Emerald And Caliber's Back Story
MHIAMB Fanshot #25
[April 30, 2019]
EMERALD BLOOD'S NARRATION
Wanna know a secret?
Baby Caliber was not my crush in our younger days talaga. I think, nagsimula yung crush ko sa kaniya nung high school. During the time na ang crush ko talaga ay isang senior na one year ahead sa akin. Hehe. That Senior Crush of mine was always in the library kaya I even if I'm not into book as much as Kuya Kayden do, I usually go there para lang—erm, okay, para sundan siya! >__<
"If it wasn't for sleeping, students come here only to stalk. Creepy asses."
Nasa table ako di kalayuan kay senior crush nang halos mapatalon ako sa gulat nang marinig sa likod ko ang kuya ni Katana. I didn't even notice pero I turned to him with a pout and an annoyed look. He was holding a book tapos instead of being shy kasi I heard him, he raise his eyebrow pa! \(>o<) How shameless naman!
At hindi pa ako nakakapagsalita, waaah! Hinablot niya yung librong hawak ko! Eh, yun yung pinangtatakip ko sa mukha ko. I was about to force him na ibalik sa akin kaso he was too tall. Tapos I noticed his platename. Omg, he's a substitute for librarian?! He?!
"Get out."
Nanlaki naman yung mata ko sakaniya nung sabihin nya yun! Who does he think he is ba? So, I replied naman in the same tone.
"Bakit naman ako lalabas? Eh, I'm not noisy naman."
"Tss." Binaba nya yung libro tapos sinarado nang pabagsak. "This is a library. Not a stalking area. Leave." He gestured pa in a grand way. Myghad.
Sasagot sana ako pero I was suddenly stiffened by his eyes kasi it was so threatening. Napalunok nalang ako tapos naglakad na palagpas sa kaniya. I even whispered nga on the way na, 'I didn't think Katana's brother treats library as a sanctuary ah'.
"It's a fucking forced service."
When I heard him response, nakangisi akong lumingon sa kaniya. Tapos I thought of using it as a blackmail nalang. Pero he glared at me and said, 'I was forced to this service after beating some students' sa paraang alam kong tinatakot niya ako. My lips shaped 'O' tapos dahan-dahan akong naglakad paatras habang nginingisihan siya.
"What if malaman ni Tito Ezekiel na you're causing troubles kaka-high school mo palang?"
I was hoping na ma-threaten siya pero kunot-noo niya akong nilingon at tinitigan. Hindi siya nagsalita, he kept staring lang. Siguro after ilang seconds, napalunok ako tapos napakurap-kurap saka nag-iwas ng tingin. Ba't ang creepy tumingin ng kuya ni Katana? Huhuhu.
Ewan ko pero I panicked tapos kinuha ko yung librong kinuha niya sa 'kin tapos I told him, 'ito na nga aalis na eh' then I ran away na! Waah, Momsyyy! T^T
Pagkauwi ko that day, saka ko napansing ibang libro pala yung hinablot ko sa kuya ni Katana. Eh? Nagtaka ako kasi about sa future and black hole pala yon. I opened the book tapos may nakasulat yung name niya—Caliber Ferrer Roswell. Is this handwriting kaya? Ang ganda ng sulat niya. Parang pambabae. Napanguso ako. How am I going to give this back kaya? Hayst. He might just glare lang ulit eh.
Kinabukasan, I went back to the library pa rin para ibalik kay Caliber yung book. Pero I can't get through sa hallway palang kasi there are a lot of girls! Tapos naghihiyawan pa. Kaya nakisiksik din ako kung ano bang pinagkakaguluhan. Omo. Nanlaki yung mata ko kasi si Caliber pala! He was wearing a Harry Potter costume! Dahil siguro sa festival ng school? Ang cute niya. Hehe. Kunot yung noo tapos halatang naiirita pero ang dami pa ring nagpapapicture sa kaniya.
