10 Steps to Turn a Guy Off

10 Steps to Turn a Guy Off

This is a work of fiction. Names, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distribute or transmitted in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission from the author, except by a reviewer, who may quote brief passages in a review.

Unauthorized public copying is a violation act of applicable laws.

All rights reserved.

2017


CHAPTER ONE

"AHHHH! Ano ba! Ano baaaaa! Pwede ba Stevan?! Pwede ba layuan mo 'kooooo!" Sa sobrang inis ko kay Stevan e nagsisisigaw na ako at nagpapadyak na parang bata kahit na nasa public place kami which happens to be sa restaurant.

Tumawa naman sya ng sobra. Like as if I'm a living joke! Ugh. How could my brother and my Mom do this to me?! If they didn't set a freakin' date for me with this guy, hindi naman magkakatagpo ang landas namin ng kumag na 'to e.

"You know what Ivva? You should actually be happy because you're the lucky girl Stevan Lacson like." Saka sya kumindat.

I rolled my eyes. "The famous drop-dead-gorgeous Stevan Xailo Lacson liked me/you!" Sinabayan ko sya sa sinasabi nya. Sa dalawang linggong pangungulit ni Stevan sa akin ay nasaulo ko na yang 'line' nya na halos araw-araw nya na atang sinasabi sa akin.

"Whoa! Kabisado mo na?" Ngititing-ngiti sya sa akin. Konti nalang siguro e mapupunit na nga yung mukha nya sa lawak ng ngiti nya.

Hindi ko sya sinagot. Inirapan ko lang sya at tumalikod saka dumire-diretso na sa kotse ko. Nagmadali talaga ako nun kasi alam ko, hindi magdadalawang isip si Stevan na sumakay din sa kotse ko. At ayokong mangyari yun! For heaven's sake, hindi ako matahi-tahimik tuwing nandyan sya e. Kaya nung pagsakay ko sa kotse, nilock ko kagad at gaya ng ineexpect ko, humabol sya at balak pa sana nyang pumasok. Just my luck that I was fast enough para masaraduhan sya. In the end, kinatok nalang nya yung bintana. He was saying something and if I would base that to his lips, he was saying something sort of 'Open this. I'llgo with you'. But... isang nakakalokong ngisi lang ang isinagot ko sakanya na sigurado ko namang nakita nya dahil di naman tinted yung car ko. Then poof! Nawala na ako sa harap nya. Pinaharurot ko yung car ko.

Nung mapaharurot ko e nagpakawala ako ng isang ngiting tagumpay. Hayst. He really is a living stress! Pakiramdam ko, pagod na pagod ako mentally this past few days dahil panay ang pangungulit at pagsunod ni Stevan which I find really really weird and annoying.

Nung medyo malayo na ako, tiningnan ko yung pinag-iwanan ko kay Stevan through my car's rear mirror. I frowned when I saw that he was about to ride his silver mercedez benz. I bet, he's going to follow me like what he do this past few days--uh, weeks rather. Ano baaaa! Wala ba syang balak na patahimikin ako?! For heaven's sake, NAKAKAIRITA SYAAAAA!

Ang bilis magpatakbo ni Stevan nun at nung nakita kong malapit na sya sa kin e kung saan-saan na ako naglusot para lang wag nya akong maabutan. Nakihalo na nga ako sa mga kakulay at kaparehas kong sasakyan but.. I frowned when I remember that he knows my plate number.

During these times na naghahabulan--or nagtataguan kami ni Stevan -- which I find as a not so fun game -- naaalala ko si Ivo, ang walanghiyang si Ivo. Paano ba naman, dahil alam nyang Grade School palang ay gusto na ako ng bestfriend nya which happens to be Stevan, ngayong nakauwi na si Stevan from USA, sinabi sakanya ni Mommy at ni Ivo yung address ng condo unit ko!

Ba't ba kasi umuwi pa sa Pinas yung lalaking 'yun?! He's better stucked-up in USA! Saka ano ba naman kasing meron kay Stevan at duh? It's been five years since huli kaming nagkita, nung second year kami, at hanggang ngayon e gusto nya ako? Uggh. Actually, he's quiet fine. He has the looks, the body, the fashion, the popularity, brain and money like what he always say. But for heaven's sake! Hindi ko kayang tagalan ang ugali nya. He was way too bossy, too demanding, too conceited, too irritating, annoying, talkative---UGH! AT HINDI KO SYA GUSTOOO!

Speaking of gusto, is that... OMO! Is that my beloved Gerald? As in, GERALD MUECO?! Shucks! May maganda din naman palang maidudulot ang pagtakas ko mula kay Stevan. Heto, nakita ko lang naman ang taong talagang gusto ko. He's Gerald Mueco. 20 years old. I met him almost four years ago during my 9th Grade in my current school. Kaibigan kasi sya nun ni Ivo. Magkakaklase kaming tatlo nung year na 'yon although di kami ganong close kasi parati naman syang kasama ng circle of friends nya which happens to be all guys kaya di rin ako pinayagan ni Ivo na makaclose sila. Overprotective twin brother kasi. Parehas kami ng school until now but unfortunately, not the same course although marami akong subjects na kaklase ko sya. He took Architecture while I took Engineering. It really is unusual for a girl to be interested with a course which has lots of Mathematical Lessons but I guess, I'm lucky enough to be one of those very few people who are smart in numbers.

Ipinark ko yung car ko sa tapat ng TKQ restaurant kung saan rin ipinark ni Gerald yung kotse nya. Actually, parehas yung name ng restau sa restau kung saan kami galing ni Stevan kanina. Whatever. Bago ako bumaba e syempre, nagretouch muna ako. I wanna be extremely beautiful when it comes to the person I like. Pagpasok ko ng restaurant, madali ko rin naman syang nakita. He was in a table for four with a girl. I frowned at that view. Hmm. Ba't di nalang sila nag table for two? Anyways, that is actually fine and in favor of me. Wait.. The girl looked familiar. Parang nakita ko na sya somewhere.

Kahit na may mas okay namang daanan, I chose to stride where I'm sure na madadaanan ko sila. I act like as if I'm clueless about them dating here. Kunwari, coincidence. Kaya pagtapat ko sakanila e umakto akong kakakita ko palang sakanila.

"Hey! Gerald!" Napalingon naman sa 'kin si Gerald pagtawag ko sakanya.

Ngumiti sya. "Hey, Ivva. Nasaan si Stevan?" Tapos lumingon sya sa likod ko like as if hinahanap si Stevan. I frowned. Gaano na ba karami ang nakakaalam sa nakakabwisit na pagbuntot-buntot sa akin ni Stevan?

"Hindi ko sya kasama." Nakasimangot na sabi ko. Baka isipin pa ni Gerald, nanliligaw sa akin si Stevan, e di hindi na sya mag-attempt diba?

"Huh? But--"

"Can I sit here?" Putol ko sa sinasabi ni Gerald. E kasi naman, ayokong pag-usapan ang walang kwentang lalaki!

Ngumiti naman sya at tumango. Kaya naupo na ako sa upuan na kaharap ng sakanya. Magkatabi kasi sila ni.. nung girl na blonde at mukha pang Maria Clara sa sobrang hinhin. Pag-upo ko, tumawag na ako ng waiter at nag-order ng sarili kong food. Pag alis ng waiter ay nilingon ko si Gerald at yung girl na nakatingin na rin naman pala sa akin.

"Pero magkasama kayo kanina?" Tanong ni Gerald.

"Ahm. Oo." Sagot ko nalang kahit na sa totoo lang, nawiwirduhan ako na alam nyang magkasama kami.

"I think, sya na yun." Biglang sabat nung babaeng katabi ni Gerald at nakatingin sya sa direksyon sa likod ko. Dahilan yun para sabay kami ni Gerald na lingunin ang sinumang paparating at napanganga nalang ako nang makita ang bagong pasok sa restaurant!

He was walking confidently with his sunglasses and a little smirk on his thin kissable lips. He was sweating but gawd! Pakiramdam ko e ang cool ng dating nya habang naglalakad ng nakapamulsa at inikot-ikot sa kabilang kamay nya yung car key tas palingon-lingon sa mga table - which I think, paghahanap nya kung nasaan kami or maybe ako since sinusundan na naman nya ako. Talk about STEVAN LACSON?!

Nang marealize ko 'yon e dali-dali akong nagpaslide pababa ng upuan ko in a way na itinatago ko yung ulo ko from him. But hell! Bigla nalang ngumiti si Gerald at kumaway sabay tawag kay Stevan! Magkakuntsaba ba sila?! How did I forget na magkakakilala silang tatlo nina Ivo? Napapikit nalang ako nun. Praying that he won't come near us which is definitely impossible. Hanggang sa bigla nalang may humalakhak sa right side ko.

"What are you doing there, Ivva?" At doon ako napadilat tas nilingon ko kung sino yung nakatayo sa right side ko. Gaya ng inaasahan kong ayoko naman, nakatayo at nakapamulsa sa isang pants pocket nya si Stevan at ngiting-ngiti sa akin tas medyo nakabend pa sya na parang sinisilip ako na pilit ibinababa ang ulo.

Tsk. Sabi ko nga e nonsense ang pagtatago! Kaya in the end, umayos ako ng upo. Yung may poise saka ko sya tinaasan ng kilay. "I think, I should be the one asking you that." Mataray na sabi ko.

Tumawa ulit sya tapos naupo sya sa vacant seat sa tabi ko! Gawd. Sinamaan ko sya ng tingin pero kinindatan nya lang ako saka sinabing.. "Diba sabi ko, double date? And that was actually with 'em." tapos nilingon nya sina Gerald at yung girl na nasa harap namin.

Nakangiwi nun si Gerald tapos tinanong ako. "Don't tell me, until now, tinatakbuhan mo pa rin si Stevan, Ivva?"

"Okay. Hindi ko yun sasabihin sayo. I'll keep it to myself." nakabusangot na sabi ko na pinagtawanan naman nilang tatlo. I rolled my eyes. "I wasn't kidding!"

"That explains why you are late." Nakangiting sabi ni Gerald kay Stevan.

"Ang totoo nyan, akala ko, yung TKQ Restau na sinasabi mo ay yung nasa tabi ng Magarao Grills. Turns out, may TKQ pa pala dito." Paliwanag naman ni Gerald.

Tumango lang si Gerald then inakbayan nya yung katabi nyang girl. Psh! "By the way, she's Janine., my date. Janine, he's Stevan Xailo and his date, Ivva Laine. My long-time friends." Si Gerald yung nag-introduce.

Ngumiti lang ako kay blonde slash Maria Clara Janine-girl when deep down, I want to take her eyes out, stroke a pen on her tongue, draw on her face using a sharpened knife and lastly, choke her to death. Gawd! I should be the one sitting beside Gerald. Tsssk!

Nag-order na rin silang tatlo. Hindi ko nga alam kung mahihiya ba ako o hindi dahil nauna pala akong umorder which ended up na ako rin yung unang nabigyan ng food. Pero hinintay ko nalang na dumating rin yung food nila before we finally eat. Ang awkward naman na kumain ako while they're still waiting for theirs.

"What's the progress between you?" Nakangiting tanong ni Gerald sa amin.

Ako naman nun e maluluwa ko pa sana yung sinusubo kong pasta. Progress?! Sa amin?! Like.. eeiww! Ugh. I don't want to even think of it! For heaven's sake, with Stevan? Bitch please.

"Hindi nya ako pinapayagang manligaw e." napapakamot naman sa batok na sagot ni Stevan.

Napalingon naman sa akin si Gerald nun nang nakataas yung dalawang kilay nya which is ginawa ko rin like asking him 'what?'. Pero wala naman syang sinabi tas nag-iba nalang rin ng topic. "Sa'n mo balak pumasok, Stevan?"

"Of course to the school where Ivva enrolled."

This time, nabulunan na talaga ako. Ghaaad. Is he---UGH! Hanggang sa School ba naman, wala syang balak na patahimikin ang kaluluwa ko? Inabutan ako ng tubig ni Stevan and he attempted to hold my back but I glared at him and still managed to say 'don't you dare touch me' in whisper.

Natawa naman ng konti si Gerald at Janine sa reaction ko which I actually find not-so-funny. Tapos biglang sumingit yung babae ni Gerald. "Actually, sikat si Ivva sa school, Stevan. She's a Queen Bee! Paano, palaging panalo sa mga contests, beauty pageant or academics. Besides, captain ball din sya ng volleyball."

"You don't really have to tell him. He already know that. Dun sya pumasok during his seventh and eighth grade." I told her in my oh-so-usual bitch tone. Mukha naman syang napahiya which brought a smirk on my lips. Wala lang. Gusto ko lang syang barahin dahil una, ayoko sakanya, pangalawa, date sya ni Gerald at pangatlo, ayoko sakanya.

"Ivva." Stevan called me using his serious tone na parang sinasaway ako.

Nilingon ko naman sya ng naiirita. "What?"

He didn't answer pero nagtiim ang bagang nya which has no effect on me. Ibinalik nya yung tingin kina Gerald--specifically, kay Janine who actually look offended. Nginitian ni Stevan si Janine. Uh, is he taking her side? "I'm planning to take the same course I first took in USA." parang nagsisimula sya ng conversation between Janine to make her at least forget a little 'bout her embarrassment few minutes ago which seems effective when Janine smiled at him and asked.

"Anong course naman?"

And my eyes literally widened as my jaw dropped when Stevan answered her. "Engineering.

Gal! It was the same course I took!

 

 

CHAPTER TWO

"WAAAAAAAAAH!" napabalikwas ako ng tayo nung mag-alarm yung clock ko. I was about to turn it off again when I saw that it is already TEN O'CLOCK!

Tumayo agad ako at kinusot nang kinusot ang mata ko. Nung tingin ko, hindi na ako liliyo-liyo e dumiretso na agad ako sa shower. Binuksan ko na agad yung shower pagtapos na pagtapos kong hubarin ang mga dapat hubarin. Kaya sa sobrang pagmamadali ko, fifteen minutes e natapos na akong maligo. Pero paglabas ko, I realized something. Why do I even bother to rush if I'm already hours late? Kaya naman, pa-easy-easy nalang ako nun.

I had bacon and fried rice for my breakfast. Tapos nag-ayos na rin ako. I applied light make-up which I usually do and pick an off-shoulder blue dress for school. Our School doesn't require uniform for college. Well, at least they don't require us for thrice every week which is Tuesday to Thursday pero first day ng First Sem ngayon so I'm pretty sure, civilian attire is allowed. Naghalf-pony din ako tapos may curl strand sa magkabilang gilid ng mukha ko. Hinablot ko lang yung blue handbag ko and poof, I'm ready to go!

Ngiting-ngiti naman akong lumabas ng Condo unit ko. Ba't nga ba ako nalate ng gising? Well, it was because I'm a party girl! Which also means, I came from a party last night. Inabot ako ng.. uh 1am? kina Lilian - one of my partymates and a close friend of mine. So ayun, late na rin ako nakauwi. Good thing, hinatid ako nung pinsan nyang si.. ahm, Jefferson? Jeffrey? Ugh. Whatever his name is.

Good mood na sana ako buong araw e. Okay na sana e. It is actually possible for me to smile all day long if.. if... AAAAHHH! Pagbaba ko ng condominium building e nanlaki yung mata ko nung nakita ko yung sasakyan ni Stevan na nakapark! Waaaaah! What to do?! What to doooo?!

Nagtago agad ako sa isang wall na katabi lang ng glass door. I don't want to have him around! Kailangan ko na atang lumipat ng condo unit? Feeling ko, hindi ako matatahimik nito e. Nag-isip isip ako ng pwedeng daanan kung saan hindi magkukrus ang landas namin ni Lacson. Ang asim na ng mukha ko nung biglang magvibrate yung hawak kong phone. Tiningnan ko naman kung ano yun. Text message pala. FROM UNKNOWN NUMBER!

From: +639207802942

Bat di ka pumasok? Papunta ako sa unit mo. Sunduin na kita. -SXL

Received: 12:08pm

Napapikit ako sa pagpipigil ng inis. Gaano ba kalakas at karami ang koneksyon nya't malaman ang new number ko? Pangatlong palit ko na 'to ng number pero nalalaman at nalalaman pa rin nya! Nilingon ko ulit ang kinaroroonan ni Stevan at nanlaki ang mata ko nang makitang naglalakad na sya palapit sa condominium. Argh!

Sa sobrang taranta ko, napunta ako sa gilid ng isang trashbin na nasa main sala ng condominium. Umupo ako doon. Bale napapagitnaan ako ng trash bin at sofa. Siksik na siksik talaga ako sa sarili ko wishing that he would just pass by. Teka nga, ba't ba hindi ko nalang sya itext na nakaalis na ako?! Tsk. Masyado kasi akong nagpapanic eh! Inopen ko yung phone. Magtetext nga sana ako kaso... ang lapit na madaanan ni Stevan yung pwesto ko! So I ended up folding myself at the corner. I closed my eyes and waited for him to pass by. Not breathing. Not moving.

"Pffft. What kind of a sick joke is that, Ivva?"

Sa gulat ko e automatic akong napadilat at napasigaw pero bigla nyang tinakpan agad yung bibig ko kaso kinagat ko agad yung kamay nya kaya napa 'aw!' naman sya tas inalis yung kamay nya. He glared at me and asked if what was that for pero sinamaan ko lang rin sya ng tingin. He didn't say anything. Tumayo ako mula sa pwesto ko. I regain my poise and raise an eyebrow then asked him.

"How did you get my number?"

"Your brother?"

"Why are you here?"

"To pick you up."

"Do you think I'll even go with you, jerk?"

"Uh, no?"

"E ba't ka pa pumunta?!"

"Because I'm sure you don't have any choice but to go with me."

"Wow! Confident much, Mr. Lacson?"

"In the name of love, Miss soon-to-be-mine." ngumiti pa sya ng pagkatamis-tamis like as if nakakainlab sya. Oh I wanna vomit! Korni.

I rolled my eyes. "Fuck off, Stevan. I don't like you and you know that." Tapos nilagpasan ko sya at lalakad na papalabas ng building.

"Hey! You're not allowed to cuss!" Narinig ko pang sigaw nya tapos sumunod sya sa akin at sinabayan ako sa paglalakad. Nasabi ko na bang ang haba ng legs nya dahil six footer sya which means, maaabutan at maaabutan nya ako?! "Mas nakakainlove ka pag nagsusungit, Ivva." Sabi nya tapos kinindatan ako.

Inirapan ko lang sya. Dumiretso ako sa parking lot. Hinanap ko yung car ko but for heaven's freakin' sake! Nasaan ang mercedez benz ko?! Inikot ko ng tatlong ulit pa yung parking area but heeeeeck! Wala talaga dito yung sasakyan ko. Naalala ko naman yung sagot ni Stevan kanina na no choice ako kundi sumabay sakanya. Nilingon ko sya na katabi ko lang na naka-half smile at sinamaan ko sya ng tingin.

"You!" dinuro ko sya. "Pakana mo 'to 'di ba?! Where's my car?!" inis na sigaw ko sakanya.

Lumingon naman sya sa akin na naka-half smile pa rin habang nakapamulsa. "What?" Nagmaang-maangan pa syaaa!

"Anong ginawa mo sa sasakyan ko?! Ilabas mo yun, Stevan!" Inis na inis kong sigaw sakanya to the point na gusto ko syang paluin gamit ang Chanel bag ko but he doesn't even deserve to be hit by a precious bag of mine!

Tinaas naman nya yung dalawang kamay nya like as if sumusurrender. "Whoa. I'm innocent. Sumabay ka na sa akin papuntang school." He glanced at his wrist watch. "It's already 12:40. We gotta go."

I glared at him. "This is your plan, isn't it?!" I accused him.

"I told ya, Ivva. I'm innocent. So I'm probably out of it." Pangiti-ngiti pa sya tapos tumalikod na sya sa akin ng nakapamulsa. "I'll wait you outside. Alam ko namang hindi ka marunong magcommute."

Pero bago pa man sya makalakad e sinigawan ko na naman sya. Nakakainis talaga sya! That car is so important! That was the last gift I received from my grand father before he died and I swear, among all the gifts I have ever received, that one was the most important.

"Are you this desperate?!" Napahinto sya nun na parang natigilan. Pero hindi sya lumingon. "Ganyan ka ba talaga kadesperado, Stevan?! Pati yung walang muwang kong sasakyan e dinadamay mo! Jerk! Mas mahalaga pa yun sayo! And to tell you honestly, whatever kind of set ups pa ang gawin mo, I'll never be inlove with you!" hingal na hingal ako nung masabi ko lahat 'yun. Ugh! Those are also words that I badly wanna spit right on his face para matauhan syang wala talaga syang pag-asa sa akin pero hesitant ako before dahil may puso pa naman ako. But not this time that I'm totally pissed off!

Ilang seconds din kaming tahimik nun tapos kahit nakatalikod sya sa akin, nakita ko yung pagyuko nya at bahagyang pag-iling then parang medyo natawa pa sya. Pero humarap din naman sya in the end. Sobrang seryoso nga nya nun at hindi ko talaga alam kung anong iniisip nya at nararamdaman nya. And I don't even bother to think about it dahil nangingibabaw ang inis ko!

Tumitig sya sa akin for - I think - 5 seconds before he say, "I picked you up last night from your friend's party. That Jeffrey-guy was supposed to bring you home pero sabi mo nung tawagan mo ko, binastos ka nya on the way at iba na ang dinaraanan nyo. So I looked for you and take you from him. You were so scared that you left all your stuffs at your car excluding your handbag and just entered mine. If you'd ask where you left your car, it was in the Eastwood, Aguinaldo Street." Tapos tumalikod na sya. "I'll wait you outside. Although I would understand if you're still going to take the public transportation."

Natahimik ako. I had an instant flashback from last night and.. he was right.. I suddenly felt guilt from what I've said although all of those were true. Nasabi ko nga lang in a harsh way. Stupid mouth! Words really travel faster than mind.I stared at his back. Akala ko, aalis na sya pero nagsalita pa ulit sya habang naglalakad palayo.

"And, maybe, I really am desperate to be love back by someone I love for quiet a long time."

×××

I had a very silent ride with Stevan. No one attempted to start a conversation. Maybe he's mad. Nakokonsensya ako na ang harsh ko pero hindi naman ako nakaramdam ng pagsisisi na nasabi ko nga yun. Totoo naman yun e.

No'ng pag-alis nya sa parking area, hindi pa ko sigurado kung sasakay ba ako sakanya after what I said or just take the public vehicle but if I would, baka mabudol pa ako since I never tried to commute. Hanggang sa makalabas ako ng parking lot na andun pa rin si Stevan sa labas ng BMW nya at mukhang hinihintay ako. He was so serious that I didn't have an idea of what's going on in his mind. Nung nakita nga nya ako, hindi sya nagsalita pero binuksan nya yung passenger seat and I didn't refuse na din naman.

"LQ?" Napalingon ako kay Gerald nung nagtanong sya tapos sumulyap sya kay Stevan na nakaupo sa unahan.

"We're not lovers to begin with." Sagot ko sakanya tapos umirap ako. Ugh. I never even think of that!

Tumawa lang sya which is something na di ko na rin naman pinansin pa dahil dumating na yung Teacher namin. First day naman kaya puro orientation lang which is really boring dahil paulit-ulit lang naman at halos magkakaparehas lang yung sinabi nila.

Pagtapos naman nung subject ko, lumabas na ako ng room. One hour pa bago next subject ko kaya plano ko nalang na tumambay sa cafeteria. Hindi naman rin vacant yung friends ko. Not Lilian and not even, Valerie. Pero nagulat ako nung paglabas ko ng room, may tumayong lalaki sa bench at lumapit sa akin. It was Jeffrey. Napaatras pa ako nung konti nalang lapit nya sa akin so he stepped back. Of course, I would be no longer comfortable around him after he act as one of those pervert bastard just last night! I don't even think I'll be able to talk to him. For Heaven's sake, he just attempted to rape me! Geez. Just my luck that I was still able to call Stevan.

He said sorry and when he was about to explain, bigla namang may umakbay sa akin and when I look who it was, si Stevan. Ang angas ng tingin nya kay Jeffrey nun kaya parang naging hesitant nun si Jeffrey na sabihin ang kung anumang sasabihin nya at tuluyan na nga syang nagback out nang sabihin ni Stevan na, 'Limang segundo. Uupakan kita dito mismo'. Gawd! I don't know if I would feel relief when he left. But at least, I know I'm more safe with Stevan.

Pag alis ni Jeffrey, tiningala ko sya at tinaasan ng kilay. "I thought, you already quit about your unrequited love over me?" And smirked.

He smirked back. "Says who? Didn't I just confess about being desperate over you?"

UGH! I thought, I already got rid of him!

"What do you want?" Nakangiting tanong ni Stevan nung makaupo ako sa upuan namin sa isang table sa cafeteria.

I rolled my eyes. "Totally get rid of you." I told him using a mere cold tone.

Napakamot naman sya ng ulo at bahagyang natawa. But he didn't look even a bit affected! Gawd. How toturn him off?! "I mean, food to eat?"

I crossed my arms. "I won't eat with you. Ba't ba hindi mo nalang ako iwan? Hindi mo ba pansing naiirita na talaga ako sayo at never akong natuwa?" Inis na inis na ako pero ngumiti lang sya at ginulo ang buhok ko saka dumiretso sa counter! UGGGH!

Pagbalik naman nya, may dala na syang kung anu-anong pagkain. Ang dami nga e. Sa totoo lang, natakam ako sa french fries. I love french fries! But nooo! Resist the temptation, Ivva! Resist the temptation! Remember, you're with Stevan, not with Gerald, not with Justin or even Nick, okay?

"Pangangatawanan mo ba talaga ang hindi pagkain kasama ko?" Natatawa-tawang sabi ni Stevan saka isinubo ang malaking burger.

I glared at him and said, "Yes."

He shrugged and started eating as hard as he could! Ugh. Nakacross arms lang ako at masamang tingin ang ipinupukol sa kanya. I don't know what he's up to. Why did he drag me here in the very first place? Uh, yeah right, His 'I wanna be with you' was the perfect explanation. But me? What about me? I don't wanna be with him! Ilang beses akong nagkumawala sakanya pero hindi ko naman magawang tapatan ang lakas nya. What's the point of trying, right? But.. kumakain sya ngayon. Maybe, this is a chance? So I snatched my handbag, uncross my legs so as my arms, kind of flip my hair then stood up. I didn't say anything. Silently hoping he won't notice me but hell, he did! Hinawakan nya ako sa braso right after I took one step.

"And where---"

"I'm going to leave." Mariin kong sabi sakanya.

"No. You can't." inangat nya ang tingin sa akin at ngumiti. "You wouldn't like to miss the thing after a few minutes."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. The thing I wouldn't like to miss? Oh, please. I like to miss everything that is affiliated with him! Kaya naman winaksi ko ang kamay ko sakanya at hinawing muli ang buhok ko at naglakad palayo without saying something.

Pero mabilis syang tumayo at humarang sa akin kasama ng palad nyang kanyang isinishake. "No no no, lady! You can't go yet."

Maarte kong hinawi ang side-curly strands of hair ko kasabay ng pag-irap pero muli kong ibinalik sakanya ang tingin. "Oh please, Stevan! Can't you just please shut your mouth, take your seat right at your oh-so freakin' throne and eat until I ask my Rogelio's to finally hang you in a tree branch infront of our Mansion so that I would never have to deal with you again?"

Ngumiti naman sya. "Whoa. You're such a brutal lover, my lady. Can't you just sit right infront of me as if we're on such a romantic date then I'll give you food which you're going to eat in peace with me?"

Tinulak ko sya sa dibdib. But man! He's way too strong to don't even move a bit. "There's no any romantic with you, Mr. Lacson. Now, let me leave because---" naputol ang sasabihin ko nang bigla nya akong akbayan. Akbay in a way na ayaw nya kong patakasin. "Hey!" At siniko ko sya.

He said 'aw' but that was it. Parang wala lang sakanya. Instead, he get something in his pocket and raise it up to make me see whatever that is. He smirked. "I don't have any choice but to use handcuff then." Oh no! He's not going to do what I'm thinking he would, right? RIGHT?!

Malakas ko syang tinulak saka iniling-iling ang ulo ko kasabay ng kamay ko. "No no no! Fine. Fine. I'll sit with you here. We won't fight. We will eat. But no handcuffs. No to handcuffs!" Ugh. Pwede bang patamaan ng kidlat ang taong ito?

He just chuckled and finally sat where his chair is. So do I--but of course, hindi bukal sa loob. Kung ipoposas nya kami, then dude! I'm going to be totally trapped with him! Saan ba naman kasi sya nakakuha ng posas?! Kung sinumang poncio pilato ang nagbigay sakanya ng posas ay bibitayin ko. Ghaaad.

"Diba sabi mo kakain ka?" Sabi nya nang mapansin nyang hindi naman ako nagalaw sa pwesto ko at sya lang itong lamon ng lamon. Magmumukha na nga akong estatwa dito e.

"I've changed my mind. I'll sit here with you but hindi ako kakain. I ain't hungry."

Pero nagulat ako nang kumuha sya ng fries at isubo 'yon sa bibig ko then ngumiti sya. "Masarap diba?"

Naangat ko naman ang isang sulok ng labi ko at hinampas sya ng purse ko. "I don't like anything from you, okay?! Quit!" I hissed. Ano ba talagang problema nya?!

Pero ang mokong ay masyadong maluwang ang turnilyo sa utak. Isang tinidor naman ng spaghetti ang kinuha nya at talagang pinagpilitan naman nyang isubo sa kin 'yon! I tried to refuse but as I've said, babae ako at lalaki sya. He's probably stronger than me. In the end, naisubo nga nya sa akin yung isang tinidor ng spaghetti but kalat-kalat naman yung sauce sa gilid ng lips ko! Tinawanan pa nya ako at sinabing gusto ko raw bang ipalinis sakanya yun gamit ang halik. Ugggh! Heck. Kill him now, please.

Sinamaan ko nga sya ng tingin nun so he ended up telling me to freakin' chill out. Pero nakatitig pa rin ako sakanya ng masama nun. Not moving. Hindi ba sya naiintimidate?! Kaasar. But then, kumuha sya ng tissue at lumapit sa akin saka nya 'yon dahan-dahang ipinunas sa labi ko saka ngumiti ng hindi kita yung teeth. Cliche na, corny pa! Kukunin ko na sana sakanya ng pabalang yung tissue but then, biglang may nagsalita sa kanan ko nung saktong hawak ko na yung kamay nya ng ubod ng diin!

"Whoa. Mukhang nagkakamabutihan na kayo ah?"

Sabay kaming napalingon ni Stevan sa nagsalita at napabitaw ako bigla sa tissue nang makitang si Gerald ang nagsalita. And he was not alone. Kasama nya si Ivo, Justin and Nick.

"It's not what you think it is." Mabilis na sabi ko pero nagtawanan sila, nakipagbatian kay Stevan and they all sit with Stevan and I. Okay? Talk about jerks's reunion? Wait. Exception si Gerald dun. Only the four guys are deserving to the 'jerk' title. They were my classmates during my high school days and I do know how they bully students and make girls cry before. Isn't that an enough reason to call 'em jerk? Good thing, kambal ako ni Ivo, kung hindi, baka isa na ako sa mga biktima nila.

But wait, is this what Stevan saying that I couldn't miss? Be with Gerald without his bitch? I smiled at that thought. Alright. He earned one good point on me. And that good point wouldn't be waste! Kaya pinaupo ko si Gerald sa tabi ko. Hindi naman sya tumanggi. Oh maaan! I can smile all day long!

Kaya pala ang daming order ni Stevan. Akala ko likas na masiba lang sya e. Possible naman 'yon. Oh well. Ako, ang kinuha ko lang ay yung fries. I can't lose poise when there's a Gerald Mueco around.

Nakipag-usap din saglit sa 'kin sina Justin at Nick. Kahit naman bully sila noon, di naman maipagkakailang medyo naging kaibigan ko rin sila. Paano ba namang hindi e isang row, kaming anim lang?! I mean, simula grade school, kaming anim talaga ang magsi-seatmate sa isang row simply because of our surnames. Kamalas-malasan pa ngang seatmate ko si Stevan nun. Basta ang tanda ko, una si Nick then si Justin then si Gerald tapos si Stevan. At dahil Lacson sya't Montesa kami, sunod sakanya si Ivo pero dahil alam nila na crush na 'ko ni Stevan eversince our paths crossed, imbes na si Ivo at Stevan ang seatmates, ayun, napagitnaan nila ako. Besides, wala kasi akong kaibigan since then. Simply because I'm maldita. Pssh.

Nagkwentuhan lang naman sila and I stayed quiet while eating my fries. I'm comfortable having my own world while they're talking. Minsan ay kinakausap ako ni Gerald but more on, dun sila sa pinag-uusapan nilang hindi ko maintidihan. Uh, boys talk? Wala naman akong paki kung di ko sila maintindihan e.

As long as katabi ko si Gerald. Ang bango nga nya e. Ako kaya? What do I smell? Akmang aamuyin ko pa sana ng pasimple yung sarili ko nun kaso naman, sinabihan na nila ako na malapit na raw matapos yung vacant time ko at kailangan ko nang umalis. And if you're going to ask me how they knew it, Stevan Lacson is the best answer. Parehas kami ng course diba?! Malamang parehas din kami sa lahat ng schedule. Si Gerald, hindi naman sya sumabay sa amin. Pa'no, susunduin raw nya yung babae nya. Sus. Pagbuhulin ko pa sila e.

Nauna--or nagpatiuna na akong umalis sa table namin at nagpaalam. As I've expected, sumunod agad sa akin si Stevan. And here we go again! He kept on insisting to bring my bag for me. Like.. duh? Kayang kaya kong dalhin ang bag ko! Tapos habang naglalakad pa kami e panay ang salita nya. I didn't really pay attention but it was sort of something connected with our university basketball team. I think he was saying he had the chance to be with them in a game. Whatever, I ain't even sure.

Nasa hallway na kami sa unang floor ng building namin. Naiirita talaga ako sakanya at sa boses nya but I remained silent. Ayoko nang makipag-argue tungkol sa walang tigil na pagdaldal nya dahil malamang ay mas lalo lang akong maaasar sakanya at ma-late pa kami. Umakyat na ako sa stair pataas. I don't really like taking the stairs but elevators are unfortunately dealing with something I don't know. Basta ang alam ko, may sira at hindi magamit. No need to elaborate right?

Yung hagdan nitong building ay nasa pinakagilid which is kind of unfair dahil hassle sa mga students na nasa kabilang dulo. Basta nasa pinakagilid at paikot pa. Ang kaliwang side ay pader that separates the stair from a room then dito sa kaliwa ay glass wall. Kaya yung mga naakyat na students, makikita nila yung nasa labas dahil transparent at yung heart-shaped na pure bermuda grass ang nando'n na may tatlong bench which were separated by bamboo trees.

Habang umaakyat ako napalingon ako do'n. Which is something I should have not done. I was stiffened right at that moment while looking at them. Para akong nanigas do'n sa pwesto ko as if I don't have the capacity to take another step up and shift my gaze. God, my heart hurts. I.. I'm so in love with this guy to feel this way. Gerald.. was kissing Janine torridly. They are actually almost making out.

"Honestly, I already expect they would choose me since----"

"CAN'T YOU JUST SHUT UP?!" yun yung sinigaw ko kay Stevan nung nilingon ko sya dahil daldal pa rin sya ng daldal. Naiinis na nga ako, dadagdag pa sya.

I think, natigilan din sya dun. I don't have idea if it was because of the sudden raise of my voice or it was because of my sudden expression. But I'm kind of relieved when he talked because if he didn't, I don't think I'd have the capacity to shift my gaze.

Stevan and I stared at each other for a few seconds after I bursted out a really loud shout. He was just staring at me with his serious look then dahan dahan nyang binaling ang tingin sa kung saan ako nakatingin kanina. Oh crap! Now, I'm ashamed. Nakita pa nya na mukha akong tanga!

I decided to turn my back at him and hurriedly step up. I think, I have to act normal. Normal as if that scenario I've seen didn't affect me. Napahawak ako sa diddib ko habang umaakyat. Oh man, it hurts. How would I act normal? Ramdam ko ang pag iinit ng mata ko and I definitely know what's that for. I won't cry when there's someone around. I never would.

Nagpatuloy ako sa pag-akyat pataas while holding ny chest that hurts. Hanggang sa sumabay sa pag akyat ko si Stevan. I didn't mind him and kept my focus on maintaining my composure while he's quietly staring at me. But then, naglabas sya ng puting panyo saka iyon inilahad sa harap ko. Natigilan ako't napahinto. I-I.. I didn't really expect that. Dahan dahan ko syang nilingon and he just smiled slightly with eyes full of understanding as if saying he wouldn't mind if I cry because it's okay.

And that was when a pair of tears fell from my eyes. Heck..

 

 

CHAPTER THREE

  "Heeeey!"

Ang ingay talaga ni Lilian. The moment she sit with Valerie and I, hindi na natigil yung pagbuka ng bunganga nya kadadaldal. Geez, I rolled my eyes and ate another piece of pizza. Lahat ng kalapit na table ay napapalingon sa amin and to think na nasa gitnang part kami ng cafeteria. Great.

"---Gerald and Janine are officially in a relationship!"

Cough. Cough.

"Uy, okay ka lang, Ivva?"

Nabulunan akong talaga nang malakas na sabihin yon ni Lilian. Iyon lang ata ang nagpalaki ng tenga ko sa lahat ng sinasabi nya. Inabutan naman ako ni Valerie ng isang baso ng tubig which I immediately drink then I glared at her using my bitch look. "Did I look okay?!" Okay, I think I'm exaggerating.

"Aba, ikaw na nga 'tong tinulungan ni Valerie, ikaw pa 'tong galit? Gusto mong subuan pa kita ng bato?" And that was Lilian of course. Magka-wavelength talaga ata kami sa bitchyness.

I rolled my eyes but didn't answer. Tama naman kasi sya. Napabuntong hininga ako. So, they are already in a relationship? Gawd. Is it a 'game over' on my part? No freakin' way. Sa lahat ng idinaldal ni Lilian sa tatlumpung minutong pagtambay namin sa Cafeteria, iyon lang ang umagaw ng atensyon ko dahil iyon lang naman ang may saysay. Ewan ko ba kay Valerie kung paano nyang natatagalan ang mala-machine gun na bunganga ni Lilian. Well, I guess, kung paano syang nakakasurvive sa kamalditahan ko, ganoon lang din sya nakakasurivive sa mga dakdak ni Lilian sakanya. In short, I don't know kung paano syang nakatagal sa aming dalawa ni Lilian sa loob ng walong taong pagkakaibigan naming tatlo.

