20181007

MHIAMB Fanshot #6

BLACK ORGANIZATION and THE INFILTRATION (Boys Team)
MHIAMB Fanshot #6
[ June 3, 2018 ]

---
KAYDEN's NARRATION

  "Three. Two. One!" Trigger waved his index finger which made Boul and Lionhart run to the direction he pointed.




   Nang makalayo ang dalawa ay tumingin sa akin si Trigger. We were  fifteen meters away from us but I saw him clearly furrowing his eyebrows  before he held his earpiece device while still looking at me. [Where is  your brother?]

  Hinawakan ko rin ang earpiece device ko saka sumagot. "Wala pa din."

He sighed. [You can proceed on your own, can't you?]

  I gave him a quick nod. "Kaya ko naman. Susunod naman siguro 'yon."

   Isang mabilis na tango lang ibinigay niya bago niya nilingon naman  ang pwesto nina Strife at Lampe saka naman ito ang sinenyasan para sunod  na tumakbo patalon na tanging daanan namin pababa mula dito sa rooftop.

   I took a glimpse of Caliber. Tulad ni Trigger ay halos 15 meters din  ang layo niya sa akin. Ang kaibahan lang, si Trigger ay nasa kanan ko at  siya ay nasa kaliwa. The three of us were in the front panel, hiding in  huge gas tanks planted on this rooftop. Just like Trigger and I,  natanggal na din niya ang vest na isinuot namin maging ang bag na  pinaglagyan ng parachute.

  I checked my location watch. It was  one of Strife's stuffs. It showed me my location in the form of green  dot so as the location of others in the form of blue dots. Mukhang  nakaposisyon na ang naunang dalawang pares.

  [Kayden. Your turn] Bigla ay narinig ko naman ang boses ni Caliber.

   Tumango ako at hinintay din ang senyas ni Trigger gaya ng mga nauna. A  few seconds after and he told me to go. Mabilis akong tumayo mula sa  pagkaka-half-bend knee sa pinagtataguan ko at tumakbo papunta sa  pinakadulo ng rooftop. It took me only a few seconds to drop the locking  steel at saka ako tumalon pababa ng 50-floor building habang nakahawak  sa sinasakyan kong harness bag.

  "W-Whoa!" Medyo hindi ko pa  nabalance ang sarili ko nung una kaya sumipa ako sa building ng dalawang  beses bago ko nabalance ang sarili ko.

  I didn't dare to look  down. It would be deadly. Mahigpit ang hawak ko sa locking carabiner  habang sumisipa sa building at dahan-dahang bumababa. To clear, nasa  pangatlong corner ako ng labas ng building na 'to at mag-isang bumababa  gamit ang harness bag na madalas ay ginagamit sa pagka-climb sa mga  bundok at ang locking carabiner na sya namang nagsisilbing manibela ko  para pabilisin o pahintuin ang pagbaba.

  [Kayden. Update] Narinig ko ang boses ni Trigger sa kabilang linya.

  Huminga ako ng malalim. "I'm on set."

   [Alright. Caliber, our turn] Narinig kong sabi niya at kasunod niyon  ay narinig ko ang sabay nilang pagtakbo ni Caliber, malamang para na rin  tumalon.

  I set my focus on going down. This is a 50-floor  building and a single mistake would lead me to my deathbed. Maikli ang  bawat paghinga ko, balancing my weight. Sumipa ulit ako ng isa para  bumaba ulit ng isa pang palapag. This time, nakarating na ako sa 48th  floor. I think it's enough. Huminto na ako sa pagsipa at nagsteady sa  pwesto ko.

  "I'm on my post." I announced.

  [Saglit, ilolocate kita] Strife's voice followed by continouos clicks before he speak again. [Alright. Your area is clear]

  "Thanks." I simply muttered.

   Lumapit ako sa pinakamalapit na bintana at sinubukang buksan ito. But  damn, it was heavily closed. Dumukot ako sa suot kong black outfit ng  pin. But I couldn't find it without looking. I decided to look and damn,  ang taas ng kinalalagyan ko! I closed my eyes and let out an exhale.  Calm down, Kayden. Calm down. Pagkadilat ko ay itinuon ko lang ang pokus  sa bag na nasa bewang ko saka kinuha ang pin na hinahanap ko. That was  when I turned back to the window and opened it.

  Isang malakas  na sipa ang ginawa ko sa wall ng building na katabi ng bintanang  binuksan ko. The rope I was riding into swung and when I had the right  timing, tumalon ako papasok ng building.

"Shit.” I cursed nang madulas pa ako sa sahig na puno ng papel. Tsk, ang kalat naman.

   Tumayo ako at pinagpagan ang sarili bago ko inilibot ang tingin sa  kwartong pinasukan ko. It was a large office room in pure azure. Sa  lamesa ay nakalagay ang pangalan ng may-ari ng opisina. It was Architect  Gwen Sy. Just as discussed in the meeting, sa opisina nya ako papasok.  Nagkalat ang mga papel sa ibaba at ganon din sa mesa. Bumuga ako ng  hangin. I would never like my books and papers this messy in my room.

   Tumingin ako pabalik sa bintana. Itinago ko ang harness bag saka  isinara ang bintana. Saktong pagsara ko naman ay ang pagbukas ng pinto.  Takte! Ang una kong nakita ay ang malapit na shelf kaya naman doon na  ako tumakbo para magtago. I squeezed myself behind it just for the sake  of hiding. Lucky enough, saktong pagpasok ng kung sinuman ay nakatago na  ako. Hindi ko lang alam kung paano ako nagkasya dito kasama ang bag ko.

   A young woman in peach elite office suit came in holding folders in  her arms. Inilibot niya ang tingin sa opisina and that was when I got a  glimpse of her face. She has this fierce face that matched her long wavy  hazzel brown hair. She must be Gwen Sy. Tsk, knowing a elegant lady  owns this messy office annoyed me more. Kababaeng tao, ang gulo ng  gamit. But that's not problem here, Kayden. How are you going to get out  of this room now? And hell. Wala sa nakuha naming kopya ng schedule ang  pagbisita niya ngayong araw.

  "I designed this room myself."  Nagulat ako nang biglang magsalita si Gwen at nakita ko syang yumuko  doon sa nagkalat na papel sa ibaba kung saan ako nadulas pagkatalon ko  kanina. "And every single thing here is a way for me to know if someone  sneek in." The next thing I knew, nagpaputok na siya sa direksyon ko! My  reflexes automatically made me push the shelf and lower my head. Shit.

  [Takte, may action agad?!]
  [Anak ng. Sinong nauna?]
  [Whose post is that?!]

   I heard others from the other line. Malamang na narinig din nila ang  putok ng baril. Damn, am I to blame because I revealed myself so damn  early?

  Bumuga ako ng hangin. "It's my post." I announced. "But I  don't think we already have to proceed to another plan. I'm going to  handle this first."

  Nang tumayo ako ay ngumisi sa akin si Gwen  at inihipan ang bunganga ng baril na hawak niya. "Your luck. This room  is sound-proof." Nagsimula syang dahan-dahang maglakad papunta sa mesa.  "But I can easily notify everyone with thi--" She was about to push a  red button on her table but I couldn't let her so I quickly pull my gun  out and shoot it.

