko nalang.

  Nakapasok na kami sa gate ng school nang bigla ulit siyang magsalita. "Ano palang pangalan mo?"

  Sumulyap naman ako sa kaniya bago ako sumagot. "Chaisee. Chaisee Hoshikawa. Pero kahit Chai nalang itawag mo sa 'kin. Ikaw?" Binalik ko naman yung tanong.

  "Sabi ko na nga ba't may lahi kang japanese eh. Base palang sa feature mo." Ngumiti naman siya. "I'm !@#$%&."

  Ano daw? Hindi ko narinig kung anong pangalan niya. Well, narinig ko naman. Hindi ko nga lang naintindihan. Sounds like Ishan? Christian ba? Yung apelyido, di ko rin maintindihan. Shwa something eh.

  "Ano ulit?" Tinanong ko nalang ulit.

  "Asdfghjkl."

  Inulit naman niya kaso di ko na naman narinig ng maayos dahil natyempuhan namang dumaan kami sa waiting shed at ang lakas ng bagsak ng ulan dun sa yero. Tsk!

  "Pwedeng pakiulit?" Sabi ko nalang. Nakakahiya naman.

  Natawa naman siya. "Sabi ko, I'm !@#$%^&*"

  Okay, for the third time, hindi ko naintindihan! This time, dahil sa may nakasalubong kaming dalawang babaeng nagtatawanan ng napakalakas. Uulitin ko pa ba? Syempre hindi na. Nakakahiya naman. Sabihin pa niya, hindi ako naglilinis ng tenga. Eh ba't ba naman kasi ang lakas ng ulan at may nakakasalubong kami? Dahil ayoko namang masabihang bingi, tumango at ngumiti nalang ako. Bahala na, ito naman ang huli at unang beses na makikita ko siya.

  Another session na naman ng katahimikan pagkatapos non. Wala naman akong maisip sabihin. Natanaw ko na rin yung building namin. Tapos nagulat ako nang bigla nalang akong kabigin ni kuyang nakikipayong palapit sa kaniya gamit ang paghawak sa balikat ko. Napatingin naman agad ako sa kaniya dahil sa ginawa niya.

  "Naiilang ka ba? Ang layo mo kasi. Nababasa tuloy yung balikat mo. Pasensya na ah."

  Ah, kaya pala. Tiningnan ko naman yung kanang balikat ko at basa na nga. Medyo malaki nga yung space sa pagitan namin sa payong. Pati din yung kabilang balikat niya, basa na. Sino ba naman kasing hindi maiilang na kasama mo sa iisang payong ang isang estranghero diba?

  Maya-maya pa, biglang inabot sa akin ni kuya yung payong. Initial reaction ko na na kunin yung payong. Saka naman siya lumayo at ngumiti sa akin.

   "Dito na ako, Chaisee. Salamat ulit." Tapos tumakbo siya papunta sa building. Yun yung building nga ng fourth year.

  Pagkasilong niya do'n, lumingon ulit siya sa akin tapos ngumiti at kumaway. Ngumiti nalang din ako at kumaway pabalik bago nagpatuloy sa paglalakad. Turns out, magkatapat lang pala yung building namin. Nauna lang ng konti yung building ng fourth year.

  Pagkasilong ko sa building namin at pagkasara ng payong, napatingin naman ako do'n sa building nila. Wala na siya do'n. Malamang pumasok na. Ako naman 'tong parang saka lang na-realize ang nangyari kanina, biglang natawa.

  Hindi ko kasi alam ang pangalan niya kahit tatlong beses niya 'yong binanggit.

※※※

Mysteria Secrecy:

This is an excerpt of my best friend’s life story! Yiee  Hon, this very first chapter’s for youuuu! Hearteu~ hearteu~

 

CHAPTER TWO

  “Whoa.”

  Sabay pa yata naming hinead-to-toe ang isa’t isa nang magkaharap. Bigla nga syang napatayo sa pagkakaupo sa sala nang lumabas ako galing sa office ng SSG Officers.

________________________________________

  Dahil sa reaction naman namin, napatingin sa ‘min si Barbie. Yung president ng SSG na apparently ay isang second year high school.

  “You guys know each other?” Tanong nya.

  Sabay naman kaming tumango. Tumingin ako kay Barbie at nagsabi na rin agad. “Kaninang umaga, nakasabay ko sya papasok ng school.”

  “Nakisabay ako. Wala kasi akong payong.” Dugtong naman ni Kuya na parang nahihiya pa kasi medyo napayuko pa at kumamot sa tenga.

  Isang tipid na ngiti lang naman ang sinagot ni Barbie at sinabihan na kaming pwede naman na daw. Eh di ako, dahil wala naman akong gagawin, kinuha ko na yung bag ko at nilapitan sya. Ghaaad! Akala ko talaga, yung encounter namin kanina sa payong kaninang umaga ay ‘yon lang kaya kampante ako kahit di ko talaga narinig ang pangalan nya.

  “M—May gagawin ka ba, Kuya? Pwede naman na kitang ngayon na i-tour.” Alanganin pa yung ngiti ko sa kanya.

  Ngumiti naman sya. “Wala naman. Eh, di, tara na?” Nakangiti nyang tinaas ang dalawang kilay nya.

  Alanganin naman akong nangiting naunang maglakad. Bahala na! Kukuyahin ko sya. Eh sa hindi ko alam ang pangalan nya eh. Parang ngayon tuloy ay pinagsisisihan kong naging third year representative pa ako. Ako tuloy ‘tong naatasang i-tour sa school ‘tong transferee. Teka nga! Hindi naman dapat ako eh. Yung fourth year representative dapat kaso absent naman ‘yung si Warner ngayon. Grr!

  “Uhm, obvious naman na pero sasabihin ko na rin. Yun yung gymnasium. Dito yung cafeteria. Apat yung cafeteria sa buong school. Sa north, south, west at east. Yan yung sa East. Based naman sa colors eh. Basta ang East cafeteria, color white. Color gray sa West, Green sa North at Light blue sa —eh?” Napatigil ako sa pagsasalita nang mapatingin sa kaniya. Sa ‘kin kasi nakatingin at di naman dun sa mga tinuturo ko. “May dumi ba mukha ko?”

  Natawa naman sya tapos tumingin sa paligid habang naglalakad nang nakapamulsa. “Wala. Bihira kasi ako maka-encounter ng may lahing hapon na fluent sa pagtatagalog lalo na gan’tong international school ‘to.”

  Ako naman yung ngumiti. “Mas madalas naman kasi ako dito kaysa sa Japan. Saka dito na rin ako lumaki. Idagdag pang yung mga taong nakikilala ko, di rin naman fan ng kaartehan.”

  “Oh?” Para namang na-amuse sya. “Swerte mo.”

  “Talaga!” Malawak ang ngiting sagot ko. “Ikaw, Kuya? Wala ka man lang kahit isang kakilala dito?”

  “Kuya ka dyan. Sabi ko, wag mo na ako i-kuya eh.”

  “Eh anong gusto mo? Pare? Ahead ka kaya sa ‘kin ng one year!”

  Tumawa sya tapos bigla akong nginisihan. Hala sya! “O baka hindi mo na agad natatandaan ang pangalan ko?”

  “H–Ha? Hindi ah!” Hindi ko lang talaga narinig nung sinabi mo. Huhu.

  Sumipol sya. “Sabi ko na nga ba. Ganyan naman kayong magaganda.” Tapos umarte pang parang na-hurt.

  “A–Anong! Manggigeneralize ka pa. Hindi ko lang naman narinig nung sinabi mo kahit tatlong bes—” Late na nang marealize ko yung sinabi ko. Para akong biglang naestatwa at nanlaki ang mata kasabay ng pag-init ng pisngi ko. NAKAKAHIYA KA!

  “Hahahahahaahah!”

  E—Eh? Halos i-tilt ko na ang ulo ko dahil sa biglang pagtawa nya na parang sobrang nakakaamuse yung sinabi ko. Naano ba ‘to? May sakit kaya ‘to? Hinayaan ko lang syang tumawa. Hanggang sa tumigil sya. Ang lawak nga lang ng ngiti tapos nakatitig sa akin. Nagulat nalang ako nang may kunin sya sa bulsa nya at itapat yun sa mukha ko. Medyo napaatras pa ako dahil sa sobrang lapit. Nang malinawan na ako, nalaman kong ID nya pala yon. Nandon yung pangalan, teacher at section. Fourth year, section one.

  “Sean.” Basa ko sa first name lang nya. Parang biglang nagskip ng beat yung puso ko pagkabasang-pagkabasa ko sa pangalan nya. Para akong nakuryente at naestatwa.

  Bigla na naman syang tumawa dahilan para mabalik ako sa ulirat. Ngayon, mas malakas at mas mahaba. Jusq, konti nalang, iisipin kong may sapak talaga ‘tong sinamahan ko. Maya-maya, tumigil sya sa pagtawa tapos nakangiti na naman sa akin tapos ginulo ‘yung buhok ko at medyo yumuko para maging ka-level ako.

  “Yeah, you can call me that.” Tapos ngumiti na naman. Eh?

----

  Pagkatapos kong ilibot si Kuyang nakipayong na Sean pala ang pangalan, dumiretso na ako sa first period ko sa afternoon class ko. Normal naman. Irregular pa medyo kasi kababalik palang sa sembreak. Akala ko nga, matatapos na ‘yung buong araw ko nang normal kaso pagka-dismissal, bigla akong nilapitan ni Angelique, kaklase ko. May naghahanap daw sa ‘kin sa labas. Para pa nga syang may pumupusong mata eh.

  Dahil don, lumabas ako ng classroom at tumingin sa kaliwa’t kanan ng hallway. Nakita ko ang isang lalaking nakapamulsa at nakasandal sa hallway. As usual, di na naman naka-uniform ‘to. Sa gray highlights palang sa buhok nya, kilala ko na kung sino. Mabigat man yung paa ko, lumapit pa din ako sa kanya. Hindi ko naman na kailangang magsalita kasi inangat na nya sa ‘kin ang tingin nya.

  “Gray.” Tawag ko sa pangalan nya. “Bakit?”

  Hindi nya ako nginitian. Hindi rin naman masama ang tingin. Yun yung natural nyang blangkong tingin. Umayos sya ng tayo. Mukha syang inaantok. Tumingin muna sya sa ibang direksyon bago ulit bumaling sa akin at nagtanong.

  “Wala ka na ba talagang balak bumalik sa banda?”

  Sabi ko na nga ba eh. Tungkol sa banda ang itatanong nya. Magkasama kasi kami sa school band. Silang magkakapatid na lalaki at ako. Si Gray ang second year classmate ko na nagpasok sa akin don. Pero last two months lang, bago magsem break, nagquit na ako.

  Umiling ako at ngumiti ng kaunti. “Hindi na muna. Saka gusto ko din namang magfocus sa violin at piano.” Nag-iwas ako ng tingin at sakto namang natanaw ko si Grizelle sa dulo ng hallway na palinga-linga. “Speaking of! Ayun na pala sundo ko oh.” Tinuro ko si Grizelle pero nanatili sa kin ang tingin ni Gray. “GRIZELLE!”

  Thankfully, narinig ako ni Grizelle at nagsimulang maglakad palapit sa amin ng nakangiti. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Gray sa‘kin pero talagang tinutok ko lang kay Grizelle ang tingin ko hanggang sa marinig ko syang magsalita.

  “Give me a month to check things out, Chaisee.”

  Dun ako napalingon sa kanya. Seryoso sya. Bago pa ako magreact, tumalikod na sya at naglakad palayo. Sakto namang nakalapit na si Grizelle sa akin.

  “Uy! Ang duga! Si Gray Katsuwara ‘yon diba?! Ba’t mo namang hinayaang makaalis nang di pa ako nakakalapit, Chaaaaaai?”

  Napabaling naman ako sa kanya at napilitang ngumiti. “Hehe. Nagmamadali yata. Tara na.” Hinila ko na sya pero mausisa talaga!

  “Bakit daw ba? Hihi. Swerte-swerte mo naman eh  Nakasama ka na nga sa banda nilang magkakapatid, binitawan mo pa! Hay nakuuu!”

  “Pinapabalik nga ako eh.” I faked a laugh. “Sayang daw kung wala silang magandang vocalist.”

  “Kapal! Don’t tell me, tinanggihan mo?!”

  Tiningnan ko sya tapos nakangisi kong tinaas-baba ang kilay ko. “Sige, hindi ko sasabihin.”

  Isang hampas naman ang binigay nya sa kin. Aray! Napaatras pa nga ako sa lakas. “Lukaret kaaaa! How to be you ba? Myghad.”

  Tinawanan ko nalang sya bago ako ulit lumingon sa pinanggalingan namin kung saan dumaan si Gray. Smile, Chaisee. You chose this path.

  Because this is how things would be better.

 

 

CHAPTER THREE

  Music is an international language that anyone would be captivated of. Whether it be an acapella or purjely instrumental.

________________________________________

  Marahan ang hawak ko sa bow habang malumanay itong iniistrum sa violin. I had my eyes close to feel the music and balance my key notes with my chin resting on the violin. Nang makuha ko ang tempo ng piece ni Mozart na sya namang piniplay ko, nagawa ko nang idilat ang mga mata ko at iikot ang tingin sa mga nanonood ng practice na ‘to habang pinagpapatuloy ang mababa at malumanay na piece.

  Konti lang naman ang nandito. Yung members ng instrumental family at mga instructors namin. May iilang estudyanteng nakaupo sa audience dahil malamang kasama ng mga members. Tutok na tutok sila. Ipipikit ko na sana ulit ang mata ko para ibalik ang pokus sa balanse ng mga nota nang mahagip ng mata ko ang isang taong nanonood sa dulo ng theatre kung nasaan ang daan palabas.

  My heart skipped a beat. Biglang dumiin ang hawak ko sa bow dahilan para magbago ang tono. As if on cue, nagkanda-mali mali na rin ako ng tira sa mga sumunod na nota. As I was expecting, narinig ko na ang boses ni Miss Fatima, ang violin instructor namin.

  “Okay, okay! Hanggang dyan na muna, Hoshikawa.”

  Syempre, no choice ako. At ‘yon din naman talaga ang kailangan ko. Nawala na ako sa nota eh. Ibinaba ko na ang hawak kong bow at violin. Alanganing ngumiti ako at nagbow saka tumalon pababa ng stage. Sinabihan naman na ako ng instructor na magpahinga na. Sinalubong naman agad ako ni Dina, isa sya sa mga kamember ko sa instrumental family ng Mysterecy High. Pianist sya at violinist naman ako. Ang lawak ng ngiti! Tapos inalog-alog pa ako pagkalapit ko sa kaniya.

  “Ang galing mo na sanaaaa! No wonder, ikaw ang lead ng violin group.” Tapos bigla syang ngumuso. “Kaso ba’t bigla ka namang nawala?”

  “Wala, di ko pa siguro talagang gaanong kabisado ‘yong piece.” Palusot ko nalang saka naunang maglakad papunta sa lamesa kung nasaan ang violin case ko.

  “Anong di kabisado! Duh, ikaw kaya nagturo sa violin group bago tayo isa-isahin ng instructor ngayon.” Sabi nya habang inaayos din ang sarili nyang violin.

  “Bastaaaa. Kumain nalang tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako.” Sabi ko nalang tutal naman alas onse na.

  Kaso si Dina naman, biglang lumapit sa ‘kin na para na namang kinikilig at inalog-alog na naman ang braso ko. Grabe, ang hyper talaga! “Dito nalang tayo kumain! Ha? Ha? Haaaa?” Kulang nalang magtwinkle yung mata nya eh.

  “Bakit ba? Anong meron dito?” Inikot ko pa yung tingin sa theatre.