The rest of the day was all normal. It went well. Okay naman lahat except of one thing--nah, scratch that, of one person pala. Hindi ako pinapatahimik ni Stevan sa upuan namin! Kung itatanong nyo ang nangyari last week when he gave me a hanky, ghad, I don't want to reminisce but napaiyak talaga ako. I took his hanky but continued stepping up. But then, sya pa rin yung lalaking ayaw ko. Ghad. He's sooo talkative for a guy. Sing daldal ata nya si Lilian, it's just that, puro tsismis ang dinadakdak ni Lilian. Pero madaldal pa rin si Stevan to the point that he's annoying. Kung pwede nga lang syang upakan, ginawa ko na e. Hindi matahi-tahimik yung bunganga nya sa pang-aasar. Lahat ng ginagawa ko e pinupuna nya. NAKAKAIRITA! Kaya nga sobrang tuwa ko nalang nung uwian na. Kaya lang, may asungot nga palang susunud-sunod sa akin buong maghapon. Talk about Stevan Lacson?

"I won't think twice para sipain ka sa ayaw mong sipain ka, Stevan." Matalim ang tingin kong sabi sakanya dahil kanina pa sya humaharang sa daanan ko. Liliko ako sa kanan, liliko din sya. Liliko ako sa kaliwa, kakaliwa din sya. Bwisit!

"Ba't ba ayaw mo nalang kasing magpahatid sa 'kin?" Tanong nya.

"Dahil ayoko nga sa iyo! Hindi mo ba maintindihan 'yon?!"

"Pero gusto kita." Nakangiti pa sya nun. "I mean, mahal kita."

I rolled my eyes. "Forget it. I would never requite that freakin' stupidity of yours."

"Geez. Girls are girls. Yeah, yeah." Sabi nya na parang sarili ang kinakausap then nagpamulsa at tumingin sa akin ng may slight smirk. "Don't you remember something?" tinaas baba nya yung kilay nya. "Hm?"

Kinunot ko naman yung noo ko. "Remember what thing?"

Ngumiti sya ng nakakaloko. "You don't have your car. It was stuck up in the Eastwood, ayt?"

Shucks. Oo nga pala! Ilang araw na yun ah? Si Ivo naman kasi ang naghahatid sa akin at sumusundo e. Stupid, Ivva. How coud I forget that?! I glared at Stevan even more--well, if that is possible. Inangat ko ang sulok ng labi ko. "And just because of that, tingin mo, sasama na ako sayo? Dream on, jerk! I have a brother!" At dahil nga nakapamulsa sya nun e nagawa ko syang lagpasan. Tumakbo na nga ako nun e. But not fast as you think. Talk about women heels? In the end, naabutan lang rin ako ni Stevan. And worse is, inabutan nya ako gamit ang paglalakad! Am I that bad in running? But at least, nasa harap na kami ni Ivo at ng kotse nya nun nung inabutan nga nya ako.

"Ivo!" Humawak pa ako nun sa braso ni Ivo. Yung matindi para di ako magawang hilahin ni Stevan.

Nagtaka naman nun sa 'kin si Ivo. Kunot noo nga sya e. "Hey, what's the thing?"

"Drive me home." sabi ko.

Then biglang dumating si Stevan na chill na chill lang habang nakapamulsa. Crap! Nakipagfist bump sya kay Ivo at sinabing, "I was actually trying to ask her to drive her home but she keep on refusing. Why is your sister so cruel, bro?" Tanong ni Stevan na gumamit ng boses na parang batang nalulungkot.

"No! You're not going to give me to him, brother!" Oh-kay? Am I being hysterical here?

Natawa silang dalawa at bigla nalang akong hinawakan ni Ivo sa magkabilang balikat and lead me to the car beside him which I assume as his new. Wow! He's such a savior! Kaya naman ngiting-ngiti ako nun until... si Stevan ang sumakay sa driver's seat! Holy mother nature! What in the world is this?!

"What are you doing here, jerk?!" inis na sigaw ko sakanya.

But then, ngingiti-ngiti lang sya nun nang biglang may kumatok sa bintana sa side ko at paglingon ko nun e nakita ko si Ivo. Grr! Can I choke my twin to death? I badly wanna do that! Paano ko ba nakalimutang eversince e partner-in-crime na sila especially when trapping me to Stevan? I glared at him. He mouthed, "Goodbye, sis." Then winked. Sinubukan kong buksan yung pinto but it was locked. Sinipa-sipa ko na nga sa sobrang inis ko kaya tawa ng tawa si Ivo at Stevan hanggang sa makaandar na yung kotse.

"AAAAAAHHHH! WAAAAAAAAH!" sigaw ako ng sigaw sa sasakyan kahit na naandar na kami. Naiinis kasi ako kaya nagpapadyak-padyak pa ako kasabay ng kamay ko.

"Ano ba, Ivva? Nakakatililing yung ginagawa mong pagsigaw-sigaw. Stop, will you?" Sabi ni Stevan habang nagmamaneho at halata nga sa hitsura nya na iritado na sya.

"You don't want to be irritated? Then stop the car and leave me behind!" Sigaw ko.

"You know I can't do that, my Ivva." ngumiti pa sya. Eww! Who said I'm his?

"Jerk! AAAAAHHHH!" At nagpapadyak akong muli.

Nagulat nalang ako nang malakas nyang ipreno ang sasakyan kasabay ng pagliko sa tabi ng kalsada. Napa 'Ouch!' pa nga ako dahil ang lakas ng impact. Buti na nga lang at nakaseatbelt ako kundi baka tumilapon nalang ako bigla.

Nilingon ko sya at binigyan ng matalim na tingin. "What was that for, jerk?!" Inis na sigaw ko.

Lumingon sya sa akin using a mere serious look. Oh my, is he already pissed off? "I'm not gonna rape you so there's no reason to shout as fuck, Ivva. I can tolerate all the kind of stupidity but noise in a small crammed space is not tolerable. Now, shut your mouth until we get home before I give you an understanding reason why you should shout from the top of your lungs." Dire-diretso nyang sinabi iyon saka walang sabi-sabing pinaandar nang muli ang sasakyan.

Isa iyong sapat na dahilan para sa akin upang hindi na muling tumili. Pssh. Not a good reason, though. Sino ba namang hindi mathe-threaten kung sasabihin ng taong kasama mo na manahimik ka bago ka nya bigyan ng mahusay na rason para tumili? So I ended up silently casting different curses under my breath. Then, finally, nakarating din kami sa condo ko. Lalabas na nga sana ako ng kotse nya but then, he spoke.

"Give me your car key."

Napalingon ako bigla sakanya. "And why would I?" Taas-kilay kong tanong.

"I'll fetch your car." Sagot naman nya.

"I'll go with you."

Sumama ang mukha nya. "No. It is already 8pm." It is just 8pm! But then, hindi na rin ako nakipagtalo pa. Gusto ko na rin namang magpahinga. So binigay ko na nga lang yung susi at dumiretso na sa unit ko. Pagdating ko nga, diretso shower na ako para makatulog na rin. Antok na antok pa rin talaga ako kahit na late na ako nagising kaya ayun, pagsalampak ko sa kama ko, papikit-pikit na ako.

I badly wanna sleep. And I was on the verge of falling asleep when my phone rang. Inis na inis pa akong hinablot sa bedside table ko yung handbag ko at nakapikit na hinalukay do'n yung phone ko. And because Ivva's mad, I didn't bother looking who's the freakin' caller. Sinagot ko nalang ng isang iritableng 'WHAT?!'

Two seconds. Five seconds. Ten seconds. Wala pa ring nagsasalita! Peste. Ano? Nang asar lang?! Kaya naman nagsalita ulit ako sa tonong naiinis. "Hoy kung sino ka man na dakilang istorbo sa pagtulog ko, kung wala kang sasabihing importan---"

"Pft. Ivva.." natigilan ako nang tawagin ako ng nasa kabilang linya. Titingnan ko sana kung sino yung caller dahil di ko kilala yung boses pero pamilyar at nagsalita ulit sya. "Just wanna say.. goodnight." Goodnight? He again paused for four or five seconds. He sighed as if he was so sad and trying to get ready for what he's going to say. Akala ko wala na syang sasabihin dahil wala na akong marinig na kahit ano kaya naman nilayo ko na ang phone ko para sana i-end pero saka naman sya nagsalitang muli.

"I love you."

And that was when the call ended.

I held my breathe when I heard his last words. His voice was so calm and full of emotions and he just sounds simply.. sincere. Nang marinig ko ang ending tone, marahan kong nilayo ang phone sa tenga ko at napahawak sa dibdib ko. There was a sudden change of beat in my heart when he said the last three words. Who was that? Marahan kong inangat ang phone na nasa dibdib ko at tiningnan ang screen para malaman kung sinong tumawag.

It was Stevan.

 

 

CHAPTER FOUR

Napangiti ako habang nakatingin sa sarili ko gamit ang full-body mirror ng condo ko. Okay, I'm so pretty with our school uniform. Umikot-ikot pa ako sa harap ng salamin for times and when I was finally satisfied, kinuha ko na ang aking Louie Vitton at umalis na sa unit ko.

Habang naglalakad ako papalabas ng building ay nagvibrate naman ang phone ko. Bubuksan ko na sana ang message only to see that it was Stevan's number. Ang totoo ay walang pangalan ang number nya sa phonebook ko at hindi rin ako nag aabalang buksan man lang ang mga messages nya. Ano nga ba namang kalokohan ang pwedeng sabihin ni Stevan? Anu-ano man 'yon, sigurado lang akong maiinis ako kaya hindi ko nalang sya pinag-aaksayahan ng oras.

One month na rin mula nang magsimula yung school year. It was quiet fine of course pwera lang kay Stevan. Palagi pa rin nya akong binubwisit. Tatabi ako kay Gerald, tatabi sya sa akin. Hell. Mabuti nalang at hindi na nya ako pinipilit ihatid sundo. Nawawala nalang kasi sya bigla tuwing dismissal at madalas namang late tuwing first period. Anyways, wala naman akong pakialam e. Because that is a blessing!

Okay naman yung first period e. Except for one person. Naiinis talaga ako. Pa'no, kaklase ko sa subject na 'to si Janine--Gerald's bitch. Tuloy, ang seating arrangement namin ay Janine then Gerald then me then Stevan. What a wonderful picture! Geez. Hindi ko nga lang magawang tarayan si Janine dahil ayoko namang ma-turn off sa akin si Gerald.

"Ivva, may ballpen ka?" Narinig kong tanong ng asungot sa kaliwa ko.

"Wala." Monotone na sabi ko.

"E ano pala yang blue, black, black and pink na nasa desk mo?"

Nilingon ko naman sya ng naiinis. "Nakita mo naman ng ballpen diba?"

"Oh e ba't sabi mo wala?"

"Oh e ba't kasi nagtanong ka pa kung nakita mo na rin naman pala?"

"Uyyy, ang love birds, naglalambingan."

Napalingon naman ako sa sumingit at napataas ang kilay ko ng bonggang bongga nang makita si Janine. Gusto ko pa nga sanang ngumiti na umalis pala si Gerald. "At kelan pa tayo naging close, aber?" Mataray na tanong ko. Para naman syang napahiya. Nagsmirk ako. "Next time, katok katok muna sa usapan ng may usapan okay? Hindi ka naman kasali, nangingisali ka. Ano? KSP lang? Psh." Saka ako umirap. "And dear, masyado akong maganda para maging bird. Shut up nalang." At ibinaling ko nalang ang tingin kay Stevan.

Napailing nga sya sa akin e. "You're so mean."

Inabutan ko sya ng ballpen sa pabalang na paraan. "Now, don't disturb me." Saka ako yumuko ulit. Pero bago ako, magsimula, nagsulat ako sa isang one sheet of paper ng capslock na 'DON'T DISTURB ME OR ELSE I'LL KICK YOUR ASS' tapos tuwing mag-aattempt si Stevan na kausapin ako, itinataas ko 'yon. Pero natawa lang sya. Geez.

Pagtapos ng period, lumabas na rin ako ng room dahil may next class agad kami. Kukunin ko na nga sana yung handbag at books ko na naisaayos ko na kaso may nauna nang kumuha no'n. Pag-angat ko naman ng ulo ko, nakita ko si Stevan na nakangiti sa akin ng usual nyang ngiti--yung slight lang na hindi kita yung ngipin nya before he finally say, "It's an honah to bring ya bag, mah lady." Okay, what's with the sudden accent?

The more he's doing things he shouldn't be doing, the more lang na aasa sya. He should give up before everything get worse--before I say something that would hurt him. Sabihin pa nya paasa ako e sya naman 'tong insist ng insist. Pwe! I attempted to snatch my things but iniwas nya sa 'kin. I glared at him. "Give me back my things."

"Nah-ah. Wag ka nang magpumilit. Unless, gusto mong ma-late?" At tinaas-baba pa nya ang kilay nya.

Mariing naglapat ang labi ko ng kunot ang noo at marahas na hinablot ang handbag ko sakanya. He was caught off guard kaya nagawa kong hablutin but di ko na nakuha yung books since masyado na syang protective do'n. What's valuable about bringing the girl's stuffs? Pero in the end, pinabayaan ko nalang sya. Ayokong ma-late. Hassle lang 'yon. Isa pa, terror pa naman ang next class namin. Tsh!

Nagmamadali akong maglakad nun. Four floors pa above from here ang room ko. And to make everything even worse, sira pa rin ang elevator! Ghaaad. In the end, all of the students took the loooong tiriiiing stairs. Naka-heels ako pero keribells ko namang magmadali sa pag-step up. Napahinto lang ako nung may tumawag sa akin. Kinuha ko yung phone ko only to see that it was my half-sister. Inend ko yung call. I don't have any kind of amor with her. I don't hate her but I don't like her either.

"Sa tingin ko, hindi matutuwa si Gerald kung stolen shot nya ang wallpaper mo."

Napalingon ako nang magsalita si Stevan at automatic na tumaas ang kilay ko. "And did I say you're allowed to talk to me?"

Ngumiti sya. "You know he hates creepy stalkers." And he winked saka naunang maglakad paakyat. Grr!

Napatingin naman ako sa wallpaper ko. Stolen shot nga 'yun ni Gerald habang nagbabasa sya ng review papers namin. And I hate to admit that Stevan got a point. Gerald hates his admirers who keeps on stalking him. Well, I'm not stalking! I'm taking stolen shots! May pinagkaiba ba 'yon?!

Pag-akyat ko ng floor ng room namin, nagtaka ako kasi nasa labas lang si Stevan at kausap pa sya ni Prof Lim. Well, that's a good chance para di mapansin ni Prof Lim na late ako. Kaso naman, nung padaan na ako at konti nalang e lalagpas na sakanila, bigla akong hinatak ni Stevan. Automatic ko naman syang sinamaan ng tingin.

"Prof, ito na hinahanap nyo." Huh? Nagtaka naman ako kay Stevan.

"Ito na pala si Miss Montesa." ngumiti si Prof Lim sa akin. Binigyan nya ako ng paper which I assume na parehas nung hawak ni Stevan. Parehas kasi ng borders kaya kahit di ko basahin ang context, mukha namang parehas nga. "Here, Miss Montesa."

"Uh, not to be rude but what is this for?" Tanong ko.

"UHG and School Administration Office has summon the both of you. They are expecting you this 2 o'clock. Don't worry, I'll excuse you from my class."

Napa 'Huh?' Nalang ako pero ngumiti lang si Prof Lim at sinabing, "Goodluck, Mr. Lacson and Miss Montesa. You are MU's pride." Saka kami bahagyang tinulak para papuntahin sa kung saan man kami dapat pumunta.

Magtatanong pa sana ako pero hinila na ako ni Stevan kaya sya nalang ang tinanong ko at nakatanggap ako ng isang napakakomprensehibong sagot na, 'Read'. Wow. Just.. wow. Psh!

Kaya in the end ay napagpasyahan ko na nga lang basahin ang ibinigay na paper ni Prof Lim habang pababa kami ni Stevan sa hagdan. Sayang lang yung inakyat ko, kainis! Tapos ngayon, bababa na naman kami. What a wonderful life!

'Our University Head Government, and the School Administration are asking for the appearance, cooperation and performance of the following students to represent their very own department for Mysterecy University's billboard.

Tourism Department:

Mr. Theo Uy & Miss Krissy Falcon

Medical Department:

Mr. Leonard Valenciado & Miss Valerie Concepcion

Hotel and Restaurant Management Department:

Mr. Marky Villaruiz & Miss Kristel Perez

Entrepreneur Department:

Mr. Rogelio Falcon & Miss Anne Malanyaon

Engineering Department:

Mr. Stevan Xailo Lacson & Miss Ivva Laine Montesa...'

Hindi ko na tinapos ang pagbabasa nang mahanap ang pangalan namin ng kasama kong kumag. Basta sa dulo e may pirma ng mga importanteng tao sa university at 'We are expecting you at Mass Communication Private Auditorium, 2:00, July 12, 2017!'. ARGH. Why us? Scratch that, I prefer the question, why him?! Of all people! Of all engineering students! Of all guys! Gawd. Photoshoot lang naman nga but my point is.. makakasama ko na naman sya. Tsh! Tiningnan ko ulit ang pangalan namin sa paper and... it's unfortunately true.

Inis akong bumuntong-hininga nun nang nakatingin pa rin sa pangalan namin sa hawak kong papel na parang di makapaniwala habang naglalakad kami ni Stevan na napansin na naman nya at pinuna gaya ng madalas naman nyang gawin.

"Pati ang UHG at School Administration ay tayo ang pinagtatambal, Ivva. That only means we are really destined to---"

"Shut up, jerk!" Singhal ko sakanya. Aba, hindi maganda ang mood ko.

"Whoa. You're forming a habit. A habit of calling me, Stevan Lacson, a jerk. That's not really good." Sabi nya at ngumiti.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Tell me, kelan ka ba titigil sa pangungulit mo?!"

"Hanggang sa mapasaakin ka na?"

"Dream on, bastard!"

"Whoa. Jerk to bastard, real quick? You shouldn't cuss at the first place!"

"Stop scolding me like as if we're close alright?!"

"Close naman tayo ah?"

"Says who?!"

"Says me." At bigla syang lumapit sa akin kaya napasandal ako bigla sa hawakan ng hagdan. Ghad. He was so near that he left me no choice but to step backward. "And we are this close." He winked. Ugh, a definite jerk!

"UGH!"

Tinulak ko sya at nagdabog pa ako nun pababa sa sobra kong inis sa pagmumukha at pinagsasasabi ni Stevan pero biglang nagkamali ang tapak ko! WAAAAAAAAAAAH! Shucks. Handa na sana ako sa pagbagsak pero hinapit ako ni Stevan. Ewan. I don't know what's with me if I was just surprised or it was just my definite ego. Paano, bigla ko syang tinulak as if refusing sa ginawa nyang paghapit. In the end, nagkamali ako lalo ng apak at dumausdos ako sa hagdan pababa ng tatlong step. Hindi ko nga alam if I should be grateful na hindi ako nagpagulong-gulong but still, ang sakit ng impact sa butt, back and feet.

Namimilipit ako sa sakit nun nung lumapit naman sa akin ni Stevan. He was attempting to help me up but ghaaad, it hurts so I ended up yelling at him 'Don't touch me!'. I just concentrated dealing with the pain and when it was finally a bit better, hinihingal akong naisandal yung ulo ko sa gilid na hawakan ng hagdan. I was still sitting. It was kind of hard to battle against internal pain. You don't have any choice but to endure it.

"Tsk. Tinutulungan na kasi, umaayaw pa." sabi sa 'kin ni Stevan at naupo sa tabi ko. I didn't talk back, tama naman sya e. Nilingon nya ako. "Ano? Okay ka lang?"

Sinamaan ko sya ng tingin at tinulak sa braso. "Do I look okay?!" Aba, nang iinsulto pa kasi e. Nakita naman nya kung pa'no akong namilipit kanina and still asked if I'm freakin' alright. Psh! Talk about stupidity?!

"Ano ba naman kasing trip nyong mga babae at panay ang suot ninyo ng heels?" napapailing pa nyang comment. "Ang hirap nyong ispelingin." Tapos binaba nya yung tingin sa paa ko.. which was reddish. Bumaba sya ng two stair steps in a way na nakatingala sya sa kin with his half-bend-knee while I'm looking down into him. Tapos dahan-dahan nyang hinawakan at inangat ang paa ko. "It look pretty bad, Ivva. Natapilok---"

"Ouch! Careful! Careful, okay?!" Inis na sita ko sakanya nang ikut-ikutin nya yung paa ko na parang ineexamine. Grr. Yeah right, natapilok nga ako. And it hurts! I sighed in frustration. "Pa'no na 'to?! Pa'no na yung pictorial?! E 2:14 na!" Inis pang pagrereklamo ko.

Stevan chuckled that made me glare at him. "Ang problematic mo agad e 'no? Chill out. Your foot needs better than pictorial. Ma-ri-resched naman 'yon."

At nanlaki yung mata ko nang bigla syang tumayo, lumapit sa akin saka ako binuhat in bridal style. "H-H-Hey! W-What are you doing?!"

"I'll take you to the clinic." Chill na chill na sagot nya.

Nilingon ko yung pinanggalingan namin. Whoa, he's quiet fast. Parang mas mabilis pa ang pagbaba namin ngayong buhat nya ako kesa kaninang dalawa kami. "Ano ba! Let me down! Look, our books! Ano?! Iiwan nalang natin?! Pababain mo nga ako! I can walk!" Sobrang ingay na pagpoprotesta ko. Buti nalang at walang malapit na room kundi baka kanina pa kami sa Disciplinary Office.

Tumingin sya sa akin and worse, inilapit nya pa ang mukha nya. Whoa. Inatras ko yung mukha ko. Too close! We're too close. Medyo napangiti naman sya tas nilayo din yung mukha nya. But still, malapit pa rin. Napaiwas ako ng tingin dahil ang lapit nga nya. And fine, good smell. "I'll call for someone who would keep our things." Tapos ngumiti sya. "And do you think, you can really walk at this point? Kasi kung oo, ibababa naman kita."

Napatahimik naman ako. Psh! Sabi ko nga hindi e. We were just silent as we go down and it was kind of awkward for me. I ain't comfortable with Stevan. And our position made it more uncomfortable. Psh!

In less than 10 minutes, nakarating din naman agad kami sa Clinic. Chineck lang naman sandali yung paa ko and said few do's and don't's. Sabi nga, maya maya na raw ako umalis kasi kung ma-fo-force raw agad yung paa ko, then, it will be worse--something I don't want so I'd rather stay. Si Stevan naman, gaya ng sabi nya, he asked for a person who'd pick up our things at where we left those. Then, he also make things up with the pictorial. If how did he manage to inform the UHG and School Administration of what happened without leaving my side, I don't know.

Nakaupo lang ako do'n sa isa sa mga kama while simply scanning my phone while Stevan was still talking with someone with his phone. If who is the person in the other line, I don't know. Basta pagkababang-pagkababa ni Stevan ng phone call, ngumiti agad sya sa akin at kakausapin nya sana ako pero biglang may pumasok na dalawang babae sa Clinic at lumapit agad sa akin.

"Oh my! Ivvaaaa!"

"Girl! What happened?!"

"C-Can't breathe.." nasabi ko nalang nang halos pigain na ako sa higpit ng yakap nina Lilian at Valerie.

"How's your foot?" tanong ni Lilian at umupo sa upuang katabi ng bed. Ganun rin ang ginawa ni Valerie.

"It freakin' hurts." Nakasimangot na sabi ko.

"E ano ba kasing nangyari?" Tanong naman ni Valerie.

"E kasi.. wait.. paano nyo nga pala nalamang natapilok ako't nandito ako ngayon?"

"Hello? Duh. Hindi ka talaga nagbabasa ng maayos. Representative kasi si Valerie ng department nila for the pictorial of Mysterecy University's billboard. Nando'n sya no'ng i-excuse daw ang department nyo because there was something happened to your foot and you were at the clinic." Paliwanag ni Lilian.

"Tapos tinawagan ko naman si Lilian para sabay na kaming pumunta dito. Then poof." Valerie finished the explanation.

Magsasalita na sana ako pero bigla na naman silang nagkatinginan na parang iisa ang iniisip saka ngumiti ng nakakaloko at tumingin sa akin.

"What?" Tanong ko.

"Girl, who's the cute guy?!" Sabay pa nilang sabi saka kami sabay-sabay na napalingon sa likod ko kung saan nakaupo si Stevan. Nakapandekwatro at mukhang naglalaro ng games sa phone nya. Nung mapansin nga nyang nakatingin kaming tatlo sakanya e tinaas nya ang dalawang kilay as if asking 'what?'.

Umayos naman ako ng pagkakaupo para di lang ako kina Lilian at Valerie nakaharap. Then pinagkilala ko sila. "Girls, he is Stevan Xailo Lacson, a not-so-important guy." I rolled my eyes. "And Stevan, my friends, Lilian Shoaf and Valerie Concepcion." Pagpapakilala ko sakanila.

"STEVAN XAILO LACSON?!" sabay at gulat na gulat pang sigaw ni Lilian at Valerie.

"Why?" Takang-taka namang tanong ko.

"God, Ivva! You don't call him as a not-so-important! You don't know him, do you?" Hindi makapaniwalang sabi ni Lilian.

"Uh?" nakangiwing napalingon naman ako kay Stevan.

"You're so cruel with your leading man, my lady." Stevan pouted. Duh, as if he's cute!

I rolled my eyes and shifted my gaze into the two girls. "What's with him ba?" Tanong ko nalang.

"Well, he's just the top recruit for Harvard University!"

 

 

CHAPTER FIVE

What. The. Hell.

Who would thought that?! Sinong mag-aakalang si Stevan Lacson ay kinukuha ng Harvard University? Na gusto ng Harvard University na doon sya mag-aral? I just can't believe it. Harvard University is such a prestigious school somewhere in America and being a recruit of that school is a real privilege that anyone couldn't miss! Kaya nga nung sabihin sa akin yun nina Lilian at Valerie ay isang nakangangang 'Uh-Huh?' Nalang ang naisagot ko. Pssh.

"Geez. Ba't ba ayaw mo kay Stevan? Ghad. He's a living gold!" Sabi ni Valerie habang nag-uusap usap kaming tatlo sa sarili naming table dito sa cafeteria.

"Oo nga. Wait.. wait.. may naalala ako.." biglang sabi ni Lilian. Tiningnan naman namin sya ni Valerie as if we're waiting for a very interesting story. "SIYA BA YUNG SINASABI MONG 'UGLY AND CREEPY ADMIRER' MO SINCE GRADE SCHOOL?!"

Sinubuan ko ng burger yung bunganga nya. Paano kasi, ang ingay. Nagtinginan tuloy yung mga kalapit naming table dahil sa bigla nyang pagsigaw. "Oo. Ano naman?" Tanong ko.

"Ghaaad! You don't know what you're wasting!" parang naghyhysterical nang sabi ni Valerie.

"Kung ako ikaw? Aba, hindi ko na sya palalagpasin. Gwapo, mayaman, mabait, matalino, sexy, sikat, gentleman, thoughtful at higit sa lahat, GWAPO!"

Binatukan ko naman si Lilian. Yung pabiro lang naman. "E ba't di mo akitin? Psh! Naiirita nga ako sakanya e. Basta, makita ko lang yung pagmumukha nya, naaasiwa na ako." Sagot ko.

"Sa hitsura no'n, naiirita ka pa?!" Sabi ni Valerie.

"Pwede ba?! Nung Monday nyo pa nakilala si Stevan at Thursday na diba?! My gosh! Four days already passed! Get over it! Hanggang ngayon ba di pa kayo nakakamove on?!"

"HINDI PA!" They shout in unison.

I rolled my eyes. "Leche. Bahala nga kayo." At napailing nalang ako at bumalik sa pag-iipit ng buhok ko. Just a plain pony.

It's already 4:14 and all of our subjects are all done. Gusto ko na sanang umuwi. Turns out, may practice pa nga pala ako sa Volleyball. Two years akong captain ball e. So I particularly have to be responsible. I was in 7th grade when I actually discovered my passion with volleyball. Kaya kasali na ako sa Volleyball team for uh, six years? This year would be the seventh. During my high school, nung third year ako until I graduated, I was the captain ball. This time, I already am the captain ball kahit na freshman college palang ako. Graduate na raw kasi yung captain ball and sa akin binigay yung title kasi 'I built a name in Mysterecy volleyball' daw.

Okay din naman sana yung practice namin. Buti nga, once a week or twice lang ang practice namin unlike nung high school ako na tadtad kami ng practice. Maganda naman sana yung takbo ng pangyayari kaso nga lang, may masamang balita ang nakarating sa akin. May bagong recruit raw sa Basketball. And uh, what's the definition of annoying? Yeah right, Stevan Lacson is the perfect definition. And to make it worse, sa sports area nitong university, magkatabi lang ang Basketball Court at ang sa Volleyball. Nakakainis! Tuloy, pag break ng Basketball Players, nanonood sa akin si Stevan and he kept on shouting, 'Go my Ivva!' Or 'That's my lady!' Or 'Galingan mo babylabs!' And worst, 'I LOVE YOU!'. Ang lahat ng iyon ay napaghihiwalay ng sigaw nyang 'WOOOH!'. Take note, sobrang energetic nya to the point na sinusuntok-suntok pa nya sa ere ang kamay nya. For holy heaven's glory, sinong hindi madidistract at maiirita?!

Kaya nung kami naman ang nagbreak, nilapitan ko sya. Mabuti nalang at hindi pa tapos yung break nila. Ngiting-ngiti sya sa akin paglapit ko na ginantihan ko lang ng simangot saka ko sya tinulak sa kaliwang balikat nya.

"Ano ba namang problema mo, Stevan?! Why do you have to freakin' shout my name with random phrases I wouldn't even dare to mention?!" Yun ang bati ko sakanya.

Tumawa sya. "Hindi ba dapat matuwa ka? You know. I, Stevan Lacson, liked--I mean, love you?"

"Hindi ako natutuwa!" Mabilis na sigaw ko.

Nilapit naman nya ng sobra sa akin ang mukha nya. Talk about two inches apart from kissing?! "And why is that, my lady?" Nakangiti pa rin sya nun.

Sinamaan ko sya ng tingin at diniin sa noo nya ang daliri ko saka sya tinulak palayo gamit yon. "If you don't know, then, I will let you know." Nagcross arms pa ako at inilabas ang usual bitch look ko. "I don't like you. You know that. Kaya hindi ko gusto ang pagchicheer mo sa akin. It makes me feel humiliated. Buti sana kung ikaw si Gerald. But no, you're not and you will never be." Mariin kong sabi sakanya.

Kumunot yung noo nya sa kin. At dahil siguro di kami ganoon ka-close kaya hindi ko mabasa ang emosyon sa mata nya. Basta nakakunot noo lang sya ng seryoso although not so serious na tulad nung nasa parking area kami. May sumigaw na nga ng pangalan nya kasi tapos na raw yung break nila at magpapractice na. Akala ko, aalis na rin sya pero sumagot muna sya sa akin bago umalis. Nawala nga yung pagkakakunot ng noo nya after seconds instead ngumiti sya. Yung ngiting slight lang. "I wasn't informed that being cheer up by someone who loves you is now considered as humiliation." pagkatapos ay ginulo nya ang buhok ko at tuluyang tumalikod saka naglakad pabalik sa court nila.

U-Uh? Was that supposed to make me feel guilt? Was he trying to make me feel guilty? Tsk. Tumalikod na ako. If yes, well, I must say, he succeeded.

"Montesa! Tara na!" Napalingon naman ako dun sa court namin. It was my team mate.

Sumulyap pa ulit ako sa papalayong si Stevan saka ako bumalik na sa area namin. Sinalubong naman ako ni Lilian at Valerie. Oh yeah, they also loved volleyball just like how I love it. To be honest, they are the reason why I discovered volleyball--I mean, not literal na malaman kung ano ang volleyball but yung ano bang nakakatuwa at kamahal-mahal doon na syang nag-impluwensya din sa akin na sumali.

Everything was fine after Stevan and I talked. He didn't come back in our area after that conversation and I actually did good during the game. As usual, compliments are heard from different students--whether my teammates or audience. Oh yeah right, audience. They are the reasons why the volleyball team member's names are making noise around the university. Especially mine.

Anyways, I'm already used to it. Eversince sumali ata ako ng volleyball e kalat na ang pangalan ko. Bago kasi ako sumali, natalo ko na sa isang one-on-one game ang current captain ball nun--her name was Reene if I'm not mistaken. E tsamba lang naman ata yung pagkapanalo ko sakanya kasi inis na inis ako sakanya nun. Ang yabang kasi! Likas na pagkamaldita ko kaya nung nagkasagutan kami at wala na syang masagot sa akin, hinamon nalang nya ako sa one-on-one game nga na yun which actually made me popular. Hoho! Although nung gumraduate sya, hindi ako ang pumalit na captain ball. Bawal kasing maging captain ball ang second year high school kaya si ate Ayesha muna bago ako.

Siguro mga 20 minutes or more din kaming walang hinto sa volleyball practice namin until I declared a dismissal. Sabay sabay naman kami nina Lilian at Valerie palabas ng court. As usual, pinapagitnaan nila ako.

"Uy, panay lingon ka sa bleachers kanina pa ah?" Biglang sabi sa 'kin ni Lilian habang naglalakad kami papunta sa bleachers.

Ako? Uminom ako ng tubig dun sa bottled water ko bago ko sya sinagot. "Nalingon ba ako dun? Of course not! Why would I glance at the first place?"

"Baka may pinaalis kang hinahanap mo?" Pang aasar naman ni Valerie tapos nilagay nya sa leeg nya yung white towel nya. Nasa leeg ko nga rin yung towel ko e para mabilis magpunas. Pawis na pawis kasi kami. Buti nalang talaga naka-pony ako.

"Alam ko yang iniisip nyo e. I wasn't looking for Stevan, okay? So quit teasing me." Sabi ko then finally naupo na kami sa bleachers kasabay ng iba naming team mates.

"Wala kaming sinabing Stevan ah!" Nagtawanan naman sila nun.

Sinamaan ko sila parehas ng tingin. "Don't make me look like defensive! Si Stevan lang naman yung kinausap ko dun kanina e. Kaya for sure, iisipin nyong sya yung hinahanap ko when in fact, I would never look for that guy!"

"Whoa. Chill, Ivva! You're getting hot!" Tumawa na naman sila.

"Matagal na 'kong hot." Sabi ko nalang at tumawa na naman sila like as if I just told them a very funny joke. Whatever. I just rolled my eyes. Sanay naman na sila sa akin na palaging nakairap e.

Pero pag irap ko, aba'y lumanding ang paningin ko dun sa court ng basketball. Specifically, kay Stevan. May hawak syang bola nun at nasa gitna ng court tapos sa akin sya nakatingin kaya nagtama yung paningin namin. He has no reaction when our eyes met. He was just completely staring but ngumiti din sya sa akin after a few seconds, yung usual smile nyang walang teeth and slight lang tapos tinapon na nya yung bola sa ring which is nagshoot naman. Lumingon ulit sya sa akin at kumindat muna bago sya pumunta dun sa bleachers nila kung nasa'n naman yung teammates nya.

Napairap nalang ako at pinanood nalang sina Lizelle na nagpapractice pa rin magvolleyball. Mga new recruits din sila. Actually, hindi ko naman talaga hinahanap si Stevan sa audience kanina. Why would I look for a guy I badly want to get rid of? Parang lang kasi nakita ko si Gerald dun kanina. Kumaway pa nga sya sa akin e. Pero hindi ko talaga sure kung si Gerald yun. Kumaway at ngumiti lang kasi e tapos paglingon ko, wala na ulit.

I was juste sitting there while letting my mind go wherever it wants to go. Hinayaan ko lang magdaldalan sina Lilian at Valerie--or daldalin ni Lilian si Valerie, rather. Naisip ko lang... yes, I like Gerald. Sobrang gustong gusto ko sya to the point that I think I already love him... but I definitely know that he looks at me just like how Ivo do. A mere sister. So... I wonder, what if.. just a what if... what if I fall in love with someone who's already deeply in love with me?

What if I fall in love with Stevan Xailo Lacson?

 

 

CHAPTER SIX

Isinubsob ko na namang uli ang mukha ko sa librong nasa harap ko. At ang mas malala, pinagulong gulong ko pa sa nakabukas na libro ang mukha ko.

"Ugggh... please, just once, don't bug me you little freeeeak.." and I keep on repeating the same line while rolling my face on the open book which is something Lilian and Valerie noticed. Tumigil din sila sa pagbabasa ng sari-sarili nilang libro at tumingin sa akin.

"Ayos ka lang?" Tanong ni Valerie na sa tono palang e alam ko nang nawiwirduhan sa akin.

Inangat ko ang ulo ko at pinagpalitan ang tingin sakanilang dalawa. Lilian then Valerie then Lilian then Valerie. Napa-facepalm ako. "Ugghh..." pesteng utak 'to. Ayaw makisama!

"What's the problem ba, Ivva?" Nakangiwing tanong naman ni Lilian.

"My mind is freakin' occupied!"

Sabay silang naglagay ng daliri sa tapat ng ilong at bibig. "Sssshhh..." at sabay pa silang lumingon sa kalapit na table na napatingin sa amin dahil sumigaw ako.

But unlike them, tinaasan ko ng kilay yung mga nerds and geeks na tumingin sa amin. "What are you looking at?" Nagsiiwas naman sila ng tingin at binalik ang atensyon sa sari-sarili nilang ginagawa. See? That's how things work with me. Nilingon ko din yung dalawa. "Don't mind me. Magreview nalang kayo dyan." Sabi ko na ginawa naman nila.

Bumuntong hininga ako. Puro Gerald na ata 'tong utak ko. It feels like my day won't be complete without seeing him. Absent kasi sya the whole day sa lahat ng classes namin. I can't help but be worried. Instant burado ang 'what if' ko kahapon about Stevan. Naisip ko lang naman yun dahil... dahil... I just feel hopeless with my romantic feelings for Gerald. Yung tipong.. I just wanna give up because I'm tired of hoping he would later notice me. But then, dahil sa pag absent nya ngayon, I realized that famous quote, 'learn to rest, not to give up'.

Ano na kayang nangyari kay Gerald? Napabuntong hininga na naman ako. Hindi ako makapagreview dahil sakanya. Ang sabi kasi ni Janine, hindi raw nya alam. Ang sabi ni Ivo, hindi pa yun nauwi mula kagabi. They share the same dorm. At ang sabi ni Justin at Nick, he was kind of weird since the last time they saw him which was yesterday. Si Stevan? Don't expect me to approach him and iniate a conversation.

