THE LAST LETTER OF THE ALPHABET
CHAPTER TWO
CHAPTER TWO
Deep, Vivid, Void.
“STUPID everywhere talaga!”
If I were to think of any cue, it was what happened in the cafeteria three days ago. She did not fight back then. Kahit pa nang matapunan kuno ni Halley ng ketchup ang suot niyang uniporme noon. For that very reason, a set of domino consequences was laid. Nagdilang-anghel ngang yata talaga ang magkapatid na Himes.
Iniwas ko ang tingin sa hallway kung saan sinadya siyang bungguin ng ilang kababaihan dahilan para mahulog ang mga dala niyang libro. Sa halip ay pumasok ako sa classroom at naupo sa upuang katabi ng kay Louie.
“Is that Sunshine? Is that her?” Pabulong pero nagmamadaling tanong ni Louie pagkalapag ko ng bag ko.
“Yeah.” Nginisihan ko ang loko bago ako naupo. “What now? Gonna help the damsel in distress?”
The guy scoffed and violently laid his back to his chair. “Rather not.”
“Kaya wag niyo ‘kong matawag-tawag na walang puso kung ganiyan kayo.”
“At least, I feel sympathy. Oh, look. The new girl’s arrived.”
Tahimik kaming parehong pinanood ang pagpasok ni Sunshine sa loob ng kwarto. Her posture wouldn’t be a factor of why would she bullied. If anything, as I’ve said, it would be because of how innocent yet expressionless was her face. Idagdag pang mukha siyang fourteen-year-old sa pangangatawan at buhok. The way she held her books against her chest with her small, pale hands just made her look a lot more fragile.
‘Paano siyang hindi mabu-bully niyan?’
Iiiwas ko na sana ang paningin ko nang mapansin si Andrew na pasimpleng iniharang ang paa sa daraanan ni Sunshine para patirin ito. I couldn’t help but get my eyebrows knotted. Tiningnan ko si Louie at mukhang hindi niya napansin iyon. Ibinalik ko kay Sunshine ang tingin at diretso pa rin ang tingin nito—hindi rin alam ang pagpatid na mangyayari.
I didn’t know why or would I interfere. The scene was too quick for me to decide. Hindi ko namalayan, nalagpasan na ni Sunshine ang paa ni Andrew. At sa pagkakataong yon, parehas yata kami ng reaksyon ng mokong. Paano niyang naiwasan yon eh ni hindi naalis sa upuan niya ang tingin niya?
Sa inis yata ni Andrew dahil sa mahinang tawanan ng mga kasamang lalaki na nakakaalam rin ng balak niya, bigla siyang tumayo at tinawag si Sunshine sa term nitong “new girl”. Nilingon naman agad siya ni Sunshine at makikita na naman sa mukha nito ang tipikal na tahimik na takot.
“Learn how to entertain us if you don’t want your stay here worse.”
Maangas na naglakad palapit si Andrew kay Sunshine. Nabigla nalang kami nang malakas na itulak nito si Sunshine sa kanang balikat. It may be in normal force of a guy. But for a body as fragile as the new girl, falling towards the chairs was inevitable. Her books flew and one fell on her head.
Some may be just surprised of the sudden scene. Most are trying to suppress their laughter. Tiningnan ko si Louie at gaya ng inaasahan ko, hindi na nga nakapagpigil ang loko. Tumayo na at nilapitan si Sunshine para alalayang tumayo. Saka nito nilingon si Andrew.
“Bro, take a good check of your age and gender.” Seryoso at may kaunting sense ng pagbabanta sa pananalita ni Louie.
For a moment, there was some tension. But with Louie’s reputation within the perimeter of this school, Andrew and his guys backed down. The new girl then uttered a soft and quick thank you after getting her books with Louie. Muli, napabuntong-hininga ako.
A HOLOCAUST BEGINS in a single match. Its embers then are never meant to complement the disastrous blast of anything yet they entertain the eyes of those who seek thrill.
Isang linggo pa ang nakalipas. Mukhang ang pagiging bullied ng new girl ay naging habit ng karamihan. Her solitude didn’t help so does her fragile appearance especially in the white uniform with books. A visage of mute horror became frequent in her. Lalo pa nang hindi nalang mga babae ang minsang pumupuna sa kaniya kundi pati ang mga lalaki.
Habang tumatagal, mas lalong nabubura sa isipan ko ang pagkakataong ‘yon sa court, nung championship game. Maybe, I really was just mistaken. Namalikmata lang siguro. Isa pa, kung iisipin, ang katulad ng katawan niya ay walang abilidad na umakyat ng isang patay na punong singtaas ng two-storey building.
[He left the school according to his teacher]
“Saan naman pupunta ang batang ‘yon?”
Iyon lang ang naitanong ko nang tawagan ako ni Cyrelle para sabihang imbes na hintayin ako ay umalis na ng eskuwelahan si Cyffer. Hindi ko napigilang guluhin ang sariling buhok habang papalabas ng school. I’ve been picking up the kid for a week now. Bakit ngayon pa niya ako iindianin?
‘He must have fought with the President.’
Knowing my brother, siguradong naglalakad lang ‘yon sa labas. There wouldn’t be a place he’d be going to dahil sanay siyang nakasasakyan at isang mahabang kalsada na walang iba kundi mga puno lang ang makikita paglabas ng Mysterecy School.
Hiniram ko ang motorbike ni Louie saka iyon ang inilabas para maghanap sa labas ng school. Dahil doon kaya limang minuto lang yata ay nakarating na ako ng country road. Ang problema lang ay hindi ko nakita ni anino ni Cyffer. Nang tingnan ko pa ang wrist watch sa kamay ko ay mas nakakaalarma lang nang sinasabi nitong alas singko y media na.