  "Thanks for that luck." Sagot ko at itinutok  sa kaniya ang baril. "Pero hindi ako tumatanaw ng utang ng loob sa  gan'tong sitwasyon kaya hindi kita hahayaang sirain ang misyon namin."

   Dahan-dahang naging pailalim ang tingin niya. "And did you think I  would just let you slip away?" Itinutok niya sa akin ang hawak na baril.  "Put your gun down." Venom was evident in her voice.

  And did she really think I would follow her?

   Imbes na gawin ang sinabi nya ay mabilis akong tumakbo papunta sa  kaniya hawak ang baril ko. As expected, nagpaputok siya. Mabilis akong  yumuko para iwasan 'yon. The following shot was in my right side so I  dodged by moving to the left. She wasn't able to shot the third bullet  dahil nakalapit na ako dahilan para umatras sya nang makita nyang  hahawiin ko na ang hawak niyang baril.

  Nang may masamang tingin  ay bigla nalang niya akong sinipa. It was a kick that is meant to kick  my gun away. Tss. Typical move from a girl. Pinaputukan ko hindi sya  kundi ang baril niya. Sinadya ko ring padaplisan ang kamay nya kaya wala  na syang nagawa kundi bitawan ito na agad ko namang sinipa palayo. That  was when I had an open. She got to punch me straight to my chest which  caused me to step backward. Damn! Fine. For a girl, that was strong.

   "Don't underestimate me just because I don't have weapon." Matalas  ang tinging sabi niya bago na naman tumakbo pasugod sa akin.

  I  didn't run and stayed where I was standing which was beside the table.  Sinangga ko ang unang atake niya pati ang pangalawa, pangatlo at sa  pang-apat, I was able to hold her arm and twist it to her back together  with the other one. Bigla naman nya akong sinipa patalikod na tumama sa  tiyan ko. Anak naman ng libro oh! Dahil don, nawala ang pagkakatwist ko  sa dalawang kamay nya. But I can't let her go away! I decided to push  myself to her hanggang maibaba niya ang likod sa lamesa. I was holding  both of her arm and I had my body to stop her from kicking so she got no  way to escape.

  "You're cornered, don't you think?" Seryoso kong tanong nang nakatitig sa puno ng inis nyang mata.

  "Jerk." She then spit on my face.

  "Holy fucking cow." I can't help but curse under my breath. I do really hate dealing with girls in missions.

   [Kayden, pare. That's so lame. Sa trabaho ka pala lumalandi? Hahaha!]  Bigla ay narinig ko ang boses ng gagong si Strife sa kabilang linya.  So, he was already in the security system of the building?

   Tinalikod ko na ang nagpupumiglas na babae para sana itali na ang dalawa  nyang kamay at nang tumigil sa pang-aasar si Strife. Kaso, pagtalikod  ko palang sa kanya na naka-pin pa rin sa mesa at nagmumura, nagsalita na  naman 'tong gagong nerd.

  [Peteng*ne mga pre. Dog-style pala ang gusto nitong si Kayden] At kasunod naman niyon ay ang mga komento ng iba.

   "This is a fucking office! Now tell me, kung ba't may CCTV dito?!" I  can't help but burst out. It was supposed to be for the group who were  still laughing but the woman I was tying reacted.

  "Well,  pinaghihinalaan akong may boyfriend ng over-protective Dad ko, okay?!"  What the hell?! As if I give a damn about her and her dad!

  Nang  matapos ko siyang itali ay isinunod ko na ang paa nya. Nang-aasar pa  rin 'yung iba kaya naman sa badtrip ko ay mukhang napapahigpit yung  pagkakatali ko dahilan para humiyaw si Gwen.

  "FUCK YOU! THAT FUCKING HURTS!" Inis nyang sabi marahil dahil sa hapdi. She was cursing me and all the threats.

  "Tss." Ang sakit sa tenga.

   Tumayo na ako at pumunta do'n sa shelf na pinagtataguan ko kanina at  dinampot don ang bag ko. Pati na rin ang ilang gamit ko na nalaglag sa  sahig. Nang matapos ako ay saka ko nilingon si Gwen. Ang sama pa din ng  tingin sa akin. I held my earpiece device.

  "Ligtas ba 'yung  kaso ko?" Tanong ko na ang pinatutungkulan ay ang barilan dito. If I  alarmed the building then the mission is at stake because of me. Pero  kung naka-take over na si Strife sa security system sa simula palang,  ligtas ako.

  [Pasalamat ka sa 'kin. Nandito na 'ko nung nakita  ka nyang mestisang chix mo] Sabi naman ni Strife saka pa humagalpak ang  gago. Tss.

  Tiningnan ko ulit si Gwen na hindi pa rin tumitigil  sa pagmura sa 'kin. Geez. "License?" Tanong ko kay Trigger. I was asking  for my license to kill. We couldn't let this mission fail. If we have  to kill, we will.

  [Identity] Agad namang sagot ni Trigger.

  "Gwen Sy."

   A few seconds after and Lionhart spoke. He was the one assigned to  study the profiles of the people in this building. [Gwen Sy. Twenty-one.  She's the daughter of one of the stock-holders of the company. She's  aware of the illegal and legal transactions of the company]

  [We might be able to get some information from her] Caliber commented.

  [Yeah. Keep her] Trigger ordered.

  "Hmm. Yeah, pwede natin syang gamitin." Sabi ko naman na narinig ni Gwen na agad namang nanlaki ang mata.

  "WHAT?!" Gulat na gulat na sigaw nya. "There's no way I'm going to let any of you rape me!"

  What the hell?!

  Tumawa sa kabilang linya si Lampe. [Takte, iba mag-isip. Parang si Tita Aemie amp]

   Napailing nalang ako saka kinuha ang isang malapit na packing tape at  lumapit kay Gwen. Nang lapitan ko sya ay nanlalaki ang matang inatras  nya ang mukha saka ako ulit dinuraan!

  "Hindi ka na nakakatuwa  ah!" Inis na sigaw ko at walang habas na dinikit sa maingay na bunganga  nya ang packing tape. Ngayon, wala na akong marinig kundi "hmmmp".  Better.

  I left the room after I report to Trigger and dealt  with the situation. Nang lumabas naman ako nang naaayon sa senyas ni  Strife na may access na sa CCTVs, wala nang tao. Inangat ko ang tingin  sa kisame at gamit ang gun rope ay umakyat ako. Tinanggal ko naman agad  yung harang sa aircon passage saka ako pumasok. Well, this is the safest  route in every infiltration mission. Naririnig ko silang nag-uusap  habang gumagapang ako papunta sa direksyon na pupuntahan ko sa gabay  nitong location watch na may naka-install nang soft copy ng blueprint  nitong building.

  [Cody's status?] Trigger asked.

  [Still unknown] Sagot naman agad ni Strife.

   Almost thirty minutes ago nang tumalon kami mula sa eroplano na 300ft  above the rooftop. The first team who jumped were Caliber, Lionhart,  Boul and Lampe. The second team were Trigger, Strife, Cody and I. Ang  kaso, itong si Cody na huling naiwan sa eroplano dahil nagkaproblema sa  parachute nya hanggang ngayon ay wala pa. He was supposed to be with me.  At ang sakop lang ng earpiece device ay ang buong building kaya kahit  na nakasuot sya ng earpiece device, hindi pa rin namin siya mako-contact  dahil wala siya sa loob ng building.

  [Lionhart. Update] Trigger ordered.

