20181010

Every 4 o`clock [ONE SHOT]

Every 4 o`  clock
A very old one-shot I have written when I was 14.


"Kuya! Sandali!" narinig kong sigaw ni Larraine mula sa likod. Nilingon ko sya at hirap na hirap sya sa pagdala ng bag nya. Naputol ata yung strap.

At dahil isa akong gwapong kapatid, nilapitan ko na sya. Ako na rin yung nagdala nung gamit nya. Kaso nung nagpatuloy kami sa paglakad pauwi ng bahay, bigla ba namang huminto at hinila ako pabalik dahil nahulog raw ata yung cellphone nya.

Nakakainis pero wala akong magagawa. Hindi ko naman pwedeng iwanan yan dahil kapatid ko yan. Syempre, mag-aalala ako! Baka mapagtripan pa yan dito e mga bagong salta kami.

Bumalik pa kami hanggang sa halos maabot na namin yung school. Buti nalang talaga at nahanap rin nya yung phone nya dahil nabubwisit na ako.

Naglakad na kami pabalik ni Larraine kaso ang problema ngayon, hindi na namin alam yung daan pabalik. Ito palang kasi ang unang beses na naglakad kami galing school pauwi. Sinusundo kasi kami ni Mama nung nakaraan at bago palang kami sa lugar.

Hay nako. Pahamak yung cellphone ni Larraine. Wala naman kaming pwedeng contact-kin para sunduin kami dahil si Mama lang ang kasama namin at nasa urgent meeting pa raw sya sa school na pinagtatrabahuhan nya.

Ang ending, heto, naglalakad na naman kami ni Larraine. Nagsisisihan kung bakit kami mukhang mga asong nakalaylay ang dila sa init. Lakad lang kami ng lakad nun nang mapagod sya at naisipang magpahinga. Masakit na raw sa paa nya yung heels.

Naupo kami sa isang swing ng nadaanan naming playground. Badtrip. Ultimong taong pwedeng mapagtanungan ng direksyon e wala. Inikot ko ang tingin ko at tumigil yun sa isang garden na di kalayuan dito sa playground.

Bigla akong napatigil sa pagswing nang makita ang isang babae. Nakaside view sya sa paningin ko at angat nya ang isa nyang kamay at inaabot ang isang paru-paro. Nakabestidang puti at nakalugay ang alon-alon nyang kulay mais na buhok.

Ang.. ang ganda nya..

Bigla nalang bumilis yung heartbeat ko nun. Hindi ko rin alam pero pakiramdam ko, she's somewhat special. Nakangiti sya habang tinatanaw ang paru-paro. Damn, she's beautiful. Really.

Pakiramdam ko naging slowmotion ang paligid nang dahan-dahan nyang ibaling sa akin ang paningin. Nagtama kami ng tingin at dahan-dahang nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan ng pagtataka habang naka-tilt ang ulong nakatingin sa akin.

"Kuya? Hello? Kuya Loooock?!"

Nagitla ako nang bigla akong tapikin ni Larraine ng pagkalakas-lakas kaya napatingin ako sakanya. Kanina pa raw ako tulala at kanina pa nya nalaman ang direksyon pauwi sa isang 'walang modo'ng dumaan.

Tumayo na rin ako. Binitbit ko na naman yung bag nya na nasira ang strap. Bato ata laman ng bag nito at pagkabigat-bigat. Hindi ako nagtataka kung bakit nasira yung strap.

Bago kami umalis, sumulyap ulit ako doon sa garden kung saan ko nakita yung babaeng nakatayo sa ilalim ng isang puno kanina. Wala na sya doon..

Luminga-linga pa ulit ako pero di ko na talaga nakita. Tinalikuran ko na rin at dumiretso sa paglalakad. Pero.. gusto ko talaga syang ulit makita e!

Lumingon ulit ako at sa pagkakataong iyon, nakita ko ulit yung babae. Nakatayo sya sa ilalim ng puno habang nakahawak ang kaliwang kamay sa puno at nakatanaw sya sa direksyon namin ni Larraine pero bigla rin syang nagtago sa ilalim ng punong yun nang lumingon ako.