Nakipagtitigan lang ako sa nakabukas na libro ko the whole time na nasa library kami nina Lilian at Valerie. Oh yeah right! May student spirit naman kami para pumunta ng library. You know, review is kailangan para no singko and you're pasado! I rolled my eyes because of what I'm thinking. Hindi naman kasi ako nakapagreview kaya nung dismissal at nakastandby kami sa isang table sa school, saka naman ako nagtatry magreview. Hoping that at least may kahit kaunting pumasok sa utak ko. Kaso ang tagal ko na ring binabasa yung libro, wala din kaya sinara ko nalang at tumunganga ng nakasimangot sa malawak na school ground.

"Lutang si ateng! Huy!"

Napagitla naman ako nung i-wave ni Lilian yung kamay nya sa may harap ko. Sinimangutan ko sya't tiningala. Nakatayo na kasi sila ni Valerie sa harap ko. "What?"

"Magrerest room na kako kami bago tayo umuwi. Baka gusto mo lang namang sumabay?" May pagkasarcastic pa nga nyang sabi. Oh so usual Lilian. Girly na sarcastic.

"Pagtapos nyo, balik nalang kayo. Walang magbabantay sa bags natin." Sabi ko tapos umayos ako ng sandal like as if showing na firm na yun. Actually, Mysterecy University is a quiet prestigious school for definitely elites so walang students ang mag iisip magnakaw ng bag unless they're bullying. But in our case, takot nalang nila. Besides college na kami for heaven's sake. My point was just simply... Ayoko lang namang magrest room dahil wala naman akong gagawin talaga. Kaso nakita ko si Stevan na papalapit sa spot namin tas nakangiti pa kaya bigla akong napatayo sabay hablot ng gamit ko. Inangkla ko pa nga sa kanang braso ko si Lilian at si Valerie sa kaliwa. "But we can actually bring our things at the rest room. Now, shall we go?" Todo ngiti pa ako nun sakanila kaya medyo nawirduhan sila. Hinatak ko na nga lang kasi baka magtanong pa sila e di naabutan kami dun ni Stevan? Hay naku.

Pagdating naman sa rest room, pumasok na sina Lilian at Valerie sa tag isang cubicle at nagsimulang gawin ang kung ano namang gagawin nila. Ako naman, naghintay lang ako sa labas ng cubicles na nasa loob ng rest room pa rin pero inayos ko nalang yung pagkakatali ng buhok ko nun dahil ang tagal naman nina Lilian. Nagpowder na rin ako pati sa likod tapos liquid lipstick lang then for finale, yung perfume ko. Habang nilalagay ko na sa handbag ko yung mga gamit ko, saka naman finally natapos yung dalawa. Pinagitnaan nila ako tapos nagmake up na rin. Saka sila nag usap tapos sa salamin lang kami nag-a-eye contact.

"Oo nga pala, Ivva. May gagawin ka ba sa Saturday?" Tanong ni Lilian sakin habang naglalagay sya ng mascara. Ewan ko ba dyan, pauwi na rin naman kami, maglalagay pa ng make up.

"Why?" Tanong ko naman at sumulyap sakanya through the mirror infront of us.

"Nag usap kasi kami ni Lilian kanina e tulala ka naman nun kaya di mo malamang narinig. Sabi namin, movie marathon sana tayo." ngumiti si Valerie.

Hmm. May gagawin ba ako sa Saturday? Parang wala naman. "Sure. Sa unit ko nalang." tapos sinabit ko na sa shoulder ko yung handbag ko.

After naman nilang mag ayos e nagsipag uwian na rin kami. Ako, nakisabay nalang ako kay Valerie since dadaanan naman nya yung condominium kung sa'n ako nakatira. Hindi ko kasi dinala yung car ko this day dahil sinundo naman ako ni Ivo. Actually, nag insist nga syang ihatid ako pauwi kaso kasama nya na naman si Stevan so wala akong tiwala. Although Stevan didn't attempt to drive me home, the fact na ando'n sya at kasama ang twin brother ko, ugh, nevermind, baka mamaya, ulitin nila yung ginawa nila nung nakaraan. Oh well.

"Bye, sissy." Ngumiti sa akin si Valerie then nagwave sya pagkababa ko ng car nya.

Ngumiti naman ako. "Yeah, thanks. Ingat."

Hinintay ko lang makaalis yung sasakyan ni Valerie bago ako pumasok sa building. Kaso napakunot yung noo ko nung makita ko yung sasakyan ni Stevan. Nagpapark palang sya at malakas ang kutob ko na sinundan nya kami ni Valerie pauwi. Or me rather. Ghad. What is wrong with this guy? Bakit pa nya kami sinundan pauwi? Seesh.

Akala ko nga lalabas pa sya but no, he didn't. Five minutes na ata akong nakatayo do'n pero di sya lumabas. I was just staring at his tinted car with my brows knotted. Honestly, there was a very very tiny part of my mind that wants to ask him why he didn't come and talk to me like he usually attempt to do. Seriously? He's just really going to stay stuck in that car? Nababahag na ba ang buntot nya? I rolled my eyes. Why am I bothering myself to get curious of why he's not going out at the very first place anyways? In the end, I decided na maglakad na papasok dahil sa totoo lang, pagod na 'ko't gusto ko nang magpahinga pero siguro mga nakailang hakbang palang ako ay tumunog yung phone ko. Someone's calling. Kinuha ko naman yun at tiningnan ang caller.

+639207802942 Calling...

It's Stevan's. Hindi ko talaga sinisave number nya e. If it's just any another day, I would definitely press the red circle and turn my phone off. But I think it's different enough to strike hesitance on me. Napalingon ako ulit sa kotse ni Stevan. It was still there. Yun lang, there was a Stevan Xailo Lacson standing beside the driver's seat of the car. Unlike what he usually do, he didn't smile. He was just serious while looking at me, his hand on his pockets while his other hand was holding his phone which was against his right ear. Alright, he was serious enough to be unreadable. I sighed. And then, I found myself putting the phone against my right ear while I keep an eye contact with Stevan.

"Why?" bungad tanong ko.

"I'm glad you answer my call." napakunot yung noo ko dun. I doubt that! E habang nakatingin ako sakanya mula sa kinatatayuan ko, seryosong seryoso lang sya.

"You're weird."

"Because...?" He was waiting for me to continue his sentence.

"Because you called when you're just a few meters away from me?" Parang di pa sigurado yung tono ko nun kasi patanong.

Yumuko sya nun so I didn't had the chance to see his reaction pero inangat rin naman nya ulit yung ulo nya and with his, still, serious expression, he answered. "A miracle." Uh?

I rolled my eyes and kinda frowned. "Connection please?" Di ko kasi nagets yung koneksyon ng sagot nya sa huling sinabi ko.

"You answered my phone call." Pinigilan ko naman yung tawa ko nun so I ended up smiling instead. It was actually the second phone call we would have eversince dumating syang Pilipinas.

"Si Gerald... diba hinahanap mo sya?" parang nag aalangan pa sya nun.

Bumilis naman yung heart beat ko. "What about him? Is he.. Is he alright? Have you seen him today? You know what happened to him?" nagsunud-sunod nalang yung tanong ko. Nabanggit nalang rin naman nya si Gerald, might as well ask him.

Nakita kong yumuko sya at matunog na ngumisi. I can't see his reaction when he lower his head basta sumagot nalang sya nun nang nakayuko. "He drank with me last night in a club. I don't mean to hurt you but.. you know, he's.. kind of depressed and as a man, drinking is our way to forget. And yeah, one night stand." Tapos inangat na nya yung ulo nya at tiningnan ako. Based on his concern eyes yet serious expression, I'll assume he's analyzing what I'm feeling by looking at me, whether through my expression or my eyes.

Meanwhile, napatahimik naman ako dahil sa huli nyang sinabi but after a while, I managed to answer him. "Ah." yeah ang galing ng sagot ko. Halatang hindi affected. Geez.

"Are you.. are you alright?" Parang ingat pa sya sa pagtanong.

"Of course. Ba't naman hindi?" As of me, nando'n pa rin yung maldita kong tono but I know he knows I'm calm. At ngayon lang ata kami magkakausap ng walang sarcastic remarks o sigaw at expression of irritation. We're just plain... calm.

"Sounds better if you're not lying." Sabi nya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin.

"A miracle." Nasabi ko naman habang nakatingin rin sakanya. Gusto ko ngang mapangiti dahil sa naiisip ko but I chose to stop myself from smiling.

Kumunot yung noo nya but he maintain his calm composure and serious expression. "Connection please?" Ginaya pa nya yung sinabi ko although not the tone. His was completely manly.

"Hindi ka ata nagpumilit na ihatid ako ngayon? First time for two months you've been here in Philippines. And to add, it makes me curious kung ba't di ka lumabas ng sasakyan when I was standing infront of your car for--uh, five minutes?" I, again, rolled my eyes.

Yumuko na naman sya nun kaya hindi ko na naman nakita yung reaksyon nya pero nung inangat nya yung ulo nya, mula nang magtama yung paningin namin ngayong sinagot ko yung phone call nya, ngayon ko lang nakitaan ng ngiti yung labi nya. A slight smile while he was looking at me. Pero kahit nakangiti sya, there was still something in his eyes that makes him still look serious.

A few seconds passed habang nakatingin pa rin kami sa isa't isa. He was still smiling and he then finally answered, "Sometimes, it's hard to push myself onto someone who keeps on pushing me away so I have to stop but that doesn't mean I'm giving up. I just need to rest for a while." Medyo nilawakan nya yung slight smile nya but.. it looked weird dahil halatang pinilit i-stretch yung labi nya. He continued. "Sinundan ko nalang kayo ng kaibigan mo. So even if we're not in the same car, I can still look after you. I can still be responsible for your safety. I can still protect you." Yumuko sya saglit then tumingin ulit sa akin. His face became serious again, but this time, I can see a genuine gladness in his eyes. He then smiled and finally say, "And I'm glad you came home safe."

And that was when he turned his back as his last words drew a smile on my lips.

-

ANOTHER DAY. Two subjects lang ang pinasukan ko ngayong araw pero tig three hours. Sinasabaw na nga ata yung utak ko e. Two subjects na puro makadugo ng ilong na mga topics at two professors na mas terror pa sa grandparents ko. Kainis talaga. And to make this day worse, hindi ko nakausap o nakasama man lang si Lilian at si Valerie. Hindi tugma yung mga schedules namin kaya pagka-dismissal, umalis na rin ako. Buti nalang gamit ko na kotse ko kundi walang maghahatid sa akin. May class si Ivo. At wala kasi si Gerald sa dalawang subject na 'yon dahil sa basketball practice nila. Di ko alam na kasali rin pala sya. Kasama nya si Stevan kaya walang umaligid na maingay sa akin.

Pagpasok ko ng unit ko, tulad ng usual kong ginagawa, nagpalit lang ako ng pyjamas. Dapat talaga, matutulog na ako but I decided against it. Nagreview muna ako. College life? It sucks. Araw araw ata e may required dalhin at gawin tapos pag di nagawa, matinding pagpapahiya na naman ang gagawin ng professors. Geez. Sila kaya maging estudyante?! Lalo na yung mga minor subjects lang naman pero kung magrequire e daig pa yung ibang major. Nakakainis lang. Lalo na siguro ang pagiging engineering. Walangyang mga blueprints. Pasakit sa buhay.

Dahil sa tagal ko ring nagsalampak sa study table ko e dun na ako nakatulog kaya kinabukasan, nagmala-flash ako sa pagkilos. Sa pagmamadali ko nga, nadulas pa ako paglabas ng banyo e. Kainis! Pero worth it naman kasi pagdating ko ng university, hindi ako nalate. Well, late ako kung oras ang pagbabasehan kaso wala pa yung prof pagdating ko kaya hindi ako late. Pag-upo ko nga sa upuan ko e parang nawirduhan pa ako kasi wala pa rin atang umaali-aligid na Stevan sa akin ngayon. Himala. Samantalang dati e pag upo ko palang, tumatabi na agad sya sa akin!

And to make me feel weirder is that, mas nauna ko syang hanapin kaysa kay Gerald...

Simula palang ng pagdidiscuss ng professor e gusto ko na atang matulog. Puyat na nga ako, parang nasa pasyon pa kung magsalita tapos kung anu anong makadugo ng ilong na terminologies ang pinagsasasabi. Sinong gaganahang makinig?! I rolled my eyes and my gaze landed on one of my classmates. Old-fashioned, keeping her books on her chest and big black rimmed eyeglasses. Uh, yeah right, geeks. They will surely listen. Natuwa nalang talaga ako nang marinig ko yung pangalan ko nun sa intercom.

"Calling the attention of the engineering student, Miss Ivva Laine Montesa from Engineering Department, Class 1C, Room 411. You are asked by University Head Government to go to Mass Com Private Auditorium right now. Calling the attention of the engineering student, Miss Ivva Laine Montesa from Engineering Department, Class 1C, Room 411. You are asked by University Head Government to go to the Mass Com Private Auditorium right now."

Nakangiti pa nga akong nagpaalam nun sa Professor ko na pinayagan naman ako syempre. Ba't naman kaya ako ipapatawag ng UHG? The last time I checked, my records are alright. Anyways, I would soon know what that is. Umalis rin ako ng room para pumunta sa private auditorium. Kung bakit 'private'? Kasi exclusive only for Mass Comm students. Para saan pa't tinawag na 'Mass Communication Private Auditorium' kung hindi para sa MassCom students?! Saka siguro ang pinagkaiba ng private auditorium sa university auditorium, university auditorium has fixed seats and obviously wider while private auditorium was designed for MassCom students. Dressing areas, studio for journalists wanna be, mini stage with few seats for private audience and such which are really for their course.

Pagdating ko naman sa MSPA, sinalubong ako ni Mrs. Cascano. Tapos may kasama pa syang ilang students, staffs, photographers at.. si Stevan? Teka nga..? Sa hitsura nitong auditorium at sa mga nandito, mukhang may nagaganap na photoshoot.

"Uh, Mrs. Cascano, why am I---" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko, nagsalita na sya.

"Ikaw nalang ang hinihintay, Miss Montesa. Hindi mo ba alam na ngayon inischeduled ang photoshoot para sa delayed photoshoot ng Engineering Department?" She was mad, alright. So, this is all about the photoshoot for our university billboard? Okay?

"Sorry, Mrs. Cascano but I wasn't informed. No one told me about the rescheduled date of photoshoot." tapos nilingon ko nun si Stevan. I can't help but glare at him. E sya kaya yung nagpa-reschedule ng photoshoot nung natapilok ako! Psh!

"Hayaan na! Andyan na yan! Let's just start to get over it!" tapos tinalikuran na ako ni Mrs. Cascano at nauna doon sa area kung saan may dalawang nagpopose habang pinipicturan. Wait.. VALERIE?!

Lumapit din naman ako do'n sa kung saan nakatayo sina Valerie at yung lalaking kasama nya. Puting tela yung nasa likod nila nun tapos nakapang doctor silang damit. May stethoscope pa nga silang dalawa at nakalagay yung mga kamay nila sa bulsa nung doctor uniform ata nila. Nakita ako ni Valerie tapos medyo ngumiti lang sya sa akin. Syempre di naman sya pwedeng basta basta kaway o sigaw dahil pinipicturan pa sila.

"Montesa, pumasok ka na sa dressing room." utos ni Mrs. Cascano tapos may lumapit sa akin na nag-assist papunta sa dressing room kaya sumunod na rin naman ako.

Pagpasok nga ng dressing room, halatang ito rin yung same stuffs ng mga nauna sa aming students. May damit pa kasi nung tourism students, canvas, yung mga uniform ng cooks lalo na yung sumbrero ng mga HRM Students na mahaba na puti e hindi ko naman alam ang tawag do'n. Kakaikot ko naman ng tingin ko para hanapin yung mga dapat sa engineers, nakita ko naman na may humawi dun sa kulay blue'ng kurtina na tumatakip sa first cubicle ng dressing room. It was Stevan. I immediately frowned and he automatically smiled widely.

"Hi Ivva!" ngiting ngiti sya sa akin. "Na-miss kita!"

Nagcross arms ako at hinead to foot ko sya ng tingin with oh-so high eyebrow to express my bitchyness. He was wearing a casual plain blue shirt. I don't think nagpalit pa sya ng damit basta inibabawan lang yung damit nya ng vest at meron syang suot na helmet na kulay blue din.

Umayos sya ng postura at ngumisi ng malapad sa akin. "Done checking me?" Saka nya itinaas ang dalawang kilay ng nakangisi.

Tumaas agad ang kilay ko. "Checking you?" I rolled my eyes. "Oh, bitch please."

"Nagdeny ka pa Ivva! You were drooling over me!" Humagalpak pa sya ng tawa!

"Wag mo nga akong kausapin, Stevan! Galit pa 'ko sayo! And I'M NOT DROOLING OVER YOU OKAY?!!"

"Whoa, chill, my lady. Miss!" He called the attention of the make up artist. Lumingon naman yung babae sakanya. "She was drooling over me a while ago right?" Ngumiti pa sya dun sa babae. Grr.

Lumingon naman sa 'kin yung babae at tinaasan ko sya ng kilay. Aba, dapat syang madala sa tingin! Tumingin sya kay Stevan tapos sa akin tapos kay Stevan ulit then sa 'kin na naman. Nilakihan ko na nga yung mata ko e. Pero bago pa sya makasagot, humalakhak na si Stevan. Nilingon naman namin sya.

"How would she answer if you're threatening her, Ivva?"

Inirapan ko nalang sya at umupo nalang sa upuang katapat ng salamin. Lumapit naman sa 'kin yung Make-Up Artist do'n at sinimulan na akong make-up-an. Siguro after 15 minutes din natapos agad sya tapos may isang babae namang lumapit sa akin at inabutan ako ng naka-plastic pa na damit. Skin-tone na formal dress ata.

Tiningnan ko yung babae at tinaasan ng kilay. Nagets naman nya yung gesture ko at sinabing yun raw ang susuutin ko. So I entered the second dressing cubicle which was covered by a pink curtain. I don't really understand if whenever kelangan by color ang paghihiwalay ng male at female, automatic blue for boys and pink for girls. Like.. HELLO?! I HATE PINK! Pssh. Ako lang ata ang babaeng hate ang pink. Well, maybe the other females don't like pink just like me but.. they probably don't hate pink the way I do.

Whatever! There's nothing important to be discuss with blue and pink and male and females! Pssh. I rolled my eyes and finally went out from the pink dressing cubicle. Ugh, pink again. Gross.

Paglabas ko naman saktong pagpasok ni Valerie. Naka-doctor outfit pa rin sya at may stethoscope nung lumapit sa akin. As usual, beso and a hug to greet each other.

"Tawag na kayo sa labas. Kayo naman raw sumalang sa photoshoot." Sabi naman nya sa akin at sumabay sya akin na maglakad papalabas ng dressing area nung may maalala ako.

"Uh, I thought Engineering Department nalang ang may photoshoot ngayon? You know, we were delayed at the first photoshoot because of..." I rolled my eyes before continuing, "..that friggin' scene at the stairs I had with Stevan."

"Pssh! E diba nga umalis din naman ako nun tapos pinuntahan kita sa Clinic with Lilian?" Pagpapaalala naman nya sa akin kaya napatango ako.

"Oh, right. I'm going." malapit na rin naman kasi kami do'n sa kung saan nakatayo si Stevan habang pinipicturan kaya nagpaalam na ako pero napasulyap ako dun sa partner ni Valerie sa photoshoot na nakaupo lang sa couch that made me grab my bestfriend's arm and pull her towards me. "By the way, who's that cute guy?"

Valerie giggled. "Yie. Wait, papakilala kita. Gwapo 'no? Haha! LEONARD!"

Tinawag nya yung lalaking nakaupo sa couch. Nakawhite long sleeves lang sya nun kasi tinanggal nya yung pangdoctor. Nilingon nya si Valerie nung tinawag sya tas nagtaas ng dalawang kilay as if asking 'why'. Sumenyas naman si Valerie na lumapit sya. Lumapit naman yung lalaki... in a way na parang bored na bored. Pero ang gwapo pa din.

Nung malapit na sya sa amin, ginrab na ni Valerie yung wrist nya at hinila palapit dahil ang bagal raw maglakad. Sus, if I know chumachansing lang ang babaeng 'to or masyadong excited lang e... although mabagal nya yung paglalakad nitong si lalaki. Pagkalapit ni Leonard ata, hinawakan naman ni Valerie yung wrist ko din gaya ng hawak nya sa partner nya at yeah, nasa gitna namin sya.

"Ahm, Leonard, I would like you to meet my very very very pretty bestfriend--Ivva. And Ivva, the medical department's hearthrob! Hahaha! Ka-section ko and a friend, Leonard." Pagpapakilala ni Valerie in a VERY energetic way.

Ngumiti ako kay Leonard at ganun din naman sya. Oh my. Ang gwapo nya talaga. Hahaha! I offered my hand for a handshake. "My name is Ivva Laine Montesa."

He accepted my handshake with a warm smile. "Leonard (le-nard) Villaruiz. Nice to meet you, Ivva."

"Nice to meet you too."

Pero napapitlag kami parehas ni Valerie nang bigla nalang may bumagsak at nagcreate ng malakas na ingay. Napalingon kaming tatlo sa flatform dahil do'n galing 'yung impact. At nakita namin si Stevan na nasa gilid na dahil bumagsak yung background nya kung saan isinampay yung puting tela.

"Careful, Lacson! Ayusin nyo yan." Utos naman ni Mrs. Cascano na agad ring sinunod ng staffs.

"Sorry, Ma'am! May nakakairitang view lang po akong nakita." Sagot ni Stevan kay Mrs. Cascano na halatang nilakasan nya at sumulyap pa sa akin. Pinaningkitan ko naman sya ng mata. Was he pertaining to Leonard and I? Well, he's a worse view! Pssh.

Naglean bigla sa kin si Valerie at bumulong, "Ivva, nakikita mo ba ang nakikita ko kay Stevan?"

Iritable ko naman syang tiningnan. "Ang nakakairita nyang pagmumukha?"

Humagikhik sya at tinuro si Stevan na kunot noo sa gilid ng flatform. "His glowing aura of jealousy." she said in a wizard tone.

Hindi na ako nakasagot dahil nagsalita bigla si Leonard. "I'm going, Ivva. It seems like your boyfriend is jealous." Natatawa-tawa nyang sabi.

"Stevan is not my boyfriend!" Automatic namang naisigaw ko 'yon. Loud enough para mapalingon ulit sa direksyon namin si Stevan saka umismid.

Tumawa lang naman si Leonard bilang sagot at umalis na rin. Si Valerie ay natatawa-tawa namang napailing nalang rin. I sounded so defensive, she said.

"Babalik na ako sa dressing room, sissy. Magpapalit kasi ako ng pangnurse naman. Umabsent ba naman yung assigned! Psh." She rolled her eyes. Friends? Hawa hawa ng habit. Natawa nalang tuloy ako at tuluyang nagpaalam na rin.

Pagtalikod ko kay Valerie, dumiretso ako sa tabi ni Mrs. Cascano. Nasa bandang likod kami nung photographer although we're kinda apart. Lahat kaming nando'n e pinapanood lang si Stevan habang ando'n sa flatform. Nagcross arms ako at parang bored na bored pa na nanonood. Paano, puro tayo lang naman ang ginagawa nya e. Although, nagpose din naman syang parang may hawak na blueprint at yung isang kamay nya naman e yung tipong nagmamando. Ginagalaw-galaw nya yung kamay nyang parang nag uutos habang sunud-sunod yung flash ng camera. Seryosong seryoso nga yung hitsura nya nun habang pabaling-baling din yung ulo nya. Iaangat at iyuyuko. His face was just completely serious. And I must admit that he looks quiet handsome. Ang gwapo nya. Model na model ang dating.

Pero kahit na gwapo sya o mas gwapo kay Gerald, I would still choose Gerald over him.

After a few minutes of Stevan's pictorial, ako naman yung sumalang then kaming dalawa ni Stevan. Formal naman so no need for touch. Basta yung mga pose na natatandaan kong ginawa namin e parehas kaming nakangiti sa camera, naka-okay sign kami at yung magkaharap kami na parang nag uusap. The rest, nalimutan ko na.

Pagbaba namin nung flatform, nilapitan kami ni Mrs. Cascano. "Oh, Montesa and Lacson, magpalit kayo ng another formal. Ikaw, Lacson, magbusiness suit ka nalang."

Napakunot naman yung noo ko. "Akala ko Mrs. Cascano, para lang sa billboard? Why do we have to change clothes again? Hindi pa po ba okay yung mga nauna?" Tanong ko. And I don't actually know if I sound rude or disrespectful.

"Late ka kasi kaya di mo alam." Narinig kong sabi nun ni Stevan sa tonong nang aasar. Sinamaan ko sya ng tingin pero tumingin nalang ulit ako kay Mrs. Cascano.

"This photoshoot is not only for the billboard but also for school flyers, Miss Montesa." Ohh. Kaya pala.

Pumunta naman na ako sa dressing area. Si Stevan nga, kinakausap ako pero di ko sya pinapansin kaso nung nairita na talaga ako, nasigawan ko na sya na wag nya na akong kausapin dahil galit pa ako sakanya. Aba naman, hawakan ba daw ako sa dalawang balikat at seryosong tanungin kung bakit.

"Ano ba! Don't touch me, jerk!" Tapos umalis ako sa pagkakahawak nya at sinamaan sya ng tingin.

"E ba't ka nga galit?" Tanong nya sa tonong parang batang malungkot.

Naningkit naman ang mata ko sakanya. Seriously? Nagmamaang-maangan ba sya or what? I rolled my eyes. "You didn't tell me that today was the rescheduled date for the Engineering Department's photoshoot!" Pasigaw ko pang sinabi sakanya na inis na inis. And I prefer 'Engineering Department's photoshoot rather than 'our photoshoot'. Nagpameywang ako sakanya at tinaasan sya ng kilay. "Did you really plan to humiliate me, jerk?!" And I accused him.

Mukha syang natigilan for two seconds but kumunot din agad yung noo nya tapos after ilang seconds ulit, ngumiti sya sa akin. His usual slight smile. "How would I tell you if you keep on avoiding me? How would you know if you're not answering my phone calls?" Tapos kumunot na naman yung noo nya at tinilt ng kaunti ang ulo nya. "Hindi mo ba.. hindi mo ba binabasa ang text messages ko?"

I don't really know if he was sad, disappointed or what when he asked me that. He just sounds and look like an innocent child. Whatever he's feeling, I decided to turn my back before I answer him. "No." And I entered the cubicle covered by the pink curtain. Hindi ko na rin sya narinig na nagsalita.

Paglabas ko ng cubicle, wala na sa dressing room si Stevan. Nakita ko nalang syang katabi ni Mrs. Cascano habang pinapanood sina Valerie at kasama nyang lalaki. Nakapang nurse na ngang suot si Valerie tapos yung kasama nyang doctor, nurse naman na panlalaki. Infairness, ang gwapo talaga nitong lalaki. I wonder if Valerie know him. Actually, vinivideohan na sila. Pagdating ko, si Valerie ang nagsasalita habang nakatingin sa camera.

"----it is worth studying in Mysterecy University." And then she smiled for finale.

"Good job, Concepcion. Valenciado, your turn." Pagtapos nyang palakpakan si Valerie, tinuro naman nya yung kasamang gwapo ni Valerie sa stage then sa amin sya tumingin. "Montesa and Lacson, read this. Pagkatapos ni Leonard, kayo naman." Tapos inabutan nya kami ng tag isang papel na based na naman sa mga kulay kulay at format, alam kong parehas kami ni Stevan.

Pinaupo naman kami ni Stevan sa dalawang magkatabing leather couch na malapit lang din sa pictorial set. Good thing, Stevan wasn't attempting to talk to me so I can focus. Basta naupo nalang kami sa magkatabing leather couch at kahit hindi ko naman sya nililingon, nakita ko sa peripheral vision ko na nagbabasa na rin sya which I'm also doing. Sumandal ako sa couch at nirest ang magkabilang kamay kong nakahawak sa papers sa arm rest ng upuan habang binabasa ang nasa papel. May kailangan kaming kabisaduhin na siguro isang paragraph din then there was a question that I should answer. Madali lang naman din. Ikwento lang raw ang stay at struggles during my days with Mysterecy University.

Nang matapos akong magbasa, ibinaba ko rin ang papel at tinanaw ang photoshoot kung saan yung lalaki naman ang nagsasalita habang vinivideohan. Kaso... naramdaman ko at nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin si Stevan. I felt conscious and awkward at the same time kaya naman nilingon ko sya ng dahan dahan pa dahil medyo nag aalangan ako.

"B-Bakit?" tanong ko sakanya. Medyo nakangiwi pa nga ako nun dahil sa posture nya.

Hindi pala sya nakatingin. Nakatitig sya sa akin. Ang sinasandalan nya ay yung right side na arm rest habang nakasalumbaba na do'n nakapatong at nakatitig sa akin. Yung isang kamay nya ang humahawak ng papel nya then nakapandekwatro sya. He was just.. staring at me. Not moving. Yung expression naman nya nun e yung neutral lang. Pero... mapungay yung mata nyang nakatitig sa akin.

"I-Is there something wrong with my face?" Tanong ko sakanya nun ng kunot noo tas medyo hinawakan ko pa yung mukha ko.

But he remained silent. He didn't answer me. He just kept on staring at me. And seriously, nacoconscious talaga ako. Nakatitig sya in a way na inaanalyze ako habang parang may iniisip na kung ano. Ilang segundo na nung nagtanong ako pero nakatitig lang sya sa akin at ako sakanya. It's just that, ako nakakunot noo, sya neutral lang na parang sinusulit ang pagkakataon. Akala ko, hindi na nga sya sasagot at ibabalik ko nalang sana ulit ang tingin ko kina Mrs. Cascano nang ngumiti sya. Maliit na ngiti lang kasabay ng pagkurap ng mapungay ng mga mata nya na parang inaantok tapos niyuko na nya ulit yung ulo nya sa binabasa e.

He's... weird.

"Montesa! Your turn!"

Bigla akong napalingon nung tawagin ako ni Mrs. Cascano. Ngumiti ako at tumango bilang sagot saka tumayo na rin para pumunta do'n. Pero bago ako maglakad palayo, sinulyapan ko ulit si Stevan dahil talagang nawiwirduhan ako sakanya. Paglingon ko sakanya, nakatitig na naman ulit sya sa akin gaya ng kanina. Neutral expression at mapungay na mata.

It's just that, this time, I can fully read an enormous amount of pain, sadness and exhaustion in that pair of orbs...

 

 

CHAPTER SEVEN

*DINGDONG! DINGDONG! DINGDONG!*

*BLAAAAG!*

"OUCH!"

Anakngpitumputpitongputingpating naman oh! Napahawak ako sa kumikirot na pwet at likuran ko. Hinimas himas ko ang masakit na katawan dahil sa pagkahulog ko galing sa kama. Nang hindi na gaanong masakit ay napaayos ako ng upo sa sahig na kinabagsakan ko at medyo kinusot ang noo ko pababa ng mata dahil kagigising ko lang. Hinawi ko ang buhok ko palikod at saka dumilat ng papungas-pungas. For heaven's glory! Wala ngang gumising sa aking alarm clock ngayon, nag sub naman ang doorbell! What a life! Bawal na ba akong matulog ngayon?!

Halos magdikit ang mga kilay ko sa pagkakakunot ng noo ko nang nagdadabog akong lumabas ng kwarto para gyerahin ang sinumang lapastangang panay ang doorbell ng pagkaaga aga! I glanced at the wall clock at my unit's living room. Ghaad, it's just 8 at the morning! Alas dos ng hapon ang body clock ko every weekend! Whoever that is, dapat lang na may mahusay na rason ang panggigising nya sa isang Ivva Laine Montesa ng pagkaaga-aga!

Nakasimangot kong binuksan ang pinto ng unit ko at ready na sanang bulyawan ang sinumang Poncio Pilato na nambulabog sa akin pero pagbukas ko ng pinto...

"Good morni----"

*KABLAAAAG!*

Malakas kong ibinagsak pasara ang pinto ng unit ko nang ang nakangiting mukha ni Stevan ang sumalubong sa akin. Poncio Pilato nga! Lalo tuloy sumama ang timpla ng umaga ko.

Tinalikuran ko nalang ang pinto at balak ko na sanang dumiretso sa kusina pero sunud-sunod na doorbell na naman ang nagpapanting ng tenga ko. Asdfghjkl! Ang sarap sana nyang gyerahin dahil sa paggagambala ng tulog ko but heck! That is Stevan Xailo Lacson! Of course, he wouldn't be affected! Naiimagine ko ngang ngingitian nya lang ako ng pagkalaki-laki kung mag-aala-machine gun ako't ratratin ng kung anu-anong profanities ang taong yun! At naiimagine ko ring patakbo lang syang tatawa kung sakali namang hambalusin ko sya. At higit sa lahat, naiimagine ko ring kung babatuhin ko sya ng kung anu-ano ay sasabihan nya ako ng kung anu anong baduy na cheesy lines tulad ng 'Oh, is that how you greet your lover, my lady?!' o di kaya ay 'Whoa! You're still as beautiful as a goddess despite of your hunk mode this lovely morning' or to make it worse, 'I love you too, my lady! I get the fact that this is your way to say Iloveyou. Now, lets make a sweet couple breakfast'. UGH! I rolled my eyes.

Pumunta ako sa living room at kinuha ang baby blue headphones ko. Isinalpak sa iPad saka nagpatugtog sa napakalakas na volume para di marinig ang walang hintong doorbell bago dumiretso sa kusina. I don't know what he's doing here but he's probably going to force me on a date again. And I wouldn't let that happen ever again! Kung nung mga nauna e nauto nya ako sa mga pakulo nya, well, this time would be different. Bahala syang manigas sa labas!

Pagpasok ko ng kusina, naghilamos at nagtoothbrush na muna ako then itinali ko ang buhok ko into a bun. Hindi nga maayos nang tingnan ko sa salamin dahil may konting mga nakalaylay pang buhok sa gilid gilid ng mukha ko. I'm just at home so I don't have any plan to put make up nor style my hair. Hindi ko na rin binalak na maligo. Siguro ay mamaya nalang dahil nagugutom ako ngayon. Again, I'm just at home so no need to make things up! This loose big gray shirt with a printed panda and this denim short are enough. Oh yeah right, this is what I wear everytime I sleep. Although, medyo pinapasok ko sa loob ng shoulders ko ang sleeves ng shirt na suot ko dahil it was really big for me. Hanggang gitna kasi ng hita ko at halos one inch nalang, matatakpan na yung black denim shorts.

Kumuha ako ng bacon, eggs, hotdogs and pancakes sa fridge saka binuksan ang stove. Oh yeah right! I have a big tummy for a lady. Pinagsabay sabay ko nang lutuin dahil kaya ko naman. I'm actually good at... frying. Yes, frying! I don't have any talents when it comes to cooking! But I'm trying. Hindi ko rin alam kung pa'no ako nakasurvive sa almost five months ko nang pag-i-stay sa condo ng hindi marunong magluto. If it's not easy-to-cook food such as canned goods, lucky me's or fry, I just usually eat at fast food chains or I'll pick the delivery food. Minsan, pag nabisita si Mom sya ang nagluluto at pag si Ivo naman, sya ang nagluluto. Oh yeah, daig pa ako ng lalaki kong kapatid sa pagluluto.

Sina Mommy naman kasi, they want me to be independent. Sabi nila ni Ivo, I have to be independent. I should be independent. College na raw ako at 19 years old na. Mom may give me allowance but... bukod do'n, wala na. I have to cook for myself, I have to wash my own clothes, I have to gain friends without my family connection and such! Geez. Kaya simula nung summer which were April and May hanggang ngayong magtatatlong buwan na ako sa pag aaral, I'm living alone.

Ivo, on the other hand, have to be independent as well. It's just that, Ivo liked the idea while I hate it. He started to be independent when we were in our fourth year in high school. And to add, he also work for himself. Lahat ng gamit nya sa condo nya, it was all from his own earned money. While me? Lucky enough, Mom didn't cut my allowance. Gano'n din naman kay Ivo pero hindi nya ginagamit. It was just stucked in his bank. He use his own money from his own struggle. I admire my twin brother for that. But I don't have any plan for now to do what he does. Working? Nah-ah! Not when I'm still in school. That would be hard.

Kumakain ako ng breakfast while still listening to the music of my headphones when I saw my phone vibrating. It was on the top of the fridge and it was moving so I assumed na nagvivibrate sya. Kinuha ko naman at tiningan kung ano 'yon. Three unread text messages. I unlocked my phone to read those. One from Valerie, one from Lilian and one from... Stevan which I didn't bother to open like what I usually do. Una kong binuksan ang kay Valerie.

From: Concepcion, V.

Ivvaaaaa! Rise and shine ~~ ^-^ Saturday is the day! Remember? Movie marathon tayo ni Lilian sa unit mo. :)) We're going there this morning. Wake up early!

Received: 7:12am

Ang aga naman ng text ng babaeng 'to?! Oo nga pala, they asked me for a movie marathon last Thursday. And that was today. Hindi ko na sya nireplyan, instead I opened Lilian's message. It was the most recent.

From: Shoaf, L.

IVVAAAA! Ghaad! Why the heck you're not opening your door? Valerie and I kept on ringing your doorbell nonstop for.. uh, 5 minutes?! Kelan ka pa naging bingi?! Open the freakin' door now >:|

Received: 8:43am

I rolled my eyes when I noticed how Lilian talked sooooo bossy and sooooo demanding. But I decided to remove my headphones in the end at napangiwi ako sa wala pa ring tigil na pagtunog ng doorbell. Ang sakit sa tenga! May balak ba silang sirain ang doorbell ko?! Kunot noo akong nagtype muna ng reply kay Lilian bago ko balaking buksan ang pinto.

To: Shoaf, L.

Wait. Is Stevan still there? Paalisin nyo muna or else, I won't open the door.

Sent: 8:45am

Bumalik ako sa pagkain though this time, I placed my phone on my dinning table. Itinabi ko na rin ang headphones dahil pagkasent ng message ko e tumigil na rin ang maingay na doorbell. Two minutes bago nagreply si Lilian. Ang tagal nga e. Binuksan ko naman yung message.

From: Shoaf, L.

Wala na. Now, will you please open this freakin' door? =3=

Received: 8:47am

I again rolled my eyes. What's up with her ba and she's soooo excited?! Pssh. Tumayo muna ako't tinigil ang pagkain para buksan ang pinto. Nakasimangot pa nga ako nun nang buksan ang pinto pero nagulat ako nang pagbukas ko ay si Stevan na naman ang sumalubong sa akin! What the eff?! I thought, he was already gone?!

"NOW, WHAT?!" inis kong sigaw sakanya.

Ngumiti sya at inihilamos ang kamay nya sa mukha ko. "I love you too. Good morning ulit, Ivva." WHAT?! I didn't say 'I love you'!!

"What the hell is your problem to wake me up early in the morning?!! Give me a valid reason why or else, I'll kick your ass!" I threathened him which has no effect because he just grinned.

