BLACK ORGANIZATION AND THE SPECTATOR
MHIAMB Fanshot #15
[ September 10, 2018 ]
---
RAVEN's NARRATION
"Code 15, Routine 7. Boulstridge." Anunsyo ko habang tinitingnan ang lahat ng daanan sa mga footages na may label na Routine 7. Nagright click ako nang makitang may isa pang remote controlled gate ang sarado sa Routine 7. Nang mabuksan ko na 'yon ay inulit ko ang anunsyo. "Code 15, Routine 7. Boulstridge." Agad ko namang nakita sa CCTV Footage #45 ang pagkilos ni Boulstridge papunta sa C15-R7.
[Mayday, mayday. Area C56. Upper hill] Nabaling ang tingin ko sa sinabing lokasyon ni Lindsay. It was her location. She was trapped in a puzzled hallways. Too many ways enough for her to be confused.
Nagright click ulit ako, inopen ang elements saka sinet ang footage sa bird's eye view para makita ang tamang daan kay Lindsay. It was a simple puzzle.
"Lindsay. The third door, go straight, intersection, to the left. Straight, intersection, to the left, straight until its last stop."
[Thanks]
Gaya ng ginawa kong pagli-lead kina Lindsay at Boulstridge, ganon din ang ginawa ko sa iba pang parte ng Black Organization hanggang gaya ng sa plano, makaposisyon ang lahat. Nireset ko ang buong security ng lugar gamit ang command prompt sa main subtle setting ng mga monitors na nasa harapan ko ngayon. Matapos ay finlash ko sa iba't ibang monitor ang iba't ibang CCTV footage na nagpapakita ng kasalukuyang lokasyon ng labingtatlong miyembro ng Black Organization.
Sa dulo ng cruise na sinasakyan namin ngayon ay magaganap ang transaction sa pagitan ni Trigger at ng isang group para sa isang experimental Science project. Sa upper deck, naka-disguised si Cody at pinalitan ang mga nagsisilbing look out guards ng cruise. Sa ibaba, nasa hindi kalayuan ng puso ng transaction, bandang kaliwa si Emerald. Nakadapa sya sa madilim na sulok at nakaposisyon ang baril. Sa bandang kanan naman, parehong posisyon ay nakapwesto si Katana. Everything must be prepared for possible chaos kung sakaling hindi magkasundo ang dalawang grupo.
Si Mikaela ay nasa pinakadulo ng cruise, bandang kanan, sa labas mismo. Nakasuot ng black vest at alalay ng sinasakyan nyang locking carabiner na sya namang nakasabit sa dulo ng cruise. Ganoon din si Amber, sa bandang kaliwa nga lang.
Nakapagitan ang isang mahabang mesa sa isang grupo at kay Trigger. There were only six persons on the seats. Three per side. Si Trigger, nasa kanan nya si Caliber at nasa kaliwa naman si Lionhart. Nakatayo sa likod nung tatlo sina Boulstridge, Lampe at Kayden. Parehong posisyon sa kabila. Ang kaharap ni Trigger ay isang late 20's na Russian businessman sa isang business suit.
Ang lahat ng Black Organization ay nasa mismong lugar transaction maliban sa dalawa--ako at si Lindsay. Nasa control room ako para isaayos at i-lead ang grupo. Samantala, nasa party sa loob ng cruise si Lindsay at ang pwesto naman doon ang pinapanatili nyang maayos. Nang maicheck ang posisyon ng bawat isa, pinindot ko ang radio-transceiver na nasa tenga ko at nagsalita. "Plakado na, Trigger. Simulan na ang palabas."
That was when Trigger loosen up his act and talked to his fellow businessman in his Roswell way. Nagsimula na ring kumilos ang mga sniper ng gabing ito ngayon. Si Cody na nasa upper deck ay inaannounce kina Katana, Emerald, Duchess at Amber ang spot ng Snipers ng kabilang grupo. We have to advance.