Unconsciously, napangiti ako at naramdaman na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero para bang sigurado akong mahal ko na sya. Crap! Is that even possible for just a gaze?!

***

Araw-araw akong dumadaan sa garden na 'yon tuwing alas kwatro ang uwian ko. Palagi ko rin naman syang nakikita doon. Pero hindi na uli nagtama ang paningin namin.
Pati nga Sabado at Linggo, pumupunta ako sa garden na 'yun para makita sya. Ugh, yeah, I sound like a pathetic stalker. Pero wala e, iba epekto nito sa akin. Ewan ko nga pero wala akong lakas ng loob na lapitan sya. Pucha! Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako natorpe sa babae. Samantalang higit anim na ang naging girlfriend ko!
Saktong alas kwatro sya parating dumarating. Minsan lagpas ng alas kwatro pero kahit isang beses, hindi iyon bumaba sa alas kwatro. Ang palagi lang naman nyang ginagawa doon ay ang mapaupo sa punong yun at magbasa. Tatayo at manghuhuli ng paru-paro kung may makita sya.
Naisipan ko na nga ring mag-iwan ng rosas sa tapat ng puno kung saan sya palaging umuupo, sampung minuto bago sya dumating. Tatlong kulay asul na rosas. Sa lahat ng rosas, iyan ang pinakamaganda para sa akin. Pinakamakahulugan.
Palagi naman nya yung napapansin. Iyon lang, hindi ko makita ang reaksyon nya sa tuwing kukunin ang bulaklak dahil nakatalikod sya sa paningin ko. Kukunin nya at pagkatapos ay mauupo saka ilalagay ang bulaklak sa gilid.
Dahil halos dalawang linggo ko na rin syang sinusubaybayan, napansin na rin ako ng kapatid ko. Napansin nyang parati akong tumitigil doon tuwing uwian at napansin nyang palagi akong nalabas ng alas kwatro tuwing sabado at linggo. Geez, thanks to her phone and I knew a girl who caught my heart in just a gaze.
"Kuya? Crush mo 'no? Yuck, kuya. Nag-a-ala stalker ka. Gusto mong career-rin? Sundan mo na rin pauwi." naalala kong sabi ni Larraine nang sundan ang tinitingnan ko.
'Mm-hmn, di 'ko nga alam ang bahay nya e..'
Nilingon ko si Larraine. Mukha syang inip na inip at panay sulyap sa relo nya then bigla nalang nag 'Ting! Time's up!' at kinaladkad ako. Daldal sya ng daldal habang pauwi kami at wala akong magawa para magstay dahil ang galing nyang mamblackmail.
Sinabihan pa nga nya akong isa na akong dakilang stalker. Syempre, itinanggi ko iyon. Bigla ba naman akong hinamon na kausapin ko raw at alamin ang pangalan no'ng babae? Crap this sister of mine. At dahil na rin sa ego ko, pumayag ako.
"That's a deal then. Saturday, four o'clock." ngingisi-ngising sabi pa sa'kin ni Larraine nun bago umakyat ng kwarto nya.
Gaya ng napag-usapan, heto, nakaupo kami sa bench. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Badtrip. Nababading ata ako! Nakakainis. Kalalaki kong tao pero makikipag-usap lang sa babaeng gusto ko, grabe na ang nerbyos ko.
"Sus, wala 'to si kuya e. Nanginginig na? Hahaha!" pang-aasar ni Larraine. I glared at her. I'm nervous but I know I don't tremble. I know how to look so calm as always.
Ilang minuto rin bago ako nagpasyang tumayo sa kinauupuan namin ng kapatid ko at lumapit sa babae. Hanggang dito, alam kong pinapanood ako ni Larraine. Tch.
Napansin naman kaagad ako no'ng babae at para bang takang-takang tinitigan ako. Nakaupo sya kaya inangat pa nya ang ulo nya at tiningnan ako. Marahil nagtataka kung bakit ako nando'n. Ngumiti naman ako sakanya.
"Hi." casual na bati ko pero wala akong natanggap na sagot mula sakanya. Lumapit tuloy ako pero bigla syang umatras na para bang isa akong alien.