And before I could even protest, tinulak na nya ang pinto para makapasok at nakangiting nilagpasan ako. Narinig ko pa ngang ibinulong nyang, "Nice fashion, Ivva." nung dumaan sya sa harap ko. Napasadahan ko pa nga ng tingin ang sarili ko nun. What's nice about loose gray shirt paired with a denim short? Pssh.

Sunod na pumasok ay si Ivo, si Justin at si Nick! SERIOUSLY?! And then for finale, pumasok na rin si Lilian at Valerie. Valerie hugged and greeted with me with her usual sweet way while Lilian hugged me too but with complains because I opened the door late. Me? I was just... there. In state of shock! Like.. UGH! I was just expecting two persons but five came! Isasara ko na sana ang pinto but then... may pumasok paaaa! Dalawang maliit na bata. About 6-7. Isang babae at isang lalaki. Seriously?! What do these people think about my condo?! Tambayan?!

When I was already sure that no one would come in anymore, I close---oh--kay?

"Aw! Aw!"

GRR! Kanino naman ang kulay black and white na mabalbon at malikot na tuta ito?!!

Sinarado ko na ang pinto ng malakas which caught their attention. Tinalikuran ko ang pinto at hinarap sila saka nagpameywang. Aba. Aba naman! Mga feel at home itong mga kolokoy?! Nakaupo na kasi sa sofa sina Justin at Nick at bukas na ang TV. Ivo was infront of my computer and Stevan was checking my unit. Yung tuta e patakbo-takbo at yung dalawang bata, chinecheck ang mga figurines at stuff toy na nasa display cabinet ko. Sina Lilian at Valerie naman ay papasok ng kusina. Nagsipaglingon sila nung pagsara ko ng pinto so I took the chance to talk.

"Mind to explain why all of you are here?" Nakabitch look na tanong ko. Nilingon ko si Ivo, "And you, why did you bring Ivan here?!" then I pointed the seven-years old little kid--he's our little brother. Our freakin' little brother!

"Mom had a meeting, sis. Susunduin nya raw si Ivan dito mamaya." Sagot ni Ivo nang hindi man lang ako tiningnan dahil tutok sya sa computer.

"E ba't kasama mo pa ang mga ito?!" Saka ko itinuro si Justin at Nick.

"Grabe ka naman Ivva!" Tumawa si Justin. "It seems like we're not welcome here!"

"Exactly! I didn't invite you so why come?!" Iritado kong tanong.

Umarte naman si Nick na parang nasasaktan. "Dude, your twin sister is so mean." Tapos inangat nya ang tingin nya sa akin. "What friends are for, Ivva?"

I rolled my eyes. "Wait, why are you here in the first place, Ivo?" I asked my twin brother.

This time, bago sya sumagot sa akin ay pinalo nya muna ang keyboard kasabay ng pagsigaw ng 'Game Over?!' With cuss. I yelled 'careful!' which he ignored. Geez. Tapos inikot nya yung upuan nya paharap sa akin. Nagpandekwatro at nilagay ang magkabilang braso sa armrest saka ngumiti ng nakakaloko. "Just checking if you're still alive, Ivva. You know, wala kang alam sa pagiging independent. BWAHAHAHAHA---ARAY!" Napatigil sya sa pagtawa nang batuhin ko sya ng nadampot kong unan.

"CHE! E ba't isinama nyo pa 'yan?!" and lastly, itinuro ko si Stevan, who was still busy looking around.

Sabay sabay nag 'awww' yung tatlo as if they're sad for Stevan then Ivo answered. "Magkakasama talaga kami sa tambayan Ivva. I already planned to visit you today but not as early as this. Pero dinala sa akin ni Mommy si Ivan kaya dinala ko na rin si Ivan dito dahil gusto ka rin nyang makita. At sumama yung tatlo." Itinuro nya sina Justin, Nick at Stevan.

Tinuro ko naman ang tutang wala pa ring tigil sa pagtakbo takbo. Nakakahilo. Peste. "Whose puppy is that?" Iritado na talaga yung boses ko nun nung tinanong ko sina Ivo, Justin at Nick.

Pero wala sakanila ang sumagot. It was Stevan who answered. "It's yours." Ni hindi sya lumingon sa akin dahil busy sya icheck ang made of glass wall clock ko.

"At kailan naman ako nagkaroon ng pet?!" Inis kong sigaw sakanya.

He looked at me and flashed a grin then said, "Ngayon." yeah right!

I rolled my eyes heavenwards and pointed the girl who was sitting with Ivan at the carpet. They're.. sort of talking. "And who's the kid?" Parang nauubusang pasensyang tanong ko at pinipilit nalang maging kalma.

Nagkatinginan sina Ivo, Nick at Justin. They were sooo serious and then... sabay sabay lumingon ang tatlong mokong kay Stevan at tinuro sya tapos tumingin na naman sa akin saka sabay sabay na sumagot.

"His daughter."

-

I.. She's... We.. I.. Ahm.. Argh! A daughter?! His daughter?! I can't imagine! Look, this blonde girl in yellow balloon-style dress look like 5 or 6. Stevan is in his 20th year of existence now. And 20 - 5 = 15! FIFTEEN?! He was just fifteen when he.. he.. he had a daughter! He was probably in third year of High school when he.. argh, I can't even mention it. At dahil second year ang last year nya sa high school dito sa Pilipinas, malamang nasa USA sya nung panahong nagkaroon sya ng anak. No wonder the girl look like american. Stevan probably got an american girlfriend.

Nabalik ako sa reyalidad nang... umalingawngaw ang tawa ni Stevan sa buong living room at kasunod niyon ay nagtawanan na rin ang tatlo pang lalaki. You know when it was so silent and then someone would laugh as fuck? Geez. I glared at him while he was holding his stomach as he laugh. When he felt my glare, he raise his hands but, still, laughing.

"Sorry! I can't help but laugh! Pffft--bwahahahahahahaha! Your face-hahahaha--was just--hahahaha freakin' priceless! Holy shit! I'd pay a million to see that kind of expression from you again, Ivva! HAHAHAHA!" And he, again, bursted out his laughter. Argh!

I removed my flip-flops and threw it to him. Tudsh! Sapul! Good shot, Ivva!

"Ouch! That hurts!"

"Then that was not true?! Just a mere prank?! Baka nalilimutan nyong nasa teritoryo ko kayo?!" Sigaw ko sakanilang apat.

The four guys acted as if they're scared even if they're not. Napaatras pa nga sila at itinaas pa ni Justin at Nick ang dalawang kamay na parang sumusurrender. "Whoa." They commented in unison.

I rolled my eyes. Yeah right, squad. I crossed my arms and was about to ask what I noticed when we all heard a shout from the kitchen. "BREAKFAST'S READY!" Liliaaaaaaaan?!!

Punahang pumunta do'n yung apat at gano'n na rin ang dalawang bata. What the eff?! And I didn't have the choice but to just simply follow them. Pagdating ko sa kusina, aba, mga nakaupo na. Sa left side yung mga lalaki at sa right side ang dalawang babae kasama ang dalawang bata. Then ang pinakadulong upuan nalang ang bakante kung nasaan andoon pa rin ang naiwan kong kinakain. Great! Pssh!

I had no any other choice but sit. They were all talking. Boys with their boys stuffs and girls with their girly things. Bad mood pa rin ako kaya tahimik lang akong kumakain. Geez. I didn't expect eight visitors. I hate noisy people but I love noisy places--well, a bar is the perfect example.

"Uy, Ivva. Makakapagmovie marathon pa ba tayo?" Tanong sa akin ni Valerie at nakangiwing sinulyapan ang boys.

Mukha namang narinig ng mga lalaki yung sinabi ni Valerie kaya nagreact si Justin. "Uy, movie marathon?! Gusto ko yan!" At nagsipag 'oo nga' yung tatlo pa.

I rolled my eyes. "Nasaan nga pala si Gerald? Hindi nyo sya kasama ah?" Tanong ko sakanila.

Again, nagsipag 'aww' sila as if malungkot at nilingon pa si Stevan. Inakbayan pa nga ni Justin at Nick si Stevan habang natatawa pero pinipigil yung tawa. Nagsad face with pout naman si Stevan pero nag grin din.

"Aray pre. Sakit nun. Tagus-tagusan ba?" Natatawa-tawang sabi ni Justin kay Stevan.

Sinagot lang sya ng tawa ni Stevan sabay hawak sa chest at sinabing, "Oo pre. Nadurog ampucha." Tapos umiling-iling pa sya na akala mo naman e nasaktan talaga.

"Bato kasi puso ni Ivva e. Di mo malaman kung manhid o sadyang di ka lang trip. Kawawang Stevan!" At nagtawanan silang tatlo. Suskupo.

"E kung pag umpugin ko kaya kayong tatlo dyan? Wag kayong malikot pucha! Yung pagkain ko, tinatamaan nyo mga gago!" Saway naman sakanila ni Ivo.

"Uy may mga bata." Sinaway sila ni Valerie.

"Ay! Haha sorry!"

"Oy bawal nyong gayahin yung mga sinabi namin ah?! Kung hindi, ibibitin ko kayo ng patiwarik!" At nagtawanan na silang apat.

Napailing nalang ako. Wala namang sumagot ng tanong ko. Pssh! Kaya do'n nalang ako sa anak ni Stevan tumingin. She was cute alright. Pero hindi nya hawig si Stevan. More on american ang features nya.

"Hi kiddo." Lumingon sila ni Ivan sa akin. Okay, I know I'm horrible in terms of handling a kid. I don't look friendly because I have a resting bitch face but I still asked her, "What's your name?"

"My name's Stephanie Xylene Lacson." Ngumiti sya. Alright, so her name was taken from her father's name huh? At apelyido ni Stevan ang gamit nya. Does that mean kasal si Stevan at ang nanay nitong si Stephanie? Kasi diba mother's last name ang gagamitin kung hindi kasal ang parents?

Nilingon ko si Stevan. "She's using your last name?" tanong ko in a tone that I'm demanding for an explanation.

"Yeah, of course. Alangan namang kay Mama diba?" Pilosopo alert? I just rolled my eyes.

Kumain nalang kami ng tahimik. I mean, ako lang pala. They have their own world. Nag uusap yung dalawang bata, yung apat na lalaki at si Lilian and Valerie. Therefore, ako lang ang walang kausap. Seessh. Napalingon tuloy ako sa tuta na nasa kanan ko habang nakaupo sya sa tiles at nakatingala sa akin habang medyo nakatilt ang ulo. Siya nalang kaya ang kausapin ko? Geez. Kelan ka pa naging interesado sa pet, Ivva? I rolled my eyes.

Tumayo nalang ako pagkatapos kong kumain. Tinanong ako ni Lilian kung saan ako pupunta and I just simply told her that I'll take a bath. Naglalakad ako paalis nung mapansing sumusunod sa akin yung tuta. Nilingon ko nga't huminto saka tumingala sa akin. Out of the blue, kinarga ko yung tuta at sinama. Umakyat kami sa second floor ng unit ko at dumiretso sa kwarto ko. May shower room naman kasi dito so dito na rin ako naliligo.

I think, I finished after thirty minutes or so. I just take showers too long. I wore my robe and wrapped my hair in a towel before I went out of the shower room. Pero paglabas ko....

Two seconds of staring...

*Crickets*

Three seconds of staring...

*Crickets*

Five seconds of stairing...

"WAAAAAAAAAAAH!" Umakyat lahat ng dugo ko papunta sa mukha ko at napatili ako nang makita si Stevan sa kwarto ko. Out of shock, dinampot ko ang kung anong makuha ko sa bed side table o kama at pinagbababato iyon sakanya. "What are you doing here, jerk?!"

As of him, he used his arms to defense himself. "O-Ouch! Hey! That was a clo---Ouch! Can you--whoa! Can you stop?! Aray! Ano ba, Ivva! Pucha masakit yon ah!"

"No! Get out of my room! You pervert!"

Tapon lamp!

Tapon telephone!

Tapon notebook!

"I didn't mean to enter your--ouch! Your room okay?! I thought, this was the--whoa!--the guest room! Damn! That hurts! Stop--whoa! What's this?!"

Natigilan kami nang marealize naming dalawa kung anong naitapon ko. I-It.. I-It was... I felt how my face heat up. HELL! I-It was.. It was my brassiere! My baby blue with cupcakes bra! Holy mother nature! Wala pang tatlong segundo ay sigurado akong namumula na ng matindi ang mukha ko. What to do?! What to do?!

He looked at me and we stared for seconds then he grinned. Seconds later, his grin turned into a freakin' annoying teasing laughter! ARGH! "Whoa, Ivva! Baby blue cupcakes eh?"

Mabilis pa sa alas kwatrong nakapunta ako sa harap nya at hinablot ang dapat hablutin saka ko sya sinampal. I can still feel the extreme blushing of my face when I slapped him. I was just... embarrassed. "JERK!" At tinulak ko sya palabas ng pinto kasabay ng malakas na pagsara nito. Kainis! Mapapahiya na nga lang, sa lalaking yun pa!

Pagsara ko naman ay narinig ko pa rin ang napakalakas at nakakairitang halakhak ni Stevan. Bwisit! Ano bang problema nya?! At naiimagine ko ring hawak hawak pa nya ang tiyan nya habang hinahampas ang kung ano katatawa. "I'LL NEVER EVER EVER LET YOU ENTER MY UNIT AGAIN! ITAGA MO YAN SA BATO!" I shouted at the top of my lungs. Gaaaal.

Narinig ko ang malakas at sunud-sunod na pagkatok ni Stevan sa labas ng pinto. "Hey Ivva! I'm sorry! Open this door! I didn't mean to offend you okay?! SORRY!" He kept on shouting though there was still a hint of laugh.

I rolled my eyes. How to totally get rid of him? Geez. I want him out of my life. Hinayaan ko syang magsisigaw sa labas habang nagbibihis ako. Aba, bahala sya dyan. Naiinis pa rin ako sa pagmumukha nya. Kahit anong gawin nya, nakakairita sya. Peste.

Nang matapos akong magbihis ay napalingon ako sa black and white puppy na prenteng nakapwesto sa bed ko at nakatingin na naman sa akin. Lumapit naman ako sakanya at pinat ko yung ulo nya.

"Hi puppy." I smiled as if this puppy would be able to understand me.

I never really had an interest at taking care of any kind of pets ever since I was born. I never had a pet. I never had the chance to take care one. I don't know if I like them or I hate them because I just simply... don't care. But right at this moment, while I'm looking at this puppy, I can say that.. I think I'd love to keep a pet.

"IVVA! Hey! Are you mad?! Sorry na oh?"

I rolled my eyes again when I heard Stevan from the other side of the door. Akala ko wala na sya dahil bago pa ako matapos magbihis e hindi na sya nasigaw tapos andyan pa pala ang mokong. Hmp. Umupo ako sa kama ko at nilagay sa lap ko yung tuta then pinagpatuloy ko yung pagpapat sa ulo nya.

"Hey puppy. What do you think of Stevan? Dapat ko ba syang pagbuksan ng pinto? Huh?" Seriously, Ivva? Do you really think a puppy would understand and answer you?

Ibinaba ko yung tuta sa lapag pero bago ko alisin yung kamay ko sa pagkakahawak sakanya, I whispered him a risk. "If you'd go at the door side, I'd open the door for Stevan. But.." sinulyapan ko ang kabilang side ng kwarto ko na sa bandang shower room which was parallel ng pintuan, "..if you'd go at the rest room side, I won't." Then I let go of the dog with a smile.

I stood up and looked down to him, waiting for what direction he would go. But then...

"Puppy?!"

Geez. I can't help but pout. He walked straight. Dumiretso sya sa walk-in closet ko which was in the middle of the rest room side and door side. Meaning, none of the two options! Napahawak ako sa sentido ko't nagpameywang. "Are you letting the decision to me, little dog?" I talked with an animal again.

I glanced at the closed door. I can still hear Stevan's voice at the other side. He kept on saying sorry. Gano'n ba sya katakot na magalit ako sakanya? Para di lang nasagot e. Nilingon ko ulit yung puppy. Inaamoy-amoy nya yung carpet pero yung ulo nya nakaside sa... door side. Okaaaaay!

Nakangiti kong nilapitan ang tuta at kinarga saka ako dumiretso sa pintuan. Binuksan ko yung pinto at gaya ng inaasahan, ando'n pa rin si Stevan. His face lightened up when he saw me.

"Hey Ivva! Sorry na kung na-offend kita. Ikaw naman kasi e. Bato ka ng bato e. Masakit kaya! Hindi ko naman talaga sinasadyang pumasok sa kwarto mo. Sabi kasi ni Ivo e yung unang kwarto raw ang guest room. Di naman sinabi kung kaliw--"

Hinila ko sya papasok ng kwarto at sinara ang pinto. Ang daming satsat e. Tinalikuran ko sya at naupo sa kama ko saka nilapag ulit sa lap ko yung tuta.

"Ligpitin mo yung kalat mo, Stevan para bati tayo." Sabi ko sakanya nang hinihimas-himas pa rin ang ulo ng tutang tinitingnan ko.

"Huh?" Parang nagtaka pa sya. "Anong kalat? Wala naman ako---"

Nilingon ko sya at sinamaan ng tingin tapos tinuro ko yung nakasarado nang pinto. "Yung mga gamit ko sa labas! Kunin mo yun kasi ikaw ang nagkalat nun! BILIS! KILOS!"

"What the---"

Tinaasan ko sya ng kilay at nagcrossed arms. "Hindi ka talaga kikilos?"

Napakamot nalang sya ng ulo. "Tsk. Ako na nga ang binato't sinampal, ako pa 'tong nagkalat. Ibang klase.." pabulong bulong pa, rinig ko naman!

Hinablot ko ang pinakamalapit sa aking unan at ibinato sakanya yun. Sapul! Sharp shooter talaga ako e. "Hoy! Kung bubulong ka, yung hindi ko maririnig! Jerk!"

"Ang talas ng pandinig--ANAK NG!---ITO NA NGA EH! MAGLILIGPIT NA OH!" kumaripas na sya palabas ng kwarto ko nang hawakan ko yung handbag ko at akmang ibabato sakanya.

Paglabas nya, natawa nalang ako ng kaunti. Mukhang tanga. HAHAHA! Pero binalik ko yung seryoso kong mukha nung pumasok ulit sya dala dala yung mga tinapon kong gamit. Nakadalawang balik din sya matapos nyang maiayos ulit yung mga gamit ko. Yung lamp, tuluyang nasira kaya nauwi sa basurahan. Pagkatapos naman nyang magligpit, naupo sya sa kama ko. Dahil nasa dulo ako ng kama, nasa likod ko sya. Pero humarap ako sakanya at nag indian sit pag upo nya sa kama ko ng nakasandal pa sa headboard.

"And who said you're allowed to sit on my property?" Taas kilay kong tanong.

"Grabe naman 'tong baba--Whoa!"

Nagulat kami parehas nung umalis sa lap ko yung tuta at pumunta sakanya. Dinambahan sya kaya napahiga sya tapos dinila-dilaan sya nung tuta. Nakakatuwa ngang tingnan e. Galaw pa ng galaw yung buntot. Si Stevan naman, mukhang nag eenjoy dahil nilaro-laro rin nya but in the end, binuhat nya palayo at umayos ng upo. Kinuha ko nga sakanya e at binalik sa lap ko.

Ngumiti sya sa akin. "Nagustuhan mo?"

Kinunutan ko naman sya ng noo. "Ang alin?"

Tinuro nya yung tuta. "Siya."

Binaba ko yung tingin sa tuta tapos naalala ko yung sinabi nya kanina. Inangat ko yung ulo ko ulit. "Diba sabi mo sa akin, akin sya?" Tanong ko.

Tumango naman sya't tumango. "Yeah. You can have him."

"Binibigay mo?"

Nagpoker face sya. "Hindi. Hindi talaga. Pinapahiram ko lang." Pilosopo alert. Pssh!

I rolled my eyes. Tiningnan ko ulit yung tuta at hinamas-himas ang ulo. Ramdam kong nakatingin sa kin si Stevan then maya maya lang, nagtanong sya.

"Anong ipapangalan mo sakanya?"

Napahinto naman ako sa pagpat ng ulo nung tuta pero hindi ko sya tiningnan. "Hmm.." nag isip naman ako. "Siguro... BAW (bo)." Tinuloy ko naman ang pagpapat ng ulo ng tuta.

Kumunot yung noo nya. "Ba't naman baw?"

"Pssh. Black and white kasi sya! Bi. Ey. Dobolyu." And I rolled my eyes.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na natawa naman sya't napailing pero hindi naman nagsalita. Ilang segundo kaming tahimik habang nakatingin lang sya sa akin habang hinihimas himas ko yung ulo nung tuta then bigla kong tiningnan si Stevan at ngumiti. A genuine one. Dahan-dahang nawala yung ngiti sa labi ni Stevan at halatang nagulat sya na nginitian ko sya. He turned out idling at me. Para syang nakakita ng shooting star at nakalimutang magwish dahil once a blue moon lang 'yon kaya namental block sya. Lalo akong napangiti. And I said one of the most rare word in my vocabulary to the most unexpected person.

"Salamat."

 

 

CHAPTER EIGHT

"ANAK NG! Ano ba namang klaseng mga palabas 'to, Ivva?!" hindi maipinta yung mukha ni Justin habang hawak yung dalawang CD sa kamay nya na nilalayo rin naman nya sa sarili nya na parang nandidiri.

"Oo nga. Ang babaduy! Paano nyo natitiis manood ng ganyang mga palabas? Ha?" Nakangiwing dagdag naman ni Ivo.

"Yucks pre! Doraemon? Winnie-the-pooh? Boys over flowers? Pucha! Di ko ata kaya 'tong mga 'to!" Dagdag naman ni Nick at inurong palayo sakanya yung mga nakakalat na CDs.

"Ang aarte nyo e makikinood lang naman kayo ah! Mga saling pusa lang kayo dito kaya kung ayaw nyo sa mga CDs namin, aba! Aba! The door is open!" Natawa kami ni Valerie sa pagdepensa ni Lilian sa mga CDs namin.

"Anla. Kasali pa rin kami sa movie marathon pero hindi yang mga corny'ng kalokohan ang panonoorin natin..." sabat naman ni Stevan at ngumiti ng nakakaloko. At pag sinabi kong nakakaloko, yung ngiting may... KALOKOHAN! Nagkatinginan silang apat na mga lalaki at nagsipagngisihan na rin ng nakakaloko tapos nagsipaghagalpakan ng tawa as if iisa ang iniisip. "BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Nanaki ang mata ko when I finally processed what they're talking about. "Mga manyakis! LAYAS!" Sigaw ko sakanila nang magets ko ang tawanan nila at pinaghahampas sila ng unan. Itong apat na 'to talaga, iisa ang ikot ng bituka pagdating sa kalokohan.

"Oo nga! Mahiya nga kayo! May dalawang bata dito oh!" Dagdag naman ni Lilian. Nagets rin nya.

"Huh? Ano ba 'yon? Anyare? Ba't ano.." tanong naman ni Valerie na halata mo sa mukha na gulung-gulo. Hay naku, ang inosente talaga ng isang 'to!

"Wala yun, Ri!" Sabi ni Ivo kay Valerie tapos tinap sya sa balikat at nagtawanan na naman silang apat.

"Wala kaming sinasabi ha! Kayo lang nag iisip ng kung ano! BWAHAHAHAHAHA!" sabi ni Nick tapos nagtawanan na naman sila.

"Asus! May common sense lang kami para maka-gets!" Defense ni Lilian tapos umirap.

"Kalokohan! Hahahaha! Kayo ha, isip nyo! Mga babae pa naman kayo. Kayo ata manyakis dito e. BWAHAHAHAHAHA!" Suskopo.

"Ang iniisip naman namin e action movies. Hindi kung ano. Kayo talaga." Aba't 'tong si Stevan.

"Okay! Okay! Para walang away!" Shinake ko yung kamay ko sa gitna nila. Lumingon sila sa akin. Tinuro ko yung dalawang bata. "Sina Stephanie at Ivan ang pipili ng panonoorin natin!"

"OKAY!" sabay sabay silang sabi. In the end, lahat kami e naglean sa dalawang bata para malaman kung anong isasagot nila. Tahimik naman sila e. Kung anu ano lang ang pinaggagagawa.

"Stephanie.. Ivan.." tawag ko sakanila. Lumingon naman silang dalawa sa amin. Si Ivan, nakapoker face tapos si Stephanie, nakangiti. Ngumiti ako. "Anong gusto nyong panoorin?"

Nilakihan ko ng mata si Ivan para i-threaten sya. Aba, ayus ayusin nya ang pipiliin nya kung ayaw nyang sumabog ang buong katawan nya! Tiningnan lang nya ako na akala mo e bored na bored.

"Steph, sabihin mo, horror movies dali!" Pabulong lang yung sabi bigla ni Stevan pero dahil walang nagsasalita, rinig naming lahat. Binatukan ko nga. "Aray naman."

"No coaching!" Sabay sabay naming sigaw ni Lilian at Valerie.

Tapos binatukan din sya ni Ivo then si Justin then si Nick. Aray nga ng aray si Stevan e. "Iiskor ka pa eh!" Sabi ni Ivo. Natawa na naman silang apat.

"Uy, baka matutunan ng mga bata yang mga mura ano ba. Control naman." And here comes our Valerie.

"Wag nga kayong maingay! Di makaisip yung dalawa e." Sabi ko naman. "Stephanie, Ivan?" Tawag ko sakanila. Nakangiti ako sakanila pero nilalakihan ko ng mata si Ivan.

"Ahm ako, gusto ko..." tumutok kaming lahat kay Ivan. "Gusto ko..." hay naku, pa-tense epek pa 'to. "ARNOLD SCHWAZERNEGER!"

"Ayyy." Sabay sabay pa kaming tatlong babae. Anobayan!

"Ikaw Steph?" Tanong ni Ivo kay Stephanie.

Naglean kaming tatlong babae sakanya. "Ano, baby?" Sweet pa na tanong ni Valerie sakanya.

Ngumiti ng pagkalaki-laki si Stephanie. Yey. Samin na 'to! "Barbieeeee!"

"Pa'no ba yan?" Ngumisi ako sa boys.

"Ibig sabihin, do'n tayo sa girly movies! Mwahahaha!" Sabi ni Valerie at nag evil laugh.

"Nah-ah." Napalingon kami kay Ivo.

"Ano na naman?" Kunot noong tanong ko.

"Lima kaming lalaki oh?" Tinuro ni Ivo silang lima. "E pano ba yan? Apat lang kayo." Ngumisi sya at tinaas ang dalawang kamay in a manly proud way. "MEN WIN!"

"WOOOH!"

"T-Teka---"

"Walang teka-teka, Ivva Laine. Bibili kami ng CDs."

At umalis na nga si Ivo at Justin. Naiwan kaming lugmok na mga girls. Hay naku! Alas 10 na ng umaga. Tapos na kaming lahat sa pagkain ng almusalan at ngayon e nakaupo na kami dito sa living room ng unit ko. Inurong namin--I mean, nina Stevan yung sofa set at yung mini table dahil sa carpet kami. Nagpa-circle kami tapos sa gitna nakakalat yung mga CDs. Actually, kung kami lang naman nina Valerie at Lilian, hindi naman makalat yan dahil maayos kaming magsipaghanap. Pero... may apat na lalaki at dalawang bata kaming kasama. Geez. Bale ang pwesto, katulad ng pwesto namin sa dinning table, ako yung nasa mismong harap ng TV. Sa kaliwa ko ang boys then kanan ang girls with the two kids. Nagluto nga ng popcorn sina Lilian at Valerie tapos si Ivo at Nick ang bumili ng softdrinks then si Stevan at Justin ang nag-organize ng sala. Sila rin naglagay ng unan dito. As of me, Ivan and Stephanie... Hayahay! HAHAHAHAHA! Aba, nasa balwarte ko sila ano!

Hinintay naming dumating sina Ivo. Sandali lang naman sila tapos pagbalik nila, aba'y wala talaga kahit isang pabor sa aming mga babae! Jackin Chan! Bruce Lee! Arnold Schwazernerger! Tom Cruise! At kung sinu-sino pang hindi ko kilala. Basta, PURO ACTION!

Ang una naming pinanood ay yung Day and Knight. Bida do'n si Tom Cruise. Ang partner nya, si Mandy Moore na gumaganap bilang Day tapos ang pangalan ni Tom Cruise ay Knight. Ang cool lang ni Tom Cruise do'n kasi ang kalma-kalmado nga nya e. Tapos ang galing pa nya magshot! Lagi ding may bubble gum. Si Day naman, sya yung tipong walang kaalam-alam sa gun life. Protector nya si Knight at dahil kay Knight, natuto sya ng kung anu ano. Meron ngang scene do'n na hinahabol sila tapos nakamotor lang sila at nasa likod ni Knight si Day. Ang ginawa ni Day, kahit kumakaripas ng takbo yung motor e nagawa nyang pumunta sa harap ni Knight pero nakaharap sya sa mga sumusunod sakanila ni Knight. May baril sya tapos pinatong nya sa braso ni Knight yung baril at binabaril nya yung mga nakasunod sakanila habang pinapaandar ng pagkabilis-bilis ni Knight yung motor.

Pangalawa naming pinanood ay yung kay Jackie Chan na Police Story. Ang galing nga makipaglaban ni Jackie Chan tapos panay gamit sya sa mga gamit sa paligid. Tuwing naglalaban nga sila ng mga kalaban, todo cheer kami nina Lilian at Valerie.

Sunod namang movie e yung Eraser. Movie naman 'yon ni Arnold Schwazernerger. Agent or pulis ata si Arnold tapos ang codename nya ay Eraser. May pinoprotektahan syang witness kasi gustong patayin nung suspect yung babaeng witness. Ang galing nga ring makipagbarilan. Nagsigawan nga kami nina Lilian at Valerie nung binaril ni Arnold yung aquarium kaya lumabas yung mga crocodiles at kinain yung mga kalaban nila. Yikes, gross. At ang pinakamalala para sa akin ay yung nasa eroplano sila tapos nagbabarilan. Bukas yung exit ata kaya hinihigop ng hangin si Arnold. Then sa lakas ng hangin, nahigop sya pero nakakapit naman! Pero kahit naaaa!

"HALAAAAA! Mahuhulog syaaaa! Tatalon ba sya?! Ang taas nyan! Mamatay sya!" Tili ng tili si Valerie.

"Nag-aapoy pa man din yung likuran na---waaaaah! Nahulog yung dapat na bag ng parachute nyaaaa! HALA! HALA! TATALON SYA PARA SUNDAN YUNG BAG?!" nagpapanic na rin nun si Lilian.

"WAAAAAAAH! TUMALON SYAAA! WALA SYANG PARACHUTE! STUPIIIIIID! PARANG HINDI NAMAN POSIBLE NA MASUNDAN NYA YUNG BAG NG PARACHUUUUTE!" At sa lahat ng manonood, ako ang pinakamaingay. And to add, inaalog alog ko pa si Ivo nyan na katabi ko lang. Gusot gusot na nga yung kwelyo nya e at iritable na.

"WAAAAAAAAAAAAAH! NAKUHA NYAAAA!" sabay sabay pa kami nina Lilian at Valerie na sumigaw kasabay ng halos pagtalon talon kahit na nakaupo lang kami dahil sa sobrang tuwa nung makuha ni Arnold yung bag ng parachute habang nahuhulog sya at bumagsak sa isang kotse. "ANG GALING NYAAAAAA!"

"Tumahimik na kayo pwede?! Kanina pa kayo tili ng tili! Basag na eardrums namiiin!" Reklamo ni Ivo.

"Hindi na namin maintindihan yung kwento dahil ang iingay nyo." Nakapoker face na sabi naman ni Justin.

"And for pete's sake, hindi nyo naman kelangan isigaw ang nangyayari dahil nakikita naman namin." Dagdag pa ni Stevan.

"E di next movie e choice naman namin!" Sabi ni Valerie tapos ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Pumayag naman yung apat. E di tuwang tuwa kami. Next movie, ang pinili naming tatlo ay isang fantasy story---ang beautiful creature. Story sya ng mga casters tapos yung isang caster, isinumpa syang maging isang masamang caster kaya yung mga cast ay pinipigilan ang sumpa. Tutok na tutok kami nina Lilian at Valerie sa panonood nang....

"Ang boring." komento ni Justin at humikab.

"Oo nga eh. Tapos ang corny pa." Dagdag ni Nick.

"Ang baduy-baduy."

"Nakakaantok."

"Walang thrill."

"Ang panget talaga ng taste ng mga babae."

"Imposible namang mangyari 'yan sa totoong buhay e."

Okay! Napuno na ako! "E imposible rin namang mangyari sa totoong buhay yung barilan nina Arnold Schwazernerger ah?!" Sinigawan ko na nga sila.

"Oo nga! Pati yung patalon-talon ni Bruce Lee at Jackie Chan sa mga buildings at helicopters!" Dagdag ni Valerie.

"Saka kung ayaw nyo ng movie, manahimik kayo please! Concentrated kami eh!" And lastly, Lilian.

"E kanina ngang tili kayo ng tili, hindi naman namin kayo pinansin ah?" Nakapoker face na sagot ni Ivo.

"Anong hindi?! Oo kaya!"

"Pero at least tapos na yung movie nung sitahin namin kayo!"

"Nag eenjoy naman kasi kami kahit papaano kaya kami natili. E kayo?! Nagcocomment kayo kasi ayaw nyo yung movie!"

"Paanong hindi? E wala namang kalatoy-latoy--"

"Ang mahiwagang karayom!"

Natigilan kami sa pagdedebate nang marinig namin ang boses ni Doraemon sa TV. Sabay sabay kaming napalingon sa screen at pati na rin sa magkatabing si Stephanie at Ivan habang tutok na tutok sa panonood!

"Doraemon! Doraemon! Uwaaaah! Uwaaah! Inaway ako ni Damulag! Pahiramin mo ako nung gamit na pinakita mo, Doraemoooon! Uwaaaaah!

Ano ka ba naman Nobita! Hindi pwede!

Dali na! Bibigyan kita ng sampung pirasong hopia!

Oo na! Sige naaa! Basta wag mong sosobra---NOBITAAAA!"

"Sinong nagpalit ng CD?!" tanong ko kahit na.. obvious na.

Lumingon sa amin ng sabay yung dalawa. Stephanie with her innocent look and Ivan with his usual poker face look. In the end, si Ivan ang sumagot. "Debate kayo ng debate. You guys are wasting the time. Stephanie and I let you watch action and fantasy movies. Ngayon, it's our turn." Poker face nya yung sinabi at... tinalikuran na nila kami! Nagfocus nalang sila sa panonood!

Katahimikan. Crickets. Katahimikan. Crickets. Katahimikan. Ilang segundo kaming tahimik na anim doon until I decided to stood up. Tumayo na rin si Ivo then si Lilian at nagsipagtayuan na kami as if we have the same thought.

"Oh ayan. Bata nalang ang manonood para walang away." Sabi ko. Nagsipag-agree naman sila.

"Maliwanag na usapan yan."

"Wala nang papalag."

"Yan kasi."

"Tsh! Ang kulit nyo kasi." Poker face na sabi ni Ivo.

"Panira kayo ng movie marathon namin e." Nakapout na sabi ni Valerie.

"Tigil na pwede?!" Saway ko. Then finally, tumigil din sila. Haynaku. Para kaming mga high school! Nag away away ba naman sa movies? Daig pa kami ni Ivan at Stephanie. Nagkasundo sa isang palabas yung dalawa.

Si Nick at Justin, aba'y naupo na sa tapat ng computer ko. Si Ivo, sumalampak sa couch. Tapos si Lilian at Valerie, pumunta muna sa kusina at kukuha daw sila ng ice cream.

"Oo nga. Anong oras na ba?" Tanong bigla ni Nick at tiningnan yung orasan. Napalingon din tuloy ako. "Ay 4:27 palang. Three hours pa, Steve!" Sabi ni Nick kay Stevan. Hindi ko naman alam kung ano yung pinag-uusapan nila nun. At hindi ako interesado.

Stevan and I are now in a fine relationship. Not romantic and not friends. We're just... fine. Well, I guess. Sana naiintindihan na nyang ayoko sakanya't hindi ako magkakagusto sakanya. We're fine but I still don't have any interest to know anything that is related to him so I didn't really bother to ask.

"Sis, diba may chess board ka? Maglalaro nalang kami para bawas boredom." Sabi sa akin ni Ivo.

"Bored na pala kayo. Ba't di pa kayo magsipaglayas?" Bitchy na sabi ko. Sanay na naman yan sa kin eversince.

"Rude! May inaantay kasi kami. Oh ano na? Asan ba nakalagay?" See? May pinagmanahan naman ako sa rudeness e. I rolled my eyes.

Tinuro ko yung upper part ng display cabinet ko. "Ando'n. Kunin nyo nalang. Siguraduhin nyong 32pieces pa rin yan pagbalik ha. Kundi kayo ang pipirapirasuhin ko." At naglakad na ako palayo sa living room. Sa kwarto ko nalang muna siguro ako.

Paakyat na ako nung stairs nung matanaw ko si Lilian at Valerie na nagsasalin ng icecream sa tatlong malaking glass cup nang sigawan ko sila. "Girls! Sunod nalang kayo sa room ko ah!"

"Yeah!"

Pag-akyat ko ng kwarto ko, maya-maya lang pumasok din sila. Sa kama ko kami nagsipag-upo ng magkakaharap. Binigyan din nila ako ng isang cup ng ice cream and... because we are ladies. Of course, we spent the next three hours talking and talking and talking and talking a lot of things until we got into Stevan. Ewan ko rin kung paano sya naging topic basta alam ko, tinanong na lang ako ni Valerie.

"Hindi mo ba talaga sya gusto, Ivva?"

I rolled my eyes. "No! If I like him, sana narealize ko na diba? Kasi grade school palang, crush na nya ako?"

"Sayang naman. E di... kahit anong kulit, effort at panunuyo sa 'yo ni Stevan, wa effect?" pang uusisa naman ni Lilian.

"Wala." Mabilis namang sagot ko.

"What if kaya bigyan mo sya ng chance?" Si Valerie.

Hinead-to-foot ko naman sya ng tingin nun as if saying 'are-you-out-of-your-mind'. Sinimangutan ko sya, "E ayoko nga sakanya e! I'm certain of that okay?! I get irritated of him! I get annoyed to every thing he's doing! And I badly want to get rid of him." Pag aalburoto ko. Ano bang punto ng dalawang ito at pinagpipilitan ako sa lalaking 'yun?

Nagkatinginan silang dalawa tapos tumingin sila sa akin. "Paano kaya kung..." pabitin pa 'to si Lilian. Hinintay ko naman yung sasabihin nya.

"Paano kung ano?" Tanong ko.