  Bumulong naman sya sa ‘kin nang malawak ang ngiti. “Andito ‘yung transferee kong classmate! Ang gwapo nun, dali, makikita mo naman mamaya. Tara na, bili na tayo!”

  At halos nga kaladkarin na ako ni Dina. Halos mag-ala the flash na rin kami sa sobrang bilis namin kakamadali nya. Ayun, wala pa yatang ten minutes, nakabalik na kami sa theatre. Nagulat nga ako kasi ang dami ngang dito kumakain. Hala sya. Anong meron?

  “Miss Hoshikawa?”

  Napalingon ako nang tawagin ako ni Miss Fatima. Nasa stage sya, sa tapat nung musical desk. Pinapalapit nya ako. So, inabot ko naman muna kay Dina yung mga binili ko at nagpaalam na pupunta kay Miss Fatima.

  Pag-akyat ko ng stage, dun ko napansin na may mga kasama pala si Miss Fatima. Nakaupo across sakanya. Di kita kanina sa baba ng stage dahil natatakpan ng isang malaking wood. Kilala ko yung tatlo; si Vivian, leader ng piano group, si Pia, leader ng ukulele at si Grizelle, sa piano group. Yung pang-apat ang kilala ko pero hindi ko alam kung ba’t andito. Si Sean.

  Dahil puro leaders ng instrumental group ang nandito, alam ko nang meeting ‘to. Ang ipinagtataka ko lang, ba’t kasama si Sean? Eh ito ang unang beses na nakita ko sya dito. Pinaupo na ako ni Miss Fatima at dahil yung seat sa tabi nalang ni Sean ang natitira, dun na ako naupo. As if on cue, napatingin ako sa palibot ng theatre pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi nya. Baka... may nakatingin? Argh!

  Nagkangitian kami ni Sean pagkaupong-pagkaupo ko. Napatanong tuloy 'yung iba kung magkakilala daw ba kami. Syempre, sinabi naman namin kung pa’no kami naging acquaintances. Pagkapaliwanag, humarap sa ‘kin si Sean tapos ngumiti at bumulong.

  “Mukhang destined talaga tayong magkita sa campus ah?”

  Tiningnan ko lang sya nun at nginiwian. Like, uhm?

  Sa discussion ko nalang nalaman na sya pala ang tatayong leader ng guitar group. Di kasi masimulan yung collaboration present namin na gaganapin sa Valentines Day dahil walang leader ang guitar group. Nagtanong nga ako kung ba’t sya considering na transferee sya! Unfair ‘yon sa mga old members. Sabi naman, okay naman daw sila kay Sean. Besides, si Sean na ang pinakamatanda. Puro junior ang kasama nya.

  Pagkatapos ng brief discussion, nagtuloy na kami sa lunch namin. Bumaba ako para lapitan si Dina. Papalapit palang ako sa kinauupuan nya, nagtutwinkle na yung mata nya. Mukha ngang maglalaway pa. Sinaway ko tuloy sya paglapit na paglapit ko.

  “Huy! Ba’t mukha ka nang maglalaway dyan? Sobrang gutom ah.” Natatawang sabi ko.

  Pinalo naman nya ‘ko ng mahina sa braso at lumapit para bumulong. “Yung sinasabi kong gwapong transferee sa class namin, mamsh, papalapit sa ‘tiiiin!” Tunog impit na tili na ‘yung dulo ng sentence nya. Grabe, kilig ng bongga?

  May idea na ako. Pero tiningnan ko naman ‘yung pinanggalingan ko para hanapin. At boom, tama nga ang hinala ko! Si Sean! Amfufu. Talaga bang destined kaming magmeet? Ngumiti sya sa ‘min at kumaway gamit isa nyang kamay. Yung isa, dala yung pagkain nya. Mahilo-hilo na ako sa pagkakaalog sa ‘kin ni Dina sa sobrang kilig dahil tulad ko, mukhang tingin rin nya, makikikain sa ‘min si Sean.

  Tama naman. Dahil dumiretso nga talaga sya sa pwesto namin at nilapag na nya yung pagkain nya sa table namin na actually ay props sa theatre. Wala, nakigamit lang kami! Haha!

  “Pwedeng makisabay sa pagkain?”

  Syempre, inunahan na ‘ko ni Dina sa pagsagot. “Oo! Oo! Ito, upuan oh.” At ang lokaret, nagkusa nang humila ng upuan na nasa likod nya at ibigay kay Sean.

  Natawa tuloy si Sean pero nagpasalamat saka naupo. Nung nagsimula kaming kumain, nagsimula na ring mag-ala interviewer si Dina. Tuloy, tuwing mag aattempt si Sean na kausapin ako, may sasabihin si Dina at required syang harapin at kausapin ‘to. Mabuti na rin. Hehe. Bahala sya, sya naman ‘tong lumapit dito.

  Pagkatapos ng lunch, nagkahiwalay na kami ni Dina dahil sa magkaiba naman kami ng area sa practice. Si Sean, nakisabay sa ‘kin. Magkatabi lang kami ng practice area. Pagkalayo namin kay Dina, bigla syang bumuga ng hangin na parang nakahinga ng maluwag.

  “Grabe, ang daldal ng kaibigan mo.” Natatawa nyang sabi.

  Natawa naman ako. “I don’t think you should refer to her as my friend. Kaklase mo kaya sya.”

  Mukha naman syang nagulat. Lalo tuloy ako natawa. Naiimagine ko na mangiyak-ngiyak na hitsura ni Dina pag nalaman nyang di man lang pala alam ng crush nya na classmates sila. Napakamot si Sean ng ulo tapos napa ‘talaga’ nalang.

  “Magkalayo naman kayo ng first letter ng apelyido eh. Kung alphabetically arranged kayo, malamang di mo pa nga sya nakakaencounter lalo pa two days ka palang naman.”

  Ngumiti naman sya. “Tanda mo.” That didn’t sound a question.

  I shrugged. “Tingin ko naman, ‘di ako makakalimutin.”

  Ngumiti sya at ‘di na nakasagot kasi nandon na kami sa area nila. Nagkahiwalay na din kami kasi dumiretso na ako sa practice area namin. Pagkadating ko nga do’n sa area namin, nanukso pa ‘yung mga kasama ko lalo na yung mga fourth year na kabuilding ni Sean dahil ako palang daw ang sinasamahan nun. Naku! Wag naman nila lagyan ng malisya at baka magkaissue.

  Nagsimula na kami sa pagpapractice. Ginagawa ko tapos pinapacorrect ko sa kanila o kaya, hinihingian ko sila ng feedbacks. Hindi naman kasi porke leader ako eh hindi na ako magkakamali. Tapos ako naman. Iniisa-isa kong iplay ‘yung stanza ng key notes tapos sila naman ‘yung magpiplay.

  Siguro nagtagal din kami ng one and a half hour. May mga nakakakabisado na ng key notes at may mga medyong nahihirapan sa vibrato. Pero all in all, polishing nalang ang kailangan namin para sa presentation ng violin group.

  Huli akong naiwan sa violin group. Nandon pa din ako sa spot ko. Nag-aadvance practice na ako sa mga susunod na stanza. Mas okay na rin ‘to since ayaw ko pang umuwi. Wala naman akong gagawin sa bahay. Siguradong mag-iisip na naman ako ng kung anu-anong negative.

  Pinikit ko ulit ‘yung mata ko para i-balance at pakiramdaman yung tunog ng pagpiplay ko. Sinasabay ko din ang katawan ko sa bawat hila ko sa bow ng violin. Nasa kalagitnaan na ako nang biglang may pumalakpak. Napahinto ako sa pag i strum at napadilat pero di ko inalis yung baba ko sa chin rest. Nakita ko pagkadilat na pagkadilat ko si Sean.

  “You look really graceful when you play.” Nakapamulsa at nakangiti nyang sabi. Nakasabit na sa likod nya yung gitara nya at di na sya naka-polo kundi nakablack shirt.

  Binaba ko na ‘yung violin at bow saka sya nginitian tapos tiningnan ko yung area nila. Mga nagsisipag-alisan na din. Binalik ko sakanya yung tingin ko ng nakangiti pa rin.

  “Tapos na din kayo?”

  Napatango-tango naman sya. “In fact, mga paalis na sila.” Sabi nya tapos tinuro yung iba pa. Nakita ko naman paglingon ko. “Balak mong magpaiwan?” Biro nya.

  Umiling-iling ako nang natatawa. “Ayokong mag-overnight sa theatre.” Bukod sa nakakatakot ang ambiance sa gabi, mas lalo akong mababaliw! “Tinry ko lang i-self study yung susunod at possible na ending ng play namin.”

  He chuckled and pulled a monoblock to sit on. Yung sandalan ang ginawa nyang sa harapan nya pagkaupo. Bale, ‘yung siko nya ay nakapatong parehas sa sandalan habang nakatingin sa ‘kin. “Mukha ngang focused na focused ka kanina. Di mo yata pansing halos thirty minutes ka nang mag-isa.”

  Ako naman ‘yung nagulat. Thirty minutes? Nahalata naman nya ‘yung reaksyon ko kaya natawa sya at sinabing marami raw silang kanina pa nanonood sa ‘kin. Ang amo nga raw ng dating ko. Haha! Nambola.

  Dahil tingin ko naman, hindi na ako makakapagplay sa presence nyang makulit, nilagay ko na ‘yung violin at bow ko sa case nito at nagsimulang iligpit ‘yung mga gamit ko. Saka isa pa, mukha ngang kami nalang ang matitira pag nagkataon.

  “Oh? Ba’t ipapasok mo na? Akala ko ba, magpapractice ka pa?”

  “Paalis na sila eh. Takot ako sa multo, ayoko ngang magpaiwan.”

  Biglang nagpailalim ‘yung tingin nya sa ‘kin, masamang tingin tapos ngumisi ng creepy. Napangiwi ako at napatigil sa paglalagay ng music notes sa bag ko nung biglang dahan-dahang yumugyog ang balikat nya at humahagikhik na. Tinakot ba daw ako? Sa hitsura nyang ‘yan, sinong matatakot? Ang gwapo nya kaya! Tumawa tuloy ako imbes na matakot kuno.

  “Ang korni mo! Tingin mo, matatakot ako?”

  Nakitawa na din sya. “Di naman kita tinatakot. Pinapatawa kita.” Tapos nagbang sya sa ‘kin gamit yung dalawang daliri. “And gotya, success.”

  Tumawa lang ako. May pagkaadik din pala ‘to. “Oh, ikaw? Ba’t di ka pa nauwi?”

  “Wala, pinanood lang kita eh tumigil ka nang tumugtog.”

  “Dinaldal mo kaya ‘ko.”

  “Okay lang. Mukha namang entertaining pa din panoorin kang magsalita.”

  Tumawa na ako. Tapos inikot ko ‘yung tingin sa theatre. Kami nalang pala naiwan. “Tayong dalawa nalang pala nandito.” Nung ibalik ko ‘yung tingin sa kanya, nakangisi na naman! Bigla tuloy akong kinabahan. Tapos medyo napaatras pa ako. “U-Umayos ka ah. May pepper spray ako!” Tapos kinuha ko sa bulsa ng school skirt ko ‘yung pepper spray ko.

  Doon, humalakhak na sya. Ang lakas ng tawa ng mokong! Hawak-hawak pa ‘yung tyan. Halos ihampas ko naman na sakanya ‘yung hawak kong pouch. Goodness! Nung tumigil sa pagtawa eh ang lawak pa din ng ngiti.

  “Biro lang. Mukha ba naman akong gagawa ng masama?”

  I shrugged and zipped my bag. Natapos din! Sinukbit ko na yung bagpack ko. “Sabi nga, don’t judge the book by its cover.” Binitbit ko na yung violin case ko. “Tara na.”

  Napailing-iling naman sya na parang amused dahil sa ngiti nya. Tumayo sya tapos tinuro nya yung violin ko. “What made you play a violin?”

  Napangiti naman ako dahil dun. “Parents ko. Gusto daw nilang marunong ako kahit isang classical instrument. Specifically, either violin or piano.”

  Napatango-tango sya. Nung nagsimula na kaming maglakad paalis ng theatre, nagtanong ulit sya. “So, marunong ka magplay ng iba pang instrument.”

  Biglang nawala ‘yung ngiti ko dahil sa tanong nya. Pero ngumiti naman ulit ako. Hindi nga lang sing-genuine ng nauna. Tumango ako ng isang beses. “Hmm. Isa. Guitar.”

  Napataas yung dalawang kilay nya. “Whoa, talaga? Sana pala pinaggitara kita kanina.”

  Natawa naman ako at napailing nalang sa kanya. Ngumiti ulit sya at nagdiretso kami ng tingin sa paglakad.

  “Akala ko, piano since ‘yun ang isa pang gusto ng parents mo para sa ‘yo.”

  Napatingin ako sa ulap habang naglalakad. Dahil past dismissal na, orange na yung langit. Tahimik na din ang nadadaanan naming ground dahil wala nang gaanong estudyante. “Unlike the violin, someone else inspired me to play a guitar.”

  “I’d like to see you play my guitar next time.”

  Napangiwi ako. “Marunong ako pero hindi ako magaling. Konti palang naman alam ko eh.”

  “Ganon ba? Well, then, what’s your favorite song to play in a guitar?” Lumingon sya sa ‘kin.

  Tumingin din ako sa kanya. “Undoubtedly and definitely the ‘I Swear This Time I Mean It’ of Mayday Parade?” And this time, I gave him a genuine smile.

  “That’s in a guy’s point of view though.”

  “Hindi ah. Pwede din sa girls.” I winked and laughed it off.

  Nagulat ako nang bigla nyang guluhin ang buhok ko at tumawa. “Cool, then. Kung sayo eh.” Tinuro nya ‘yung isang grupo ng mga lalaki na pasalubong sa ‘min. “Gotta go. Play for the varsity.”

  He didn’t wait for my response and ran to them. Wala akong nagawa kundi sundan sya ng tingin na tumakbo papunta sa mga varsity players na nakatingin sa kaniya o sa aming dalawa kanina. Bigla akong napalunok habang sinusundan sya ng tingin. I then held my chest. My heart’s racing.

 

CHAPTER FOUR

  “Miss Hoshikawa? Miss Hoshikawa!”

________________________________________

  I flinched the moment I heard the irritated yell of the teacher infront. Bigla akong nabalik sa reyalidad at inikot ang tingin sa buong classroom. Everyone’s staring at me, some were worried. Yung iba naman, mukhang nawiwirduhan. Kunsabagay, makita ba naman nilang ang isang grade-conscious ng klase na hindi nakikinig at pinapanood ang ulap sa bintana eh.

  Nang magtama naman ang paningin namin ni Mrs. Vicente, napatayo ako bigla dahil mukha talaga syang nainsulto. “Yes, Ma’am?”

  Mataas ang isang kilay at mataray na dinireksyon ng ulo nya ang pintuan. Nang tingnan ko naman ay nakita ko si Bryan na vice president ng class namin at si Wendy na sya namang secretary. Niyayaya nila ako. Nagets ko namang sinusundo nila ako para umalis.

  Inexcuse ko na ang sarili ko at pinuntahan na yung dalawa. Habang naglalakad kami nila na pinaliwanag kung ba’t kailangan naming umalis. Yun pala, kailangan naming isa-isahin ang rooms ng Seniors para iinform sa upcoming pakulo ng senior na country exhibit. Dahil kami ang first section ng third year, sa ‘min syempre ang task na ‘to.

  Sanay naman ako sa public speaking dahil exposed na ako sa tao ever since yata. Bilang class president ng first section ng third year, halos karamihan ng speech ay sa akin. Sina Wendy at Bryan naman, madalas na tagasagot lang ng mga tanong though may kaunti silang explanation.