Sinubukan ko uling lumapit at nag half bend knee sa tabi nya. Iniwas nya ang tingin sa kabilang banda at naging dahilan yun para bumagsak ang kulay mais nyang buhok at matakpan ang mukha nya.
Napangiti ako ng kaunti at dahan-dahang nilahad ang kamay ko malapit sakanya. Dahan-dahan naman nya yung tiningnan saka inangat ang tingin sa'kin na para bang takot pa rin. Paitaas kasi sya tumingin. Parang isang cute na cute na tutang nakatingin sa isang estranghero.
"I'm Laxus Althoff. Just.. just call me Lock." pakilala ko ng nakangiti. I must thank myself for not stuttering.
Tinitigan lang nya ako. Ni walang pinagbago ang reaksyon nyang takot sa akin. Sa gwapo kong 'to, natakot sya? Ha! Ibang klase. Pero natawa nalang ako saka napagpasyahang bawiin ang kamay ko at tuluyang naupo sa harap nya.
"L-Look, I'm not going to do anything that'll harm you, okay?" pangungumbinsi ko sakanya. Pero ganun pa rin ang mukha nya. "You know, I may be a stranger but I'm not dangerous as you think." sabi ko ulit at ngumiti sakanya.
Iniwas nya ang tingin sa akin. Tumingin sa kawalan at bumuntong-hininga. Napatitig ako sakanya habang nakatingin sya sa kawalan. She really is beautiful.
Nagitla ako nang bigla nalang syang lumingon sa akin. Awkward akong ngumiti nalang sakanya pero hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha nya -- nakakunot pa rin.
"Now, may.. may I ask your name?" tanong ko.
Hindi nya ako pinansin at yumuko sya bago inilabas sa damit nya ang isang kwintas na may pendant na susi. Ako naman ang nagtatakang tumingin sakanya. What is wrong with her? What's with the key?
Napailing sya. Tinuro nya ang sarili nya saka nya winagayway sa ere ang pendant ng kwintas. I think, I get it. Nginitian ko sya.
"You're name is Key?" nakangiting tanong ko.
Tinanguan nya ako.
"Whoa, is it a purely coincidence or we're just really meant to be?" matamis ang ngiting sabi ko.
I can't believe it. Her name is really a perfect match for my name. Lock and Key. Though, my realname is Laxus.
***
"Larraine, bilisan mo, mag-fo-four thirty na e." pagmamadali ko sa kapatid ko. Kanina pa kasi sya naghahalukay ng kung ano sa Locker nya.
"Kuya, mauna ka na." kinunutan ko ng noo si Larraine.
"Raine, di kita pwedeng iwan dito at day off ni Mang Jep para sunduin ka."
"E-Eh may hinahanap ako e.." nakangusong sabi nya at nagkalkal na naman.
"Seriously Raine?"
"Kuya, hello? Alas kwatro palang. Para namang wala ng araw at bantay sarado mo ako."
"Lar---"
"Sige na kuya. Pag lumagpas ng 5:30 at di pa ako nakakauwi, balikan mo 'ko. Hala ka, baka di mo makita si ate Key nyan?" ngingisi-ngising sabi nya.
Inis na naisuklay ko nalang ang kamay ko sa buhok ko. Tinitigan ko muna sya ng matagal at saka bumuntong-hininga.
"Fine." that drew a smile on her lips.
-------
Tinitigan ko yung garden ng matagal. Sumulyap ulit ako sa relo ko. It is already 4:56. Wala na dito si Key. Samantalang eksaktong-eksaktong alas singko bago sya umalis.
Bumuntong-hininga nalang ako nang malungkot. Tch, na-late ata ako. Kahit apat na minuto tuloy ay hindi ko sya makikita ngayong araw. Ewan ko ba. Pakiramdam ko, hindi na buo ang araw ko pag hindi ko sya nakita.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa strap ng bag ko saka tumalikod para dumiretso na pauwi. Pero napatalon ako sa gulat nang sumalubong sa 'kin ang hinahanap ko.