Nang maiayos sila ay dumiretso ako sa ginagawa ko. Kailangan kong hanapin kung may mga nakatagong automatic sensor sa system ng security. Sinimulan ko ang pagfifilter ng recent actions sa history ng bawat devices sa loob ng control room, kailangan ko 'yong i-check para siguraduhing walang magiging sagabal sa partido namin. Kinollect ko lahat ng IP Address ng mga devices at lahat ng pinakamalapit na devices at inilagay sa solong notes. Nang matapos doon ay binuksan ko ang signal na nasa ceiling ng party, gamit 'yon ay nagawa ko namang i-collect ang IP Address ng mga devices na nakapaloob sa party.
Matapos kong gawin 'yon ay sineparate ko ang icons ng IP Address sa dalawang magkaibang screen. Sa kaliwa ay mga devices na nasa control room, nakaflash na din sa toll nito ang recent actions na nakarecord sa history. Sa kanan, mga IP Address ng devices sa buong party. Sinimulan ko nang magbukas ng command prompt gamit ang kaharap kong computer. Nagtype ako ng command at ilang saglit lang, ang nagfofloat ng IP Address ay napalitan ng icons--ipinapakita kung anong klaseng devices ang mga IP Addresses na andoon. Karamihan, phones at laptop.
Ngayon, kailangan kong i-hack ang mga devices. Hell yeah, I do hacking a lot. I always take a peek of everyone's privacy, yes. Haha. Usually, madali lang naman talagang i-hack ang normal users. Lalo na pag wala talagang alam sa deeper section ng safety security at yung surface settings lang ang ginagalaw tulad ng lock screen, password at fingerprints.
Sumandal ako sa inuupuan kong swivel chair nang magsimula ang loading ng paghahack. A few lines of computer codes and hacking a bunch of devices in one is gonna be easy-peasy. In short, I'm currently hacking through the binary system.
Pinaikot ko ang swivel chair dahilan para makita ko ang buong control room. Natural, madilim. Pero malinaw sa paningin ko ang katawan ng tatlong lalaking nakahandusay sa ibaba. They were the ones responsible of the control room. If you're going to ask me if I killed them, hell no. I didn't have to.
Nang iikot ko pabalik ang swivel chair paharap sa mga monitors, napakunot ang noo ko sa takbo ng pangyayari nang makita ang toll ng mga recent action sa mga devices na hinack ko. Hindi ang history ng mga iyon ang umagaw ng pansin ko kundi ang isang icon na hindi ma-read ng computer kung ano. Wala ring toll. It was a plain black lock icon. Why?
[Spectator. Ortos] Nabaling ang atensyon ko sa CCTVs nang marinig ang boses ni Trigger at tinatawag ako sa codename ko. Ortos. Iyon ang isa sa mga codename na ibinigay para sa plano. At base sa nakikita ko, mukhang doon nga kailangang rumekta. Dahil nakatutok na ang baril ng grupo ni Trigger sa kabila at ganoon din ang kabilang grupo sa grupo nila.
Mabilis kong inilapit sa desk ang swivel chair ko at isinara ang lahat ng tabs na hindi kailangan. Izinoom ko ang footage ng bawat miyembro. Nagbukas ako ng tab para sa security system at sinimulang i-trap ang ibang nakahandang miyembro ng kabilang grupo sa fences at kung anumang room naroon sila ngayon.
[Hindi tayo pwedeng pumalpak] Everyone probably heard Trigger. And I am sure everyone think the same way.
I threw a look on the CCTV for the party. Because we are with our parents.
Si Lindsay ang nasa loob ng cruise para siguraduhing hindi makakahalata ang ilan sa magulang namin. Shifting dapat ang orihinal na plano. Papasok si Lindsay, lalabas at may papalit tapos may papalit ulit para hindi sila makahalata. This is a party to begin with. For some reason, some of our parents were invited. We had no choice but to come with them and pretend to don't have anything. Like everyone else, hindi ko masisiguradong hindi nila malalaman ang transaksyon sa likod ng selebrasyon dahil bihasa sila sa ganito.
"Walang magdedetonate ng bomba." Sabi ko. Hangga't walang sumasabog, hindi maaalarma ang nasa loob. Bukod sa maingay sa loob, may silencers ang lahat ng baril sa transaction gaya nang i-check ko.