  Nang matapos kami sa third year, saka palang nagsink in sa akin na—pupuntahan din namin ang mga fourth year!!! Anong gagawin ko?! Dun ako nataranta na mukha namang nahalata nina Bryan. Pinilit ko na sila na sa last section kami magsimula. Mabuti nalang at pumayag.

  Ang tagal naming nakatayo lang sa pintuan ng first section ng fourth year. Pinipilit ko sina Wendy at Bryan na sila nalang. Kaso parehas naman nilang pinagpipilitan na bigyan ko daw muna sila ng valid reason. Wala naman akong maisip. At nung makaisip ako, di naman na nila pinaniwalaan.

  “Ba’t ka nga ba kasi kabado, Chai?” Si Wendy.

  “Oo nga. Diba dapat ngang mas excited ka at ito ang class ng—”

  Bago pa matapos ni Bryan yung idudugtong nya, bigla nalang bumukas yung pinto. Pare-parehas kaming nagulat at napalingon yung dalawang nakatalikod sa pinto. Alanganin akong ngumiti. Malawak naman ang ngiti nung nagbukas, si Sean. Nung tanungin nya kami kung anong sadya namin, wala akong nagawa kundi alanganin at nanginginig na itinaas ang hawak kong papel. Sabi naman nya, sakto raw at walang teacher. Anong sakto?!

  Parang mas lalong ayokong pumasok. Gusto ko nang hilingin sa lahat ng diyos na sana ay dumikit na sa semento ang nanginginig kong mga paa. Pero wala, pinagtulakan talaga ako nung dalawa na pumasok. Sunod nalang na alam ko, nasa unahan na ako ng klase. At nang makita nila ako, tumahimik bigla.

  Itinaas ko ang ulo ko at walang tiningnang kahit sino. Tagusan hanggang dulo. Ramdam na ramdam ko ang malamig na pawis sa noo ko at ang panginginig ng kamay ko. Pero nandito na ako. Tumikhim ako at kahit may kutob na akong mauutal at mababasag ang boses ko, nagsimula na rin akong magsalita.

  “U-Uhm, g-good morning—”

  “Anong maganda sa morning kung nandito ka?”

  Lahat kami nagulat sa biglang pagsabat ng isang lalaki sa second line. Napatingin ako bigla kina Wendy at Bryan na nasa gilid bilang reflex. Sinaway ni Wendy yung lalaki tapos pinatuloy ako. At kahit mas kinabahan ako lalo, nagpatuloy ako.

  “W-We are from.. uhm, t-the third year d—”

  “Obvious naman sa color ng border ng plate name nyo, wag tanga.” May sumabat na naman. This time, babae. Nasa gilid. Gusto kong maiyak dahil sa paraan ng pagtingin nila sa akin pero alam kong wala yong maitutulong.

  “M-Mag-aannounce lang—”

  Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mag-ingay na talaga sila at paalisin kami. Sumigaw pabalik sina Bryan at Wendy para magdefend at sumaway pero nanatili lang akong nakatayo sa unahan. Pakiramdam ko, late narinig ng mga god ang panalangin ko. Kasi nung mga oras na yon lang umepekto ang kagustuhan kong madikit nalang sa semento. Nanginginig pa rin ang mga kamay ko at wala akong ibang magawa kundi ang ipokus ang tingin ko sa paanan ko habang magulo at maingay ang lahat sa kwarto.

  “Umalis na kayo.”

  Napaangat ang ulo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nakita ko si Tristan na nakatayo na sa harapan ko. Kilala ko sya. Isa sya sa mga varsity. At kaibigan. Lalo akong parang nawalan ng boses. Nang hindi ako sumagot, nagsalita ulit sya.

  “No, your companions can stay to announce whatever kind of shit you came up with. But you? You can leave.”

  Hindi na sya nagsalita ulit at tumalikod na. Napalunok ako as if mapipigil nun ang bigat ng dibdib ko at ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Pagkaalis nila, lumapit sakin yung grupo ng babae na pinapangunahan nung babaeng sumabat kanina.

  “You heard him, right? Get out, trash.”

  Bago pa ako makapagreact, tinulak nung nasa unahan ang kanang balikat ko. Sa kawalan ko ng lakas, hinayaan ko ang sarili kong magpadala sa tulak na yon at muntikan nang bumagsak nang bigla namang may umalalay sakin.

  “Chaisee, okay ka lang?” Si Sean. Bumaling sya sa tatlong babae. “Ganyan nyo ba itrato ang mga junior bilang seniors?”

  Lumingon ulit sa pwesto namin si Tristan at nag-igting ang panga nya sa presensya ni Sean sa tabi ko. “Umalis ka dyan, rookie. Wag mong isawsaw sarili mo kung di ka kasali. Lalo na kung di mo naman kilala yang hawak mo.”

  That triggered Sean. Alam kong sa pagtayo at pagbitaw nya sa ‘kin, susugod sya kay Tristan na pwedeng pagmulan ng gulo. And I knew what are they capable to do. Kaya hinila ko pabalik si Sean para pigilan sya. He refused. Kaya mas hinatak ko sya kasabay ng pagsigaw.

  “SEAN, STOP!”

  That served as if a cue. Parang nagpause bigla ang oras. Tumahimik ulit sa classroom at lahat ay napabaling sa amin. Bakas sa mukha ng lahat ang gulat at pagtataka. Hindi ko alam kung bakit. Pero may ideya ako. Napalunok ako sa tinging ibinibigay nila. Mas matindi. At wala akong lakas ng loob para basagin ang katahimikan.

  Isang malakas na pagsipa sa pintong nasa dulo ang bumasag ng yelong nabubuo sa kwarto. Lahat kami ay napalingon don. Isang grupo ng mga lalaki. Ang magkakapatid na Katsuwara. Nasa unahan nila si Gray na nakapamulsa at diretso ang blangkong tingin. Sa kanan nya ay ang lalaking may green highlights at nakatingin sa akin ng diretso, si Neon. Sa kabila naman ay ang lalaking may red highlights, si Red. Parehas silang nakatingin at kahit pa gaano ko sila nakilalang masayahin, wala akong ideya sa iniisip nila sa akin ngayon. Wala akong nagawa kundi salubungin ang tingin nila sa akin na alam kong pinaghalong disappointment at awa.

  Dahan-dahan namang ibinaling sa akin ni Gray ang ulo nya. Nang magtama ang paningin namin, ngumisi sya habang pinananatili ang kablangkuhan ng mata. “Sean, huh?”

  Sabay-sabay silang lumingon sa labas. Parang may hinihintay na isa pang tao. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halu-halo at magulo. Pero lahat ay negatibo. Nang mga oras na ‘yon, ang unang bagay na pumasok sa utak ko ay ang syang ginawa ko. Buong loob kong tinalikuran ang lahat at humakbang para umalis sa classroom na ‘yon nang hindi lumilingon. Pagtakbo, iyon lang ang kaya ko.

  Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung natuloy ba nina Wendy ang announcement sa klase nina Sean o hindi. Hindi rin ako nagtanong. Ni hindi rin ako nagsalita sa mga sumunod na klase. Katunayan, wala ako sa sarili ko. Mabuti nalang at hindi rin naman nangulit ang dalawa. Tulala lang yata ako buong maghapon sa bintana. Kinakain ng iniisip.

  Dismissal at wala akong balak umattend ng practice sa music club. Kaso nakaabang na si Dina sa labas ng classroom. At sakanya, wala talaga akong takas. Wala rin ako sa mood para makipagsagutan at makipagpilitan. Basta, nagpadala nalang ako.

  “Narinig ko ang nangyari sa class kanina.” Sabi nya habang naglalakad kami.

  Oo nga pala. Wala sya kanina sa room nila dahil sa busy’ng schedule nya sa extra curricular activities. Tiningnan ko lang sya at nginitian. Wala akong balak magkwento. At nakakapanatag sa loob na hindi na rin nya inungkat.

  Pagdating sa theatre, bigla naman nya akong iniwanan. May nakalimutan raw sya sa classroom. Alam naman nya ang kaso ko kaya hindi na rin sya nagpasama. Naiwan naman akong mag-isa. Ayokong malunod na naman sa mga iniisip ko. Kaya tumayo ako at kinuha ang violin at bow sa case.

  Pumwesto ako sa stage at tumayo sa pinakakomportableng pwesto. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang musika. Dahan-dahan kong inistrum ang bow sa violin. Kabisadong-kabisado ko na ang notang ‘to. Mabagal pero mataas. Gustong-gusto ko dahil ramdam na ramdam ko. Isinasabay ko rin sa pagtugtog ang galaw ng paa at ulo ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtugtog nang bigla akong mapadilat dahil sa tunog ng pagbuhat ng upuan.

  Nakita ko si Sean. May hawak na upuan. Nakashirt at nakasabit sa likod ang gitara. Napakamot sya ng ulo nang makita akong nakatingin na sa kaniya. “Sinusubukan kong wag gumawa ng ingay eh.” Hinila nya ang upuan hanggang sa mapunta ‘yon sa harapan ko. Umupo sya dun nang nasa harapan ang sandalan. Bale, yung upo nya ay parang upo sa motor habang nakapatong yung dalawang siko sa ibabaw ng sandalan. “That really is a sad music. Okay ka lang ba?”

  “Tungkol saan?” Tanong ko.

  “About earlier.”

  Napaiwas ako ng tingin. “Doesn’t matter.” Sagot ko sa ibinaba ang bow at violin. Inilapag ko ‘yon sa isang lamesa malapit sa ‘kin.

  “Ba’t ibinaba mo? Go on. I’m here to listen.”

  Umiling ako at ngumiti. “Wala naman akong maisip nang tugtugin.”

  “You were playing when I arrived.”

  “That’s a different story.”

  “Hmm. Eh kung yung paborito mo kayang kanta sa gitara? Can you also play Mayday Parade’s I Swear This Time I Mean It in a violin?”

  Umiling ako. Napangiti naman sya bigla at humila ng malapit na upuan sa kanya para ipwesto sa harap nya. Tinapik na yon para ialok sa akin. “Here.”

  I didn’t have a reason to refuse. Naupo naman ako sa harap nya at inilapag sa lap ko ang bag ko. “By the way, wala ka bang...” Halata sa boses ko ang pag-aalangan kaya napatingin sya sa ‘kin. “Wala ka bang ibang pangalan?”

  Natawa sya. “What do you mean?”

  I shrugged. “Mukhang nagulat sila nang tawagin kitang Sean.”

  Ngumiti sya. “Nagulat din naman ako.”

  Dun napakunot ang noo ko. Nang mapansin nya ang pagtataka sa mukha ko ay kinuha nya ang ID sa bulsa ng polo nya at hinarap sa akin. Malinaw doong nakasulat ang CYAN WARNER at sa ibaba ang 4-1. “Most people mispronounce my name as sa-yan.” Inangat nya sa kin ang tingin at muling tinago ang ID. “Pero unang beses na may tumawag sa ‘king shan and Chaisee, that’s you. So I let you. Either way, the right pronounciation of my name isn’t sa-yan nor shan but si-yan.”

  I was then left dumbfounded. All along... I’ve been calling him the wrong name! Kaya pala.. Kaya pala natawa sya nung tawagin ko sya?! At kaya pala.. kaya pala ganon lang din ang reaksyon ng mga taga fourth year kanina. Why did no one ever correct me?! Nahalata naman yata nya ang reaksyon ko kaya tumawa na naman sya.

  “Look, it’s perfectly alright if you’re still going to call me Sean. It’s—”

  “Aaaaahhhh!” Ginulo ko ang buhok ko saka sya pinaghahampas. “Ba’t di mo man lang ako kinorrect, Cyan?!” Sigaw ko nang may pagdiin sa pangalan nya.

  Sangga naman sya ng sangga. “Alright, I’m sorry, okay? Here’s a treat for that.”

  Tumigil ako sa paghampas sa kaniya nang bigla nyang iharap sa kanya ang gitara nya at pumwestong mukhang tutugtog. Nagstrum sya ng isang beses tapos sumulyap sa ‘kin. Hinintay ko naman ang susunod nyang gawin. As expected, nagplay sya ng kanta. At intro palang pamilyar na sa akin ang kanta. Mas nakilala ko nang tumagal. At nagsimulang magpasway ang ulo ko from left to right para sabayan ang kanta. Napapangiti naman sya sa ‘kin dahil dun. Akala ko, tutugtugin lang nya. Pero nagulat ako nang sa chorus, kumanta sya kasabay ng gitara. Napatigil ako sa pagsway at literal na nastiffen.

“I’m outdated, overrated.

Morning seem so far away.

So I’ll sing a melody.

And hope to—”

  Hindi ko na sya pinatapos. Automatic na napatayo ako sa upuan ko. Sa sobrang pagkabigla, nakalimutan kong nasa lap ko ang bag ko na bumagsak pagkatayo ko. Dahil din sa reaksyon yun kaya sya napahinto sa pagtugtog at tiningala ako.

  “Bakit, Chaisee?”

  Naging malikot ang mata ko bago ko sya natitigan. “Don’t.. Don’t you ever sing that song to me, Sea—no, Cyan.”

  Tinalikuran ko sya at para akong natataranta at nagmamadaling kinuha ang bag ko. Pumunta ako sa violin para kunin yon. Napahiyaw pa ako nang sa sobrang taranta ay madanggil ko pa ang lamesa. Nanginginig pa rin ang kamay ko at malikot pa rin ang mata pero nagawa kong kolektahin lahat ng gamit ko. Nang lingunin ko ulit si Cyan ay nakita ko na syang nakatayo at nag-aalalang nakatingin sa ‘kin dahil malamang sa kinikilos ko. Magsasalita sana sya nang unahan ko na sya.

  “Just. Don’t. Sing. That. Ever again.”

  That was my only and last line before I turned my back to leave. Thankfully, hindi sya humabol. Napayuko at napahawak sa dibdib ko na hindi pa rin kumakalma mula nang marinig ang pagkanta nya sa bawat lyrics ng chorus. My heart’s racing.

 

 

CHAPTER FIVE

  “Uhm. Hi, Cyan.” Ibinaba ko ang hawak kong tray na naglalaman ng lunch meal ko sa harap ni Cyan. I should learn to get use of calling him Cyan rather than Sean.

________________________________________

  Mukha syang nagulat nang makita ako pero ngumiti din naman nung naupo na ako sa harap ka. “Good to see you here.” Bati nya.

  Ngumiti naman ako tapos nilibot ko ang tingin sa cafeteria bago ibinalik sa kaniya. “Mag-isa ka lang?” Tanong ko. Wala naman kasi akong nakitang kasama nya nang nabili ako.

  Ginesture nya ang line. “Nabili pa sila ng pagkain.”

  Napatango-tango naman ako. “I see. Aalis naman ako agad.”

  “Ha? Okay lang naman kung makikishare ka.” Bumulong pa sya. “Actually, better.”

  Ngumiti ako at tinuro ang isang mesa di kalayuan sa puwesto namin. “Kasama ko friends ko.”

  Tumango-tango sya at ngumiti. Nagsimula na syang kumain. Ako naman, tinitingnan sya. Tumityempo. Ayoko namang dumating na ang mga kasama nya at mawalan na naman ako ng chance para magsalita. Kaya naman tumikhim na ako.

  “Gusto ko lang humingi ng pasensya sa inasal ko kahapon sa theatre.”

  Halos mabulunan naman sya pagkasalita ko nang may kinakain sya. Ako naman ay natataranta para bigyan sya ng maiinom. Sa pagmamadali ko, ang naibigay ko sa kanya ay ‘yung isang baso ng salabat na pinasabay sa ‘kin ipabili ni Myka. Bigla syang napaubo pagkainom na pagkainom. Dun ko agad narealize yung naibigay ko.