"Whoa!" napaatras pa ako. Pero ni hindi man lang sya nagulat. Wala man lang nagbago sa postura nyang nakatingala at nakakunot ang noo sa akin.
Dalawang araw na ang nakalipas pagkatapos no'ng araw na una ko syang kinausap at tinanong ang pangalan nya. Crap. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko.
Iniwas nya ang tingin sa akin sa pamamagitan ng pagsilip sa likod ko para tanawin ang garden na kanina ko pa tinititigan saka nya dahan-dahang ibinalik ang tingin sa akin na para bang takang-taka. Napangiwi ako at hindi malaman ang sasabihin. Mukhang kanina pa nya ako tinititigan habang nakatitig ako do'n sa garden.
Ano namang idadahilan ko kung bakit ako nakatingin do'n e sya lang naman ang palaging nando'n?! Alangan namang sabihin ko sakanyang 'Hinahanap kasi kita e..'. Badtrip!
Nakipagtitigan lang sya sa akin at hindi maalis-alis ang pagtataka sa mata nya. Ni hindi sya gumagalaw at diretsong nakatitig lang sa akin. Sa sobrang puti at kinis ng balat nya, nagmukha syang manikin dahil sa pagkaka-freeze. Ugh, nasaan na ba ang utak ko at ayaw gumana?!
Maya-maya ay inangat nya ang isang prutas galing sa hawak nyang basket at iniharap sa akin bago tinuro ang punong lagi nyang pinupwestuhan. Yung puno ng hindi ko alam na prutas! Dahan-dahan ko syang nilingon at nakatitig pa rin sya sa akin habang hawak yung prutas na may kakaibang itsura.
"Ahh, oo, k-kukuha sana ako ng prutas na yan do'n sa puno.." sabi ko. Bigla syang sumimangot. "B-Bawal ba?" stuttering sucks. Seriously, Lock?
Ngumiti sya. Nahawa ako sa ngiti nyang 'yun. Ang ganda nyang ngumiti. Parang ang saya-saya nya sa mga mata nya. Inabot nya sa 'kin yung basket ng prutas at nagtataka ko naman syang tiningnan. Mas inilapit nya at mukhang ibinibigay sa akin. Tinanguan pa nya ako para sabihing para sa akin nga.
Kinuha ko naman 'yon ng nakangiti. Nagpasalamat ako sakanya at ginantihan naman nya ako ng ngiti pero bigla yung nawala. Sinulyapan nya yung relo nya kaya napatingin rin ako sa relo ko. Eksaktong alas singko na.
Pag-angat ko ng tingin sakanya ay nagmamadali na syang tumakbo paalis. Mabilis lang syang yumuko bilang paalam at saka tumakbo. Binigyan pa nya ako ng kaway bago tuluyang makalayo.
Napatitig ako sa dinaanan nya hanggang sa hindi ko na sya makita pa. Nang hindi ko na sya matanaw ay ibinaba ko ang tingin sa hawak kong basket na puno ng di ko kilalang prutas. Ano kayang prutas 'to?
Napangiti ako nang maalala ang ngiti ni Key nang iabot sa akin ang basket. Grabe, ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinanaw ko ulit ang dinaanan nya at hindi pa rin mabura-bura ang ngiti sa labi ko. Ang bading ko, shet.
Posible ba talagang inlove na ako? Samantalang dalawang beses ko palang syang nakausap. Halos ako nga lang ang nagsalita e.
Pero kakaiba talaga ang nararamdaman ko pag nakikita ko sya e. Potek, mala-cloud 9 ampucha.
"Calling mental hospital? Calling mental hospital? May baliw na po akong kasama dito e."
Bigla akong napalingon kay Larraine. Ni hindi ko napansing nandito na sya sa tabi ko. Ginulo ko ang buhok nya nang natatawa-tawa at asar naman nyang inalis 'yon. Kanina pa raw sya sa tabi ko.
"Ang laki ng ngiti mo, kuya Lock. Nakita mo si ate Key 'no? Ayie, baka nakausap mo ulit~" parang batang tuwang-tuwang sabi nya at sinundot-sundot ang tagiliran ko.
Tinawanan ko lang sya at inakbayan saka hinila palapit sa akin tas ginulo ko yung buhok nya.
"Ikaw talaga! Hahaha! Tara na nga!" saka ko sya hinila palakad. Hindi ko maalis ang ngiti sa mukha ko. Ewan ko ba pero ang saya-saya ko.