Nagtama yung paningin namin nun tapos nagulat nalang ako kasi naglalakad na siya palapit sa akin. The girls looked at my direction din tuloy. Nung makalapit siya, hinawakan niya ako sa wrist at binulungan ng, 'Be our Hermione'. Tapos ginesture niya sa likuran yung gumaganap na Ron. Waaah, si Senior Crush?! Automatic na napatango-tango tuloy ako sa kaniya.
After I learned na magkaklase lang pala si Caliber at si Senior Crush simula nun, si Caliber na yung kinukulit ko nang kinukulit para he can be a bridge diba? Pero sinusungitan niya lang ako! Minsan, I offer him sweets pa pero he would ignore me lang. Pero nung binigyan ko siya ng cotton candy, yun yung una niyang tinanggap. I chuckled tuloy.
"Are you a kid ba?"
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Tss. Look who's talking." Tapos sumubo na naman ng cotton candy. Ang cuuute! Ang seryoso ng mukha pero kumakain ng cotton candy'ng pink pa.
"Or a baby?"
He glared.
"Hehe. Peace, Caliber!" v(>v<)7
He gave me another deadly glare na naman kaya I lowered my head and pouted.
"Tss. I'm a year older than you."
"Eh?" Napatingala na naman ako sa kaniya. "Eh you're like a baby nga eh. May cotton candy ka pa nga sa ilong oh!" Tinuro ko yung ilong niya. Nanlaki yung mata niya tapos biglang namula yung buong mukha hanggang tenga. "HAHAHAHAHA!"
"Shut up."
"HAHAHAHAHAHAHA!"
"I said, shut up."
*pout*
Tumagal ng ilang araw bago siguro tuluyang nainis sa akin si Caliber kakasunud-sunod ko sa kaniya kaya he decided to help me na. Kahit, erm, pilit.
"Eeehh. Bilis na kasi. Tingin mo, anong type ni Senior Crush sa babae?"
Nakaupo ako sa mesa kung saan nagbabasa siya ng libro. Yung book about future and black hole. Hindi siya umimik kaya akala ko, hindi na naman siya sasagot katulad ng usual pero tumikhim siya.
"You're fine the way you are."
Hindi ako nakaimik nun. Kasi it's Caliber kaya! He rarely compliment me. Kaya nung matauhan ako, hinarang ko yung mukha ko sa librong binabasa niya at nilapit sa kaniya yung mukha ko.
"You think he will like me na?!" *-*
Bigla na namang sumama yung tingin niya. Napaalis tuloy agad ako sa harapan niya tapos napanguso. Huhu. I get scared pa rin everytime he glares. Lalo na kamukha niya si Tito Ezekiel. Hindi na sana ako magsasalita pero he replied.
"I must admit.." Nilingon niya ako. Nakayuko ko namang sinalubong yung tingin niya. "You're pretty and charming."
Dahan-dahan nang lalaki sana yung ngiti sa mukha ko kasi biglang naging straight line yung mata niya tapos he added, "Don't get the wrong idea. Tss. You're loud, clumsy and very carefree."
Napanguso na naman ako. "How dare a kid say that to me." Akala niya nakalimutan ko na yung cotton candy?
He glared. Nag-iwas ako ng tingin nang nakanguso. He tssed tapos he looked at his book na ulit. "It's up to him if he would like you. No need to change."
That's when I get to smile a big one! Hehe.
Because of what he said, I was able to gather the courage na para magconfess kay senior crush. It was Valentines Day. I brought heartshaped balloon pa. I was very shy pero pumunta ako sa room nina Caliber. Waaah, andun nga si Senior Crush! Nakita ko rin si Caliber, nasa sulok ng room tapos nakatingin lang sa 'kin nang walang ekspresyon. I winked at him as if a cue tapos pumasok na ako ng room. Pinagtitinginan nga ako eh. Huhu. Sinundan lang ako ng tingin ni Caliber.
"What kind of a slut are you?"
Nakayuko ako pagkatapos kong magconfess pero napatingala ako kay senior crush nung sumagot siya sa akin. He looked at me with disgust. Tapos dahil sa sinabi niya, nagtawanan pa sila nung mga kaibigan niya. Hindi ako makasagot nun.
