CLASH OF SCHOOL BADASS
Mysteria Secrecy
Chapter One
Steal
I hate this. I hate the people in here. I hate first days. I hate the short
skirts, the uniform. I hate everyone's glance on me. I hate the badass
ambiance. I hate everything!
Today's Tuesday. My
first day in this school named Mysterecy International School. Naglalakad ako
sa hallway ng fourth floor ng building ng Second Year Senior High. At sa hindi
malamang dahilan, ang halos lahat ay napapalingon sa direksyon ko. They had
their own businesses--tulad ng pakikipagmake out, pagpapalitan ng mura at maaanghang
na salita at pakikipagbugbugan. Pero hindi ko alam at napapatingin pa rin sila
sa akin. Dahil ba nakakunot ang noo ko habang naglalakad? O dahil panlalaki ang
lakad ko kahit na suot ko ang kadiring uniform nilang long sleeves at may black
mini skirts na above the knee? O hindi kaya dahil meron akong violet highlights
at may suot akong violet na contact lens? Whatever the reason why, I hate the
attention!
"You seemed to be
unapproachable for a newbie."
Nagulat ako nang may
maglakad kasabay ako. Nang lingunin ko kung sino iyon, nakita ko ang isang
matangkad na lalaki. Diretso sa hallway ang tingin niya nang magsalita sya para
kausapin ako. Naka-uniform siya pero hindi nakabutones ang tatlong butones sa
unahan. Nakataas ang lahat ng buhok niya at may cut yung kilay. May suot din
syang hikaw sa kaliwang tenga. And he was wearing a freaky smirk on his face.
All in all, he looked like a gangster.
Kinunutan ko lang siya
ng noo. Pss, ganto ba ka-friendly ang mga tao dito?
Bigla nya akong nilingon
at lumawak ang ngisi sa labi niya. He seemed to be a playful guy. "I'm
Steal." Eh? Pangalan nya yon?
"Steaaal!"
Sabay kaming
napalingon nang biglang may sumigaw. Nakita ko ang isang senior high school sa
maikli nyang skirts. Nakangiti syang kumaway sa lalaking kasabay ko. Well
then, pangalan nga nya talaga pala ang Steal. Weird though.
Nagulat ako nang kumaway pabalik ang lalaki at
sumigaw. "Susunod nalang ako, Olive-mylabs!" Girl friend nya
yon? Bigla naman siyang lumingon sa akin. "I'm handsome, I know.
No need to stare to say." Nakangising sabi niya tapos bigla syang
kumindat.
Napangiwi ako.
"Kung makangiti ka sa 'kin, parang sinasabi mong menace casanova ang
apelyido mo." Bigla syang humalakhak at isa iyong bagay na ikinalingon ng
mga estudyanteng nadaraanan namin.
"No! Really. Steal
Cortez ang pangalan ko." Tumawa na naman sya at nagulat ako nang bigla
syang lumapit! Napahinto kami sa paglalakad. "Hindi 'menace casanova' ang
last name ko pero 'yon ang middle name ko." In milliseconds, bigla nalang
nya... b-bigla nalang nya akong binigyan ng smack na kiss sa labi! SA LABI!
Ngumiti sya. "And by the way, stealing a kiss is my way of welcoming
newbies." Napahinto ako. Naglakad sya palayo nang sa akin nakaharap, suot
ang malawak na ngiti habang naka-open arms. "Welcome newbie!"
Tumalikod na sya at dumire-diretso sa paglalakad.
Ilang segundo mula nang
maglakad palayo sa 'kin si Steal bago nagsink in sa akin ang ginawa niya.
H-He... He fvckin' kissed me! Parang isang nakasalang na takure ay naabot ng
dugo ko ang 100 celcius nito!
Napatingin ako sa likod
ng papalayong lalaking nagpapakilalang si Steal Cortez. Pakiramdam ko, nagdilim
nalang bigla ang paningin ko. Basta ang gusto kong gawin ay sugurin sya!
"YOUUUUUUUUU!!!!"
Halos lahat ng
estudyante sa hallway na iyon ay napalingon sa direksyon ko nang marinig ang
napakalakas na sigaw ko. Kasama na doon ang lalaking nagpakilalang 'Steal
Cortez'. Hindi na siya nakapagreact at nanlaki nalang ang mata nang makitang
papasugod ako sa kaniya. I can't let someone pass after stealing my FIRST kiss!
Parang isang toro ay tumakbo ako pasugod sa kaniya.
Parehas kaming malakas
na bumagsak sa sahig ng hallway na iyon nang patalon ko syang suntukin! Ako sa
ibabaw. Tumama ang kamao ko sa mukha nya. Nagkaroon ng paggasp mula sa mga
estudyante at mukhang nasa state of shock pa para pigilan kami.
"Ang lakas ng loob
mo! You deserve this!" Isang panibagong suntok ang ginawa ko na agad
niyang sinasangga. "And this! And this! And this! All of these!"
Pinagsisipa ko sya habang nakapaibabaw ako sakaniya.
"Aw! Aw! Aw!
Shit!" Pilit naman niyang sinasangga ang mga suntok at sipa ko.
"Aray! Dammit!" Gamit niya ang siko panangga. "Get her off
me!"
Parang doon lang naman
natauhan ang mga estudyante sa paligid namin. Naramdaman ko nalang nang may
humila sa akin patayo at palayo sa lalaking 'yon. May humawak sa akin sa
magkabilang braso. Sinusubukan ko pa ring makawala sa kung sinumang pumipigil
sa 'kin nang tumayo ang lalaki at pinagpagan ang polo at pants niya.
Nakangiti na sya nang
tingnan ako. Damn this--argh! Paano sya nakakangiti nang may putok na labi?!
"Whoa, whoa. Ba't ka ba nanununtok nalang bigla?!" Natatawang tanong
nya habang paatras na inihaharang pa ang kamay sa akin in case na sumugod ako.
At talagang nagmamaang-maangan pa sya?!
Nagkumawala na naman ako
sa may hawak sa 'kin. "That..." I can't even say it! "That was
my first, you asshole! How dare you!"
"Dammit Violet!
Calm down!" Biglang saway nang may hawak sa 'kin. She called me by my
first name. Napalingon ako sa nagsalita para makilala kung sino iyon. It was
Snow.
Bago pa ako magsalita,
buong lakas na akong kinaladkad ni Snow palabas ng building na 'yon. Building
na puro kalokohan lang ang nagaganap at wala man lang teachers. Building na
wala akong nakita kundi mga nagbubugbugan, nagmemake out at nagtatarantaduhan. Ang
building kung saan nabibilang si Snow. Ang building ng Second Year Senior High.
Nagawa ko lang iwaksi
ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Snow nang makalabas na kami ng building
nila.
Sinamaan ko sya ng
tingin. "Ba't mo 'ko hinila palabas?!" Pasigaw na tanong ko.
Nakakainis! I lost my first kiss and I didn't get the chance to beat that
jerk's face off!
Snow stared at me
disapprovingly. She's my cousin and we're not really close. We got different
interests and our attitude is the type of attitude that explodes when mixed.
She's way too girly and I label her as flirty. Isang taon ang tanda nya sa 'kin
pero hindi ko nakasanayang tawagin syang ate. Maybe because of different way of
living. Or maybe just simply because we don't like each other.
"Do you know what
you were doing?!" Pasigaw namang asik nya sa akin.
"Ano? Ano bang
ginawa ko?!" Balik tanong ko sa iritableng tono.
"That was Steal
Cortez, Violet. Steal Cortez!" Pasigaw namang sagot niya na itinuro pa ang
building. Kung sabihin nya ang pangalan ng kung sinumang iyon, parang
napakaimportante at nakakatakot niyon. Gaah.
"Alam ko!
Nagpakilala sya sa 'kin! And he stole my first kiss. What am I supposed to do?!
Cheer in joy?!" Sarcastic na sagot ko. "Hindi ko maintindihan kung
ba't kailangan mo 'kong hilahin paalis, Snow!" Inis at pasigaw na sabi ko
sakaniya. Ang sarap ibuhos sa kaniya ang lahat ng inis ko kay Cortez.
She sighed as if
frustrated. "It's your first day here, right?" Inilagay nya sa
balikat ko ang isang kamay ko. "As your cousin, I suggest you to stay away
from the school badass. I know, you, yourself, is a badass. But Violet, if you
want to stay in Philippines, you better not be involve to those people you know
can bring chaos. There are lots of dangerous unspoken rules here that you have
to learn, Violet." Tapos inabot niya sa 'kin ang isang sobre. "Ito
yung hinihingi mong schedule. Goodluck. Gotta go." Tinalikuran na niya ako
at patakbong bumalik sa building nila.
Napakunot noo naman ako
habang sinusundan sila ng tingin palayo. Nang mawala na sya sa paningin ko saka
ko tiningnan ang sobreng binigay nya na malamang ay schedule ko ang nakalagay.
Pumunta kasi ako sa building nila para sana kunin 'to kung hindi lang dahil sa
nangyari.
Geez. Nagpamulsa ako at
naglakad na paalis. Naiinis na pinunasan ko ang labi ko gamit ang braso ko.
Unbelievable! I got my first kiss on my first day in this freakin' school!
Langya. Steal Cortez, eh? Wag na wag syang magkakamaling pagkrus-in ang landas
namin! Nakakabadtrip talaga.
Napatingin ako sa wrist
watch ko at nakitang alas dos na. Kailangan kong umattend sa orientation para
sa mga freshmen at transferees sa school pavilion. Pero kahit saang school
naman ako mapunta, hindi ako umaattend sa orientations. That would be a total
waste of time. Kalakip ng schedule ko sa envelope na ibinigay ni Snow ang isang
printed map. Kinuha ko iyon para tingnan. Just then I realized I entered an
enormous school. Sobrang laki nitong mapa--kasing laki ng tabloid--and yet, ang
liliit pa din ng sketches sa mga building. Isa pa, napakadaming buildings at
third floor ang pinakamababa. Now, where I'm off to?
Inexamine ko ang buong
mapa na may itim na boarder lines habang naglalakad sa gilid ng ground na
katapat ng Senior High building. Doon ko lang din nalaman na ang building na
pinanggalingan ko ay building lang para sa apat na section ng First Year Senior
High. Apat na sections lang pero may anim na floors?!
At ang room ko, nasaan
ba ang room ko? Ah, building Z10. Nasaan ang building Z10? Here! Teka, parang
ang building ko lang yata ang hanggang second floor? Tiningnan ko ulit ang
labels sa pinakababa ng mapa. Blue for seven floors. Green for six floors. Red
for five floors. Yellow for four floors. Violet for three floors. And yeah,
black for second floors. At yung building lang namin ang black? Parang
naiimagine ko tuloy na sa amin ang pinakalumang building.
Kakalakad ko, hindi ko
namalayan kung nasaan na ako at may bigla pa akong nakabangga.
"The hell!"
Sabay kaming napaatras
ng kabangga ko. Nang tingnan ko kung sino, isang babaeng may kasamang dalawa
pa. Pamilyar sila. Ang sama ng tingin nila sa akin. Hihingi na sana ako ng
pasensya nang bigla nalang niya akong bulyawan!
"Paharang-harang
kasi eh! Hindi mo ba nakikitang ang lawak-lawak ng daanan?!" Itinuro niya
ang daanan. "Stupid! Now, kneel down and beg for mercy!" Itinuro
naman niya ang harapan niya.
Nakaawang ang labi at
hindi makapaniwalang tiningnan ko ang babaeng singtangkad ko. She looked
beautiful with her make-up and long wavy brown hair but hell, she got an
attitude problem. Ano raw? Lumuhod ako? Isang malaking katarantaduhan, man!
"What?"
Mataray na tanong niya. "Are you just gonna stare on me or I'll force you
to kneel down?!"
Ang sama ng ugali! Sa
inis ko ay napaangat ang sulok ng labi ko at nakachin up na nilagpasan ko sya
para magpatuloy sa paglakad. Manigas sya! Amfufu, ako, paluluhurin niya dahil
lang sa nagkabangga kami?! Anak naman ng pating oh!
Pero hindi pa ako
nakakalayo ay may humila ng buhok ko! As my initial reaction, siniko ko ang
sinumang humila ng buhok ko. Tumama iyon sa hindi ko alam pero malambot. May
sumigaw ng 'ouch, my boobs!' in a high-pitched voice. So, yun ang kung anong
natamaan ko na nagpabitaw ng buhok ko. Napalingon tuloy ako sa kanila.
"Ano?"
Iritableng tanong ko.
Ang sama na naman ng
tingin nila sa 'kin! Nang tingnan ko ang plate name nila, pare-parehas 'yun na
may red border lines na ibig sabihin ay First Year Senior High na sila. Kulay
blue raw kasi ang border line ng plate names naming mga nasa Fifth Year.
Hinead to toe ako ng
tingin ng nasa gitna. "A newcomer." She muttered with disgust.
"Fine. Pagbibigyan ka namin. But remember us. The next time you bump on
us, you gotta pay big time, bitch." At bigla nalang nya akong tinalikuran.
Naglakad sya palayo at sinundan sya ng mga alipores nya.
Anak ng---? Ganito ba
kagulo dito?! Nangako na ako kina Kuya na lalayo sa gulo pero kung puro ganoong
tao ang makakasalamuha ko, I doubt I can be a good student. Lalo pang mukhang
mapag-iinitan ako sa pagiging transferee. Madali lang namang malaman kung
transferee--kapag wala pang plate name. At wala pa ako.
Itinago ko nalang ang
mapa ng Mysterecy International School. Tatlo palang mapa 'yon. Dahil masyadong
malaki ang Mysterecy International School ay hinati ito sa tatlong division.
Ang Mysterecy College na obviously ay ang tertiary section. Ang Academy Of
Mysterecy na para naman sa mga primary. At ang huli, ang Mysterecy High, para
sa mga katulad ko na nasa high school.
Mysterecy International
School, a school for foreigners and half-filipino. At dahil do'n, may
pagkakaiba pa rin ang system namin sa National System ng Pilipinas. May lima
kaming taon sa high school na tinatawag pa ring first year o freshman, second
year o sophomore, third year o junior, fourth year o senior at kung nasaan
ako--ang fifth year na Special Year. Wala kasi nito sa ibang schools. Though
dahil sa K12, mayroon na din kaming G11 at G12 pero mas tinatawag na rin itong
First Year Senior High at Second Year Senior High.
Naglakad-lakad ako sa
ground habang patingin-tingin sa paligid. Puro puno at halaman ang paligid.
Mostly, sementado. So far, ang ground palang ang nakita kong bermuda grass
bukod sa mga garden.
Nang tumingin ulit ako
sa wrist watch ko, nakita kong alas tres y media na. Umuwi nalang kaya ako?
Pero hindi naman nagpapalabas ang guard at hindi ko pa kabisado ang Mysterecy
High para malaman kung saan safe mag-over-da-bakod. Panay CCTVs kasi kaya ang hirap
tyumempo. Tiningnan ko ulit ang schedule ko. 7:00 ang simula ng klase ko
hanggang alas quatro ng hapon. May isang 30 minutes break sa umaga at kasunod
niyon ay one and a half hour na lunch break. Sa hapon ay merong 15 mins. break
at tuloy-tuloy na. Ang boring naman nito. Tiningnan ko yung likod ng schedule
at nakitang puro yun reminders.
* School Tour with Mr.
Victorino. [FIRST DAY - 08/03/14]
* Orientation at School
Pavilion. 2:00pm-5pm. [2ND DAY - 08/04/14]
* Identification Card in
School Technology Building. 3F-R2. Mrs. Luisita Geline. [3RD DAY-08/05-17]
- No ID, No Entry. -
Should be in a school club by September.
- Violations blah blah
blah...
Hindi ko na tinapos ang
pagbabasa matapos makita ang mga reminders. Hmm, tutal hindi ako umattend ng orientation,
okay lang sigurong kumuha na ako ng ID.
Gamit ang mapa ng
Mysterecy High ay pumunta na ako sa School Technology Building at dumiretso sa
third floor, room two gaya ng instruction.
Pagpasok ko sa room two
pagkatapos ng dalawang katok ay bumungad sa akin ang isang kwartong parang
naka-office style. May mini sala. May mga desks at computers sa gilid. Mukha
talagang tech room dahil sa malaking white screen na bubungad pagpasok palang.
May xerox machines at maliit at malaking printers na mukhang para sa papel at
sa tarpaulin. Sa gilid ng room ay may maliit na glass room kung saan makikita
ang tatlong cubicles ng mga teachers. Katabi ng kwartong 'yon ay ang hindi ko
alam dahil natatakpan ng green na kurtina. The thing was, meron lang isang tao
sa buong room. At iyon ay ang lalaki sa dulong cubicle. Nakaharap sa computer
nya at nakatalikod sa akin. Kulay brown ang buhok nya at based sa suot ay mukha
syang estudyante.
"Good afternoon.
Nandito ba si..." Tiningnan ko ang hawak kong schedule. "..si Mrs. Luisita
Geline?"
Two seconds. Three
seconds. Five seconds. Hindi ako sinagot ng lalaki! At dahil do'n ay nagpasya
na akong pumasok ng room.
"Nandito ba si Mrs.
Luisita Geline? Magpapakuha na sana ako ng picture para sa ID--"
"Get inside."
Bago ko tuluyang lingunin ang lalaki, bigla nyang tinuro ang green na kurtina
na kaharap na naming dalawa kaya naman napatingin din ako do'n.
Nang tingnan ko ulit ang
lalaki ay nakatalikod na naman sya sa 'kin at may kinakalikot na kung ano sa
loob ng isang itim na drawer.
"Hindi mo 'ko
narinig o talagang hindi ka lang makaintindi? Sabi ko, pumasok ka dyan."
Biglang sabi nya kahit na nakatalikod sya sa 'kin. His voice sounded serious by
nature.
Napakunot naman ang noo
ko. "Ba't ako papasok dyan?" Geez! The green curtain is starting to
creep me out! Kaming dalawa lang ang nandito at pinapapasok nya ako dyan? Brr.
Bigla syang humarap sa
akin. Hindi ko pa rin makita ang mukha nya dahil may suot syang face mask at
nakatakip naman sa mata nya ang isang DSLR camera na nakatapat sa akin.
"You said you're here for your ID, right? Then get inside for a
photo." Iritable ang pagkakasabi nya no'n na para bang ang tanga ko dahil
hindi ko 'yon alam.
Napangiwi naman ako.
Yeah, right. Ano ba namang iniisip ko? Hindi ko na sya sinagot at tuluyan na
ngang pumasok sa corner na natatakpan ng kulay green na kurtina. Pagpasok ko,
may isang upuan sa dulo na ang background ay isang plain na white wall. Naupo
ako sa upuang 'yon at maya-maya lang ay pumasok na ang lalaking naka-facemask. Wala
syang suot na platename kaya naman, hindi ko alam kung anong year niya.
"Who told you to
sit down there?" Iyon ang tanong nya pagpasok na pagpasok. Sounded
irritated in a serious way. Parang natural na sa kaniya ang maging seryoso ang
boses.
Naiinis namang napaangat
ang isang sulok ng labi ko. "May common sense lang naman ako." I
murmured.
"You were saying
something?" Seryoso ang tono ng pagtatanong ng lalaki pero may hint yun ng
sarcasm.
As if automatic, bigla
ko syang sinamaan ng tingin. Nakatayo na yung DSLR at nakatutok sa 'kin ang
lens. Nakapwesto na rin sya.
"Glaring is not a
good photo for your profile, you know." Sabi nya. "Ready."
I stood up straightly
looking at the lens. Walang ekspresyon at flat ang mga labi. Two seconds, the
camera flashed. Nun nya lang ako pinaupo sa upuan at sinabing yun na ang
picture para sa ID ko.
"Aren't you gonna
smile from ear to ear? Just so you know, you're going to use the ID for a
year." Sabi nya.
"Aren't you just
gonna take a photo of my freaky face? Just so you know, meddling with someone's
pose is rude." Automatic na nagslip sa bibig ko ang sarcasm. I think, it's
alright. He's just a student. A sarcastic and rude student!
"Okay." His
response annoyed me more. Seryoso at walang emosyong bland ang pagkakasabi nya
nun na parang wala syang pakialam. Ni hindi man lang naapektuhan ng sarcasm.
Nauna na syang lumabas
pagkatapos ng dalawang flash. Paglabas ko, nakatalikod na naman sya sa 'kin at
hinihintay na maprint ang pictures ko. Dahil hindi ko naman nakikita ang mukha
nya at hindi ako interesado, napatingin nalang ako sa computer na kaharap niya.
Several codes on notes.
Continous pop ups. Puro black at gray lang ang nakikita ko sa screen, mostly
black. Mukhang nasa edit ng isang website. Mas marami akong nakikitang codes
kaysa words kaya naman wala akong maintindihan at hindi ko alam kung tungkol
saan ang website na 'yon.
Nagulat nalang ako nang
may ilapag sya sa harap ko at umupo sya sa harap ng computer. He was still
wearing his plain black face mask at dahil nakaupo sya habang nakatayo ako,
hindi ko pa rin makita ang mukha nya dahil sa brown nyang buhok na tinatakpan ang
upper face nya. "What's your name?" Biglang tanong niya. Still
sounded serious.
Itatanong ko sana kung
para saan at tinatanong nya ako nang makita kong nagclick sya sa computer at
lumabas ang malaking logo ng MIS katabi ng title na 'Students' Profile in
Mysterecy High'. Ow.
"Violet. Violet
Katsuwara." Sagot ko at gaya ng inaasahan ay sinearch nya ang pangalan ko.
Lumabas ang profile ko. Tiningnan ko at iilang formal information lang ang
nakasulat. Full name, age, nationality, year and section, schedule, background
and such.
"So, you're the neophyte."
I heard the guy whispered. Parang sa sarili nya 'yon sinasabi at hindi sa akin.
Napakunot ang noo ko.
"What d'you mean I'm the neophyte?" Hindi ko mapigilang itanong. I
know what neophyte means. But there's something the way he said it. As if, he
discovered a thing he had been researching.
Pero hindi nya ako
sinagot. Nang tingnan ko ang ginagawa nya, inaattach pala nya sa profile ko ang
whole body picture ko at pati yung 1x1. Tapos nawala yung Profile at lumabas
naman yung mismong format ng ID. Dun naman nya inattach yung 1x1 ID picture ko
saka tinype ang pangalan ko at kinlick nya yung 'submit' sa gilid.
Two seconds or so, may
tumunog na parang bell. Pinaikot nya yung upuan nya at nakaupong pumunta sya sa
isang malapit na printer. Bumalik sya sa harap ng computer saka inilapag sa
harap ko ang ID ko.
"You may go."
Seryoso ang pagkakasabi nya. Hindi harsh pero halata sa boses nya na ayaw nya
sa presence ko.
Para naman akong
nainsulto dun sa hindi malamang dahilan. The heck. I think he's rude! Inis na
kinuha ko na ang ID at tuluyan na ngang lumabas ng room na yun.
"Geez. Anong
problema ng lalaking yun?" Inis na bulong ko sa sarili ko.
Saktong pagliko ko sa
hallway para umalis ay may nakabangga na naman ako! This time, bumagsak ako
dahil sa lakas ng impact. Pero yung nakabangga ko eh napaatras lang. Nakakainis
ah! Nang tingalain ko kung sino, nakita ko ang isang lalaking nakauniform.
Nginitian nya ako pero nanatiling nakapamulsa--absolutely no plan of helping me
up.
"Ano ba!"
Bulyaw ko sakaniya.
"Wasn't my
fault." Nakangiti pa ring sabi nya at dire-diretsong pumasok sa room na
pinanggalingan ko.
Hindi makapaniwalang
sinundan ko naman ng lingon ang lalaking yun na kapapasok palang. Jerk! Hindi nalang
magsorry! Naiinis man ay tumayo nalang din ako at matapos pagpagan ang sarili
ay padabog na nilisan ang tahimik na lugar na yun.
"Violet-haired
girl!"
Pasakay na sana ako ng
elevator nang may sumigaw. Dahil alam ko namang ako ang pinatutungkulan kahit
na highlights lang naman ang meron ako, lumingon pa rin ako. Nakita kong
papalapit sa 'kin ang lalaking nakabunggo ko kanina. Hinintay ko syang tumakbo
palapit sa 'kin at nang huminto sya sa harap ko, hinihingal man ay ngumiti sya
sa akin. Ngiting gaya nang magkabungguan kami.
"So, you're the
neophyte." Sabi niya nang nakangiti na para bang natutuwa siyang makilala.
Here we go again. What's with me being a transferee? Bago pa ako magtanong ay
inabot nya sa 'kin ang kapirasong papel. "Naiwan mo." Yun ang
schedule ko. Natatandaan kong inilapag din yun ng lalaki sa lamesang
pinaglapagan rin nya ng ID ko.
Pagkaabot ko sa papel ay
tumalikod na sya at tumakbo pabalik sa pinanggalingan nya.
"Goodluck!" Pasigaw na sabi nya habang papalayo.
Weird.
Hindi ko na iyon
pinansin at sumakay na sa nakabukas na elevator. Pero bago iyon sumara, humarap
sa 'kin yung lalaki at nakangiting kumaway.
"I'm Macky! See you
tomorrow, our damsel!"
Our---what? What the
hell?
Chapter Two
Class 5-1
"I hope you're not into any trouble." Iyon ang huling sabi ng kuya ko
pagkahatid nya sa 'kin sa Mysterecy High. I also hope the same thing, brother.
Pagbaba ko ng kotse ni
kuya, umalis na din sya. Napatingin naman ako sa malaking gate ng Mysterecy
High. Geez! Let's get it started, Violet!
Pagpasok ko ng school,
nakita kong kakaunti nalang ang mga estudyante. Malamang, mga nasa klase na.
Kaya naman dumiretso na rin ako sa building namin. Kaso sa first floor, may
nakasalubong akong anim na babae. Nasa unahan si Snow katabi ng isa pang babae.
Nang makita nya ako, lumapit sya sa akin.
"Violet."
"Oh?" Bored na
sagot ko sa kanya.
"Totoo bang ikaw
ang bagong student ng Class 5-1?" Hindi makapaniwalang tanong nya.
"Pss. Diba ikaw pa
nga ang kumuha ng schedule ko?" Iritableng sabi ko.
Bigla namang sumingit
yung babaeng katabi nya. "Wait, what? This... she's the
neophyte?" Hindi makapaniwalang tanong nya kay Snow habang
nakaturo sa akin ang mapilantik nyang daliri.