  “Hala! Hala, sorry! Sorry talaga!” Kinuha ko nalang yung baso nya at yun ang ibinigay. Myghad, ano bang pinaggagagawa mo, Chaisee Hoshikawa!

  Pagkainom nya habang tinitignan ko syang nag-aalala, nagkatinginan kami. Wala namang nakakatawa at walang nagsalita pero parehas kaming natawa bigla parehas. Ano ba ‘to. Napailing-iling pa nga sya. Siguro ilang minuto bago sya sumagot.

  “About yesterday, it’s fine.” Nginitian nya ako. “It’s all fine. Mukha kang sobrang worried eh.” He chuckled a little.

  Natawa na din ako at medyo napakamot ng ulo. Wala nang nakapagsalita sa amin nang dumating na yung dalawang kasama nya. Classmate nya yung isa at yung isa ay hindi ko kilala. Pagdating nila, nagpaalam na din naman ako agad at dinala na kasabay ko paalis ang tray ko.

  Pagdating ko naman sa table namin, panay tukso na naman yung tatlo at naiinggit daw sila. Halos kainin naman ako ni Myka dahil may bawas yung inumin nya. Pero nung sabihin kong napainom ako nang hindi sinasadya kay Cyan, bigla syang naging maamong tupa. Naku! Kebago-bago ni Cyan, ang daming nahahatak na babae!

  Pero syempre, hindi nakalagpas sa kanila na tinatawag ko nang Cyan si Cyan. Hay naku. Kung sila sana kinorrect na ako nung una palang, eh di sana, walang problema! Buti nalang, nabaling din sa iba ang topic kaya naging medyo komportable na ako sa pagkain.

  Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako bigla sa bibig ko para takpan dahil pakiramdam ko, anytime ay masusuka ako. Napansin naman nina Myka. Nagpaalam akong pupunta muna sa rest room. Gusto pa nga sanang sumama pero di naman na ako nagpasama.

  Nagmadali akong pumunta sa rest room at pagpasok na pagpasok, pumunta ako sa dulong cubicle at sumuka sa bowl. Nahihilo pa rin ako at nakaramdam ako bigla ng panghihina. Finlush ko na yung bowl pagkatapos at pumunta sa sink para maghilamos.

  Dahan-dahan naman akong naglakad nang humahawak sa pader bilang alalay palabas. Paglabas ko ng rest room, nanatili pa rin ako sa gilid para humawak sa pader. Nanlalabo na ang paningin ko. Hinilot ko ang sentido ko hoping na medyo umayos ang pakiramdam ko. But everything went much blurry. Lalo akong nanghina at napabitaw sa pagkakahawak. Just seconds after, even if I didn’t want to, nawalan ako ng balanse.

  Bigla akong bumagsak sa sahig. There was a loud impact enough to catch students’ attention nearby. Blurry na ang paningin ko pero alam kong naggather na silang lahat palibot sa akin. I couldn’t understand any words. Basta, focused ako sa pagkahilo. Before even someone pick me up probably to bring me to the clinic, everything went black.

  I fell unconscious, that’s given. Hapon na nang magising ako na nasa clinic bed na. Inikot ko ang paningin sa paligid. Nakahawi ang lahat ng kurtina kaya naman nakita kong walang tao maliban sa akin. Napapikit ako sandali bago ulit dumilat. Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko.

  “Ate..”

  Bigla akong napalingon. Nakita ko ang isang batang babae sa tabi ko na hindi ko pala napansin kanina. Mukha syang first year sa tangkad nya at aakalain kong first year nga sya kung hindi ko nga lang sya kilala at alam na grade five palang sya at the age of ten. Tulad ng mga kapatid nya ay mayroon syang highlights sa buhok na isinunod base sa pangalan rin nya.

  Pinatong ko ang kamay ko sa ulo nya at hinimas iyon. Hinawakan ko ang parte ng buhok nya na may highlights at napangiti. “Ang pasaway ng mga kuya mo, ‘no, Violet? Pati ikaw na elementary palang, dinamay sa pagpapahighlights ng buhok.” Nginitian ko sya.

  Tiningnan naman nya ako. Manang-mana sa mga kapatid. Ang taray ng neutral expression pero nawala naman ‘yong ganong impression ng ngumiti sya. Hinawakan rin nya ang buhok nya. “Napakulayan lang naman nila ‘to dahil wala si Kuya Silver eh.” Natawa kami parehas nang banggitin nya ang sobrang stiff at strict na panganay nila. Nang matigil sa pagtawa ay hinawakan nya ang kamay ko. “Okay ka na ba, ate?”

  Tumango naman ako. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni Violet nang bigla akong masuka. Agad akong napatayo sa higaan ko at napapunta sa sink ng clinic para sumuka. Sumunod naman agad si Violet sa akin saka nya ako hinimas-himas sa likod para pakalmahin. Napahawak na naman ako sa sentido ko nang kumirot ito. Lalagnatin ba ako?

  Sabay kaming napalingon ni Violet sa pintuan nang may pumasok. Si Nurse Trina pala. May edad na sya at matagal na dito sa school. Ngumiti sya sa amin. Pinunasan ko ang labi ko matapos isara ang gripo saka dahan-dahang naglakad pabalik sa higaan ko nang inaalalayan ni Violet.

  “Nurse Trina.. Sino pong.. nagdala sa akin dito?” Tanong ko nang muling makahiga.

  Tipid syang ngumiti. “Pagdating ko kanina ay nandito ka na. Maayos na bang pakiramdam mo?” Bigla syang napasulyap nang mapansin ang presensya ni Violet. Nginitian nya ito. “Hello, batang Katsuwara.”

  Hindi naman sya sinagot ni Violet at tinignan lang sya kaya sa ‘kin na bumaling si Nurse Trina. Marahan akong tumango. “Pero medyo masakit pa din po ang ulo ko kahit na uminom na ako ng gamot.”

  “Hay naku, bata ka. Sabi ko naman kasing wag mong papagurin ang sarili mo.” Napailing-iling pa sya. “Nasa labas si Cyan, hinihintay ka yata. Ipinagpaalam ka na rin nya gamit ang excuse letter na ipinadala ko sa mga teachers mo.”

  “P-Po?”

  “Mataas ang lagnat mo at mahihirapan ka pa sa ngayon na gumalaw nang gumalaw sa lagay mo. Kailangan mo ng pahinga, hija.”

  Sa huli, wala na rin naman akong nagawa kundi tanggapin ang pabor na ginawa ni Nurse Trina. Nagpaalam na rin akong umalis at sinamahan ako ni Violet palabas. Gaya nga ng sabi ni Nurse Trina, nasa labas si Cyan at hinihintay ako. Ipinakilala ko sila ni Violet sa isa’t isa pero masungit ang naging trato ni Violet sa kaniya. Hindi ko naman sya masisisi lalo na nang magpaalam syang aalis na at babalik sa primary division ng Mysterecy.

  “Kaya mo na bang maglakad?” Tanong ni Cyan nang maiwan kaming dalawa.

  Nagbibirong ngiti ang sinagot ko. “Kung hindi ba, ipapasan mo ‘ko?”

  Tumawa sya pero sumagot. “I’d be much willing to.”

  Tuloy, parehas kaming natawa. Natawa nga ako lalo nang mag-insist syang baka nga hindi ko pa kaya. Tawa tuloy ako ng tawa sa kaniya habang naglalakad kami. Puro din kasi sya biro. Buong oras hanggang sa makarating kami sa bahay namin ay parehas lang kaming tawa nang tawa sa sarili naming biruan.

  Inabot nya sa ‘kin ang bag ko na sya ang may dala nang makarating na kami sa may gate. “Ingat ka.”

  Inalok ko sya. “Gusto mo bang magkape muna sa loob?”

  “Kung walang klase, Chai.” Natatawa nyang sabi.

  Napakamot naman ako ng ulo. “Oo nga pala! Hala, baka naman pagalitan ka na ng teacher mo.”

  “Nagpaalam naman ako.” Nagkibit-balikat sya. “Saka kung para sa ‘yo naman, okay lang mapagalitan. Ikaw pa ba?” Tapos nginisihan pa ako.

  Hinampas ko tuloy sya. “Puro ka kalokohan!” Kinumpas ko ang kamay ko. “Hala, sige! Bumalik ka na. Baka mamaya, may quiz pala kayo eh.”

  “Ngayon naman tuloy, atat ka talagang paalisin ako?”

  “Hindi, naku!” Tumawa ako at sa huli ay nginitian sya. “Salamat pa rin. At least, maayos akong nakauwi.”

  Ngumiti sya, isang genuine at walang halong birong ngiti. “Ikaw pa. Sige, una na ako.” Hindi na nya hinintay ang sagot ko at tumalikod na. Sinundan ko lang sya ng tingin habang naglalakad palayo nang bigla syang huminto at lumingon para may sabihin. “By the way, Chaisee! Hindi ‘yon kalokohan!” Ngumiti sya ng sobrang lawak at tumakbo palayo.

  Napakunot naman ang noo ko. Alin ang hindi kalokohan? Hay naku. Napailing-iling nalang ako saka pumasok sa loob nang ginagamit pa rin ang mga pader bilang alalay sa paglalakad. Nanginginig pa rin kasi at napakalamya na parang anytime ay babagsak. Wala rin namang tao sa bahay kaya dumiretso na ako sa kuwarto.

  Parang don lang bumalik ang bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam ko pa, pagod na pagod ako sa pag-akyat lang mula sa ibaba papunta dito sa kwarto ko. Bagsak ang katawan kong napatingala sa kisame. Isang malakas at mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago napapikit saka hinayaan ang sariling makatulog ulit.

  Mabilis namang lumipas ang tatlong araw. Wala rin naman akong gaanong ginawa sa bahay dahil wala talaga silang balak pagawin ako ng kung anu-ano. Buryo ako sa kwarto. Kaya ang lawak talaga ng ngiti ko habang naglalakad papasok ng school. Nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko at pati sila, ang lawak ng ngiti sa akin. Parang ang aliwalas ng araw ngayon!

  Kaunti palang ang tao nang makarating ako sa classroom. Wala pa sa sampu. Lahat, nasa labas pa. Kaya lalo kong napansin ang nasa ibabaw ng lamesa ko. Hindi ko maitatangging bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko nang makita yon. Nasigurado kong para sa akin nga nang ilapag ko na ang bag ko at matitigan ‘yon. Isang bugkos ng kulay lilang bulaklak. Napangiti ako. Sa ibaba ay may isang nakasabit na note. Dahan-dahan kong binuksan yon at nakitang may printed message in blue font.

  ‘Please be okay. – Sean’

  Biglang kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang simple at isang linyang nakalagay. Napahawak pa ako sa chest ko nun dahil ramdam na ramdam ko ang epekto nun sa akin. Marahan kong kinuha ang bulaklak at inamoy. Gustung-gusto ko talaga ang halimuyak nito. Paborito ko sa lahat.

  “Ayieee.”

  Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ng mga kaklase ko. Natawa nalang ako at tinuro ang bulaklak. “Kanino galing ‘to?”

  Unfortunately, no one knows. Sinubukan ko ring itanong sa iba pang maagang dumating pero lahat naman ay iisang sagot—hindi nila alam at nandito na ‘to nang dumating sila.

  Hindi ako nagkaroon ng bakanteng oras buong araw. Masyado ding nag-alala sa akin ang mga kaibigan ko at ang babait pa na hindi ako pinalabas ng klase. Sila na ang bumili. Sa lunch break naman ay kinailangan kong kunin ang mga naiskip ko sa tatlong araw na wala akong klase. Tuloy, nagkaroon lang ako ng pagkakataon na gawin ang gusto ko nang pagkadismissal ng hapon. Saktong paglabas ko ay sumalubong sa akin ang taong hinahanap ko. Nakangiti sya sa ‘kin at nauna nang lumapit.

  “Buti, nakapasok ka na.” Aniya.

  Tinaas ko yung boquet ng bulaklak at pinakita sa kanya. “Cyan, ikaw ba nagdala nito dito?”

  Napakunot ang noo nya. Nagulat naman ako nang bigla syang may ilabas na boquet ng bulaklak sa likod nya! This one, roses na dark pink ang colors. “Uh, no but this one, sa akin galing ‘to.” Nakangiti nyang sabi.

  My heart skipped. The familiar sensation of love suddenly conquered my system. Kusang umikot ang ulo ko para hanapin sa mga naglalabasang estudyante at mga grupo ang pangalawang Sean na kilala ko. O mas tamang sabihing ang una at huli kong Sean..

  “Chaisee, okay ka lang ba? Sinong hinahanap mo?”

  “Sandali lang.” Sabi ko at aakma nang aalis nang bigla naman nya akong hawakan sa braso. Doon ako napalingon sa kaniya.

  “May practice tayo ngayon sa Music Club, magtatagal ka ba?” Ngumiti sya. “Ipapaalam nalang kita kay Miss Fatima kung importante at kailangan talaga ang pupuntahan mo.”

  Napatigil ako. Dun ako natauhan at parang nasampal ng gagawin ko sanang desisyon. Ano nga bang ginagawa ko? This is against my first and said to be final decision. Importante? Yes, Sean’s important. Than most people in this world. Pero kailangan? Bakit? Bakit ko nga ba sya pupuntahan? Hindi ba’t ako ang pumili ng desisyon na ‘to? Bakit? Bakit ko pa sya guguluhin? Tama nang malaman kong andyan pa rin sya at sa kaniya talaga galing ang mga bulaklak na ‘yon kanina.

  Isang pagbuntong-hininga kasabay ng mariin na pagpikit bago ako umayos. “Oo nga pala. Tara na sa theatre.” Bagsak ang mga balikat na sabi ko.

  Nilapitan nya ako at sinabayan sa paglalakad. Doon ko naalalang ni hindi ko pala nakuha sa kaniya ang bulaklak na ibinibigay nya. Kaya naman alanganin man at late na, kinuha ko na rin na ikinagulat nya.

  “Uhm, salamat pala dito, Cyan.”

  Ngumiti lang sya at tumango.

  Pagdating naman sa theatre, late na kami parehas kaya agad naman na kaming pinadiretso sa mga pwesto namin. Medyo may mga binago rin pala sa tono at nota ng piece kaya may mga kailangan rin akong habulin.

  Tumutugtog ako ng violin nang ilang beses akong napapasulyap kay Cyan. Hawak nya ang gitara nya at nasa unahan ng grupo nila. Nakaupo sya sa isang upuan at seryoso habang nag-i-strum. Pero ako lang ba? O may mali sa awra nya. Hindi ‘yun yong tipikal at natural na seryoso nyang mukha. Nag-aalala ako kung dahil ba ‘yon sa kanina.

  Atat talaga akong matapos ang practice. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko, may nagawa akong mali lalo na sa pambabalewala sa kaniya kanina kahit pa sabihing hindi sinasadya at maliit na bagay. Pero hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin o kung sasabihin nga ba. Gusto ko lang ma-assure na okay lang sya.

  Nang magdismiss na ang instructor namin, sinadya kong magpahuli. Alam ko namang mahuhuli din si Cyan dahil tinutulungan nya ang iba sa pagliligpit. Nang maisaayos ko na ang violin at bow ko sa case nito, nilapitan ko na sya. Tapos na syang magligpit at nakaupo nalang sa isang upuan habang nagtotono ng gitara.

  Dahan-dahan at alanganin pa akong lumapit sa kaniya nun. Hindi naman nya itinaas ang ulo nya para tingnan ako. Ano nga bang sasabihin ko? Normal na conversation. Tama, be normal, Chaisee.

  “Magpapractice ka pa rin ba? Nang mag-isa?” Tanong ko.

  Humila sya bigla ng upuan at ipinuwesto ‘yon sa tapat ko na kaharap nya. Tiningnan nya ako at nginitian. “Be my guest?”