  Narinig muna namin ang pagkasa ni Lionhart sa baril niya. [Papunta na 'ko sa huling opisina]

   Lionhart who has specialty in people manipulation was the one  assigned to insinuate the VIP rooms of the building. Hindi porke  nakapagtake over na si Strife sa security system ay malaya na kaming  makakagalaw. VIPs have access in 40% of the CCTVs inside this building.  The CCTVs inside offices are not included. Kaya naman kailangang  isa-isahin ni Lionhart ang mga kwarto at alisin ang access nila sa CCTV  sa gabay ni Strife. Strife couldn't disconnect them from the security  system because first and foremost, the security system was on manual.  Ang pagkakakabit ng access ng VIPs ay madidisconnect lang sa mismong  laptop nila at hindi sa security system.

  [Boulstridge and Lamperouge] Trigger.

  [Sa gwapo ko ba namang 'to? I got my fish yeah ~ ] Pakantang sabi ni Lamperouge.

  [Papunta palang. Takte, ang daming asungot eh] Sagot naman ni Boulstridge.

   Lamperouge and Boulstridge were the ones assigned to handle the four  VIPs that we are going to use to threaten and play with the big fish of  this mission--Mr. William Iceberg, the very owner of William's Corp.  which is a very high-style technology company. They are not practically  gonna kidnap them. More like, bibigyan ng drug para di maging sagabal.

  [Caliber. Update] Trigger.

   [I'm getting bored playing with the guards. They don't notice me or  even entertain me for much longer. So easy] Caliber responsed.

   He was the fastest among all of us so Trigger assigned him to be the one  to set the traps and the play we are going to have. Siya din ang  nakatalagang i-check at i-organize ang escape route ng grupo.

  [Lastly, Kayden]

   Saktong pagbanggit ni Trigger sa pangalan ko ay ang pagdating ko sa  tamang screen sa aircon passage kung saan ako bababa. Dahan-dahan kong  tinanggal ang screen na syang nagsisilbing harang at tumalon pababa mula  sa aircon passage.

  Tumingin ako sa paligid nitong hallway bago  ko sinagot si Trigger. "I have arrived in my first stop." Saka ako  lumapit sa kaharap kong pintuan at mabilis itong binuksan sa pamamagitan  ng isang pin.

  As for me, as someone who had specialty in  bombs, I was assigned to plant bombs inside the whole building. This  first mission of Black Organization is mainly to infiltrate the whole  building and play with the fishes in our first game. The bombs are good  for our advantage and for the main plan. Lahat kami ay may tag-iisang  detonation remote para sa bawat bomba which means I'm going to plant  eight bombs.

  Pagpasok ko ng kwarto ay sumalubong sa akin ang  isang malawak na table na napapalibutan ng mga upuan. Sa paligid ay  makikita ang ilang charts, statues at actual models ng iba't ibang  technology. As discussed during our meeting, walang tao dito ngayon  dahil nagagamit lang 'to once in a month.

  Inilapag ko ang bag  ko sa sahig at inilabas doon ang mga gamit ko. Nang maisaayos ko na ay  kinuha ko na ang isang naka-case na bomba at sinimulan itong lagyan ng  wires at screws, a way of activating it. It took me almost fifteen  minutes before I finally activated it. Pinunasan ko ang pawis ko saka  pinindot ang activation switch. Nang makita ko namang nagsimula nang  gumalaw ang green liquid sa loob ng isang maliit na transparent tube ay  hinawakan ko ang earpiece device at tinawag si Azure.

  "Your bomb has been set. Take out your remote and click the green button."

   [Sing gwapo ko ba 'yan, tol?] Narinig ko pa ang mahinang pagbeep ng  remote bago ko nakita ang simula ng pagbiblink ng tatlong ilaw sa  bombang in-activate ko. [Yown! Okay na]

  I smirked. Ngayon, sa pangalawang bomba naman ako.

   I left the room after picking all my things up. Tulad kanina ay sa  aircon passage ako dumaan. The next stop I would drop by is in 40th  floor which is eight floors below. Kaya naman huminto ako sa lugar  malapit sa elevators. But I couldn't jump down. There are armed men  below. Not one, not two, not three but six. Hmm, this is a building for  illegal transactions. This kind of guards are common.

  Bumuga  ako ng hangin at tiningnan ang location watch ko para alamin ang  lokasyon ko. Nang malaman ko naman na ay humawak ako sa earpiece device  ko.

  "Strife. My spot's blocked. I'm on route D44." Sabi ko.

   Narinig ko ang sunud-sunod na pagtipa ni Strife sa keyboard niya bago  siya nagsalita. [Who-o-ah. Anim na guards? Dami mo naman agad action,  Kayden. Teka, chicheck ko lang ang profile] Nakarinig na naman ako ng  ilang click at beep bago siya nagsalita. [Lionhart. Sasabihin ko  pangalan ng mga ugok na 'to. Una si Joemarie Cascaño, Christian  Valenzuela, James Cabanig, Neil Jasper Gutierrez, Gerard Elvis and Brix  Anthony]

  [Copy] Sagot ni Lionhart nang hinihingal. He must be running. [Based on their background, kaya naman ni Kayden yan]

  Good.

   Walang pagdadalawang-isip na tumalon na ako pababa. That was when I  caught the eyes of the six armed guards. Ang lalaki ng katawan, may  gamit na kaya? Tss. As if on cue, sabay sabay silang itinaas ang mga  suot na armalite at itinutok sa akin.

  I made one quick turn and  in that turn, I shot their heads. The gun I used wasn't a gun to kill  but a gun to make people sleep. Apat ang tinamaan rekta sa ulo at  bumagsak samantalang dalawa naman ang nakaiwas at balak pa akong  paputukan. No! I would alarm the building if a shot would be heard. Kaya  naman pinaputukan ko parehas ang baril nila gamit ang baril kong may  silencer dahilan para tumilapon iyon parehas.

  Patakbong sumugod  sila na sinalubong ko rin. Nang maglalapit na kami ay umikot ulit ako  kasabay ng isang sipa na tumama sa kanilang dalawa. Yung pangalawa eh  sinalo ang paa ko at bigla nalang akong inikot para ibalibag sa sahig!  Damn. Good thing, sumabay ako sa ikot at imbes na pahampas ay  pa-tumbling akong tumalon paatras pagkaikot niya.

  Bumagsak ako  ng naka-helf bend knee, just the right position. That's when I pulled  out my gun and immediately shot the running berserks toward me. Phew.
  [Linisin mo yang kalat] Agad namang sabi ni Strife pagkabagsak nung dalawa.

  Tss. The sad part.

   Lumapit ako sa anim na katawang nakahandusay at saka binuhat ang  dalawa para ilagay sa balikat ko. Saka naman tigdalawa sa kamay para  hilahin. With Strife's help, I managed to bring the six corpse in an  empty room without being caught.

  Binalikan ko agad yung  elevators at gusto kong pasalamatan ang earlier 5 minutes self ko dahil  sleeping gun ang ginamit ko. Kung gumamit ako ng totoong baril, eh di  pati mantsa ng dugo nila eh lilinisin ko? Tss.

  Sa wakas,  makakasakay na din ng elevator. This time, I'm wearing an office suit. I  can't roam around this building in a black agent outfit, can I?