"I guess so."
Kibit-balikat na sagot ni Snow. Tumingin sya sa akin. "By the way, they're
my friends, Violet. And girls, this is Violet, my cousin." Pagpapakilala
nya.
Tiningnan ko naman yung
mga babae pero hindi ako nag-offer ng handshake at ganun din naman sila.
Naningkit ang mata ko nang dumapo ang tingin ko sa babaeng katabi ni Snow.
She's.... right! Sya yung babaeng nakabangga ko kahapon. Akalain mong magkaibigan sila ni Snow?
Naningkit din naman ang
tingin nya sa akin. "Wait, I think... I know you.." Sabi nya.
Bago pa nya maalala kung
sino ako, nilagpasan ko na sila nang nakapamulsa. "I'm going." At
walang lingun-lingong umakyat ako sa second floor ng building namin.
And just my luck, there
was already a teacher when I arrived. Late ako? Tsk. Badtrip
naman oh.
Pagdating ko, lahat sila
napalingon sa akin. Dalawang bagay ang agad na nakapansin ng atensyon ko. Una,
napakaonti namin! In estimation, I think we're just sixteen, seventeen or
eighteen. Second, what kind of hell is this? Bakit ako at ang instructor lang
ang babae dito?! Is this for real?! Napatingin ako sa Instructor na nakatingin
rin sa 'kin.
"You must be Violet
Katsuwara." Aniya. She seemed to be in early 20's pero may eye glasses.
Mukha syang mabait.
Tumango ako at pumasok
na. Nang ilibot ko ang tingin ko, aba't nanadya ba ang mga lokong 'to at ang
vacant seat nalang ay yung nasa pinakagitna?
"You're 20 minutes
late, Miss Katsuwara."
Hindi ko pinansin ang
teacher ko at naiinis ma'y umupo ako sa nag-iisang bakante. At pag-upo ko,
maririnig ang mahihina at pigil nilang mga tawa. Seriously, what's they're up to?
"Alright. Let's
continue. As I was saying, every vacant hours, no one is allowed to go outside
unless you had a hall pass with you." May tinaas syang parang ID pero ang
nakalagay ay 'Hall Pass' in bold letters. "Without this,
you're going to deal with the assigned marshalls--students who will observe the
hallways. No troubles. Cuttings. Blah blah."
Weird. They are all glancing on my direction
momentarily. Ano bang meron? Siguraduhin nilang wala silang
ginawang kalokohan kundi...
"Any
question?" Final word ni.. uh, who is she?
Itinaas ko ang kamay ko
at sinenyasan naman nya akong magsalita. "Anong---"
"Kindly stand up
whenever you're going to speak, Miss Katsuwara." Tsk.
Dahil do'n, napatayo ako
at ayan na naman ang mahihina at pigil nilang mga tawa. "Anong pangalan
nyo?" Tanong ko dahilan para magtawanan ang buong klase.
"HAHAHAHAHA!"
"She's gotta be
kidding us!"
"Owrayt! Laptrip,
man!"
Tumingin sa akin yung
homeroom teacher namin at napabuntong-hininga. Tumalikod sya saka isinulat sa white
board ang pangalan niya--Miss Andrea Fuentes.
Napaupo naman ako
matapos no'n. Ang ingay pa rin ng tawanan ng buong klase at hindi sila
nakikinig kay Miss Andrea kahit na panay 'Silence!' na sya kaya ang ginawa ni
Miss Andrea, sunod-sunod na paghampas ng libro sa desk ang ginawa nya. Good
thing, tumahimik nga sila.
"May I ask why were
you absent last Monday, Miss Katsuwara? That was the first day of school
year." Tanong ni Miss Andrea saktong pag-upo ko.
"Kauuwi ko lang ng
Pilipinas galing Japan, Miss." Sagot ko.
Nginitian niya ako.
"And because of that, ngayon ka magpakilala sa klase. Most especially,
you're a transferee."
Tsk! Akala ko pa man
din, ligtas na ako sa ganyan! Tumayo na ako at sa pagtayo ko ay nagsipagsipol
ang mga kaklase ko kasunod ng mga reaction.
"Uyyy, nagdadalaga
sya, Miss!"
Nagtaka naman ako at
napasilip sa may likuran ko. Just then I knew that my butt had been pranked!
May stain yung maikli kong skirts! Nang tingnan ko yung inupuan ko, may red
stain dun. Black ang school skirt kaya hindi gaanong halata but still! Argh!
Dumiretso pa rin ako sa
platform. I think that was a lot safer place than on my seat wherein I'm
sorrounded by them!
Miss Andrea let out a
heavy sigh. "Pagpasensyahan mo na ang Class 5-1, Miss Katsuwara. They are
not labeled 'The House Of Horror' for nothing." Tapos kinuha nya yung coat
nya na nasa desk at itinali iyon sa bewang ko in a way na matatakpan ang
katarantaduhan ng mga kaklase ko.
"You can excuse
yourself to change." Aniya.
But I felt my badass
side kicked in. Nginitian ko sya. "I'm still going to introduce
myself." And with that, ibinalik ko ang tingin sa klase. "I am Violet
Katsuwara." Malakas ang boses na sabi ko para paibabawan ang maiingay
nilang hiyawan.
"Yun na yun?!"
"Boring!"
"Boo!"
As expected, they were
all having negative comments. Ang iingay na naman nila! Sa kagustuhang makuha
ang atensyon nila, hinampas ko ng tatlong beses na malakas yung desk. As if on
cue, the room fell on silence and everyone diverted their attention on me.
Now's my chance. I
plastered my oh-so badass smirk. "I am Violet Katsuwara and my middle name
is trouble."
***
"ARGH! Dammit!"
I kicked the door for
the last time saka hopeless na napaupo ako sa sahig ng classroom. This is
definitely annoying! Tiningnan ko ang wrist watch ko at nalamang 12pm na. Exact
time for the lunch break.
Nakakabadtrip! After
that introduction, bigla nalang tumahimik at five seconds after, lahat ay
nagsipag 'boo!' at pinagbabato nila ako ng crumpled papers. Walang mga modo! At
kaninang alas nuebe, which happens to be the morning break, ikinulong nila ako.
Ngayon ay lunch break na. I'm locked up! The room was locked from the outside.
The painful thing, every classroom in MIS is sound proof!
Now, what am I supposed
to do? Stare at each chair? Talk to the walls? Pss. Ang sarap manapak.
Nakakadagdag pa sa inis ko ang katotohanang walang bintana dito dahil airconditioned
kaya wala talagang paraan para may makarinig sa akin. This sucks.
Muli akong tumayo at
sinubukang buksan ang pintuan kahihila. But then, a few minutes passed and I
hopelessly gave up. I lost my strength and I am already starving. Gaano nila katagal
ako balak ikulong dito? Tiningnan ko ang sinasandalang pinto. It wasn't hard to
break. I can break this maybe through... inilibot ko ang tingin sa silid. Maybe
through a chair.
Tsk. But I can't just
break a door! Malamang makakarating pa ang bagay na yun kina Kuya and what?
I'll be send back to Japan. I hate the thought. Napabuntong hininga ako. But
then, what am I supposed to do? Stay here and wait them to open this up?
The picture of my Debit
Card popped up on my head. Right! Para akong nabuhayan ng loob at tumakbo
papunta sa dark violet kong bag saka 'yon hinalungkat. Voila! Dala ko nga ang
debit card ko. Parang may bumbilyang umilaw sa itaas ng ulo ko.
I smirked at the door as
if it was my mortal enemy. Saka ako kumuha ng isang upuan at binuhat iyon.
Kahoy ang upuan namin and I must say it was pretty heavy! Mabigat pero kaya
kong buhatin.
Gamit ang kahoy na
upuan, itinulak ko ng itinulak ang pinto. Ibinuhos ko na doon ang lahat ng
pwersa ko at ikinatuwa ko nang may makitang sira sa makapal na pintuan. Gumugol
ako ng ilang minuto bago ako tuluyang nakagawa ng butas sa ibabang parte ng
pintuan.
Nang makita kong kasya
na ako sa nagawa kong butas ay lumusot na nga ako doon. Maliit lang yung butas
at kahit maliit ako, nagkanda tama tama pa din sa katawan ko ang mga patusok na
kahoy. I bet my uniform has been ruined. Very memorable day of my life in a
school!
"Whoa.."
"She's..."
"Extraordinary."
Hinihingal pa rin at
lupaypay akong nakadapa sa harap ng pintuan ng classroom nang marinig ang mga bulungan.
Tumingala ako at nakita ang mga pamilyar na mukha ng mga lalaki na nakasandal
sa wall katapat ng classroom namin--my freakin' classmates!
As if fire suddenly lit
up inside of me, tumayo ako mula sa pagkakadapa at naglakad palapit sa kanila
nang may itim na aura. Ang unang lalaking nalapitan ko ay kinwelyuhan ko.
"Sinong nagpasimuno
non?" Seryoso at galit kong tanong na ang pinatutungkulan ay ang pagkulong
sa akin sa classroom.
"Let him go."
I heard an order with an authoritative tone.
Napalingon ako sa
nagsalita. Nakita ko ang isang lalaki sa dulo ng mga nakalinyang mga kaklase
ko. Mayroon syang dalawang katabi. But he stands out. Nakapamulsa sya at
seryosong nakatitig sa akin. He was so tall and he has dark brown hair.
Nakapamulsa syang naglakad palapit at sumunod naman sa kaniya ang dalawang
lalaki sa tabi niya. Pawaksi ko namang binitawan ang lalaking kinwelyuhan ko at
sinalubong ng matalim ang tingin nya.
"So.."
Nakangising napatangu-tango ako. "..you're the leader." Nakatingala
sa kaniyang sabi ko nang tuluyan syang makalapit. Gah, he's really tall! Parang
naintimidate tuloy ako. Is it really alright to mess up with a whole class?! Of
course not!
Nakayuko naman sya sa
'kin. Hanggang balikat lang nya ako. "You had the guts to mess around,
kid?" Seryosong sabi nya. No sarcasm at all. Plain emotionless serious
tone.
Para namang nag-init ang
ulo ko sa paraan ng pagtingin nya at pagsasalita. "What the hell is wrong
with you? You and your group?!" Itinulak ko sya sa dibdib. He didn't even
step backward. "Just so you know, I'm not the type who endure
bullying." I said with my teeth gritted.
"Warm
welcome." Matipid na saad nya nang may seryosong tono at ekspresyon.
"Just a warning, kid, and I swear, you better listen." Nagulat ako
nang bigla syang yumuko at inilapit niya sa akin ang mukha nya! Inatras ko ang
mukha ko pero lumapit lang sya ulit hanggang sa ka-level na ng labi nya ang
tenga ko. "If you don't want this class, you're free to leave us and join
a different section. We don't need weaklings here."
With that, lumayo na sya
at hindi man lang ako nilingon. Tinalikuran nila akong tatlo at naglakad na
paalis. The rest threw one last glare on me before following their leader.
W-What the hell?! Nainsulto ako sa sinabi nya at dahil do'n, hindi pa man sila
nakakalayo ay sumigaw na ako.
"You jerk! Catch
this!" At buong pwersa kong ibinato sa kaniya ang pack back ko.
Voila! Tinamaan sya sa
ulo. I heard gasps. Not only from the Class 5-1 but also from the other
students of the other classes--na hindi ko alam kung kailan pa nagsimula kaming
panoorin.
Napahinto ang matangkad
na lalaki at bigla syang humarap sa akin. Do'n ako kinabahan. Magkasalubong ang
mga kilay at masama ang tingin nya nang maglakad palapit sa akin! Mabilis ang
naging paglalakad nya pero hindi sya tumatakbo. Nang makarating sya sa harapan
ko ay napapalunok na tiningala ko sya. Oh Violet, what have you done?
"You're really
messing around?" There was danger blended in with his voice.
Parang nanuyo ang
lalamunan ko at nawalang parang bula ang lakas ng loob ko. Dammit, Violet! You
totally messed up. Hindi ko mapigilang hindi kabahan. Ramdam ko ang lakas at
bilis ng tibok ng puso ko. But I got my ego here and I just couldn't let my
dignity be step on.
Napalunok ako bago
nagsalita. "You first did." I swear, I must thank the gods for not
stuttering! "Hindi nyo sana ako pinagtripan. Madali akong kausap without
the freaking pranks." Seryosong saad ko.
Dahan-dahang nawala ang
pagkakakunot ng noo niya at dahan-dahang nagrelax ang mukha nya. In an instant,
bumalik ang seryoso nyang mukha. "Then, it's official? You're going to
leave our class."
I felt how a smirk
curved on my lips. "Sure." I balled my fist. "After you let me
take my revenge by a punch." Itinaas ko na ang kamay ko para suntukin sya.
Catch this, jerk!
Pero bago pa man dumapo
sa walang reaksyon nyang mukha ang kamao ko, may pumigil na sa 'kin sa
pagsuntok. Biglang may humila sa kwelyo ko sa likod at may mabigat na kamay ang
umakbay sa 'kin. Bago ko pa lingunin kung sino ang taong 'yon, nagsalita na
ito.
"Pasensya na kayo
sa girlfriend ko." A familiar playful tone of a guy.
Girlfriend?! He's not
referring to me, is he?!
Tiningala ko ang
lalaking nakaakbay sa akin at nakitang nakangiti na sya sa akin.
"Mylabs!"
Anong kalokohan 'to?!
Chapter Three
The Neophyte
I swear, sa ilang beses kong pagpapalipat-lipat ng schools, ngayon lang ako
nagkaroon ng taong first days palang ng school year, gusto ko nang bugbugin.
Everything went so fast.
The guy who stopped me from punching the Class 5-1's leader was Steal Cortez.
The ever annoying Steal Cortez. At pagkatapos nya 'yong sabihin, kinaladkad nya
na agad ako palayo sa buong klase sa pamamagitan ng mahigpit nyang pag-akbay.
Nakita ko pa ang mga
gulat na reaksyon ng mga kaklase ko habang papalayo. Cortez didn't let me go.
He did not even speak until we reached a room. Saka niya ako binitawan. Do'n
lang din nawala ang gulat ko.
"You gotta thank
me." Nakangiting sabi nya nang bitawan ako. Tas kumindat sya sa 'kin nang
nakangiti. "Mylabs."
Nilakihan ko sya ng mata
at automatic na napasuntok ako sa braso nya. Yung light jab lang. "Mylabs
your ass!"
Tumawa na naman sya.
"Chill out! But seriously, you gotta thank me, Violet-mylabs."
kinumpas nya sa ere ang kamay nya. "No. Quits na tayo. I kissed you. And
then, I saved you." His smile suddenly turned into a grin. "Very
romantic." He drawled.
Naningkit naman ang mata
ko sa kaniya. At bago ko pa mapigilan ang kamay ko, napangunahan na ako ng inis
ko.
"Aw! What was that
for?!" Singhal nya habang hawak ang tyan nyang sinikmuraan ko.
Tinalikuran ko sya at
naglakad palayo sa kanya. Just then I realized we're in a locker room. Hindi ko
nga lang alam kung anong year at anong section. But I'm pretty sure it's a
locker room for boys. With the smell and clothes and trashes? No doubt.
"Saved me? Oh man,
sinong niloko mo?" Bakas ang inis sa boses ko nang harapin ko ulit sya.
"I was about to take my vengeance when you showed up and messed
everything!" May nadampot akong shirt at itinapon 'yon sa kaniya.
"Whoa!" Umilag
sya. Pss, as if a shirt could hurt him. Tiningnan nya ako, nakaawang ang labi
na parang hindi makapaniwala. "You surely don't know who they are, do
you?"
Kumunot naman ang noo
ko. "Hindi ko sila kilala." Nagcross arms ako. "Pero isa lang
alam ko.." Naging pailalim ang tingin ko sa kaniya. "May dalawa ka
nang atraso sa 'kin."
He chuckled and raise
both of his hands, as if surrendering. "You're such a sadist lover, mylabs."
Tumalikod sya sa 'kin. "He's Kento." Sabi nya habang naglalakad
palayo na sinusundan ko naman ng tingin.
"He's--huh?"
Huminto sya sa isang
locker room tapos nilingon nya ako. "The guy you were about to punch. His
name is Kento." Binuksan nya yung locker na kaharap nya, may kinuha at
itinapon sa 'kin.
"Anak ng---!"
Tumama sa mukha ko ang itinapon nya. Nang tingnan ko kung ano 'yon, nakita ko
ang isang plain white shirt. Sigurado akong panlalaki 'to. Inangat ko ang
tingin sa kaniya. "Anong gagawin ko dito?" Iritableng tanong ko.
Malawak ang naging ngiti
nya. "Gusto mo naman muna sigurong magpalit ng damit?"
Kinunutan ko naman sya
ng noo. Nang mapansin nyang wala akong idea, lumapit sya sa 'kin, hinawakan ako
sa balikat mula sa likod at dinala sa harap ng isang salamin. Hinarap nya yung
likod ko sa salamin.
"See it
yourself."
Tapos umalis na sya sa
likuran ko. Tiningnan ko naman ang likuran ko gamit ang salamin na nakatapat
dito. At hindi makapaniwalang binasa ko ang nakasulat!
'The Neophyte'
Nakasulat iyon gamit ang
parehong red stain na nilagay nila sa upuan ko. Naalala ko tuloy ang dalawang
lalaki sa School Technology Building kahapon. They called me 'the neophyte' at
ngayon ay nakasulat ito sa likod ko. Malinaw at malaking naisulat! Kung paano
nila naisulat iyon nang hindi ko napapansin, HINDI KO ALAM!
Inis kong tiningnan si
Cortez. "Ba't parang big deal ang pagiging transferee ko?"
Nakangiti nya akong
tiningnan. Seconds passed and he bursted out in laughter. Hawak hawak pa nya
ang tyan nya at paulit-ulit na sinasabing 'ibang klase' at 'unbelievable'.
Napailing nalang ako. Wala akong makukuhang matinong sagot sa kaniya kaya
tinalikuran ko na sya at naglakad papunta sa dulo nitong locker room kung saan
may isang shower room.
"Wag mong subukang
pasukin ako." Huling banta ko kay Cortez bago tuluyang pumasok. Narinig ko
lang syang tumawa.
May nakasulat na
'Cortez' sa likod ng shirt na ibinigay ni Steal. Nung una ay nagdadalawang isip
pa ako kung susuutin ko ba. Sa huli, alam kong wala akong ibang choice.
Paglabas ko, hinead to foot nya ako ng tingin at bigla nalang syang humalakhak
na naman. The hell? Kinunutan ko sya ng noo.
"Sorry, can't help
it!" Natatawang sabi nya. Tinuro nya ko. "Ang sagwa."
Tiningnan ko naman ang
sarili ko. Ang laki ng t-shirt tapos ang ikli-ikli ng kulay itim na school
skirt. I really hate this freakin' Class A school uniform! Above the knee yung
school skirt ko tas hanggang hita ko naman 'tong shirt dahil sa sobrang laki.
Magpapang-abot na sila. And I must admit, Cortez's right. Ang sagwaaa.
Inismiran ko sya.
"Wala akong choice." Tinuro ko ang shirt na suot ko. "Okay na
'to kesa dito." Tinaas ko naman ang blouse na kahuhubad ko palang.
Tumawa ulit sya.
"Right. C'mon, mag-aala una na. May klase pa tayo." Tinuro nya ang
wrist watch nya.
I laughed sarcastically.
"Sinong mag-iisip na pumapasok ang isang tulad mo sa klase?" Naglakad
na rin ako at inunahan na siya sa pintuan. Kaso saktong pagbukas ko ng pintuan,
may bumungad sa aking... cleavage! "Takte!" Bigla akong napaatras.
Nang umatras ako ay
nakita ko ang isang babaeng naka-civilian. Mukhang kaedad ko lang sya pero
dahil naka-civilian nang may plate name--which is something na senior high lang
ang pwede nang twice a week--malamang, estudyante sya. Mukhang nagulat din sya nang
makita ako.
"This is boys'
locker room, right? What are you doing here?" Nakataas ang kilay na tanong
niya sa akin. Tapos maarte syang nagulat kuno. "Oh my god! Don't tell me,
you're making out with someone here?! You slut!"
Napaangat naman ang isang
sulok ng labi ko at hinead-to-foot ko siya ng tingin. "Kapal. Baka ikaw,
may balak? Tabi nga! Baka masapak kita!" Inis ko syang nilagpasan. Sinadya
ko pang banggain sya.
"Ouch! How
mean!" Maarte pa syang umaray. Ugggh! Napairap nalang
ako.
Bigla namang sumulpot sa
may pintuan si Cortez at malawak na ngumiti do'n sa babae.
"Jayna-mylabs!" Aba.
"Oh my! Steal,
baby!" Maarte namang balik nung babae.
Naiirita tuloy ako
bigla. Pa'no, may dalawang higad dito! Pss. Tumalikod ako at nagpamulsa.
Naririnig ko ang landian nila habang papalayo. Ang sakit sa tenga. Tsk. Nung
medyo malayo naman na ako, biglang sinigaw ni Cortez ang pangalan ko at
tumatakbong sumabay sa paglakad ko.
"Ba't mo naman ako
iniwan, Violet-mylabs?!" Parang batang sabi nya.
Sa irita ko dahil pati
ako dinadamay nya sa kaka-mylabs nya, sinipa ko sya sa tuhod nang nakapamulsa
pa rin. Muntikan naman na syang matumba. Napahawak sya sa tuhod nyang sinipa
ko. "Aray naman! Problema mong sadista ka?!"
Napaangat ang isang
sulok ng labi ko. "I-exempt mo nga ako sa kalandian mo, Cortez!" Inis
kong sabi at nagmamadaling naglakad palayo.
Mabilis naman syang
naglakad ng medyo paika-ika para sabayan ulit ako. "Anong kalandian? Saka
anong ibig mong sabihing 'tulad ko'? Geez. You're being rude." He sounded
like a child.
"You totally look
like a messed up gangster. I doubt you're not." Natatawang sagot ko. Then
bigla ko syang sinamaan ng tingin. "And what? I'm being rude?! So ang
paghalik sa hindi mo kilala ay hindi rude?" Bumabalik na naman ang iritable
kong tono.
Tumawa na naman sya.
"I told you, that's my way of welcoming newbies!" Tapos hinampas nya
ako sa likod ng balikat ng dalawang beses. Ang lakas nga eh!
I tsked. "Mas okay
na 'ko sa paraan ng pagwewelcome ng mga kaklase ko."
Sinulyapan nya ako ng
nakangiti ng bahagya. "Talaga bang parte ka ng Class 5-1?"
Nginiwian ko naman sya.
"Anong nakakaamaze do'n?" Tanong ko. Iyon kasi ang ekspresyon niya.
Siya naman ang ngumiwi.
"Wala ka ba talagang alam sa kanila?"
"Wala. Dapat ba,
meron?"
He shook his head.
"Not really. Nakakapagtaka lang. You know, block section sila mula
elementary. Grade five, to be exact."
Nanlaki naman ang mata
ko do'n. "Blocked section?!"
Nilakihan naman nya ako
ng mata. "Lower your voice, Violet-mylabs! Ayokong magpahuli sa
marshall." Tapos tumingin-tingin sya sa hallway. Pss, kelan ba sya titigil
sa kaka-mylabs nya?!
Do'n ko lang din nalaman
na late na kami sa sari-sarili naming klase dahil tahimik na ang hallway.
Sarado na ang bawat classroom na madaanan namin na ibig sabihin ay may
facilitator na sa loob. Nang tingnan ko ang wrist watch ko, nakumpirma kong ala
una lagpas na.
Napalingon ako kay
Cortez. "Pwede ba? Tigil-tigilan mo nga 'ko sa kaka mylabs mo. Saka teka
nga, paano mo nalaman ang pangalan ko?"
Ngumiti sya. "Very
obvious." Tinuro nya ang ulo ko. Mukhang ang violet highlights ko ang
tinutukoy nya. "With that." Tas tinuro niya ang mata ko. Probably
referring my violet contacts. "And with those." Ibinalik nya ang
tingin sa daanan at muling nagpamulsa. "Isa pa, malamang, hindi lang ako
ang may kilala na sa 'yo. Probably the whole campus." Ngumiti na naman
sya. "You just entered the mysterious and most chaotic class of Mysterecy
High."
***
Tinitingnan ko ang hawak
kong debit card habang naglalakad papunta sa United Building. Building 'yon
kung saan pinagsama-sama ang mga room ng bawat clubs sa Mysterecy High. Hindi
ang kahit anong club ang pupuntahan ko kundi ang office ng Student Council na
nasa 7th Floor ng building na 'yon.
Hindi na ako pumasok ng
afternoon class. Bukod sa ayoko, late na rin naman ako. Isa pa, baka kung anong
gulo na naman ang kaharapin ko. Sa tingin ko, mas makabuluhang gamitin ang oras
ko para pumunta sa SC Office at bayaran ang nasirang pintuan ng classroom
namin.
Tiningala ko ang malaking
pintuan na hinintuan ko. Sa pinakaitaas ay may nakasulat na 'Grand
Student Council' sa gothic na font. Ibang klase. Ganito ka-grande
ang office ng SC? Sa laki nitong pintuan--na dalawa pa ang pinto--walang duda
na engrande ang loob.
Tatlong katok ang ginawa
ko bago ako pumasok. Isang formal sala ang bumungad sa akin. Pero walang tao.
Inilibot ko ang tingin sa kuwarto. Long table at the left side. Another room
behind it. Bookshelves around. It was really spacious. Sobrang lawak. And yeah,
the ambiance was very formal. Halos lahat ng gamit ay organized at mostly,
brown--either dark, cream or light. Then sa left side ay puro cubicles. Much
larger than what I saw in Tech Room the other day. I bet, para 'yon sa mga
officers. At sa right side, ayun na naman ang isang mini office. Though salamin
ang nasa labas, sigurado akong nakikita ako ng nasa loob. At nakumpirma ang
hinala ko nang bumukas ang pinto saka sumilip ang isang middle-aged na babae.
"Yes?"
Nginitian nya ako. Seems harmless.
Alangan kong itinaas ang
debit card ko. "Uhh.. the SC President?"
Lumingon na naman sya sa
loob tapos ilang segundo lang, ibinalik nya sa 'kin ang tingin nya. Binuksan
nya ng mas malawak ang pinto at doon ko nakitang teacher sya based sa suot
nyang damit.
"You may come
in."
Agad naman akong lumapit
at pumasok gaya ng sabi nya. Pagpasok ko ay nakita ko ang isang desk. Sa swivel
chair niyon ay may nakaupong isang batang babae na sa tingin ko ay 13 or 14.