"Ang kuya ko, kinikilig! Ang kuya ko, kinikilig!"
"H-Hoy ano ba, R-Raine!"
"Hahahahahaha!"
*****
"Kuya, ba't di mo kausapin? Sa totoo lang, naiinip na ako. Four thirty na. Thirty minutes na tayo dito e." angal ni Larraine habang nagkakamot sa batok nya sa inip.
"Sabi ko kasi sayo wag ka na sumama e." sagot ko sakanya nang di inaalis ang tingin kay Key.
"Ewan ko sayo kuya. Sumama nga ako sayo dahil baka matorpe ka at tama ang hinala ko! Ibabalik mo lang naman 'tong basket!" singhal nya ulit at winave ang basket na hawak nya kung saan nakaburda ang pangalan ni Key.
Oo, nakaburda yung pangalan nya doon sa gilid ng basket sa kulay puti. Hindi pala bastang Key ang name nya kundi 'Kiara'. Shorter name ata yung Key.
Naghintay pa ulit kami ni Raine pero nainip na ata sya at hinatak na ako doon sa puno kung saan nagbabasa o nagsusulat si Key. Huli na para marealize kong magkaharap kami!
"Hello ate!" bati ng kapatid ko.
Inangat naman ni Key ang tingin nya kay Raine at tulad no'ng una nya akong makita ay taka lang nyang tiningnan non si Larraine. Awkward na tumawa si Larraine pero walang nagbago sa mukha ni Key.
At dahan-dahang inilipat sa 'kin ni Key ang tingin nya. Damn this goosebumps! Pakiramdam ko bigla akong na-freeze sa pwesto ko habang nakatingin sakanya. Siniko-siko ako ni Larraine at do'n ko lang narealize na kanina pa ako nakatitig sakanya!
"I-Isosoli ko lang sana 'tong.. itong basket.." hinablot ko kay Larraine yung basket at inabot kay Key.
Tumayo sya at mahinhing kinuha sa akin ang basket. Nagpalit-palit sa 'min ng kapatid ko ang tingin nya at saka sya nagbigay ng tango.
Tinalikuran lang nya kami at nagsimulang mabilisang magligpit. Walang sali-salitang umalis sya sa harap namin. Ano yun?!
Nagkatinginan kami ni Larraine at alam kong parehas kaming nawirduhan sa kilos ni Key.
"Gano'n ba talaga yun kuya Lock?" takang-takang tanong sa 'kin ni Key pero nagkibit-balikat nalang ako habang tinatanaw pa rin ang dinaanan ni Key.
'Ang ganda talaga nya.. Lalo na nang mata nya.. There's something on her eyes..'
Umuwi rin kami pagkatapos no'n. And like what I've expected, nang-aasar na naman 'tong si Larraine! Tapos maya-maya e nagpatulong naman sya sa project nya.
Nagpatuloy yung gano'ng set up. Ewan ko ba, kinakabahan talaga ako pag nakikita ko sya. Umuurong ang dila ko, badtrip!
Sabado no'n, nagmamadali akong dumiretso do'n sa garden dahil 4:13 na. Late ako! Tsh, para namang required diba?
Kaso pakiramdam ko, nawala lahat ng lakas ko nang hindi ko makita si Key do'n! Tumingin ako sa relo ko, 4:23, nandito pa dapat sya.
Lumapit ako sa puno kung nasaan sya parati. Andito pa ang mga gamit nya ah. Inikot ko ang tingin sa buong garden at nanlaki ang mata ko nang bigla nalang may nalaglag galing sa taas ng puno kung saan ako nakatapat!
Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Key. Pakiramdam ko ngayon, nawala lahat ng pagod ko. Then somehow, bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko. Damn it. Napangiti ako automatically pero di sya gumanti. Kakaiba talaga..
Tinilt nya ang ulo nya para bang sinusuri ang dahilan ng pagpunta ko dito. Aligaga ko namang kinuha ang naka-box na clip sa bulsa ko at inabot 'yun sakanya. Binigyan nya 'yon ng tingin saka muli akong tiningnan.
"A-Ah, I.. Ahh.. I b-bought them.. it just reminded me of you.." mas kumunot naman ang noo nya. Damn, why do I have to stutter?
'Why the fuck I said that, anyway?!'