  Medyo nawala naman ang bigat sa dibdib ko nang ngumiti sya sa ‘kin. Umupo nga ako sa harap nya. Pinapanood ko lang syang magtono ng gitara hanggang sa matapos sya. Inistrum nya ng isang beses ‘yung gitara. Isa at dalawa pa. Tapos tiningnan nya ako. Nagclear pa nga sya ng throat na parang naghahanda sa isang contest bago sya nagsalita.

  “Do you remember the last time I sang for you?” Tanong nya.

  Naalala ko na naman bigla ang ginawa ko non. Sinabihan ko pa syang wag na ulit nyang kakantahin yon sa ‘kin. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko sa hiya. Napakagat-labi at alanganin akong tumango nang hindi sya tinitingnan sa mata.

  Umayos naman sya ng upo pati ang hawak sa gitara. “I think I got an idea now of why you stopped me from singing.” Ngumiti sya. “So, this time. Sinigurado ko na na hindi mo ako papatigilin.”

  Nginitian ko sya nang ngitian nya rin ako. Yumuko sya at nagform ng chord saka nagsimulang magstrum sa gitara. Nanatili naman akong nakikinig at unti-unti ay nagiging pamilyar sa akin ang kanta. Ito ang unang beses na may tumugtog sa akin nito. At ngayong kinakanta ‘to ni Cyan, mukhang nagiging malinaw rin sa ‘kin ang gusto nyang sabihin.

  [ Insert song about panliligaw ]

  Katahimikan ang pumagitan sa ‘min nang matapos syang tumugtog. Hindi ko sya magawang tingnan sa mata at mukhang kinakabahan rin naman sya para maunang magsalita. Tuloy, nagsabay kaming tawagin ang isa’t isa. Awkward man ay ngumiti kami sa isa’t isa at pinauna ulit ang isa’t isa. Napakamot sya sa ulo. Ngumiti naman ako sinabihan syang mauna na dahil hindi ko pa rin naman alam kung pa’no ko sisimulan ang sa akin.

  “Naiintindihan mo naman ang gusto kong sabihin sa kanta, diba, Chaisee?”

  Napalunok ako at may tipid na ngiting napatango. “Pero, Cyan..” Napaiwas ako ng tingin. “Kung may ideya ka na kung bakit kita pinatigil sa pagkanta nung una, bakit tinuloy mo pa rin ang pagtugtog ngayon?”

  “I simply wanted to be try that slim chance than never try at all.” Matipid syang ngumiti. “So, Chaisee?” Malamlam ang mga matang tiningnan nya ako. “Would you let me court you?”

  Alam ko naman. Alam ko naman na na ‘yon ang itatanong nya. Alam kong ‘yon ang gusto nyang sabihin sa kanta. Alam ko rin ang isasagot ko. Alam ko. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Cyan has always been a good guy to me ever since we met earlier this month. I just don’t have the heart to easily turn him down. But then again, mas masaklap at mas unfair kung hahayaan ko syang manligaw kahit na alam ko ang nararamdaman ko sa kaniya ay kaibigan lang.

  Because there is a Sean in my life.

  The first time I saw his name, maybe I did know what was its pronounciation. Pero dahil stucked ako kay Sean noon, dahil sya ang iniisip ko, I called him Sean without even knowing what would be its effect on both side.

  There is a Sean that I love. Deeply and madly.

  And that would never be changed. Even if we’re cool off right now. That would never be changed and I am certain of it. Nang binanggit ko ang pangalan nya after three months though in the form of Sean, nang makita ko si Cyan na tumakbo papunta sa kanila bilang mga varsity, nang pumasok ako sa klase nila na ngayon ay ayaw sa ‘kin dahil sa pinili kong pagcool off—lahat ng mga pagkakataong ‘yon, bawat isa, I’ve always been sure of one thing. My heart beats the same way. And it will never change. Even if we are not together as of now, even if I was the one who chose this distance, even if I want to leave him, he is and will always be the only one.

  And I knew Cyan has all the right to know the truth. Kaya isang malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya na alam kong alam na nya ang ibig sabihin. And even if it would pain him, he has to hear me out.

 

 

CHAPTER SIX

  “Hoy! Manyakis ka ah!” Sa sobrang pagkainis ko sa lalaking kanina ko pa nahuhuling pasimple akong pinipicturan, kinuha ko na ‘yung bow ng violin ko at ginamit na panghampas sa kanya. With. all. my. strength!!! “ALISSSSS!” Sigaw ko.

________________________________________

  “What the fuck!” Sige naman sya sa pag-iwas. Aba, akala ba nya hahayaan ko syang makatakas nalang basta-basta, ha? Ang kapal ng mukha! Pinagpatuloy ko lang ang pagwawasiwas sa bow ko na parang espada ko na na pinanghihiwa sakanya. Wata!

  “Idelete mo lahat ng kinuha mong pictures, bastos!!!” Inis na inis na sigaw ko. Kung bakit ba naman kasi sobrang ikli ng damit na suot ko para sa violin contest na ‘to. Dinaig ko pa yung nasa ballet! “Hindi mo ididelete? Ha? Talagang sisirain ko yang camera mo!” Kahit DSLR pa yan!

  Sige ako sa pagsugod at sige naman sya sa pag-atras habang ginagamit yung siko nya pangshield. Dahil nga di naman sya gaanong naaapektuhan, gagamitin ko na ang special move ko! Umikot ako ng buong lakas at kasabay nun ang isang malakas na malakas at mataas na sipaaaaa! Kyaaaaaah!

  Kaso, ang hindi ko inaasahan, bigla nyang sinalo ang paa ko! Pero dahil nataranta ako, ginalaw ko lahat ng body parts kong pwedeng magalaw para mabitawan nya. Huli na nang masundan ko ang mga pangyayari. Dahil sa mahigpit nyang hawak sa paa ko na pilit ko namang winawagwag, bigla nalang kaming sabay na nahulog sa isang waterfalls na nasa likuran lang nya.

  “Aaaaahhhh! Aaaaahhhh! Manyakis! Tulong! Tulong!” Pagtinginan na sa pagtinginan! Safety ko ang kailangan. Kaso biglang tinakpan ng lalaki yung bibig ko.

  “Ano ba! Tigilan mo kaya ang bunganga mo?! Ang OA mo ah!”

  Sinipa-sipa ko sya kahit na nasa tubig pa din kami. “Lumayo ka sa ‘kin, manyakis!” At dali-dali akong tumayo para tumakbo palayo sa kanya. Kaso bigla nya akong hinila pabalik! Waaaaah! Mama! Papa! Ate! Kuya!

  “Pagkatapos mong masira ang camera ko?!”

  “Aaaahhh! Ano ba! Bitawan mo ‘ko! Bitawan mo ‘ko!”

  At sa sobrang kagustuhan kong makalayo, dinamba ko sya. Halos malunod na sya dahil ako ang nasa ibabaw. Waaah! Ang higpit pa rin ng hawak nya sa akin! Hindi ko rin naman sya binitawan. Well, hindi. Hanggang sa....

  “MISS HOSHIKAWAAAA!”

  Sunod nalang na nalaman ko, nasa guidance counselor na kami. Parehas pa kaming basa ng lalaking naka-civilian attire. Nakayuko lang ako habang hawak ang towel na nakalagay sa likuran ko. Hindi naman kami pinapagalitan pero sinasabi kung ano ba kasi ang ginawa namin. Pinapaliwanag ko naman yung side ko. Totoo naman, nasa ibaba sya ng stage at nasa itaas ako. Tapos yung angle ng camera nya, paitaas! Eh hello! Nakadress kaya ako na pa-balloon yung ibaba. Ano ba kasing tawag dito!

  “How many times do I have to repeat myself? Hin-di nga a-ko mang-bo-bo-so.” Sabi pa nung lalaki na mukhang iritableng-iritable na. “Kung hindi naman kasi ako dinamay nitong fetus na ‘to pabagsak dun sa fountain, eh di sana, ayos pa ‘yung camera ko at nakita nyo yung mga pictures don. Tsh!” Grabe naman sya magsalita!

  Bigla tuloy akong napasabat at napaabante sa kanya. “Sinong fetus?!” Grr!

  Napaabante din sya sa ‘kin. “Ikaw at yung mga kasamahan mong grade seven. Mga fetus kayo!”

  Sinipa ko nga sya sa paa. Dahil dun, kaya napatayo sya at halos mapatalon-talon sa sakit. “Grade 8 ka lang naman! Grade 7 ka lang dati!”

  “Ano bang problema mo!” Hawak pa rin nya yung paa nya. “Grade 7 ako pero di naman ako singliliit nyo!”

  “Fetus pala ah—!” Aatake pa sana ako kaso pinigilan na kami ng dalawang teachers at sinabihang kumalma. Napayuko nalang ulit ako at napanguso.

  Puro yung lalaki lang naman ang nagsasalita. Pinagpipilitan nyang hindi sya mamboboso at isa syang photo journalist. Hindi naman yon mapatunayan dahil bukod sa nasira yung camera nya, wala dito ang buong photo journ. Sabi nya, paalis na daw sana sila kasama yung iba pa pabalik sa school nila kaso inatake ko raw sya.

  Sa huli, napatunayan din naming photo-journalist nga sya nang dumating na ‘yung teacher nya. Aggggh! Huli na para mahiya. At dahil rin sa hiya kaya ayoko talagang magsorry. Kaso pinagtulakan naman ako ng teachers. Nakanguso ako at nakayuko nun at labag na labag sa loob ko ang pagsosorry lalo na’t malinaw na malinaw sa mukha nya ang mayabang nyang expression!

  That. That was mine and Sean’s first meeting. Sa school ko nung G7. A year after, I was transferred into Mysterecy International School — High School division. Dahil sobrang lawak naman talaga ng school, halos maligaw-ligaw pa ako sa buong school. Hindi ko alam kung sa’n hahanapin nun yung room ko. Hanggang sa maglunch at mapunta ako sa isang mapunong area. Puro aligned na puno at may mga bench. Walang katao-tao kaya nagdecide ako na dun na muna magstay.

  Ilang minuto na ako dun at kinuha ko na ang lunch box sa bag ko para sana magsimulang kumain. Kaso.. pagbukas na pagbukas ko ng lunch box, bigla nalang may humampas nun mula sa lap ko dahilan para tumilapon ‘to sa pinakamalayo. I winced and followed my food with a gaze. Halos mapatalon pa ako sa gulat nang makarinig ng sigaw mula sa taong nakatayo sa harapan ko at syang humampas nun.

  “Hindi ko kailangan ng pagkain! PERA! Pera ang kailangan ko!”

  Tiningnan ko sya nang nanginginig sa takot. May apat pa syang kasama na nakangisi sa akin. Right then, in a single gaze, I knew they are those gangsters of the school. Nakauniform sila. Ang pula ng mata nila at ang lalim ng mata. Masyado akong takot ng mga oras na yon para sumagot. Napaatras nalang ako nang bigla nyang nilapit sa akin ang nakangisi nyang mukha.

  “At babae.” I was not dumb para di ma-gets yung ibig nyang sabihin.

  Before I knew it, pikit-mata ko syang sinampal ng pagkalakas-lakas. Nagulat silang lima dun. Even I was surprised. Dun lang din ako nabalik sa ulirat. And their astonishment was my chance para mabilis na umatras. Ni hindi na ako nag-abalang kunin ang bag ko. Though, nanginginig, tinutok ko pa sakanila yung payong kong tangi kong nadala.

  “W-Wag kang l-lalapit...!”

  Tinitigan muna nila ako ng ilang segundo bago sila nagsipagngisi. Alam ko nang walang epekto. Bahala na. Tumalikod na ako para sana tumakas. Pero natapilok ako kakamadali lalo na’t may heels ang sapatos ko kaya nahawakan na naman nila ang braso ko. Napapikit ako at dahil malamang sa sobrang takot, kumawala na ang luha sa mata ko. Akala ko, katapusan ko na. Ba’t may gan’to sa school? Hindi ba, bawal ‘to? Ba’t nag-aallow ng mga ganitong estudyante ang isang prestigious school?

  Nang akala kong hihilahin na nila ako palapit sa kanila, may isang lalaking bigla nalang tumalon mula sa isa sa pinakamalapit na bench. Umikot sya sa ere kasabay ng paa nya na agad nyang pinatama dun sa ulo nung humawak sa akin.

  Nanghihina akong napabagsak sa damuhan nung mabitawan ako nung malaking lalaki. Nakatulala at nanginginig pa rin ako. Pero napanood ko kung paanong mabilis na kalabanin yun nung dumating. Ang gagaling nila. Masasabi kong may alam sa martial arts or karate or judo. I don’t know!

  Isa nalang yung natira nung biglang may mga tumakbong isa palapit. Akala ko, kasama sa mga goons. Kasama pala nung nagligtas sa akin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang bagsak na yung lima. Dun ko inangat ang tingin dun sa lalaking nagligtas sa akin. Tulad nung apat, hindi sya naka-uniform. Er, nakapants sya pero naka-black shirt. Nakatalikod sya sa akin kaya kita ko kung gaano kadami yung blue highlights nya sa buhok.

  Nung humarap sya sa akin, ilang segundo lang bago ko sya nakilala. Dahil siguro sa kahihiyan kaya tumatak sa akin ang mukha nya. Isa pa, hindi naman kasi mahirap syang tandaan dahil may hitsura sya. Right, sya yung photojourn last year. But unlike last year na ang neat nya sa uniform at ang plain ng buhok nya, ngayon, ang spiky na at ang angas masyado ng dating nya dahil sa black shirt na may print ng typical guy stuffs tapos meron pa syang black wrist band at kwintas.

  Nagulat ako nang bigla nyang i-offer yung kamay nya sa ‘kin para tulungan akong tumayo. Ewan ko, hindi ako makapagsalita nun at kinuha nalang ang kamay nya. Isa pang napansin ko, ang dull ng mata nya. Hindi katulad nung una ko syang nakita na sa unang tingin palang, alam mo nang may pagkapilyo. This time, ang plain ng expression nya at ang dull ng tingin.

  “Okay ka lang?”

  Hindi ako makasagot. Ni hindi ko sya matingnan. Nalulunod na naman ako sa kahihiyan kada maaalala yung ginawa ko last year. Kaya tumango lang ako. Tumango-tango din sya tapos napatingin sya dun sa sapatos ko—na apparently ay naiwan sa damuhan na hindi ko na suot dahil nasira nang matapilok ako.

  “Hindi mo ba alam na dito nakakapuslit mga outsiders?” Parang sarcastic pero dull ang tono na sabi nya nang hindi ako tinitingnan. Nandun kasi sa sapatos kong sira ang tingin nya. Nilapitan nya ‘yon at kinuha.

  “Outsiders?” Takang tanong ko. Sa wakas, bumalik ang boses ko.

  Naglakad sya palapit sa ‘kin dala ‘yung sapatos ko. Tinapunan nya yung tingin yung lima na sa hindi malamang dahilan ay tinatalian nung lalaking kasama nya. Nagets ko naman agad na sila yung sinasabi nyang outsiders. Nung ibalik ko ang tingin sa kaniya, nagulat ako kasi hinubad nya yung tsinelas nya at tinapat sa may paanan ko.

  “Tara, samahan ka namin sa Hall. May school map dun. Di ka ba nakakuha?” Ang kaswal ng tono nya pero ang dull ng boses. Tumayo sya at tiningnan ako. “Suutin mo muna.”

  “H–Huh?” Di ko sya magets. Nagets naman nya na yung pag ‘huh’ ko ay dahil sa una nyang sinabi.

  Tinuro nya yung dibdib ko. Napatakip tuloy ako bigla. Kumunot saglit yung noo nya pero nagsalita. “Transferees lang naman at mga freshmen pinapayagang pumasok nang walang plate name.”