May kaharap syang lalaki. A student. Nakatalikod sa view ko. Nakaupo ito sa
harap ng batang babae. At napapalibutan sila ng isa pang teacher at dalawa pang
students.
"Please. I don't
want to see you in a gang war again." Iyon yung sentence na sinabi nya sa
lalaki gamit ang isang malumanay na boses.
The girl then glanced at
me and smiled. Doon ko narealize na nakaupo sya sa upuan ng sa tingin ko ay
para sa president. Wait, don't tell me she's the SC President? Tiningnan ko ang
plate name nya. It has orange border line which means... she's a sophomore. The
SC President is a second year high school girl?! S-Seryoso?! Fourteen years
old?!
"Good afternoon.
May I ask your name?"
Nabalik ang atensyon ko
sa batang babae nang magsalita sya. She looked like a living doll. Mahaba ang
alon-alon niyang dark brown na buhok. May full bangs na natatakpan ang noo
niya. Makinis ang balat. Maamo ang mukha at natural ang lambing ng boses. Hindi
mapigilang mapaawang ng labi ko. Geez, fine, she's beautiful.
"Miss?"
Tinawag nya ako. Awp, nagtatanong nga pala sya. Sasagot na sana ako nang
ngumiti sya at magsalita ulit. "I'm Barbie Miya Jang. The SC President.
Now, I hope you'd introduce yourself. And.. kung ba't ka napadalaw."
Nakangiting pagpapakilala niya. She appears to be really friendly.
"Violet
Katsuwara." Monotone na sabi ko. Straight face. No hint of smiling.
Itinaas ko ang hawak kong debit card. "I.. uhh, nasira ko yung pintuan ng
classroom namin. Hindi ko naman sinasadya--err, parang sinadya ko na rin. Gusto
ko sanang bayaran na ang damage as long as hindi ito makakarating sa guardian
ko. By the way, I'm from Class 5-1."
Napaawang naman ang labi
nya nang sabihin ko ang huling sentence. Hindi lang pala siya kundi pati na ang
iba pang ando'n. Halatang nagulat talaga sila. It was like as if they met a
dead yet famous person.
Napalingon sa akin ang
lalaking kaharap ng SC President. Maangas ang naging tingin nya. Idagdag pa ang
mayabang nyang upo. Nakangisi nya akong tiningnan mula ulo hanggang paa. Bagay
'yon na ikinakunot ng noo ko.
"So, you're the neophyte."
Here we go again. Me being 'the' neophyte.
Kinunutan ko sya ng noo.
"So, what?" Mataray na sabi ko.
He soundly smirked saka
muling humarap kay Barbie. "Unbelievable. Magdadagdag na nga lang sila,
babae pa." Nasa tono nya ang pang-iinsulto.
Wala akong naintindihan
sa sinasabi nya pero may idea ako na ako at ang Class 5-1 ang ibig nyang
sabihin. At ayoko ng paraan ng pagsasalita nya. Ang arogante!
"Unbelievable.
Magsasalita na nga lang, yung walang kwenta pa." I found myself saying
with the same tone he used to mock him.
Nagulat nalang ako nang
mabilis na tumayo yung lalaki at sinugod ako! I thought, he was going to punch
me when he suddenly pulled me closer to him by my collar.
"Inaasar mo ba ako,
babae?" Kunot-noong tanong niya habang nananatili ang pagkakakuwelyo sa
'kin.
I felt goosebumps but I
managed to be me. I showed him an annoying grin. "Naaasar ka ba,
lalaki?" Ha! Fetch that!
"Listen up, new
kid." He was gritting his teeth. And I can't help but be nervous. Pero
sinubukan kong panatilihin ang ekspresyon kong blangko. "You did a fucking
terrible mistake by joining them. But then, messing up with 'us' is a more
terrible thing."
"Fourth!"
Tumayo na agad ang SC President at sinaway ang lalaki.
Pawaksi naman akong
binitawan ng lalaking tinawag na 'Fourth'. Pero nanatili pa rin ang
masama nyang tingin sa 'kin. Very deadly yet I managed to appear calm.
"I can't wait a
battle with you." Ngumisi sya tapos tumingin sya kay Barbie--who seemed to
be worried at that moment. "Maybe you should continue this later. Later
when she's already gone." Tinuro nya ako at hindi man lang nya hinintay
ang response ng kahit sino dahil umalis na agad sya. Palabas ng office.
Everyone suddenly sighed
in relief paglabas nya. Hindi ko talaga alam kung anong ginagawa nila bago pa
ako pumasok pero malamang ay disturbing ang presence ng lalaking iyon kaya
nakahinga sila ng maluwag pag-alis nito.
Pero nang tingnan ko si
Barbie, ang SC President, mukhang sya lang sa kanilang limang nando'n ang
worried dahil sa pag-alis ng lalaki. Nakatingin pa rin ito sa nilabasan niyon.
At ako, para matapos na 'to, ay ibinalik sya sa reyalidad sa pamamagitan ng
paglapag sa debit card ko sa harapan niya.
Napalingon sya sa 'kin.
Bumalik ang friendly aura nya. "We don't accept cards, Miss
Katsuwara." Ngumiti sya. "You can withdraw at the school
cafeteria."
I frowned. Ayokong
nagpapabalik-balik. Pero kinuha ko nalang din ulit ang debit card.
"Okay." Saka ako tumalikod para sana maglakad palayo pero bigla syang
nagsalita.
"By the way, have
you read the rules and regulations? Or at least attended the
orientations?" She still sounded calm and kind. Napaharap ako sa kaniya.
"Highlights and colored contacts not allowed." Ngumiti sya. "I
hope I won't see you with those again."
Hindi ko alam pero kahit
na napakabait naman ng way ng pagsasalita nya ay nairita ako. Maybe because
she's obviously younger than me and because of the positions, napagsasabihan
ako. O dahil lang sa mismong pagkakasabi nya sa 'kin--napakabait.
I let my badass side
kicked in. I smirked. "Don't worry. I wouldn't let our paths cross. Ever
again. As if I want it to." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at
tumalikod na ako saka naglakad paalis.
Pagbukas ko ng office
para lumabas, nagulat ako nang makita ang male student na kanina ay kausap ng
president. Nakalean sya sa pader na katabi ng office. Nakacross arms at legs.
Nakayuko din at hindi ko alam kung napansin ba nyang lumabas ako o hindi.
Hindi ko nalang sya
pinansin at maglalakad na sana palayo nang bigla syang magsalita. "I
didn't like the way you talked to her." Uh, hindi ba sound proof yung
office ng president? I thought it was. Unless he left the door half-open.
Hinarap ko sya. Tinuro
ko ang office na nilabasan ko gamit ang thumb. "You mean, the lovely-dovey
president?" Ngumisi ako. "You like her?" I had this mocking
tone.
Inangat nya ang ulo at
sinalubong ang tingin ko. Ngumisi din sya. "You're pretty brainless.
Ngayon, nagtataka ako lalo kung ba't ikaw ang ipinasok nila."
Tumalim ang tingin ko sa
kaniya at napaangat ang isang sulok ng labi ko. His second sentence doesn't
bother me. The first one does. "You did not call me brainless."
Mapang-asar naman syang
humalakhak. "I just did."
That's it! Hindi ko na
napigilan ang sarili ko at sinugod sya. Saka ko sya kinwelyuhan habang
itinutulak lalo padikit sa pader. Mas ikinainis ko pa ng nananatili sa mukha
nya ang ngisi.
"You're annoying
the hell out of me." Inis na sabi ko.
Nakangisi pa rin sya
pero bago pa sya magsalita, may humila na sa 'kin palayo mula sa likod.
"I can't believe
this!" Sabi ng teacher na nagbukas ng pinto sa 'kin kanina. Tiningnan nya
ako. "You're such a trouble maker for a transferee!" Bulyaw nya.
Pawaksi ko namang inalis
ang hawak ng mga estudyante sa akin. "I also can't believe how badass your
students are here, Ma'am." Binalingan ko ng tingin ang lalaki. And with
the same tone he used a while ago, I said, "I can't wait a battle with
you." with gritted teeth saka ako nagmartsa palabas ng office na 'yon.
Now, can someone tell me
how good my school year will be?!
Chapter Four
Prank
"Ba't hindi ka pa rin pumapasok?"
Napatalon ako sa gulat
nang may magsalita sa likod ko. Agad akong napalingon kung sino 'yon. Isang
matangkad na lalaki. Siguro hanggang tenga nya lang ako. He seemed to be
familiar.
Napakunot ang noo ko.
"Nagkita na ba tayo dati?"
Ngumiti sya ng malawak.
"Yeah. The first one was when you left your schedule in a tech
room." Right, sya yung lalaking nagbalik ng schedule ko! "And
if you didn't notice, I'm one of your classmates." Pagkatapos nyang
sabihin yun ay naglakad na sya papasok ng classroom ng Class 5-1 kung saan
kanina pa ako nakatayo dahil nagdadalawang isip akong pumasok.
My jaw dropped. How
am I supposed to react with that? This is frustrating. Tiningnan ko
ang wrist watch ko. Five minutes pa bago ang oras ng pagsisimula ng first
period. Muli kong sinulyapan ang nakabukas pa ring pintuan ng Class 5-1.
Napabuntong-hininga ako. You've got no choice, Violet.
Huminga muna ako ng
malalim saka nagkaroon ng lakas ng loob para pumasok sa loob ng classroom
namin. Mukha naman silang walang pakialam nang tanawin ko pero pagpasok ko,
nagkamali ako.
"BWAHAHAHAHA!"
"HAHAHA!
EPIC!"
"WHOOO!
LUPEEET!"
Damn. It.
Nanatili akong
nakapikit. Hindi ko alam kung paano didilat. This is too much! Isang
balde ng hindi ko alam ang bumuhos pagpasok na pagpasok ko ng room. Pero sa
tingin ko, isang balde 'to ng ketchup.
Puno pa rin ng tawanan
ang buong classroom nang punasan ko ang magkabila kong mata at dahan-dahang
dumilat. I swear, if glare could kill, I'm a criminal by now.
Hinahanap ko sa
nagtatawanang crowd ang leader ng klase na sabi ni Cortez ay si Kento. At
nakita ko sya sa dulo ng classroom na nakasandal sa isang broom box. Siya lang
sa kanilang lahat ang hindi tumatawa. Napapagitnaan pa sya ng dalawang lalaki.
At ang isa doon ay yung.. yung lalaki sa technology building.
Pakiramdam ko, umusok
ang ilong at tenga ko sa sobrang inis ng mga oras na 'yon. Malalaki at
mabibilis ang ginawa kong mga hakbang hanggang sa naging katapat ko na si
Kento.
Nakatingin lang sya sa
'kin. Seryoso at walang emosyon. Nakapamulsa sya habang diretso akong
tinititigan na para bang wala man lang epekto ang nag-aapoy kong mga tingin.
"Explain."
Isang salita na pinuno ko ng galit at inis. Maawtoridad sa kalmadong paraan.
But he remained staring.
Staring and staring. Wala syang balak magsalita?! As if a bell rang,
kinwelyuhan ko sya at nagdulot 'yon ng gasps sa paligid. Namantsahan na ng
ketchup ang polo nya dahil sa kamay ko. Still, he remained staring at me with
serious expression.
"Ano bang problema
mo?" The annoyance was evident in my voice.
Hindi pa rin sya
sumasagot. Gah, sumusobra na sila! At naiinis na ako sa lalaking 'to! This is
too much! Nang hindi pa rin sya sumagot, mahigpit ang kamaong itinaas ko at
nang susuntukin ko na sya, saka naman ako itinulak palayo ng isang lalaking
katabi nya.
Napaatras ako sa lakas
ng tulak nya. Sa tumulak naman ako napatingin ng masama. "You're quiet
impressive for a weakling. Still, know your place." He threatened me with
a mocking tone and a smirk.
Bago pa ako sumagot,
nagsalita na rin yung isa pang lalaking nasa tabi ni Kento. The one who spoke
to me earlier ago.
"You look so
fragile. Hindi ka dapat nandito. Ano nga bang ginawa mo para makapasok?"
Nakangiting sabi nya. Though his smile did not appear friendly. More like
danger. Makapasok? Makapasok saan?
Kumunot ang noo ko.
"What are you talking about?"
Nakangiti pa rin sya
tapos napailing-iling saka nagcross arms. "I'm pretty sure you gained some
knowledge about us from Cortez." Steal? Steal Cortez?
Kunot-noong napailing
ako. "You're making no sense. Joining your section was never been my
choice." I tsked. "So stop this shit before I totally mess up!"
Tiningnan ko sya ng masama at pagkatapos ay nilingon ko si Kento. Walang
sabi-sabing sinugod ko sya at dahil caught-off guard sila, hindi na nila ako
napigilan.
Pero mukhang alerto si
Kento at napaiwas sya kasabay ng paghawak sa wrist ko na dapat ay susuntukin
sya. There, nawala ang pagiging seryoso ng ekspresyon nya. Nagtiim ang mga
bagang nya at tumalim ang tingin sa akin. Isa iyong bagay na sa hindi malamang
dahilan ay ikinakakaba ko. Napalunok ako nang ilapit nya sa akin ang mukha nya.
"It's all up to you
now, neophyte." At pawaksi nyang binitawan ang kamay ko. It's all
up to me? Anong ibig nyang sabihin?
Bago pa ako makapagreact
ay biglang may boses na nangibabaw sa platform. A teacher.
"Good morning
everyone!"
Napalingon ako sa
platform at nakita ang isang matandang babae. Mukhang nasa early 30's. Mukha
syang terror. Katabi nya si Miss Andrea at katabi ni Miss Andrea ang isang
lalaki. Ang huling tao sa kanilang apat ay ikinagulat ko. The SC President. The
living doll SC President. What is she doing here?
"Miss
Katsuwara." Bigla akong tinawag ni Miss Andrea in a way na sinasaway nya
ako.
Napakunot noo naman ako
at doon ko ibinalik ang tingin sa mga kaklase ko. Nagulat ako nang malamang
wala na silang lahat na kanina ay nakapalibot sa amin. Wala na si Kento sa
harapan ko. Wala na ang mga kaklase kong nag-iingay. Tumahimik na. Nang ilibot
ko ang tingin sa classroom, gustong malaglag ng panga ko nang makitang lahat
sila ay nasa kani-kaniyang upuan. Tahimik at seryoso na animo'y taimtim na
nakikinig sa nasa unahan! Hanep!
Wala akong nagawa kundi
ang umupo sa upuan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala. Anong nangyari at sa
isang iglap ay nagsipagbalikan sila sa upuan nila? And worse, they looked like
a behave class right now. Very ironic.
"Miss Katsuwara.
Anong nangyari sa 'yo?" Tanong ni Miss Andrea.
Just then I remember I
am soaked with ketchup. Napatingin ako sa sarili ko. Halos hindi na makita ang
kulay ng buhok ko at ng uniform ko dahil sa sobrang ketchup.
Bago pa ako sumagot,
naunahan na ako ng seatmate kong lalaki. "Ah. Science Experiment,
Miss."
Napangiwi ako sa sagot
nya. Science Experiment? Pss. Pero nang tingnan ko yung apat sa unahan, mukha
naman silang kumbinsido. Heck?
Ngumiti si Miss Andrea.
"You may excuse yourself."
Agad naman akong
napatayo. "Thank you." At kinuha ko na ang bag ko.
Habang naglalakad ako
paalis ng classroom, nagsasalita na ang teacher na kasama ni Miss Andrea.
"Miss Andrea will
have an observation under the head of Math Department--Mister Aurolio--and the
SSG President--Miss Barbie Miya Jang--for report and documentary. Everyone
shall behave."
Ramdam kong sinusundan
ako ng buong Class 5-1 ng tingin. Still, hindi pa rin ako makapaniwala. Ang
tahimik pa rin nila at parang maaamong tutang nakikinig sa amo. Ganiyan ba sila
tuwing may observation? O tuwing ang mukhang terror na teacher na 'yon ang
nando'n? Hindi ko alam.
Paglabas ko ng
classroom, nagsisipaglingunan ang ilang mga estudyante sa paligid. I didn't
care. Nanlalagkit na ako sa ketchup na nakabalot sa katawan ko. Isa pa, I came
from 5-1. I think, this is not surprising.
Nang makababa ako sa
ground floor, nakita ko sa dulo ng hallway si Steal na may kausap na babae.
Hindi sya yung unang babaeng nakita kong tumawag sa kanya. Hindi rin yung
pangalawa. In short, panibagong babae. Tsk tsk. Ibang klase.
Hindi ko nalang sila
binigyan ng pansin at dumire-diretso na para sana lumabas na ng building kaso
bago ko pa maiapak ang paa ko sa labas, may tumawag na sa pangalan ko.
Napalingon ako sa pinanggalingan no'n at nakita ko si Cortez na tumatakbo
palapit sa akin.
"Mylabs!"
Bungad nya habang nakangiti.
Kinunutan ko sya ng noo.
"Gusto mo ba talagang paduguin ko ang labi mo?" Tumawa lang naman
sya. Inikot ko ang tingin sa paligid namin at ibinalik sa kaniya ang tingin.
"Anong ginagawa mo dito?"
He frowned. "Para
namang ayaw mo akong makita."
Matunog akong ngumisi.
"Sino bang nagsabing gusto ko?"
Tumawa sya at napailing.
"As I've expected." Tinuro nya ang pinanggalingang direksyon.
"Dito yung locker room namin."
Napatango naman ako.
Wala akong maisip isagot kaya nag 'okay' nalang ako. Ngumiti na naman sya at
pinasadahan ako ng tingin.
"Porma ba
yan?" Natatawang sabi nya na ang ketchup sa katawan ko ang
pinatutungkulan. Sinamaan ko tuloy sya ng tingin. "Pfft. Tara. Tara."
Tapos tumalikod na sya at nagsimulang maglakad pabalik sa pinanggalingan nya.
"Saan?" Tanong
ko pero sumunod din naman ako.
"Hindi ko pa rin
makuha ang logic kung ba't sa building nyo inilagay ang locker room
namin." Ang layo ng sagot nya. Pss. Pumasok kami sa isang kwarto. Nang
libutin ko yon ng tingin, do'n ko nalamang ito rin yung locker room na
pinasukan namin nung hinila nya ako paalis sa harap ng Class 5-1.
Binuksan nya ulit yung
isang locker room--I think, that's his. Tapos may kinuha sya at itinapon sa
'kin---na tumama na naman sa mukha ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti
lang sya. Nang tingnan ko kung ano yung itinapon nya, sinamaan ko na naman sya
ng tingin.
"Anak
ng---polo?" Hindi makapaniwalang sabi ko.
He shrugged. "Wala
na pala akong extra shirt eh. Bahala ka kung susuutin mo o hindi."
I rolled my eyes.
"Pupunta nalang ako sa clinic at dun manghihiram ng shirt."
Nakangiti syang umiling.
"Nah-ah. Hindi mo alam? One week na yong sarado."
Kinunutan ko sya ng noo.
"Ha? Wala bang substitute o temporary room? Pa'no kung may
maaksidente?"
Tumuro sya sa right side
nya. "There's what you call 'Mysterecy Hospital' of Medical
Department." Kinowt pa nya sa ere ang Mysterecy Hospital.
Napailing ako.
"Ibang klase." I murmured.
Dumiretso na rin ako sa
shower room pero pagbukas na pagbukas ko niyon, may lalaki!
"Shit!" Sabay
pa kaming napasigaw at nagkatalikuran.
Napatingin naman sa
direksyon namin si Steal. "Whoa!" Mabilis nya akong hinila palayo sa
lalaki. "Anong ginagawa mo dyan?" Tanong nya dun sa lalaki.
Nakarinig ako ng
kaluskos ng paggalaw pagkatapos ay naglakad. I guess, it's now safe to look.
Nang tingnan ko, nakatopless yung lalaking nanggaling sa shower room.
Tiningnan nya ako habang
pinupunasan ng tuwalya ang basa nyang buhok. "I should be the one asking
her that." Itinuro nya ako.
Nagtama ang paningin
namin at naningkit ang mata ko. Then realization hit me. "You're that
arrogant jerk!/You're the neophyte!" Halos sabay na sabi namin sa isa't
isa. Sya yung lalaking kausap ng SC President nung araw na pumunta ako sa SC
Office.
Nagpalit-palit naman ang
tingin sa 'min ni Steal. "Magkakilala na kayo? That's good."
Napangiwi si.. who is he
again? "Alam mo bang locker room 'to ng mga lalaki lang?" Tanong nya
sa 'kin.
Bago pa ako sumagot,
bigla nalang may nagsipagpasok. Napalingon kaming tatlo sa may pintuan at
nakita ang tatlo pang lalaki. Gaya ng aroganteng lalaki ay nagulat sila
pagkakita sa 'kin.
"Whoa! Nakikita ba
ninyo ang nakikita ko?"
"Dude, ba't may
chix dito?"
Napakamot ng ulo si
Steal. "Aish! Aish! Isarado nyo ang pintuan!" Utos nya sa mga nasa
pintuan. Nang hindi sila magsipaggalaw, sumigaw ulit si Steal. "I said,
shut the door!"
Para namang natauhan
yung tatlo at isinarado nung isa ang pintuan. Kaso bago pa makalapit sa amin
yung lalaking nagsara, may kumatok sa pinto. Pinanood naman namin syang buksan
ng maliit yung pinto at kausapin ang kung sinuman. Ilang segundo lang, nilingon
nya si Steal.
"Pre, hinahanap ka
ni Naomi. G*go ka daw." Tumawa siya. "Hindi mo daw sinipot."
Napangiwi si Steal at
napakamot ng batok. "Sabihin mo, mamaya ko na sya kakausapin."
Kinausap ulit nung
lalaki tapos sinara na nya at lumapit na ulit sa amin. Napailing lang naman
yung aroganteng lalaki. Pss, ano nga ba kasing pangalan nito? Hindi ko maalala.
"Ba't may fifth
year dito?" Sabi ng isa sa mga lalaki paglapit sa 'min. Mga second year
senior high sila gaya ni Cortez based sa kulay ng suot nilang mga platename.
Obviously, two years ahead of me.
Hinead to foot naman ako
ng tingin ng isa pa. "Not just a fifth year. A female fifth
year."
"At puro pa sya
ketchup!" Dagdag ng tatlo dahilan para magtawanan sila kasama si Steal
maliban do'n sa lalaking arogante. Pss, ang alam ko, number ang pangalan nya.
Uno? Dos? Tres?
"Lock the door.
This could create a commotion." Sabi ulit ng lalaking hindi ko pa rin
matandaan kung sino.
"Sandali nga,
Fourth at Steal.." Itinuro ng isa sa tatlong lalaki sina Steal at Fourth.
Right, finally, naalala ko rin. Fourth ang pangalan nya. "Sino ba sa inyo
ang nagdala sa kaniya dito?" Tanong nya na ako ang pinatutungkulan.
"Ako. Ngayon, baka
gusto nyo nang i-lock ang pintuan?" Sarcastic na ngumiti si Steal.
May isa namang pumunta
do'n para i-lock ang pintuan. Tiningnan ako ni Fourth at iyon na naman ang
smirk niya.
"Who would've
thought we're having this kind of set-up with rookie little princess?"
Sarkastikong sabi nya.
"Little princess my
ass." Inis na sagot ko. I'm getting a lot of nicknames recently.
Para namang nagulat do'n
yung tatlong lalaki at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Iritable ko naman
silang kinunutan ng noo.
"Ano?"
Iritable kong tanong.
"You're 'the'
neophyte?" Hindi makapaniwalang sabi ng isa.
I tsked. Hindi ko rin
alam kung ako ba ang neophyte na sinasabi nila. Pero sumagot si Steal ng 'yeah'.
Buti pa sya alam nya.
Ginesture ni Fourth ang
nilabasan nyang shower room. "Magpalit ka na. I don't like a Dexter's
presence here."
Huh? Dexter? Bago pa ako
makapagtanong tungkol do'n, itinulak na ako ni Steal papasok sa shower room.
Napatingin ako sa polong
hawak ko. Geez. Am I really going to wear this? Napailing ako. Wala na naman
akong choice. Siguro, pupuntahan ko nalang si Snow mamaya at sya ang hihiraman
ko. Maghuhubad na sana ako pero naalala kong lima silang lalaki sa labas.
Gaaah, wala naman siguro silang masamang balak sa 'kin? Kung meron, talaga
namang wala akong laban.
"Ang tagal mo
naman?!" Biglang sumigaw ang isa sa kanila.
Napatalon ako sa gulat.
"Sandali! Maghintay ka!" Pss, atat!
Ilang segundo palang
akong nasa loob, nagpaparinig na sila na kesyo ang tatagal daw talagang
magsipagkilos ng mga babae at ang daming kaartehan. Sa inis ko, wala pa yatang
dalawang minuto, natapos na ako at pabalyang hinawi ang kurtina.
"Ngayon mo sabihing
babae ang kasama natin kanina, Bryan." Natatawang sabi ni Cortez.
Tiningnan nila ako at
ang suot kong polo saka sila nagsipaghagalpakan ng tawa.
"Tatahimik kayo ng
kusa o tatahimik kayo ng may pasa?" Inis na babala ko.
Napatingin na naman sila
sa akin. Two seconds and they bursted out in laughter. That's it! Malakas ko
silang hinawi in a way na tinulak ko sila pagilid.
"Sa inyo na yang
locker room nyo!" Pasigaw na pamamaalam ko at lumabas. Pagsara ko naman
nang pabagsak sa pintuan, may lumapit sa aking babae. Based sa border line ng
platename, isang first year senior high.
Mukha syang nagulat
dahil galing ako sa isang boys' locker room pero hindi nagsalita tungkol dun.
"Uhm. Nandyan ba si Steal?" Mahinhing tanong nya.
Isang iritableng tingin
naman ang ibinigay ko sa kanya. "Mukha ba akong hanapan ng nawawalang
tao?"
Napakagat labi naman
sya. "Uhm, kung oo, pwede bang pakisabing hinahanap ko sya? I'm Vivian, by
the way."
Para namang mauubusan ng
pasensya na ipinikit ko ang mata ko saka ulit sya inis na tiningnan. "Tell
him yourself! He's inside!" Saka ako naglakad paalis. "Ugh!
Seriously!"