   The following stops went well. Hindi ko kinailangang makipagsagupaan  sa mga armadong lalaki at lalo namang hindi ko kinailangang makipag-away  sa maiingay na babae. I thought I'd be able to finish my eight bombs  without nuisances until my eighth stop.

  I was looking at my  location watch while walking in the 4th floor, sinusundan ko ang arrow  na nagtuturo kung nasaan ang susunod na stop ko nang mapahinto ako nang  makita ang naglalakad na tatlong businessmen na nag-uusap. Damn! They  know me!

  Mabilis pa sa alas kwatrong nagawa kong kunin ang gun  rope sa bulsa ko at pumuslit ulit sa aircon passage na nasa kisame bago  pa sila lumiko papunta sa direksyon ko.

  I held my earpiece device. "May mga VIPs na bagong dating." I bit my lower lip. That was a close call!

  [What? Identities?] Gulat na tanong ni Trigger.

  Gumapang ako para sundan ang mga businessman at tingnan ng sigurado ang mukha nila. I was right.

   "Ford Vicente, Sakura Baudelaire and Cross Sy." Agad namang sabi ko.  They are one of the profiles who are affiliated in my family's business.  Natural na kilala nila ako. I didn't know they are affiliated in  William's Corp. though.

  [Na-track ko na] Singit ni Strife.  [Nasa 4th floor sya. Just under Kayden's surveillance. Pero papunta sya  sa 3rd floor kung nasaan ngayon si Caliber]

  [Crap!] Caliber hissed. [Kuya, they're one of the motherfuckers who messed with us together with that William Iceberg shit]

   [Go and follow them, Caliber. They must also be going down] Trigger  let out a long deep sigh, analyzing the situation. [Everyone's status]

   Gaya kanina ay isa-isa kaming nagreport ng kasalukuyang nangyayari sa  mga target at misyon namin. Halos lahat ay tapos na. Matapos ang  pag-a-update ay tatlong segundo ng katahimikan ang pumainlalang sa linya  bago nagsalita si Trigger.

  [Alright. We will proceed to Plan R27]

  R27?

My brows knotted. Damn. "Pero hindi pa ako tapos sa ikawalong bomba." Sabi ko.

    Trigger spoke. [You can be the late in the play]

   "Areglado." Agad kong sagot. 

   I bit my lower lip. Mukhang kailangan kong magdouble--no, triple  time. In R27 Plan, we have to go to the play after fifteen minutes! But  heck. Hindi ko pa naikakabit 'tong ikawalong bomba sa huli kong stop!

   Nagpatuloy na ako sa paglalakad sa aircon passage papunta sa huli  kong stop. I was looking below and I can see a few people in the hallway  through this screens. Nasa bandang dulo na ako ng hall na kasalukuyan  kong dinadaanan nang makita ko si Lampe na preskong preskong naglalakad  sa hall habang nakapamulsa ang kaliwang kamay at ang kanan ay hawak ang  strap ng bag nya na nasa likuran ng kanang balikat niya. Palingon-lingon  siya sa paligid at sa totoo lang, umaattract siya ng atensyon ng iilang  taong nandoon dahil bukod sa panay ang sipol nya eh malayo sa office  suit ang black pants at black shirt na pinatungan ng black leather  jacket! Ano bang ginagawa ng tarantadong 'to?!

  "Masyado kang humahatak ng atensyon." Mahinang bulong ko habang tinatanaw sya.

   Natanaw ko syang ngumisi. [Hindi ako nag-aattract ng atensyon oy!  Sadyang napapatingin sila sa 'kin dahil sa sobrang kagwapuhan ko]

   Anak ng libro naman oh. Ang hirap makakuha ng matinong sagot sa  gagong 'to. Tss. Wala silang pinagkaiba ni Cody. Mabuti nalang at si  Boul na ang sumagot sa akin.

  [Wala pa din yung gago mong  kapatid na hindi natin alam kung san nagwalwal kaya si Lampe muna ang  magsa-sub sa task nya] Paliwanag nya nang may matamis na description kay  Cody.

  Umikot at dumiretso sa kabilang direksyon. Kung  sinabi ni Trigger na pwede na akong ma-late, ibig sabihin ay pwede ko  pang ikabit ang ikawalong bomba kahit nagsisimula na ang fourth quarter  ng Plan R27. And that means I'll be the late one in the play.

   Hindi pa ako nakakalayo ay narinig ko na ang sigawan parehas sa kabilang  linya at sa hall na nasa ibaba lang nito. Kasunod niyon ay ang malakas  at masakit sa tengang sunud-sunod na pagbibeep ng telecom sa buong  building na sinabayan pa ng pagpula ng nagbiblink na ilaw sa aircon  passage at sa ibaba. Ilang segundo lang ay narinig na sa mga speakers  ang boses ng isang lalaki.

  "Intruders have infiltrated the  whole building. All platoons are summoned. Intruders have infiltrated  the whole building. All platoons are summoned."

    [Takte!  Nakalabas yung chix mo, Kayden! May nakapagpalabas sa kanya, isang  babae--Thania Laurine Mendez. Half-sister nya. Parehas sila ng damit  nung chix mo pre] Strife informed. Chix? Ah, shit! That Gwen Sy!
[They must also be the ones who alarmed the building] Seryoso at kalmadong saad naman ni Trigger.

   [No need to rush. Nagsisimula na rin naman tayo sa fourth quarter ng  Plan R27] Sabi naman ni Caliber na sinang-ayunan ni Trigger.

   [Pero lahat ng nasa aircon passage, kailangan nyo nang magrush!  Petengene. Ayos din 'tong security nila. Automatic na na babaha ng laser  sa aircon passage pag naalarma ang buong building]

  [Takte!]
  [T*ng ina]
  "Pucha!"

   Halos sabay-sabay kami nina Boul at Lionhart na nagmura matapos  marinig ang sinabi ni Strife. We had no choice but to jump off of the  passage regardless of where we are. In Trigger's words, the three of us  had our license to kill.

  Saktong pagbaba ko ay sumalubong sa  akin ang mga nagtatakbuhang civilian at businessman. I looked around and  checked my border. That was when my eyes caught three armed guys a few  meters away from us who loaded their guns. Hindi pa nila ako nakikita.

  [I'm revealed] Anunsyo ni Lionhart sa hinihingal na boses. [Hinahabol pa din nila ako]

  [Who else is revealed?] Nananatiling kalmadong tanong ni Trigger.

  [Hindi pa ako. Natumba ko na 'tong mga nakakita sa akin] Boses ni Boul kasabay ng tunog ng isa pang pagsipa.

   "Hindi pa nila ako nakikita." Sagot ko at tumakbo na rin ako papunta  sa last stop ko bago pa ako makita ng tatlong lalaki. "I'm on my way to  my last stop."

  [Change of plans. One got revealed. Plan G43 is  on set] Sabi ni Trigger sa seryosong boses at kasunod niyon ay ang  pagkasa ng baril niya. [Boulstridge and Lerwick. Follow your mission.  Strife, tighten your surveillance. Caliber and Lamperouge, proceed to  the play] Narinig namin ang ilang pagtatama ng matatalim na balisong  mula sa linya ni Trigger bago ulit siya nagsalita. [ Listen. They don't  know our number yet. Just because one of us got revealed doesn't mean  everyone should reveal themselves too. We are going to follow G43 Plan  which means we are going to cut our connections. However, now that they  knew there are intruders, all of us are free to play the role of a  predator hunting our preys] We heard continous beeps from Trigger's line  before he said his last line. [One more thing. We are a team. Remember  that] Ang sumunod na don ay ang isang mahabang beep na senyales na  pinutol na ni Trigger ang linya nya sa amin.