  Ah. Napatango ako. Nauna na syang maglakad kaya naman dali-dali kong sinuot yung binigay nyang tsinelas at sumunod. Nung maglakad na rin ako, nagulat ako nang bigla syang lumingon at tinapon sa akin yung bag kong hinablot nya gamit ang kanang kamay nya habang yung kaliwa ay nakapamulsa. Buti nalang, nasalo ko naman agad. Ang sakit nga lang ng impact! Napanguso tuloy ako. Hindi naman ako makareklamo dahil ako na nga ‘tong niligtas, diba?

  “Mas mukha pa silang estudyante dito dahil naka-school uniforms sila eh. Kayo ‘tong di nakauniform at mga nakatsinelas.” Naibulong ko paghuling sulyap ko dun sa limang iniwanan naming nakatali habang sinusundan yung dalawang parehong naka-black shirt at tsinelas. Yung isa, may red highlights.

  “Hindi ‘yan uniform ng Mysterecy High, Miss.” Biglang sabi nung may red highlights nung lumingon sakin tapos tumawa sya. “Saka nasa practice kasi kami nung manghamon yang lima, tatakbo naman pala.” Tumawa na naman sya.

  Hindi na ako nakasagot kasi binalik na nya yung tingin sa unahan. Tapos tumingin sya dito kay kuya photojourn na may blue highlights.

  “Nga pala, kakilala mo ba ‘to, Blue?” Alam kong ako ‘yung pinapatungkulan nya sa “‘to” kahit di nya sinadyang iparinig kasi nakaturo pa sa ‘kin ng konti yung hintuturo nya.

  Dun naman medyo lumingon ulit sa ‘kin si kuyang photojourn na may blue highlights habang naglalakad tapos bumalik ulit sa unahan. “Hindi.”

  That’s when it striked me. Kaya pala... Hindi nya ako natatandaan.

 

 

CHAPTER SEVEN

  I... I don't know.

I don't know where should I start. I don't know what to say to begin with. I don't know if this would be the right thing to do. I don't know if I'm going to regret or be completely satisfied after this. I.. I just don't know.

________________________________________

Sa loob ng sampung minuto, nanatili kaming tahimik na naglalakad sa gilid ng dalampasigan. How romantic for a scenario that I'm going to create.

Hindi kami magkahawak-kamay. We’re just... simply walking. Papalubog na ang araw at lumalamig na ang hangin. Hindi rin naman sya nagtatanong o nagsisimula ng usapan. He has always been the person I knew. I know he knows I have something to say and so he remains silent.

Napasulyap ako sa kanya. Nakayuko sya sa buhanginan habang nakapamulsang naglalakad. As usual, I can't read his expression. I can't guess what's going on in his mind. Napabuntong-hininga ako at muling ibinalik sa daan ang tingin.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nanatili lang kaming tahimik. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang 5:40 na. Nauubusan na ako ng oras. Huminga ako ng malalim. I have to do this. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto rin sya. Dahan-dahan ko syang hinarap at nakitang nakaharap na sya sa 'kin.

Nakita ko syang nakatingin sa ‘kin. That pair of hazzel brown orbs. Hinahangin ang buhok nya at against sya sa orange na sinag ng araw na dahilan para lalong tumingkad ang brown na kulay ng buhok nya. He’s still handsome as ever. He always looked calm and composed. Kung titingnan siguro sya ng ibang tao ngayon, malamang sasabihin nilang bored sya. I wanted to smile at the thought. That's what I first thought of him. But now, I know, the way he look at me right now is a way that he never did to any other girls. His eyes are undoubtedly full of love. Oh God. Am I really going to do this?

Napalunok ako kasabay ng pagpikit. “I'm..” Why it has to be painful? “I-I..” Tiningnan ko sya. He seemed to have an idea of what I'm going to say. Inabot ko ang kamay nya at pinisil iyon. “Let's.. Let's end this.”

Two seconds. Five seconds. Seven. Ten. He had no response. He remained staring at me. He maintained a calm blank expression. Sean, what are you thinking?

I gulped. “I'm.. I'm breaking up with you.” And that was as if a signal.

Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at ibinalik ang tingin sa buhanginan. Hindi pa rin sya sumasagot kahit ilang minuto na ang lumipas. Muli ko syang tiningala at nakitang nakatagilid ang ulo nya patingin sa papalubog na araw. Hindi ko makita ang mukha nya.

Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko. Napasinghot ako at pinunasan yon. Ako 'tong nakikipagbreak pero ako pa 'tong nauunang umiyak. Stupid. Tiningnan ko sya na nananatiling nakatingin sa araw. Tumulo na naman ang luha ko at hindi ko na 'yon pinunasan pa.

“Listen.” Halata sa boses ko na umiiyak ako. “I-I’m dating someone else. I-I..” I gulped. “I-I've been dating him for days now..” Halos pahina na nang pahina ang boses ko.

I waited and still got no response. Tinawag ko sya at lumingon sya sa 'kin. His eyes suddenly felt cold. Parang nawalan ng kulay ang paningin nya at naging hollow ang mga pares niyon. Just plain blank. Magsasalita sana ulit ako nang magsalita na sya.

“I know.”

Nagulat ako. Napatitig ako sa kaniya at hindi ako makasagot. I.. I didn't know what to say. Nanatili akong nakatulala sa kaniya nang bigla syang ngumiti. Yung usual nyang slight smile. But this time, it was null.

“Chai, I know..” Pag-uulit nya. This time, mahina na ang boses niya. It was full of pain and it was as if a knife that had been stabbed on my chest. H-He knows and yet.. and yet...

Parang umurong ang mga luha ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. He knows. Parang may mas malaki ang bumara sa lalamunan ko. I couldn't speak. I couldn't find any words to say. What am I supposed to say anyway? Bumaling sya sa buhanginan. He was still wearing that usual slight smile.

“I knew it all along, Chaisee.” Napailing sya ng nakangiti. “What I didn’t know is that it would be this painful to hear it from you.”

Yumuko sya at sa loob ng isang saglit, nakita ko kung paanong nahulog ang isang butil ng mga luha sa mata nya. Saglit lang yon, halos hindi lumagpas ng second, pero sigurado ako sa nakita ko. At parang pinipiniga ng mga oras na 'yon ang dibdib ko. I had never seen him cry. And the first time I see him to was because of me. How lovely.

“I knew it all along and I still stayed. Do you know why, right, Chai?” He said, almost in whisper.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko. I shook my head. “I’m sorry, Sean. I’m.. I’m sorry. I-I’m really really sorry..”

He looked at me. Walang bakas ng pag-iyak. I almost think the tear I saw fell from his eyes was just part of my imagination. But I am certain. Why does he still hold back his emotion even at this moment? Why?

“Even if, Chaisee.” Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi. “Please.” Halos pabulong na sabi nya. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko. “Please, stay..” Pabulong na na sabi nya. “Please choose me. Please stay with me.”

Napapikit ako at kasunod niyon ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Bakit ang sakit marinig? Ang sakit sakit sakit. Hinawakan ko rin ang magkabilang pisngi nya at inilayo sya sa 'kin para titigan sa mga mata.

“Sean.” I called him. “I love you.” Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko. Lumunok ulit ako. “Pero iba na kasi ngayon.” Sabi ko sa paraang parang nagpapaintindi.

My words were sent to him as if a poison that is bound to kill him. Lumayo sya sa 'kin at muling ngumiti. Sean, why do you keep on smiling? Why do you keep on holding back your feelings? Why don't you let it out and cry?

“Right.” He nodded continously. Tumingin ulit sya sa 'kin. Ngumiti sya but the sadness were now visible on his eyes. “I’ll just be where you’re happy.” Lumapit sya sa 'kin, muling hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahan akong napapikit nang halikan nya ang noo ko. Within two seconds, I felt his extreme emotion; love, care, pain, sadness and sacrifice. Lumayo sya sa 'kin at muling ngumiti. “And if this is what would make you happy. Then so be it.”

With that, he left.

 

CHAPTER EIGHT

  Deal.

________________________________________

  Cyan and I had an official connection. At yun ay isang deal. Deal bago ang nangyari last week. Deal bago ang huling pagkausap ko kay Sean sa dalampasigan. Deal pagkatapos kong sabihin kay Cyan ang sitwasyon ko at tanging dahilan kung bakit gusto kong lumayo kay Sean.

  A deal to be together. All for my selfish reasons. All for Sean. Para.. maging madali kay Sean. Sakanya. Kahit sa kaniya nalang.

  Hindi ko magalaw ng maayos yung spaghetti sa harap ko. Pinapaikot-ikot ko lang sa tinidor pero hindi ko naman isusubo. Nang mapansin naman ni Cyan ang pagkalutang ko, bigla syang nagsnap sa harap ko. Dun tuloy ako napalingon sa kaniya. Ngumiti naman sya.

  “Feeling old yet?”

  Natawa naman ako. Sa totoo lang, medyo.. alanganin ako. Alam ko. Kahit hindi pa nya sinasabi, hindi naman sya hihingi ng permiso para manligaw kung hindi nya ako gusto diba? At ngayon, parang.. parang nahihirapan ako para sa kaniya. I’m practically taking advantage of his feelings for me by making him pretend that he’s my boyfriend even if I know that the school might even turn their backs on him. But then, again. Sabi nya, this could be the least thing that he can do to make his feelings better and for the thing that I can do to make things easier for him, at least.

  Si Dina naman na kasama namin sa table, himalang tahimik. Katunayan, nagpapalit-palit lang ang tingin nya sa aming dalawa. Nung sinabi ko at simulan namin ni Cyan ang deal ng pagiging kami, isa sya sa mga natuwa. And at the same time ay nanghinayang. Torn daw sya between Cyan at Sean sa akin. I cannot blame her.

  Fifteen minutes lang siguro kaming nakaupo sa cafeteria. Sila Dina at Sean lang naman ang nagkukwentuhan. Tahimik lang ako habang patingin-tingin sa paligid. I don’t intend to and I never expected to pero agaw-atensyon talaga. Nung bumukas ‘yung entrance at tumunog ‘yung nakasabit dun, napalingon ang ilan. Nang ma-realize ng mga tumingin kung sino ang limang pumasok, nagkaroon ng mahihina at pilit na tinatagong reaksyon. Don din napalingon ang karamihan.

  I remained staring. Sa totoo lang, alam kong ang pinakadapat kong gawin ngayon ay ang umiwas ng tingin. Dahil yun ang naaayon sa desisyong ginawa ko. But I can’t. Hindi ko maiwas ang tingin ko the moment na lumatay ‘yon sa kaniya. Nahuhuli sya sa paglalakad. Nasa unahan nya sina Gray at Silver habang nasa pinakaunahan naman nila sina Red at Neon. Given na agaw-atensyon ang limang magkakapatid na ‘to. They are active all in academics, sports and.. typical highschool stuffs. Isa pa, sila talaga ‘yung tipo na kahit mag-isa, hahabulin mo ng tingin. Ano pa kung magsama-sama sila, di ba? But then again, my eyes were only fixated to that guy who entered last—Blue Seanate.

  Pagpasok nila sa cafeteria, sina Red at Neon ang naghanap ng mauupuan nila. Well, apparently, meron na silang ‘unofficial seat’. Di naman nila pinapaalis yung nakaupo dun sa unofficial seat nila kung saan sila madalas umupo pero nagkusa na yung grupo dun. Red and Neon smiled and thanked them.

  Paikot-ikot pa rin ang tingin ni Sean sa cafeteria. Tulad nung pangalawang beses ko syang ma-encounter, yun yung tingin nya na alam mong kaswal pero ang dull ng tingin. Napakaplain ng expression pero ang null ng mata. I have to look away. You have to look away, Chaisee. This cannot be long. So, then, I turned my head. Pero bigla naman syang lumingon sa direksyon ko. And at that moment, even if we’re tables away, I was sure of something. Nagkatinginan kami. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko, nervous of what could be his reaction. What would he do?

  I am very much aware that from the very beginning, ako ang lumayo sa kaniya. I was the one who pulled myself out of their siblings band. I was the one who stopped coming to their room. I was the one who quitted in the school journalism. I was the one who started avoiding him. I was the one who caused the break up. All to distance us from each other. Pero nung mga oras na ‘yon, within those milliseconds that we met each other’s gaze, I cannot deny that tiny little fire of hope inside me that he’d do something. Like he’d smile, like he’d wave, like he’d come near me, like he’d give me a candy, like he’d put a silly sticky note on my head—pero hindi eh. The moment he laid his eyes on me, mabilis at napakakaswal nya ‘yong binawi. That was very quick and I couldn’t even glimpse any kind of emotion from him. Bakit gan’to? Ako ‘tong umiwas. Ako ‘tong lumayo. Pero bakit gan’to? Ang sakit. Ang sakit sakit sakit.

  Yumuko ako at napahawak sa dibdib kong naninikip na naman. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naghahalu-halo. At isa lang ang pokus ko sa mga oras na ‘to—ang pigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata ko. Ayoko. Ayoko nito. Ayoko. Pero anong magagawa ko?

  “Chaisee..”

  Naramdaman ko ang paghawak ni Cyan sa likod ko. Mukhang napansin nya. Tumayo sya saglit para ilapit sa akin ang upuan nya bago nya ako inakbayan. That was my chance to hide my almost crying face. Napansin din ni Dina pero nagreason out si Cyan na masakit lang daw ulo ko. Nakakainis kasi. Ang liit-liit na bagay, ba’t gan’to ka mag-inarte, Chaisee? Takot ka ba na naka-move on na sya agad? Within a month, he already survived the pain he doesn’t deserved but received from you, Chaisee. Dapat, diba, masaya ka?

  Later that day, isinama ako ni Cyan sa isang mall. Tanong ako nang tanong sa kaniya kung bakit at saan kami pupunta pero basta lang siya ng basta. Sunod nalang na alam ko, nasa loob na ako ng botique at binibihisan. Pagkatapos naman doon ay sinalubong ako ni Cyan sa labas. Tuwang-tuwa pa nga siya nang makitang bagay sa akin ang peach dress na siya mismo ang pumili.

  Dinala niya ako sa restaurant. Lahat nakahanda na. Napangiti ako dahil sa totoo lang, ang swerte ko sa kaniya. Siya ‘yung ideal guy ng karamihan ng mga babae. Habang kumakain, panay ang daldal niya. Kung anu-anong sinasabi. At sunud-sunod pa ang jokes!

  “Chaisee, diba sabi bawal isukat ang wedding gown dahil hindi matutuloy ang kasal? Ano kaya kung isukat din natin ang uniform para di matuloy ang klase?”

  Tumawa na naman ako. “Ewan ko sayo! Kung anu-anong naiisip mo.”

  Tumawa rin naman siya. “Ito pa. Sabi ng teacher, ‘class, make this a future tense; I’ll kill a person.’ Alam mo kung anong sabi ng estudyante?”

  “Ano?”

  “You will go to jail!”

  Parehas kaming tumawa sa joke niya. Halos kalahati yata ng oras, nagjojoke siya sa kahit na anong topic. Tawa naman ako ng tawa. Alam ko rin namang sinasadya talaga niya akong pasayahin. Sa totoo lang, naienjoy ko talagang kasama si Cyan. Ang daming pakulo. At habang tumatagal, nasasabi kong hindi niya ako deserve. Or maybe I should do something to make his side at least fair.

  Nang araw na ‘yon, ang unang bagay na ginawa ko pag-uwi ng bahay ay ang umakyat sa kwarto at halungkatin ang mga box na nasa ilalim ng kama ko. Letters, I was lookung for letters. At nang makuha ang tamang boxes na hinahanap ko, bumaba ako at kinuha ang metal can. Binuhos ko lahat ng laman nun at saka ako nagsindi ng posporo.