Pagdating ko sa
classroom, sinalubong din ako ng tawanan ng buong Class 5-1. Palibhasa, tapos
na yata agad yung observation dahil wala na yung teachers at SC President dito
kaya nagagawa na naman nilang magwalwal. Nakasimangot naman akong dumiretso sa
upuan ko. Hindi ako umupo. Wala akong balak na magtagal dito. Kukunin ko lang
sana yung bag ko pero wala!
"BWAHAHAHAHAHA!"
"Sabi ko na nga ba,
hindi babae 'to eh!"
"Oy. Sabihin mo
nga, dati kang barako 'no?"
"SHUT UP!"
Sinigawan ko na ang mga kaklase ko dahil ang iingay nila pero gaya ng
inaasahan, wala namang epekto!
Nasaan na ba ang bag ko?
Yumuko ako para tingnan sa ilalim pero wala. Sa row namin, wala.
Nagpalinga-linga ako para hanapin ang bag ko. Nagulat ako nang may humila bigla
ng buhok ko mula sa likod.
"Ba't pinapapasok
ka ng guard kahit may violet highlights ka?"
Nilingon ko at nakita
ang isa sa mga kaklase ko. Hawak nya ang buhok kong may kulay.
Napaangat ang isang
sulok ng labi ko. "Kamusta ka naman na may hikaw?"
Nginisihan nya lang ako
at bago pa sya makasagot, bigla namang may sumigaw.
"Ito ba hinahanap
mo?!" Hawak hawak nya at tinataas ang bag ko! Medyo malayo sya sa kin. May
katabi pa syang lalaki at parehas silang pangisi-ngisi.
"Ibigay mo sa 'kin
yan." Nagbabanta ang tono ko.
He smirked. "Kung
hindi, anong gagawin mo?" Itinaas nya ang bag ko at yung katabi nyang
lalaki, inilagay sa ilalim ng bag ko ang isang balde ng tubig.
Dahan-dahan naman akong
naglakad palapit sa kaniya. "Ibabalik mo yan ng kusa o ibabalik mo 'yan
nang may pasa?"
Tumawa sya ng
mapang-asar. Nagsalita sya pero hindi ko na naintindihan ang sinabi nya nang
magsimula ang mga kaklase kong pagbabatuhin ako ng crumpled papers kasabay ng
pagbo 'boo!'.
Argh! They're being too
much! Sinugod ko ang lalaking may hawak ng bag ko pero bago ko pa sya tuluyang
malapitan, hinulog na nya sa isang balde ng tubig ang bag ko!
Hindi ko na alam kung
anong nangyari at paano nagsimula. Basta ang alam ko, nagkagulo na sa
classroom. Nagkaroon ng water war. Hindi ko alam kung sa'n nanggaling ang mga
tubig pero may mga hawak silang balde at tabo na syang ginagamit nilang
pang-atake.
As for me, nangunguha
lang ako ng balde ng may balde. Hindi ko alam pero mas mukha kaming naglalaro
kesa nag-aaway. Lahat nga kami basa na dahil mismong sila-sila, nagbabasaan.
Pero ako pa rin ang main target nila. At mukhang ako ang pinakabasa. We're 15 in
class. Anong magagawa ko sa dami nila?
Natigil lang kami nang
biglang bumukas ng malakas ang pintuan ng classroom. May isang lalaking sumigaw
at pumasok.
"WHAT KIND OF MESS
IS THIS, CLASS 5-1?!"
Lahat kami ay napahinto.
Parang na-froze ang isang movie. Nakataas pa rin ang dalawang siko ko na
ipinanghaharang ko sa mga tubig. May dalawa akong kaharap na lalaki at parehas
silang may hawak na balde na nakatutok sa akin. Almost gano'n din halos lahat
ang hitsura ng iba. Gulo gulo ang mga upuan, walang bakas ng tamang lining.
Nakakalat ang mga basang bag. Basa ang sahig, board, displays at iba pa. A
total disaster.
"Everyone! In
Discipline Office. NOW!"
Uh-oh.
Chapter Five
The Female Badass
"Hoy, Winmar! Ayusin mo nga yan! Nagkakalat ka lang eh!"
"Tang *** naman!
Ang bopols mo! Gan'to kasi!"
"Papalitan na kaya
natin 'tong mga upuan na 'to? Mga uugod-ugod na pards."
"Holy Christ!
Sabihin nyo nga, sinong nagpasimula ng tang ---ng water fight na 'yon?!"
Ang gulo-gulo ng buong
classroom habang nagsisipag-ayos kami. Takbo dito, takbo do'n ang lahat.
Idagdag pa ang pasigaw nilang pag-uusap. Nanahimik lang sila nung...
"EVERYONE, SHUT THE
HELL UP AND DO YOUR JOBS!"
Bumalik sa sari-sarili
nilang gawain ang buong klase nang sumigaw ang leader--si Kento. Of all people,
sa kaniya siguro pinakaunfair ang pag-aayos ng nabasang classroom namin dahil
during the water fight, nasa labas sya ng classroom at tahimik lang kaming
pinapanood. Ngayong napagalitan kami, kasama sya sa mga maglilinis. Dahil ang
sabi ng male facilitator na sumaway sa 'min, siya raw ang 'president' at dapat
ay binabantayan nya ng maayos ang klase.
Akalain nyo yun? May
officers din pala sa Class 5-1. Though, wala akong matandaang nagkaroon ng
botohan. Siguro nung first day na absent ako? O talagang ever since, siya na
yung President.
Ang Vice President,
based sa sinabi ng lalaking facilitator na nakilala ko bilang Mr. Rod, ay si
Trace. Trace Villamor. Siya yung parating kasa-kasama ni Kento. At ang
secretary naman ay si Macky. Yung lalaking nagbalik ng schedule ko sa 'kin nung
araw na pumunta ako ng Technology Building.
"Nagsasayang ka ng
pintura."
Nagulat ako nang may
humablot ng paint brush mula sa kamay ko. Nilingon ko kung sino 'yon at nakita
si Kento. Kunot-noo nya akong tiningnan. Halatang nababadtrip. Pss, eh di sya
ang magpintura. Hindi ko rin maintindihan kung ba't kailangan naming magpintura
samantalang nabasa lang naman ang classroom.
Sasagot sana ako nang
may humila naman sa 'kin patayo mula sa likod. Pagtingin ko kung sino, nakita
ko si Macky.
"Ano ba!"
Winaksi ko yung kamay nya paalis sa pagkakahawak sa 'kin.
Nanatili naman syang
nakangiti sa 'kin. "Parehas kayo ni Kento." Natatawa-tawang sabi nya.
Nginiwian ko sya. Yuck.
Saang aspect? Tapos biglang lumapit sa 'min si Trace. Silang dalawa ang
parating kasama ni Kento. Si Macky yung laging nakangiti at si Trace naman yung
may maamong mukha. Paminsan-minsan ngumingiti sya.
Sinulyapan ni Trace si
Kento na nakaupo habang hinahalo yung kulay puting pintura tapos tumingin sya
sa 'kin.
"Get her out of
this room." Biglang nagsalita ang nakaupong si Kento saka nagsimulang
ipagpatuloy ang pagpipintura ng pader.
"What the
hell?!" Sinigawan ko naman sya. "What are you? A boss?! Kung
makapagsalita ka---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla syang
tumayo.
Napatingala ako sa
kaniya at napayuko sya sa 'kin. "Get. Out." Seryoso yung pagkakasabi
nya.
Naramdaman kong kumunot
ang noo ko. "What the hell is wrong with you?! Tumutulong na nga
ako--"
"Inuubos mo ba
talaga ang pasensya ko?!" Napagitla ako nang bigla syang sumigaw.
"You're not helping at all. You're actually the reason of this whole
bullshit." He gritted his teeth. "At ilang beses ko bang kailangang
sabihing hindi ka kasama sa klaseng 'to? Now, get out and find a way to be in
other section." Iyon lang at tinalikuran nya na ako. Yumuko sya para kunin
ang pintura at naglakad paalis.
Napaangat ang isang
sulok ng labi ko. "Psh. Akala mo, kung sino." Bulong ko sa sarili ko.
I don't want him to hear me. Ayoko din namang masangkot pa ulit sa away.
"Hey, damsel."
Biglang nagsalita si Trace.
Inis ko syang nilingon.
"Ano?!"
Humalakhak naman bigla
si Macky. "Dude, they are so alike." Natatawang sabi nya.
Natawa din si Trace.
Hinawakan nya ako sa dalawang balikat at iginiya palabas ng classroom.
"You know what, I'm
actually fine with you. But a rule is a rule." Sabi nya habang naglalakad
kami palabas.
Hindi na ako
nakapagsalita dahil pagtapak na pagtapak ng paa ko sa labas ng classroom, ngumiti
si Macky at sinigawan ako ng 'Have fun!' saka pabagsak akong sinarhan ng pinto.
Great.
Okay na din. Wala akong
gagawin. Bahala na silang mag-ayos ng pinakamamahal nilang classroom! Psh.
Nagpamulsa nalang ako at
naka-chin up na naglakad paalis. Basa at puro pintura pa rin ang suot kong polo
ni Steal habang naglalakad pero wala namang kahit na sinong estudyante ang
nandito ngayon sa hallway. Ang totoo, nalaman ko kay Steal na kami lang ang
class na nandito sa buong building.
May tatlong room dito sa
second floor. Sa dulo ang pinakamalaki--ang classroom namin. Ang unang room ay
storage room kaya paminsan-minsan ay may mga estudyante para kumuha o maglagay
ng kung ano. Ang pangalawang kwarto naman ay ang locker room ng Class 5-1. Sa
kasamaang palad, mukhang walang slot para sa 'kin. Isa pa, ayoko rin namang
magkaroon ng locker do'n. Delikado.
Sa ground floor naman ng
two-storey building na 'to ay may apat na room. Ang una ay ang boys' locker
room ng section nina Steal. Ang pangalawa ay girls' locker room ng section pa
rin nila. Ang pangatlo at pang-apat ay hindi ko alam.
One more thing that
makes this building different from the other buildings. Napakamodern ng design.
Malayong-malayo sa pag-aakala kong luma dahil ito lang ang nag-iisang
two-storey.
Pagbaba ko sa ground
floor, napakunot ang noo ko nang matanaw ang limang babae sa dulong classroom.
Para silang sumisilip sa room--ang boys' locker room ng section nina Steal.
Pss, stalkers?
Hindi ko na sila
pinansin at lalagpasan nalang sana nang makita ko ang isa sa mga babae. Siya
yung nakabanggaan kong babae. Napansin nya yatang tinitingnan ko sya kaya naman
bigla nya akong tiningnan at tinaasan ng kilay.
"What are you
looking at?" Ang taray pa rin ng tono nya.
Napangisi ako at
napailing. "Hindi ba dapat ako ang magtanong nyan sainyo?" Itinuro ko
ang room na sinisilipan nila. "Boys' locker room yan diba?"
Mukhang hindi nya yata
nagustuhan ang sinabi ko at bigla nalang syang nagmartsa papalapit sa akin pero
bago pa sya magbitaw ng kung anong bitch line, bumukas na ang pintuan ng boys'
locker room. Sabay-sabay kaming napalingon at nakita na kalalabas palang ni
Steal, Fourth at isa pang lalaki.
"F-Fourth.."
Napatingin ako sa
mataray na babae. Luh? Biglang naging maamong palaka?
"Hi Steal.."
Bati naman nung dalawa na halatang mga kinikilig.
Hindi sumagot si Fourth.
Nakangiti namang nagwave sa kanila si Cortez. Pss. Higad talaga. I
rolled my eyes heavenwards saka tumalikod at nagsimulang maglakad paalis nang
bigla akong tawagin ni Steal.
"Mylabs!"
Napalingon naman ako sa
kaniya nang sumabay sya sa paglakad ko. Nginitian nya ako. "Dapat bang
hindi na ako magtataka sa tuwing lalabas ka ng classroom nyo ng madumi?"
Napatingin naman ako sa
polo nya na hiniram ko lang. "Ano, lalabhan ko nalang 'to."
Umiling sya ng
nakangiti. "Sa'n ka ba papunta?"
Napakamot naman ako ng
ulo. "Hindi ko rin alam." Tapos naalala ko naman bigla yung sinabi sa
'kin ni Kento. "Oy Cortez.."
Natawa sya. "Look.
I'm calling you 'mylabs'. Hindi ba dapat 'yon din ang tawag mo sa 'kin?"
Sinamaan ko naman sya ng
tingin at binigyan ng mahinang suntok sa braso. "Pss. Itatanong ko lang.
Sa'n ako pwedeng pumunta para magpalipat ng section?"
Napatingin naman sya sa
'kin na parang nagugulat. "Ba't magpapalipat ka?"
I rolled my eyes
heavenwards. "Sa tingin mo, makakasurvive ako sa Class 5-1?"
Sarcastic na tanong ko.
Tumawa sya. "You
did! Halos isang linggo ka nang napasok sa kanila."
Napailing ako. "Oo
at halos isang linggo na din akong lumalabas ng dugyot sa kanila."
"About that. Wala
ka na bang ibang mahihiraman ng damit? Wala na 'kong extra shirt!"
I frowned. "As if
gusto ko ang malalaking tee shirts mo." No choice lang ako.
"Hindi mo gusto pero
sinusuot mo naman. Ikaw na nga yata ang nagamit ng extra shirts ko. Next time,
bibili na 'ko para sa 'yo." At tumawa na naman sya.
Napaangat naman ang
isang sulok ng labi ko. "Hindi ko naman sinabing pahiramin mo 'ko
eh."
Tiningnan naman nya ako
at tinulak ang forehead ko gamit ang hintuturo nya. "Ba't di ka nalang
magpasalamat, Violet-mylabs?"
Napanguso ako. "No
way. Maliban nalang kung titigilan mo ang kaka mylabs! Yuck. Kadiri. Lumayo ka
nga!"
Bigla nya naman akong
inakbayan! Ang higpit ng akbay nya tas bigla nyang ginulo ang buhok ko.
"Si Violet ka nga!"
Tinulak ko naman sya
palayo. "Hoy, ano ba! Nanananching ka eh!" Ayaw nyang lumayo kaya
naman jinob ko na sya sa sikmura.
"Aray naman,
Violet-mylabs! Ganyan mo ba ipakita ang sweetness mo?" Umarte syang parang
nasasaktan.
Hindi ko na napigilan at
natawa ako. "Tigilan mo nga ako, Cortez. You look pathetic."
Umayos naman sya.
"Gwapong pathetic." At nagpose pa.
I rolled my eyes and
muttered, "Ang lakas ng hangin."
Tumawa na naman si Cortez.
"Ang cool ko kasi."
Tinulak ko sya palayo.
"Iluwa mo nga ang electric fan!"
Pero tumawa lang ulit
sya.
For a week, I can say
that Steal Cortez became my friend. Ewan ko ba. Hindi naman raw nya ako
sinusundan pero lagi naman kaming nagkikita. Isa pa, parati namang sya ang
nagpapahiram ng shirts sa 'kin tuwing may prank ang mga kaklase ko. Medyo
badtrip pa din ako sa kaniya dahil sa dalawang atraso nya sa 'kin pero vibes
naman kami. Madalas naman pinagtitripan lang din nya ako na ginagantihan ko rin
ng pantitrip.
Pero isa din si Cortez
sa mga dahilan kung ba't mas marami pa sa inaakala ko ang mga estudyanteng
galit sa akin. Dahil nga madalas kong suutin ang tee shirts niya--na may
apelyido niya sa likod--marami sa mga babae ang parati akong tinatapunan ng
masasamang tingin. Sa hindi malamang dahilan, sikat pala ang lokong 'to sa
Campus. Sikat bilang 'casanova'. Tss. Iyon ang sa tingin ko dahil kung
sinu-sinong babae ang madalas kong nakikitang kasama niya at halos lahat yata
ng babae eh tinatawag niya ng 'mylabs'.
"Kilala mo si
Snow?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa ground. Naalala kong
binanggit ni Snow ang pangalan ni Steal nung unang araw ko dito sa school. Isa
pa, nasa iisang building sila.
"Snow
Crisostomo?" Tanong ni Steal. Busy sya sa paglalaro sa cellphone nya.
"Oo. Sa kaniya sana
ako manghihiram ng shirt." Sagot ko.
Bigla naman syang
napahinto at napalingon sa 'kin. Mukha nga syang gulat na gulat eh. Tinaasan ko
naman sya ng dalawang kilay.
"Ba't ganyan yang
tingin mo?" Tanong ko.
Nagpatuloy sya sa
paglalakad at binalik nya ang tingin sa cellphone. "Wala. Kaklase ko sya.
Hindi ko lang akalaing may kakilala ka palang tulad nya."
"Anong tulad
nya?"
Parang batang napakamot
naman sya sa ulo nya at ngumiti sa 'kin. "She was one of my flings."
Nanlaki naman ang mata
ko. Napaatras pa nga ako ng dalawang hakbang. But then, that's Snow, afterall.
Binalik ko ang tingin sa daan.
"Pinsan ko
sya."
"Oh." Napatango
si Steal. "Kaya pala. Mother side?"
"Yep. Magpinsan
parents namin." Napatingin naman ako sa dinadaanan namin. "Sa'n nga
pala tayo papunta? Wala ka bang klase?" Tiningnan ko ang wrist watch ko.
"It's already 8:46."
Para naman syang
natauhan. "Oo nga pala." Napakamot na naman sya ng ulo.
Tinuro ko ang building
nila na malapit na sa 'min. "Gesge. Ayun na yung building nyo oh."
"Hindi mo ba
pupuntahan si Snow?"
"Hindi na. Hindi
nalang pala ako papasok ng hapon. Ge na, alis na."
Tinap nya ako sa
balikat. "Grabe, tinataboy mo talaga ako eh 'no? Aalis na 'ko. Bye
mylabs." Kumindat pa sya.
Bago pa ako magsalita eh
tumakbo na sya palayo. Nung medyo malayo na sya, may sumalubong naman sa
kanyang babae. Bagong mukha na naman. Umakbay sya dun at sabay silang naglakad.
Napailing nalang ako. Halos lahat yata ng babae eh 'mylabs' ang tawag
nya. Saka palagi nalang may babaeng naghahanap o nakasunod sa kanya! Pss. No
wonder he's labeled as casanova of the campus.
Napatingin ako sa
paligid. Sa'n na kaya ako pupunta? Uuwi nalang siguro ako. Pero pa'no ako
lalabas? Ah, hihintayin ko nalang ang lunch break. Napatingin ako sa paligid.
Sa'n naman ako maghihintay?
Nang may makita akong
bench, dumiretso na ako agad do'n at umupo nang nakasandal sa isang puno. Pumikit
ako at balak kong matulog nalang muna. Hahayaan ko nalang na gan'to ang suot
ko. Ang weird pero wala naman talaga akong pakialam sa iisipin ng ibang
students.
Ilang minuto na rin
akong nakapikit nang bigla nalang may tumamang bola sa ulo ko!
"Anak ng!"
Agad akong napadilat at
nakita ang bola ng volleyball sa paanan ko. Hinanap ko kung sinong possible na
bumato no'n at nakita ko ang limang babae na palapit sa akin. Pss, malamang
sila ang bumato sa 'kin. Sila din yung limang babaeng nakita kong sumisilip sa
boys' locker room.
Umayos ako ng upo at
hinintay silang makalapit. Nang makalapit sila, yung nasa pinakagitna ang
nagsalita.
"Get out."
Tapos gamit ang mapilantik nyang kuko ay ginesture nya ang inupuan ko.
Kinunutan ko naman sya
ng noo. She's getting into my nerves. Talagang may attitude ang isang 'to. Una,
nagkabangga kami at gusto nya akong paluhurin. Pangalawa, nasulyapan ko lang
sila sa mahiwaga nilang krimen, nagtaray na. Ngayon, pinapaalis nya ako sa
pwestong ako ang nauna? Ibang klase.
"Ano ba? Bingi ka
ba o sadyang tatanga-tanga? She said, get out." Pag-uulit ng babae sa
kanan nya.
Napatayo naman ako.
"Why would I?" Tanong ko sa tonong alam kong ikaiirita nila.
As I've expected, mas
nagsipagtaasan ang mga kilay nila. Yung nasa dulo ang sumagot. "That's our
spot, bitch."
Napatingin naman ako sa
inupuan ko at muli silang tiningnan. "Pero ako ang nauna dito."
Nakangising sabi ko. Alam kong alam nila na inaasar ko sila.
Nagstep forward ang
leader. "I don't care if you're a Dexter. Just back off, bitch. Bago mo
pagsisihan." Huh? Ako? Dexter? Ano bang
Dexter ang pinagsasasabi ng mga tao sa paligid ko?
Napailing ako. "Ano
bang sinasabi mo?" Iritable nang tanong ko.
Nagstep forward naman
ang isa pa sa mga kasama nya. "Just get out of here!"
Nakakapikon. Ang daming
bench bukod dito sa inuupuan ko. Ba't di nalang sila umupo sa iba? Ang lalakas
ng saltik sa utak amputek.
Nilingon ko ulit ang
inupuan ko. Sinadya kong igalaw ang ulo ko at ipakita sa kanilang ineexamine ko
ang spot 'nila' mula lupa hanggang puno. Pagkatapos kong gawin 'yon,
nilingon ko sila--na pare-parehas na tinitingnan akong para bang isa akong
nakakadiring alien.
"Wala naman akong
makitang pangalang nakaukit o nakasulat dito na nagsasabing may may-ari
eh." Sabi ko sa isang kaswal na tono. Bigla akong ngumisi. "Pero
dahil tingin ko, mas matured akong mag-isip kesa sa inyo kahit na nasa fifth
year ako at second year senior high kayo, then fine, enjoy your 'spot'."
Kinowt ko pa sa ere ang huling salita saka nakangisi ko silang nilagpasan para
umalis.
Nasa mukha ko ang
'victorious smile' habang naglalakad palayo nang sumigaw na naman ang isa sa
kanila.
"Violet!"
Wew. Even them know me.
Huminto ako para ipaalam na narinig ko sila pero hindi ako lumingon.
"Prepare your hide
out now, bitch!"
Pss. Itinaas ko ang isa
kong kamay at winave 'yon as a goodbye bago ako tuluyang naglakad palayo.
Female badass huh?
Chapter Six
Katsuwara Siblings
"LILIA!"
"Mamaya na! Mamaya,
pramis!"
"Lily! Don't turn
your back on me!"
Huminto ako sa mabilis
na paglakad at hinarap ko ang kapatid ko. "Baka gusto mo munang pagbihisin
ako, Kuya Red?" Sarcastic na sabi ko at ibinaba ang tingin sa polong suot
ko na may pintura pa rin though tuyo na sya.
Mukha namang na-realize
yun ni Kuya Red. Pinaningkitan nya ako ng mata at tinitigan ako pero ilang
seconds lang, bumuntong-hininga sya. "Fine. Pero lumabas ka agad right.
after. you. change. Clear?"
I rolled my eyes in a
kidding manner. "Crystal."
Umakyat na ako sa kwarto
at agad na kumuha ng damit saka dumiretso sa shower room. Pagkatapos kong
maligo ay naupo ako sa higaan ko at hinanap sa drawer ng bedside table ang
debit card ko. Nakita ko rin naman at agad ko iyong nilagay sa school bag ko.
Nakakainis kasi. Kung kailan ko kailangan, saka ko naiwan. Kung nadala ko 'to
kanina, eh di sana hindi ko kailangang umuwi nang suot pa rin ang polo ni
Cortez!
Ang buong akala ko,
walang tao sa bahay dahil nasa mga office o anong kalokohan nila ang mga
kapatid ko. Turns out, nandito pala si Kuya Red, ang sinundan ko sa 'ming
magkakapatid. Nakakapagtaka nga eh. Dahil sya ang pinakamadalas nasa galaan
pero ngayon, nandito sya! What a very good timing.
Tiningnan ko ang wall
clock at nakitang alas dos na. Nasa labas pa kaya si Kuya Red? Ah
bahala sya! Mamaya nalang ako magkukwento. Hindi pa plantsado ang
iniisip kong mga palusot.
In the end,
napagpasyahan ko nalang na matulog. Basta humiga lang ako at ipinikit ang mata
ko. Sandali lang nang tuluyan akong nakatulog.
Hindi ko alam kung ilang
oras akong nakatulog pero nagising nalang ako sa malakas na tunog ng alarm
clock ko. Agad akong napabalikwas ng upo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang
orasan ko. Alas---Alas siete?!
Tatayo na sana ako nang
paglingon ko sa paligid ko ay nakita kong nakaupo ang mga kapatid ko na
nakapalibot sa akin. And they are all wearing a sinister look. Napalunok
ako. Ano na naman bang ginawa ko para tingnan nila ako ng ganyan?!
"M-May pasok pa
ako." Sabi ko para i-excuse ang sarili ko.
Itinuro ni Kuya Gray,
ang pinakamatanda sa 'ming lima ang bintana ng kwarto ko. "It's seven pm
in the evening."
Luh? Pagtingin ko sa bintana, madilim nga.
Napangiwi ako. So, ano? Nandito talaga sila para i-brain torture na
naman ako? Usually naman kasi, gan'to talaga sila kapag... may nagawa
akong kalokohan.
"Uh, bakit?"
Tanong ko.
"Tinulugan mo 'ko
kanina." Nakaismid na sabi ni Kuya Red.
Do'n ko naman
naalalang... oo nga pala, yung tungkol sa suot ko pag-uwi ko kanina na nakita
ni Kuya Red. Ooops. Kaya pala sila nandito.
Napakamot ako ng ulo.
"Ayaw nyo ba munang kumain ng gabihan?" Lumusot ka please!
"Tss. Ngayon
na." Sabi naman ni Kuya Blue, ang sumunod kay Kuya Gray.
Si kuya Neon, ang
sumunod kay kuya Blue, ay ngumisi. "Alam mo naman na siguro kung ba't kami
nandito diba?"
I rolled my eyes. Yeah
right. Hot seat. Bago pa ako magsalita, itinaas na ni Kuya Gray ang
polo ni Cortez na puno pa rin ng pintura.
"Whose polo is
this?" Tiim-bagang ang tanong ni Kuya Gray.
I gulped. Sa kanilang
apat, kay Kuya Gray talaga ako takot. "A-Ano, sa tropa ko. S-Sa tropa ko
yan, Kuya Gray." Sabi ko.
Nilakihan naman ako ng
mata ni Kuya Red. "At bakit suot mo pagdating mo?"
"Ba't puro
pintura?"
"May pinasukan ka
na naman bang gulo?"
"Baka gusto mong
bumalik ng Japan?"