May dalawampu't apat na bombang isinet sa palibot ng cruise na hindi ang Black Organization ang nagtanim kundi ang kabilang grupo. Si Kayden naman ang gumawa ng paraan para maisaayos ang mga 'yon at ang control ng detonation ay mapunta sa grupo namin.
[Gwapong announcement. Spot 4A-T, Amber at Katanababes!] Boses ni Cody.
[Hindi ba pwedeng isama ng kagandahan ko ang mga gago sa pagpapaputok]
After Amber said that, she and Katana fired their bullets to the snipers of the other group bago pa mauna ang kabila na tumira. Naalarma ang kabilang grupo kaya pinaputukan na rin nila sina Trigger. Doon nagsimulang gumulo ang transaksyon at magkaroon ng putukan. Sinimulan kong magtaas-baba sa ilaw, floor traps at fences na nakaayon sa security system at magiging advantage sa posisyon namin.
"Cody, leave your block. Someone's approaching you. Duchess, your position has been discovered. Kayden, do not detonate a flash bang. They had drugs on the air that would be triggered by smoke." Gaya ng normal kong trabaho, sinimulan kong i-lead ang actions ng bawat isa sa grupo.
Nagulat ako nang magbeep ang isang radio-transmitter sa gilid ko. Tiningnan ko ito at nakita ang finaflash nitong IP Address. Tumingin ako sa screen ng IP Address at nakita ang black lock icon na nagbiblink. Yun yung device na hindi ko alam kung ano at hindi ma-hack sa lakas ng firewall. Binaling ko ulit ang tingin sa mga CCTV Footages at napakunot ang noo ko nang makita ang biglaang pagbublurr nila na para bang nawalan ng signal. Something's wrong.
Nagbukas ako ng command prompt at nag open ng command. Five seconds and a red font-ed line appeared blinking. Just zeros and ones. Now, I'm sure of one thing. Yung black lock icon na di ma-hack ng binary ang isang device. Isang device na tulad ko ay nakikita ang nangyayari sa buong system. Mataas ang posibilad na may transmitter din ang device na 'yon sapat para galawin kahit ang kalahati ng control room. Malabo--hindi, imposibleng ang device na tulad kong nanonood ay galing sa kabilabg grupo. Dahil ngayong inferior ang kabilang grupo sa barilan at superior ang sa amin, wala silang ginagawa para baguhin ang system.
[DUCK!]
Napahawak ako sa desk at napatingin sa kisame nang magkaroon ng malakas na pagyanig kasabay ng sigaw ni Kayden. Fuck! Chineck ko agad ang lahat ng CCTVs at gaya ng inaasahan ay may mga nasira dahil may isang bombang sumabog. Ang mas nakakabadtrip, malapit 'yon sa party kaya nagkaroon na ng panic sa mga guests. To make the situation worse, malinaw kong nakita na nakatunog na ang mga kasama naming magulang. Sina Dad, Mom, Tito Jacob, Tito Kaizer, Tito Vash at Tito Sebastian ay nakapwesto na at may mga dalang baril.
"Bomb on East Wing Party, detonated." With gritted teeth, I announced.
[Motherfucker. Who the fuck detonated the bomb?] Asked Trigger.
[Utol, wengya! Akala ko, nasayo na yung remote controls ng bomba?]
[May galit ka yata sa kagwapuhan ko, Kayden pre. Haha]
Kayden groaned. [Fuckers. I thought there were only 23 bombs. Turns out there are 24. Don't worry, under control yung 23]
[Kayden, we have to worry. Sina Tita!] Boulstridge.
"Yeah. They have been alerted. Ayokong ma-grounded sa gadgets, takte." Inis na sabi ko, iniisip ang magiging reaksyon ni Mom dahil sa transaksyon na 'to.
[Focus on the battlefield, morons] Biglang singit ni Katana. Short ranged combat na ang laban sa pagitan ng mga nasa transaction. Mukhang nagkatapunan ng weapon sa dagat.
[Tervisá] Si Caliber, another code for a plan.
Ako naman, sinimulan kong i-secure ang security para sa escape plan namin. Sinisigurado kong cleared ang way at walang magiging sagabal. Kapansin-pansin pa din ang maya't mayang pagbiblink at pagbublurr ng CCTVs senyales na nanonood pa din ang hindi kilalang partido. Nag-aagawan kami sa signal ng transmitter kaya nagbublurr. But this third party remain not doing anything in the security system. They don't help the other team and they don't do anything to go against ours. Just a mere spectator. And so I paid no attention to the third party.
