20190524

MHIAMB Fanshot #24

Emerald And Caliber's Starry Night
MHIAMB Fanshot #24
[May 1, 2019]



EMERALD BLOOD'S NARRATION

"Emerald. Show yourself. I know you’re there.”

Waaah! Sa sobrang gulat ko kasi Baby Caliber blurted out my name bigla, nawalan ako ng balanse sa puno kung saan ako umakyat at nagtago.



"Ouch."

Napahawak nalang ako sa pang-upo ko when I landed on the ground. Aw! That hurts. Napahinto lang ako sa pag-endure ng sakit kasi I can feel Baby Caliber's glare. Tiningala ko siya at nang makitang kunot na naman nga ang noo niya, ngumiti nalang ako ng malawak.

"Hi, baby Caliber." I waved at him.

"Tss." Sumiring siya pero nagulat ako nung bigla nalang niya akong hinila patayo. Omo. Baby Caliber actually held my hand! Hindi ko mapigil lalo ang ngiti ko pagkatayo. Kung hindi lang siya nagsalita nang seryoso.

"Did you follow me all the way here?" Tanong niya sa tonong hindi makapaniwala.

Napalunok naman ako and napablink blink. Inikot ko ang tingin sa paligid namin ng isang beses. It's an isolated area tapos puro puno pa maliban dun sa malawak na bermuda grass kung saan nakapark ang sasakyan ni Baby Caliber. I'm not really sure where we are pero I'm with him naman. Puro crickets nga lang naririnig ko eh dahil gabi. Tapos wala pang kailaw-ilaw maliban do'n sa sasakyan ni Baby Caliber. Pagkababa niya palang, he knew na agad in a few minutes na I'm here. As expected from my future husband!

Binalik ko ang tingin ko kay Baby Caliber at tumango-tango. Mukha naman siyang lalong na-stress tapos napahawak pa sa sentido niya. Do I look like some kind of living stress ba? He turned to me again with a glare. I lowered my head while pouting.

"You're unbelievable." Napailing-iling nalang siya tapos tumalikod na at naglakad pabalik do'n sa sasakyan niyang umaandar pa rin ang makina.

Pagkatalikod niya, automatic naman akong napangiti tapos hinabol ko siya at kumapit sa braso niya. "I think we're destined talaga to end up here alone, Baby Caliber."

Huminto naman siya. Binaba na naman niya tingin niya sa 'kin nang masama. Huhu. I never liked it kapag ganon siya tumingin. He's like future dad kasi. Kaya mabilis kong inalis ang kamay ko. Nag 'Tss' siya tapos dumiretso do'n sa compartment ng sasakyan. Syempre, sumunod na naman ulit ako. Nang malawak ang ngiti.

"Baby Caliber! Is it okay na ba if I stay here?"

He showed me a pair of dull orbs. "You're already here. And you got here with my car's compartment. I can't let you go home alone."

Eh?

E-Ehhh?

Did Baby Caliber say that ba talaga?

I knew it! He would really like me naman talaga eh. Ramdam ko na ang pamumula ng mukha ko nung bigla na naman niyang basagin ang conclusion na nabubuo sa utak ko.

"Don't get the wrong idea." Tinapon niya bigla sa mukha ko yung isang unan na galing naman sa backseat ng kotse niya. "If you can leave this place without a car, I'd even force you."

Napanguso naman ako. Pumunta naman siya sa front seat. Ako naman, kahit umaandar pa yung makina, sumampa ako sa hood ng sasakyan. Kaso bigla akong sinaway ni Baby Caliber kaya I decided to sit on the bermuda nalang.

Tumingala ako sa langit habang yakap yung unan. There are a lot of stars. Whoa. Pagkatingalang-pagkatingala ko, sakto namang pinatay ni Baby Caliber yung makina kaya nawalan rin ng ilaw. Naging sobrang dilim ng paligid pero it's a good thing naman. That's when I got to see the sky full of stars clearly. Whoa, with this open area, I'm mesmerized talaga.

"Emerald." Narinig ko ang authoritative na pagtawag sa 'kin ni Baby Caliber. I can see din sa peripheral vision ko na he already took his seat beside me. "Take this."