"Nakipag-away ka na
naman?"
"Sandali nga!
Sandali." Sabi ko with matching gestures na parang hinaharangan sila.
Nagsipaghintuan din sila
at seryosong tumitig sa 'kin. Kuya Gray raise both of his eyebrows.
"What?" Masungit na tanong nya.
I tsked and scratch my head.
"Gan'to kasi, nagkaroon ng..." ano nga ba? "...ng
water game. Oo tas ayun nagkabasaan. Yung isa sa mga kaibigan ko..." wew,
kaibigan sa Class 5-1? Ang layo sa katotohanan. "..pinahiram
ako." Halos pahina na nang pahinang sabi ko. Hindi ko kasi sigurado kung
realistic o believable man lang ba yung mga tagpi-tagpi kong kuwento.
"Oh eh ba't puro
pintura ka?"
"Saka wala ka bang
kaklaseng babae at polo pa 'to?"
"O kaya ba't hindi
nalang kay Snow ka humiram?"
"At ba't ka nga
pala tanghali umuwi? Diba hanggang alas quatro ang pasok mo?"
Nagusot naman ang mukha
ko. Pss, nahinto lang ako saglit, nagsunud-sunod na naman ang mga tanong nila.
"Chillax nga lang
kayo." Sabi ko sa kanila. Kinakabahan na ako dito eh! Think,
Violet! THIIINK! "Ano, gan'to kasi 'yan. Pagkatapos ng game
namin.. napag-usapan ng Class Officers na i-redecorate ang classroom namin.
Humingi ng permission sa mga teachers kaya wala kaming classes. Ayun, tumulong
ako sa pag-aayos." Kahit na in reality, pinaayos lang kami at sa
nakakatuwang parte, pinalayas lang naman talaga ako ng Class President
namin. Pss. "Tapos natapos kami ng hapon at pagkatapos
nun, pinauwi kami. Cut ang klase dahil.." Hmm, ano ba? "..dahil
may general conference ang mga teachers."
Galing.
Palakpakan! Violet for the president. Whooo! Pfft. Lmao.
Sa tingin ko, naging
okay naman ang kwento ko dahil hindi naman na ako tinadtad ng sandamakmak na
tanong nina Kuya gaya nung dati na hindi pa ako expert sa instant hotseat.
Pagkatapos no'n, dumiretso na kaming lima sa kusina para kumain ng gabihan.
Lima lang kami dito sa
bahay. Ako, si kuya Gray, si kuya Blue, si kuya Neon at si Kuya Red. Ako ang
bunso at nag-iisang babae. Ewan ko ba. Naghabol yata ng babae ang mga magulang
ko kaya mag isa lang ako. At wag nyo na ring itanong kung bakit lahat kami ay
puro kulay. Pangarap yata ng parents namin ang bumuo ng rainbow. Pss.
Ang mga kapatid ko lang
ang tumatawag sa akin ng 'Lilia' at 'Lily'. Nickname ko kumbaga.
Nung bata kasi ako, pag pinagtitripan nila ko tinatawag nila akong
LILA which is tagalog ng Violet. At sa hindi malamang dahilan, ang Lila ay
naging Lily sa di kalaunan. Hanggang sa tinawag na rin nila akong Lilia at yun
na ang nakasanayan nila. Ever since ata yun grade four ako? Hanep. Walang
planning sa pangalan ko diba?
Wala rin kaming kinuhang
mga kasambahay dahil pare-parehas naman kami na ayaw na magrely sa mga katulong
pagdating sa mga gawaing bahay. Sabi ni Kuya Gray--ang pinakamatanda sa
'min--dapat raw matuto kaming disiplinahin ang sarili namin at matuto raw kami
ng mga gawaing bahay. Though exception ang paglalaba. Nagpapalaundry kami pero
kapag may mga time na nababadtrip sa 'min si Kuya Gray dahil sa mga kung
anu-anong kalokohan namin, lahat kami eh maglalaba ng sarili naming mga damit.
Fair naman si Kuya Gray kaya naglalaba din sya ng damit nya pag gano'ng
nababadtrip sya.
Okay naman ang dinner.
Si kuya Red ang nagluto. Siya lang kasi at si Kuya Neon ang marunong magluto sa
'min kaya nagpapalit-palitan lang sila. As a counterpart, except na sila sa
paghuhugas ng plato. Pfft.
Pagkatapos ng dinner,
magmomovie marathon daw yung apat. Inaya nila ako pero di ko naman trip manood
kaya umakyat nalang ako sa kwarto ko.
Dumiretso ako sa tapat
ng computer ko pagpasok sa kwarto. Nagdota lang naman ako tas saglit lang eh
naisipan kong pumunta sa Facebook. Nang nasa website na 'ko ng Facebook,
feeling ko, naghang ako.
Nakatitig lang ako sa
monitor. Hindi ko kasi alam kung magsasign-in ako. Six months ago, dineactivate
ko ang account ko sa Facebook dahil sa mga gulong napasukan ko. Last week,
inactivate ko at pinalitan ng English letters ang username ko na originally ay
nakahiragana letters. Pero pagkatapos no'n, hindi ko na ulit binuksan ang
account ko.
Ilang minuto rin akong
nakipagtitigan sa monitor bago ko tuluyang napagpasyahang maglog in kahit na sa
totoo lang, tingin ko wala naman akong gagawin.
Pero paglog in ko,
nagulat ako sa dami ng friend requests, notifications at messages! Whoa,
anong nangyari sa dull kong account?
Binuksan ko ang
notifications at ang dami-dami para isa-isahin. Puro notif tungkol sa mga likes
at comments sa profile ko. Dahil masyadong marami, yung profile ko nalang ang
tiningnan ko. Nagulat ako dahil umabot ng 1k ang likes ng mga pictures though
maraming 'haha' at 'angry' na reaction. Yung mga walang kakwenta-kwenta ko
namang post at shares ay umabot ng hundred likes. Tas ang dami pang mga
comments na napupuno na naman ng salitang 'the neophyte'.
Nang buksan ko naman ang
hundreds na friend requests na sa sobrang dami, naging followers nalang yung
iba, aba eh mga hindi ko naman kilala at ni wala kaming mga mutual friends.
Basta, isa lang ang sigurado, halos lahat ng dumagsang friend requests ay mga
estudyante ng Mysterecy High.
Nang buksan ko naman ang
messages, puro message requests at ang pinaka-recent na message ay ang kay
'Steal Cortez'. Sya lang naman ang kilala ko sa mga nagmessage sa 'kin kaya sa
kaniya lang ang binuksan ko. Active now din naman sya.
● Steal Cortez
Bat ngayon ka lang nag-online?! 😬
● Violet Katsuwara
Pss sino ba kasing nagsabing magchat ka? -_-
● Steal Cortez
Yeah right! 😂
Btw gonna send a link. Sign up ayt?
● Violet Katsuwara
Anong link?
● Steal Cortez
Basta click mo.😉😉
Hinintay ko yung link na
sinasabi ni Steal at nang masend nya na, napakunot noo ako sa nakasulat sa
kalagitnaan ng link. 'Lethal-Realm'? Out of curiosity na din,
kinlick ko ang link.
Nag-open ng panibagong
tab at naging black yung buong screen. Whoa, what was that? Napatitig
ako sa screen. Walang kahit na ano. Pure black lang. Ilang segundo na ang
lumipas at wala pa ring lumalabas. Anak ng, virus ba yung sinend ni
Cortez? Patay sya sa 'kin pag nagkataon.
Sinubukan kong magclick
click at magpindot ng kung anu-ano sa keyboard pero walang nangyayari. Ayaw na
ding bumalik sa previous tab. Badtrip. Lagot talaga sa 'kin si Cortez!
No choice. Tumayo ako para sana patayin nalang ang
computer nang biglang may nagpop-up sa black screen. Isang gif ang pumuno sa
buong screen. Gif ng mga itim na ibon na lumilipad sa itim na background.
Napatitig ako do'n at ilang segundo lang ay nagfloat naman ang title na 'Lethal
Realm'. Pang horror yung font na nagkaroon blood spits tapos kulay
red. Sa ibaba ng malaking 'Lethal Realm' ay may nakasulat na 'Secrecy
is a key in mystery'.
Whoa.
Chapter Seven
Lethal Realm
Lethal Realm, huh?
Sa unang tingin ko sa
website, parang familiar sa 'kin 'tong website na 'to. Feeling ko, nakita ko na
siya dati. Hindi ko lang alam kung kelan at kung pa'no ko nakita.
Iniscroll down ko at
nakitang black ang background ng buong site na may black smoke. Sa pagscroll
down ko pa, may isang sentence na same font at color ng title--Hellcome
Mysterians! Tapos sa baba naman ay may 'Sign In' at 'Sign Up'.
Dahil sa kuryosidad ay
clinick ko ang sign up. May mga tanong na parang pangslam book na yata. Pfft.
Basta yung full name, age, birthday tas school ID, year and section. Matic na
pala na puro students lang ng Mysterecy High ang pwede dahil sa school ID.
Pagkatapos kong sagutan
ang mga 'yon, naghintay ako ng limang minuto habang nakasulat ang naka-capslock
na 'WE ARE CHECKING IF YOU REALLY ARE AN EXISTING STUDENT OF MYSTERECY HIGH
AND IF YOU HAVEN'T SIGN UP YET' sa screen. Then lumabas ang simpleng 'Write
a mysterious codename'. Nagsign up ako sa codename na 'VIOLET'. Hindi ko
nga alam kung matatawag bang codename yon dahil yun na mismo ang pangalan ko
saka madali naman akong marerecognize.
Pagkasign up ko,
inexplore ko yung buong website. Una kong tiningnan ang About Section. Nalaman
kong isa iyong unofficial website ng Mysterecy High na ginawa ng isang estudyante
ng Mysterecy High almost five years ago. Malamang, graduate na ang original
creator. Pero may mga Admins na naghahandle no'n na currently ay nag-aaral sa
Mysterecy High. May apat na Admins at ang codenames nila ay 'Manipulator
X', 'Death', 'Predator' at 'Blaze'. Hindi
sinabi kung babae o lalaki ba silang apat. Marami pang nakasulat pero parang
yon lang naman ang importante at laman ng first paragraph kaya yun lang yung
binasa ko.
Nang tingnan ko ang
rules and regulations, normal na rules lang naman yun. Tulad ng 'respect
everyone' o 'No spamming, trashtalk'. Ang pinakakakaibang rule
ay yung Rule 0; Everyone must keep this website a secret from the
School Staff. Someone who would spill the website's existence must find an
excellent hide out.
May posting section at
meron ding groupchats sa loob ng website. Nagulat nalang ako nang may magsend
ng private message sa akin. The thing is, isa sya sa mga nakasulat na Admin sa
About Section--si Death. Bawal ang may magkakaparehong codename kaya imposibleng
may nanggagaya lang sa kaniya.
Death: Akala ko, kailangan ko ang kakayahan ng isang
admin na makita ang sign up details ng isang member para makilala kita, hindi
pala. HAHAHA.
Napakunot ang noo ko.
Sign up details? Anong ibig nyang sabihin? Nakikita ng Admins ang sign up
details? Bago ako magreply, sumagot na ulit si Death.
Death: Oh c'mon, Violet mylabs! HAHAHAXD you
know me 😂
Realization hit me. Si
Cortez ang nagbigay ng website link at sya rin ang Admin na may codename na
'Death'!
To sum it up, nag-usap
kami ni Cortez through that private conversation. Nalaman ko sa kaniya na hindi
magkakakilala ang Admins ng website. Hindi nya kilala sina Manipulator X, Blaze
at Predator and vice versa. Pero meron daw silang group chat at sa hindi malamang
dahilan, kahit magleave sila, automatic lang silang naibabalik. Hindi rin nila
pwedeng iremove ang iba pang admin. Even the groupchat name cannot be changed.
Nang itanong ko naman sa
kaniya kung anong ibig nyang sabihin sa una nyang message, sinabi nyang
nakikita ng Admins ang lahat ng ginagawa ng bawat miyembro sa website! Hindi
lang yung sign up details ang nakikita nila kundi pati ang mga ginagawa ng
members. Tapos automatic raw na nachicheck ang existence ng estudyanteng
nagsign up dahil naka-connect ang Lethal Realm sa documentation files ng
Mysterecy High nang hindi alam ng school staffs--in short, hacking. And hell,
may access din ang Admins sa mga private messages. Nakikita nila ang mga
nag-uusap through private message at nababasa nila ang buong conversation. Nung
tinanong ko sya kung malamang nakita ng iba pang admins ang conversation namin,
ang sabi nya, exception ang Admins. Hindi makikita ng isang admin ang
conversations ng isa pang admin pero makikita ng ibang admins kung sino ang kinakausap
ng isang admin. Ang gulo pero yun ang tamang explanation.
Death: Btw, Violet, may alam ka ba sa website?
VIOLET: Bakit?
Death: Here's a thing. Originally, lima ang Admins.
Pero nang umalis ang original admins or should I say, creators, apat lang ang binigyan
nila ng posisyon dahil yung isa sa kanilang lima ay walang maisip pagbigyan.
Hanggang ngayon, apat lang kaming admins at nagbabalak kami ng isang idadagdag.
Pero wala naman kaming maisip kung sino. Then you came. I thought you may be an
admin since may background ka sa Computer based on your sign up details.
Ang haba ng explanation.
Pfft. But me, being an admin? Parang magiging mahirap. The though excites me.
Why don't give it a shot anyway?
Sinabi ko kay Steal na
payag akong maging Admin. Sinabihan nya naman akong maghintay and ten minutes
passed, biglang nagbago yung website sa harap ko. Puro codes ang nakikita ko.
Tas may mga notes din na reminders. Then pwede ko na ring maedit ang mga
details sa website. My inbox blinked which means there's a message. At nang
i-check ko, nakita ko ang isang groupchat na may pangalang 'CREATORS'. Well
then, this is probably the groupchat of the Admins.
Nang buksan ko ang
groupchat, nakita kong nag-uusap usap ang Admins.
Death: I already added her.
Blaze: Ohhhh. Her? A girl?
Death: Yeah
Blaze: Wew interesting. Nasan na sya?
Predator: Nagsiseen sya
Death: Violet, hey, speak up.
Predator: Wait, Violet???
Blaze: Whoa, whoa, dude. Is she 'the' neophyte? Our
new admin is the neophyte?
Here we go again. I
can't help it anymore! Nagtype na ako ng tanong at sinend yun sa gc.
VIOLET: What's the big deal about it? Parang ang sikat
ko naman yata para sa isang transferee? Lmao.
Sineen nilang apat. Two
minutes passed at wala pa ring reply. Whoa, man. Did I say something
wrong? Magtatype na sana ako ng panibagong message nang magsend ng
message si Manipulator X. Sa kanilang apat, sya lang yung panay seen at ang
unang message pang nabasa ko mula sa kaniya ay...
'I don't like her as an
Admin. Kick her out'.
Whoa! Rude. Do'n nagkaroon
ng usapan ang apat na Admins at wala akong nagawa kundi ang magseen 'cause
hell! Ako ang topic nila. Whether should I be an Admin or not. And heck,
na-tackle din ang identities nila.
Death: Why? Personal issue?
Blaze: I think, I got an idea about your identity, Death.
Predator: Shut up Blaze. Anong problema, X?
Death: Yuck ayoko talagang tinatawag tong si uno ng X.
Ang korni pre hahaha double meaning amp
Blaze: Tas pag Manipulator naman, ang superior. Takte
sabi kasing palitan mo na yang codename mo eh
Manipulator X: I don't think Violet can be an admin. Bat
sya yung napili mo, Death?
Death: May background sya sa computer.
Manipulator X: Really? Doubt it. Let's vote. Ayoko sa
kanya.
Death: I'm on her side.
Predator: Doubt her skill as well so it's a NO.
Whoa. 2-1. Geez. Nagseen
na si Blaze pero hindi pa rin sya nagvo-vote. Two minutes passed and I decided
to give it up.
VIOLET: I'll be the one to give it up. Pakiremove na ko
Death.
Pero two seconds
pagkasend ko ng message ko, nagsend ng message si Blaze.
Blaze: Nah-ah. I want
her to be an admin. 2-2. Computer skills lang kelangan nyo diba? Let's make it
square and fair guys. Every each of us would give her a test. Pm her about
yours.
Ow--kay? Computer skills?!
Fine! Akala ko magp-pm na sila nang magmessage ulit si Manipulator X.
Manipulator: Fine. But there's something to prioritize;
she should pass the test in 48 hours. After that, send the screenshot of her
test here. And one more thing, I'm not giving her this test out of personal
issue. We are all aware that there are lots of students out there who want to
be an Admin and she's one lucky kid to be in here in just a matter of minutes
right after she signed up.
That's the last thing he
said which everyone agreed with. At lahat sila, minessage ako para sa 'test'.
Based on the way they talk, I think, they're all guys.
When I checked their
private message, halos lahat madali lang--all about diving in deepweb, hacking
and website thrills. But Manipulator X's was an exception. Heck, ang hirap ng
sa kaniya! Parang ayokong maniwalang hindi dahil sa personal issue ang dahilan
kung ba't ayaw nya ako!
Who the hell is the
person behind the codename 'Manipulator X'?!
Chapter Eight
Phase Two
Nakangangang napatitig ako sa buong classroom namin--ang classroom ng Class
5-1. Langya, anong nangyari?! Ang natatandaan ko, last friday, nagkaroon ng
water fight dito, nabasa ang buong classroom at pinaglinis kami. Pero nang
maglinis kami, bumili na rin ng mga pintura ang Class 5-1 nang galing sa bulsa
nila. Pinaalis nila ako no'n kaya ngayon ko lang nakita ang classroom. At hindi
talaga ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Wala pang tao sa room at mukhang
ako palang na nakatayo dito sa may pintuan.
Naging diagonal black
and white ang walls. Sa dulo ng classroom ay nakasulat ang malaking '5-1' tapos
sa ibaba ay may smaller font na 'Dexterous'. Ang lahat ng upuan ay naging black
tapos ang wall sa ibaba ng board ay may flowers na black na gray ang
background. May mga posters sa magkabilang gilid na pader ng classroom--yung
Master List, Class Officers at kung ano ano pa pero ang pinakagitnang poster ay
may makapal na white and gray na border line. Black ang background at may mga
nakasulat sa red at ang font ay katulad ng sulat ni Ryuuk sa Death Note. Sa
itaas ng mga posters ay may sentence sa malalaking red horror font. Sa kaliwang
wall ay nakasulat ang 'Secrecy is a key in mystery' at ang nasa kanang wall ay
nihonggo sa japanese letters--Blood. Victory. Eclipse. Napakunot-noo ako sa
nakasulat. Anong ibig sabihin no'n?
Nagulat ako nang bigla
nalang may bumuhos na malamig na kung ano mula sa itaas ng ulo ko!
Pushang#@*%#! Nang tumigil sa pagbagsak ang malamig na 'yon ay dahan-dahan
akong napadilat at inangat ang tingin ko sa uluhan ko. Anak ng. May isang
pitchel na may lamang kulay violet at may hawak niyon! Badtrip. Sinundan ko ang
kamay ng may ari at nakita ko si Kento! Nakapoker face sya habang nakatingin sa
akin at nananatili pa rin ang kamay nyang may hawak na pitsel sa itaas ng ulo
ko. Ang... ang lakas talaga ng trip neto! Lakas makainit ng ulo, buset.
Agad na nagsalubong ang
dalawang kilay ko at para bang umusok ang ilong ko. Humigpit ang kamao ko
habang masamang nakatingin sa kaniya.
Pero bago pa ako
magsalita o gumalaw, bigla nalang nyang itinapon sa kung saan ang pitsel.
"There. It suits you." Poker face na sabi niya. Nagpamulsa sya at
para bang invisible ako na nilagpasan nya papasok sa room! Aba!
Nakasunod sa kaniya sina
Trace at Macky pati ang iba pang Class 5-1 papasok ng room. Alanganing ngumiti
sa 'kin si Trace at malawak naman ang pagngiti ni Macky kasabay ng pagpat sa
ulo ko.
"Welcome,
damsel!" Sabi pa nya bago tuluyan akong lagpasan.
Parang hindi ako nakatayo
sa pintuan nang mga oras na 'yon dahil sa sunud-sunod na pagpasok ng buong
Class 5-1. Nilagpasan lang nila ako na para bang hindi ako nag-eexist do'n.
Nakanganga at hindi makapaniwalang sinundan ko sila ng tingin. M-Mga w-walangya
talaga! Napaka... napaka--ARGH!
Nang halos lahat sila ay
nakaayos na--ang ibig sabihin ng ayos sa kanila ay yung wala na ulit sa linya
ang mga upuan, naglatag ng baraha sa ibaba, nagsipaglabas ng phone, nagmurahan
at nagsasapakan. Parang no'n lang ako nabalik sa reyalidad at napagtantong nasa
dulo na ulit si Kento, nakaupo sa upuan nang nakataas ang dalawang paa, ginawa
nyang unan ang dalawang braso, nakatingala at nakatakip sa mukha nya ang isang
libro. Mag-isa lang siya do'n dahil nasa unahan sina Trace at Macky kasama ng
iba pa at mukhang may pinapanood na porn! Talk about boys.
Galit na galit akong
naglakad palapit sa kaniya. Masyadong naging maangas ang paraan ng paglakad ko
kaya naman napapalingon sa akin ang lahat ng mga kaklase ko. I don't give a
damn! Tumitig sila at hindi ako matutunaw dahil sa totoo lang, feeling ko,
nag-aapoy na ako sa sobrang badtrip! Gulo kung gulo, mga peste sila!
Nang makarating ako sa
tapat ng desk ni Kento, malakas kong inihampas ang kamay ko sa desk nya.
Sobrang lakas ng paghampas ko at nagawa niyong patahimikin ang buong room.
Lahat sila ay napatingin sa direksyon namin at mukhang ang balak lang ay
manood. Samantala, dahil sa ginawa ko, dahan-dahang bumagsak ang libro na
tumatakip sa mukha ni Kento.
There he was! Nakapikit
at parang napakasarap ng tulog! Ang sarap buhusan ng kumukulong tubig! Peste!
At hindi man lang siya dumilat. Parang wala nga syang narinig.
"STAND THE HELL UP,
MORON!" Buong lakas na sigaw ko. Parang nayanig ang buong classroom dahil
sa lakas no'n at nagkaroon ng reactions ang mga kaklase ko. Maghanda sila!
"Whoo!"
"Lupet.."
"Pre, maangas
talaga 'to. Haha!"
Dahan-dahang dumilat si
Kento at pagmulat ng mata nya ay sa akin agad tumama ang paningin nya. He
looked so damn bored. It was like as if he doesn't give a damn about everything
that sorrounds him. Nakakainsulto! Ilang segundo syang nakatingin lang sa akin.
"Away ba talaga
hanap nyo?!" Inis na tanong ko. I flashed an annoyed smirk. "Just so
you know, 'yon ang unang salita sa bokabularyo ko."
Tiningnan nya ako at
nagpandekwatro saka nagcross arms. Binaling nya sa kaliwa habang nakatingala sa
akin. Then binaling na naman nya sa kanan ang ulo nya, still nakatingin sa
akin. Parang sa paraan ng pagtingin nya, ineexamine nya ako. Then all of a
sudden, there was a hint of smile on his lips. Napakapoker face pa rin sya pero
may kaunting-kaunting hint ng pagngiti sa labi nya.
Nakaramdam ako ng
consciousness nang mga oras na 'yon. Lalong kumunot ang noo ko. A-Anak ka
talaga nang---! "T-Tigilan mo nga 'yan!" Inikot ko ang tingin sa
buong classroom--tinitingnan ang mga kaklase ko. "Shut it down,
everyone!" Kusang lumalim ang tingin ko. Muli kong binalingan si Kento.
"Isa pa. Isa pa talaga." Seryosong sabi ko sa mababang tono. Huminga
ako ng malalim. No to fight, Violet. Iyon ay kung gusto mong manatili nalang sa
Pilipinas. MAGTINO KA!
Tumalikod na ako sa
kanila at nagsimulang maglakad palayo. Nakatingin pa rin silang lahat sa akin
at naggigive way. Calm down, Violet. Calm down. Pero habang pilit kong
pinapakalma ang sarili ko, bigla nalang may nambato ng kung ano sa ulo ko mula
sa likod! HOLY MOTHERF#%&@!
Sa sobrang lakas ng
pagkakabato ay muntikan na akong madapa dahilan para magtawanan ang mga kaklase
ko. Agad akong humarap sa likuran ko at tiningnan kung ano ang ibinato sa 'kin.
Nakita ko sa paanan ko ang isang libro--ang librong kanina ay nakatakip sa mukha
ni...
Inangat ko ang tingin ko
at nagtamang muli ang paningin namin ni Kento. Nakasandal sya sa dulo habang
naka-cross arms at naka-cross legs. Diretso syang nakatitig sa akin. HE'S
REALLY PISSING ME OFF!
Bored na bored pa rin
ang mga mata niya. "Let me see what you've got." Two seconds.
"Damsel." He muttered with mocking tone.
Agad na humigpit ang
kamao ko at tumalim ang tingin ko sa kaniya. In a matter of milliseconds,
patakbo akong sumugod sa kaniya. Hindi siya gumalaw. Nang matantya ko ang pagitan
namin, isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha nya. Tumama iyon sa
cheekbone nya. Napabaling sa kanan ang mukha nya at medyo nagalaw ang tindig
nya. Nagsipagtayo agad ang iba ko pang kaklase at akmang susugod pero bigla
silang tiningnan ng masama ni Kento--a look of warning. Agad ko syang
kinwelyuhan at nakita ko ang epekto ng suntok ko. Namumula ang cheekbone nya
at... may sugat na medyo dumudugo. Naalala kong may singsing ako, isang may
katalimang singsing. Nanginginig ang kamay ko dahil sa dalawang dahilan; una,
galit ako at pangalawa, kinakabahan. I did not let the anxiety break me down.
Umuusok ang ilong kong inilapit sya sa 'kin sa pamamagitan ng paghigit sa
kwelyo nya. Bahagya syang nakatingala pero agad naman nyang ibinaba sa akin ang
tingin.
"You're really
pissing me off." Mababa ang tonong sabi ko.
"And you're really
messing up with us." Sagot niya sa paraang wala man lang syang ibang
nararamdaman kundi boredom. Pure boredom.
"Hindi ako ang
nagsisimula." Tiim-bagang na sabi ko.
