THE LAST LETTER OF THE ALPHABET
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE
A Fated Meeting
“I’m Sunshine Elacion. Pleased to meet you all. Kindly teach me well.”
If I remember it well, boses niya ang tanging bagay na nagpalingon sa akin sa direksyon sa unahan. A soft, soothing voice of a girl. And that matched her very own appearance. Mahabang tuwid at itim na buhok na umaabot sa bewang. May bangs na tinatakpan ang buong noo at kilay na siyang mas nagpaamo sa maamo na niyang mukha.
“The new girl’s a chic. Heh.” Bigla ay bulong ni Louie sa akin. Napailing nalang ako at ibinalik ang tingin sa labas.
Kung may bagay mang humatak ng atensiyon ko sa kaniya ng mga oras na yon, iyon ay ang boses lang niya. At ang maamong hitsura na tila labing-apat palang imbes na labing-anim. Wala nang iba. I never paid attention to her after that. We never even had any kind of conversation. Ni hindi kami nagkakasama sa kahit na anong group activity.
Pero hindi lang sa akin kundi pati sa iba. Kapansin-pansin ang pagiging mag-isa niya. That was one of the reasons why I barely hear her voice after that short introduction she had on her first day. Minsan, napapagawi sa upuan niya ang lingon ko. She’s either reading a book or idling at whoever’s in front. That makes her look more fragile than she already is.
“DON’T YOU think the new girl’s gonna be a target of bullying?” Isang beses na tanong sa akin ni Louie habang magkakasabay kami ng kapatid niyang si Lorrie na kumakain sa canteen.
“She’s talk of the school nga, eh.” Biglang sabi ni Lorrie dahilan para lingunin namin siya ni Louie. Inosente naman niya kaming pinagtaasan ng dalawang kilay habang may kutsara sa bibig. “I mean, some girls are threatened kasi. So, I agree with kuya. You know, she even looks younger than me. Hehe.”
“Hindi naman na natin problema yon.” Maikling komento ko.
Sabay na napailing ang magkapatid na kaharap ko. Dinuro pa ako ng nakababatang kapatid ni Louie ng tinidor saka sinabihang wala akong puso. Louie shrugged and said that might just be a pity. Naputol lang ang sinasabi niya nang tila may makitang panibago.
“Uh-oh. Nagdilang-anghel yata agad tayo.” Bigla ay umayos siya ng upo.
Sinundan namin ni Lorrie ang tingin niya. Sa dulo ng canteen, sa mahabang mesa kung saan mag-isang kumakain si Sunshine habang may hawak na libro, isang grupo ng mga female seniors ang lumapit sa kaniya. Nakilala ko ang nasa unahan bilang ang tinanghal na Miss Mysterecy sa nakaraang pageant na si Halley.
Hindi iyon umaagaw ng sapat na atensyon hanggang sa malakas na ibagsak ni Halley ang kamay sa stainless na lamesa. Napalingon na ang karamihan sa direksyon nila.
“Know your place then, dork!”
Most people may have been captivated by Halley’s simultaneous yell and slap on the table. But it wasn’t what made my brows furrowed. It was Sunshine’s reaction.
Maamo ang mukha ng dalagang nakatingala sa mga babae sa harapan niya. Makikita sa tingin nito ang inaasahang takot ng karamihan. The normalcy of being bullied were written on her face.
But to me, it was different. Mula nang lapitan siya ng grupo nina Halley, nang hampasin ng mga ito ang mesa niya, nang sigawan siya ng dalaga, hindi ko nakakitaan ng ibang reaksyon ang mukha niya maliban sa parehong reaksyon nito ngayon. It was so calm. The way she looked up was so calm. As if her fear was scripted. And to add, ni hindi siya nagulat o halos mapatalon gaya ng iba nang biglaang hampasin ang mesa niya.
I heaved a sigh. I said it myself. It’s better to not stick my nose on her business. Inalis ko ang tingin sa direksyon niya saka nagpatuloy sa pagkain. I may not be involving myself in her business, it doesn’t mean I can stop being wary of her.
‘She’s no normal yet looks so normal...’
“Who-whoa, is that a sigh for the new girl?”
Napakunot ang noo ko sa biglang pagpuna ni Louie sa akin. Tiningnan ko siya. He was giving me a mocking look. So is Lorrie. It was a sigh because of her, indeed. Pero hindi sa paraang iniisip nila.
“Tigilan mo nga ‘ko.” Iritableng naisagot ko.
Natawa lang siya. “Tigilan mo din ang pagkunot ng noo. Baka malasin tayo bukas sa championship game niyan.”
Napailing nalang ako.
THE REST OF THE DAY went as usual. Pagdating nga lang ng dismissal ay nagpaalam akong maagang uuwi at hindi makaka-attend ng practice. For some reason, Cyrelle asked me to fetch our thirteen-year-old brother Cyffer.
Since the high school and primary divisions of Mysterecy International School are not so far, I decided to walk there. Hindi pa naman madilim. Pero tahimik na ang mga hallway na papunta sa primary division. Nasa gilid na rin kasi ito ng eskuwelahan.