  Nagsunod-sunod na  ang pagpuputol ng linya at gaya nila ay tinanggal ko na ang koneksyon ko  at isinuot ang panibagong earpiece device. This earpiece device is  connected only to one person in the group--Raven Boulstridge Strife.  Based on Strife's explanation during the meeting, kung bakit kailangan  pa naming gawin 'to ay dahil maba-bug na ang earpiece devices namin.  Nang sabihin ni Trigger na magrorotate kami sa G43 Plan, isa 'yong  paraan para sabihing mata-track na ng head ng building ang mga earpiece  device namin kaya kailangan na itong putulin bago pa kami mahuli. Group  telecoms are easier to track kaya naman ngayong sa iisang tao nalang  kami nakakonekta, kay Strife, ang probabality na matrack kami ay  bumagsak sa 10%.

  Habang naglalakad nang palingon-lingon sa  tahimik nang hallway ay kinukuha ko na ang dalawang baril na nasa knee  pad ko at parehas na nilagyan ng magazine sa pamamagitan ng pagpukpok sa  hita ko. May nakalagay nang mga silencer sa dulo nito kaya naman handa  na ako sa pagpapaputok.

  Saktong pagliko ko ay natanaw ko ang  dalawang armadong lalaki sa dulo ng hallway na nilikuan ko. Halos sabay  lang naming nakita ang isa't isa. It's just that, I was the first one  who shot. Bull's eye.

  Agad akong tumakbo para pumunta sa dulong  kwarto--ang siya ring last stop ko. Lucky enough, I did not encounter  men-in-blacks which made my mission easier. Unlike earlier, hindi  mabubuksan ang pintuang 'to nang gamit lang ang pin. As discussed in the  meeting, my last stop was in code. Not your simple code though. Hindi  namin nalaman kung anong uri ng code kaya ngayon, kay Strife na  nakasalalay kung mabubuksan ba 'to o hindi.

  I held my earpiece  device. "Strife. This door in my last stop is a fucking binary codes."  Lumingon-lingon pa ako sa paligid para tingnan kung may parating na  naman bang mga men-in-black.

  [Ge] Narinig ko ang pagnguya nya  bago ulit magsalita. Anak ng, nagagawa pa ng nerd na 'to na  preskong-preskong kumain?! [Tumabi ka sa CCTV nang makita ko yung code]

  "Tss."

   Gumilid ako para makita nga sa CCTV na andoon ang binary code na nasa  gilid ng pintuan. Kaso saktong paggilid ko ay ang pagdaan ng isang  matalim na balisong sa mismong harap ko! Just right in time, buti nalang  pinagilid ako ni Strife dahil kung hindi, natamaan o kahit nadaplisan  na ang mukha ko.

  Agad kong nilingon ang pinanggalingan ng  balisong na 'yon at mula sa gitna nitong mahabang hallway ay nakita kong  naglalakad ang isang babaeng may mahabang kulot na buhok at naka-peach  office suit na may hawak na mga balisong sa pagitan ng mga daliri ng  dalawa nyang kamay. I thought it was Gwen Sy but no, it was Thania Laurine Mendez.

   "We wouldn't let you slip away." Sabi nya habang naglalakad palapit  sa akin. Ugh, I prefer dealing with the men-in-black than a girl! Tss.  Ba't ba hindi si Azure ang nakita nito at ako pa talaga?

  The  way she hold the swiss knives tells me she has knowledge and skill on  it. She must also be aware of illegal transactions of their family. But  how did she know Gwen Sy was locked up? I'm pretty sure I locked her  door. But that's not the problem here. It's how the hell I am going  activate the last bomb in this room with this nuisance around. Tsk.

  [Orayt, Kayden. Enter A47Hx7Wg18Ls in the code] Narinig ko ang boses ni Strife sa kabilang linya.

   Mabilis naman akong lumapit pabalik sa passcode screen na nasa tabi  ng pintuan at sinimulang itype ang A47. Pero bago ko pa maisulat ang H  at x ay may lumilipad na namang balisong sa direksyon ko!

   "Whoa!" Napabuga ako ng hangin nang masalo ang balisong sa pagitan ng  dalawa kong daliri. It was supposed to shatter the passcode for me to be  unable to enter. And I can't let that.

  Nilingon ko ulit si  Thania Laurine at anak naman ng pating, isang sipa na naman ang  sumalubong sa akin. I immediately lowered my head to dodge her kick but  then again, she made another kick from below. I had to jump. Pero hindi  ko na naiwasan pa ang daplis ng takong niya. Argh, here we go again with  the hellish heels of girls.

  Nang iangat ko ulit ang ulo ko ay  umikot ako at binigyan sya ng isang sipa. Mabilis syang tumalon paatras  pero nahabol pa rin sya ng sipa ko dahilan para ma-out balance sya.  However, she managed to remain standing. Dahil medyo malayo na sya sa  akin ay bumunot na sya ng dalawa na namang balisong mula sa ulo nya na  nagsisilbi palang ipit saka 'yon tinapon sa direksyon ko.

  I  quickly pulled my gun out and shot the flying knives on my direction  which caused it to change direction. Saka naman ako tumakbo pasugod sa  kaniya. This time, she didn't run. She focused her eyes on me, waiting  for my attack. But attacking her wasn't my plan. Nang makakuha ng tamang  tyempo, mabilis akong bumaba sa sahig at sinipa ang paa nya mula kanan  papuntang kaliwa. She was caught off-guard which made her stumble. Pero  bago pa sya bumagsak at madapa ay tumayo na ako at sinalo sya sa bewang  kasabay ng paghawak ko sa dalawa nyang pulsuhan papunta sa likuran.

   "ARRRRGH!" She was mad, alright. But she couldn't escape from my  grip. She was kicking and all that but I guess I'm strong enough.

   Dinikit ko sya sa pinakamalapit na pader para magkaroon ako ng  kakayahan na hawakan ang dalawang kamay nya gamit ang isang kamay ko. To  sum it up, she was pinned on the wall with her chest on it while  cursing me to death.

  "Fuck you! You goddamn moronic bastard!"

   I let out a short sarcastic chuckle. "Will you shut up? Para naman  magmukha ka na talagang pader. Tss." Kinukuha ko ang isang panyo sa  bulsa ko habang kinakausap sya na bigla namang sumigaw.

  "WHAT THE HELL?! Are you saying I'm flatchested?!"

   Narinig ko ang malakas na hagalpak ng tawa sa kabilang linya. Strife  probably heard the girl's loud yell. Samantalang ako ay napakunot naman  ang noo. Geez, what's up with this girl's mind? Tss. Half-sister nga  niya si Gwen Sy. Parehas mag-isip.

  Nang makuha ko ang hinahanap  kong panyo ay mabilis ko syang pinaharap sa akin. Bago pa sya  makapagsalita, itinakip ko na sa bibig nya ang hawak kong panyo. She  automatically inhaled the gas from the handkerchief which made her eyes  already half-open.

  "Rest for a while, wild cat." I silently whisper before her eyes totally close.

  [What a sweet line from you, Lerwick] Komento ni Strife sa tonong pambabae.