"We told you what
you had to do." He said with a voice devoid of emotion.
"Dammit then.
That's a pure immaturity!" Pasigaw na sabi ko. Nanginginig ang boses ko
pero masesense ang tapang dito.
"You don't know
every tiny thing about us, Violet. The safest thing to do right now is to let
go of Kento's collar." Biglang nagsalita si Trace. Doon ko nakitang nasa
kaliwang side ko na sya. He sounded serious as well.
Kento spoke. "Let
this little damsel, Trace. I think, she got a curiosity. Completely unaware of
what's in a world of our likes."
"Stupid jerk.
Talagang gulo ang hanap nyo sa 'kin."
"Gulo? Oh c'mon,
Violet. Hindi ba't ikaw ang nagsisimula ng gulo?"
Muli ko syang tinulak at
pinatama na naman ang isang suntok sa kaniya. This time, sa labi yon lumanding
at sa lakas niyon, siguro pati na rin sa singsing, ay pumutok ito. Napabaling
muli ang mukha nya sa kanan at dahan-dahan ring ibinalik sa akin. Napalunok ako
nang tumingin sya ng masama. Lalo akong kinabahan at nagdadalawang isip sa
kalalagyan ko. I'm doomed. Pero ang matalim nyang tingin ay dahan-dahang
bumalik sa bored. Tapos bigla nyang tinaas ang kamay nya saka nagsnap. Nagulat
do'n ang mga kaklase ko pero nanatili ang kablangkuhan sa ekspresyon ni Kento.
"Give her the phase
two. You know the rules." Seryosong sabi nya saka muling naglakad palapit
sa pader at sumandal, humarap sa amin saka muling nagcross arms and legs.
Nagkaroon ng ingay sa
room at narinig ko ang malakas na kalabog ng pagbagsak ng pinto. Automatic na
lumingon ako do'n. Isinara nila iyon. Shit! I'm trapped. Here we go, Violet!
Lalapitan ko na naman
sana ulit si Kento nang biglang humarang si Macky at malakas akong itulak
paatras. Dahil sa lakas ay napaatras nga ako at muntikan nang matumba. Bago pa
ako magsalita, nauna na siya. Pss!
"You should've just
find another section, damsel."
I rolled my eyes. Bago
ko pa magawang sabihing sinubukan ko pero maraming blocks ay bigla nalang may
humila ng damit ko para kwelyuhan. Anak ng---! Sa lakas ng pagkakahigit sa akin
ay napasunod ang katawan ko't napaharap sa kumwelyo sa akin--isa sa mga kaklase
kong lalaki. He had blue with green hue eyes.
"Ang angas mo
talaga para sa isang baguhan ano?" Nakangising sabi nya.
Aba naman! Pss. Agad ko
syang tinulak paatras at nang mapaatras sya ay sinipa ko sya sa dibdib kaya
naman natamaan nya ang mga upuan sa likod nya saka natumba paupo sa sahig.
Nginisihan ko sya. Ano? Papalag ka, boy? Napaingay no'n ang mga kaklase ko.
"Tayo agad
pre!"
"Langya!
Weak!"
"Hoy, babae lang
yan! Ano ba!"
May naramdaman akong
humawak sa balikat ko. Takte! Dahil pakiramdam ko, hindi na mapipigilan ang
gulo nito, ang initial reaction ko ay alertong umikot at hawakan ang kamay ng
humawak sa balikat ko. Pinilipit ko ang braso nya at nang humiyaw siya sa sakit
ay tinadyakan ko sya palayo. Orayt! Mukhang magiging enjoyable 'to kahit paano.
Sinalo sya ng mga kasama nya bago sya tuluyang tumumba at tumingin silang lahat
sa akin ng masama. Anooo?! Siya yung sumugod!
Naging malakas din ang
pwersa ko sa pagtulak kaya pati ako ay napaatras. Badtrip, pahiya 'yon ah. Pero
bago ako tuluyang mapaupo ay may pumatid na sa paa ko! Hanep! Ramdam kong
babagsak na ako nang may sumalo sa akin at pahagis akong itinayo. It was Trace.
Still with serious face.
"Fight and show us
what you've got, damsel." Damsel?! Do I look like an effin' damsel?!
Tapos bigla nyang
itinaas ang kamay nya para suntukin ako. But I easily dodge it then I turned to
give him a high kick. Nahawakan nya ang paa ko at binuhat ko ang sarili kong
katawan para umikot at sipain sya gamit ang isa ko pang paa. I smirked.
Just then a riot begun.
Nagsunud-sunod na ang pag-atake nila. Aba naman talaga. Naging maingay ang
lahat dahil sa nangyayari. May sumisigaw ng cheer, may sumisigaw ng mura at may
sumisigaw ng reaksyon. Pss. Attacks from left and right. I made a lot of kicks
and punch. They kept telling me I shouldn't have entered Dexterous and that, I
should have just choose other section. Sumisigaw din ako ng sagot. Pasigaw at
pagalit kaming nag-uusap habang nakikipag-away. Just how calm are we?
Madalas ay natatamaan ko
sila. Ako pa? Mas marami ang nakukuha nilang damage. May isang dahil nasisipa
ko sa bandang batok ay napapatulog at hinihila paalis. May isa namang
natadyakan ako sa tyan at napakalakas no'n kaya napaupo ako. Sa hindi malamang
dahilan ay hinila sya paalis nang may kasamang pagbatok ng mga kaklase ko.
Ilang beses na may natutumba at ilang beses din akong muntikan nang matumba at
hindi ko alam pero sinasalo nila ako. Gaya ng ginawa ni Trace ay itutulak nila
ako patayo at sasabihing napakahina ko para matumba.
Sobrang ingay ng room at
wala na akong maintindihan sa mga sinisigaw nila nang di magtagal. Badtrip eh,
ang sasakit sa tenga. Nahihilo na rin ako sa ilang beses kong pagbagsak at
pagtama sa upuan at lamesa. Pero alam kong hindi ako dehado. Kaya ko pa ba?
Nasa sampu at higit sila. And I am alone. Alone and doomed. Just great, Violet.
Isang malakas na suntok
na naman ang ginawa ko sa kalabang kaharap ko at kasabay ng pagbagsak niya ay
ang pabagsak na pagbukas ng pinto. Whoa! Lahat kami ay napalingon sa direksyon
niyon at nagulat ako nang makita sina Fourth at Steal. A-Anong ginagawa ng mga
'yan dito?! Sa likuran nila ay iba pang kalalakihan. Nandoon rin si Miss Andrea
na mukhang nag-aalala habang hawak ang isang ikot ng susi--mukhang yon ay para
sa classroom namin. Wews.
Parehas na madilim ang
mga mukha ni Cortez at ni Fourth. Natahimik ang kaninang maingay na room. Luh?
Parang may maitim na aura ay pumasok ang dalawang matangkad na Second Year SH
sa classroom. Agad na humarang ang mga Class 5-1 na parang ayaw silang
papasukin kundi panibagong gulo ang magaganap pero pumasok rin ang mga kasama
nina Fourth at pinigilan ang mga naka-fighting look sa pamamagitan ng pagharang
sa dibdib nila saka may sinabi. Samantalang, si Miss Andrea ay sapilitang
napalabas ng room nang saraduhan sya ng isa sa mga kasama nina Fourth. It was
like as if there would be a thing that she's not allowed to join.
Nang makarating ang
dalawa sa pwesto namin--ang gitna ng classroom, hinigit ako ni Steal palapit sa
kaniya gamit ang wrist samantalang dumire-diretso si Fourth at huminto naman
sya sa harap ni Kento na napansin kong biglang naging seryoso ang tingin. Anak
ng. Anong nangyayari? Nagtitigan silang dalawa na para bang may kuryenteng
dumadaloy sa mga tingin nila. Nakasideview sa akin si Fourth kaya nakikita kong
napakasama ng tingin niya kay Kento. Parang bumigat ang atmosphere ng mga oras
na iyon na tila ba may madugong magaganap at lahat kami ay nakatutok lang sa
kanila. Wala akong maintindihan. Magkakilala sila? Ano 'to? M-Mukha silang
magkaaway.
"Kore wa ittai
nanina no?" Seryoso at galit na sabi ni Fourth sa wikang hapones.
Napakunot ang noo ko nang mga oras na 'yon. He knows how to speak Nihonggo?
[Translation: What the
hell is this goddamn thing, Kento?]
Sumagot si Kento sa
wikang hapones rin, saying 'What happened to the boundary you built? The bloody
eclipse?'. Sumagot ulit si Fourth, still sa nihonggo 'Just get it done,
bastard. I don't know your fucking issue 'bout it but get. it. done unless you
want that kid be involve. You know its consequence and you're aware of what I'm
capable of when that happens'.
Hindi ko alam kung ako
lang ba ang nakakaintindi ng nihonggo bukod sa kanila pero kahit na
naka-nihonggo ay hindi ko pa rin alam kung anong pinag-uusapan nila. ANG GULO!
Pagkatapos no'n ay
tinalikuran na ni Fourth si Kento at naglakad palayo. Sumunod si Cortez kay
Fourth nang hila-hila ako. Everyone remained silent while keeping us in the
spotlight. Tahimik na tahimik ang lugar nang biglang magsalita si Kento no'ng
papalabas na kami.
"Your precious
wouldn't be involve with my messy business. That, I assure you. In return,
don't let ours be involve with yours."
Napahinto si Fourth kaya
napahinto rin kami ni Steal para tapunan sya ng tingin. Nagtiim ang bagang nya
at nagawang ngumisi na parang badtrip pero hindi sya sumagot. Muli syang
dumiretso palabas na sinundan naman namin ni Cortez na hawak pa rin ang wrist
ko.
Nang makalabas kami ay
nilingon ako ni Cortez. He was serious. Marunong pala syang magseryoso?
"Are you alright?"
Tumango ako. "What
the hell was that, Steal?"
Binalik nya ang tingin
sa daan. "I'll bring you to the clinic."
Napataas ang kilay ko.
"Akala ko ba, isang linggo na 'yong sarado?"
Doon naman sya natawa.
Parang naging light ang ambiance. Sinulyapan nya ako at sumagot. "Just
your luck, Violet-mylabs. It was opened today as if it knows it would be needed
by you." Then he again chuckled.
Napailing nalang ako sa
kaniya at tahimik kaming nagpatuloy sa paglakad. Nilingon ko ang pinanggalingan
namin. Ang dulong classroom.
Naguguluhan ako sa
naging pag-uusap nina Fourth at Kento pero mas lamang ang pagtataka ko sa
nangyaring gulo kanina sa pagitan ko at ng Class 5-1. I'm not dumb and I
noticed the holes of the fight.
Hindi tumaas sa tatlo
ang sumusugod sa akin. Hindi nila ako inatake ng diretso. As a matter of fact,
mas mukha nila akong pinagtitripan lang. Yung typical physical bullying. At ang
sinabi ni Kento bago magsimula iyon. May iniwasan silang gawin--ang maging
dehado ako.
Phase Two? What does he
mean by that?
Chapter Nine
Locker
"Aray! Ano
ba! Wag na nga!" Inis kong hinablot kay Cortez ang cotton bud na
ipinapahid niya sa sugat ko sa may siko. "Ang sakit mo maglagay!"
"Malamang,
may sugat kaya masakit. Timang." Bigla niyang pinitik yung noo ko.
As if on cue,
napatayo naman ako at inambahan siya ng suntok. "Ba't namimitik ka ng
noo?!"
Naiharang naman
niya bigla yung braso niya. "Whoa, chill out. Ang init ng ulo mo,
mylabs!" Natatawang sabi niya tas hinila niya ulit ako paupo sa Clinic
Bed. "Umupo ka na." Kinuha niya na ulit sa akin yung cotton at siya
na ulit ang nagpatuloy ng paggamot sa siko ko. "You're totally screwed up
with your classmates, aren't you?"
"Hell yeah!
Just take a look at my hair!" Itinuro ko ang ulo ko. Hanggang ngayon ay
ramdam ko pa rin ang lagkit ng violet liquid sa mukha at buhok ko. Argh!
Nandito kami ni Steal sa School Clinic ng Mysterecy High, hindi kasama si
Fourth, at nagulat talaga ako sa laki nito. Parang hindi normal para maging
clinic lang sa school. May anim na clinical beds, tatlo sa magkabilang side.
Dalawang nurse at mas malawak na sala. May office pa ang nurse at halatang mas
maraming gamit. Ang buong clinic ay naglalaro lang sa dalawang kulay--sky blue
at white. Tuloy, sa sobrang spacious nito, hindi ko napigilang magtanong kay
Steal.
"Oy, Cortez,
ba't ang laki nitong clinic?"
He chuckled as if
it reminded him of something. "It's a must."
Napangiwi ako.
"Ha?"
Ibinalik niya sa
sugat ko ang tingin saka niya idinikit ang band aid para sa huling sugat.
"You know, palagi kasing may gulo sa school ground kaya gamit na gamit
'tong clinic." Napataas naman ang dalawang kilay ko do'n as if saying
"seriously?". Tinanguan niya ako. "Actually, nirenovate 'to
dahil..." Ngumisi siya. "..naghalo ang balat sa tinalupan."
Oh---kay?
Bago pa man ako
sumagot, bigla nalang nagtago si Steal sa ilalim ng bed. Nang tanungin ko sya,
sabi naman nya, 'wala ako, okay?!'. Bago pa ako makasagot, may
babaeng pumasok sa clinic at nilibot ng tingin yung clinic. Papasok na sya nang
makita ako.
"Oh. You're that
slut who frequently get a chance to flirt with Steal, right?" Binigyan nya
ako ng isang bitchy smirk.
Tinaasan ko naman sya ng
dalawang kilay. "Says who?"
"Where's my
babe?" Mataray naman nya akong tinanong. Nagcross arms pa. Nairita tuloy
ako bigla.
"Anong 'my
babe'? No one owns that guy. Hindi mo ba alam? Boyfriend ng campus ang
lokong yon. Poor little kid." Tiningnan ko sya nang naaawa kuno.
Mukha naman syang
nainis. "Bitch! Gosh! I'm just wasting my time here!" Tapos
pinaypayan nya yung sarili nya gamit ang mapipilantik nyang daliri.
Naiinis naman akong
tiningnan sya. "Oo, dapat umalis ka na. Hindi ko matatagalan ang kaartehan
mo, okay?! Shoo! Alis!" Sabi ko kasabay ng parang nauubusang pasensya na
kumpas ng kamay para paalisin sya.
Tiningnan naman nya ako
ng masama tapos umirap sya. Naglakad na rin sya palabas with matching hair flip
pa. Hanep, iba talaga sa kaartehan eh.
Paglabas ng babae,
lumabas na rin si Cortez sa pinagtataguan nya. Napahinga sya ng malalim na
parang nabunutan ng tinik. Mahina ko naman syang sinuntok sa braso.
"Umayos ka! Nakita
mo epekto sa 'kin ng kalandian mo?!"
Ngumuso naman sya.
"You're so mean, Violet-mylabs."
Inambahan ko naman sya
ng suntok. Napaatras naman sya tapos humalakhak. Baliw talaga. Pss.
Nagsimula na rin sya sa pagligpit ng mga ginamit na medicine kit. Siya yung
naglinis sa akin imbes na yung School Nurse kasi pagpasok ko nitong Clinic,
nang lapitan ako ng babaeng nurse eh matik na napaatras ako bilang
pagpoprotesta. Ewan ko ba. Ayoko talaga sa School Nurse. Pa'no, sa mga dati
kong school, tuwing napupunta ako sa clinic dahil sa mga sugat ko galing sa
away, tinatadtad ako ng sermon ng Nurse kesyo kababae ko raw tao eh panay ang
sangkot ko sa gulo kaya parating madiin ang paggamot nila sa akin.
Pagkatapos
magligpit ni Cortez, doon ko lang narealize na ang sinasabi niyang 'naghalo ang
balat sa tinalupan' eh dahil may gulong nangyari. I wonder, sangkot kaya ang
Class 5-1? Speaking of Class 5-1... nalilito pa rin ako. Anong meron sa kanila?
"Oy,
Cortez." Lumingon siya sa akin matapos ilagay sa cabinet ang medicine kit.
Lumapit siya at tumayo sa harap ko nang nakapamulsa. "Alam mo ba... kung
bakit Dexterous ang tawag sa Class 5-1? Eh wala namang pangalan ang sections
natin bukod sa numbers?" Saka isa pa, 'yon ang nakasulat sa wall ng classroom
namin.
Ngumiti siya na
para bang hindi makapaniwala. "You really don't know them, do you?"
Kinunutan ko
naman siya ng noo. "Base sa mga naririnig ko sayo, parang sila yung tipo
na kailangang kilalanin. Gano'n ba sila kaimportante?" Iritableng sabi ko.
Bigla niyang
inihilamos ang kamay niya sa mukha ko nang natatawa. Iniwas ko naman ang mukha
ko at sinamaan siya ng tingin. Umupo siya sa tabi ko at umakbay. "Alam mo
kasi Violet mylabs--anak ng!" Naputol ang sinasabi niya nang sikuhin ko
siya. "What the hell was that for?!"
"Hindi
kailangan ng akbay, 'tado!" Singhal ko sa kaniya na ikinahalakhak niya.
"Well, ayun
nga. As I was saying, alam mo kasi, your class is different from the
rest."
"Pss. Halata
nga."
"And they
are not just a class." Tiningnan niya ako ng seryoso. "They are also
a gang."
"Whoa,
what?"
"Yeah and
Dexterous is their gang name. Ang corny, right? But the thing about their gang
name is because they made it when they were still immature grade five students.
Pero simula no'n, hindi nila kahit kailan pinalitan ang gang name nila.
Therefore, we started calling them Dexters." Ow. Kaya pala iyon rin ang itinatawag sa akin ng iba. Siguro ay akala nila, miyembro ako.
Nilingon ko ulit
si Cortez. "Eh di unique nga sila?"
He chuckled and
nodded. "In. Every. Single. Way." He drawled. "Let's start with
the number. All of the class in Mysterecy International School, from primary
division to tertiary level, golden rule ang pagkakaroon ng 25 persons per class
lang. It always remains 25. Walang labis, walang kulang." Sinulyapan niya
ako. "But then again, the class where you belong is the only class that is
an exception to that golden rule. Look, ilan lang ba kayo sa klase?"
Napaisip naman ako.
Ang konti nga namin. Naalala ko ang MasterList na nasa classroom namin and
yeah... "We were just uh, fifteen?" Alanganing sagot ko.
"Exactly!" Sabi niya with matching gesture. "Napakakaunti ninyo.
Almost kalahati ang bawas ng numero sainyo. What the hell, right?" Then
nginitian niya ulit ako. "And that's because they are unique."
Nagcross arms siya. "Violet, Class 5-1 is a blocked section since grade
five. I have told you that already, haven't I? Well, originally, sa M.I.S., laging
blocked section ang last two years. Pero yung gan'to na seven years na silang
blocked section? That's different." He's right. "Ang
totoo, noong grade five sila, gaya ng normal na klase, 25 rin sila sa Class.
Fifteen males and ten females. Pero pagdating nila ng first year high school,
gee, biglang nawala yung sampung babae at naging sila-sila nalang. Hanggang
ngayon, sila-sila pa rin." Nilingon niya na ako. "Ngayon siguro,
maiintindihan mo na kung gaano ka-bigdeal sa Mysterecy High ang malamang may
bagong miyembro ang klaseng 'yon? Just like, whoa! After freakin' seven years,
there was a new recruit! And heck, ang mas nakakagulat pa, babae."
Napatangu-tango
ako. "Yeah, I get it. Pero ba't hinayaan sila? Ba't nagawa nilang
manatiling magkakasama sa loob ng pitong taon? Why they could when everyone
else couldn't?"
Ngumiti siya ng
matipid. "Power. Simply because they're powerful. Every. Each. Of. Them.
Besides, the school cannot let them go. They are one of Mysterecy High's
highest pride. From Academics to Sports Curriculum. They have been always the
first section of their year. Class 5-1, right? They are not section one for
nothing."
"I don't see
them as brainy-geeks though. More like, gangsters thirsty of gang wars."
Natawa naman siya
lalo. "I like that. My Class and yours are actually mortal enemies, you
know?"
Kumunot ang noo
ko. "Anong ibig mong sabihin?"
Hindi ako nasagot
ni Cortez nang biglang bumukas ang pintuan ng Clinic. Sobrang lakas ng pagbukas
kaya naman ay napalingon kami. Dahil nasa unahang clinic bed lang kami ay
mabilis naming nahawi ang kurtina para makita kung sino ang pumasok--si Fourth.
Kunot-noo na
naman siya. Tuwing makikita ko nalang ang lalaking 'to eh parang parati siyang
kunsimido. Pss. Kung si Kento eh parang parating mukhang bored, siya naman eh
parang parating badtrip. Though, they had similarities. That messy hair
which attracts more attention.
Inikot niya ang tingin sa clinic at nagtama ang
paningin niya at ni Steal. Kunot-noo at nakabusangot na lumapit siya sa amin.
Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Pss, parang nainsulto ako dahil parang
hindi ako nag-eexist sa vision niya! Geez.
"We have to go. It's almost four."
Aniya.
Napatingin naman
no'n sa relo niya si Steal tapos bigla niyang ginulo yung buhok niya. "Aish.
I almost forgot it." Tapos napalingon siya sa 'kin. "Violet-mylabs!
Ayaw ko mang ika'y iwan ngunit---"
Pakiramdam ko,
naging straight line yung mata ko katulad sa mga anime. Bigla kong tinakip sa
mukha niya ang buong palad ko saka sya tinulak palayo. "Ang dami mong
sinasabi. Umalis ka na."
Ngumuso naman
siya. "Ang sweet mo eh 'no?!" Singhal niya saka tumayo. "Tara na
nga, Fourth!"
Napailing nalang
ako.
Nang tuluyang
makaalis si Steal, umalis na rin ako ng school clinic saka pumunta sa classroom
namin para kunin ang bag ko. Ngayong hapon lang ako pumasok ng school at dahil
nga sa gulong nangyari, wala talaga akong napasukang klase.
Pagdating ko sa
classroom namin, nakita kong wala nang katao-tao sa room. Mabuti nalang wala na
ang mga iyon. Kunsabagay, dismissal na rin naman kasi. Ano pang gagawin nila sa
school? Kung minsan, hindi ko rin maiwasang magtaka. Ba't pa kaya napasok sa
school ang mga 'yon kung wala naman silang ibang ginagawa kundi kalokohan? May
mga dala pa silang bag! Hindi naman nila ginagamit. Pss.
Pagkakuha ko ng
bag ko ay nakapamulsang naglakad na rin ako paalis pero bago pa man ako
makalabas ng pintuan, may isang bagay akong napansin. Kunot-noo ko uling
tiningnan ng tingin ang puwestong napansin ko at tama ako.
The
'Dexterous' was gone.
Tanging ang malaking 5-1 nalang ang nananatili
sa pader sa dulo. Ang Dexterous sa ilalim nito ay wala na. Napinturahan na ulit
ng gray. Bakit kaya nila tinanggal?
"Miss Katsuwara?"
Halos mapagitla
ako sa gulat nang may magsalita sa harap ko. Nang lingunin ko ay nakita ko si
Miss Andrea sa harap ko. Hayst, ba't ba naman hindi
ko napansin 'tong teacher ko?
Ngumiti siya. "Good thing you're still
here. Follow me." Then tumalikod na siya at naglakad.
Napangiwi naman
ako pero sa huli ay sumunod na rin sa kaniya. Nagulat nalang ako nang huminto
kami sa tapat ng locker room ng Class 5-1! Whoa, wait! Nilingon
ko si Miss Andrea at bago pa man ako magtanong ay sinagot na niya ako habang
binubuksan ang pinto nitong nakakandado.
"Yes, you
are going to have a locker room, Miss Katsuwara. Pasensya ka na kung ngayon
lang. Actually, this is also my first to step in here. Wala kasi sa school
staff ang may hawak ng susi. We don't even have any duplicate key. Tanging ang
Class 5-1 lang ang nakakapagsara at bukas nito."
Pagbukas ng
pinto, nilawakan iyon ni Miss Andrea at hinayaan akong mauna. Pumasok naman ako
saka naglakad-lakad para maghanap ng saakin at nagulat ako sa hitsura nito.
Halos parehas
lang ng locker room nina Steal ang style ng locker room ng Class 5-1. May ilang
pagkakaiba lang. Dalawang locker by pair which is sa taas at baba. Nang
bilangin ko naman, merong 16 lockers. Parang ginawa para lang talaga sa kanila
dahil 15 lang naman sila. Kung ang lockers nila Steal ay 26, ang sa amin naman
ay 16 base sa dami namin. Then kung kina Steal ay mayroon lang isang shower
room sa dulo, dito ay mayroong tatlo. At ang huling bagay na ikinaiba nito ay
ang kulay. If the other locker rooms are in plain gray and white, this one has
black, gray and white. Very Dexterous like.
Napangiti naman
ako.
I'm going
to own a locker now.
Chapter Ten
Code
"Obviously, dahil puro lalaki lang naman
ang meron sa Class 5-1, walang girl's locker room. Hindi na rin kami nagpagawa
ng girl's locker room dahil mag-isa ka lang namang babae." Pagpapaliwanag
ni Miss Andrea na nananatili lang na nakatayo sa pintuan.
Nilingon ko siya.
"Pa'no niyo nakuha ang keys dito kung ang sabi nyo, walang ibang may hawak
ng susi maliban sa Class 5-1?"
Ngumiti ulit
siya. Hawak pa rin niya sa dibdib ang mga dalang libro. "Pinag-uusapan na
naming mga teachers na ihalo ka nalang sa girl's locker room ng Class 11-X
dahil nasa ibaba lang naman nitong building ang locker room nila. Pero isa sa
mga kaklase mo ang lumapit at kinausap ako para hayaan kang magkaroon ng locker
room mo dito." Then tinuro niya yung banda ko. "By the way, ang sabi
nya, those lockers with initials are no vacant."
Napatingin naman
ako sa mga lockers na nasa tapat ko. Lv... Tp... Re. Napakunot noo ako. May mga
initials nga na naka-engrave sa handles. Suddenly, a thing popped up in my
head.
The Code!
Iyong code na
ibinigay sa akin ni Manipulator X ng Lethal Realm. These are the letters in
that code! Yung mga initials ng pangalan ng mga nasa Class 5-1! Same font ang
ginamit kaya naging mabilis ang familiarization ko sa letters.