  Kaya ko ba talaga?

  I have to be fair. Pumikit ako. Ang unang mga ala-alang pumasok sa isip ko ay ang lahat ng alaalang nakakonekta sa mga sulat na ‘to.

  “Chaisee, may sulat ka oh.”

  “Kanino galing?”

  “Ewan. Nandiyan na kasi sa desk mo.”

  ‘Hi. I’m, uh, your, admirer. Will you let me court you?’

  Napahagikhik ako nang mabuksan yung nakatuping papel. Nakadalawang bura bago nakabuo ng maayos na sulat. Ang ganda ng papel at ang lawak ng space pero ‘yon lang talaga ang nakalagay. Sino naman kaya ang magbibigay nito? Inikot ko ang tingin sa room namin at naghahanap. Kaso, ang nahagip ng mata ko ay ‘yung lalaki sa labas. Nakapamulsa at mula sa kinatatayuan niya na mukhang huminto pa sya habang naglalakad, nakatitig siya sa akin. Mabilis akong napangisi. Si Blue!

  Pagkauwian, sa school journalism headquarters, nakita ko si Blue na nasa labas at nasa garden. Pinipicturan niya ‘yung mga bulaklak at mariposa. Dahan-dahan akong pumuslit at nilapitan siya. At nang alam kong pipindutin na niya ang camerang hawak niya at tumatakip sa mukha niya, tumalon ako at humarang. In the end, ang mukha kong nakangiti ang nakunan niya.

  “Ahh!” Bigla syang napaatras sa gulat at inalis ang camera. “Ano ba, ba’t bigla kang nasulpot!” Iritable na naman. Wushu!

  Nginisihan ko lang sya lalo at hinarap sa mukha niya ang sulat na nakuha ko kaninang umaga. Nang makita nya yon ay mas napaatras ang mukha niya at sa puti nyang yan, ang daling makita ng pamumula niya.

  “A-A-Ano ‘yan?”

  “Uuuuy! Nauutal. Ikaw nga si Kuyang Admirer!”

  “Tch! Pwede ba!” He yelled and without waiting for my response, tumalikod na siya at nagsimulang maglakad paalis.

  “Hoy teka, Blue Seanate Katsuwara!” Nagmamadali akong sumunod.

  “Don’t you dare call me by my full name!”

  “Okay, Nate nalang!”

  “My brother’s Nate!”

  “Fine, Sean!”

  “Mas lalo!”

  “Will you just look back?!”

  Dahil sa desperada kong boses, napalingon siya. Ang kunot noo niyang noo na may bahid ng pagkairita ang unang bumungad sa akin pero nang mabasa niya ang nakasulat sa hawak kong papel na katulad ng pinagsulatan niya, dahan-dahang nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napaawang ang labi.

  ‘Give me a 3000-word essay of  why I should let you court me.’

  “YOU’RE INSANE!”

  Malakas na halakhak lang ang sagot ko nang mas iritableng tumalikod sya at pumapadyak na naglakad paalis. Sumusuko agad?

  Napapunas ako sa pisngi ko. Bakit ba naalala ko na naman ‘to? Kinuha ko ang isang palito ng posporo mula sa kahon nito at nagsindi. I stared at the light and the kaleidoscope of everything Cyan have ever done for me flashed right in front of me.

  That moment when I first told him Sean cannot be with me because of our family background which the Katsuwara lawyer told me. We are bound to repel each other. Plus the truth that has been slapped on my face—I am dying of this sickness. There’s no more reason for me to stay with him. I would die and to make moving on easier for him, this way is better. That day, I cried. I cried and relied to someone for the very first time. And he was there, just hushing me down.

  When I was bullied by every fangirls of Sean, when I couldn’t fight for myself, he was there. He stood infront of me and became my defend. For all the harsh words I received, Cyan has always been there.

  ‘Yung araw na dahil maiiyak na naman ako, bumili siya ng isang malaking galon ng ice cream at sapilitan akong pinakain. Tinuring pa akong bata at kinwentuhan na kung hindi ako kakain ay kakainin ng mga bulate ang tiyan ko. Kung anu-ano na namang sinabi para lang matawa ako.

  Nung mga panahong puno ng hate letters ang locker ko, kahit na sa bawat pagbukas ko nun at naglalaglagan ang mga papel mula sa mga taong nagalit sa akin, mayroong isang malaking yellow sticky note ang nakadikit sa dulo at nakasulat ang, ‘Cheer up. You have me’ sa kulay pulang tintang alam kong siya ang may sulat.

  And to be fair, maybe I should really give up on Sean. I have to focus on Cyan who really was always been there for me. Siya ang may mas karapatan. So, this 3000-word reason why to let one court me, this 100 things I always loved about you, this song I wrote for you, these poems and these handwritten messages from Sean must be erased for me to finally be unable to move forward to Cyan.

  Ang malapit nang mamatay na palito ng posporo ay dahan-dahan kong itinapat sa metal can kung saan nakalagay ang lahat ng sulat mula kay Sean. Pikit-mata kong inihulog ang posporo at nagsimulang kainin ng apoy ang mga sulat.

  Nanghihina akong napahawak sa may gripo. Hilong-hilo na ako pero hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ng pagsusuka. Umubo na naman ako nang umubo pagkatapos ay sumuka na naman ako sa sink. Pawis na pawis na ako at ang sakit-sakit na ng tyan ko dahil siguro 10 minutes na ako dito sa CR na puro lang kasusuka.

  Nakarinig ako ng katok. “Chaisee? Chaisee, okay ka lang ba? Buksan mo lang ‘tong pinto kung may kailangan ka. Andito ako.” Narinig ko ang boses ni Cyan.

  Hindi ako nag-abalang sumagot. Pakiramdam ko, ubos na ang lakas ko para pa magsalita at sagutin sya. Ugggh. Ayoko na. Ang sakit sa ulo! Hinilamos ko sa mukha ko ang tubig na nasalo ko. Pinunasan ko ang labi ko at winisik-wisik ang kamay. Pagkatapos ay nakaalalay sa pader na naglakad ako palabas ng banyo. Pagbukas na pagbukas ko naman ay sumalubong agad sa akin si Cyan. Gulat at nagmamadali nya akong inalalayan. Niyakap nya ako pagilid, nakahawak sa balikat ko.

  “Kaya mo pa ba?” Nag-aalalang tanong nya saka inabot sa akin ang isang panyo.

  “Salamat.” Sabi ko pagkatapos kong kunin ang panyo nya. Pinunas ko na ‘yon sa mukha ko.

  Alalay nya akong bumalik sa Music Club. Pagdating namin, naupo muna kaming dalawa sa audience part dahil nauunang pinapractice ni Miss Fatima yung mga nasa flute. Tapos na din naman kami. Katunayan, pwede na kaming umuwi. Hinihintay ko lang na maging maayos ang pakiramdam ko. Maya’t maya naman ang tanong sa akin ni Cyan kung okay na ba ako. Nginingitian ko nalang sya. Wala talaga akong masabi sa isang ‘to. Do I really deserve this?

  Yayayain ko na sana si Cyan na umuwi pero biglang lumapit ang ka-guitarist niyang si Marlon at sinabing kailangan nila ng one more hour para magpractice. Nilingon ako nun ni Cyan nang nag-alala pero tinap ko siya sa balikat at sinabing kaya ko naman na mag-isa. Hindi ko na siya hinayaang tanggihan pa si Marlon at mabilis na umalis sa theatre.

  Simula nang maging kami ni Cyan, ito palang ang unang beses na hahayaan niya akong umuwi mag-isa. Feeling ko din naman, pabigat ako sa kaniya kaya nagkusa na akong umalis. Tahimik lang akong naglalakad habang nag-iisip isip nang nakayuko. Napahinto ako matapos makita ang ilang pares ng paa sa harapan ko. Inangat ko ang tingin at sumalubong sa akin ang isang grupo ng mga babae. Anim sila at pinagtaasan ako ng kilay ng nasa pinakaunahan. Napalibot ako ng tingin sa paligid at dun ko narealize na nakalabas na ako ng school. Pagbalik ko sa kanila ng tingin, nagulat nalang ako nang bigla niya akong itulak. Sobrang lakas ng tulak niya na napaatras ako. Walang oras para ibalanse ang sarili ko kaya naman bumagsak ako sa damuhan.

  “Bitch, ang kapal din ng mukha mong i-break si Blue Katsuwara, ‘no?” Yun ang unang-unang sinabi ng nasa unahan.

  Lumapit sa akin yung nasa gilid niya na may maikling buhok at bigla nalang akong sinampal. Mabilis na napabaling sa kanan ang mukha ko. Ramdam ko ang pagbakat ng malakas na sampal na binigay niya.

  “Tapos ngayon, may nilalandi ka agad.”

  “Ganyan ka ba kahigad?”

  “Hindi mo man lang inisip si Blue.”

  “At talagang pasanta-santita ka pa rin. Pwe!”

  Nagsabay-sabay na silang magsalita. Wala akong espasyo para sumagot. Hinila ako patayo nung dalawa at hawak nila ako sa braso nung hilahin pababa ng isa sa kanila ang buhok kong nakatirintas ng isang tali. Sumunod naman ay may sumipa sa likuran ko. Hindi ko na alam ang mga sumunod—basta, kinuyog na nila ako at pinuno ng mura.

  I was too tired to fight back. Isa pa, tingin ko ay deserve ko naman talaga ito. Isa rin ‘to sa mga inaasahan ko. So, I kept quiet and received their words and hair-pulling nang napapalibutan. Akala ko, makakatagal ako. Akala ko, hanggang matapos sila, hindi ako iiyak. Pero ewan ko ba, napuno na rin yata talaga ako. Nagsunod-sunod tumulo ang mga luha ko at wala akong ginawa para punasan ‘yon. Ni hindi ako humikbi o sumigaw. Bigla silang tumigil. Ipinagtaka ko kaya napatingala ako sa kanila. Nakatingin sila sa iisang direksyon kaya napatingin rin ako. May isang kotse sa di kalayuan—kulay itim. Pamilyar ‘yon sa ‘kin.

  “CHAISEE!”

  Sabay-sabay na nabaling kaming pito sa kabilang direksyon nang may sumigaw. Nanlaki ang mata ng anim na babae nang makita ang madilim na mukha ng tumatakbong si Cyan. Bigla silang nataranta pero huli na para makaalis. Nakalapit na si Cyan at ang una niyang hinablot ay ‘yung mukhang leader.

  “Sinong nagsabi sainyong pwede niyo siyang galawin, Trisha?”

  Hindi makatingin sa kaniya ‘yung babae at nangangatal ang labi. “H-Hindi mo dapat pinapatulan ang malanding katulad n-niya, C-Cyan.”

  Nag-igting ang panga ni Cyan at malakas na winaksi si Trisha. Dahil sa lakas ay muntikan nang matumba si Trisha kung hindi lang s’ya sinalo ng mga kasama niya. Ang sama ng tingin ng tatlo sa kanila kay Cyan pero alam nilang wala silang laban. Nilapitan sila ni Cyan at dinuro.

  “Sa susunod na makita ko kayong sinasaktan si Chaisee, sisiguraduhin kong hindi kayo babalik ng school pero hindi expulsion ang dahilan.”

  Hindi makasagot sa takot ‘yung anim at nanginginig lang na tinititigan siya. Bigla akong napatayo kahit na nabigla ang mga kalmot na nakuha ko saka hinawakan si Cyan sa braso. Nanginginig din siya malamang sa galit.

  “Cyan...” Malumanay na tawag ko.

  Bigla niya akong nilingon at gusto kong makahinga ng maluwag dahil nakita kong lumambot ang ekspresyon niya. Tiningnan niya ulit ‘yong tatlo. “Umalis na kayo bago ko malimutang babae ang kaharap ko.”

  Walang sabi-sabing nagmamadaling umalis ‘yung anim. Tinapunan pa ako ng masamang tingin ni Trisha bago sila tuluyang makaalis. Nang mawala naman sila ay hinarap na ako ni Cyan. Ginilid niya ang buhok ko at pinunasan ang luha ko. Sa mata niya, malinaw kong nakikita kung gaano siyang nag-aalala at naaawa sa lagay ko.

  “Anong ginawa nila sa ‘yo? Anong masakit, Chai?”

  “Okay lang—”

  Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang inagaw ng isang sasakyang biglang humarurot ang atensyon ko. Sinundan ko ‘yon ng tingin at nalamang ‘yon ang sasakyang huminto kanina. Sa pag-alis niyon ay nakita ko ang plate number kaya nasigurado ko—kay Blue ang sasakyang ‘yon.

  “Okay ka lang ba talaga? Ang gulo ng buhok mo.”

  Napalingon ulit ako kay Cyan. Kumuha sya ng kung ano sa bulsa niya at pinakita sa akin. Napakunot ang noo ko nang nakangiti dahil nakitang isa ‘yong tali sa buhok. Kinindatan niya naman ako at saka sinimulang itaas ang lahat ng buhok ko na buhaghag at wala nang tali dahil sa ginawa ng mga babaeng ‘yon.

  “Pawis na pawis ang bata.” Natatawang sabi nya habang pinupunasan ang noo ko.

  Hinampas ko naman siya sa dibdib nang natatawa. “Adik.”

  Bigla nyang binaba sa akin ang tingin. “Sayo.” Tapos tinaas-taas pa yung dalawang kilay.

  “Ang korni mo ah!” Sabi ko pero natatawa. Nakisabay naman siya sa pagtawa at tinapos ang pagtali sa akin.

  Nang matapos naman siya, inakbayan na niya ako at ginulo ang buhok ko. “Tara na nga, ihahatid na kita.”

  Hinawakan ko naman ang ulo kong ginulo niya. “Pagkatapos mo akong talian, guguluhin mo? Ano ka ba?” Tumawa lang sya kaya binago ko naman na ang topic. “Pa’no pala ‘yung one more hour practice nyo dapat?”

  Bigla syang napayuko at napakamot sa ulo gamit ang kabilang kamay. “Eh—” Sinulyapan niya ako. “Wala naman talaga ‘yon. Isusurprise lang talaga sana kita.” Bigla syang ngumuso na parang naiirita. “Nakakaasar lang dahil may umeksena.” Siguradong ‘yung anim na babaeng ‘yon ang sinasabi niya.

  “Surprise?” Takang tanong ko.

  Hindi siya sumagot. Nag-open arms sya ng dalawang kamay. Dahil sa gesture niya, napaikot ako ng tingin sa paligid. Nanlaki ng bahagya ang mata ko nang makita ang playground. Biglang umilaw at puro Christmas lights! Dahil padilim na, mas nakakaamaze tingnan ang paligid.

  “Wow...” Ang magical tignan.

  Pag sa palabas, parang ang simple pero sa totoo lang, ang liwa-liwanag. Napatingin ako sa dulo at nakita dun ang isang malaking teddy bear. Mabilis naman akong napapunta dun nang malawak ang ngiti.

  “Nagustuhan mo?” Rinig kong tanong sa akin ni Cyan saka siya naghalf-bend knee din sa tabi ko.

  Hindi naman mabura sa labi ko ang ngiti habang tinititigan ang teddy bear na ‘to na may yellow ribbon na halos singkulay ng mga Christmas lights. Hindi ako sumagot kay Cyan kundi tumango-tango-tango-tango. Nakita ko ang note na nakalaylay sa ribbon ng teddy bear. Binuksan ko ‘yon at nabasa ang nakasulat. Three words, eight letters.

  ‘I love you’

  Sa itaas ay pangalan ko habang sa ibaba ay pangalan ni Cyan. Nakatitig lang ako dun sa papel at hindi nagsasalita nang bigla ko namang narinig ang boses ni Cyan sa tabi ko.