"You know, madalas kasi kitang makitang may clip." thank God, I didn't stammer.
Kinuha nya ang clip at tumango sa akin. Naupo sya kaya naupo rin ako sa tabi nya. Hindi naman sya kumibo. Pagkaupo namin, tinanggal nya ang clip na nasa buhok nya at yung binigay ko ang sinuot nya.
Napangiti ako nang iangat nya ang tingin sa 'kin na para bang pinapakita sa 'kin ang suot nyang clip. Sinabi ko namang maganda at bagay sakanya dahil 'yon naman talaga ang nakikita ko.
Ang sarap sa pakiramdam nang nakaupo ako sa ilalim ng puno kasama ang babaeng gustong-gusto ko.
****
"Kuya oh." nilingon ko ang kapatid ko nang abutan nya ako ng envelope.
"What's that?" tanong ko pero pinabuksan nya lang sa akin.
Nang makita ko ang laman nung envelope e nanlaki talaga ang mata ko. This is beautiful! These are photos Larraine taken when I was with Key.
"I must say stolen shots are the best." nakangiting sabi ko habang tinitingnan ang mga pictures.
"Pa'no naman yung kumuha?" mataray na tanong ni Larraine. Natawa naman ako.
"E di best ka na rin. Hahaha." sabi ko sakanya nun.
"Grabe kuya, kitang-kita sa pictures na inlove na inlove ka kay ate Key! Ang lapad ng ngiti mo samantalang di ka naman pinapansin nung kausap mo! Hahaha!"
"Hahahaha!"
Kaso bigla ba namang hablutin sa 'kin yung hawak ko at kinuha lahat nung nasa ibabang pictures?! Pucha, pinapabayaran pala ng lintek! Kaya ayun, binayaran ko sya kapalit nung mga pictures. Worth it naman e.
Nung sumunod na mga araw, nacurious ako dahil palagi syang late na dumating, napagpasyahan kong sundan sya. Oo na, mukha na talaga akong stalker nito.
Kaso hindi ko malaman ang bahay nya. Malingat lang ako sandali, nawawala na sya sa paningin ko. Actually, ngayon ang pangatlong pagkakataon na susundan ko sya.
Kaso sa pangatlong pagkakataon, nawala na naman sya sa paningin ko! Paano ba yun nakakalusot?! Tch. Naisuklay ko ang daliri ko sa buhok ko nang di oras habang nakapameywang.
"Maari bang.."
Bigla akong napalingon nang may magsalita sa likuran ko! Nanlaki ang mata ko nang makita si Key na nakaharap sa 'kin at direktang nakatitig sa mata ko.
'N-Nagsasalita pala sya?! Pucha!'
Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ko eksaktong nakita na nagsalita sya pero sya lang naman ang tao sa likuran ko!
"..tigilan mo na ang ginagawa mo?"
Mas napanganga ako. Siya nga yung nagsasalita! Ang lamig ng boses niya. Maliit lang pero malamig.
Tumitig lang sya sa akin at huli na para marealize kong kanina pa ako nakanganga! Badtrip. Nawawalan talaga ako ng dila pag kaharap sya.
"A-Alam mo?" gulat pa ring tanong ko. Tumango sya.
"Ito na ang pangatlong pagkakataon na sinusundan mo ako. Balak kong mawala nalang uli sa paningin mo pero.. mukhang wala kang balak na tumigil kaya... sinasabihan na kita." malumanay na saad nya.
Nawalan ata ako ng sasabihin at ramdam ko ang pag-iinit ng tenga ko. Potek! Anong idadahilan ko?! Tch. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Ang bagal magprocess ng utak ko.
Nabalik nalang ako sa reyalidad nang maglakad sya at lagpasan ako saka sya nagsalita.
"Pinapahirapan mo akong umalis.." mahinang-mahina lang ang pagkakasabi nya pero sapat para madinig ko.
Hindi ako sigurado pero puno ng lungkot ang pagkakasabi nya no'n. Napakunot tuloy ang noo ko habang nakatingin sa likod nyang nakatalikod sa 'kin. Bahagya nyang iginilid ang ulo nya para magsideview sa vision ko.
"Bakit mo ba ginagawa ang mga iyon, Lock?"