To make it sure,
inilapag ko ang bag ko saka kinuha doon ang papel kung saan ipinrint ko ang
code na ibinigay niya. Heh! Nang una talaga ay wala akong maintindihan sa
isinent niya. Ang test na ibinigay ng ibang admins ay hackings pero itong sa
kaniya? What the hell? Isang picture!
Nagulat talaga
ako nung sinent niya 'to sa 'kin. It was a plain yin-yang photo. Turns out, may
codes behind the picture. Nang subukan ko kasing baguhin ang filters at naging
invert, doon ko napansing may mga nakasulat sa loob ng yin-yang! Sa linya pabilog
ng yin-yang ay may letters which are....
J6vG5sT12vY8aH2cK14hW9qB1aT11wM13gL10lR4eK7jS3c
At ngayon,
sigurado akong sa kanila 'to. Sa space naman sa gitna ng yin-yang, may mga
symbols. Tig-anim sa magkabilang side. Nung una, hindi ko maalala kung ano
'tong mga symbols na 'to pero nalaman ko ring ito yung symbols ng zodiac signs.
And last but not the least, yung guhit sa gitna ng yin-yang, may nakalagay na
letters at numbers.
14.23.18 -
fo:79:59:b0:25:7e
Unang tingin
palang alam ko na kung ano. IP Address. Yung unang IP Address ay para sa
website at ang pangalawa, IP Address ng isang device. Pero hindi ko pa rin
inoopen ang websites dahil tingin ko magiging madali lang ang parteng 'to.
Nilingon ko si
Miss Andrea at hiniram ko sa kaniya ang Master List ng Class 5-1. Ibinigay
naman niya. Masyado akong natuwa at pumili nalang ng unang bakanteng locker
do'n para maging akin saka nagmamadaling umalis para umuwi ng bahay.
First things
first. Unang bagay na ginawa ko pagdating sa bahay ay ang magbukas ng computer.
Excited ako. Bukas pa ang deadline ng 48 hours na ibinigay ni Uno (Iyon ang tawag
sa kaniya ng ibang Admins dahil sa dalawang dahilan, una; ayaw nila siyang
tawaging Manipulator o X. Pangalawa; uno dahil siya ang unang nabigyan ng
account).
Pagkalog-in ko sa
Lethal Realm, agad kong chinat si Manipulator X. Isang simple smiley lang ang
sinend ko saka ko sinarado ang tab. Muli kong tiningnan ang katabi kong Master
List at picture ng code. Gah, I feel like smirking.
Inopen ko ang
command prompt at tinype ang opening tab command katabi ng IP Address ng
website na nasa code. Pagkaclick ko ng enter, bigla nalang naglag! Damn.
Ikinagulat ko nang magkaroon ng napakaraming numbers sa Command Prompt at
mabilis at kusang nag-i-scroll down. Sinubukan kong magclick at dumami lang ang
mga command prompt na lumalabas. Kahit saan ako magclick, dumarami lang ang
command prompts na lumalabas. Katulad ng mga nauna ay punung-puno ng numbers at
kusang nag-i-scroll down.
Good thing, I
know how to use a computer without the assistance of the mouse. Pinindot ko ang
start key at doon sinaayos ang naglalabasang command prompt sa pamamagitan ng
history check.
Nawala nalang ng
tuluyan ang mga command prompt. Napasandal ako sa upuan ko. Ano
yun? Ibig bang sabihin, hindi ang nakalagay na IP Address dito ang
totoong IP Address? Then what?! Argh, that Manipulator X surely is
annoying the hell out of me.
Muli kong tinitigan ang picture ng code. Badtrip.
Nasaan ba dito ang IP Address? Wala akong ibang makitang IP Address ng
website bukod sa 14.23.18. Tsk. Ibababa ko na sana ang papel nang bigla akong
may naisip. Napangiti ako at muling tiningnan ang numbers.
In the end,
binuksan ko ulit ang command prompt at inilagay ang website IP Address pero
this time, pabaligtad. Inuna ko ang 18 imbes na 14. Pagkaclick ko ng enter,
napasandal ako sa swivel chair ko at hindi ko na napigilang itakip sa mukha ko
ang kamay ko. Sana naman ito, tama na!
Three seconds. Ten seconds. Fifteen. Thirty. One
minute.
Dahan-dahan kong
inalis sa mukha ko ang pagkakatakip ng kamay ko. At napakunot ang noo ko sa
nakita ko.
Puro apoy.
Yung buong screen
ng monitor ay puno ng 3D video ng mga apoy. Walang iba kundi apoy. Tinitigan ko
ng maigi ang bawat sulok para siguraduhing walang mga nakasulat. And gah, there
was really nothing but fire.
Now, what?
Hindi ko na alam ang dapat na sunod kong gawin.
Nagclick ako pero walang nangyari. Same with keyboard. Nakakunot-noo lang akong
nakatitig sa screen no'n nang bigla nalang may sumabog sa mga apoy! And to make
it worse, may napakalakas na sounds kasabay ng pagsabog! Badtrip. Sinong hindi
magugulat do'n?!
Pagkasabog na
pagkasabog naman ay lumabas din na picture. And guess what? It was me! Ako 'yon
habang nakatitig sa screen! Ang picture na 'yon ay kuha ngayon mismo habang
nakatitig ako sa screen. The fuck?
Then ilang segundo lang pagkalabas ng picture ko
ay tawanan naman ang sumunod. Hininaan ko na nga yung speaker ko dahil ang
lakas talaga ng tawanan mula dito. Hindi ko mapigilang hindi
mapasimangot. Are the people behind this mocking me?
May mga comments pa na lumabas sa gilid ng
picture ko. Saying I am so ugly, boyish, not feminine, funny and such! Ramdam
ko ang pamumula ng pisngi ko sa inis. Just wait 'til you meet my
fist, assholes!
Nagsimula na akong magclick click pero wala pa
ring nangyayari. Walang ibang nangyayari sa screen kundi ang paglabas ng
sandamakmak na comment ng mga kung sino sa picture. Ang sasakit sa mata!
Siguro ilang minuto rin iyong nagtagal bago may
lumabas na malaking.... letter P. Two seconds after P ay A. Two seconds after A
ay S. Two seconds after S ay S ulit. Two seconds after S ay W. Then wala na.
Thirty seconds na pero wala pa ring lumalabas na sunod na letter though
halatang password ang gusto nitong iparating. After two
minutes, saka lang ulit may sumulpot na letter hanggang mabuo ang word na Password.
Sa ibaba ng password ay isang malaking linya.
Napalunok ako. I didn't ready for that! Well, computer skills
naman ang kailangan diba? So just then I thought of hacking the website. Yeah,
I tried hacking it. Ilang beses kong sinubukang pasukin yung site pero kada
subok ko, nagkukusang magshutdown yung computer ko. The hell.
Napasandal ako. Nandito pa rin ako sa harap ng
website at nakatitig sa malaking PASSWORD at mahabang linya sa ilalim nito.
Nakakaurat naman 'to. Kinuha ko yung papel na may picture ng code at tinitigan.
Hmm, zodiac signs sa gitna, IP Address sa middle line at unknown letters and
numbers sa... RIGHT! These might be the password! But not that easy.
Imposibleng magiging gano'n lang kadali ang password.
Zodiac signs?
Besides, ano 'tong numbers sa mga letters. May
capital and small letters pa. Ang unang set dito ay yung J6v. Kinuha ko yung
masterlist. Naghanap ako ng pangalan ng mga kaklase ko na may Jv na initials.
Then I saw Jasper Villamor. Tiningnan ko yung sunod na set sa code at nakitang
G5s yun. Binaling ko na naman ulit sa masterlist ang tingin at naghanap ng may
initials na Gs. Nakita ko naman agad si Geoff Sachs. Pinagpatuloy ko yun at
nalamang ang capital letters ay ang first names nila samantalang yung small letters
naman ay ang mga apelyido nila. Ngayon, ano naman ang numbers sa pagitan nila?
This is
frustrating.
May isa pa akong
nalaman; Gonzales ang apelyido ni Macky. Villamor naman si Trace at.. Kento
Third Hoshikawa naman ang full name ni Kento. Napaisip tuloy ako, kaanu-ano
niya kaya si Fourth? Aish! Ginulo ko naman yung buhok
ko. Ano ba Violet? Porke parehas number yung pangalan, magkaconnected na?
Bumalik naman agad ako sa pagfofocus sa
password. Capital letters ang first name at small letters ang last name. Pss,
hindi ko rin makuha ang logic kung ba't kailangang magkaiba pa. Okay, zodiac
signs. Of course, hindi sila nilagay dyan para lang maging design. Wait, zodiac
signs kaya ng Class 5-1 ang password? But how the hell am I supposed to know
their zodiac signs?
Napasapo ako sa
noo ko. Right, birthdays. In order to know their zodiac signs, I must know
their birthdays first! Pero paano?! Tatanungin ko sila isa-isa?! That's...
stupid!
"LILY!
Kakain na!" Narinig kong tawag ni Kuya Neon sa labas ng pinto ko.
"Oo kuya,
susunod na ako."
"Tsk!
Bilisan mo, bumaba ka na kung ayaw mong si Gray pa sumundo sayo dito."
Then narinig ko yung foot steps niya pababa.
Ayokong iwanan
'tong decoding portion ko pero ayoko ding si Kuya Gray pa ang sumundo sa akin
dito kaya naman nagpalit na ako ng damit pambahay dahil nakauniform pa ako saka
ako dumiretso na sa dinning para kumain. Kumpleto na sina Kuya do'n at ako
nalang ang kulang. Si Kuya Gray sa head chair, sa left side ay si Kuya Blue at
kuya Neon then sa right side si Kuya Red. Syempre, sa tabi nalang ako ni Kuya
Red umupo.
"Whoa.
Really? Kelan daw ba?" Tanong ni Kuya Neon kay Kuya Blue.
Napakunot-noo
naman ako. "Anong kelan? Anong meron, kuya?" Binalingan ko si Kuya
Blue.
"Oo nga pala,
wala ka nun." Sabi naman ni Kuya Red. "Nagpropose na kasi 'tong si
Blue kay Chaisee. Ngayon, pinagpaplanuhan na nila ang kasal."
"Ano?!"
Napatayo pa ako nun. "Ba't hindi ko alam yan?!"
Hinila naman ako
paupo ni kuya Red. "Nasa Japan ka nga eh diba?" Sarcastic na sabi
nya. Napanguso nalang ako.
Tiningnan ko
naman si Kuya Blue. "So, Kuya Blue, kelan nga?" Tanong ko sakaniya na
kanina ay tinatanong din sa kaniya ni Kuya Neon.
Si Kuya Blue ay
may girlfriend. At iyon ay si ate Chaisee, ang pakakasalan nga niya. Pero alam
niyo ba na dahil sa akin kaya sila nagkakilala? Well, dito sa Pilipinas kasi
ako nag-aral ng half ng Primary Years ko. I was 8 that time, grade four, while
Kuya Blue was 17, he was in his second year senior high. Then si ate Chaisee naman
no'n ay fourth year high school at the age of 16.
Mysterecy
International School kaming tatlo so kahit na primary ako, high school si ate
Chaisee at college si kuya Blue, nagkita-kita kami. Naglalaro kasi ako no'n sa
play ground at eksakto namang nadapa ako eh nando'n si ate Chaisee, dinala niya
ako sa clinic at siya mismo naggamot sa 'kin. Nando'n din sa clinic si Kuya
Blue and so on, their love story started.
Close ko si ate
Chaisee. Puro kasi kuya ang meron ako kaya naman naging close ko siya agad gaya
ng pagkakaclose ko kay ate Maine. But then again, umuwi sila ni Kuya Blue ng
Japan para sa kung ano. All in all, just like us, Ate Chaisee is half-japanese
and half-filipina.
At ngayon, ang
ate't kuya kong matagal nang nagsasama ay magpapakasal na. Nakakatuwa. Mag
iisang dekada na rin sila ah? Since they were just 16 or 17 that time at
ngayon, 25 na si Kuya Blue.
"Next month.
Inaayos nalang namin yung kasal then we're ready for it." Nakangiting sabi
naman ni Kuya Blue.
"Naks! So
saan ang honeymoon?" Nakangising sabi ni Kuya Red.
Humalakhak si
Kuya Neon. "Loko ka. Basta mga galawan mo eh 'no? Honeymoon agad?"
Tumawa pabalik si
kuya Red. "Anong gusto mong itanong ko?! Ilan gagawin nyo?!"
Nagtawanan tuloy
kami. But then again, narealized namin ang presensya ni Kuya Gray nang tumikhim
siya. Natahimik tuloy kami. Not just because he's getting irritated but because
the topic is sensitive for him. Why? He's still in love with ate Chaisee.
Nakilala niya si ate Chaisee by fate. Hindi dahil ipinakilala sya ni Kuya Blue.
No hard feelings
though. Bro code included there. Tanggap ni Kuya Gray na si kuya Blue ang gusto
ni ate Chaisee. But still, sensitive ang topic na 'yon para sa kaniya.
Tahimik ang buong
hapagkainan nang bigla nalang magsalita si Kuya Gray. And I swear, muntikan na
akong mahulog sa upuan ko dahil do'n!
"And by the
way, the eldest among us, of course, will come in that wedding next month. So,
prepare for some changes."
OH. I'M
DOOMED!
Chapter Eleven
Decoded
"ARGH!"
Ginulo ko ang buhok ko. "Hindi ako makapagfocus!"
Napatingin ako sa
orasan. It's already 1am. Plus may pasok pa ako ng 7am. How beautiful.
Ibinalik ko ang
tingin sa computer. Ayokong ipagpabukas--or ipagsamamaya rather--nalang 'to
dahil alam kong matatapos na ako.
Para hindi ako
mahirapan sa pag-isa isang tanong sa mga tarantado kong kaklase ng birthday
nila, naisipan kong i-hack nalang din ang Files ng school regarding the
profiles of the students. Naalala ko kasing sinabi sa akin ni Cortez na kaya
nalalaman ng Lethal Realm kung estudyante ba talaga ng Mysterecy High ang
members ay dahil sa connected ang website sa files compilation ng school
through hacking.
And I'm trying to
get in. Ang lakas ng firewall ng school but I know how to deal with this one.
Kinlick ko ang huling button at lumabas ang malaking 'processing' kasabay ng
percent sa ibaba. Now, I'm just going to wait.
Sumandal ako sa upuan ko at tumitig sa monitor. 2%... 3%... Ugh!
Pumipikit na ang mata ko. But I can't sleep! I still have to finish this. Muli
kong idinilat ang mata ko at mariing tumitig sa screen.
5%...
6%...
7%...
"Aray!"
Bigla akong bumagsak sa malamig na sahig nang magulat ako sa malakas na tunog
ng alarm clock.
Napalingon ako
do'n at nagulat ako nang makitang 6am na! Nakatulog ako! Ibinaling
ko ang tingin sa computer at nakitang completed na ang process. Shet. Buti
nalang nagising pa rin ako ng 6am. Dahil for 5hours lang ang epekto ng hacking
na ginawa ko! Pag lumagpas kasi ako ng 5hours, madidetect na ng computer nila
ang IP Address ko. On the bright side, finally, napasok ko na ang files
compilation ng Student Council. Agad akong umupo ulit sa upuan para ipagpatuloy
yon. Ramdam ko pa rin ang sakit ng leeg ko dahil sa upuan ako nakatulog pero
hindi ko na yun pinansin pa at chineck ang students' profile.
Syempre,
dumiretso ako sa Class 5-1 para sa profiles nila. Napangiti ako nang makitang
kumpleto na ang mga ito at ito na ang mga eksaktong detalyeng kailangan
ko. Yeees! Kumuha ako ng papel at ballpen saka isinulat doon
ang birthday ng mga pangit kong kaklase.
Napahinto ako
nung sa profile ko na huminto. Hmm, wala lang. Gusto ko lang i-check ang sa
akin. Naalala ko tuloy yung lalaking kumuha ng picture ko para sa ID at dito sa
profile na 'to. Wait! Pumasok si Macky sa Tech Room na 'yon nung mismong araw
na yon ah? Hindi kaya... isa sa Class 5-1 ang lalaking yun? Teka nga, ba't ba
'ko curious?! Saglit lang... sheeet! TAMA! Sabi ko na nga ba eh. Kaya familiar
sa akin ang Lethal Realm nung unang tingin ko dito. Dahil.. dahil ang unang
beses ko talaga syang nakita ay nung araw na nagpa-ID ako. Dun sa computer ng
lalaking kumuha sakin ng picture. And heck, nasa edit siya no'n. Ibig sabihin
ba... ang lalaking yun ay isa sa mga admins ng Lethal Realm?!?
Argh. You've got
no time for that, Violet! For 5hours lang 'to at isang oras nalang ang meron
ka. Kaya naman nagmadali na ako at nagdire-diretso sa pagja-jotdown ng
birthdays nila. Hindi kasi gumagana dito ang snipping tool o screen capture.
Akala ko wala nang problema. Pero napahinto ako nung nasa pinakadulo na. Yung
profile ni Kento... ANG DAMING BLANGKO!
Kento Third
Hoshikawa
Class 5-1 : Mysterecy High
Age: ___________
Birthday: __/__/__
Address: _______________________
Guardians/Parents: ________________
Iniscroll down
ko. Konti lang talaga yung may laman. Mostly, yung school activities lang niya.
Yung positions niya. Yung extracurricular and so on. Ba't gan'to?
May nagpop up sa ibaba ng monitor at nakita kong
15 minutes nalang bago maubos yung 5hours ko. Naman! Kaya
kahit wala akong nakuhang birthday ni Kento ay kinlose ko na ang files
compilation na 'yon para hindi ako madetect.
"LILIA!"
Napalingon ako sa
pintuan nang magsunud-sunod ang katok kasabay ng pagsigaw ni Kuya Neon.
"Gising na
ako! No need to bang my door!" Sumigaw naman ako pabalik saka nagsimulang
isaayos ang mga gamit ko.
Isa kasi parati
sa mga kuya ko ang ginigising ako tuwing umaga. And define paggising? Ibig
sabihin, susunud-sunurin nila ako ng katok sa pinto! Ang sakit sa tenga.
Nonsense ang pagpatay ko ng alarm clock tuwing umaga dahil daig pa nila 'yon.
Nag-asikaso naman
ako agad para sa pagpasok. Mabilis lang naman akong kumilos kaya ang aga kong
natapos. Nagulat nga sa 'kin sina kuya dahil ito raw ang unang beses na
gumising ako ng gan'to kaaga nang hindi dahil sa pambubulahaw nila. Usually
kasi alas siete na ako nagigising despite of the fact na binubulahaw nila ako
tas 7:30 ang pasok ko. Kaya madalas akong late--at dahilan kung ba't
nakakapaghanda ng balde ng kung ano ang mga kaklase ko para ibuhos sa 'kin
pagpasok ng classroom. Tuloy, minsan, gusto kong tanungin ang sarili ko kung
ano pang essence ng paliligo dahil gano'n naman tuwing papasok ako. Bihira kong
maiwasan.
Seven o'clock,
nasa school na ako. Thirty minutes bago mag-umpisa ang klase. Maaga na ang
ganito sa akin. Pero hindi sa iba. Kaya naman nagtataka ako kung ba't wala
gaanong mga estudyante pagpasok ko ng campus.
Naglalakad ako sa
hallway ng first floor ng building namin nang makasalubong ko si Miss Andrea.
Naglakad siya at huminto sa harap ko. Mabilis naman akong yumuko para gumalang.
Nagulat din siya sa akin.
"Miss
Katsuwara! Ang aga mo yata ngayon?" Nakangiti niyang sabi sa akin.
Matipid akong
tumango. "Pero ba't kakaunti yata ang students, Miss?"
Biglang naging
ngiwi ang ngiti niya. "H-Hindi ka ba sinabihan ng mga kaklase mo?"
Nag-aalangan pang tanong niya.
Napatitig naman
ako sa kanya na parang hindi makapaniwala. "P-Po?" Agh! Hindi ba niya
alam na hindi naman ako tinuturing na parte ng klase?! Pa'no nila ako sasabihan
ng kung ano mang meron?!
Medyo napakamot
siya sa ulo niya at alanganin akong nginitian. "Kasi alas nuebe pa ang
simula ng klase ngayong araw dahil sa General Conference, Miss Katsuwara."
A-Ano?
Hindi ko na namalayan nang umalis si Miss
Andrea. Argh! Ano ba naman kasing problema ng Class 5-1?!
Badtrip. Padabog tuloy akong umakyat ng classroom namin. Sobrang tahimik ng
hallway hindi katulad ng nakasanayan ko na nasa hagdan palang eh naririnig ko
na ang murahan nila. This time, ang nagdadabog kong lakad lang ang maririnig.
Pero nung malapit na ako sa classroom, bigla akong napahinto nang marinig ang
strum ng gitara.
Sinong tumutugtog?
Based sa pag-i-strum, mukhang isang malumanay na
kanta yung tinutugtog. Hindi ko alam kung anong specific na kanta though
familiar. Tahimik sa buong lugar at tanging yung gitara lang ang maririnig.
Nagdahan-dahan naman ako sa paglalakad papasok dahil pinapakinggan ko yung
tugtog.
Pagpasok ko ng
classroom, as expected, walang tao... maliban do'n sa naggigitara. Nasa dulo
siya at nakayuko sa gitara niya. Brown hair. Patuloy pa rin siya sa
pagtugtog. Hindi ko alam kung alam ba niyang nakatayo ako dito sa unahan hanggang
sa magsalita siya.
"It's
Problem Child by Simple Plan." Bigla niyang inangat yung ulo niya sa 'kin.
Just then, I knew he was Trace. Akala ko
si Kento. Parehas sila ng buhok.
Tinitigan ko lang
siya. Sasagot ba ako? Pss. Pinili kong hindi. Ngayon ko lang din naalala na
Problem Child yun ng Simple Plan. Naglakad ako papunta sa upuan ko at nilapag
ko do'n yung bag ko. Nang sulyapan ko si Trace, nakayuko na ulit sya sa gitara
niya at nag-ii-strum. Nakita kong hindi lang bag nya yung nandun kundi may isa
pang bag na katabi ng kaniya. At gitara. Kaso kung yung kay Trace ay black and
blue fire, that one was black with red fire.
"Ba't di mo
sabayan ng kanta?" Nagulat nalang ako nang pati ako, marinig ko ang sarili
kong magsalita.
Tiningnan nya
ulit ako at matipid siyang ngumiti. "I don't sing. Why don't you? Ako
maggigitara tas ikaw kakanta."
I rolled my eyes
heavenwards. Ba't ba kinausap ko sya? Tumalikod nalang ako. I better leave
here. Kaso nung nakakailang hakbang palang ako, nagsalita na sya.
"0-2-14."
Bigla akong
napalingon sa kaniya nang nakakunot ang noo. Now, what is he saying? Mukhang
napansin naman nya yung reaction ko kaya ngumiti ulit sya.
"I really
like you."
Naramdaman ko
namang nanlaki yung mata ko no'n at medyo napaatras pa ako. Bigla naman siyang
nagchuckle.
"Hey! Don't
think the other way around." Nangingiting umiling-iling sya. "Gusto
kita. Gusto kita bilang parte ng klase. It's just that we have rules that we
just can't break." Yumuko ulit sya sa gitara nya tas nagstrum. "So,
I'm telling you that."
"Anong
'that'?" Nakangiwing tanong ko.
"0-2-14."
"Huh?"
Biglang may
pumasok ng classroom at sumigaw. "Ya! Ba't nandito ka pa?!"
Napalingon tuloy ako at nakita ko si Macky. Ngumiti ba naman ng malawak sa
'kin. "Hey Damsel! Aga mo ah?!" Tapos tumawa siya.
Bigla namang
umusok yung tenga ko don. Oo nga pala! Dahil sakanila kaya imbes na makakatulog
pa ako, ang aga ko! Nakita ko nalang yung sarili ko na itinapon sa kaniya yung
bag ko. Sapul! Napangisi ako nang tamaan sya kahit na umilag
sya.
"Anak
ng!" Sinamaan nya ako ng tingin. "Gusto mo ng away nang gan'to
kaaga?!" Maangas na tanong nya. Parang di naman sya seryoso at nasabi lang
yon dahil sa pagkairita.
Umangat naman
yung sulok ng labi ko. "Ba't di nyo ko sinabihang alas nuebe pa ang
pasok?!" Maangas na tanong ko pabalik.
"Tsh! Hoy,
Villamor! Tara na! Baka makasapak ako ng babae!" Iritable nyang ginulo ang
buhok niya. "Aish!"
Narinig ko namang
tumawa si Trace kaya napalingon ako sa kaniya. Nasa likuran ko nalang pala sya.
Tinap nya ako at nginitian. "0-2-14. Remembet that. That's his. Goodluck
in decoding." Then nilagpasan na nya ako at nakapamulsang naglakad
palabas. Yung gitara lang niya ang dala niya na nakasabit sa likod niya.
Napailing naman
ako nang bigla akong may narealize. "Teka! That's
his?! Goodluck in decoding?! Yourung birth date ba ni Kento ang
sinasabi niya?!" Napatingin ako sa dinaanan ni Trace. "At alam niya
ang tungkol sa code?!" Napakagat-labi ako. "S-Siya kaya si
Manipulator X?" Bigla ko namang ginulo ang buhok ko. "Kung sya yon,
bat naman nya sasabihin sakin yung birth date ni Kento?" At kung
hindi sya yun. Paano nya nalaman at ba't nya sinabi sakin?
Whatever. Mas
okay pa rin kung susubukan. Pero ba't petsa lang ang sinabi nya? I mean, PAANO
YUNG TAON?! Kainis.
Kinuha ko yung
bag ko na nasa nay pintuan at sinukbit sa isang balikat ko para bumaba. Uuwi
nalang ako! Malamang open gate dahil mamaya pang alas nuebe ang pasok.
At mukhang nasa
panig ko ang kabutihan. Wala akong naabutang kuya na mangkukwestyon sa akin sa
bahay. Dumiretso ako agad sa kwarto ko at nagbukas ng computer. Binalikan ko
yung website at lumabas na naman yung PASSWORD.
Okay, so balik
tayo. It must be connected to their birthdates dahil sa nasa yin-yang code.
Tiningnan ko ang listahan ng birthdays nila na katabi na rin kung anong zodiac
sign nila. Then yung original numbers at letters din na nasa yin-yang.