  “I love you, Chaisee.”

  Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Seryoso ang mga mata pero may bakas ng tuwa at ngiti. Samantalang dahan-dahan namang nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan ng pag-aalala. Nang hindi siya makakuha ng reaksyon sa akin ay alanganin siyang napangiti at napakamot nalang ng ulo.

  “I just realized we’ve been together for quiet some time but I haven’t told you that yet.”

  “Cyan—” Gusto kong pagaanin ang loob niya pero isang katok sa noo ko ang ginawa niya. Napahawak tuloy ako dun.

  Ngumiti siya. “It’s okay. You don’t have to answer me yet.”

  Tinitigan ko siya, tinatantiya ang emosyon niya. Nginitian niya ako sa paraang inaassure ako saka siya tumayo at nilahad sa akin ang kamay niya. That was when I smiled and took his hand. Giniya niya ako paupo sa swing. Nagstay siya sa likod ko at dahan-dahan akong dinuduyan.

  “Chaisee, nakalimutan mo, tama ba?” Dinig kong tanong niya.

  “Nakali—” Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil kusa akong sinagot ng utak ko. The date today..

  “One month.” Sabi niya ulit. At sa pagkakataong ‘to, dama ko na ang lungkot sa boses niya. “One month na tayo.”

  Hindi ako nakasagot. Totoo, nalimutan ko. I really don’t deserve this guy.. At sumisikip lang lalo ang dibdib ko. Napayuko nalang ako. What kind of girlfriend I am? Hindi ako umimik. Wala akong masabi at kinakain ako ng hiya.

  Pero dahan-dahan kong naramdaman ang hawak ni Cyan sa mukha ko. Napatingin ako sa kaniya nang makitang nakahalf-bend knee sya sa harap ko. Malinaw sa mata niya ang lungkot at mas nalulungkot akong ako ang dahilan non at wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad.

  “Sorry...” Halos pabulong na sabi ko. “I’m.. I’m sorry, Cyan.”

  Ngumiti siya. “I understand.” Pinunas nya ang dalawang hinlalaki sa pisngi ko. “I understand, Chaisee. And I also understand the fact that you really can’t be in a relationship.” He took a deep breath, looked down and turned to me. “Chaisee, you need to get back to him.”

  “Cyan, alam mong hindi ko kaya..”

  “Ano pa ako? Na manonood lang? Chaisee, that’s what you need.” Ginulo niya ang buhok ko. “Closure.”

 

 

CHAPTER NINE

  Huminga ako ng malalim saka pikit-matang tumango. “Oo, babalik na ako.”

________________________________________

  Nang idilat ko ang mata ko, nakita kong dahan-dahang pumorma ang isang ngiti sa labi ni Gray saka siya lumapit sa ‘kin at ginulo ang buhok ko.

  “You’re missed.”

  Napangiti naman ako. Namiss ko din naman sila. Pero kinakabahan pa rin ako. Ito na, babalik na ako. Babalik ako kung saan kami nagsimula. Hindi na tulad ng dati, alam ko. Pero magiging maayos.

  Bumuga ako ng hangin. Ang school band ng Mysterecy High. Doon ko unang totoong nakilala si Sean. Dahil pagkatapos ng mangyaring unintentionally’ng pagliligtas niya sa akin noong grade seven na ang kasama pala niya ay ang kapatid na si Gray, akala ko, hindi ko na siya makikita.

  Pero nung sumali ako ng music club, nakasama ko sya. Pero hindi bilang ka-miyembro. KUNDI BILANG INSTRUCTOR! Senior ko siya, mas mataas sya sa ‘kin ng isang taon kaya ang tawag talaga naming mas bata ay senior. Tapos nautusan pa yung mga students na turuan ang mga one year below sakanila. Kaya silang grade 8 ang nagturo sa amin.

  Nung una, nandun pa rin ‘yung impression ko sa kaniya nung una kaming magkita sa dati kong school. Pero habang tinuturuan niya kami? Nalito na ako kung siya nga ba yon. Kasi yung Sean na nakilala ko na sa Mysterecy High, hindi sing-ingay, hindi singpalasigaw nung Sean na nakilala ko sa dati kong school. Mas tahimik siya ngayon. Palangiti at mabait—bagay na hindi mo maiisip dahil sa porma niya.

  Dahil sa sobrang curious ko nun sa kaniya, hindi ko napansin na pinapanood ko na siya. Kung paano siyang gumalaw, magsalita at tumingin. Ewan ko nga pero basta, kilala ko nalang ‘yung ilan sa paligid niya lalo na ang mga kapatid niya na palagi naman niyang kasama—si Silver na panganay. ‘Yun yung madalas ay nakahiwalay sa kanila dahil parating mag-isa at ayaw sa mga maraming tao. Sumunod naman ay si Gray, yun yung kakambal ni Silver at tahimik din, ayaw sa maraming tao pero kumpara kay Silver, mas mild siya. Pangatlo si Blue, siya yung nasa gitna ng limang lalaking Katsuwara. Tahimik siya, bihirang ngumiti pero ngumingiti. Kaso pansin ko, nangiti sya for the sake of being polite lang. Like tulad pag kinakausap ng teacher. Sumunod sa kaniya ay si Neon. Siya ‘yung masyadong exposed naman sa society dahil guso ng exposure. Si Red ang bunsong lalaki. Pasaway at mukhang tulad ni Neon na sobrang sociable.

  Nung una, hindi ko kayang aminin nun na crush ko sya pero may isang beses na nagtrigger sa akin. Nung time na mag-isa lang ako sa backstage at may grupo-grupo yung iba. Yun yung araw na magpipresent kaming mga violinist pagkatapos ng isang linggong pagtuturo ng mga one year ahead sa ‘min. Panghuli pa ako at dahil wala akong kausap, patingin-tingin lang ako sa paligid.

  Hanggang sa lumapit sya sa ‘kin. Napatingala ako sa kaniya. Kasama niya naman si Gray. “Ba’t mag-isa ka?”

  Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ngumiti lang tuloy ako. Ewan, basta nahihiya ako! Dapat bang sabihin kong wala akong kakilala? O sabihin kong wala lang? Ewan.

  Nung di ako sumagot, kaswal syang nagyaya. “Tara, bili tayong pagkain.”

  Tumanggi ako nun. Inulit nya. Nahiya na akong tumanggi. Kaya sumama nalang ako sa kanila tutal naman ay wala rin naman talaga akong magawa. Habang naglalakad kami, nag-uusap silang dalawa ni Gray tungkol sa isang banda. Sa bandang sisimulan raw nila.

  “Sino namang female vocalist?” Tanong ni Blue kay Gray. Tapos tumawa siya. “Si Maine? Eh, basag eardrums natin dun.”

  “You nailed it.” Sagot ni Gray.

  Nagulat kaming tatlo nang may pumagitna kina Gray at Blue. Ako yata yung pinakanagulat kasi si Silver! Eh, ang ilap-ilap niya sa tao. Isa pa, sabi nila, homeschooled sya simula grade one. At choice nyang magpa-homeschooled one year after niyang pumasok sa normal na school.

  “Why don’t we try her out?” Tapos nilingon niya ako.

  Dun napaligon sakin yung dalawa. Napaturo tuloy ako sa sarili ko.

  “You can sing, can’t you?” Si Silver ulit.

  Grabe! Kambal nga sila ni Gray! Mas humane lang si Gray kumpara sa kaniya dahil yung tono ni Gray ay bored lang parati pero yung kay Silver, laging parang—authoritative o kaya bossy, ganun.

  “O-Oo..” Napasagot nalang ako bigla.

  Ngumiti sa akin si Blue. Napatitig lang ako nun kasi hindi yun yung usual na ngiti niya. That time, may kasamang ngipin tapos ginulo nya yung buhok ko. “Swerte namin sayo.”

  Napahawak ako nun sa ulo ko. Ang simpleng gesture pero napatigil ako. At oo nga, may crush nga ako kay Senior! At sa pagsama ko sa grupong tinitingala at kinikilala sa murang edad, nasabi kong mas swerte ako. Nagkaroon ako ng pagkakataong mas kilalanin silang lima.

  Sa loob ng isang taon, hindi talaga nagbago ang crush ko. Fixed na sa kaniya. Mas nakilala ko siya. Hindi rin naman pala sya ganun katahimik. Palatawa nga eh. Go to the flow. Siguro dahil siya yung nasa gitna. Siya din ‘yung tipo ng tao na talagang hindi trying hard pero napakanormal ng gestures. Hindi ko alam. Hindi ako makaisip ng tamang dahilan.

  Unang beses na kumanta ako sa kanila. Dahil siya ang lead vocalist, duet kami. Kinakabahan pa nga ako nun kasi acapella tapos yung apat na nakaupo sa harap naming dalawa, nakatitig lang sa ‘min. Tapos sya, tinaas niya yung thumb nya at tinapat sa ‘kin saka sya ngumiti na parang, ‘okay lang yan’. Nilapit niya yung thumb nyang naka-okay sign at nagets ko naman ibig nyang sabihin. Kaya tinaas ko din ‘yung thumb ko at pinang-apir yun sa thumb nya.

  Saka kami nagsimulang kumanta.

  Nung nagchorus, solo ako nun. Nawala yung kaba ko sa kalagitnaan kaya naging komportable ako. Nilingon ko sya habang kumakanta tapos sumabay na sya sa pagkanta. Kaso nakatingin pa din sa ‘kin. Yung tingin niyang—parang may iba. Nalaman ko nung bigla syang huminto. Napatigil din tuloy ako sa pagkanta.

  “Bakit?” Tanong ni Gray na tanong ko rin dahil nakatitig pa rin sya sa ‘kin.

  Siguro ilang segundo bago sya bumawi. Lumaki yung ngiti nya tapos nagsnap.

  “NAALALA KO NA!”

  “Naalala ang alin?” Napatitig kaming lahat sa kaniya nun na nagtataka.

  “Ikaw yun! Ikaw ‘yung babaeng nanghulog sa ‘kin sa tubig kasama nung camera ko!”

  Napanganga ako nun tapos sobrang nanlaki yung mata ko. Ang wrong timing niya naman kasing maalala!!! I swear, nangamatis talaga ako. Lalo na nung magtanong yung apat at nagsimula siyang magkuwento. Hiyang-hiya ako nun at gustung-gusto ko nang lumubog sa inuupuan ko. Pero sila, tawa nang tawa!

  “Sorry na nga eh! Nagsorry naman na ako ah!” Pulang-pula pa ko nung sinasabi ko yun at halos ngumuso.

  Pero tumawa lang sila ng tumawa at sinasabing ang epic ko daw. Si Silver, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano kasi yun yung unang beses na nakita ko syang ngumiti. Ngiti lang kasi halata talagang pinipigilan niyang ngumiti. Hay naku! Ano bang problema ng mga Katsuwara?

  Simula nun, inaasar na nila kaming dalawa. Destiny daw. Deny ako ng deny pero deep inside, natutuwa ako. Crush ko yun eh! Hahahahaha!

  Around December nung sumali ako sa Journalism. Nagulat ako kasi sa Photojournalism, partner kami ni Senior. Siya yung taga-picture at ako sa article. Hiyang-hiya na naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang hindi ko naman alam na kasama pa rin sya sa Journalism o hindi dahil magtutunog defensive ako nun. Pero siya, pinicturan niya ako bigla gamit yung hawak niyang DSLR na nakasabit sa leeg nya!

  “Senior naman!” Napatakip ako sa mukha ko kahit late na. Nasanay akong tawagin siyang Senior dahil dun sa one-year-gap sa Music Club.

  Tumawa sya habang tinitignan yung picture na kinapture nya. Hinarap nya bigla sa ‘kin. “Ang cute mo oh.”

  Ha?

  Pinigilan kong ngumiti pero hindi ko kaya. Napangiti tuloy talaga ako. Tapos sabi ko nalang, ‘ewan ko sayo senior’. Siya naman, hinilamos bigla yung kamay nya sa mukha ko. Naku naman! Napaatras tuloy ako at iritableng kinunutan sya ng noo.

  “Ano ka ba. Ilang buwan nang tapos yung Music Presentation. Pwede mo naman akong tawaging Blue.”

  “Diba Blue Seanate ang pangalan mo, senior?”

  “Oo, bakit?”

  “Nate nalang! Halos lahat, Blue ang tawag sayo.”

  Ngumisi sya nun. “Ano? Gusto mong ikaw lang ang tumatawag sa akin ng Nate?” Tapos nagulat ako nang bigla siyang lumapit. “Gusto mong maging special sa ‘kin?”

  Napalayo ako bigla. At kahit lumayo ako, talagang nag init yung mukha ko. Feeling ko nga, umaapoy na eh. “A-A-Anong—assuming ka naman, Senior!”

  Tumawa lang ulit sya tapos nagsalita. “Biro lang.” Tapos kinuhanan na naman niya ako ng picture. “Namumula ka na naman eh.”

  Hindi naman ako makasagot. Bigla niya naman akong inakbayan. Dahil ang tangkad niya, ang laki ng kamay nya sakin tapos yung akbay nya, akbay na hinahatak ako papuntang kilikili niya! Aaaaghhhh Seniiiioooor!

  “Tara na nga. Kailangan pa nating magpasa ng article ngayon.”

  Hindi na lang ako sumagot at nakayukong naglakad. Inalis rin nya agad yung akbay nya. Bukod sa nahihiya pa rin ako dahil sa sinabi ko kanina, baka mautal lang ulit ako. Kaya tahimik lang kami nun hanggang sa magsalita sya.

  “Ayoko ng Nate.”

  Napatingala tuloy ako sa kaniya. “Huh?”

  “Not that there’s a clichè background story in that name. It’s just that, sa magkakapatid, tatlo kaming may ‘Nate’.” Sinulyapan niya ako tapos nginitian bago tumuloy. “Look, si Kuya Silver at Gray, parehas na may Cydhe sa pangalan. Kaming tatlong sumunod naman ay may ‘Nate’ sa pangalan. Blue Seanate, Reddionate, Neon Nathanate. So, hmm.. you can call me Sean.”

  Napangiti ako tapos tumango-tango. Ayokong sayangin ‘tong chance na nagkukwento siya tungkol sa kaniya kaya hangga’t kayang pahabain ang usapan, pinapahaba ko. “Pansin ko lang, hindi kayo nagtatawagan ng Kuya? Si Silver lang ‘yung tinatawag niyong Kuya pero the rest, first name basis kayo sa isa’t isa.”

  Tumangu-tango siya. “We were born in US. Pero nahiwalay si Silver sa amin mula pagkabata. We met him when I was already in grade three. Nasa Pilipinas na kami at dahil dun kaya nasanay kaming tawagin siyang Kuya.”

  “Ironic. Japanese kayo diba? Pero sa US ang home base niyo.”

  He shrugged. “Well.” Tapos nilingon niya ako. “Ikaw, diba, half-japanese? Chaisee Hoshikawa. Saka sa mata mo palang na nawawala pag tumatawa ka, halatang-halata na.”

  Aaaaggghhh. Alam niya ang pangalan kooooo.

  Sa isang buong taon, napalapit talaga ako kay Sean. And for such young age, I liked him. It was the early July of this year when I was already in third year and he’s in fourth when we became together. Which I ended just a month ago.

  Ngayon, babalik ako kung saan kami nagsimula. Hindi pagbabalikan ang pakay ko pero ang gusto lang, may maayos na relasyon sa pagitan namin. He’s a treasure. And our memories for the past three years which colored my high school life is gold.

  “Chaisee.” Gray called me. Hawak na niya yung door knob papasok sa kwarto na may malaking ‘MS’s BAND’. “Let’s go inside.”

  I forced myself a happy smile. This is it, Chaisee.