Nagulat ako kasi bigla niyang tinapon sa 'kin yung jacket niya. Napalingon tuloy ako sa kaniya. Pero he's not looking at me na eh. He's staring at the sky na rin. Now, I got to see a more mesmerizing view. It's Baby Caliber! He's handsome talaga in every single angle.

I smiled. "Baby Caliber. Alam mo, I would take this as your first present sa 'kin! Hehe!"

Kumunot na naman yung noo niya tapos nilingon ako. "What the hell?"

"Like, you showed me the stars. And even gave me your jacket kaya. Bihira akong makatanggap ng kahit ano sa 'yo kaya I'll take this as a present na." Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

Pero he frowned lang and said, "Turning off the engine and seeing the night sky was for me. You just happened to follow me here. Second, what's with you going in this kind of algid area in thin clothes?"

Napanguso na naman ako tapos napatingin sa suot kong damit. What's wrong ba? It's just my short and tucked in blouse ah.

"Lastly, where did you even gather the courage to actually follow me here?" Halata sa tono niya na naiinis na naman siya sa 'kin.

Napabagsak naman yung dalawang balikat ko tapos tumingala ako sa langit. "You looked very down kasi eh. Like that moon?" Tinuro ko yung buwan.

"What? Where? Is there even a moon?" Tumingala din siya kahit na naiinis yung tono niya.

"Punong puno ng maliliwanag na stars yung sky kaya hindi na natin napapansin kung nasaan pa ba yung buwan. Kasi we're already mesmerized of the overwhelming sight of stars."

I could see Baby Caliber look at me through my peripheral vision pero I kept staring at the sky. "Right now, you're like the moon kasi you're like, erm, nagtatago? You just got the Ferrer Company and you must be down kasi may success launching na agad sina Future Bro at Future Sis." Tapos dahan-dahan kong binaling sa kaniya ang tingin. "Pero even if everyone becomes oblivious of the moon's absence, I would notice pa rin kung nasaan siya."

Ngumiwi naman siya habang nakatingin sa 'kin. Waaah?! Is that corny ba? Nag-iwas nalang tuloy ako ng tingin. Huhuhu. Nakakahiya. Gusto ko nang takpan yung mukha ko kaso baka ma-turn off naman si Baby Caliber. Hindi ko alam kung ilang segundong tahimik pero bigla ko nalang narinig tumawa si Baby Caliber. Nanlaki yung mata ko at nilingon siya. Nang makitang he's chuckling talaga, dahan-dahan akong napangiti.

"Yay! You smiled na!"

Bigla tuloy siyang nagpoker face ulit. "Tss. Imbyerna."

Ako naman yung natawa. I don't know pero I think saying that word is Baby Caliber's way para patawanin ako. Namumula na naman siya. Hehe. Is that because I made him laugh against his will? Balak ko sana siyang i-poke pero bigla siyang humiga sa damuhan nang inuunanan ang braso.

"Well, uh, it's better to watch them this way."

Eh?

I stared at him for a few seconds pero ginawa ko nalang din yung ginawa ni Baby Caliber. I lied down, ginamit ko yung unan para sa ulo ko. Tapos, whoa, mas malawak nga ang view! I can even see the constellations clearly. And as a bonus, si Baby Caliber pa talaga ang nagsabi nito sa akin. He's even beside me! Sige, stars! I'll keep staring at you all!

"Thanks."

Narinig ko bigla ang mahinang pagthank you ni Baby Caliber. Napangiti na naman ako. Nanatili sa langit ang tingin ko pero I replied.

"I think ako nga dapat nagti-thank you. Kasi even if I kinda understand naman na you don't like me as much as I do pa, you never really push me away. Napagtitiisan mo ako. Hehe." Naalala ko tuloy yung mga times na kinukulit ko siya pero instead of telling me harsh stuffs, he would ignore me nalang and let me. "Baka nga because you're like that kaya I tend to like you more than—"

Nilingon ko si Baby Caliber pero napatigil ako kasi waaah! He's sleeping na?! Eeh. Tinulugan ako ni Baby Cali?! Napanguso ako pero nagside view ako sa kaniya para matitigan ko naman siya lalo.

‘Ang haba ng pilik mata... ang tangos ng ilong... ang kinis ng balat...’

I smiled. Susulitin ko na ang once in a blue moon na moment na 'to. Ang gwapo ng future husband ko! *-*