Pakiramdam ko ay nahugot ko ang hininga ko nang banggitin nya ang pangalan ko. Matagal na nung nagpakilala ako at sobrang natutuwa akong malamang natatandaan nya pa ako. Nang hindi ako sumagot ay humarap na sya sa akin.
"Bakit mo ba ginagawa ang mga iyon?" muling tanong nya.
Dapat ko bang sabihing gusto ko sya? Ito na ba ang tamang oras para magtapat? H-Hindi ko alam. Anong magiging reaksyon nya? Ayoko namang maging ilag sya sa 'kin.
Bumuntong-hininga sya at mulimg tumalikod sa 'kin. Mukhang nainip sa paghihintay ng sagot ko. Nagsimula na ulit syang maglakad paalis at parang natulala ako doon. Blangko.
"Kung walang kwentang dahilan lang iyon, pakiusap, tigilan mo na, Lock."
Natigilan ako. Para bang napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ba't hindi naman walang kwenta ang dahilan ko? Gusto ko sya. Walang kwenta ba iyon?
Muli kong itinuon ang mata ko sa naglalakad na si Key. Malayo na sya sa akin pero alam kong maririnig pa nya kung isisigaw ko.
"GUSTO KITA, KEY!"
Natigilan naman sya at napahinto sa pwesto nya. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tama ba talagang sinabi ko? Natatakot ako sa magiging reaksyon nya.
Dahan-dahan nya akong nilingon. Nandoon na naman ang nagtataka nyang ekspresyon. Hindi ko sya naririnig pero base sa buka ng bibig nya, mukhang tinanong nya kung anong sinabi ko.
"GUSTO KITA!" ulit ko.
Tinakbo ko ang pagitan namin habang nakatingin sakanya at tumigil lang sa harap na nya. Nakatingala sya sa akin at para bang hindi pa rin makapaniwala.
"Gusto kita. Gustong-gusto kita, Kiara." nakangiting sabi ko.
Pero nagulat ako nang may tumulong luha sa mata nya. Nataranta ako at hinanap ang panyo sa bulsa ko para sana punasan sya pero bigla syang umatras nang umiiling. Nagtataka at kinakabahan kong tinitigan sya.
"M-Mas.. Mas lalo mo akong pinahirapan, Lock.." basag ang boses na sabi nya "Pakiusap. Tigilan mo na.." saka tinalikuran ako at tumakbo paalis.
Para bang bigla nalang akong naubusan ng lakas. T-Tigilan ko na? Ibig bang sabihin no'n ay hindi nya ako gusto at hindi ako dapat na umasa pa? Nanikip ang dibdib ko sa inisip kong 'yon.
****
Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako nadadala pero heto, nakatayo na naman ako dito sa bench at tinatanaw ang puno kung nasaan si Key.
Masakit pa rin sa 'kin ang sinabi nya pero hindi ko inisip na sumuko. Alas kwatro na pero wala pa sya. Siguro, huli lang tulad no'ng mga nakaraan.
Pero inabot ako ng alas sais, hindi talaga sya dumating. Malungkot na nilapitan ko ang puno kung nasaan sya parati at nagulat ako nang makitang nandoon ang notebook na madalas nyang sinusulatan. Nakabukas iyon sa unang pahina.
Laxus Althoff
Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang buong pangalan ko sa unang pahina. Kinuha ko ang notebook at binasa.
June 14, 2005
Hindi ito ang unang pagkakataon na makakita ako ng tao pero biglang tumigil ang lahat sa paligid ko nang makita sya.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon ang naging reaksyon ko. Kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko at napuno ng kung ano ang tiyan ko. Normal ba 'yon?
- Kiara
P-Posible bang.. ako ang tinutukoy nya? Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa. Lagi syang may pinatutungkulang tao na madalas nyang nakikita sa isang bench pero hindi naman nya isinulat ang pangalan ko hanggang sa dumating ang June 25.
June 25, 2005