"Sabi ko na nga ba't dito kita makikita."
I was stiffened upon hearing the voice from behind. Hinawakan ko ang receiver at ibinulong ang pagbabago ng plano bago ako lumingon at nakita si Tito Jacob gaya ng inaasahan ko. Tinanggal na nya ang coat at tanging ang long polo nalang ang suot habang hinihingal na naglalakad papunta sa pwesto ko nang may hawak na baril.
"And I knew you're the person who'd come in a control room during a chaos." Sagot ko.
Tumawa si Tito saka sinilip ang mga monitor na nasa harap ko habang nakarest ang siko sa inuupuan kong swivel chair. Parehas kaming nakatingin doon nang bigla nalang nyang i-pat ang ulo ko.
"Aba't, kuhang kuha mo yata ang diskarte ko? Haha. Naalala ko ang gantong panahon." Nakangiting sabi nya at bigla akong hinampas sa likod ng malakas. "Ge, layas na. Ako na dito. Baka gusto mong magpaliwanag nang mas maaga-aga sa mga magulang mo?" Natatawang sabi nya.
Tumawa din ako saka nagmamadaling magpaalam. I knew he could do more than I. Kinuha ko na ang dalawang baril na nasa tagiliran ko at kinasa ang mga 'yon habang patakbong lumalabas ng control room.
It took me only a matter of minutes before I reached the main hall. Kung saan nagaganap ang party. Mabilis kong iginala ang tingin sa loob para hanapin sina Mom at Dad nang makaramdam ako ng pagkilos mula sa likod ko. I immediately turned with a kick and a jab. But the receiver of my attack managed to counterattack with a defense by his elbow and a punch on my chest. Awtomatiko akong napaatras at napaubo ng dugo sa lakas ng suntok na natanggap ko. Muntikan na akong bumagsak nang may sumalo sa likuran ko.
"Phoenix Strife! Nagkakagulo na nga, sasaktan mo pa ang anak mo, nakuuu!" I heard my Mom's voice from behind me. Sya yung sumalo sa akin.
Ngumiti ang umatake sa akin. Turns out it was my father, Phoenix. Lumapit sya sa akin at hinila ako patayo. May galit yata at malakas akong hinampas sa likod.
"Good attack and alertness, son. Pero hindi pa rin kita palalagpasin kapag may nangyaring hindi maganda sa Mom mo." Dad said.
Pinunasan ko ang dugo sa bibig ko. "Of course, I won't. We won't let that happen." Nginitian ko sya na ginantihan naman nya. "Though, who would thought my first blood tonight would be from my father?" That's when we both chuckled.
Yayayain ko na sana silang umalis nang makita ang batang babae na nakakapit sa laylayan ng damit ni Mom. Mukhang 13 o 14. Nang mapansin ni Mom ang tingin ko ay ipinakilala nya sa 'kin yung babae.
"Ah, nahiwalay daw sya sa magulang nya nang magtakbuhan."
"She's Rica De Leon Sayritan." Pakilala naman ni Dad.
Hindi na kami nagsayang ng oras at tumakbo. Kailangan kong i-lead sina Dad at Mom papunta sa clearing escape route bago ako sumunod sa transaction ng lugar. We were running. Ikinagulat ko nang magsalita si Dad habang hawak ang isang receiver sa tenga nya.
"Lerwick, Boul, Lee, Lampe, kasama na namin si Raven." What the fuck?
"May kutob na silang may transaction kayo, baby nak." Sabi ni Mom habang tumatakbo na kinumpirma ang iniisip ko. Kaya naman pala handa ang mga mokong kong tito.
Sabay-sabay kaming napaatras at tumilapon sa sahig nang biglang sumabog ang dadaanan sana namin. Fuck, that was close. We were all miscounted. Hindi 23 o hindi 24 ang bomba sa cruise kundi 25. Fuckers. Nilingon ko agad si Mom para i-check kung okay lang sya. Sabay pa kami ni Dad na inalalayan syang tumayo. Pero hindi pa sya nakakatayo, may nagpaputok na sa direksyon namin. T*ng *n*.