"Paano kaya kung.. turn him off?"

"Turn him off?" Napangiwi ako nang ulitin ang sinabi ni Lilian. "What d'you mean, turn him off?"

"Since he kept on insisting he likes you, then turn him off. Make him turn off to you. Do things that will be definitely a 'turn off' for him." Ngumiti ng nakakaloko si Lilian.

Oh. I think, I got her point. Tinaasan ko sya ng kilay. "By means of...?" sabi ko na sakanya ipinapaubaya ang susunod.

Pero si Valerie ang sumagot. "By means of letting him court you!" And she giggled. I rolled my eyes. Ramdam ko 'to e. Alam kong boto 'tong isang 'to kay Stevan.

"I.. I agree." And Lilian eventually agreed.

Nanlaki ang mata ko sakanila. "What?! No way!"

Nagkatinginan ulit sila as if nababasa nila ang iniisip ng isa't isa then sabay silang ngumiti ng nakakaloko. Uh-oh. It looks like they've planned something. Their smiles creeps the hell out of me and I don't like it!

×××

"WHAT?!" Pasigaw na napaatras pa ako nang sabihin ni Ivo yun.

Natawa sya. "Look sis. I'm not kidding, okay?"

Nilingon ko si Stevan. He grinned at me and said, "Yeah. I just bought the unit next to yours. And I'll move tomorrow."

This is not happening! Oh God!

"Hindi pwede 'yon!" Protesta ko.

"Pwede, Ivva. I told you..." napaatras ako nang ilapit ni Stevan sa akin yung mukha nya. He smirked, "..I won't stop until I have you." Then he winked.

Tinap ako ni Justin sa balikat at ngumisi. "We'll be going now. Ichecheck lang namin yung kabilang unit."

And then they finally left. Pabagsak na npaupo ako sa sofa na parang wala sa sarili at lumapit naman sa harap ko sina Lilian at Valerie. Napafacepalm ako. "Hindi talaga ako titigilan ng Stevan na 'to eh!" At ginulo ko ang buhok ko.

Sumubo naman si Valerie ng pringles. "Gawin mo na kasi yung sinasabi namin."

Tumango-tango si Lilian. "That's the best way to get rid of him." At sumubo sya ng chips.

"NO!" At tumayo na ako. "Dito muna kayo. Magpapahangin lang ako." Saka ako umakyat at dumiretso sa kwarto ko.

Sira talaga ang dalawang 'yun. Anong klaseng suhestyon ba 'yon? Napailing nalang ako ng maalala. Pagpasok ko ng kwarto, binuksan ko yung glass door na nagseseparate sa terrace at sa kwarto ko. I want to be refreshen. Lumapit ako sa railings ng terrace at napahawak ako sa magkabilang balikat ko as if hugging myself. It is cold. But I can endure it. Tumingala ako sa langit. Madilim na dahil alas siete na kaya kalat na ang mga bituin. The sky, it was full of stars. Bright stars. I smiled while staring at the crescent moon and I let my mind wander.

Ano kaya kung gawin ko nga 'yun? Will that be effective? Will I'll finally get rid of Stevan? Will he finally leave me alone? Honestly speaking, Stevan can be any girls' dream guy. He has the traits. But I just can't make myself love someone. And it would be unfair to that someone. Besides, I just don't like him. And it would be stupid for him to still be into me after all those years.

"Good evening, my lady."

Napagitla ako sa pagkakagulat nang may magsalita. Napalingon lingon ako sa paligid until I looked at my right side and found Stevan at terrace which was next to mine. Yung katawan nya, nakaharap sa labas pero nakalingon sa akin yung ulo nya. With half smile, nagpamulsa sya. Oo nga pala, binili nya ang katabing unit ko. So his terrace is apparently beside mine. Ngumiti sya sa akin. His usual slight smile. A slight smile but his eyes would tell a thousand of enormous emotions. As of now, the sparkles of his eyes shows his happiness.

He seems sincere with his feelings. But.. I don't like him. I know, I can never like him. Masasaktan lang sya if I'd keep his hopes up. Masasaktan lang sya kung hahayaan ko syang manligaw pero hindi ko naman sya gusto. Pero... effective naman raw sabi nila Lilian diba? Kung sya na ang aayaw sa akin, kung sya na ang magbaback out without me pushing him away, then problem solve na diba? I would no longer have to deal with him. I would totally get rid of him, right?

"Drop that." Biglang kunot noo ba sabi nya.

Kumunot rin ang noo ko. "Drop what?"

"Drop that kind of look. Sa paraan ng pagtingin mo, para akong isang unknown specie na ineexamine at inaanalyze mo." He pouted.

I frowned. Siya kaya yung ganon.

"You know, Ivva. I know, I'm handsome but.. do you really have to stare at me for so long just like that?" Sabi nya tas medyo ngumiti ng mas malawak.

Natatawa ako pero pinigil kong tumawa so I ended up smiling. Inalis ko sakanya ang tingin at tiningala ulit ang buwan na napapaligiran ng maliliwanag na mga bituin.

"Stevan?"

Nakita ko sa gilid ng mata ko na nilingon nya ako. "Hmm?"

I inhaled. Then I looked at him. Straight to his eyes. There was still a very small smile on his lips. I tried to curve one. And I succeed.

"I'm now letting you court me."

 

 

CHAPTER NINE

"Uggh.." hinilamos ko ang dalawa kong kamay sa mukha ko. Like... seriously? Nasa tamang pag iisip pa ba ako?

Kanina pa nga nagtitinginan sa akin ang iba kong team mates habang nagpapahinga kaming lahat dito sa bleachers. Sabi nga ni Lizelle kanina, wala raw sa matinong kundisyon yung laro ko. Pa'nong hindi?! I just let that guy court me! Sina Lilian at Valerie ang may kasalanan nito eh! Kung hindi nila ako pinrovoke sa Operation: Turn Him Off a.k.a OTHO nila, hindi ko naman papayagan si Stevan na ligawan ako dahil simula't sapul, hindi ko sya gusto! At alam kong never ko syang magugustuhan!

At ang dalawang babaitang iyon! Hindi pa rin nagpapakita sa akin ngayong araw na 'to! Hindi ko na sila nakita pagkatapos ng 'napakasayang' movie marathon naming walo sa unit ko. Monday na Monday, wag nilang sabihing absent sila?! Ni hindi man lang nakaisip magsipagtext! At pati ngayong Volleyball practice namin, wala pa rin sila!

Napalingon ako sa basketball court. Hinahanap ko si Gerald. Pumasok na sya ngayong araw pero parang wala sya sa sarili. Kamusta kaya ang lalaking 'yun? Okay lang kaya sya? Kakahanap ko kay Gerald, si Stevan naman ang nakita ko. Nagdidribble sya ng bola at nung makita nya ako, ngumiti sya at kumaway-kaway. I just rolled my eyes.

After that night, I told him that just because I let him court me doesn't already mean I like him. Mabuti nang maging malinaw sakanya simula palang. Pagkasabi ko nga sakanyang payag na ako, aba't akalain mo ba namang tinalon nya yung terrace mula sakanya papunta sa akin. Napaatras nga ako sa gulat e. Di biro ang taas no'n! Yayakapin nga nya sana ako pero tinulak ko sya although not harsh then ang natatandaan kong eksakto kong sinabi sakanya nun ay, "Oops! It's not what you think! Look, Stevan, I'm letting you court me not because I like you but because I don't. I'll be giving you rules for your courtship."

Umangal naman sya nun. "RULES?! What the fuck?! Kelan pa nagkaroon ng rules ang ligawan, Ivva?"

I smirked. "Ngayon."

"You can't do that, Ivva Laine---!"

Nagcrossed arms ako then I flashed an I-don't-care look saka ko sya sinabihang, "Take it or leave it. Whatever you choose, you lose and I win." At nginisihan ko na naman sya ng nakakaloko.

Kunot noo nya akong tinitigan. Para ngang inaanalyze nya ako ng mga oras na 'yun at tinitimbang ang mga desisyon habang iniimagine ang consequence. Weird pero parang ganun kalalim ng iniisip nya nun habang nakatitig lang sya sa akin then afterwards, he sighed in defeat. "Fine."

I let out a successful grin then naupo ako sa upuang nasa tapat ng table ng terrace ko nun. Iginesture ko kay Stevan ang katapat na upuan. I told him to sit which he did.. nang labag sa loob. Inilapag ko ang dalawang kamay ko sa table at medyo naglean palapit sakanya. "Listen." And I gave him a mere serious look. "I made 10 Rules."

His eyes widened. "What?! Ten?! Ivva?!" His tone was protesting.

Tinaasan ko sya ng dalawang kilay in a bitch way. Sumandal ako sa upuan ko, nagcross arms at nagpandekwatro ng pambabae. "And Rule #1 is you are not allowed to complain." Tiningnan ko sya ng diretso at seryoso. "Rule #2: Never ever ever ever touch Ivva Laine Montesa." He mouthed 'what?' In protest but tinaasan ko lang sya ng kilay and I continued. "Rule #3: You should never use a public rest room. Not even the rest room in your work, in our school or in any of your friend's place."

"Hey!" And he can no longer stop himself from protesting. "I can't see the connection of the rest rooms with the courtship! Can you please explain that?!" uh-oh, the lover boy gone mad.

I bit my lower lips to stop myself from making an expression and just continued with my maintained serious look. "Rule #4: You have to call me and ask for my permission whenever you're going to the rest room."

"What the fuck, Ivva Laine?"

"Rule #5: You are not allowed to ask me questions so as cursing."

"Wait! That should be fifth and sixth!"

"Rule #6: You are not allowed to go hang out WHEREVER while you are still courting me. Not even in your friend's house, family's house and my house. In short, you're just only allowed to go to four places; your condo, our school, the church and the market." I told him like as if it was one of the casual things in the world.

Binagsak nya ang kamay nya sa table. "You want me to be goddamn stucked up in my unit, is that it?!"

I glared at him. "Rule #7: You are not allowed to glare nor raise your voice and act violently whenever I'm around."

Napailing-iling sya at sumandal sa upuan nya na para bang hindi makapaniwala. "I don't understand this shit."

I raise an eyebrow to him, "Just tell me if you're giving up because I'm soooo willing to kick you out of my life, my man." And I grinned.

"NO! Of course not!" Uh, over reacting? He looked at me but quickly looked away. "Tsh. Just... Just continue and let's scrap this bullshit."

I make face. "You are already breaking the Rule #5! No cursing, jerk!" I hissed.

Nagusot ang mukha nya. "Whatever. Just keep blabbering." Mukhang pikon na nga sya. Pffffft.

I grinned. "Rule #8; I would call you whatever nickname I want and you're going to call me boss, queen or your majesty." And I grinned even more.

And this time, napatayo na sya out of frustration. "HELL! This is unfair! This is not righteous!"

"Pffft." I covered my mouth to stop myself from laughing.

Pinasingkit nya ang matang nakatingin sa akin habang kunot noo. Oh my! I badly want to laugh out loud! His face was freakin' priceless! Sobrang kunot ng noo nya at nakapout pa! Man, this is fun! "What???" kunot noong tanong nya na halos magdikit na yung mga kilay nya. Halata sa tono nya ang pagiging iritable.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

That's it! I can't stop myself anymore. I just bursted out my laughter. Hawak hawak ko pa ang tyan ko sa sobrang katatawa at pinalo-palo pa ang table. "Oh my! You should have seen your face, Stevan! BWAHAHAHAHAHAHA!"

"What the hell?" Iyon lamang ang naibulalas nya.

Ako naman ay walang humpay sa pagtawa. Sobrang tagal kong tumawa and I think I wouldn't stop if Stevan didn't force me to stop. Huminga ako ng malalim at inaayos ang paghinga dahil naubusan ata ako ng hangin katatawa. Nakangiti pa rin ako nun dahil hindi pa ako totally recover. His face was just a complete good vibes! Panay ang pagpapatigil nya sa akin sa pagtawa so I just raise my hands as if surrendering, "Chill out! Bwahahaha! I was just kidding around, alright? You don't have to panic."

Muling naningkit ang mata nya but it immediately turned into an upset look. He crossed his arms and look at the left direction while pouting. Mukha syang bata! Hahahahaha! "That was not a good joke, Ivva."

Ngumiti lang ako ng malawak na malawak. "Actually, there is really a rule." And I finally caught his attention. He looked at me with eyes of a curious child. "One only rule." At itinaas ko pa ang point finger ko to clear it out.

"And what is it?"

"I'm serious about this rule, Stevan. So, pay your full attention."

He makes face. "My full attention was already given to you eversince our gaze met." Cheesy! I rolled my eyes. "So what's the rule?"

I smiled. A smile that challenges him. "In the span of 60 days and I still did not fall for you--which is something I'm certain of, you would no longer bug me, alright?"

 

 

CHAPTER TEN

"Hi Mom!" Nakipagbeso ako kay Mommy pagkasalubong na pagkasalubong nya sa akin sa sala ng bahay nya. Then inabot ko sakanya yung malaking shopping bags na naglalaman ng sangkaterbang cocktail dress. "I came from shopping so I thought of buying some for you too." Nakangiting ani ko.

"Nag abala ka pa. Nasaan ang kapatid mo?"

I rolled my eyes. "Nandoon pa sa labas at nakikipaglandian, Mommy."

"Sinong nakikipaglandian? Ha?" Napalingon kaming dalawa ni Mommy nang may magsalitang pangit sa entrance ng bahay. And who would it be? My dear twin brother of course. The one and only. Lumapit din sya kay Mommy at kiniss si Mom sa noo then lumingon sya sa akin at dinuro pa ang noo ko! "Tsh. Sinisiraan mo na naman ako kay Mommy." Parang batang sabi pa nya.

I rolled my eyes heavenwards. "Oh please, Ivo. Everyone in this house knows how you flirt with every women you meet!" Then tiningnan ko yung mga maids. "Diba?" Pero natatawang nagsipagtunguhan lang sila ng tingin. Psh! I was asking!

"Naku talaga kayo. Why don't you just greet your Dad instead?" Nakangiting suhestyon ng aming ina.

Napangiti rin ako. "By the way, where is he?" Excitement was in my tone.

"Sa usual terrace. Sige na, pumunta na kayo do'n at susunod ako." sabi naman nya.

Sabay naman kaming pumunta ni Ivo papunta sa terrace na nasa front part ng second floor ng bahay. We saw him reading something on his Ipad there while sitting in a chair at the table located at the center of the wide terrace of second floor's living room. Don't tell me, business pa rin ang binabasa nya? Gabi na ah. He should be resting.

"Dad!" Tawag ko na ikinalingon nya. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa labi nya nang makita kami. I waved at him with the same smile. "We visited!" And I ran towards him then gave him a warm hug. Oh, how much I missed this old man!

Today's Sunday evening. Of course no classes for every students. As for me, I was actually busy. Nasabi ko na ba ang linyang 'college life sucks'? Psh. Si Ivo kasi ang sumundo sa akin sa unit ko kanina. He asked me to visit Mom and Dad. I refused pero mapilit sya at dahil miss ko na rin sila, I gave up in the end.

"Oh, I missed my Ivva." Daddy Jack sweetly mumbled as he hug me back.

"I missed you too, Jackie!" natatawang sabi ko sakanya at inoccupy ang table na nasa kanan nya at si Ivo naman ang nag occupy ng nasa kaliwa nya matapos nitong magmano.

I used to call my Dad, 'Jackie' because of two reasons. First, his name is Jack and second, he was always claiming he was Jackie Chan's teacher in martial arts before and that he was better than him. That was his old corny joke but that never failed to make me laugh.

"Really?" tiningnan nya ako as if nagdadoubt sya. "Geez. Kung hindi ka pa nga raw sinundo ni Ivo ay wala ka pang balak na bisitahin kami ng Mommy mo." May bahid ng lungkot na aniya.

And whenever he's acting like this, I know na simpleng pasweet ko lang ay okay na sya. Gano'n ako kalakas sakanya. So I pouted. "You know, it was so hard in college, Dad. Especially, hindi birong course ang kinuha ko. Twas one of the most difficult and I was able to keep on having 1's. Dahil yun sa sipag at tyaga ko so I think, worth it----OUCH!" Sinamaan ko ng tingin si Ivo nang hampasin nya ako ng hawak nyang sumbrero. "What was that for?!" I almost add 'jerk' kung wala lang dito si Daddy dahil sa inis ko sa pangit na nilalang.

"Ikaw, inuuto mo na naman si Dad Jack e. Dad, wag ka maniwala dyan kay Ivva. Puro kamaldi---" hinilamos ko sa mukha ni Ivo yung kamay ko.

"Ang daldal mo ano?" Nakangiting sabi ko sakanya. Yung ngiting sobrang pilit at halata pa rin sa ekspresyon ko na naiinis ako sakanya.

"Kayo talaga oh-oh. By the way, what brought you here?" Nakangiting tanong naman ni Dad.

"As for me, Dad, sinundo ako ni Ivo sa condo unit ko at MINADALI ako sa pagpunta dito." And I rolled my eyes.

Dad chuckled then looked at Ivo, waiting for his words. Sumagot naman agad yung pangit na nilalang. "Di ba ngayon nyo na sasabihin yung sasabihin nyo Dad? Saka..." ngumisi sya ng nakakaloko. And I swear! Ayoko ng ganyang ngiti nya. Pero bago pa nya maituloy yung sasabihin nya, may naglapag ng tray ng dessert sa table. Nung tiningnan ko kung sino, si Mommy pala. Siya naman yung naupo sa katapat na upuan ni Daddy.

Then my curiosity got into me. "Ano yung sinasabi ni Ivo na sinabi nyong ngayon nyo sasabihin?" #sabi

Nagkatinginan naman si Mommy at Daddy as if pinag iisipan kung ito na ba ang tamang oras para sabihin sa akin ang kung anumang sasabihin nila. Nagpalit palit sakanila ang tingin ko at hinihintay ang sasabihin nila. "Hey?" Untag ko.

Mom sighed and looked at me. Hinawakan pa nya ang kamay ko na nasa table. Napangiwi ako. Ano ba iyon? Dapat na rin ba akong kabahan? "Darling, hija, you know, you're already 19 this year.."

"Uh-huh. And..?" Nakangiwi pa rin ako nun dahil nawiwirduhan talaga ako.

Sumulyap si Mommy kay Ivo then sa akin ulit. "You know when Ivo started working for himself?"

Nanlaki ang mata ko at inalis ang kamay ko sa pagkakahawak ni Mommy nang magkaroon ng ideya. "Mom, I think I don't like where it is going." Nahihintakutang sabi ko.

Humagalpak ng tawa si Ivo kaya sakanya nabaling ang atensyon ko. "Oh hell yeah, Ivva! You're going to work for yourself!"

Napalingon ako kay Mommy. "Mom?!"

Mukha naman syang troubled. "You know, your Dad and I thought that it would be better if you already know how to be independent by now. Working for yourself, deciding for yourself, having no financial support from us---"

"NO!" Pagpoprotesta ko. Inangat ko ang dalawa kong palad at tiningnan ang mga iyon na parang awang awa ako. "My precious hands! Oh my precious hands will get dirty! I'd have to stay under the sun looking for a job! I'd have to inhale lots lots lots of dust! I'd have to deal with ugly arrogant people without my bitch remarks! I'd probably have pimples and get sweat! Eeww. And.. and.. oh my! I can no longer shoooooop." At inub-ob ko ang mukha sa glass table as if it was already the end of the world. Well, if you'll look at it in other point of view, it really is the end of the world.

End of my spoiled bitch world.

"You know what, sis. You have a different perspective in work. Hindi lahat ng trabaho ay gaya ng iniisip mo. Jeez." Napapailing na sabi ni Ivo.

I glared at him. "Shut up!" I hissed then shifted my gaze to Mom. "Mommy naman! Why are you doing this to me?" I pouted then kay Dad naman ako tumingin at humawak pa sa braso nya. "Daddyyyy, are you seriously requiring me to work for myself? Like.. uh, are you seriously going to allow your 'only' princess to suffer?" and of course I used my oh-so sweet sad tone.

"Ivva kasi.." napalingon ako kay Mommy. "Tingin namin, magiging mature ka kung matututunan mo ang TOTOONG independence."

I can't help but raise my eyebrow. "Are you saying that I'm immature, Mom?"

"That's not what she means, Ivva. Ang sa amin lang, MAS magiging mature ka pa." Singit naman ni Dad.

I rolled my eyes and folded my arms. "But I don't wanna work." I said, pouting.

"See?" Tinuro ako ni Ivo. "How can you say na mature ka kung sa ganyang akto mo palang halata nang ang isip bata mo?" Nang aasar nyang sabi na nakangisi pa. A-Aba 'tong lalaking 'to ah!

Nakagat ko ang pang ibabang labi ko dahil sa inis habang nakatingin sakanya ng masama. Then, I automatically took my notebook (which was on the table) and threw it to him. "Maybe you're the one who provoked them to this.. to this.. ugh!" Inis kong sabi. I badly want to say 'to this shit' but Rule #1 in this house is no to profanities and cursing. Yeah right, my parents must be saints.

"Pikon!" He yelled laughing while pointing me. Grr!

"Hey, hey, kids, calm down." Sabi naman ni Mommy.

Naniningkit ang matang tiningnan ko si Mommy. "Mom, tell me, naghihirap na ba tayo sa negosyo kaya mo ako pinagtatrabaho? Ha?"

Tumawa lang silang tatlo. Umiling iling si Mommy. "No, darling. No." Nakangiting sabi nya.

"Then why do I have to work?!" I asked with the tone of a certified brat.

"Hindi ka naman mahihirapang makakuha ng trabaho e. Someone would definitely help you." Sabat ni Ivo at kumindat pa sa akin.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "And who would that be? You? Oh please---!" Napatigil kaming apat sa pag uusap usap nang mamatay ang lahat ng ilaw sa buong bahay! Oh geez. Alas siete na! Ang dilim kahit na andito kami sa terrace. Pati sa gates, nawalan ng ilaw. And was it just my imagination or Ivo really smiled? Nilingon ko sina Mommy't Daddy. "Ma, 'Dy, wala na ba kayong generator? Ba't---" di ko na natapos yung tanong ko nang may marinig kaming tumugtog. It was a slow-rock song, I guess.

Ngumisi sa akin si Ivo ng pagkalaki-laki. "I was pertaining to this person." I smell something fishy.

Magsasalita pa sana ako but then, yung kaninang tugtog lang, na siguro kasing lakas ng dobleng videoke, nagkaroon ng kumakanta.

"Uso pa ba ang harana

Marahil ikaw ay nagtataka.."

What the hell?!

Napangiti si Mommy. "Nanghaharana ba sya? Ang sweet naman ng binatang iyon."

"Sino ba 'tong mukhang gago

Nagkandarapa sa pagkanta

At nasisintunado sa kaba.."

Tumingin sa akin si Daddy ng may nagsusutpetsa ngunit natutuwang mga mata. "May manliligaw na ba ang aking prinsesa?"

Manliligaw?! Oh geez! Dali dali akong tumayo at pumunta sa railings ng terrace kung nasaan kaming apat. And yeah right, manliligaw nga. I rolled my eyes when I saw Stevan Xailo Lacson at our house's front yard. Sinong maid ang nagpapasok dyan at sisisantihin ko! May dala syang purple na gitara na may small bulbs paikot na color violet ang ilaw at nakasabit ang gitarang iyon sa leeg nya then may microphone syang nakalagay sa stand na purple din na umiilaw. Nasa likod nya ay si Justin at Nick na may hawak na malaki at life sized na purple teddy bear na glow in the dark at boquet of purple roses. Ngumiti sya nang makita nya ako. Oh---kay?!

"Mayron pang dalang mga rosas

Suot nama'y maong na kupas

At nariyan pa ang barkada

Nakaporma nakabarong

Sa awiting daig pa

Ang minus one at sing-along"

Maong na kupas?! I rolled my eyes. E bagong bago kaya yung pantalon nya and for pete's sake, walang nakabarong okay?! Ang totoo, naka purple silang tatlo at may mga bulbs na nakadikit sa shirts nila at naningkit ang mata ko dahil yung bulbs sa damit nila ay bumubuo ng letters at words. Yung kay Nick ay 'Stevan', tas ang kay Stevan naman ay 'loves' at 'Ivva' kay Justin. STEVAN LOVES IVVA?! Ano na naman bang pakulo ito ni Stevan?!

Napa 'ouch!' ako nang bigla akong hinampas ni Ivo sa balikat. At pag sinabi kong hinampas, ibig sabihin, MALAKAS! Sinamaan ko nga ng tingin pero ngumiti lang at nagpamulsa.

"Yan ang manliligaw, kambal."

I rolled my eyes as an answer then biglang nagcling sa arms ko si Mommy. At mas kinikilig pa sya kaysa sa akin! Oh wait, let me rephrase that---sa aming dalawa, sya lang ang kinikilig. "Ang sweet naman ni Stevan." I secretly rolled my eyes. Sweet?! BADUY KAMO!

Tapos biglang nagreact si Dad, "I want to meet this guy." Pag lingon ko sakanya, nakangiti sya. And oh, hindi nya nga kilala si Stevan. Si Mommy kasi kilala lahat ng bestfriend namin ni Ivo.

"Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin.."

Napalingon ulit kaming apat nang magchorus na sina Stevan. Pag kanta nga nya nung unang line, napatingin ako sa langit, maliwanag nga dahil sa mga stars. Then pag pagbalik ko ng tingin ko sakanya, ngumiti sya sa akin. And is it just me or his eyes were really sparkling?

"Sayong mga tingin ako'y nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Binubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa 'yo.."

Tapos ginesture nya ako with a very bright smile. And that was when I felt goosebumps because really, I feel his heart in the song. Napakagat labi ako. I shouldn't smile! Ivva, don't smile!

"Diba parang isang sine

Isang pelikulang romantiko

Diba't ikaw ang bidang artista

At ako ang 'yong leading man

Sa istoryang nagwawakas

Sa pag ibig na wagas."

Stevan and I? Loveteam? In a story?! Oh bitch please. I rolled my eyes at him. Natatawang napakamot sya ng ulo at biglang slow motion na winagayway ni Nick at Justin yung kamay nila from left to right kasabay ng pagkanta ni Stevan ng huling chorus.

"Puno ang langit ng bituin

At kay lamig pa ng hangin.."

Tapos tatlo silang sabay sabay na nagsway from left to right, left to right. Kasabay ng pagsway sway nilang tatlo, winawagayway din nina Nick at Justin yung mga kamay nilang dala yung purple life sized teddy bear at boquet of purple roses. Nakangiti silang tatlo.

"Sayong mga tingin ako'y nababaliw giliw

At sa awitin kong ito

Sana'y maibigan mo

Binubuhos ko ang buong puso ko

Sa isang munting harana

Para sa 'yo.."

At nagulat ako nang maghalf bend knee sya bilang bow at kasabay nun ang pagbabalik ng ilaw sa buong bahay. I literally blushed. Not because I like it or what. I'm ashamed! Ano ba namang isip mayroon ang lalaking ito? Walang hiya hiya! Ako ang nahihiya sakanya e. Kung wala nga lang dito si Mommy't Daddy, malamang, kanina ko pa sya nabato ng kung anu-ano para mapalayas. Ngumiti lang sa akin sina Nick at Justin.

Then bigla akong tinulak tulak ni Mommy. "Babain mo na si Stevan, anak."

Napalingon naman ako sakanya. "Mom?!"

"Go ahead, hija. Don't be shy." Napalingon naman daw ako doon kay Daddy. Hanuraw? Me? Shy? Excuse me! Ngumiti si Dad at binaba ang tingin kay Stevan. "I want to meet this young man who's so eager to win you." Then ngumiti sya akin.

"But I don't want him to meet you, Dad." parang batang nagmamaktol namang sabi ko.

"Ivva, don't be like that. Dali na, babain mo na si Stevan." Si Mommy.

In the end, I had no choice but to go down. At talaga namang napataas ang kilay ko nang makitang nagtipon-tipon sa entrance ng bahay namin ang mga maids at parang mga kinikilig pa ang mga impakta habang tinutunaw ng tingin sina Stevan, Nick at Justin. Aba.

Nagpameywang ako nang nakataas ang kilay. "Hoy. hindi ko kayo binabayaran para pagnasahan ang mga bisita ko. Especially, ang manliligaw ko. Intiendes?"

Napalingon naman silang lahat sa akin nang gulat na gulat at nagsipagyukuan. "M-Miss Ivva.."

"INTIENDEZ?" Inulit ko ang huling salita. Aba e hindi ata ako maintindihan ng mga impakta na ito e.

"O-Opo." Sabay sabay naman silang nagsipagyuko.

Mataray kong inikot pakaliwa ang ulo ko nang nakapameywang pa rin para sabihin sakanilang magsipaglayas na sila sa harap ko na agad naman nilang ginawa. Pag alis nila, napatingin ako sa kung saan nakatayo sina Stevan. Nakatingin na sya akin habang hawak ang boquet ng purple roses. Neutral lang yung mukha nya nun but I can clearly see a deep and drowning sea of love and happiness. He looked mezmerized. Lumapit naman ako sakanya at nagpameywang saka sya tinaasan ng kilay.

"And what are you doing here?"

Tinaas nya ang gitarang nasa leeg pa rin nya at ang boquet ng purple roses. "Uh, serenade?" Sagot nya na para bang ang obvious obvious na nung sagot na hindi ko pa makuha.

Pinaningkitan ko sya ng mata nun at ngumiti naman sya. Magsasalita na nga sana ako pero biglang may nag 'ehem'. Napalingon tuloy ako sa itaas. Nasa terrace pa nga rin pala yung tatlo at pinapanood kami. Binalik ko ang tingin kay Stevan at napataas na naman ang kilay ko nang iabot nya sa akin ang boquet nang may matamis na matamis na ngiti sa labi although tulad ng usual smile nya, hindi kita yung teeth pero ear to ear.

"For my one and only lady." aniya at inilapit pa lalo sa akin ni Stevan ang bouquet.

I crossed my arms and rolled my eyes heavenwards. He chuckled and raise his eyebrows upward then glance at the terrace. Oo nga pala, may audience kami. Geez. In the end, nginitian ko sya ng pilit pero halatang may pagkayamot pa rin sa akin.

"Oh sya, pwede ka nang umalis." Nakasimangot na sabi ko.

Nanlaki ang mga mata nya. "Ivva?! You're so harsh." He then pouted.

"Aba, wala naman akong sinabing haranahin mo ako ah? Like eww. I don't like serenades." I rolled my eyes.

Ngumiti naman sya. "But you like purple, don't you?" He sounds so confident.

I gritted my teeth. "Of course, paano mong hindi malalaman if eversince our paths crossed, stalker na kita?"

Humalakhak sya. Humalakhak sya ng siguro sampung segundo bago nakangiting tumingin sa akin, this time, a smile with his perfect teeth exposed. Grr. "I'm a proud stalker of you, Ivva." Then naglean sya palapit sa akin na halos three inches nalang ang layo ng mga mukha namin. "And I'm a proud lover of you regardless of what I'll get in return." Then he winked as his smile turned into the usual one--with his teeth hidden.

Tinakip ko sa mukha nya yung buong palad ko at tinulak sya palayo. "Eww. So keso. Umuwi ka---"

"Go inside, young men. You'll have dinner with us."

Sabay kaming napalingon ni Stevan nang may magsalita sa likuran namin. It was Dad. Kelan pa sila nakababa nina Mommy?!

Kumaway si Ivo kina Nick at Justin habang ang isang kamay ay nakapamulsa tapos kay Stevan sya tumingin at nagthumbs up. "Mahusay, bro." He mouthed.

May pagmamaktol na lumapit naman ako sa harap nina Daddy at Mommy. "A dinner? Dad?! No." I protested.

Pero bago pa nya ako sagutin, bigla akong nagulat nang nasa tabi ko na pala si Stevan at yumuko sya. As in yuko! Tapos habang nakayuko sya, saka sya nagpakilala. "I, uh, M-My.. t-this.." wait, is this really Stevan?! Marunong pala syang magstammer?!

Nanatili sakanyang nakayuko pa rin ang tingin naming lahat. Gusto kong matawa nang makitang habang nakayuko sya ay halatang halata sa mukha nya na troubled sya at tumatagaktak ang pawis nya. "I'm.. M-My.. M-My n-name.." Napangiti ako at napakagat ng lower lip para pigilan ang tawa dahil mukha na syang maiihi sa kaba. "Oh God, spare me please. This things sucks." Narinig ko pang bulong nya. Huminga sya ng malalim saka muling nagsalita. "Stevan Xailo Lacson, Sire. Tita." At saka sya muling umayos ng tayo. Inalis na nya ang I am at my name? Pffft. Diretso pangalan.

Ifinold ko ang kaliwang kamay ko at dun ko pinatong ang kanan kong kamay para magsalumbaba ng nakatayo habang natutuwang pinapanood ang troubled na troubled at kabadong si Stevan. Ngayon lang sila nagkita ni Dad pero sila ni Mommy close na. Pero kung tutuusin ay nakuha na nya ang loob ni Dad kaso nakakatuwang panoorin ang hitsura nya ngayon. Ano ka ngayon?

"I.. I'm her.. I-I've been cour--ugh." Napayuko sya't napakamot ng batok. Hindi pa mapirmis sa isang spot ang mata nya. Pffft. Kabado talaga ang loko. "I'm your daughter's suitor, Sire. I've been courting her since last week." Dire-diretso nyang sabi kay Dad at nang matapos syang magsalita ay nakita ko ang sunod sunod na paglunok nya. Muli kong nakagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang sariling tumawa.

Katahimikan ang namayani. Palipat lipat ang tingin ni Stevan. Para ngang natingnan na nya lahat maliban kay Dad. Ang tahi-tahimik nun habang seryosong seryosong tinitingnan ni Daddy si Stevan. Patilt tilt pa yung ulo ni Daddy na parang kinikilatis ang "manliligaw" ko. Ilang beses makalunok si Stevan na para bang hahatulan na sya at literal na napatalon sya sa sobrang gulat nang bigla nalang mag offer ng handshake si Dad. Ilang segundo lang ang tinanggap rin ni Stevan iyon then hinila ni Dad si Stevan for a bro hug. He whispered something to Stevan. Hindi ko alam kung ano 'yon. I can't say that twas a good news dahil hindi naman mukhang relieved si Stevan at hindi rin naman sya mukhang masaya. Pero nabasa ko sa lips nya ang 'thank you sir'.

"Great! Let's go inside na." Sabi naman ni Mommy paghiwalay ni Dad at Stevan saka ako hinila patabi sakanya at sabay sabay nga kaming nagsipaglakad papunta sa dinning area para sa aming so-called 'dinner'.

"So, Stevan, hijo. You mentioned that you've been courting Ivva since last week.." panimula ni Daddy.

Siya ang nakaupo sa head chair ng eight-seats dinning table namin. Sa kanan nya ay si Mommy at sa kaliwa ay si Ivo. Katabi ko sa kaliwa ko si Mommy at katabi naman ni Ivo si Stevan kaya magkaharap kami. Si Ivan naman, ang bunso namin ay katabi ko sa kanan ko. Nick and Justin left. Hindi na raw sila sasama sa dinner which was let by my Mom.

Nabulunan si Stevan nang magsalita si Daddy but he tried to don't cough. Nagulat siguro. Tinapik tapik nya ng mahina ang dibdib nya pagkatapos uminom ng tubig bago sumagot. "Y-Yes, Sire." So formal huh?

"..then bakit ngayon ka lang nagpakita at nagpakilala sa amin?" Ang seryoso ng boses ni Dad no'n so I won't wonder why Stevan is still in fear.

"Oo nga, Ivva. Hindi mo man lang sinabihan ang Mommy na nililigawan ka na pala ng bestfriend ng kuya mo." Kuya kong two minutes older. Ayoko talagang kinukuya si Ivo. HAHA!

"Uh, sir.." Hindi makahanap ng isasagot si Stevan.

"Dad, Ivva stops him." Si Ivo ang sumagot para kay Stevan.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko, Ivo Laxus. Ikaw ba ang manliligaw ni Ivva?" Nandoon ang pagkabarako at nakakatakot na pagkaseryoso sa boses ni Daddy na napalunok nalang si Ivo.

"No, Dad."

Oh, I feel like grinning! Kay Stevan ulit kami tumingin para abangan ang isasagot nya. Uminom muna sya ng tubig bago sumagot. "I've been busy this----"

"You've been busy with something you consider as more important than introducing yourself to us?" Putol ni Dad sa sinasabi ni Stevan. At sa paraan ng pananalita nito ay parang may disgust at disappointment na agad.

Tiningnan ko si Stevan. He gulped twice. He still looked calm. But what makes me think that he was in great nervousness was his sweat. Air-conditioned naman ang buong bahay e. "No, Sir." He breathed to gain confidence. "I.. I was just.. Well, Ivo's right. Ivva doesn't.." he sounded hesitant if he's going to continue or not.

"So you are blaming my daughter?" There was a threat on Dad's voice when he cut Stevan off.

"No, no. That's now what I meant, Sir. I'm sorry. I was just really nervous to meet my love one's father. I've been busy not with something more important with the introduction I'd have with the both of you, Sire, but with someone I consider as the most important." Then he glanced at me as if saying that he's pertaining to me. Napangiwi ako. May pinagkaiba ba ang sinabi nya? Binalik ni Stevan ang tingin kay Dad, who was intently listening. "I was trying to convince your daughter to allow me to meet you. Gusto ko po kasi sanang may permiso nya ang gagawin ko. But she wasn't convinced so I proceeded with my second plan. To just surprise her. At least, now I have the right to as her official suitor." Then he shifted his gaze to Ivo. "With the help of my best friend."

This time, I raise an eyebrow to my brother. "Oh. Is that why you asked me to leave my condo, my dear brother?" napalingon sa akin si Ivo at napalunok. Pinaningkitan ko naman sya ng mata. "And you dared to open the gates for him?"

Ivo wasn't able to talk when my Dad interrupted. "You're not the one who's going to interrogate here, Ivva." Napalingon kami sakanya. "Bakit naman ayaw mong hayaan si Stevan na magpakilala bilang manliligaw mo?"

Mataray kong tiningnan si Stevan. He was also looking at me. "I. Don't. Like. Him." I answered firmly with emphasis on every word. "I never will. Wala syang pag asa sa akin but he kept on pushing his self towards me. Desperate? Obsess? Name it. Alam nyo namang wala akong pinakikilalang lalaki sa inyo dahil wala naman akong sineseryoso. Sadyang makulit lang ang isang ito. But dito palang, sinasabi ko nang umaasa sya sa wala." Dire-diretso't walang pakundangan ko 'yong ipinahayag.

Stevan looked away after he heard my answer. Mom's jaw dropped. My Dad was stunned and Ivo gritted his teeth to control his temper. Silence filled the place. Walang ibang madidinig bukod sa tic-toc ng malaki at antique na wooden wall clock. Now, I'm thinking if I said something wrong. And by now, I'm actually feeling awkward because of the silence that conquered the whole dinning area. A total silence that has been broke by the kid on my right.