Nagpakilala sya. Laxus Althoff pala ang pangalan nya. Nakakatuwang malaman na sakto ang pangalan nya sa pangalan ko. Kinakabahan ako habang katabi ko sya. Wala akong maisip na sabihin at nanlalambot talaga ang tuhod ko. Umuurong ang dila ko!
Likas nang tahimik ako at hindi nagsasalita pero.. kakaiba ang isang 'to. Ang lakas ng tibok ng puso ko pero hindi naman ako kinakabahan. Sa katunayan, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Basta hindi 'yun kaba.
- Key
Tama nga ako. Tungkol sa akin ang mga nakasulat. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Halu-halo pero nangingibabaw ang saya. Masaya ako pero parang kulang ang salitang iyon para sa nararamdaman ko. Lalo na nang malamang gusto nya rin ako.
September 14, 2005
Apat na buwan na pala nang makilala ko ang taong bumubuo ng bawat araw ko. Sabi ko noon, hindi ako dapat na nagkakagusto sa isang tao. Pero bakit.. bakit hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko pagdating sakanya?
Matapos ang halos apat na taon, may isang tao uling nakapagpangiti sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. Kakaiba. Lalo na pag nakikita ko ang saya sa mata nya sa tuwing ngumingiti sya.
Sa tingin ko, hindi lang ito pagkakagusto, nahulog na nga ako. Umiibig ka na Kiara.
- Key
Hindi ko mapigilang matuwa. Ang sarap sa pakiramdam. Pucha! Cloud 9 'to e. Para akong nasa ulap habang binabasa ang nakasulat sa September 14. Halos ilang ulit akong nagpaulit-ulit sa pagbasa sa page na 'yon. Ayoko na ngang umalis e.
Pero nagpatuloy ako sa pagbabasa. Na sana hindi ko nalang ginawa..
October 4, 2005
Nagtapat sya sa akin. Hay. Iyon nga lang, kinailangan ko syang patigilin. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Nagbangga yung saya, sakit at lungkot. Bakit kung kailan akala ko okay na ang lahat, saka sumali si Daddy?
- Key
Naguluhan ako sa sinabi nyang 'yon. Anong ibig nyang sabihin? Binuklat ko ang sunod na pahina. Wala nang date ngayong araw kundi isang sulat na ang mayro'n.
Dear Lock,
Nabasa mo na lahat. Gustung-gusto kong makita ang reaksyon mo pero hindi ko magawa. Sa mga oras na ito siguro, nasa eroplano na ako. Pupunta ako ng America, Lock. Kinuha ako ng Daddy ko.
Lock gusto kita. Gustung-gusto kita at minahal na nga kita. Pero hindi naman ako deserving para sayo. Hindi ka magiging masaya kasama ako. Dahil apat na buwan mula ngayon, mamamatay na ako.
Alam mo bang ang hirap hirap para sa akin na umalis dahil kung kailan nalaman kong gusto mo rin ako, saka naman pumasok ang sakit ko at ang Daddy ko?
Ang selfish ko kung hinayaan ko ang nararamdaman ko. Magiging masaya ako sa natitirang apat na buwan ng buhay ko pero magluluksa ka matapos niyon. Kaya heto, umalis ako.
Magkakaroon ako ng operasyon sa America, critical ang buhay ko sa operasyong 'yun at alam mo bang ikaw nalang ang dahilan kung bakit kumakapit pa rin ako sa pursyentong kaposiblehan ng paggaling ko?
Pero ayokong umasa ka, Lock. Gusto natin ang isa't isa pero sa tingin ko, hindi tayo ang nakatadhana. Gayun pa man, gusto kong sabihing gustong-gusto rin kita. Sobra. Mahal na nga kita e.
- Kiara
Nanghihinang napasandal ako sa punong nasa likod ko. Inangat ko ang tingin sa madilim na langit. Hindi ko alam kung bakit may tumulong luha sa mata ko. Ang.. Ang sakit.
Tumayo na rin ako nang abutin ako ng alas diyes ng gabi. Nilingon ko ulit ang puno. Pero nagulat ako nang makita na may nakaukit doon. Lumapit ako para tingnan ang nakaukit..
Four o'clock

Key❤Lock












~ FIN ~