Mabilis kong pinaharurot pabalik sa eskuwelahan ang motorbike. Napahinto lang ako nang mapadaan sa isang eskinita. Binalik ko ulit ang sinasakyan saka sinilip ang umagaw ng atensyon ko. Tama nga ako.
Hindi malayo pero hindi malapit para marinig nila ang paghinto ko. Nakita ko ang grupo ng mga lalaking animo’y papalibutan ang nag-iisang maliit na babaeng nakatalikod mula sa akin. Pero sa tindig, uniporme at haba ng buhok, nakilala ko agad siya. Ganoon din ang unang lalaki—si Andrew. Sadyang iba ang mga kasama niya ngayon. Hindi yung mga tropa niya sa classroom.
Hindi ko alam kung anong sitwasyon. Pero sa posisyon at paraan ng tingin nila Andrew, may ideya na ako. Lalo pa sa personalidad ng lalaking ‘yon. Kaya nang haplusin ni Andrew ang braso ni Sunshine nang may ngisi sa labi, binalak ko nang humarurot doon. Hindi naman ako ganoon ka-walang pake para hindi bigyang pansin ang ganong klase ng pangyayari.
Pero mas mabilis ang mga sumunod na nangyari para sa gagawin ko. O sadyang nakakagulat lang. Nang tingalain kasi ni Sunshine si Andrew dahilan para makita ko ang kalahati ng mukha niya, sa unang pagkakataon, wala akong nakitang ni katiting ng takot sa mga mata niya. Ang mayroon lang ay ang pamilyar na malalim, tahimik pero blangko niyang tingin.
Sa isang iglap, napaatras si Andrew. Pati sila nagulat sa ginawang pagtwist ni Sunshine sa braso niya sa pamamagitan ng pag-ikot na sinundan ng malakas na sipa sa sikmura. The blow was both too hard and surprising for all of us to react. Ang lakas non. Lalo pa at kinailangang saluhin si Andrew ng tatlong kasama niya.
Hindi pa sila nakakarecover, sumugod na si Sunshine sa kanila. Yung kasama ni Andrew ang sumubok sumangga. But this time around, Sunshine used the books she was holding to slap his face and bestow him a roundhouse kick simultaneously.
Hindi ko na masundan ang mga sunod na nangyari. Perhaps I was indeed too surprised to let everything sink it at a real time. Or her moves were just really fast enough to be blurry. Puro pagtalon at pagsipa lang yata ang nakita kong ginagawa niya. Ni hindi lumalatay sa isang hibla ng sumasabay sa hangin niyang buhok ang anumang atake ng apat.
Everything was too quick. Sunod ko nalang nalaman, bagsak na ang grupo nina Andrew. At nakatayo sa harapan nila ang isang babaeng ni minsan ay hindi ko naisip na magagawa ‘yon. Pigil ang hiningang nagsimula akong maglakad palapit sa puwesto niya. Pero hanggang tatlong dipa lang mula sa kaniya ang nagawa kong maabot. Hindi pa rin makapaniwala.
Nakatalikod pa rin siya sa akin. Walang bakas ng paghingal. Nakayuko sa mga inatake, tinititigan. Nakahati sa dalawa ang buhok na nasa harapan niya. Dahilan ‘yon para makita ko ang batok niya. Kulay itim. Maliit pero kapansin-pansin. Isang tattoo.
‘Z’
Isang tattoo ng isang letra—ang huling titik ng alpabeto. Kulay itim at nasa gitna. Nasa loob ito ng isang simbolo, pabilog pero may talim. At sa itaas nito ay dalawang parang tenga. Tenga ng isang pusa.
‘A familiar emblem...’
Hindi ko na nagawa pang titigan ng higit ang tattoo. Bigla siyang humarap. And at that moment, I became certain. The way she looks at me with that innocent yet expressionless face. The pair of black orbs so deep, so vivid. And so void. Null.
‘She was the girl on that tree.’
Agad namang rumehistro ang marahang pagkagulat sa mga mata niya. Napaawang ang labing nakatitig sa akin. Pero naging mabilis yon. Bumalik agad ang ekspresyon sa wala. Saka parang kumalma at inalisa ang sitwasyon. Nagsimulang lumalim ang tingin, nagpapakita ng panibagong tao.
I couldn’t suppress any longer.
“Just who are you...?”
Silence. Only the cold breeze answered my curiosity. Silence. She kept her unreadable eyes locked on me. Nagsisimula na akong kabahan. Ewan ko pero mayroon sa kaniyang hindi na tama sa pakiramdam ko. Something’s off.
Akala ko ay wala na siyang balak na sumagot dahil sa mahabang katahimikang hinayaan niyang mamayani. Pero nang iayos ko ang tindig—pinagpantay ang paa, nagboses siya.
“Indeed. I am not who I showed you I am, Crest.”
Gusto kong itanong, anong ibig niyang sabihin? Pero napansin ko ang pagbaling ng atensyon niya sa likuran ko. Bago pa ako lumingon, narinig ko na ang taong malamang ay tiningnan niya.
“Cyven?”
Napalingon agad ako nang makilala kung sino. Nakatayo nga sa harap ko si Cyffer. Kunot na naman ang noo at hawak ang isang strap ng bag na nakasukbit sa balikat. Bago siya sagutin, nilingon ko ulit si Sunshine.
Pero gaya ng nangyari sa gymnasium, wala na ni anino niya. Tanging ang apat na walang malay, ang hangin at ang hirap na paglipat ng mga pahina ng mga librong hindi na niya kinuha nang ihampas sa inatake.
I looked around for the second time around. Where could she be in a split second? When there are only trees in here.
—