  "Tss." was my only reaction to his comment. How could I forget he could hear me?

   Dahan-dahan kong inilapag ang tulog na katawan ni Thania sa malamig  na semento bago ako muling bumalik sa pagtatype sa code. Tinanong ko  ulit si Strife sa code at dinictate naman nya ulit 'yon.

  The  moment I opened the door, umalingasaw ang nakakasukang amoy ng iba't  ibang alcohol at chemical ng kwarto. It was a large room filled with  tubes in shelves under the green lame light. This is my last stop--the  experimental chamber.

  Pumunta na ako sa pinakagitna ng kwarto  at inilapag doon ang huling attaché case ng bomba na dala ko. Matapos  kong ilabas ulit ang mga gamit ko ay nagsimula na akong i-activate ang  bomba gamit ang wires at screws na natitira sa bag ko.

   [Lerwick] Nagsalita si Strife habang nagpapatuloy ako sa pag-a-activate.  [Kumpleto na yung mga bugok sa play. Ikaw at ako nalang ang kulang.  Papunta na dito yung mga korning men-in-black at ikaw pare, susunduin ka  na din dyan! Wuhoo! Ba-bye!]

  Pagkatapos non ay ang mahabang  pagbeep ng kabilang linya na ibig sabihin ay pinutol na ni Strife ang  linya nya. Tinanggal ko na rin ang earpiece device at itinapon sa kung  saan dahil wala na rin namang kwenta saka ako nagpatuloy sa pagkakabit  ng wires at pag-iikot ng screws.

  It took me almost ten minutes  before I finished activating the last bomb. Itinulak ko ito sa ilalim ng  pinakatagong shelf sa kwarto pagkatapos kong isara. Saktong pagtayo ko  ay ang pabalibag namang pagbukas ng pintuan na nasa likuran ko at  sunud-sunod na tunog ng pagkasa ng mga armalite. Ang ilaw na galing sa  mga baril nila na tumatama sa akin at sa mga shelfs sa loob ay  nagsasabing nasa walo o sampu sila.

  "SURRENDER!"

   Napabuga ako ng malalim. I was just right in time. I did not dare to  look behind me where the armed men are probably standing. I silently  raise both of my hands as an act of surrendering. Ilang saglit lang ay  nakarinig ako ng paglakad papunta sa direksyon ko. Kasunod niyon ay  naramdaman kong may humawak sa dalawang kamay ko para ilagay sa likuran  ko at iposas.

  "As I've said. I would never let an intruder slip away."
   Nagulat ako nang marinig ang boses ni Gwen Sy sa mismong tenga ko  mula sa likod. Damn. Siya pala ang sinasabi ni Strife na susundo sa  akin.

  Pinaharap nya ako matapos posasan at napapikit ako sa  dami ng ilaw mula sa mga baril na sumalubong sa akin kaya naman yumuko  nalang ako. I knew they were not police. Gaya ng imbestigasyon namin  bago kami sumabak sa misyon na 'to, hindi tatawag ng police ang  William's Corp. sa ganitong pagkakataon. Besides, this is William’s  Corp.’s main building for illegal transaction and built amidst isolation  wherein the only thing that surrounds it were abandoned buildings and  factories.

  "You and your buddies will reunite. Don't you think  that's sweet?" Nakangiting sabi sa akin ng babaeng katabi ni Gwen Sy na  syang humahawak sa akin ngayon habang naglalakad kami palayo sa chamber  na 'yon. Nasa unahan kami at nakasunod naman sa likuran namin ang mga  men-in-black na dala nya. Buhat buhat naman ng isa sa mga lalaki sa  likod ang wala pa ring malay na si Thania.

  Nang tingnan ko naman para kilalanin, nakita kong isa sya sa mga diniscuss sa meeting. Sakura Baudelaire.  A head of mafia group William Corp. is business partners in illegal  transactions. She was talking while we were walking. Bragging about how  stupid we were to try to infiltrate their building. She was actually  annoying. Ang daldal. Ang ingay. I did not speak. I don't like talking  especially to a loud weird woman. I was silently observing the places we  were passing by. Ngayon, alam ko nang papunta kami sa basement.

   Gaya ng iniisip ko, ilang minuto lang ay nasa basement na kami.  Bumungad sa akin ang isang madilim na kwarto na puno ng mga tipikal na  gamit ng isang mafia group. Yeah, William's Corp. is a very high-style  technology who had name in underground society. At dahil itong building  na 'to ay ang main building nila para sa illegal transactions kaya  matindi rin ang pagbabantay. There were a lot of men in the entrance.  Electric pa ang gamit nilang harang kahit sa tunnel sa ilalim. Maging  ang CCTVs ay wala halos blindspot hindi tulad sa main building nila na  sya namang ininfiltrate ng grupo ng mga babae. Dahil sa mahigpit na  seguridad ng William's Corp. ay napagpasyahan ng Black Organization na  pasukin ang building mula sa itaas. That was why we used sky diving.

   Sa loob ng kwarto ay may apat na upuan. Nakaupo sa tatlong upuan sina  Lamperouge, Strife at Lionhart. Sa pang-apat na upuan ako isinadlak ni  Sakura saka sya naglakad kasama ni Gwen Sy at Thania Laurine Mendez na  wala pa ring malay at buhat lang palapit sa nag-iisang lamesa sa loob ng  kwarto kung saan naman nakapwesto ang big fishes ng misyon. Ang may-ari  ng William's Corp. na si William Iceberg, ang COO na si Akihiro  Baudelaire kung saan nakatabi si Sakura, ang tatay ni Gwen Sy na si  Cross Sy at si Ford Vicente. Napapalibutan kami ngayon ng mga  men-in-black nila habang malinaw na nakakurba sa mga labi nila ang  nakakapanuyang ngisi.

  Nang lingunin ko si Lamperouge na nasa  kanan ko ay nagulat ako nang makitang may pasa sya sa bandang sentido.  Akalain mong nagpasapak ang isang 'to? Napansin nya yata ang tingin ko  kaya lumingon sya sa akin at sinimangutan ako.

  "Yang naka-lion  dress ang walang awang binangasan ang gwapo kong mukha. Pre, ang  bangis!" Mangiyak-ngiyak kuno na sabi nya na ang pinatutungkulan  malamang ay si Sakura Baudelaire.

  Humagalpak naman ng tawa si  Strife na nasa kaliwa ko kaya sakanya ako napalingon. "Napakadaldal lang  kasi nyang gagong yan, Kayden. Nabadtrip tuloy sakanya." Tumatawang  sabi nya.

  Natigil sa pagtawa nya si Strife nang biglang  magpaputok sa direksyon namin si Cross Sy. Ang nerd naman na 'to eh  mabilis pa sa alas kwatrong hinila paatras ang inuupuan nya at tinaas  ang dalawang paa habang tumatawa.

  "Tatang naman, chillax ka  lang! Bawal maging masaya dito? Hahahaha!" Sabi pa ni Strife. Anak ng,  ano bang trip meron ang isang ugok na 'to?

  Napansin yata ni  Lionhart ang expression kaya sya naman ang nagsalita. "Welcome to the  squad, pre." Parang hopeless na sabi nya.

  Tss. Nagsama-sama nga  silang lahat ngayon dito gaya ng nasa plano nang sadyain ng Black  Organization na i-leak ang planong pag-infiltrate dito. We, the baits,  were now in the right position. Si Lionhart for the manipulation of the  words, si Strife for the surveillance, si Lampe para sa weapons at ako  para sa bomba. Ngayong apat na kami dito then, everything is set.