"You're... so... heartless..." Slow motion nya iyong sinabi habang nakatingala sa akin ang walang kaekspre-ekspresyon nyang mukha. Ni hindi nga gumalaw man lang ang kanyang mga kilay pero halata sa mukha nya na nagulat na para bang kagimbal gimbal na may isang tulad kong nag-eexist pala sa isang sangkatauhan. He then pointed his chest--the spot where his heart was. "Men are humans too, sister. We cry. We get hurt. And you are so heartless to kill my fellow man internally without hesitance." He pointed Stevan while his gaze still locked on me. "I admire this man because he was still able to love someone like you."

I gulped hard. He has points. What he had say gave me one real hard blow. I suddenly felt ashamed and guilty. I felt my conscience repeating the first three words Ivan mumbled. I.. I.. I was speechless so as the others. I had nothing to talk back. If this is a debate between Ivan and I, audience might be already shouting 'boo' with thumbs down by now.

I faked a laugh which sounded so weird because it was really forced. "Y-You sounded so matured! The last time I checked, you're just 6 and just turning 7 this year."

Ivan had no change of expression. He was just completely staring at me with his null stare. Five seconds passed and still, no change of expression from him. I rolled my eyes and returned my focus on food. Hindi man lang makisama ang batang 'to! Psh.

"Don't worry, Ivan." Napaangat bigla ang tingin ko nang magsalita si Stevan. He was half-smiling while looking at my brother. Lahat kami ay napatingin sakanya na nakangiti kay Ivan nang may mapungay na mga mata. "Regardless of what your sister say. Regardless of how painful this would get." He pointed his chest where his heart was. "And regardless of who would be my rival.." He smiled, his usual smile. "I will fight." Then he looked at me as his smile get wider. "And I will win her."

And I swear, I just.. I just BLUSHED! And this time, it wasn't because I'm ashamed or mad. This time is different. This time is the very first time I felt like this towards a very unexpected person. I felt goosebumps and my hands started to tremble for a reason I don't know. I lowered my head to continue eating but then, instead of getting the spoon, I took the bread knife to get a rice. Oh God! Am I panicking?!

"Calm down, darling." Narinig kong sabi ni Mommy at nang sulyapan ko sya ay nakangiti sya sa akin pagkatapos ay kay Stevan. And I know, she liked his answer.

Inangat ko rin ang tingin kay Dad. He was half-smiling while nodding. Nakatingin rin sya kay Stevan. And I also know that he was impressed.

Seconds after, before Stevan could even find out that he already impressed my parents, Dad cleared his throat and asked. "So... who are your parents, young man?" He diverted the topic. Oh thank God!

"I.. I no longer have parents, Sir." Stevan answered in a very low voice. It was low, yes. But I didn't really have an idea if what he was feeling. It was said in a low voice but I didn't really sense any kind of sadness. Pero wala din naman akong nasense na ibang emosyon. I-It was just completely emotionless.

Pero napabitin no'n sa ere ang kutsara ko at naiwang nakanganga ang labi ko. D-Did.. Did I hear it right? H-He no longer.. S-Stevan... He's already an orphan? Tiningnan ko si Ivo but he looked away. Not because he didn't want to let me know the answer but because he was still mad of what I have said. In the end, wala sa sariling naisubo ko nalang ang kutsara at ibinalik kay Stevan ang tingin.

He was looking intently at his plate as if there was a scene there that entertains him. No one dared to talked. Inangat ni Stevan ang ulo nya at ngumiti kay Dad. His usual half-smile that makes me think what kind of emotion he feels because he was just so good at hiding it behind that half smile. "They died last year in USA, December 23rd." He said in a very casual tone.

Last year December 23rd? Two days before Christmas and four days before my birthday. December. Wala pang isang taon. Walong buwan pa lang. Tiningnan ko si Stevan. No, hindi ko sya tiningnan, tinitigan ko sya. I stared at him. I stared at his eyes. And I let mine to be drown in that pair of orbs. I let myself explore the deep of his eyes.

And I saw sadness...

A battalion of sadness.

The kind of sadness that could kill a human internally. The kind of sadness everyone would try to escape from. The kind of sadness which was divided into pain and guilt. The kind of sadness.. that had been hidden behind a smile..

"Ivva?"

I snapped back when my Mom suddenly tapped my shoulder. Napabalik ako sa reyalidad at nilingon ang Mommy. Hindi lang pala sya ang nakatingin sa akin kundi sila.

"Uh, sorry? You saying something Mom?" Tanong ko kay Mommy ng nakangiwi pa.

"Ang sabi namin, bakit hindi nalang sa restaurant ka magtrabaho?" Nakangiting sabi ni Mommy.

Napataas ang kilay ko. "The hell, Mom? Me? A bartender? A crew? And worse, a cook?! I don't even know how to properly fry an egg!"

Ivo interrupted us with a laugh. Nabaling sakanya ang tingin ko at tumalim agad iyon kasabay ng pag angat ng isang sulok ng labi ko. He raise both of his hands as if surrendering. "Chill, sis!"

Ibinalik ko ang tingin kay Mommy then kay Dad. "Daddy naman?" Parang batang pagpoprotesta ko.

Dad smiled. "I know you're safe in with him in work, Ivva." He was pertaining to Stevan.

My eyes widdened then pointed Stevan. "D-Don't tell me.. he's going to work with me?! No way." I crossed my arms.

"No, my dear sister." Napalingon ako kay Ivo nang sumingit na naman sya. Psh, siguraduhin lang nyang mati--- "You're not going to work with him." I felt relieved until ngumisi sya ng nakakaloko. "Because you're going to work for him."

"WHAT?!" Okay, I can't stop myself from shouting. I was just.. startled! Nanlalaki ang mga mata kong nilingon sina Mommy at Daddy Jack.

"After his parents passed away.." Dad started, careful of saying the last words. "..he inherited their company. He had to manage their five-star hotels and five-star restaurants here and out of the country while still studying." He sounded so impressed.

Napataas ang dalawang kilay ko doon at nilingon si Stevan. He smiled at me and raise both of his eyebrows too. "Bakit ka pa kumuha ng Engineering kung mas dapat ka palang kumuha ng Business Management? Are you that inlove to me?"

Lumawak ang ngiti nya at marahang umiling. "Not because my parents or our ancestors are businessmen, I also have to follow the same paths." Then bumalik sa half-smile yung ngiti nya at yumuko sa pagkain nya. "Sometimes we have to break some tradition to be able to create a remarkable history." Inangat nya ang tingin sa akin at ngumiti na naghalf moon yung mata nya. "And that was what I did. But of course, I just can't let go of their business. I have to manage what I have and what I want."

O---kay. Nawalan ako ng sasabihin so I just endes up nodding. But then, realization hit me. Napalingon ako ulit kina Mommy. "But Mom! Wala pa akong sinasabing agree na ako sa... sa indepence na yan ah?!" Gusot na naman yung mukha ko.

"Wag ka nang tumanggi, Ivva. Ang arte naman eh."

I glared at Ivo. Okay na 'to panigurado. Nang aalaska na e. "Ikaw kaya ang magtrabaho!"

He bursted out a laughter. "Have you forgotten that I've been working for myself for almost four years?"

I rolled my eyes. "Ugh!"

Tumawa si Ivo. "This is settled then."

Halos magwala na ako no'n. "Mom! Dad!" Still, complaining.

"Ang arte! 'My, do'n mo na nga lang sa trabaho ko ipasok 'tong si kambal!"

Tinaasan ko ng kilay si Ivo. "Ano bang trabaho mo?"

He grinned. "Bartender in Nick's bar."

"Ugh! Fine! I'll take Stevan's restaurant instead!" I badly wanna pull my hair!

Dinner was fine. Well, pwera nalang kung isasama pa ang nakakalokong reverse psychology ng pagpapapayag sa akin na magtrabaho para sa sarili ko. You know, for a someone who gets all she wants, by hook or by crook, all her life, of course it is hard to adjust. Yung tipong buong buhay mo ay buhay prinsesa ka pero bigla ka nalang magiging muchacha. Oh psh!

After the dinner, pinaakyat ako ni Daddy kasama si Mommy. Mag uusap pa raw sila ni Stevan sa living room. Tinanong ko nga kung ba't hindi nalang nya itinanong kanina no'ng nasa hapagkainan kami. Ang sagot naman nya ay boys talk raw kasi. As in, lalaki sa lalaki. Whatever. Hinayaan ko nalang sila doon at umakyat nga sa second floor. Kung saan ako dumiretso? Sa dati kong kwarto!

"OH MY! I MISSED THIS!"

At nagpatihulog ako sa queen-sized purple bed ko kung saan nakaupo pa rin ang mga teddy bears ko na iba't ibang klase pero pare-parehas na purple. Hindi ko sila madala-dala sa condo unit ko dahil gusto ko, kung saan ko sila unang nakasama, doon lang sila. Memories should stay where it was created.

Pagkatapos ko namang i-satisfy ang sarili ko sa pag higa sa kamang namiss ko, inikot ko nalang yung kwarto ko. It has purple walls with lilies painted on it. My ceiling was white and my tiles was covered by the purple circle carpet with an italicized 'Ivva Laine' written on it in white. Then my walk-in closet. It was creamy white. Pero may horizontal mirror sa itaas. My posters behind my bed. Posters of my favorite KDramas and Korean artists; The Doctor, Legend of the Blue Sea, Goblin, Doctor Stranger, Circle of Atonement, Kim Yoo Jung, Park Bo Gum, Kim Jae Joong, Kim Soo Hyun, Kim So Hyun and such. I smiled. Then my curtains which are all white with prints of purple roses. My bedside table, my PC, my lamp and other stuffs which are all purple.

Nagstay din ako sa kwarto ko ng napakatagal hanggang sa katukin nalang ako ni Mommy. Uuwi na raw sina Stevan at isasabay na ako ni Ivo tutal naman ay sinundo lang nya ako. Kaya bumaba na rin kaming dalawa. Pagbaba nga namin, naabutan ko pang nagtatapikan sila sa balikat habang mga nakangiti.

"Dad, alis na kami." Si Ivo.

Napalingon naman sa akin si Daddy. "Ah oh teka, sino ba sainyo ang maghahatid sa dalaga ko?"

"Ako na po, Tito. If you won't mind." Sabi naman ni Stevan at napataas ang kilay ko. Tito na pala tawag nya kay Dad e parang 'sir' yun kanina ah?

Magpoprotesta na naman sana ako but then, I realized, all of them liked Stevan for me so it's pointless to argue because they'll surely make me do what they want. Nagkiss ako sa cheeks ni Mommy dahil ganun naman ang nakasanayan kong bye and hello namin. As for Dad, I hugged him for goodbye. But then, he whispered something that confirmed a real thing.

"Your suitor impressed me. I won't really mind if he'd be your husband tomorrow morning."

Nahampas ko si Dad no'n. "DAD! Seriously?!"

Ngumiti sya at ginulo ang buhok ko. "You have to graduate first young lady."

I rolled my eyes and finally said goodbye at sinundan na sina Ivo at Stevan na nauunang maglakad sa akin. I can actually run to walk between them but I ended up walking while watching Stevan's back as I reflect of what Dad just told me.

Stevan and I? A married couple? Oh bitch please!

 

 

CHAPTER ELEVEN

"Ivva naman! Bati na tayo!"

"Valid reason naman 'yon ah?!"

Nagpatuloy lang ako sa pagkain, totally ignoring Lilian and Valerie who kept on yelling their explanation and sorry. They were rushed to perform in a dancing competition yesterday. Their phones were confiscated that's why they weren't able to text me. I fully understand their reason. It's just that, they have to buy me my favorite food. Alam naman nilang 'yon ang pinakamagandang peace offering sa akin pero hindi ko alam kung bakit hindi nila naalala so I just keep on ignoring them.

Sumubo ulit ako ng isang kutsara ng ice cream habang panay ang fake cries ng dalawa. Nasa gitna ang table namin dito sa cafeteria and they are loud enough reason to catch the other students's attention. But I chose to ignore the watchers and maintained my not-hearing-anything act. Wala talaga sana akong balak pansinin ang dalawang ito pero bigla nila akong niyakap! Valerie on my right and Lilian on my left. Ugggh, they're squeezing me for heaven's sake!

Nagkumawala ako sa yakap nila at tumayo na rin. Dinuro ko silang dalawa nang may naniningkit na mata. "YOU TWO! I don't know the both of you so drop the act, alright?!" sa lakas ng boses ko, muli na namang nagsipaglingunan ang mga tao sa cafeteria. Pinagtataasan ko sila ng kilay. "What are you lookin' at?!" Mataray na tanong ko. Then I grabbed the bottle of ketchup on my table, I raise it up to show them. "Bubuhusan ko nito ang mahuli kong nakatingin sa akin!" Mabilis pa sa alas quatro naman silang nagsipag iwas ng tingin at nagsipagbalik sa kani-kanilang ginagawa. I threw one last glare to Lilian and Valerie before I totally turned my back and started walking away.

"Ivva! Wait!" Valerie suddenly grabbed my arm.

Nilingon ko sila ni Valerie at tinaasan ng kilay. "I'm sorry but I don't talk to strangers." Then flip hair! Magwowalk out na sana ulit ako pero biglang sumigaw si Lilian.

"Pinaframe pa naman namin yung 10 steps to turn----!"

WHAT THE---! Nagmala-the flash ako para lang malapitan agad si Lilian at takpan ang bunganga nya. Ang babaeng 'to talaga! Ano bang iniisip nya at isisigaw nya 'yon?! Troubled ang mukha ko nang ilibot ang tingin sa mga nakatingin at ibalik iyon kay Valerie. Nilakihan ko sya ng mata, "FINE! Fine! Bati na tayo! But don't you dare shout that again!"

She just giggled with Valerie. I rolled my eyes. "But you have to buy me a peace offering first."

Nagkatinginan naman silang dalawa at sa tingin nila sa isa't isa, mukha ngang nakalimutan nila. "FRIES!" They shouted in unison. Napangiti naman ako since finally, they remembered.

In the end, dumiretso nalang kami sa isang table na nasa ilalim ng puno at malapit sa school wishing well. At doon na rin nila ipinakita yung 10 steps chuchu. Aba't talagang pina-frame pa nila! Yung wooden frame pa! Just.. seriously, are they still sane?

Binasa ko naman 'yon. Actually, I don't know what the steps are. Sinabihan lang nila akong bibigyan nila ako ng sampung steps para ayawan ako ni Stevan. So this would probably the first time I'll read them. Ang background ay pinagtabing photo namin ni Stevan na nakangiti. Mababa yung consperancy nung photo para mabasa pa yung nakasulat. Then ang font ay yung parang sulat kamay at bawat line ay iba ang kulay. Sa pinakataas ay may naka bold na OPERATION: STEVAN AND IVVA. Seesh. I rolled my eyes before finally reading the whole context.

10 Steps to turn a Guy Off

- Ignore and deny him.

- Eat with him without table manners.

- Spend a lot using his money.

- Humiliate him.

- Break his important things.

- Don't go to your dates.

- Make his family hate you.

- Make him feel you don't care at his feelings.

- Curse his personality.

- Start a huge fight and never lower your pride!

BY: Ivva Laine Montesa

TO: Stevan Xailo Lacson

I can't believe this. Like.. seriously?

"Ivva!"

Sabay sabay kami nina Lilian na napalingon sa tumawag sa akin. It was Gerald. I hurriedly hid the wooden frame then smiled at him. Lumapit sya sa amin ng nakangiti. Nakipagbatian din sya kina Lilian bago tuluyang bumaling sa akin.

"Okay ka na?" tanong ko sakanya.

"Not really." he then smiled. "But I can endure the pain." Sinagot ko sya ng nag aalangang tango. Ngumiti ulit sya sa akin. "Kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala."

Kumunot naman ang noo ko. "Why?"

"You left your phone." nilabas nya ang phone ko sa bulsa nya. "Steve gave me your phone. Naiwan mo raw. He wasn't able to give this to you personally because he had an urgent thing." At inabot nya 'yon sa akin.

Nanlalaki ang mata ko nang iabot nya sa akin ang phone ko. M-My wallpaper was him! Kabadong tiningnan ko sya, "H-Have you... Have you, uh, seen my w-wallpaper?" Don't wonder if I stutter!

Nginitian nya ako tapos pinat yung ulo ko. "Yes. And I find it sweet." then he winked. "Ge pala alis na ako. Bye." And he totally left.

Tahimik kaming tatlo ni Lilian at Valerie pagtapos makaalis ni Gerald. They both know I like Gerald and his stolen shot was my wallpaper. And they also know that there's a great possibility that Gerald might be mad if he knew about that. Napabuntong hininga ako. But.. did he just say... it is sweet?

"D-Did he say 'it is sweet'?" At tulad ko ay hindi rin makapaniwala si Lilian. Tumango tango lang si Valerie na mukhang hindi rin makapaniwala.

"E di ba.. sya yung wallpaper mo?" Tanong ni Valerie.

"Siya nga." Pagkukumpirma ko.

"Ba't ang layo ng expectation sa reality nung reaction nya?"

"Aba hindi ko rin---" natigilan ako sa pagsasalita ng makita ang nakalagay pag ilaw na pag ilaw ng phone ko at pakiramdam ko, bigla nalang umusok ang tenga't ilong ko. "ARGGH! STEVAN XAILO LACSOOOOOON!"

His freakin' ducky face-selfie with a caption 'I so love this guy <3' is not sweet!

Bitter sounds more appropriate.

As in, EW!

 

 

CHAPTER TWELVE

"I SAID, DON'T TALK TO ME!" Inis nang sigaw ko with matching malakas na paghampas sa desk ko.

"Miss Montesa! Get out of my class! NOW!"

Napalingon naman agad ako sa professor na nasa unahan ng sumigaw sya. Ang masungit at matandang si Professor Tan. Asdfghjkl! What the eff?! I'm not doing anything! Alright, I'm not listening to him and I just yelled at his class. Pero hindi ko naman kasalanan 'yun ah! Nilingon ko ang katabi kong si Stevan. Chill na chill na patingin-tingin sa kung saan habang sumisipol as if he's not involved with this. Grr! Bigyan nyo ako ng lagari! Gigilitan ko 'to!

"Miss Montesa, I said, get out!"

"But Sir---"

"No buts! Rule is rule! Labas!"

Labag sa loob namang tumayo na ako kasabay ng buong inis na paghablot sa chanel bag ko. Nakasimangot ako nun at nung dadaan ako sa harap ni Stevan, sinamaan ko sya ng tingin at buong gigil na sinipa ang pinakamamahal nyang... uhh..

"AW! Aw! Aw!" Napahawak sya 'doon' at namilipit sa upuan nya. "Aw!"

"Sir, no pets allowed diba? Then I should kick this ugly dog out, right?" nakangiting sabi ko kay Prof at tinuro si Stevan.

Nagpameywang sya at halata sa mukhang inis na inis na sa akin. "I can't believe your attitude, Miss Montesa! Mandadamay ka pa! Get out!"

I make face. Yeah right! Nakakainis! Nagmartsa nalang ako paalis pero bago ko isarado ang pinto pagkalabas ko, tiningnan ko si Stevan. I glared at him and pointed him tapos ay mula sa kaliwa hanggang kanan ng leeg ko ay gumuhit ako ng line using my index finger as if saying 'you're dead'. Humagalpak ba naman ng tawa! Nakakainis! He was supposed to be scared! Not laugh!

Paglabas ko ng room ni Mr. Tan ay tiningnan ko ang wrist watch ko. It's just 2:03! Ang next class ko ay mamaya pang 4:00. What am I going to do? Where am I going? Bwisit kasi na Stevan Lacson 'yun. Sinigaw sigawan ko na sya na galit ako sakanya dahil dinelete nya ang picturesssss ni Gerald sa gallery ko plus! Gumawa sya ng album sa phone ko na puro SIYA LANG! At ang pangalan pa ng album ay 'My One and Only'. Ugh, gross! Pero dahil nga sya si Stevan Lacson, dinadaldal pa rin nya ako! Okay lang sana at maiignore ko pa sya kung panay dakdak lang sya pero for heaven's glory! Kalabit sya ng kalabit sa akin! Hindi lang 'yun, panay pa ang galaw nya sa buhok ko at inihaharang pa nya ang mukha nya sa view ko. Sinong hindi maiinis do'n?! Grr!

Nakatayo lang ako sa labas ng room at nakasandal sa nakasaradong pintuan. Iniisip ko kung saan ako pupunta. Malls? Yellowcab? Rockwell? Starbucks? Psh! Boring yun. Mag isa lang ako. Aha! Oo nga. Napatango tango pa ako nang parang may isang light bulb ang umilaw sa taas ng ulo ko with matching 'Ting!'. Kinuha ko ang phone ko nang nakangiti at nagtype ng message.

To: Shoaf, L., Concepcion, V.

Girls? Vacant nyo ba? Pinalabas kasi ako ng room e may almost two hours pa akong vacant. :((

Sent: 2:07pm

Naghintay lang ako do'n. Ilang minuto pa, wala pa ring reply yung dalawa. Ah, si Gerald nalang. Hihihi! So I opened my phone and typed a message for Gerald.

To: Mueco, G.

Hiiiiii! =D Vacant time? Tara kain? Wala kasi akong kasama since di avail sina Lilian at Valerie e two hours pa meron ako. Napalabas kasi ako ni Prof Tan dahil may mongoloid sa room namin. XD

Sent: 2:11pm

Ilang segundo after kong isent yung message bigla akong nakarinig ng sigaw galing sa loob ng room ni Mr. Tan. Sounds proof naman ang bawat room ng M.U pero dahil nakasandal ako sa pinto medyo rinig ko pero mahina. It was sort of 'lack of son' ata. Basta yung dulo lang yung narinig ko pero biglang....

"ARAY!" Bigla nalang akong natumba sa sahig! Paano, biglang bumukas yung pinto e dun nga ako nakasandal kaya ayun! Sa sahig ako naglanding! Bwisit. My butt hurts! Napahimas ako sa butt ko dahil ang sakit ng impact nung bagsak ko. Gusot na gusot yung mukha ko nun!

"BWAHAHAHAHAHAHA!" And to make me more upset, isang nakakairitang halakhak ang narinig ko sa taong nagbukas ng pinto!

Inangat ko ang ulo ko only to see Stevan standing there and laughing his ass out! Argh! Gusto nya atang sipain ko ulit ang family jewels nya! As for my classmates, no one dared to laugh. Of course! It is Ivva Laine Montesa! They should never laugh at me if they don't want their lives to be a living hell. Si Stevan lang naman ata ang may guts na tawanan ang isang ako. I gave him a deadly glare as if that could kill him.

"YOU!" dinuro ko sya. "You are a jerk as eve---WHOA!" Nagulat nalang ako nang bigla nyang hilahin yung kamay kong nakaturo sakanya! At dahil sa lakas ng hila nya ay napatayo ako. Napatama pa ang katawan ko sa kanya at kung hindi ko naitukod ang kamay ko sa dibdib nya, we might had a very gross kiss! Fortunately enough, no kiss but still, we are an inch apart from kissing. Akala ko, wala nang ilalapit ang pwesto naming 'yon but then, yung kamay nyang humila sa akin patayo ay ipinulupot nya sa bewang ko at mas hinapit ako palapit sakanya. He gave me a teasing grin and winked.

"UUUY! Kayo ha!"

"PDA! Magsilabas kayo oy!"

"Iskor na pre!"

Biglang nagsipagsigawan ang mga students sa room which made me quickly blush A LOT. Buong pwersa kong itinulak si Stevan palayo at napaangat ang isang sulok ng labi ko as I muttered, "J-Jerk" and left the class.

"My lady! Wait for your man!" Narinig kong pahabol sigaw nya nang maglakad na ako paalis.

Naglalakad ako palayo ng classroom nang inis kong inihilamos ang dalawa kong palad sa mukha ko. Ghad! Did I.. Did I really blush and stutter?! Grr! That jerk!

"Uy, namumula pa rin sya! Hahaha!" Napalingon ako sa sumabay sa paglalakad ko at nakita si Stevan na tumatawa. Nasabi ko na bang masyadong mahahaba ang binti nya kaya kahit anong bilis kong maglakad ay maaabutan at maaabutan nya ako?

I rolled my eyes at him. Namula? Ako? Ha! Oo nga namula. Psh! Pero sa galit 'yun! Kainis sya. At syempre sa kahihiyan. Nakakahiya kaya syang kasama! Eww. "Ba't ka ba andito?!" Sigaw ko sakanya in my usual mataray tone.

Ngumiti sya ng pagkalawak-lawak. "Ganyan ka ba sa mga taong niyayaya mo?"

Kumunot ang noo ko. "Niyayaya?! Ha! Dream on, jerk!" Asik ko.

He acted like a sad innocent child then said, "Gumawa pa naman ako ng paraan para palabasin ako't masamahan ka tapos ganyan ka lang?"

"What the---hmmmpp!" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang takpan nya ang bibig ko.

"No cussing, lady." At ngumiti sya ng malaki saka ako inakbayan gamit ang free hand nya. Tinanggal nya ang pagkakatakip sa bibig ko at kinuha naman ang phone. Nagpipindot at pinakita sa akin ang nandoon nang nakaakbay.

From: MY ONE AND ONLY

Hiiiiii! =D Vacant time? Tara kain? Wala kasi akong kasama since di avail sina Lilian at Valerie e two hours pa vacant ko dahil may mongoloid sa room namin. XD

Sent: 2:11pm

Nanlaki ang mata ko at tinulak sya palayo. "YOU! It was.. I sent that to Gerald! And I was referring to you mongoloid slash jerk!"

Tinaasan nya ako ng dalawang kilay na parang natatawa at nagkibit balikat. "Then why did I receive it then?"

Napaangat ang isang sulok ng labi ko at pinanliitan ko sya ng mata. "Assuming! Wait and see!" At kinuha ko ang phone ko para hanapin ang message. Tiningnan ko at kay Gerald nga iyon naisend. But.. I realized a shit! Gerald ang nakalagay pero number ni Stevan ang nakaattach! ARGH! Inangat ko ang tingin kay Stevan at feeling ko talaga nung mga oras na yun ay umuusok ang ilong at tenga ko lalo na nang makita nagpipigil sya ng tawa.

"STEVAAAAAAAAN!" at sinugod ko nga sya.

Pinagtatadyak at pinaghahampas ko sya but he just kept on laughing. Argh! Ilang minuto rin akong 'hiyah!' Nang 'hiyah!' Doon habang kinakarate ang tumatawang mongoloid. Sumuko rin ako at lumayo sakanya nang may matalim pa ring mga tingin.

Pagod na ako. Nakakainis! Bato ata sya. Napahawak ako sa magkabilang tuhod ko ng hinihingal saka ko sinamaan ng tingin si Stevan na nakasandal sa pader at natatawa-tawa although hinihingal rin. Sinugod ko nga sya't pinaghahampas at tadyak but hell! He was a stone! Hindi man lang masaktan ang kolokoy! In the end, napagod lang ako and.. oh well, pinagpawisan. Bwisit talaga. Ano bang trip nya sa buhay at pinalitan ng Gerald ang pangalan nya sa phone ko and worse, dinelete pa nya ng number ng taong gusto ko?!

Kinuha ko ang handbag kong nasa sahig ng hallway at nagsimula ng magmartsa paalis. Bahala na sya sa buhay nya! Nakarinig ko ngang sumigaw sya ng 'wait!' at saglit lang, nasa tabi ko na. Ngingiti-ngiti pa at panay ang tanong sa kin ng kung anu anong walang kwenta. Grabe kumukulo pa rin at nag iinit ang dugo ko sakanya. Gusto ko nga syang sigawan but I don't think that would work at this jerk. Sumakay nalang ako sa elevator nang tahimik na kinikimkim ang sama ng loob. As I've expected, pumasok rin si Stevan at tumayo sa left side ko. Nagcross arms ako at tumingin sa right side para di ko makita ang nakakairita nyang pagmumukha at baka lumabas kami ng elevator ng pira-piraso na sya.

Napatingin ako sa floors then I pressed the ground floor. Hindi sya pumindot so he'd probably follow me like usual. Ghad. Makakasama ko pa sya sa isang maliit na space ng matagal-tagal dahil galing kami sa thirteenth floor.

"Saan kaya magandang pumunta, Ivva?" narinig kong sabi nya. "A date? What d'you think?" Date your face! I just rolled my eyes and kept on ignoring him. "Saan mo ba gusto, my love?" Eww. Gross! "Well, sa akin kasi kahit saan okay lang basta kasama kita e."

I rolled my eyes again but didn't answer. Bahala sya dyan. Manigas sya! Hindi ko sya talaga papansinin! Wait---parang... oo nga! First step dun sa OTHO ay 'Ignore Him' right?! Oh my. Parang gusto kong ngumisi. But.. kay Stevan?! Gagana ba 'yon?! At matatagalan ko ba?!

"Balak nga sana kitang isurprise kaso naalala ko, ayaw mo ng surprise kasi diba nung birthday mo nung grade 4 tayo tapos sinurprise ka ni Ivo, umiyak ka nun kasi ayaw mo ng surprises?" Hindi ako nagsalita. "You know what? That was the very first time na nataranta ako just because someone cried." At ngumiti-ngiti pa ang loko! "Teka, pano ba tayo napunta sa ganung usapan? Hahaha!"

Usapan? Duh? Usapan is composed of two or more people! Hindi ba sya nakakahalata?! Sabi ko na walang epekto ang steps na yun kay Stevan!

"Sa'n mo ba gustong kumain?" Tanong nya sa akin. Hindi ko sya pinansin. "Hmm? Saan?"

At gaya ng madalas nyang ginagawa, hinarang nya ang mukha nya sa view ko. Ugh, I badly wanna smash his face so hard! But I decided to don't. Tagusan lang ang tingin ko. Winave nya yung kamay nya sa harap ko but I didn't dare to blink nor pay attention with it.

"Pipi ka na? Hindi mo na 'ko nakikita? Invisible na ba ako? O namatay na kaya ako sa mga hampas at tadyak mo kanina?" FINALLY, he noticed! I feel like smirking so wide!

*TING!*

Time to go, Ivva! Nilagpasan ko si Stevan at lumabas ng elevator na para bang hindi sya nakikita. Pero paglabas ko ng tuluyan, nagpakawala ako ng isang ngiting tagumpay! Mwahahahahaha!

"Ivva! Wait up!"

When I heard the jerk's voice behind, I hurriedly remove my heels and... RUN FOR YOUR LIFE IVVA! Habang hawak ang pares ng purple Gucchi ko ay nakangisi akong tumakbo palayo kay Stevan. If I can't run away from him when I'm wearing my heels, well, I can without killer heels! I'm an average runner without my sandals. Then I guess, possible naman na hindi nya ako mahabol.... lalo na kung magpapasikut-sikot ako. So I went to the crowded areas right after I went out from the building.

Pumunta ako sa pinakamalapit na spot sa ground. And I sit in with the most crowded squad. I think, they are 13-15. Nagulat pa sila nang makiupo sakanila. And of course they know me. Who's not familiar with an 'Ivva Laine Montesa' in this school? Nilagay ko ang daliri ko sa tapat ng ilong ko to hush them down and I mouthed, 'Act normal' which they did.

"Uy, si Stevan ba 'yon?" And who don't know a 'Stevan Xailo Lacson' inside this school?! Geez. Kelan pa sya sumikat?! I rolled my eyes. Muntik na akong lumingon sa sinabi ng isa sakanila. Magtatanong na sana ako pero may nagsalita na naman sakanila.

"Oo nga 'no? Teka papunta ba sya dito?" Uh-oh, that doesn't sound good!

Gusto kong mapasapo ng noo dahil alam naman nga pala nya ang suot ko at alam nya rin na hanggang gitna ng likod ko ang wavy hair ko. Trying to hide is useless! Kaya naman tumayo na ako agad at walang sabi-sabing tumakbo palayo sa squad. Wala akong lingun-lingon nung tumakbo ako.

And then, nung makita ko ang palikong daan sa Fine Arts building ay lumiko ako agad do'n. Pagliko ko, pumasok naman ako sa loob and.. I discovered that it was a rest room area. Right side for females and left side for males. Yeah right, he can never follow me if I'll go to the right side.

Pero bago pa ako makapasok sa pintuan ng female rest room, someone pinned me on the wall. Ouch! That hurts! Nakangiwing napapikit ako sa lakas ng impact. Tapos nagulat nalang ako nang may maramdaman akong dalawang braso ang kumulong sa akin sa pamamagitan ng pag lagay niyon sa magkabilang side ko. Dahan dahan kong idinilat ang kaliwang mata ko at pagtapos ay kanan naman.

"Still running away from your suitor, lady?"

And I found Stevan Xailo Lacson three inches away from me. He was wearing a half-smile while panting when he talked. Pawis na pawis sya but still, he smell so manly. Ang bango nya. The way he talked sounded so sexy. And.. is it just me or he really look sooo.. hot? Napalunok ako dahil sa tumatakbo sa isip ko. God, Ivva! Keep your sanity. Goodness gracious!

"Drooling over me eh?" His grin went wider. Ugh! Did I just.. Did I just really idle?! Dahan dahang lumapit sa akin si Stevan. Muli akong napalunok. W-What is he.. What is he going to do?! But then, inilapit lang pala nya ang ulo nya sa right side ko to whisper, "Don't worry, you own my heart, my soul and.. my body. I am all yours, Ivva.." He whispered in a husky voice with the 'all' prolonged.

And I can't deny it. I had an unexpected freakin' goosebumps when I felt his warm breathe on my neck and the chills were sent into my spine unevitably. Napalunok ako. My heart was beating so damn fast. And I can feel my sweat all over my head with my knees acting like a jelly. Holy mother nature... I can't breathe...

"YOU TWO!"

Nagulat kami nang biglang may sumigaw bigla at napalingon kami sa pinto kung saan kami dumaan papunta dito. "Immoral students! Go to Displinary Office, NOW!"

Oh, fantastic!

"To think na freshmen palang kayo but you are already planning to make love?! And worse, inside the school!" binagsak ni Prof Kae ang dalawang kamay sa table na namamagitan sa amin ni Stevan at sakanya. "Dala nyo ang pangalan ng University! What do you think people will say if they knew about this?! That two freshmen students find their professors boring so they have decided to just make love inside the school premises, particularly in a restroom, DURING their class?!" At winave pa nya sa amin ang copy ng schedule namin na nakuha nya sa kung saang wala akong balak alamin. "I can't believe that the popular Volleyball Captain and the popular Basketball Captain are caught making out!" She sounded hysterical.

Ugh, can someone give me a tape for this annoying menopausal machine gun?! Gaaal, I wanna roll my eyes. But I decided to don't when something hit me. Did she say... Basketball Captain?

Napasulyap ako sa upuang katapat ng sa akin kung saan nakaupo si Stevan. And to emphasize, prenteng nakaupo lang sya! He's the Basketball Captain? Ghaad, we've been in school together for already three months and I still don't know that. Whatever! He's still annoying! Especially right now! Right now that he acts so calm! As if nothing's wrong and everything was fine for him to chill out. Grr. I wanna kick his ass now!

"Nakikinig ba kayo?!" Napalingon kami ni Stevan nang sabay sa matanda nang maglean pa sya palapit sa amin na dahilan kaya napaatras pa ako. "See?! Just to listen in a worth-listening lecture, wala na kayong pakialam! Hindi ako makapaniwala sa mga estudyante ngayon! Masyadong mahahangin at matitigas ang ulo! Hindi gaya noong panahon namin na----" and her comparisons between generation X and Y followed. What is wrong with oldies? Why do they keep on comparing their generation to the current generation?! I wonder if I'd also compare this generation to the future's.

Halos kalahating oras din kaming nakinig sa paulit-ulit na sermon ni Professor Kae. Pssh. I get her point, that making love at our 'young' age is not a really good scenario to witness especially in a school. But hell! Ilang beses na naming sinabi sakanya ang totoong nangyari. Pero kung pitong beses kaming nagsabi ng totoo, walong beses naman nyang sinabing nagpapalusot lang kami. Nasaan ang hustisya?! At sa hinaba-haba ng pagtatalak ni Prof Kae, masasabi kong sa isang sentence lang ako naapektuhan.

"And because of that immoral deed, you two are going to have a '48 hours of service' for our school's cafeteria as your punishment!"

Napatayo ako nun sa pagpoprotesta. "But Ma'am---" pero hindi pa ako nakakapagsalita ay pinutol na nya ako.

"No buts, Miss Montesa. Now, leave this office."

Leave? Fine! Pahablot kong kinuha ang bag ko at nagdadabog na lumabas ng opisinang iyon. For heaven's glory, how could she order me just like that?! Gusto ba nyang ibitin ko sya patiwarik sa opisinang iyon mismo?! Nagpaliwanag naman kami ni Stevan ah? Wait, Stevan? RIGHT! It was all his fault! That guy really do brings bad luck on me! Nakakainis! Nakakainis! Ngayon tuloy may 48 hours of service pa ako sa school cafeteria kahit na wala naman akong ginagawang masama! Kami ni Stevan? Making out?! GROSS! Not even in my dreams! Argh. Ang sarap manapak!

"Hey, wait up!" And what is the definition if IRRITATING?! S-T-E-V-A-N is the perfect definition.

I rolled my eyes. I don't want him around! Kailan ba nya ako titigilan? Nakakairita na! Hindi na nga lang ako papasok ng next class dahil magkikita na naman kami ng lalaking yan. Kung papasok pa ako, baka may paglalamayan na bukas.

So I decided to walk outside of the university from the West gate. Paglabas ko, hinanap ko yung kotse ko dahil dito ko yun pinark. But a red lambhorgini arrived and stopped infront of me--blocking my way. I think, I know who the driver is. At tama nga ang hinala ko pagbaba ng bintana.

Binaba nya ang ulo para bumaba din ang shades nya't magtama ang bare gaze namin. My brother, Ivo, smirked, "What's up, sis?" Tapos ay bigla syang napalingon sa bandang likod ko kung saan tingin ko nandun si Stevan then sakin na naman tumingin, he bursted out a laughter then asked, "Another LQ?"

I rolled my eyes as an answer then crossed my arms as I raise an eyebrow to him, "Why are you here?" Tanong ko sakanya.

His grin get wider, "A family dinner for the family?" Dahan dahang nawala ang bitch look ko because of what I heard. I was just... plain astonished. Family dinner? Tinitigan ko si Ivo ng matagal. At bago pa ako magtanong ay kinumpirma na nya. "Yes, sis. A family dinner. Y'know, it's compose of a father, a mother and the offsprings." This is not happening. Tell me, this is not happening.

"W-What...? N-No!" Nanlalaki ang mga matang pagtutol ko.