"You've been with Roswell and everyone knows you like him yet you're confessing to me, eh?" I like Caliber?!? Says who?! Tumawa siya ng pang-asar. Tapos napapikit ako kasi bigla niya akong dinuro sa noo. "At hindi mo ba alam? My type of girls are very different from you." I can see from my peripheral vision na he glanced at Caliber's direction. "Roswell's sister for example." Tapos he whistled pa.
Naramdaman ko nalang yung tuloy-tuloy na pagtulo ng luha ko non. I don't even have the courage nga to walk away from that place. Feeling ko, nakadikit na ako sa semento. napatingala lang ako nung biglang makarinig ng pagbagsak sa upuan.
Nanlaki yung mata ko kasi katabi ko na pala si Caliber at nasa semento na si senior. Halaaa! Nagpalit-palit yung tingin ko sa kanila. Ang lakas ng suntok ni Caliber, may dugo na sa lips si senior tapos ang sama ng tingin niya kay Caliber. Pero Caliber's glare was more threatening.
"I'll fucking deal with you later, moron." Said Caliber in the coldest way I have ever heard from him.
Nagulat nalang ako nung hinila na ako palabas ni Caliber nung room nila. Tapos he brought me sa isang hallway na wala gaanong tao. Nung kami nalang, tinapunan niya ako ng panyo. Humihikbi pa ako pero medyo nakangiti na ako nung pinupunasan ko yung pisngi ko.
"Imbyerna sila." Nagulat ako sa bigla niyang sinabi. Mukha din siyang nagulat tapos napalingon sa akin. Napatawa ako. He rarely speak tagalog tapos he speaks gay lingo pa.
"Are you trying to comfort me ba kaya ka naggi-gay lingo?"
He looked away tapos mukhang medyo nahihiya kasi he's blushing eh. Ang pula ng tenga.
"Go back to your room."
Hindi ko siya sinagot. Instead, nagtanong ako. "Is it for me ba o dahil he mentioned Katana kaya ka lumapit, Caliber?"
"I'm your senior." Nakakunot niyang sabi.
"Hehehe." Napayuko ako. "Baby Caliber nalang kesa kuya. You're like a baby naman with cotton candy eh."
"Everyone thinks we're together and you still consider calling me that?"
Pinunasan ko ulit yung pisngi ko. "That's why nga eh. Why didn't you tell me pala na there are such rumors?" Humihikbi-hikbi pa ako pero I'm trying to chuckle din.
"I don't care what people think?"
Naningkit naman yung mata ko sa kaniya tapos sinundot-sundot ko yung bewang niya. "Eehhh. You like me 'no? Eeehh Baby Calibeeer!"
"What the fuck."
"Eehhh. Baby Calibeeer!" Inasar ko siya lalo.
Hinampas niya sa kamay kong nanunundot yung librong hawak niya kaya nagpout ako. Tapos inagaw ko sa kaniya yung libro. Ito pa rin yung about sa future and black hole ah? Napangisi na naman ako at napahagikhik in a wicked way.
"Baby Caliber, if you like me naman, I can meet my future parents na. Mwehehe."
"Shut up." Pikon?
"Should I start calling Katana future sis na ba?"
"I said, shut up." -__-
"Eehh! Why don't you let me nalang? I need comfort pa oh. Ang harsh ni Senior Crush." I pouted.
"Tss."
"Pero Baby Caliber, should I start calling Tito Ezekiel and Tita Aemie future mom and future dad?"
*glare*
Nagpeace sign lang ako sa kaniya with 'hehehe' pero he's still glaring pa din kaya I pouted nalang.
That was the beginning ng pagkakagusto ko kay Baby Caliber. Buong high school, everyone thinks we're together except sa mga kakilala. He did not care naman and so did I kasi inaasar ko siya parati by calling him Baby Caliber. He's still masungit pero he got used to it. I never thought nga lang na maging totoong gusto ko siya. Pero I'm thankful ah! I'm the only girl in his phone book nalang ngayon maliban sa Black Organization. Mwehehe. >v<
—