Sabay kaming napalingon ni Dad sa pinanggalingan no'n at sabay ding nagpaputok. The motherfucker dodged. Nagpaputok si Dad sa kaliwa at nagpaputok naman ako sa kanan. Bull's eye. Nang bumagsak ang g*go ay binuhat na namin patayo si Mom at nagpatuloy sa pagtakbo.
"Here!" Sigaw ko at tumuro sa kaliwa na sinundan naman nila. It's Route 56, the way to our escape route.
A guy on agent outfit suddenly popped and attacked us. No time to shoot. Dad covered Mom and I attacked the attacker. He was with a knife. Nadaplisan ako non sa unang atake nya. Isang mataas na sipa ang ginawa ko kasabay ng pag-ikot. Huli na para umiwas sya. Sinubukan nya akong saksakin na naman. Umiwas ako at nirekta ang pagbali sa leeg nya. Before he finally fall unconscious, nagawa pa ng loko na saksakin ako sa braso. I barely dodged. I groaned from pain.
"BABY NAK!" Mom immediately came near me. My Dad shot the fucker.
Hinawakan ko ang braso ko. Hindi malalim at hindi rekta sa ini-aim nya kaya okay naman. Tumayo ako at inakbayan si Mom.
"I'm fine." Bumuga ako ng hangin saka nagsimulang maglakad.
Nakarating kami sa Route 56. That's when I parted ways with my parents. Si Dad na ang kinausap ko dahil maghihysterical sa pag-aalala na naman si Mom kung sakali.
"Dad, Tito Jacob's currently in the control room. Tell him the escape plan's in CFootage 1B5 and he can lead you. I have to go. Take care of Mom." Paalam ko. Alam kong maiintindihan nya ang sitwasyon lalo pa't minsan na syang napunta na sa ganito.
"Of course, son. Take care." Isang simpleng tango at maliit na ngiti kasabay ng pagtap ang ibinigay nya.
After settling my parents, I wasted no time and ran to the heart of the current transaction. Halos wala nang nagtatakbuhan sa magulong party hall nang dumaan ako kaya mabilis akong nakarating sa mismong transaksyon.
Napayuko pa ako nang pagbukas na pagbukas ko ng pinto palabas ng deck ay bala ang sumalubong sa akin. Bigla nalang may humablot sa akin papunta sa isang gilid. Nakilala ko naman agad at nakita si Amber.
"Pasalamat ka sa kagandahan ko. Hindi ka pa pwedeng mamamatay, g*go. Hindi ka pa nagkakagirlfriend." Monotone na sabi nya at kinasa ang hawak na baril.
"What the fuck?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis pero sa huli ay napailing nalang ako saka nagsimula ring bumaril mula sa tagong pwesto namin. Maya't maya ang yuko at iwas namin ni Amber at mukhang hindi baril ang sakaling ikamamatay ko kundi ang mas maingay pa sa baril na bunganga ni Amber o yung paghampas nya sa likod ko ng magazine kapag hindi nya natatamaan ang target nya.
Pare-parehas kaming nagulat nang biglang bumukas ang sky light ng upper deck at itinutok sa aming lahat na nasa baba. Doon ko nakita kung gaano na kadami ang sugatan at nakahandusay. Fuck, Tito Jacob opened the lights!
[Okay, kids. Dumapa kayo pagbilang kong tatlo] Pare-parehas kaming nagulat nang marinig ang boses ni Tito Jacob sa kabilang linya. Anak ng. Ano pa nga bang maaasahan mo sa isa pang hacker? Hindi mahirap sakanyang pumasok sa signal ng receiver namin.
Natanaw ko ang paghampas ni Trigger ng baril sa ulo ng lalaking katransaksyon nya bago kami dumapa ang lahat ng Black Organization, sinusunod ang bilang ni Tito Jacob.