Tumawa naman si Ivo. "You know you can't Ivva. So you better hop in now." Aniya.

Kinunutan ko sya ng noo. "What? Now?" Agad agad? Anong oras palang ah? But then, I realized, three hours ang byahe papunta doon from here.

"Yes." Then nilingon na naman ang nasa likod ko saka tumingin sa akin nang may nakakalokong ngiti, "And why don't you introduce your suitor to our family, sis?"

My eyes grew wider because of his suggestion. Shucks! "No hell way! Okay, okay, fine! Sasama na ako but for heaven's sake, wag mo na syang isama pa!" At binuksan ko na ang passenger seat para sumakay pero bago pa ako pumasok, tinulak ako ng magaling kong kakambal papalabas. "Ano ba Ivo!" Inis kong singhal sakanya.

"You'll sit at the back, my pretty sister." Kumindat pa sya. "With Stevan." He added.

"Ivo Laxus Montesa!" I yelled out of anger.

Ngumiti lang sya ng mas malawak at tumingin sa bandang likuran ko na parang kinakausap ang taong nasa likod ko gamit ang mata. Napalingon rin tuloy ako only to see Stevan who opened the backseat then bowed as if he's a butler or someone who's sort of like that.

"Please come in, my lady." He said in a formal tone.

Pinaningkitan ko sya ng mata and then...

"OUCH! WHAT A GODDAMN KICK!" Napahawak sya sa family jewels nyang sinipa ko. Namilipit sya doon at napatalon-talon pa sa sobrang sakit habang patuloy sa pagmumura.

Narinig kong humalakhak si Ivo sa driver's seat at sumigaw, "Hop in, love birds! Drop the sweetness, alright?!"

I rolled my eyes and entered the backseat, leaving Stevan behind. Pagpasok na pagpasok ko, sinarado ko na yung pinto but before I totally close it, a hand stopped me from doing so. Sinundan ko ang kamay at nakita ko si Stevan.

"My lady, is that your way to show me your love?" Tanong nya habang hawak hawak pa rin ang jewels sa isang kamay at ang isa ay nakapigil sa sinasara kong pinto. Halata nga sa ekspresyon nyang sobrang sakit pa rin ng pagsipa ko.

I glared at him then tried to pull the door to close it but he resisted. Hinila rin nya pabalik. "Ano ba!" Asik ko at muling sinubukang hilahin ang pinto pero hinila nya pabalik. Hinila ko papunta sa akin at hinila nya papunta sakanya. Hila dito, hila doon. Argh! Ayaw mong magpatalo ha? Sinipa ko ang tuhod nya as strong as I could and I guess, that was strong enough to make him step backward.

"Ouch! That was foul!" At nabitawan nga nya ang pinto as I've expected.

I just let out a successful grin and finally close the door. Tiningnan ko naman ang kakambal ko through the rear mirror. "Larga na!"

Pero bago pa sya sumagot ay biglang bumukas ang kabilang pinto at... pumasok si Stevan suot ang isang napakalaking ngisi. My jaw dropped. H-How... argh! This guy!

"Oo nga. Larga na, 'Vo!" At inulit pa nya ang sinabi ko!

Tiningnan sya ni Ivo through the rear mirror. "You owe me one. I'll be a fucking driver just this once."

Stevan bursted out a laughter. "Yeah, yeah."

Then lumingon sya sa akin. He's smiling from ear to ear while I was glaring at him to death. "Now, I think, nagsisisi na akong hinayaan kitang manligaw." I murmured and defeatedly leaned my back with my arms crossed.

As for Stevan? Of course, he just answered me with a freakin' laugh!

The whole ride wasn't silent. Ivo and Stevan together is a great disaster. Ang ingay nilang pareho. Ivo and I are close to each other, given na yun dahil magkaedad lang kami at sabay na lumaki. But with Stevan around? We're definitely not on the same side. Bakit ba kasi gustong gusto nya si Stevan para sa akin? Hell! It seems like everyone wants Stevan for me. Too bad, I don't.

I had to spent my three long hours with two noisy and annoying guys for almost three hours. Panay ang pang aasar nila sa akin. I'm used to it. But hell, ibang topic ngayon. Stevan and I in a romantic relationship? I don't think that's a good joke. Grr. Most terrible ride ever. Pero hindi ko alam kung makakaramdam ba ako ng relief nang marating din namin ang aming destinasyon.

"We're here." Ivo announced.

It felt like my heart stopped. A very usual sadness sprang into my heart. I gulped and glanced at the window in my side to take a glimpse of our former house. And I can't help but feel a great nostalgia while looking at its wooden huge gate, the wide garage with two cars, the terrace of the master's bedroom, the small hallway beside the garage, the garden where my Mom used to water the flowers while me, Ivo and... Dad was playing. My real father.

Dad...

It's been five years. Am I ready to face him again?

Nagulat ako nang magbukas ang pintuan ng kotse kung saan ako kanina nakatingin para titigan ng bahay. Then Stevan lowered his head to look at me. "Time to go, my lady." he said with a small smile curved on his lips.

Tahimik at wala akong sali-salitang lumabas ng kotse. Hinanap ko si Ivo sa driver's seat but nauuna na pala sya papasok ng nakapamulsa. Not to mention, he was walking like as if he was enjoying his stroll in some lovely beach. Geez. I wanna roll my eyes.

Napalingon ako kay Stevan na nasa tabi ko. And I was a bit surprised dahil nakatingin na sya sa akin. He was just simply serious. And I don't really like that kind of expression from him. Everytime he wears a serious look, I always lack of idea on what's going on in his mind. I'm just.. being unable to read him.

"Are you alright?" tanong nya.

I looked at him. I was so tempted to say 'no' then cling my hands on his arms because I actually need company. I need support because I might explode or just simply break down out of the battalion of memories and emotions attacking me. But then, I decided against it. Inalis ko nalang ang tingin ko sakanya at nauna nang maglakad papasok. Sumunod naman sya.

Just like Ivo, may maid din na sumalubong sa amin ni Stevan at iginiya kami papunta sa living room. Pagdating namin doon, naabutan naming nagmamano si Ivo kay Daddy at kay Tita Elizabeth. Nandoon rin sina Elisse and Eloisa, our half sisters.

"Where's my Mom?" That was the very first question that I blurted out. I just don't feel comfortable with my Dad's family.

But I think my question made the ambiance awkward. The room fell on silence. Napatigil si Ivo. My Dad cleared his throat so as Ivo. In the end, my brother was the one who answered me. "She said she can't go. An urgent business meeting." There was a professional formality on his voice.

Kumunot ang noo ko. "Didn't you tell me this is a family dinner, did you?"

Tumingin sa 'kin si Ivo at nababasa ko ang sinasabi ng mata nya -- na tumigil na ako at maging pormal na lamang. But I just... I just can't stop myself.

Tiningnan ko isa isa ang bawat myembro ng pamilya ng Daddy ko at muling ibinalik ang tingin kay Ivo. "Except you, wala na akong ibang pamilya dito. Therefore, this is not a 'family' dinner." I told him with so much sarcasm and an emphasis on the word 'family'.

"Ivva." Tinawag ako ni Ivo sa tonong nagsasaway. Not too loud and not too low. Just a brotherly way to control his sister.

So I didn't dare to say anything anymore. Hindi ko rin binalak na magmano pa sa tatay ko't sa asawa nya. No, scratch that, sa kabit nya. But my silence brought awkwardness to the room again. Until Tita Elizabeth broke the ice.

"A-Ah, l-let's go to the dinning area? I cooked the food." Nakangiti nyang anyaya at nagpatiuna na doon na sinundan naman ng mga anak nya then kami.

"Hindi ko pa nakikita ang mga pagkain ay nawawalan na ako ng gana." pabulong na sabi ko.

Sinamaan naman ako ni Ivo ng tingin dahil sa narinig nya. I frowned and asked, "What?" Napailing lang sya.

Pagdating sa dinning area ay kanya kanyang upo naman kami. Dad on the head chair. His family on his right and we're on his left. Napapagitnaan ako ni Ivo at ni Stevan na nanahimik lang naman dahil siguro alam nyang family thing is family thing.

"Wait, it looks wrong. Sila ang bunga ng pangangaliwa so they should be the one sitting here on his left side, not us." I whispered with the usual sarcasm. But because the dinning area was so silent, I bet they heard me.

Ivo glared at me and whispered with controlled tone, "Can't you just act professional and mature, Ivva Laine? It's been five years. Move. On." Move on? Hah! MOVE ON?!

Pinaningkitan ko sya ng mata sa sinabi nya. I don't really understand my brother in this case. Never kasi syang nagalit kay Dad. Well, I'm not sure. Basta wala syang sinabing galit sya at hindi rin nya ipinakita. Sa aming tatlo nina Mommy, sya lang ang hindi galit. Basta no'ng magkakasama pa kami nina Mommy sa iisang bahay, no'ng wala na si Daddy, usually, yayakapin nya kami ni Mommy at ang palagi lang nyang sinasabi sa amin ni Mommy, mahal nya kami and he would do anything for us. But move on? That's a different case. If he wasn't upset, well, I am.

"It's been five years? It wasn't just five years, Ivo! Can't you calculate our age? His and Mom's marriage? And our step-sisters's age? They're just freakin' about our age! Which means he's been fooling around two years after we were born." Tiim ang bagang sagot ko sakanya. I can't control my emotions if they're this explosive. I tried to lower my voice but my emotions makes it a lil bit uncontrollable which makes the other on the table hear us.

Ivo held my hand. Doon ko lang napansing sobrang higpit na ng hawak ko sa tinidor na nasa mesa. "Calm down, sis. Just.. calm down." he uttered with calmness and understanding.

"Uh, let's eat?" Iyon ang ipinansingit ni Tita Elizabeth gamit ang pilit na masayang tono upang alisin ang namumuong tensyon.

Nagsimula nga kaming kumain. And we were just so silent. Then my Dad interrupted. "Why don't you introduce the guy Ivva?"

Napahigpit ang hawak ko sa tinidor at muling nagtiim ang bagang ko. I hate hearing my name from him. I took a deep inhale. Calm down, Ivva. But I can't help it! "He's none of your business."

"He's her suitor." Mabilis na sinundan ni Ivo ang sinabi ko.

My Dad smiled. A bitter one. "Hindi na talaga ako updated sa buhay ng prinsesa ko." Aniya at kay Stevan tumingin.

"At least, you're still updated with your remaining princesses." And I glanced at Elisse and Eloisa who were silently eating that time and didn't even glance at me.

Dad ignored my comment and face Stevan instead. "What's your name hijo?"

"Stevan Xailo Lacson, Sire." At tumayo sya para makipaghandshake na inabot naman ni Dad.

"Nice to meet you, Stevan."

"Nice to meet you too, sire."

"Don't be too formal. Tito nalang." At ngumiti sya.

"Okay po."

"Good. Take care of my daughter. Pero hangga't maari, ayoko munang mapalitan ang apelyido ko ng apelyido mo, okay?" he tried to make a joke as the both of them take their seats.

But an Ivva Laine always have something to tell against him. Ni hindi ko sya tinitingnan at tahimik na kumakain nang magpahayag ako ng komento. "Oh, you don't know how much I wanted to change my last name. Kasuklam suklam para sa akin ang dalhin ang apelyi---"

"Ivva Laine Briones Montesa."

Nagulat ako at literal na nagitla nang biglang magsalita ang kakambal ko. It wasn't too low to be a whisper and definitely not soft to be consider as an average tone. And to think that he just called me by my full name. My FULL name. His eyes were seriously blazing and I don't like that. Yung totoo? Takot ako sa kapatid ko. More than anyone else, only he can control me. And I never like it when he becomes suddenly this serious.

"Mom taught us how to respect. You weren't born to act rude to someone who raise you. Now, apologize, eat and turn your bitch mode off." He ordered with such authority I never dared to break off.

Napalunok ako at inangat ang tingin kay Daddy. "I'm sorry." Monotone kong sabi. Kung pakikinggan pa nga'y labas sa ilong ang pagsasabi ko niyon. Ngumiti lang sya at tumango tango.

Tahimik nalang kaming nagpatuloy sa pagkain. Naroon pa rin ang tensyon na ako ang dahilan. Kung si Ivo lang naman kasi, he has nothing against them. Ivo's Ivo. Hindi ko alam kung sadyang walang galit o mabilis magpatawad. Nevertheless, I don't get him.

Akala ko'y tahimik nang matatapos ang kainang iyon nang si Tita Elizabeth naman ang magsalita. "So, how the both of you met?" Tanong nya habang pinagpapalitan ang tingin sa amin ni Stevan. And I can sense an extreme carefulness on the way she asked.

Tiningnan ako ni Stevan to ask if he's the one who's going to answer or me. Nginitian ko lang sya nang pilit at ibinalik ang tingin kay Tita Elizabeth. Ibinaba ko ang spoon and fork at ngumiti ng malawak pero walang genuineness sa mata.

"He's Ivo's bestfriend. He loves me eversince we were in grade school until now."

"Wow. That's impressing." Sagot naman ni Tita Elizabeth which I was already expecting.

I showed her my bitch look but quickly turned into a forced wide smile. "Uh-huh. And you know, Tita? He loves me for almost..." nagbilang ako sa isip ko bago sumagot, "..seven years. Imagine that? He's soooo loyal. Hindi katulad nung iba na three years palang kasal pero nambabae na." At lumingon ako sa side ni Daddy with a hint of smirk on my face.

Mukha namang hindi na sya nakapagpigil kaya ibinaba na rin nya ang spoon and fork. "Hindi ko alam ang nangyari saiyo, anak. You've changed. Hindi ka naman dating ganyan." Then sumulyap sya kay Stevan. "I'm glad he still can manage to be with you despite of your.. not really good attitude."

I raise an eyebrow. "Oh?" Then I smiled and cling my arms on Stevan's with such sweetness. "Hindi kasi sya katulad mo. A simple reason. Unang una na sa lahat, loyal sya. You? His love is pure. Yours? He knows how to wait. You? He cannot be blinded by seduction. You? He----" magtutuloy pa sana ako sa comparisons ko dahil natutuwa akong makitang nagtitiim ang bagang ni Dad but then, Ivo was already glaring at me. So inalis ko nalang yung kamay ko kay Stevan at umayos ulit ng upo. "Nevermind."

Sinagot nya lang ako ng isang malalim na buntong hininga and the very awkward silence followed. I was silently hoping that time would run faster. I don't know kung hanggang saan tatagal ang kontrol ko. It's been five years but the scars he left will be forever on me. Idagdag pa na ang huli naming pagkikita't pag uusap ay isang masalimuot at kagimbal gimbal na komprontasyon.

Ilang segundo lang ulit ang lumipas nang may nagsalita na naman, it was Ivo. Maybe he felt that the both sides feel awkward having each other around especially with my acts. "Oh, by the way kelan pa kayo bumalik ng Pilipinas, Dad?" Tanong ni Ivo.

"It would be actually better if he never come back." I murmured with my eyes focused on food. But because the dinning area was so silent, everyone was able to hear that.

Nagulat nalang kaming lahat na naroon nang makarinig kami ng malakas at may pagdabog na pagbaba ng spoon and fork. Inangat ko ang tingin to see Eloisa glaring at me. She was two years younger than Ivo and me and she was a year older than Elisse.

"Kanina ka pa ah. Your Mom's right. It is so easy to deal with your twin brother than you because he's way more understanding and mature than his sister. I know my parents told us to be patient and be understanding to whatever you're gonna say. Pero masyadong matabil ang dila mo at sumusobra ka na." Dire-diretso nyang saad na may mataas na confidence.

I smirked. May attitude ah? This is going to be fun then. I raise an eyebrow at her at nagsalumbaba as if I'm having fun just by seeing her upset expression. "Ooohh? Nandyan ka pala? You know what, I actually thought you and your sister are mute. Or..." I acted like as if thinking. "..just simply pathetic enough to be defenseless?" Nakangising sabi ko.

She gritted her teeth out of madness. Hinawakan ni Elisse yung kamay nya dahil nanginginig na iyon sa inis. At nagulat ako nang hawakan din ni Ivo ang kamay ko. Napalingon tuloy ako sakanya't napaayos ng upo.

"Sis." Then umiling sya ng dahan-dahan, telling me to stop.

Matunog akong naglabas ng hininga at ibinaba sa ilalim ng table ang kamay, way para alisin iyon sa pagkakahawak ni Ivo. Why does he keep on stopping me? Ibinalik ko nalang ang tingin kay Eloisa. Tulad ko, hindi rin nya pinansin ang pagpipigil ng kapatid nya.

"To tell you bitch, nasa bahay ka ng Ramos-Montesa at wala sa Briones-Montesa so you better beware of how you show your bitch-side."

"Eloisa." pabulong na tinawag ni Tita Elizabeth ang anak para pigilan ito.

"Do you even think I wanted to go here at the very first place? To tell you, I never wanted to see the bitches who ruined my family. I have nothing against you, your sister and your mother personally. Pero ang existence nyo at ang role nyo sa buhay ko, ng pamilya ko, ay sapat na rason para kamuhian ko kayo." Serysong pahayag ko habang diretsong nakatitig sakanya ang matalim kong mga mata.

"Bitches? Careful with your words! Kung sa ating apat lang naman, ikaw ang bitch dito."

"E ano palang tawag sa babaeng nang-aakit ng lalaking may asawa't anak na?" Taas-kilay kong sabi then I acted as if I realized something. "Oh. Hindi nga pala yun 'bitch'. They are called 'whores'." At kinowt ko pa sa ere ang huling salita.

"BITCH!" She hissed and stood up from her chair. Oh, she's already mad? Hinawakan sya ng nanay nya pero ayaw nyang magpaawat. She was standing firm while giving me a deadly glare.

Tumayo rin ako para pantayan sya. I crossed my arms and looked at her with my bitch look and a lil smirk. "Whaat?" Tanong ko na parang inosenteng natatawa sa aksyon nya.

"Ivva, stop!" saway ni Ivo.

"Don't you dare stop me, Ivo! You know how I kept all the anger, pain and sadness inside for the past five years!" Sigaw ko at dinuro pa si Ivo who looked disturbed by now.

"If I know, insecure ka lang dahil kami ang pinili ni Dad over your family!" Nagpanting ang tenga ko sa isinigaw ng unang anak sa labas ng Daddy ko. Ibinalik ko sakanya ang tingin ko.

"Hah!" I glared at her. Tiningnan ko sya as if she was saying a sick joke. "You don't know what you're saying." I muttered with a very controlled temper.

Tinaas nya ang dalawang kilay. Hinawakan na sya ni Tita at ni Elisse but she refused to be stop. "And what? Na kayo ang api at kami ang maninira? Na----"

"Yes!" Pinutol ko na ang sinasabi nya. "Yes kayo ang maninira! And yes kami ang api!" Galit kong sigaw sakanya. "You don't know what you're saying because eversince you were born, my Dad was by your side! You don't know what you're saying because you don't know what I've felt for the past five years right after we knew about our father's betrayal!"

"Are you saying na kayo lang ang nasaktan? What about us? Do you think we weren't hurt when we knew that the three of you exist?" She still sounds fierce so do I.

"We're the legal family! We are the ones who got betrayed!" May hinanakit at pwersang hinampas ko ang sariling dibdib. "You've been hurt? Bitch please." I rolled my eyes heavenwards. "Ano pa kami na buong akala namin nagtatrabaho ang tatay namin sa ibang bansa, yun pala, may pinapalaki nang iba? Insecure? NO, I'M NOT! I'm furious! I'm enraged! I'm mad! I went ballistic. You and your family ruined us! Your mere existence ruined my family to complete yours." My voice was a bit cracked but I managed to stay fierce.

"Hindi nila kasalanan kung minahal nila ang isa't isa. You're just too immature to realize that! Immature bitch who doesn't know how to love." Tiim ang bagang aniya.

"Eloisa. Stop." Pagsasaway ni Dad at hinawakan na ang balikat ng anak nya.

And that was when I totally explode. Twas like as if the healing wounds has been scratched and this was the time that all the pain came back. "Ikaw talaga ang may kasalanan nito eh!" Tinuro ko sya. "You and your stupid womanizing!" Dinuro ko sya sa dibdib ng galit. He stared back with his eyes full of sadness, guilt and pain. "You shouldn't have marry my Mom to begin with if you don't love her! Or you shouldn't have let me know you. You should've told me you died because that was easier to accept. You were commited for heaven's sake! Nung.. Nung ginagawa nyo ba yon, hindi mo man lang ba kami naisip?" My voice started to crack as I point Ivo and I using my trembling finger. "Hindi mo man lang ba naisip na may asawa't mga anak ka? Hindi mo ba naisip na ama ka na at may mga responsibilidad? Why you didn't think about the consequences, Dad?" I almost break down upon saying the last word. I almost cry when I was telling my heart out. He attempted to say something but I spoke before he could. "Dad, do you know the consequences now? Did you realize what you've done? If no, I'm telling you, you just didn't destroy a family. You also destroyed me and my whole being." Buong hinanakit kong pahayag habang matalim na nakatitig sakanya ang nanunubig ko ng mga mata.

"Anak..."

"I used to think you were my hero. Turns out, you were the villain. I was so fool to think you were the perfect husband and the perfect father. You are so selfish! You are so selfish, Dad.." I took a deep breath. "But thank you." I cleared my throat. "Thank you for at least making me feel I had a father. And thank you because of what you did, I became stronger." At kinuha ko na ang bag ko saka umalis ng walang paalam sa lugar na iyon. I can't take the ambiance any longer. Sumisikip ang dibdib ko. It hurts.

Paglabas ko ng bahay nila ay saka naman tumulo ang luha ko. Sunod sunod at walang patid hanggang sa mapahikbi nalang ako. Then may naramdaman akong comforting na akbay. Napaangat ako only to see Stevan there. He was wearing a slight smile that tells me he's so willing to understand me and be a shoulder to cry on. His eyes. Sa buong buhay ko yatang kilala si Stevan, iyon ang tingin na ngayon ko lang natanggap at masasabi kong pinakapaborito ko. I can't say exactly what his eyes say. But it has something that would make you feel comfort and will put you at ease regardless of what you're feeling. That was the kind of look who'd let you know it's alright to break down because there would always be someone who'd catch you and that's him. His eyes were full of emotions. Mas lalo tuloy akong napaiyak.

  Maya maya lang, lumapit naman si Ivo at sumabay sa amin. He handed me a hanky which I accepted. He didn't talk neither did I. I didn't attempt to say anything until we all get inside the car. I was still crying but I managed to say, "Sorry. I ruined that dinner." To my brother.

He then looked at me through the rear mirror and just smiled slightly. The same smile Stevan gave. "Do you feel better now?" I nodded and he just silently drove.

Habang nasa byahe ako, panay ang alo ni Stevan sa akin which I didn't mind at all. Ilang minuto rin akong naiyak hanggang sa naging pahikbi-hikbi nalang at ilang minuto ulit ang lumipas nang tuluyan na akong tumigil. Tahimik nalang akong sinandal ang ulo sa bintana habang nakatingin sa labas nang marinig ko ang boses ng kakambal ko.

"By the way, I didn't like how bitch you've shown there." then he glanced at me through the rear mirror. And I know right at that moment that he was trying to lighten up the mood.

I chuckled. "Akala ko, makakalagpas na ako sa sermon ng kuya kong two minutes older than me."

At tatlo kaming pare-parehas na natawa nalang.

 

 

CHAPTER THIRTEEN

"Eh ano ngang magagawa ko?!" Inis kong singhal sakanilang dalawa. "I can't ignore him. I mean, he was just so good on annoying me that I can no longer keep silent. Besides, sobrang kulit nya pa rin! Iniignore ko na nga sya tapos kulit pa rin sya ng kulit na akala mo, hindi nya napapansin na hindi ko na nga sya napapansin!" And my complains continued while Lilian and Valerie were looking at me as if I'm a weird alien from the other galaxy. "What?" Iritado kong tanong sakanila.

"Grabe. Ang hysterical mo, Ivva." Sabi ni Lilian at humigop sa frappe nya.

"And if you don't know, agaw atensyon ka na." Dagdag naman ni Valerie at ibinalik ang tingin sa nakabukas na laptop saka nagtype ulit doon.

Tila nauubusang pasensya naman akong napatingin sa ibang customers ng starbucks na kanina pa nakatingin sa amin--or sa akin. I raise an eyebrow. "What are you looking at?" Buong taray na tanong ko.

Nagsibalik naman sila sa sari-sarili nilang ginagawa pero parang nagpanting ang tenga ko nang marinig ang bulong ng babaeng nasa katabing table lang namin. "Psh. Akala mo naman kasi artista para bigyan ng atensyon." Aba.

Nilingon ko sya. She was reading a book with black rimmed eyeglasses. Though she doesn't look like a nerd or even a geek. She has a taste in fashion. But then, she messed up with the wrong person. "Yung mga duwag talaga e hanggang bulong lang ang kaya 'no? Bubulong-bulong, pinaparinig naman. Ano? Takot lang?" Sabi ko kina Lilian at Valerie sa malakas na boses na pinaparinig talaga 'yon doon sa babaeng ekstra.

"Ako ba ang pinaparinggan mo, Miss?" humarap na sya sa akin. Hinead to foot ko naman sya ng tingin ng nakataas ang kilay. She has an attitude for a semi-nerd huh?

"Oh! Akala ko magtatago ka nalang dyan sa likod ng libro at eye glasses mo e." And I smiled at her in a bitch way.

"Aba. Are you saying that I'm a nerd?" She sounds an insulted innocent person.

I chuckled sarcastically. "You have the commonsense for a nerd." And I winked at her.

"You--! Hindi ka lang pala attention-seeker. Bitch ka din." Sabi nya nang nanggagalaiti.

Tinaasan ko ang kilay ko. "Attention-seeker? Oh, I get everyone's attention without yelling if I want to. And yes, I'm a bitch. Got a problem with that?"

"You get everyone's attention without yelling? E kanina ka pa nga sigaw ng sigaw dyan na parang pag mamay ari mo ang buong Starbucks na 'to. For your information, you disturb people like me who was silently studying."

"Kung bakit ba naman kasi andito ka? This is Starbucks as you say. A public place. And you don't belong here. You should be stuck up in some boring libraries, NERD." And I smirked.

Mukhang hindi naman na sya nakapagpigil at sinugod na nya ako pero bago pa sya makalapit, pinigilan na sya nina Lilian at Valerie. Iyan ang gusto ko sakanila e, they wouldn't interfere with my fight but they'll be there when I need their rescue.

"Sorry. You're crossing the wrong line." Nakangiting sabi ni Lilian dun sa babae.

"And I'm telling you, girl, you should back off by now." Nakangiti ring advice ni Valerie.

Ngumiti rin ako at tumayo na. "Let's go, girls. Lipat nalang tayo. Ayoko sa mga taong nasa pangrich place nga, ugaling iskwater naman." Sabi ko saka sinulyapan ang babae na nakatingin sa kin ng masama then kinuha ko nalang yung bag ko at nauna na palabas. Maya maya lang, katabi ko na rin sina Lilian at Valerie habang naglalakad.

"Ikaw naman kasi Ivva. Napalabas pa tuloy tayo." Nakapout na sabi ni Valerie.

"At saan naman tayo ngayon?" Nakacross arms namang tanong ni Lilian.

"Sa... Rockwell? Yellowcab?" Patanong na sagot ko.

"Duh? Ang layo no'n dito!" Said Lilian then flips her hair.

"Eh hindi naman ako magrereklamo in the very first place kung effective yung 10 steps nyo." Nakabusangot na sabi ko.

"You know what that means?" Napalingon naan ako kay Lilian nang magsalita sya. "Stevan is just so eager to win you."

I rolled my eyes. "I don't care if his feelings are genuine or he's very eager to win me. I just wanna get rid him." Nagkatinginan naman sila at sabay na napailing. Tinaasan ko sila ng kilay. "So ano? What am I going to do next? Am I going to continue that... err, 10 steps? Or ibabusted ko nalang sya?"

Napasapo naman si Lilian sa noo niya as if I'm a trouble she had no any choice but to deal with. Tiningnan niya ako. "God, Ivva. You are so heartless."

Nagugulat ko namang tinaas ang dalawang kilay ko. Wow. Pang ilang beses ko na bang narinig na sabihan ako ng 'heartless' dahil lang kay Stevan? Psh.

"You know what? Saludo na ako kay Stevan kasi hindi pa rin siya nasuko sayo kahit na ganyan ka." naniningkit ang mga matang sabi nya. At talaga namang napaawang ang labi ko do'n! Whoa, I'm speechless. Kaibigan ko ba talaga ang isang 'to?

"Sinabi mo pa." Naiiling na sabi naman ni Valerie kay Lilian.

At talaga namang natahimik ako do'n. "Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" taas kilay at mataray kong tanong sakanila.

Lilian rolled her eyes. "True friends say true things."

Nagpapadyak naman ako. "Eh ang topic lang naman natin ay hindi nagana yung 10 steps nyo pero idinivert nyo sa akin yung topic! Psh!" I rolled my eyes.

Napaisip naman sila do'n. Ilang minuto din siguro kaming naglalakad ng tahimik habang nag iisip sila at naghihintay ako.

Tumingin si Valerie kay Lilian. "Lils, natatandaan mo ba yung sinabi ni Fate?"

Napatingin rin si Lilian kay Valerie at ngumiti dito as if naiisip nila ang iniisip ng isa't isa. "Fate says no matter what happen, the steps will continue if the player started doing it."

Nagpalit-palit naman sakanila ang tingin ko ng nagtataka. "W-Wait, wait, who's.. uh, Fate?" The last time I check, fate means kapalaran. Are they referring to the literal meaning?

Napalingon naman sila sa akin at in the end, si Valerie ang sumagot. "Hindi naman kasi talaga kami ang gumawa no'ng steps eh."

"WHAT?!" nanlaki ang mga mata ko.

Napatingin naman sila sa paligid and looked at me. "You always attract attention, Ivva Laine." Lilian said and rolled her eyes.

"E-Eh teka nga, ano ba kasi yang sinasabi niyo?"

Nagkatinginan ulit sila tapos sa akin ulit tumingin then si Lilian yung sumagot. "One time kasi, nung magkasama kami sa isang bench sa M.U. Ground tas pinag-uusapan ka namin tungkol sa sayang naman si Stevan kasi ayaw mo sakanya. Then nagulat kami ni Valerie kasi do'n sa punong nasa tabi ng bench namin, may nagsalita, nung tiningnan naman namin, there was a weird girl in black. Sabi nya, 'then why don't you tell her to turn him off by following some steps?'. Kaya ayun, nung nagmovie marathon tayo sa unit mo, sinabi rin namin sayo yun." Paliwanag niya.

Nakaawang ang labing napatango ako kay Lilian. "And...?" I was honestly waiting for further explanation which Valerie gave.

"Nung nag iisip naman kami ng steps nga na yun, lumabas na naman siya. Do'n na nga kami nagtaka ni Lilian kasi bukod sa sobrang weird niya dahil naka-all black siya with matching black hair, black lips and black eyeliner, nalabas pa sya sa ganoong oras. Nagpakilala siya bilang si 'Fate'. Lilian and I don't have any idea if that was her real name or what. Then siya ang nagdictate ng 10 steps na yun at nung tinanong naman namin siya what if di mo gawin, she was just so confident that you will and that was when she say that line."

"What line?" tanong ko.

"No matter what happen, the steps will continue if the player started doing it." they said in unison and rolled their eyes.

"Uh-huh?" That was only I could say. Just completely astonished with the revelation.

"And because of that, I think, you should just proceed with the step #2." Lilian added.

"And what's that?" Tanong ko nang nakataas ang kilay. Pinaningkitan naman ako ni Lilian ng mata at nang akmang magsasalita na siya ay nagsalita na ako. "Okay, okay, chill. I wrote it in my phone's note, alright. No need to evolve into a dragon. Geez." And I rolled my eyes as I fished my phone from my handbag, opened it and read the note where I copied the 10 steps.

"Oh? Anong step number two?" Lilian asked.

I blankly stared at the note. Wait, is this for real? Oh geez. Inangat ko ang tingin sa dalawa na mukhang kanina pa naghihintay na sabihin ko kung anuman ang ikalawang hakbang. I make face, "I can't do this one."

Their eyes widen then the next thing I knew, Lilian snatched my phone from my hands. "Ano namang mahirap dito?!" She asked.

"Oo nga. Kayang kaya naman---"

"I can't! I said, I can't! Alam nyo, kalokohan lang talaga yang steps na yan eh. I better tell him straight to his face that I don't like him and I never will." I said with an evident disgust with my voice.

"No! Ba't ba hindi mo nalang gawin? Why the hell can't you do this one?" May pagkairitang tanong ni Lilian.

"Yeah! Kakain ka lang naman ng marami sa harap niya and burp out loud. Men doesn't like women who burp without shame. Ang linaw linaw oh, 'Eat infront of him without table manners'! Pak na pak." Valerie said smiling.

I glared at her. "That is exactly why I don't like this one." I rolled my eyes. "I can't lose my poise." And I pouted.

Both of them glared at me then they looked at each other as if they were thinking the same thing and then, they let out an evil grin. My eyes widden as I shook my hands. "H-Hey, I don't like what you girls are thinking..."

But instead of throwing a response, Lilian stepped backward then Valerie blocked my way. I was trying to ask or at least, get what the hell is happening until Lilian give me back my phone... with a message sent to Stevan.

To: +639207802942

Stevan, let's date. Pick me up at MOA right now. I'll give you 10 minutes to go here.

Sent: 10:46

I rose my head to glare at the two bitches.

Can I kill this two?

---

"Saan ba tayo papunta, nilalang?" May taray na tanong ko kay Stevan habang nagdadrive sya ng kotse at ako naman ay nakatingin sa bintana dito sa side ko.

Tumingin sya sa 'kin at ngumiti. "Would you mind if we'll take a ride for five hours?"

Agad na sumama ang timpla ng mukha ko. "I would mind."

Instead of being offended, Stevan let out a laugh at ibinalik ang tingin sa daan. "You are supposed to say, 'I wouldn't mind at all'. That's what polite ladies say."

I looked at him and raise my eyebrow. "Do I look like a polite lady?" Inangat ko ang isang sulok ng labi ko. "Well, I'm polite but my politeness depends on what kind of person I am talking to."

He chuckled then glanced at me. "Then what kind of person I am?"

Umismid ako. "You're the kind of person that is not worth my politeness."

He smiled, his usual slight smile. "Who's worth it then?"

"The one I like." Mabilis ang naging pagsagot ko. "And that's not you. It's Gerald."

Ngumiti lang sya ng kaunti. "You can take a sleep because we'll be there within five hours or so."

The teasing grin on my face faded. Inalis ko nalang kay Stevan ang tingin ko at muling ibinalik iyon sa bintana. Isinandal ko ang maliit na side ng kanang ulo ko habang nasa dinadaanan pa rin namin ang tingin. I let out a sigh. There was a huge part of me that wishes I'm Gerald rather than Stevan. But then, nung sinagot ko si Stevan na si Gerald ang worth it sa politeness ko, it felt like.. it felt like I said that not because I want to spit right on his face that I don't like him but more on, I just wanna tease him.

And there was actually a huge part of me that says he's one of the people who deserve an Ivva Laine's politeness.

Or maybe, he really does deserve not just my politeness but everyone's. I was just too greedy to don't give him what he deserves to receive. I sighed.

"Hey." I heard his calm yet full of joy voice. Nilingon ko sya. He was looking intently at the road but took a glimpse on me before he speak, "Are you alright? Kanina ka pa buntong hininga nang buntong hininga."

Napaawang ang labi ko while looking at him. Am I? I shook my head. "I'm alright." At muling isinandal ang ulo sa bintana ng kotse ni Stevan para muling pagmasdan ang mga nadaraanan naming lugar.

But then, Stevan stopped the car and parked it at the side of the road. Nagtatakang nilingon ko sya. "Ba't mo hinin--"

"Are you sure you're alright?" He cut me off. If this was a normal situation with a normal topic, I'd probably roll my eyes. But then, his eyes stopped me from doing so.

There was just something with his eyes that I can't read. I can sense hesitance and I can fully read concern. But there was still something I can't determine. An emotion that is expertly hidden. Magaling nya iyong naitatago sa paraang hindi ko alam. Katulad no'ng dinner namin nina Mom with him. It was perfectly hidden and I was just capable of discovering that hidden emotion when I stared at his eyes to let myself be drown into it.

"Ivva." I was snapped back into reality when he called me. Hindi ko namalayang tumititig na naman ako sa mata nya. "Are you really alright?" He repeated his previous question.

"Oo." Simpleng sagot ko. Ang weird nga dahil walang bitch remarks but I was still occupied.

Bumuntong hininga si Stevan at seryosong tumitig sa akin. "You know, kung ayaw mo talagang sumama sa akin sa date na ito, I wouldn't force you. I would let you go home."

Tumaas naman ang isang kilay ko. "That's not so you. The last time I checked, you were always doing some pranks and blackmails to force me into a date with you."

He gave me one of his usual half-smile. "And I realized I was so stupid and immature and narrow-minded back then. You know." Sumulyap siya sa daan bago yumuko. "Malamang nga na sina Lilian lang ang nagpumilit sayo sa isang date kasama ako dahil nakita ko naman kung paano kang ayaw pakawalan nung dalawa habang naghihintay kayo sa akin." Ibinaling nya ang tingin sa labas ng kotse. "At alam ko ring mas gusto mong makasama 'siya' kaysa sa 'kin." Muli nyang ibinalik sa akin ang tingin. "You just have to tell me when you don't really want this.." His lips curved into his usual half smile. "And I would let you without conditions, without questions, without words. All you have to do is to tell me, Ivva."

Natigilan ako sa sinabi nya at literal na nakaawang ang bibig na napatitig nalang sakanya. H-How could this kind of guy exist? Is he even real? Nakaawang ang labi at hindi makapaniwala akong dahan-dahang napailing. If it was a different guy, if it was a different situation, if it was a different story with a different man, they'd probably take the chance to be with the girl they liked the most. They'd probably won't waste it. They'd probably try a lot of things to make the girl forget of her real dream guy. They'd probably force the girl to come and in the end, the girl would just simply enjoy. If this was a different guy, things wouldn't go like this. But this isn't a different guy. And this isn't as normal as it should be, as I was expecting it to be.

It is Stevan.

And Stevan simply stands out. He's just way way way different. He never forced me. He lets me. Naalala ko ngang hindi kailanman sya nagself-proclaim na manliligaw ko. Nang sinabi kong ayoko syang maging manliligaw, nang sinabi kong hindi ko sya pinapayagang manliligaw, wala syang sinasabing liligawan pa rin nya ako at lalong wala syang sinabing manliligaw na nya ako whether I like it or not, wala syang dineclaire na posisyon sa buhay ko na higit pa sa pagiging 'best friend ng kakambal ko'. That time, he just smiled and nodded to accept what I have said. He just simply smiled and keep his hopes up that someday, I'd still let him prove his sincerity--which I already believe in, talagang hindi ko lang sya gusto.