   "Ngayong kumpleto na kayo. Sabihin nyo sa akin ang organisasyon na  kinabibilangan nyo?" Bigla ay tanong ni William. So, they thought there  were only four intruders.

  Tinaas ni Lampe ang dalawang kamay  nyang nakaposas at nakangiting sinagot si William. "Mula ako sa  organisasyon ng mga gwapo. Ako ang presidente, tatang!" Abot-tengang  ngiting sagot niya.

  Sunod naman na sumagot ay si Strife. "Ako,  galing ako sa organisasyon ng mga computer, 'Tang!" Humagalpak na naman  ng tawa ang gago. Nakashabu ba 'to o ano? Kanina pa tawa ng tawa.

  Bored namang tinaas ni Lionhart ang kamay nya. "From the organization of the books."

   Saka sabay-sabay na tumingin sa akin yung tatlong ugok para sa turn  ko. Wala akong nagawa kundi bored na sumagot. "Mula sa organisasy---"  Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay pinaputukan na ako ni Gwen!  Anak ng pucha naman! Mabilis akong umikot sa upuan ko para iwasan ang  bala. Inangat ko ang masamang tingin sa nagpaputok. "Magpapaputok ka  nalang, sablay pa." I muttered in my most bored tone.

  "Pfft." Nagpigil naman ng tawa 'yung tatlo.

   Sumiring ako at sa pagsiring ko ay nahagip ng mata ko ang itim na  pigura ng lalaki mula sa isang sulok ng kwarto. Kasunod niyon ay ang  panibagong pigura na tumatakbo naman sa itaas. Meron din sa ibaba. That  was when I saw the whole room. Madilim kasi kaya hindi gaanong pansin  pero sunud-sunod ang nakikita kong pigura na mabilis na tumatakbo sa  kung saan-saan. Pinalilibutan ang buong kwarto. I wanted to smile.  They're here.

  "Just so you know. Ang mga upuan na 'yan ay electric chairs." Sakura waved the remote control she was holding.

  Gwen showed us a winning smirk. "I'm telling you, hindi nyo gugustuhing makuryente. It's better to speak now."

   Tumawa na naman 'tong si Strife. Mukhang g*go amp. Tawa ng tawa. At  kahit hindi ako kalaban, pati ako nababadtrip sa pang-asar na tawa nya.  "Miss na chix ni Lerwick, syempre ayaw naming makuryente kaya tinanggal  na namin ang kuryenta bago pa kami umupo dito." At binigyan nya ng  nakakalokong ngisi si Gwen.

  Nanlaki naman ang mata nilang  lahat. Sakura Baudelaire immediately push the button on her remote but  as Strife said, wala nang use ang remote na 'yon dahil wala ni isa sa  amin ang nakuryente. Halos sabay-sabay silang nagmura.

  Lionhart  tapped his right foot then his left na ginaya ni Lampe followed by  Strife's tap. Ang tap na yon ay senyales na natanggal na namin ang mga  posas sa likuran namin at handa nang lumaban. Kaso itong si Boul, ang  putapeteng si Boul, na nasa kisame, sa itaas namin ngayon, hindi pa ako  nakakapagtap dahil hindi ko pa natatanggal ang bwisit na posas sa likod  ko, bigla nalang ibinuhos sa aming apat ang isang timba ng kung anong  liquid!

  "Wengya!"
  "Anak ka ng nanay mo!"
  "Aso ka talaga, Boul!"
  "Ano 'to?!"

   Halos sabay-sabay na bulalas naming apat dahilan para mabaling sa  aming apat ang tingin ng lahat sa kwarto. Ang lagkit sa katawan!  Tumatawang tumalon pabagsak si Boul sa harap namin.

  "Mukha kayong mga basang sisiw ah?!" Nakangising sabi nya.

  Agad namang tumayo si Lampe at aambahan sya ng suntok. "G*go, sinira mo yung gwapo kong porma!"

   Tinaas naman ni Boul ang dalawang kamay nya. "Chill, Lampe. Naubusan  na kasi kami ng gas para yun sana ang sainyo kaya yang liquid nalang."  So, this is the antidote. Para makalabas kami sa electric net na isinet  malamang ni Caliber.

  "Mukha ka pa ring aso ulul." Inis namang  sabi ni Lionhart na inis na inis na pinupunasan ang damit kahit na hindi  naman nya mapunasan.

  "Tss. Hindi pa 'ko tapos mag-unlock." Inis ko namang singhal at tinaas sa kanya ang posas ko. Tumawa lang ang gago.

   "Hindi sa pagmamayabang pero kung di nyo napapansin, nakatutok na sa  'tin ngayon yung mga baril nila. Ha-ha." Singit naman ni Strife.

   Doon naman kami napalingon sa paligid. Just as Strife said, nakatutok  na nga sa amin ang mga baril nila. Mukhang naghihintay nalang ng utos  mula kay William Iceberg.

  "In the count of three, kapag hindi  kayo nagsalita, pasasabugin namin ang mga bungo ninyo." Seryosong sabi  ni Ford Vicente sa slang na accent.

  "Luh, loko din. Kanina pa nga tayo nagsasalita eh." Bulong ni Strife.

   Naglakad si Lionhart papunta sa unahan naming apat dahilan para  magkasa yung mga armed-men. Itinaas ni Lionhart ang hawak at tinititigan  nyang remote. It was the remote for his bomb. He smirked while still  looking at the remote.

  "Will you be able to shoot us kung  mauuna na kaming pasabugin ang building na 'to?" Saka sya dahan-dahang  bumaling sa mga kaharap namin.

  "You piece of---" Maglalakad  palang palapit si Gwen palapit sa amin, bigla namang nagpadulas si Lampe  at kasabay ng pagpapadulad nya ay ang pagpindot nya sa remote na hawak  nya.

  Biglang yumanig ang buong lugar kasabay ng isang pagsabog  at may ilang tipak ng bato na bumagsak sa lupa. The bomb Lampe detonated  was the first bomb I planted at the 48th floor.

  "Oops. Nadulas ako." Alanganing ngumiti si Lampe na halata mo namang peke saka kumamot kuno ng ulo.

   Hindi na sila makapagsalita dahil hindi sila makapaniwalang  nakatingin lang sa amin. Nagulat nalang kami nang biglang humugot ng  baril si Akihiro Baudelaire at walang pagdadalawang-isip na pinaputukan  kami! Kami namang lima eh nagsipagtakbuhan sa iba't ibang direksyon.  Huta! Akala ko ba hindi kami papuputukan ng mga 'to?!

  Nang  mapagod na yata eh tumigil na din. Kaya tumigil na din kaming lima sa  pagtakbo takbo sa loob ng kwarto at hinihingal na tumigil.

   "Tatang, taym pris muna! Taym pris! Takte!" Sabi ni Lampe habang  nakataas pa ang isang kamay na mukhang pinakahinihingal. Tss, naglalaro  lang talaga ang mga gagong ‘to.

  "EVERYONE. SHOOT THEM!" Maawtoridad na sigaw ni William Iceberg sa mga nakatayong men-in-black.