Pagkadapang-pagkadapa namin ay isang rolling machine gun ang nagpaulan ng bala sa lugar. Kalevel ng mga nakatayo ang mga bala kaya lahat ng nakatayo ay walang nagawa kundi saluhin lahat. Nang tingnan ko ang pinagmumulan ng mga bala sa mga rumaratatat na machine gun ay nakita ko sa East si Katana at Emerald, sa West sina Tito Kaizer at Tito Sebastian at sa South sina Tito Vash at Boulstridge.
Tumagal ang pagpapaulan nila ng bala ng dalawang minuto. Pagkatapos ng dalawang minuto saka lang kami tumayo. Iika at mga pagod na nagtipun-tipon sa gitna kung saan pinakamalakas ang ilaw. Doon ko malinaw na nakita ang sugat ng bawat isa. Masasabi kong okay na ako dahil itong saksak sa braso lang ang natamo ko.
"Baby Calibeeeer! Did you see me ba? I was stunning in machine gun no?" Boses agad ni Emerald ang nangibabaw pagkalapit-lapit namin.
"Wengya, napabilib nyo ang kagwapuhan ko dun ah?" Papuri naman ni Tito Kaizer.
We had no choice but to deal with the leakage of our transaction to our uncles. Agad na sumugod sina Azure at Cody kay Katana para i-check ito. Tinutukan lang sila ni Katana ng baril. Si Trigger naman ay chineck si Lindsay na mukhang isa sa mga damaged dahil nasa loob sya nang may sumabog.
Dahil katabi ko si Amber, nagulat ako nang bigla syang bumagsak. Initial reaction ko ang saluhin sya at napaungol ako sa sakit nang maramdaman ang hapdi sa braso ko. Mukha na syang hilo. May dugo pala sa ulo 'to. Tsk. Bubuhatin ko na sana sya nang bigla ba naman akong hawakan ng mahigpit sa braso, dun pa sa may sugat ako! Ibagsak ko kaya 'to?
"Wag. na. wag. mong. ipapabuhat ang kagandahan ko kay Boul, naiintindihan mo?" Pinanlalakihan nya ako ng mata kahit na hilong-hilo na sya. Ibang klase, mahihimatay na nga lang, si Boul pa din iniisip.
Dun naman lumapit si Lionhart sa amin. Mukha namang pansin nya ang sugat sa braso ko kaya nagkusa na syang kunin sa akin si Amber at buhatin. Dahil don ay sinulyapan ko ang pinsan ko. Pinigilan kong matawa nang makita ang tingin ng mokong kay Amber at Lionhart. Sinamaan tuloy ako ng tingin.
Nag-uusap usap sila do'n nang maglakad ako palayo at kunin ang phone sa bulsa ko. Connected pa rin 'to sa system ng lugar kaya mabilis kong na-access ang ginagawa ni Tito Jacob gamit lang ang phone ko. Ayon sa nakikita ko sa screen ngayon, nanonood pa rin ang third spectator sa amin.
[Alam mong nandon sila, batang Strife?] Narinig ko ang boses ni Tito Jacob sa kabilang linya, pinatutungkulan rin ang pangatlong partido.
"Yeah. And they did not do anything." Sabi ko. Nagclick ako sa phone ko ng pamblock para hindi na mapanood ng ikatlong partido ang nangyayari ngayon. The show's done, spectator. Hinawakan ko ang receiver ko. "By the way, you moved the plan, Tito. Binuksan mo yung sky light kanina." Sabi ko although nakatulong naman talaga 'yon sa team namin.
Tumawa sya. [Anak ng. Mukhang mali ka. May ginawa sila, batang Strife. Machine guns lang ang ginalaw ko. Diskarte ng mga nanood ang pagbubukas non]
The spectator's move?
"Mag-isa ka ah?"
Bigla akong napalingon nang marinig ang boses ni Duchess sa likuran ko. "Not anymore. Nandito ka na eh." Pagbibiro ko na tinawanan naman nya.
"Tara na. Proceed na tayo sa escape route." Sabi nya saka tumalikod at sinundan sina Trigger na papunta na sa escape route dala ang mga cases. Yung western newest ammunition at experimental Science project na dahilan ng transmission na 'to.
Hawak ang dumudugo ko pa ring braso ay sumunod na ako sa kanila. With a thought of wonder about the identity of the spectator during the transaction.
-