"Ivva?" Untag niya.

Napayuko ako para alisin sakanya ang tingin pero after a few seconds, tiningnan ko rin sya ulit. "Listen, Stevan." I said in a serious tone. "Oo, si Lilian ang nagsent ng message na 'yon at oo, mas gugustuhin kong makasama 'sya' sa mga oras na ito kaysa sayo. But.." I breath in. "I don't mind being with you. At mas may karapatan kang makasama ako sa oras na ito kaysa 'sakanya'." At nginitian ko sya as an assurance.

He had no reaction. Neutral expression lang at dahan dahang napaawang ang labi nya. Tinitigan nya ako ng napakatagal na hindi ko naman iniwasan. Until finally, he said a simple, "Okay." At muli nang magmaneho.

I was kinda disappointed when I just received a 'one-word-reply' so isinandal ko nalang ulit yung ulo ko sa bintana. A few minutes after, I glanced at him and I caught him smiling with his eyes locked on the road. And a few minutes after again, I caught myself smiling while looking at the views we pass by.

Thirty minutes ago nang ipagkanulo ako ng dalawa kong kaibigan sa pamamagitan ng pagsent ng message kay Stevan na nagsasabing makikipagdate ako sakanya. Sa totoo lang, kahit na pinipigilan ako ng dalawa kong kaibigan na umalis para abutan ako ni Stevan, nakatatak na noon sa isip ko na hindi ko itutuloy ang date na 'to kay Stevan. At sasabihan ko nalang syang hindi naman talaga ako ang nagsend ng message na 'yon. Then papaalisin sya matapos nyang magmadali na pumunta sa MOA. I could've do that.

Pero nang dumating sya, nang binati nya ako, nang ngumiti sya, bigla nalang akong natigilan sa kung paano kong nababasa ang emosyon sa mga mata nya nun. He was just sooo happy. Sobrang tuwang tuwa sya nun to the point na naiimagine ko na ngang nag-i-spark yung mata nya. Yung lawak ng ngiti nya at yung paraan ng pagtingin nya sa akin, para bang pwede na syang sumabog sa mga tuwa nung mga oras na iyon. Kaya sa huli, tatlong salita lang ang nasabi ko kasabay ng pagtayo.

"Let's go, jerk."

Sino ba naman ako para ipagkait sa isang taong karapat-dapat ang isang simpleng bagay na halos patalunin na sya sa tuwa?

 

 

CHAPTER FOURTEEN

"Ivva.." What the hell? Hanggang sa pagtulog ba naman ay kukulitin pa rin ako ni Stevan? "Ivva Laine. Wake up.."

Sa ilang ulit na pagtawag sa akin at sa ilang ulit na pagyugyog sa akin, wala akong nagawa sa huli kundi ang dumilat. Kunot noo at pupungas akong umayos ng upo at tiningnan ang kung sinumang nambubulabog sa akin. And of course, I'm right.

Ang nakangiting mukha ni Stevan ang bumungad sa akin. Tumatama ang sinag ng papalubog na araw sa mukha nya at ang mas nakamamangha sa pagtitig sakanya ng mga oras na iyon ay ang mahinhing paggalaw ng buhok nya dahil sa sumasayaw na malamig na hangin.

Inaantok ma'y nagawa kong iikot ang tingin sa lugar kung nasaan kami. I was sitting on a gray cloth with two baskets filled with lots of food. Stevan's car was parked a few meters behind us. Sa pag ikot ko ng tingin sa paligid ay puro green ang nakikita ko. Ang pinaglapagan kasi ng kulay abong tela ay isang malawak at patag na bermuda grass. And we are sorrounded by different tall trees and lots of purple flowers. The area was closed because of the trees and flowers except sa dalawang dipang daanan na walang puno o halaman. At dahil doon sa open spot, mula sa kinauupuan namin ni Stevan ay matatanaw ang malawak na dagat. And what makes it more amazing was the sunset. It was so perfect seeing it in an ocean while sitting on an undoubtly beautiful place.

Nilingon ko si Stevan at medyo nagulat pa ako nang makitang nakatitig na sya sa akin wearing his neutral expression. "Where are we?" I asked.

"In my place?" Natatawa pang sagot nya. Kinunutan ko sya ng noo. Ngumiti sya at ibinaling ang tingin sa papalubog na araw. "I was sixteen when I bought this place."

Nanlaki naman ang mata ko. "WHAT?!" And yeah! Hindi ko alam kung dapat nga ba akong maniwala o hindi. Natawa sya ng kaunti sa akin at tumango. Mataman ko syang tinitigan. "Oh gosh, gaano ka ba kayaman?" Naroon pa rin ang tonong hindi makapaniwala.

Nginitian nya ako at biglang inihilamos ang kamay nya sa mukha ko. "If I tell you I'm the richest man in the world, are you going to marry me?"

Nginiwian ko sya. "Ew. Why would I marry someone I don't even like?"

Lumawak ang ngiti nya at napayuko. Tiningnan ko naman sya na parang nawiwirduhan. At nakita ko kung pa'no dahan-dahang yumugyog ang balikat nya hanggang sa magpakawala sya ng malakas na tawa. He laugh and laugh and laugh hanggang finally ay tumigil na sya. Err. What's wrong with this guy?

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Stupid. You should be offended, not happy."

Tiningnan naman nya ako. "Bakit naman ako ma-o-offend?"

"Duh? Sinabihan kitang hindi kita pakakasalan kahit na ikaw pa ang pinakamayamang nilalang sa mundo."

"That is exactly why I'm happy."

Nginiwian ko ulit sya. "I don't get you."

Ngumiti sya at naatras ko bigla ang mukha ko nang ilapit nya ang kanya. We were just three inches apart from each other and I can clearly smell his breath at this distance. He stared at me and explained, "Masaya ako dahil hindi ikaw yung tipo ng babaeng magpapakasal nang dahil sa kung anong meron ang isang tao. Dahil ikaw yung taong ibinabase ang pagpapakasal base sa nararamdaman." At itinuro nya ang dibdib ko kung nasaan ang puso.

I gulped. This guy... is just really different from the rest. Oh gosh, I can't breathe. Dahan dahan kong itinulak sya palayo sa dibdib. "Okay, I get what your point is. No need for closed-up view, alright?"

Natawa na naman sya at nakangiting napailing-iling. "Wait, stay here. I'll prepare the food." At tumayo nga sya para ilatag ng maayos sa tela ang mga pagkaing nasa dala nyang basket. At gusto kong mapanganga sa dami nun! Kaya ba naming ubusin 'to? Well, I used to limit myself from eating a lot since I want to maintain my figure. Kaya hindi ko alam kung kakayanin ko bang kumain ngayon ng marami. Kung iisipin naman, ang huling kinain ko pa ay yung cupcake sa Starbucks at 'yun palang ang kinakain ko sa buong maghapon.

While staring at the food, Lilian and Valerie's voice echoed inside my head--I should proceed with step number two. I secretly roll my eyes. How could they follow me til here? Geez. Muli kong ibinalik ang atensyon sa mga pagkain at sinulyapan si Stevan. Well, the main purpose of this date was to accomplish the step number two. Might as well, do this. But... am I really going to lose my poise? And hell, to this guy? Seriously? Bumuntong hininga ako.

"Kaunti nalang, iisipin ko nang napilitan ka lang talagang sumama sa akin dito." Napatingin naman ako kay Stevan nang magsalita sya.

Natawa ako. "Don't. K-Kumain nalang tayo."

Ngumiti naman sya sa akin saka nya iginesture ang mga nakalatag na pagkain. "Eat all you can, my lady." At ibinow pa nya ng kaunti ang ulo nya.

Ngumiti lang ako bilang sagot. Nagsimula na syang maglagay ng mga pagkain sa platong dala nya. Ako naman ay nakipagtitigan muna ng matagal sa mga pagkain--preparing myself for such an unexpected fight I'll have with them. Nagpakawala muna ako ng hininga at.... this is it! Kinuha ko ang malaking platong puti at naglagay agad doon ng isang malaking parte ng isang buong roasted chicken. Pagtapos naman nun ay dalawang slice ng cake ang iginilid ko sa aking plato. Sunod kong nilagay ay ang sandamakmak na spaghetti. At ang mga susunod ay hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko, inisa-isa ko ang mga nandoon hanggang sa hindi na kayanin ng platong hawak ko. Napatitig ako sa malabundok kong plato. A small mountain made of food. I gulped. Am I really going to eat all of this? Whatever! In the end, kinamay ko ang napakalaking manok at nang akmang isusubo ko na iyon ay napatigil ako. Naiwang nakanganga ang bibig ko habang akmang isusubo ang pagkain nang mapatingin ako kay Stevan--who was looking at my plate that time with his jaw dropped and eyes widden.

He gulped. "A-Are... Are you really--I mean, can you eat all of those?" Titig na titig sya sa plato ko na itinuro nya gamit ang hawak na tinidor.

Does his reaction means this step is working? Oh man! I feel like smirking.

Tinaasan ko sya ng dalawang kilay. "Yes. Do you have any problem regarding this?"

Nakangangang umiling-iling sya at lumulunok pa. Gusto kong matawa. Halatang halata kasing gulat na gulat sya. I hope, this could turn him off somehow. Nagpatuloy sya sa pagkain gamit ang kutsara't tinidor. Nakalapag ang plato at pino nyang kinakain ang mga kinuha. On the other hand, ako, hawak ko ang plato ko gamit ang kaliwang kamay at hindi ako gumamit ng kutsara't tinidor, I used my bare hands instead. I don't know kung okay lang ba na kinakamay ang spaghetti. Whatever, yes or no, the goal won't change. And to totally remove my 'table etiquette', sinadya kong lagyan ng tunog ang bawat pagnguya. Sunod sunod pa ang naging pagsubo ko as if nasa paligsahan ako ng pabilisan kumain.

Maya't maya ang pagsulyap ni Stevan sa akin at nababasa ko pa rin sa mata nya ang hindi makapaniwalang pagkagulat. Alam kong matatawa lang ako kung patuloy kong susulyapan ang nagugulat nyang pagsulyap sa akin so as much as possible, I try to avoid looking at him. But I can't help it. Ramdam na ramdam ko ang mga sulyap nya kaya't napapasulyap rin ako sakanya at natatawa na talaga ako! I was about to laugh when my chest hurts.

Cough. Cough.

Napaubo-ubo ako at dahil punong-puno ang bibig ko nang mabulunan, nagsipagtalsikan pa ang ilang laman. Mabilis namang kumilos si Stevan at inabutan ako ng tubig na agad ko namang tinanggap nang umuubo. Hinimas himas nya ang likod ko para tulungan. Oh geez, pati ako ay nandiri bigla sa mga pagkaing tumalsik galing sa bibig ko. Natalsikan din nga ang blue sweatshirt ni Stevan, but when I looked at his reaction with that, he seemed to don't mind at all. He was more focused sa pag alalay sa akin sa pag inom at sa paghimas ng likod ko.

"Ano? Okay ka na?" Tanong nya nang hindi na ako naubo. Tumango tango naman ako habang isinesenyas sakanya na tumigil na sa pag-alalay. "Ba't ka ba naman kasi bigla nalang natawa dyan?"

Natawa na naman ako pero kaunti lang. "Wala 'yon."

Tiningnan nya muna ako ng matagal. At kung ibabase ko sa paraan ng pagtingin nya, masasabi kong inaanalyze nya ako at ang mga sinabi ko. Kinakalkula nya kung totoo ba o hindi or magtatanong ba sya para malaman kung ano yun. Ibang klase, napakasimple lang naman ng topic pero para na nya akong science theory kung i-examine at ianalayze. Matapos ang matagal nyang pagtitig sa akin bilang analyzation, he came up with the short reply, "Okay."

Parehas kaming napatingin sa sunset. Papalubog na at hindi na masakit ang sinag ng araw. "Anong oras na pala?" Tanong ko.

Tumingin naman sya sa wrist watch nya. "Four fourty. Gusto mo na bang umuwi?"

Pinaningkitan ko sya ng mata. "Tinatanong mo ba ako nyan dahil inaalala mo ang komportabilidad ko o dahil gusto mo nang umuwi at hinihintay mo lang ang pagsang ayon ko?"

Naiiling syang tumawa ng mahina at pagkatapos ay tinitigan ako. "Walang oras na gusto kong umuwi kung ikaw ang kasama ko." And he winked.

I slapped his shoulder. "Ang corny mo ah!" Ngumiti lang sya bilang sagot, this time, a wide one na parang pinipigilan pang tumawa.

Ibinalik naming pareho ang tingin sa dagat at sa papalubog na araw. Ramdam ko ang papalamig na simoy ng hangin sa lugar. And while smiling at the beautiful view, I heard Stevan spoke.

"I dreamed of this."

Nilingon ko sya't kinunutan ng noo. "You dreamt what?"

Lumingon sya sa 'kin at ngumiti. "This. Watching the sunset in this place with the girl I love."

I raise an eyebrow. "Sabihin mo nga sa 'kin, ba't hindi ka pa tumigil sa pag iinsist sa akin ng feelings mo kahit na alam mong ayaw ko sayo at naiirita ako sa mga ginagawa mo?"

"Dahil hindi ako nawawalan ng loob na one day, hahayaan mo ako." Ngumiti sya ng kaunti at yumuko. "Besides, sayang kasi.." It sounded like a whisper to himself.

Medyo iniyuko ko ang ulo ko as if sinisilip ang mukha nya. "Sayang ako? Masyado kasi akong rare kaya ayaw mong pakawalan?" Naroon ang pagmamayabang sa boses ko.

He chuckled. "If that's what you think, lady."

Umangat ang isang sulok ng labi ko. "Eh ano ngang sayang kasi?" Para na akong batang nangungulit sa tono ko.

"Hulaan mo. Dali."

"Stevan!"

"Yeah?"

"Rawr!" Inakto ko ang dalawang kamay ko na parang pusang mangangalmot. "Say it or I'll---Argh!"

He cut me off by pinching both of my cheeks. "Wow. I never knew you have this kind of weird side, my lady."

"Weird pala ah!" Dinamba ko nga sya. Napahiga sya at ako ang umibabaw. Dapat ay kakalmutin ko sya pero hinawakan nya ang dalawa kong wrist para pigilan. "Let me go!"

Tawa sya ng tawa tapos tinitigan nya ako. "Weird yet cute side." Inilapit nya bigla ang mukha nya. "Rawr! Wild eh?"

"Wild your ass!" Kumawala ako sa pagkakahawak nya at umayos ng upo. Niyakap ko ulit ang dalawa kong tuhod.

"You know what, you should refrain yourself from cussing." Sabi naman niya na umayos rin ng upo. Nakaluhod yung isa at yung isa ay nakastraight then nakatukod yung dalawa niyang kamay sa damuhan.

Tiningnan ko naman siya ng masama. I don't like people who are trying to change me. Ibinuka ko ang labi ko para sana magsalita pero nanlaki ang mata ko nang may maramdamang kung ano sa lalamunan ko. Whoa! Not now! I don't wanna lose my poise!

Mukhang napansin ni Stevan ang reaksyon ko kaya nilapitan niya ako. "Hey, what's wrong?"

Hindi na ako nakasagot nang sunud-sunod na lumabas ang malalakas na dighay mula sa lalamunan ko. Three loud burps! Nanlaki ang mata ko at mabilis na tinakpan ang bibig ko. Waaah! This is not happening!

Napangiwi naman si Stevan habang tinitingnan ako. "You alright now?"

Tiningnan ko naman siya. May naramdaman na naman ako sa lalamunan ko. Goodness gracious! Sinenyasan ko si Stevan na lumayo sa akin habang nakatakip pa rin ang isang kamay sa bibig pero dahil si Stevan siya, lumapit pa rin siya para sana aalalayan ako. Kaso saktong paglapit niya ay paglabas ng nararamdaman ko sa lalamunan ko. Bumulwak ang mga kinain ko kanina at ang halos lahat ay napunta sa dibdib ni Stevan! Nakaramdam ako ng ginhawa sa pagkawala ng suka ko pero tumingin naman sa akin si Stevan na tila ba hindi makapaniwala. Tuloy ay napangiwi ako sa disgust sa mga mata niya.

"You vomited?!" Hindi makapaniwalang sigaw niya habang nanlalaki ang mga mata sa akin.

Mahina ko naman siyang itinulak palayo. I felt myself blushing so hard. This is embarrassing! "I'm sorry, okay?! B-Besides, I-I told you to stay away but you still came near me so I'm not the one to blame!"

Wow. This is way worse than what I've planned for Step #2.

 

 

CHAPTER FIFTEEN

  "Kalma, Ivva Laine. Don't lose your compos----DAMN YOU STEVAN!" Inis kong tinadyakan si Stevan. But the jerk was alert enough to swiftly dodge that.

  "Gusto niyo bang madagdagan pa ng 24 hours ang service niyo?"

  "NO!/YES!"

  Sabay kaming napasigaw bilang sagot kay Professor Kae. Mabilis ko namang sinamaan ng tingin si Stevan dahil sa pagsagot niya ng yes. Argh! Somebody kick his ass! Ang sakit sa ulo! Kainis.

  "Okay, this is Miss Yam. She'll be guiding you about the cafeteria staffs and so on."

  Ngumiti si Stevan sa babaeng ipinakilala ni Prof Kae na mukhang nasa mid 40's. I maintained my poker face though. With my arms crossed. Duh, it's annoying. I'm hella annoyed!

  "Alright, I still have a class. I'll be leaving them to you, Miss Yam. Goodluck, freshmen." Nakangiting paalam ni Prof Kae.

  I can't help but roll my eyes the moment Prof Kae turned her back. Pero agad syang humarap sa amin at tinaasan kami ng kilay. Ano na namang problema ng matandang 'to?!

  "And don't do anything unnecessary." Pilit ang mga ngiting aniya nang may nanlalaking mata. Whatever, you old hag.

  Pagkaalis ni Prof Kae, kinausap naman kami ni Miss Yam. Hindi ako sumasagot. Nakasimangot nga lang ako eh! Pasalamat na siya't si Stevan ang kasama ko. Si Stevan lang ang sumasagot at kumakausap sa kaniya. Ah, bahala sila! I want to end all of this crap!

  Pagkatapos nilang mag-usap ng kung anumang wala akong alam at walang pakialam, umalis saglit si Miss Yam. Sumulyap sa akin si Stevan, yung neutral look niya. Tinaasan ko nga ng kilay tapos umirap. Argh! Kaasar talaga 'to! Pagbalik naman ni Miss Yam, inabutan nya kami ng tag-isang apron.

  "No, I won't use that, Miss Yam." Seryoso kong sabi sa matanda nang hindi inaabot ang hawak niyang apron.

  "Pero kailangan po nito, Miss Montesa. Kayo din, madudumihan yang mamahalin ninyong dress kung hindi niyo ito susuutin." Nakangiting pangungumbinsi niya.

  I frowned. "There's no way I'm going to wear that crap."

  "Pero..."

  Mukha naman siyang wala nang maisagot. Si Stevan tuloy, na katatapos lang isuot yung sakaniya, kinuha na yung apron kay Miss Yam at sinabing siya nalang ang magpapasuot sa akin at pwede na raw nya kaming iwan.

  Pag alis naman ni Miss Yam ay humarap sa akin si Stevan. Bago pa siya magsalita o gumawa ng anumang hakbang, inunahan ko na siya.

  "So, you think you can make me wear that? Think again, Stevan." Mataray na sabi ko.

  Natawa naman siya. "I don't think I can make you wear this." Ngumiti siya. "So I'll wear this to you."

  Agad namang nanlaki ang mata ko. "God, I'm leaving!"

  Tumalikod na ako para umalis pero nakakaisang hakbang palang ako, nahila na ako ni Stevan. Sa lakas ng hila niya, talagang nadala ako. Saktong pagharap ko sa kaniya, sa isang mabilis na iglap ay naisuot niya sa ulo ko yung apron tapos dahil nga malakas nga yung hila niya, napahawak ako sa dibdib nya habang siya ay napahawak ang dalawang kamay sa likuran ko.

  "You alright?" Nakangiting tanong niya.

  Napatitig ako sa kaniya nang nagugulat nang ma-realize ko yung posisyon namin. Gosh, we're in a cliché romantic position! At ang lapit pa ng mukha niya. Pero nung aalis na ako, hinigpitan niya yung hawak sa may likuran ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil do'n pero ngumiti lang siya.

  "Don't move. Tinatali ko pa."

  "Tinatali ang alin?"

  Binitawan na niya ako at bigla niyang pinat yung ulo ko nang nakangiti. "There, you have it. Tara na."

  Hindi na niya ako hinintay sumagot at hinila na ako papasok ng kusina ng cafeteria. Saka ko narealize kung bakit ganoon kalakas ang hila niya at yung sinabi nyang wag akong gumalaw. Doon ko tuluyang napansin na suot ko na yung apron! Argh! That jerk! How could he do that in a swift motion?! Nung tingnan ko naman si Stevan, malayo na siya sa akin. Nauna nang kumilos. Psh, eh di sya nang masipag! At talagang nagagawa pa niyang makipagdaldalan sa iba!

  Napatingin naman ako sa loob ng kusina. Ang dami naman palang workers. Kaso mas marami ang gawain. Kaya paikot-ikot yung iba. Ang bibilis nga nilang gumalaw eh.

  "Miss Montesa. Sa dishes ka po." May lumapit sa aking babae tapos sinabi akong doon.

  Napatingin naman ako sa may sink at napangiwi ako nang makita kung gaano karami ang nandoon. Kadiri pang makita yung ibang plato na hindi umayos na pinagkainan. Ew.

  "No, ayoko nga dyan." Inis kong sagot.

  "Pero--"

  Lumapit naman bigla si Miss Yam. "Sa frying nalang po kayo kung ayaw niyo sa dishes."

  Tiningnan ko naman yung frying area nila. And seriously! I don't know what's worse. I'll burn my face in frying area.

  "Wala ho ba kayong matinong gawain?! I can't do those stuffs." Malakas ang boses na sabi ko.

  "Miss Montesa, short po kami sa staff at ang dalawang 'yon ang medyo kulang."

  "What if I break your glasses because I don't know how to wash the dishes?! Or burn the food because I don't know how to fry?! It's also gonna be your loss!"

  Napapatingin naman na yung ibang staff sa amin nun sa kusina. Argh, ano bang tinitingin-tingin nila?! Sisigawan ko rin sana sila kaso nagulat nalang ako nang lumapit sa amin si Stevan. Nung napatingin naman ako sa kaniya, nakatingin sya kay Miss Yam. Ang seryoso nung mata nya nun.

  "We'll change task, Miss Yam. Siya nalang sa beverage tapos ako nalang sa dishes o sa fry."

  "O-Okay, Mr. Lacson." Mukha namang no choice si Miss Yam kundi ang umoo.

  "D-Dito po tayo, Miss Montesa." Inaya naman ako nung unang babae.

  Sumulyap muna ako kay Stevan nun pero hindi sya nakatingin sa akin. Nakikipag-usap sya kay Miss Yam habang naglalakad palayo, papunta do'n sa frying area. He has that same serious look. Argh! I want to know what the hell is he thinking! Galit ba sya? Dahil sa inakto ko? Why am I even concerned to begin with? Geez. I rolled my eyes.

  I ended up doing the easiest thing, they say, in the cafeteria kitchen--ang paglalagay ng beverages at icecream sa fridge. I kind of feel bad. Sa tanang buhay ko yata, ngayon lang ako nakonsensya sa pagmamaldita. And that's because someone made up of my bitchyness. Kung bakit ba naman kasi nagvolunteer ang jerk na 'yon para makipagpalit sa akin? I could've done it my way.

  Sinulyapan ko si Stevan. Nagpiprito siya nun ng kung anong hindi ko alam. In just a single glance, anyone would easily know he has his complete attention to the food. Hmm, he look good when serious. But it's better if he's smiling. He's being unreadable with that serious look.

  Dumaan ang ilang minuto nang may lumapit sa aking babae. Siya din yung babae kanina. Tapos sinabi niya na lumipat nalang daw ako sa counter dahil mas madali raw ang gawain doon. Eh di tumango naman ako at iniwan yung gawain ko sa kaniya.

  Pagdating ko sa counter, nakita ko si Stevan na ando'n rin. May kausap siyang babae na mukhang makakasama naming dalawa dito sa counter. Lumapit naman ako at tinanong si Stevan.

  "Why are we moved here?" Tanong ko kahit na natanong ko na rin naman dun sa babae. Ba't ba?

  Lumingon naman sa 'kin si Stevan at bahagyang ngumiti. "They say it's easier for us, students."

  Napalingon naman ako dun sa babaeng nasa likuran niya. "So, she's also doing this just for punishment?"

  "Nah, she's a volunteer. Her name's Yna" Nakangiting sagot ni Stevan.

  Tumango lang ako bago nag-ayos sa counter. Medyo wala namang ginagawa dahil wala pa namang customer. Dumaan yung oras at sa tuwing may customer, halos silang dalawa lang naman ang gumagalaw. Geez, then I should've just leave!

  "Hey, Ivva. Ba't andiyan kayo ni Stevan?"

  Nagulat ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si Gerald kaya napangiti naman ako. What an inspiration! Lumapit ako sa kaniya para kuhanan sya ng ioorder niya.

  "A punishment, unfortunately. What's gonna be your meal?" Tanong ko.

  Ngumiti naman siya. "Oh? I wonder what you've done. I'll take two beef sandwich and... yeah, a tea and a bottle of Lifeus."

  "Got it. Who are you with?" Medyo sumulyap pa ako sa tables.

  "My girlfriend." Nakangiting sagot niya.

  Oh. Psh, I wanted to roll my eyes. But that could turn him off so I just forced a smile. "Right away." Sabi ko saka tumalikod kay Gerald. Kaso saktong pagtalikod kay Gerald, napaharap naman ako kay Stevan. "Whoa! Ba't ba andyan ka?!" Sigaw ko sa kaniya dahil nagulat ako.

  Nakatingin siya no'n sa likod ko na malamang ay kay Gerald pero pagsigaw ko, tumingin siya sa 'kin at ngumiti. "Anong order niya?"

  Inirapan ko naman siya. "Ako na ang mag-aasikaso sa kaniya, okay?" Pabulong na sabi ko tapos nilagpasan ko na siya para kunin yung order niya.

  Pagpunta ko sa fridge, nakasabay kong kumuha yung isa pa naming kasama sa counter. Bale magkatabi kaming nakayuko sa fridge para hanapin ang kung anumang kailangan namin. I don't really care about her. I don't give a damn to her existence. Until she spoke.

  "Ba't tinetake for granted mo si Stevan?" Kalmado yung tono niya at walang bahid ng sarkasmo pero nairita ako dun sa tanong niya. Napahinto tuloy ako sa paghahanap ng order ni Gerald.

  Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow, you've been close for just a few minutes? Close enough for you to call him by his first name." Mataray na sabi ko.

  Ngumiti naman siya. Not sarcastic. Geez! "Hindi ko alam kung anong nagustuhan sa 'yo ni Stevan. Masyadong mabait si Stevan para sa 'yo. He even asked Miss Kae if he could be just the only one to be punished for that 48 hours of service just so to spare you."

  Napatigil ako sa paghalukay nang marinig ang huli nyang sinabi. Stevan did...? I considered the possibility of this girl lying. But then again, knowing Stevan, she must be saying the truth. What's with that guy? Lumunok ako at pinagpatuloy ang paghalukay para itago ang fact na natigilan ako bago ako nagpasyang sumagot.

  "He loves me. That's all there to it. Why don't you stop sticking your nose in other's business?"

  Ngumiti naman siya. "Hinayaan mo siyang manligaw sa 'yo kahit na halata namang 'yung lalaking 'yon ang gusto mo."

  Dahil nakuha ko na yung juice ni Gerald, tumayo na ako pero hindi muna ako umalis dahil sinagot ko muna si ate girl. She's speaking up way too much. And she's getting into my nerves. "And how could you say I like that guy? Besides, if I do, what do you care?" Sa tono ko, parang dinideny ko na gusto ko si Gerald. Argh, what's wrong with me, actually?

  Tumayo na din sya hawak yung juice na kinuha niya. Ngumiti na naman siya. Alright, I'm getting annoyed of her smile. "Babae din ako. Alam ko kung pa'no tumingin ang kapwa ko babae sa taong gusto nila. Pero ang maipapayo ko lang sa 'yo, just let go of Stevan if you are not even certain of catching him. He's a waste if he'll end up being with you."

  That's it! "Bitch. I said, shut up."

  I raise my hand to slap her but before I could even swing my hand, somebody held it to stop me. Masamang tingin naman ang ipinukol ko sa kung sinong pumigil sa akin. And then, I saw Stevan. He was looking at me seriously with his brows knotted.

  "Ivva, what are you doing?" Tanong niyang nagsasaway.

  Winaksi ko naman yung pagkakahawak nya sa akin. "I should be the one asking you that. No, you should be asking your flirtmate here." Sinulyapan at tinuro ko yung babae tapos tiningnan ko sya ng masama. "Not me, alright?"

  Bumuga siya ng hangin, napakamot sa sentido, sumulyap sa paligid bago lumingon sa akin. "Not here of all places, Ivva." Tiningnan niya kaming dalawa. "You two, settle down. Ang daming customers. And I know you're both aware that they are much more important than what the hell you're arguing about. Whatever that bullshit is, get it done later." Tapos may kinuha lang sya sa freezer bago umalis para iwan kami.

  Nagpakawala naman ako ng hininga. Unexpectedly, sabay kami nung bitch. Napatingin tuloy kami sa isa't isa pero nang magtama ang paningin namin, umirap ako and so did she. Iniwan ko na rin sya do'n para bumalik sa counter dala ang order ni Gerald.

  Ang sama na ng mukha ko pagkaabot ko ng order ni Gerald. Nagulat nga sya sa 'kin dahil nag-iba yung mood ko. But I don't have time to deal with him. Ni hindi ko na nga siya nakausap. Nang sulyapan ko naman si Stevan, may kausap naman siyang customer. He was serious but he's obviously calm. Grr. That guy! How could he scold me earlier?! Argh.

  Nagpatuloy nalang ako sa pag-asikaso sa customers. It was so annoying. Buong oras akong nakasimangot. I even yelled at some customer. Especially those guys who are trying to pick on me. Ni hindi ko nga sinulyapan man lang si Stevan pati yung pesteng babae. Bahala siyang manigas diyan! If I know, he'd come near me later and will say sorry. As if I'd forgive him. He dared to freakin' humiliate me. And in front of that bitch, of all people? Damn him!

  Nung wala na akong magawa dahil tapos na ako at wala nang customer, hindi ko na napigilang lingunin si Stevan. Hindi kasi talaga niya ako nilapitan man lang. Hindi niya rin ako tinawag. Hah! Isang babae lang pala katapat ng jerk na 'yon para malimutan ako eh! Pssh.

  Paglingon ko sa kabilang side ng counter, parang automatic na umusok ang dalawang tenga ko nang makita kung paano maglandian yung dalawa. Ang lapit nung babae kay Stevan, parang may binubulong! Tapos nung lumayo siya, tiningnan naman siya ni Stevan at kinausap ng seryoso. Ng ganiyan kalapit?! Ah grabe! Daig pa nila mga highschool sa pag-pi-PDA nila ah?! Hindi ba nila alam na cafeteria 'to and for pete's sake, they are in the counter! That bitch and that stupid annoying sonofabitch moron!

  Padabog kong tinanggal ang apron ko at pabagsak 'yong inilapag sa counter. Ang lakas ng bagsak ng kamay ko kaya napatingin sila parehas sa 'kin. Inirapan ko nga.

  "That's it! I'm done here!"

  Tumalikod na ako at pumunta sa kitchen para doon dumaan palabas. Nang makasalubong ko naman si Miss Yam, tinanong niya ako kung saan ako pupunta. I removed my hair net and place it on her hand.

  "I can no longer keep up with the work. Tell Professor Kae I'm going to do whatever she has me to do as long as I'm not with Stevan!" Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumagpas na ako pero di pa ako nakakalayo, hinawakan na ako ni Miss Yam sa kamay para pigilan.

  "Pero Miss Montesa, ako naman po ang kagagalitan---"

  "I don't give a damn!" I bursted out. "Just let me be!" I rolled my eyes and left.

  Pagbukas ko ng pintuan palabas ng cafeteria mula rito, narinig kong tinawag ni Stevan ang pangalan ko. I didn't look back. Bahala sya! Nang makalabas ako, for some reason, I slowed down in walking. Well, it's not like I'm waiting for someone to chase me! Medyo malayo na ako pero wala pa ring humaharang sa daanan ko para pigilan ako kaya naman hindi ko na napigilang mapalingon. And only the wind greeted me.

  What is this feeling of disappointment in my chest?

  Bagsak ang mga balikat na tumalikod ako. That jerk. He's not really gonna follow me. Fine, he'd better be stuck up in there anyways. I didn't know getting rid of him is as easy as this. If I knew about it right from the start, I wouldn't have to deal with him for months.

  Saan naman kaya ako pupunta? Pssh. I've got one more hour break. Lilian and Valerie are in their class. Geez! Naiwan ko pa 'yung bag ko do'n sa cafeteria. Psh. Naglingon-lingon naman ako sa paligid tapos natanaw ko yung isang bench malapit sa building ng Fine Arts. Pumunta ako doon at umupo. Makulimlim naman tapos may puno kaya hindi mainit. Isa pa, mahangin.

  Kinuha ko 'yung cellphone ko sa pouch na dala ko. Hindi ko pa nabubuksan, nagulat nalang ako nang biglang may tumalon galing sa taas ng puno! Napatingin tuloy ako. At... teka, sino ba 'to?

  She's in all black. Black shirt, black pants, blacl jacket, black sneakers. Even her bonnet, wrist band, lipstick and thick eyeliner are black. One word to describe her: Emo.

  Napangiwi ako nang magtama ang paningin namin. It's 2018 for heaven's sake. What's wrong with this gal? Still not moved on in jeje era? And the way she intently stare at me is creeping me out! Nagulat nalang ako nang magsmirk siya tapos sumandal do'n sa puno nang nasa likod ang dalawang kamay at sa ground nakatingin.

  "'Sup?" Napakakaswal na aniya.

  "Eh?" Yun nalang yung nasabi ko. Who the heck is this girl, talking to me informally?

  Lumingon siya sa akin. "How are you going with the steps?"

  Literal na napanganga naman ako. Sumiring ako sa ground at binalik sa kaniya ang tingin. Now, I remember. She must be the gal Lilian and Valerie were talking about. The girl who was behind the steps.

  "Oh, you must be Faith, yeah?" Tanong ko.

  Tumaas ang dalawang kilay niya. "Kilala mo na agad ako? And oh, it's Fate. Not Faith." Pagtatama niya.

  "Whatever! Your steps are a stupid plan! I'm dragging down my very own dignity, y'know?! Are you sure they are going to work?"

  Umalis siya sa pagkakasandal saka pinagpagan ang kaniyang pang-upo. "Nasimulan mo na ba?"

  "Hell yeah!"

  "You may not turn him off but that will be enough for him to stay away from you."

  "And how sure are you?" Nagsususpetsang tanong ko.

  Umakto naman siyang parang nag-iisip. "More or less, 99.1%."

  "The heck?!?"

  Inayos niya yung bonnet niya bago nagpamulsa ulit. "Well, yeah. Because the steps will inevitably continue once you've started it." Umalis siya sa pagkakasandal saka nagsimulang maglakad palayo nang nakapamulsa ang isang kamay. Itinaas niya ang isa bilang paalam.

  Nakaawang naman ang labi na sinundan ko nalang ng tingin ang babaeng 'yon. What's up with that weirdo? Psh! Binalik ko nalang ang tingin ko sa phone ko saka ito inopen. Kaso bago pa naman ako magbukas ng app, may nagsalita na.

  "Ivva Laine."

  Agad naman akong napalingon sa kung sino ang nagsalita kahit na nakilala ko na sa boses. Nakita ko si Stevan na nakatayo isang dipa mula sa akin. Seryoso yung mukha niya. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Pero umirap ako.

  "What?" Mataray na tanong ko.

  Bumuntong-hininga siya saka lumapit at umupo sa tabi ko. "That was rude." I knew he was pertaining to how I acted inside the kitchen.

  "Ang gandang bungad ah?" Sarkastikong sagot ko.

  Ngumiti siya ng bahagya. Yung madalas niyang ngiti. "Hindi mo dapat sila kinausap nang gano'n."

  Sumiring ako bago binalik sa kaniya ang tingin nang iritable. "You've got guts now to scold me, jerk?" Inis kong sabi.

  Medyo lumawak naman ang ngiti niya. "I'm just telling you you were wrong. Especially the scene between you and Yna. You were in the counter. That was irresponsible and immature."

  Mas lalo naman akong nainis nang maalala ang bitch na 'yon. "Go back to your bitch then!" Tinulak ko siya ng malakas.

  Napaatras naman siya hanggang sa hindi na siya nakaupo sa upuan ko. Natawa siya ng mahina at napahawak sa magkabilang bewang. Napailing-iling pa siya habang nakatingin sa lupa. Why is he laughing?! Is he freakin' mocking me?!

  Binato ko siya ng pouch ko na agad niyang naiwasan. "You know what, if you're just gonna laugh there, mocking me, you better stay away. Or else I'll kick your ass! Really!"

  Inangat niya ang tingin niya at nagtama ang paningin namin. He was half-smiling. "Can't you be polite? I don't mind and I would probably tolerate you if you're acting that way to me. Pero dapat matutunan mo kung paano ituring ang ibang tao ng dapat."

  I rolled my eyes heavenwards. "So, you came just to lecture me about being nice and polite? Well, I'm not like you! And I don't live to please everyone, alright? Give it up!" At nagcross arms ako saka inalis sa kaniya ang tingin. "Besides, you're taking that bitch's side. If only I knew it would take only a bitch to repel you away, I should've hired one a decade ago."

  "No." He said. Napalingon naman ako sa kaniya at napaawang ang labi ko nang maglakad siya palapit sa akin. He was still wearing that half-smile he always wear. Hindi ko nalang namalayan na nasa harap ko na siya. Nakatingala ako sa kaniya habang nakayuko siya sa akin. Nagulat nalang ako nang bigla niyang ipatong ang kamay niya sa ulo ko saka ngumiti ng mas malawak pero hindi pa rin labas yung ngipin. "Ivva Laine, listen." And that was when I realized I really was stupid.

  "Yeah, you don't live to please anyone. But you know, you have to live while respecting everyone." Nakangiti niyang itinilt ang ulo. "You understand the difference, don't you?"

  Why does everything get blurred but him?