   Halos sabay-sabay naman na humila ng gatilyo ang mga nakatayong  bantay pero wala ni isa sa mga 'yon ang pumutok. Nang malaman nila na  pati ang mga baril nila ay namanipula na namin, nag-utos agad si Akihiro  na kumuha sa mga nakasabit sa dingding na dahilan para agad namang  magsipagtakbo ang mga gwardya. Pero hindi pa sila nakakalapit ay  tumalsik na sila kasabay ng pag-ilaw ng isang green net na nakapalibot  sa buong kwarto. That was when they realized they were cornered. The  whole room was covered by a green electric net. Saka naman tumalon mula  sa itaas si Caliber at tumayo sa pagitan namin at nina William. Isang  simpleng polo shirt at pants lang ang suot nya habang may hawak na isang  malaki at mabigat na machine gun.

  "It’s pay back time." May maliit na ngisi sa labing sabi ni Caliber habang nakatitig kay William Iceberg.

  "S-Sino ba kayo?" Bakas na sa mukha ni Cross Sy ang takot nang magtanong.

   "We are the organization that you thought was dead." Caliber  announced saka itinutok sa direksyon nila ang hawak nyang baril. "And  the same organization you stole those transactions, designs and  blueprints from."

  "B-Black Organization?” Hindi makapaniwalang sabi ni William Iceberg. "So, you're still in the track?"

  The next thing we knew, lumabas sa likuran nila si Trigger. "Yeah and with much more dangerous people."

   Halos sabay-sabay na napatayo ang mga nasa lamesa para mapaatras  palayo kay Trigger. Trigger was wearing an office suit just like me.  Itinaas nya ang isang hawak na pistol at itinutok iyon kay William  habang naglalakad palapit kay Caliber.

  "We could have make your  deaths easier. But the fact that you actually tried to get Aemie  Roswell resulted to your bloody death." Aniya habang naglalakad hanggang  sa mapatayo na sya patabi kay Caliber.

  "Just because you stole  from Black Organization during its most vulnerable state didn't mean  we're going to let you slip away." Caliber said.

  Hindi  makapaniwalang nakatitig lang sila kina Caliber at Trigger. They were  all speechless. The silence conquered the room. Minutes of silence and I  thought a gunshot would break the building ice but it was not it. It  was a loud yell from the ceiling.

  "NANDITO NA ANG GWAPOOOOOOOO!"

   Ang lahat sa kwarto ay napatingala sa nag-iisang spot sa kwarto na  may babasaging kisame. Ilang segundo lang at nagulat kami nang mabasag  ang salamin at lumusot si Cody! What the hell?! He was still wearing a  parachute! At sumabit 'yon sa basag na kisame dahilan para hindi sya  tuluyang bumagsak. Dahil sa ginawa nya ay nabasag maging ang electric  net na sinet ni Caliber. It can electrify humans who try to escape from  the inside but it can be broke from the outside!

  Dahil do'n ay  nagkaroon ng pagkakataon ang lahat na tumakbo at kumuha ng kani-kaniyang  baril. The next thing I knew, the room was raining with bullets! At ito  namang si Cody na nakasabit pa din sa kisame dahil sa parachute ay  kumakawag. Tsk! He's still my brother. Kinuha ko ang baril ko at  pinaputukan ang locking carabiner dahilan para tuluyan syang bumagsak sa  sahig. Hinila ko sya papunta sa isang gilid bago pa sya mabaril nang di  oras.

  "Ba't ngayon ka lang?!" Inis na sabi ko sakanya pagkatago namin. Kinasa ko ang hawak kong baril at nagsimula ring magpaputok.

   "Utol, mahabang kwento eh!" Sagot nya saka kumuha na rin ng isang  rifle sa dingding at nagsimula na ring magpaputok. Paika-ika syang  naglakad which is why I realized he was shot on his knee. Tss.

   "No one will take a big fish down!" Narinig naming sigaw ni Trigger. He  really want them dead in his rough way. "As planned. We are going to  burn this building to the ground!"

  I could barely hear everyone  because of the loud gunshots na sinasabayan ng pagguho ng lugar. I  guess, masyado na kaming na-train at marami na agad sa mga gwardya ang  bumagsak samantalang ang mga may tama palang sa amin ay sina Boul, Cody  at Strife. I checked my location wrist watch. A minute more and our  escape route is set.

  "Cover!" Sigaw ko saka ako tumakbo sa pinakagitna at tinapunan ang kabilang panig ng isang flashbang.

   The smoke covered their area. That was when one black curtain fell  from the ceiling. When I took a glimpse of it, pinaputukan na 'yon ni  Trigger. Writing in the black curtain through bullets. A few seconds  after and two letters were formed on it--B.O.

  "Escape route, SET!"

   Everyone probably heard Caliber's yell. He was at a stair up to the  escape route. Every each of us ran towards him while we still have the  time since the others were still drowning in the smoke of the flashbang I  threw.

  Nang makalabas kami ay sumalubong sa amin ang walong  big bike. Tag-iisa na kami ng kuha at agad na nagpaharurot. Dahil sa  ingay ay nakuha na namin ang atensyon ng mga bantay na nasa labas.  Ngayon, pati sila ay hinahabol na kami ng bala! But the big bikes were  too fast. My heart was pounding hard. I found myself laughing. I was  filled both by excitement and thrill. At itong si Lampe at Cody,  nagpasikat pa dahil umikot pa ang dalawa sa mismong field na  pinalilibutan ng mga gwardya habang panay ang tawa.

  "Wuuuhoooooo!" Itinaas ni Lionhart ang dalawa nyang kamay saka pinindot ang remote ng bombang nasa kanya.

   Humalakhak si Boulstridge. "Angas nun!" Saka nya pinindot ang remote  control na nasa kanya kasunod ng mas malakas na halakhak.

   Nagsunod-sunod na sila sa pagpindot na sya ring ginawa ko. Gaya nila ay  nilingon ko rin ang building na pinanggalingan namin. I was laughing as  hard as everyone else. Dahan-dahang bumabagsak ang building sa bawat  bombang pinapasabog namin.

  Nang medyo malayo na kami ay  sabay-sabay kaming huminto nang maunang huminto si Trigger. Sya at si  Caliber ang nasa pinakagitna ng mga nakahinto naming big bikes. We were  all looking at the falling down building. Halos 1/4 nalang 'yon ng  orihinal nitong taas. The raise of the setting sun made the explosion  beautiful in my vision. Lalo pang gumuho ang building nang pindutin ni  Caliber ang bombang nasa kanya.

  "Now, the last bomb!" Itinaas ng nakangiting si Trigger ang remote control bago ito pinindot.

   That was the last bomb. The bomb I planted on the chemical room to  make the explosion much bigger. At tama nga ako. Dahil pagkasabog ay  tuluyang bumagsak ang buong building. Now, there was nothing but fog.  The raise of the setting sun finally able to go through it. The once  were 50-floor building was now nothing but ashes.

  We were all  busy looking at that beautiful explosion when Trigger’s phone suddenly  rang. Kasunod niyon ang malkas na paghangin. Sinagot ni Trigger and  tawag saka ito ni-loud speaker. A few seconds after and we heard  Katana’s voice.

  [Why don’t you all look up?]

  Nang  dahil sa sinabi nya ay sabay-sabay kaming napatingin sa itaas. And that  was when we spotted an airplane coming this way. Hmm. Seems like the girls' infiltration team has been finished just as exactly as we did.

---