I’m not normally a guy scared of unknown entities or ghosts. Pero sa hindi malamang dahilan, pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa kung saan. I couldn’t help but look around from time to time. And it was a relief when I reached the music room.
Nakakarinig kasi ako ng musika. Senyales na may tao. Instrumental sound soothing to the ear of those who are into classical music. Kaya nang mapadaan ako ay hindi ko mapigilang lumingon sa glass window para tingnan ang nasa loob.
There was just one girl. Nasa pinakagitna ng music room kung saan walang iba kundi siya. A ballerina. The instrumental music then justified her. Watching her somehow solace serenity. The girl in her ballerina dress was spinning way too gracefully. Nakataas ang isang paa at nakatingala ang ulo habang nakapikit nang open arms.
Whoa.
I cannot help but be mesmerized. Just who is this girl? Huminto ako para hintayin ang paghinto ng ikot niya. The spin and the distance hinders me from a good look to the girl’s visage. At sa wakas, nang bumabagal na ang pag-ikot niya, nakita ko kung paanong magreflect sa liwanag ang matang idinilat niya.
‘Orbs that reflect the color of the ocean...’
“Cyven?”
Biglang may humawak sa laylayan ng uniform ko. Tuloy ay nabaling doon ang tingin ko. Sumalubong naman agad ang mukha ni Cyffer. Kunot-noo at bagaman halos kasing-tangkad ko na, ipinapakita pa rin ng pagsimangot niya ang edad niya.
“I’ve waited way too long already, I decided to go here myself.” Said the irritated kid.
“My bad.” Wala sa sariling nasabi ko dahil agad kong ibinalik ang mga mata sa loob ng music room. Pero wala na roon ang babae. Tanging ang musikang tumutugtog ang makikita doon. Tiningnan ko ulit si Cyffer. “Let’s go.”
“WOOH! Go, Mys-te-re-cy! Go, Mys-te-re-cy!”
“Break a leg, Arnolds! Break a leg!”
I was almost gasping for air. Sweating, panting and running in chase of the ball. The heat within the court turns to fire. Yell and cheering from the crowd that synchronized with the spike of our shoes send the players from each school some insane energy.
“Crest, the ball!”
Narinig ko ang boses ni Louie mula sa kanan. Awtomatiko ko naman siyang nilingon saka tinalon ang bolang binato niya papunta sa direksyon ko. Nang dahil doon ay sa akin ang naging takbo ng mga manlalaro.
It’s the basic of the basketball. The chase and the high it offers. Just unfortunate of them to compete with us. Dahil sa ilang segundong mayroon, nagawa kong ibato ang bola sa ring mula sa hindi matapos-tapos na pagtakbo. Some tried to steal the orb on the way, block it. None succeeded.
Sa huli, malakas na hiyawan ang pumuno sa gymnasium kasabay ng pagpasok ng bola sa ring. Napangiti ako habang iniikot ang tingin sa buong gym. Nagsitakbuhan naman palapit sa akin ang buong team. Puro fist bumps, akbayan at sigawan ang sunod na nangyari. Tanging ngiti ang naibigay ko sa mga bati.
“Man, you’ll be taking the MVP this year again, heh?!” Natatawang sabi ni Louie bago ako inakbayan.
Ginulo naman ni Tristan ang buhok ko. “Must be used to it!”
Golden confetti then bursted from the ceiling. It put more emphasis to the win of the team. Lalo pang nagsipagtalunan na ang mga kasama ko nang kasabay non ay ang pag-announce sa pangalan ng school.
Sa pangalawang pagkakataon, inikot ko ang tingin sa mga naghihiyawan at nagsisipagtalunang estudyante sa bleachers. Mula sa unang row hanggang sa pinakadulo. Inabot ng tingin ko ang malaking glass window sa dulo ng bleachers.
It was around six PM. Maliwanag ang court at madilim ang labas sa kakaunting mga poste sa labas. But then, through the glass window that I’ve seen, the oldest tree in Mysterecy School was clear. Its shape and its branches that lost its vibrance along with its leaves. It was clear.
So is the girl sitting on its high largest branch. Long, silky black hair that complements her pale complexion. I couldn’t be mistaken. With her seated on that on our school uniform which was a white dress-like silk that meets the knee-long white socks. I couldn’t be mistaken. I couldn’t be mistaken when she’s looking at me directly to my eyes.
For a moment, everything lost its sound when our eyes locked. She wasn’t moving, she was just there—seated rigid with her hand holding the body of the tree. She has the same innocent however expressionless look she wore the first day I looked at her. Yet this time, the black pair of orbs that meet my eyes seemed very vivid, very deep and somehow, void...
“Hold the trophy, bro, will you?”
Louie snapped me back to reality. Sa isang iglap, narinig ko ulit ang maingay at masigabong sigawan sa loob ng court. Nakita ko nalang ang trophy na iniaabot sa akin. Kinuha ko iyon at itinaas nang nakangiti.
Pero hindi ko mapigilan. Kinailangan kong sumulyap ulit sa punong tanaw mula sa puwesto ko. Napakunot-noo na nga lang ako. Wala na siya doon. Inikot ko ang tingin sa gym. Wala na siya. But I couldn’t be mistaken. Not when she was looking at me.
‘I’m certain it was Sunshine.’
—