(J6vG5sT12vY8aH2K14yW9bF1pT11M13gpL10vR4eC7jH3s) Capslock for first name and
small letter for family name tas may numbers sa pagitan. Anong ibig sabihin
nitong numbers? Jinot-down ko naman sa panibagong papel yung mga numbers na
nasa pagitan ng letters. At ito yun lahat based sa pagkakasunud-sunod ng sulat:
6
5
12
8
2
14
9
1
11
13
10
4
7
3
Isa ang napansin
ko. Fourteen numbers 'to na naglalaro sa number 1 hanggang number 14 na galing
sa fourteen names ng mga students ng Class 5-1. Therefore, I conclude, order
'to. Nakalagay ang numbers sa pagitan ng mga pangalan. Then, ito yung
pagkasunud-sunod. Ang buong code ay ang formula ng password. Parang sa Math
lang. Yung nasa yin-yang ang formula at ako na ang bahalang magsubstitute ng
given. Pero hindi ko pa alam kung PAANO!
Well, may
pagkasunud-sunod na. At alam ko na ring involved ang birthdate nila--o kaya ay
ang zodiac sign. Pero paano itong magiging ang password? Ganito ba ang format?
Formula? Then ano ang mga given?!
"0214.
Remember that. That's his."
Parang nag-echo naman sa isip ko ang boses ni
Trace. TEKA NGA! Kay Kento lang ang wala ako. At mukhang alam ni Trace ang
tungkol sa code. Tinulungan niya ako sa pamamagitan ng pagsabi ng birthdate ni
Kento. (Dahil malamang ay alam rin nyang walang matinong record si Kento sa
school). Pero ang ibinigay lang niya ay apat na numbers. 0-2-14. Does he mean,
February 14? Wala naman kasing 14th month at imposibleng 1914 o 2014 pinanganak
si Kento!
Okay. Ang nasa
numero sa yin-yang ay... capslock letters for first names, small for last name
at ang numero sa gitna ang order. Sa decoding naman, ang nakuha kong clue ay
birthdate at zodiac sign nila. Kung ipagpapalagay ko na ang nasa yin-yang ang
formula at ang clues ang given... ang possible na magsubstitute sa big letters
ay either yung first letter ng month o first letter ng zodiac sign at ang
possible namang magsubstitute sa numbers sa pagitan ng dalawang letters ay...
yung petsa ng birthdate! Para isaayos ang lahat, ang original code na nasa
yin-yang naman ang magsasabi ng order o pagkasunud-sunod.
Nahampas ko bigla
yung desk ko sabay sigaw ng "yes!" . Finally! I'm
done with this crap! Parang gusto kong ngumisi. Humanda ang Manipulator X na
'yon, kung sinuman siya! Grr. Sinulat ko agad yung password na nasolve ko rin
sa wakas. Ang ginawa kong capslock ay yung month ng birthdate then yung date
tas ang small letter ay ang zodiac sign.
Excited akong
bumalik sa website na hindi ko pa alam ang pangalan. Nandoon pa rin ang
malaking PASSWORD at sa ilalim ang guhit. Tinype ko agad dun yung password.
Biglang lumabas yung malaking LOADING. Naghintay naman ako ng siguro limang
minuto at nanlaki ang mata ko nang makita ang capslock na ACCESS DENIED sa red
font! Sa ibaba pa ay yung bloody font na "Two Try Left".
Nahampas ko na naman yung desk ko. This time,
hindi dahil sa tuwa kundi sa inis. Chill, Violet! Fine. Let's move to
Option B. Sa pangalawang type ko, ang ginawa kong capslock ay yung
first letter ng zodiac sign at ang small letter naman ay yung month. Still, sa
gitna nila yung petsa. Kinlick ko yung enter at naghintay ng panibagong limang
minuto.
A C C E S S D E N I E D
One Try Left
___________________
"Argh!
Kaasar!"
Biglang
nagvibrate yung phone ko. Nang tingnan ko naman eh yung alarm pala na
nagsasabing magna-nine o'clock na. Kailangan ko nang pumasok. Mamaya ko nalang
siguro itutuloy 'to. Hindi ko pwedeng sayangin ang last chance. Isa pa, matibay
ang firewall ng website na 'to (na tingin ko ay website ng Class 5-1) kaya
malamang eh nonsense ang pagbabago-bago ng IP Address nitong computer ko dahil
nariread pa rin nya ng tama ang try ko.
Tinapunan ko
naman muna ng isang huling masamang tingin ang monitor bago ako tumayo kasabay
ng pagsukbit sa bag ko. Nakakainis! Ano bang mali?! Tama na lahat ng
calculations ko. Sigurado ako do'n. Sigurado din akong buong Class 5-1 ang
nakalagay---sandali...
Dahan-dahan akong
napalingon ulit sa monitor. Could it be possible? Napailing
ako. Hindi naman pwede. Tumalikod na ulit ako. Magsisimula na sana ulit akong
maglakad pero bigla kong inihilamos sa mukha ko ang kamay ko. Argh! I
should give it a try!
Umupo ulit ako sa
harap ng computer at binalikan ang website ng klase. Huminga ako ng malalim.
This would be the last chance. Hindi naman ang pagiging Admin ng Lethal Realm
ang ini-aim ko. It's just that, I have my ego in here. Isa pa, masyado akong
pinrovoke ng Manipulator X na 'yon. Pumikit ako. Dapat tumama na ako dito!
With nervous fingers, tinype ko ang password na
nasa isip ko. Ito yung unang password na tinry ko--big letters for first letter
of months, numbers for dates then small letters for zodiac signs. Limang minuto
ulit ang hinintay ko. At sobrang kinakabahan talaga ako. Napapikit pa ako no'n
sa nerbyos sa magiging resulta.
Nagulat nalang
ako nang magbeep beep ng sunud-sunod ang speaker ko. Yung parang pang emergency
beep sa hospitals. Napadilat ako at mas nanlaki ang mata ko sa nakita sa computer.
A C C E S S C O M P L E T E D
Hindi ko
napigilang ngumiti. Tumama ako sa password na inilagay ko. Katulad na katulad
lang iyon ng unang try ko.
But this
time, I added mine as the fifteenth set to complete the Class 5-1.
Chapter Twelve
First Year SH's Kings
"Hanep." Napailing-iling ako.
Okay. So, tumama
nga ang password ko which is yung birthdate at zodiac signs ng buong Class
5-1--na sa nakakagulat na parte ay kasama pala ang sa akin. Kunsabagay, hindi
naman nga masasabing Class 5-1 kung kulang ng isa (which is ako) dahil sa papel
ng school, student pa rin ako ng Class 5-1. But still, hindi ko akalaing kasama
ako sa password.
Pero hindi 'yon
ang dahilan kung ba't napapa 'hanep' ako dito kundi ang
website! Pagkatapos ng sampung minutong display ng "ACCESS
COMPLETED" sa screen, guess what comes next? Plain black with a
short message! And know what it says?
Impressive. You've done a good job, neophyte.
Iyon lang. Sa ibaba
naman ay may maliit na letter din, saying:
This is a scheduled message if you managed to
access this site within the 48 hours I gave you. The website was supposed to
self-destruct if you did not reach the deadline. But since you're reading this,
you probably succeeded. Congratulations.
Napasandal ako sa
upuan ko. Hanep. Hinilot ko pa ang noo ko. Hanep talaga! Supposedly,
magsiself destruct ang site kung lalagpas ako ng 48 hours. Ibig sabihin, walang
kakwenta-kwenta ang website na pinaghirapan kong i-access at ginawa lang ito ni
Uno para sa test na 'to. How could he! Napatayo ako sa
inis. Teka nga, ba't ba ako naiinis? Kaasar.
"Stop that, Neon Nathan!"
Napagitla naman
ako sa gulat nang may marinig na sigaw. Napalingon ako sa pintuan ko as if
makikita ko dun yung sumigaw. Based sa boses, mukhang si kuya Gray. Ba't naman
nasigaw 'yon? Naglakad ako palapit sa pintuan ko at dahan-dahang binuksan ang
pintuan sapat para lang makasilip ako. Wala sila sa hallway kaya lumabas pa ako
at sumilip sa may gilid ng hagdan. Nagulat pa ako nang makita sa sala ang lahat
ng kuya ko sa sala na nagkukwentuhan. Mukhang kagigising lang nila? Puro pa
kasi sila nakaboxers. Natulog ba sila pag-alis ko kanina? Wala ba silang mga
pupuntahan?
"Anong meron?" Napabulong naman ako sa
sarili ko kahit na alam ko namang walang sasagot sa akin.
Argh. Teka nga! No
need to be curious. Ang kailangan ko ngayon ay makatakas nang hindi nila
nakikita. Lagot talaga ako pag nakita nila ako. Kaya naman dahan-dahan akong
tumalikod para sana bumalik sa loob ng kwarto ko. Kaso kahit anong dahan ko,
talagang napansin nila ako.
"Violet
Katsuwara. Did. You. Skip. Classes?"
Napalunok ako ng
laway. Anak naman ng pating oh-oh! Napabuntong-hininga
ako at dahan-dahang napalingon sa kanila. Bahagya pa akong napangiwi nang
makita silang apat na nakatingin sa akin na para bang ready na silang sakmalin
ako anumang oras. Dahan-dahan ulit akong tumalikod.
Napapikit ako.
"I'm not here!" Saka ako tumatakbong bumalik sa kwarto ko kasabay ng
sabay-sabay nilang pagtayo para sundan ako.
Saktong pagsara
ko ng pinto ay ang sunud-sunod nilang pagkatok at pagsigaw. Sinisermunan na ako
agad!
"Hoy, Lilia!
Buksan mo 'to!"
"Lagot ka
talaga sa 'min, bata ka!"
"Lumabas ka
nga dito!"
Talaga naman!
Spare me, people! Geez. Hinablot ko agad yung bag ko at dumiretso ako sa
terrace ng kwarto ko at nagmamadali iyong binuksan saka do'n lumabas. Tumingin
ako sa kaliwa't kanan. Nakita ko sa kanan ko ang terrace ng kwarto ni Kuya
Neon. Napangiti naman ako.
Umakyat ako sa
grills ng terrace at gaya ng nakasanayan eh tinalon ko ang pagitan ng terrace
namin ni Kuya. Nagmamadaling pumasok ako sa kwarto nya at nakita sa lamesita ng
mini-sala nya ang hinahanap ko--his key.
Dahil mukhang
nakakutob naman ang mga kapatid ko na lumipat ako ng kwarto, saktong pagkuha ko
ng susi ay bumukas ang pinto ng kwarto at tumambad si Kuya Blue at Kuya Neon.
"You--!" Tinuturo pa ako ni Kuya Neon. Nanlaki pa lalo ang mata nya
nang makitang hawak ko ang susi ng motor nya.
Nanlaki naman ang
mata ko. "Me?" Tumawa ako para maasar sya.
Naglakad palapit
sa akin si Kuya Neon. Nagmamadali naman akong tumakbo palabas ng terrace.
Napahawak ako sa grills at napatingin sa ibaba. Okay, no blocks.
Nilingon ko si
Kuya Neon at nginisihan. "Too slow, kuya!" Tapos tumalon na ako
galing sa terrace ni Kuya Neon pababa sa damuhan. Mababa lang naman 'yon--or
baka sanay lang ako.
Kaso saktong
paglapag ko ay may sumigaw ng pangalan ko galing sa likuran ko. Nilingon ko
naman at nakita sina Kuya Gray at Kuya Red sa di kalayuan. Naman!
Sa likuran ang kwarto namin ni Kuya Neon kaya
malapit na sa garage. Doon ako nagmamadaling tumakbo. Nakasunod pa rin kasi
sina Kuya Gray sa akin. Pagdating ko sa garage namin, inikot ko yung tingin ko
para hanapin kung nasaan ba yung motor ni Kuya Neon. Nakita ko naman agad sa
dulo kaya dun ako pumunta saka agad na binuhay ang makina. Pinaandar ko agad
palayo nang tumatawa dahil mukhang maiisahan ko na naman sina Kuya.
"LILIA!"
Paglabas ko ng
garage, nakita ko sina kuya Blue at kuya Neon sa pintuan ng bahay na nakatayo
na humahangos, mukhang galing sa pagtakbo. Malamang, galing ba naman sila sa
likuran ng bahay eh.
Kumaway ako sa
kanila ng nakangiti. "Ja-na, nii-chan!" Natatawang paalam ko.
Buti nalang
remote control yung gate namin kaya hindi ko na kinailangang bumaba para
buksan. Bago pa nga ako tuluyang makalabas eh nakita ko pa sina kuya Gray at
kuya Red na tuluyan nang huminto nang napapailing. Sinundan nalang nila ako ng
tingin dahil sa totoo lang eh hindi sila makalabas nang... nakaboxer lang.
"Ibabalik ko
nalang mamaya kuya!" Sigaw ko pa ng nakangiti kay Kuya Neon bago tuluyang
pinaharurot ang sasakyan palayo ng bahay.
Kung ako ang titingin sa kanila mula sa malayo, matatawa talaga ako.
Puro lang kasi sila nakaboxers at magugulo pa ang buhok. Ano ba namang trip
nila at ibinalandra sa labas ang mga pandesal? Pft.
Nakarating ako sa
Mysterecy High nang alas onse. Ipinark ko sa underground parking lot ang motor
ni Kuya Neon. Saktong paghugot ko ng susi, nakarinig ako ng pagbagsak. Napalingon
ako sa pinanggalingan niyon at nakita sa dulong bahagi ng parking lot ang ilang
mga estudyante---na mukhang nagtatalo. May isang nakahiga sa semento at mukhang
mag-isa lang siya laban dun sa mga nakatayo. Hindi ko makita ang mukha nya
dahil nakasideview siya sa akin.
Tiningnan ko
naman yung mga estudyanteng nakatayo sa harapan niya. Siguro nasa lima o anim
sila. They're your typical gangsters. Spiky hair, piercings, black shirts and
unbuttoned polos. Yung nasa unahan ang mukhang leader. Nang tingnan ko naman
ang plate name, nakita kong first year senior high sya based sa kulay ng border
ng plate name.
Tutulong ba ako?
Pero mukha naman kasing may atraso yung lalaki
base sa usapan, hindi lang siya basta binubully. Ba't ako makikialam? Nagpamulsa
ako at tinalikuran ang direksyong 'yon para umalis. Argh! Ito na naman ang konsensya ko. Badtrip. Humarap
ulit ako para puntahan yung grupo. Saktong pagharap ko eh paglingon nila sa
direksyon ko. Napahinto tuloy ako.
"Oooohhh." Sabay-sabay pa silang nagreact nang makita ako.
"Diba yan si
Violet?" Narinig kong sabi nung isa sa isa pa.
Sinulyapan ako ng
leader. "Get out of here, bitch." Then inalis na rin nya agad sa akin
ang tingin. He did not just call me bitch!
Pakiramdam ko, mas naprovoke pa ako nung sinabi
niya. Nakapamulsa akong nagpatuloy ulit sa paglalakad palapit sa kanila.
Maangas akong
tinanguan nung leader yata. "You're the neophyte, aren't
you?" Tinuro niya yung lalaki sa sahig. "Then you probably know this
guy?"
Nagulat ako kaya
napahinto ako nang bigla niyang sipain ng malakas yung lalaki sa sahig sa
tagiliran. Humiyaw sa sakit yung lalaki tapos nagpaikot-ikot sa sahig kaya
medyo nakita ko yung mukha niya. Mukha syang junior. (Third Year
HS/G9) Tumawa naman yung leader.
Dumura sya sa
sahig. "Pathetic."
Dumilim naman
yung expression ko nun at nakapamulsang lumapit ulit ako sa kanila. Pinanood
naman nila akong makalapit. Huminto ako nung isang dipa na ang layo ko sa
leader. Sinamaan ko siya ng tingin.
"I think,
you're the one who's pathetic here." Matalim na sabi ko sa kaniya.
Natatawa naman
niya akong tiningnan. "Oohhh." Ngumisi siya. "So, the rumors are
right." Nakapamulsa siya nun tapos nilevel niya sa akin yung mukha niya.
"The new recruit is quiet good at sticking her nose in other's
business." Bigla nalang niyang tiningnan at hinawakan yung buhok ko na
medyo tumatakip sa mukha ko, yung part na may violet high lights. Tumingin siya
sa akin at ngumiti. "I also like your violet eyes." Tapos bigla niya
akong tinulak palayo gamit ang pagduro sa noo ko. "You're gonna be in
danger with that attitude, fragile little kid. Get outta' here."
Lumayo ako ng
isang hakbang tapos binaba ko yung tingin ko sa lalaki na namimilipit pa rin sa
sakit. Junior nga siya based sa kulay ng border ng platename. Pero hindi ko
siya kilala gaya ng sinasabi nung lalaki. Sinamaan ko ulit ng tingin yung
leader.
"You're
pathetic. Ang dami nyo para bugbugin ang isang 'to." I smirked. "Why
not try me?"
Tinulak ko yung
leader at saktong pag-atras niya ay bumwelo ako at binigyan siya ng sipa mula
sa likod. Do'n naman naging aggressive ang mga kasama niya at nagfighting stunt
kasabay ng pag-ikot sa paligid ko. Inisa-isa ko sila ng tingin para
bilangin. Anim. Tumayo yung leader at pinunasan ang dumugo
niyang ilong. Plus him, pito. Naman oh!
"Go and beat that up." Inis na utos ng
leader.
Do'n naman
nagsimulang magsipagsugod yung mga kasama niya. Sabay-sabay sila sa pagsugod
kaya napapaatras ako kasabay ng round-house kick. Napapaatras naman sila do'n.
Biglang may lumilipad na kamao galing sa kaliwa ko ang hindi ko naiwasan at
tumama sa pisngi ko. Sa inis ko ay doon ako nagfocus sa sumuntok sa akin
hanggang sa bumagsak siya dahil sa mga suntok at tadyak ko.
May humawak sa
akin mula sa likod para yata atakihin ako pero mabilis ang naging response ng
katawan ko at nagawa siyang sikuhin hindi pa man niya nasisecure ang hawak
niya. Napaatras siya kaya hinarap ko agad at binigyan ng suntok. Nakita ko sa peripheral
vision ang pagsugod ng payat galing sa bandang likuran ko. Naground house kick
ako kaso sinalo nung payat. Tapos may humawak sa magkabilang braso ko, yung
humawak rin sa akin kanina. Ang ginawa ko, pinaikot ko sa ere yung buong
katawan ko kaya nagtwist rin yung mga may hawak sa akin at nagsipaglanding sa
sahig.
Bumagsak ako sa
sahig dahil sa ginawa ko. May susugod palapit sa akin kaya bigla ko siyang
sinipa sa dibdib kasabay ng pagtayo. Sakto namang pagtayo ko ay may tumamang
kamao sa bandang sentido ko. Shit! Parang may bakal na gamit
yun. Isang suntok din ang itinapon ko sa pinanggalingan ng kamao. Napapikit
yung kanang mata ko dahil sa kanang sentido ko tumama yung kamao. Nagsisimulang
maging malabo ang paningin ko. Pula... May dugo ba? Nagulat
nalang ako nang may malakas na sipa akong naramdaman sa tiyan ko.
Nagdire-diretso ako paatras. Mararamdaman ko nang babagsak ako sa sahig pero
hindi iyon nangyari.
Blurry na talaga
yung paningin ko. Yung kaliwa nalang ang naibubukas ko dahil tama nga ako,
dumudugo yung kanan. Naaaninag ko ang mga lalaki. Pero ba't parang mas dumadami
sila? Mas dumadami ang pigurang nakikita ko. Anong nangyayari? Gaaah.
Nahihilo na talaga ako.
"GODDAMMIT!
Bilisan nyo dyan! Mahihimatay na ang isang 'to at nangangalay na ako!"
Nakarinig ako ng
sumisigaw galing sa likuran ko. Dahil malapit lang siya ay malinaw ko siyang
naririnig. Pumupungay na ang mata ko at parang malabong echo nalang ang pasigaw
na pagsagot ng mga lalaki.
Anong nangyayari?
※※※
"Sabi sainyo,
useful ang anim na higaan dito eh!" Tawanan.
"G*go!
Pasimuno ka rin eh!"
"Anong ako?
Eh dinadamay nyo lang naman ako mga ul*l!"
"Manahimik
nga kayo, pwede?! Mga kumag talaga kayo eh 'no?!"
"Luh! Naano
ka, Tristan? Chillax!"
"Yae na.
Badtrip siya dahil tigahawak lang daw sya dito kay liit at di man lang
nakasabak." Tawanan.
"Balatan
niyo nga ako ng mansanas!"
"Ul*l! Mukha
ka bang baldado?! Ni hindi ka nga pasyente dito! Tumayo ka, g*go."
"T*ng ina
mo. Dami mong sinabi."
Argh. Kelan pa naging gan'to kaingay sa bahay? Dahan-dahan
kong ibinukas ang mata ko kasabay ng paghawak sa masakit kong ulo. Nung una ay
malabo pero unti-unti ring luminaw. Inikot ko yung tingin ko at nalamang nasa
clinic ako. Hinimas ko yung ulo ko dahil ang sakit talaga kaso naramdaman kong
may bandage. Ano bang nangyari?
Nagulat ako nang makita ang ilan sa mga kaklase
ko sa pagdilat ko. Nagsipaglingon naman sila sa akin nang malamang gising na
ako. Paano naman sila napunta dito? Saka ba't ba ako napunta na naman ng
Clinic?
"Oy mga
'tado! Gising na si damsel!"
"Ayan,
manahimik naman na kayo!"
"Ngayon kayo
magbalat ng mansanas!"
Napangiwi ako sa
ingay nila. Nilibot ko ang tingin ko. Nakahawi yung kurtinang dapat ay
nakatakip sa higaan ko kaya naman nakita kong lahat ng higaan dito sa clinic
ngayon ay occupied. Nasa ikalawa ako sa unang linya. Ang nasa kanan ko ay hindi
ko kilala pero alam kong taga-Class 5-1. Yung nasa kaliwa ko eh yung junior na
binubugbog kanina ng mga first year senior high. Yung tatlo pa eh occupied ng
Class 5-1. Though mukhang ako at yung batang lalaki lang ang nawalan ng malay.
Napasabak na naman nga pala ako sa away. Haaay, lagot ka,
Violet.
Umupo ako galing
sa pagkakahiga at nakangiwing tiningnan ang mga kaklase kong nakatingin sa
akin. Wala namang nandito sa higaan ko pero lahat sila ay nasa akin ang tingin.
At grabe, kahit saan yata pumunta ang mga lalaking 'to ay gugulo. Pa'no, nakakalat
na sa sahig yung mga unan, bag, balat ng mga pinagkainan at kung anu-ano. Tapos
may mga upuan na sa gitna kung saan sila nagsipag-upo habang may binabasang...
mga FHM?! Yung iba, nasa magugulong higaan na naglalaro ng baraha. Meron pang
hindi naman pasyente eh feel-at-home na nakahiga sa higaan nang hindi man lang
tinanggal ang sapatos. Wala na rin sa ayos ang mga higaan. Siguro halos lahat
sila andito maliban kina Kento, Trace at Macky. Hindi ko sila nakita.
"Anong
tinitingin-tingin nyo?" Iritableng tanong ko sa kanila sa bagong gising na
tono. Nagtawanan tuloy sila. Napasiring nalang ako ng tingin. "Pss."
Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakitang alas quatro na ng hapon. Luh, ilang oras din akong natulog?
Nagulat ako nang
may bumato sa akin ng nabalatan na mansanas. Tumama yun sa pisngi ko. Hinanap
ko ang bumato at nakita ko si Cortez. Nakaupo siya sa tabi ng higaan nung
natutulog na batang lalaki.
Ngumiti siya sa
akin pero sinamaan ko lang siya ng tingin. Nalipat ang tingin ko sa katabi
niyang batang babae. Napakunot-noo ako nang makita kung sino 'yon. Hazzel brown
eyes. Long wavy brownish black hair. Pinkish lips. Rosy cheeks. Ang mukhang manikang SC President.
Ano ngang pangalan niya? Doll? Dolly? Barbie? Ah, Barbie.
Nakatingin siya dun sa walang malay pa rin na
batang lalaking binugbog. Parang wala nga siyang pakialam o kamalay-malay sa
paligid niya. Nagpalit-palit naman ang tingin ko sa kanila nung lalaki at dun
ko lang napansin ang resemblance nila. Yung buhok, yung kutis, yung mata at
hugis ng labi. Nang sulyapan ko si Cortez, nagmouth siya ng 'brother' na
walang boses. Napatangu-tango naman ako.
Marahan at maayos
akong bumaba ng clinical bed na iyon. Dun naman napatingin sa akin yung
sophomore na SC President. Tumayo siya bigla at tumingin sa akin. Sinulyapan ko
rin siya pero hindi ko na tinagalan ng tingin. Bahala siyang tumingin sa akin
kung gusto nya. Hinanap ko ang sapatos ko sa ibaba nang nakayuko. Hindi ko pa
man nahahanap, nagsalita na yung mukhang manika.
"How could
you disrespect me?"
Tumahimik bigla
yung clinic nang magsalita siya. Luh? Nagstraight ako ng tayo
at napatingin naman ulit tuloy ako sa kaniya nang medyo nakangiwi. Anong sinasabi nito? Mukhang
napansin naman niya yung ekspresyon ko kaya pinaliwanag niya.
"If the
president looks at you, you are supposed to stand your ground." Aniya.
Napakakalmado at napakasoft ng boses at tono. Parang napakatransparent ng
pagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung totoo ba o hindi.
Napataas naman dun
yung dalawang kilay ko. Oh, ganun ba? So, diniretso
ko sa kaniya ang katawan ko at ulo ko habang diretso ding nakatingin sa kaniya.
Ayan naman. Nasa kaniya na ang buong atensyon ko. Tiningnan ko siya na parang
hinihintay pa ang sasabihin niya. Diretso din ang tingin niya sa akin. She's
really pretty. If I were to describe her, living doll would be my description.
Plus her height. Ang neutral niyang expression na ngayon ay nakatingin sa akin
ay napakaamo. Hindi ko tuloy alam kung naiinis ba siya o hindi. Dahil mismong
pati ang tono at boses niya ay natural na malambing.
Ngumiti siya. Katulad ng ngiti ng manika, hindi labas yung ngipin tapos
napaka-genuine tingnan. "Haven't I told you that I don't want to see you
again with your violet high lights and violet contacts, have I, Miss
Katsuwara?"
Automatic naman
na umangat ang isang sulok ng labi ko. Sumulyap ako sa kanan bago binalik ulit
sa kaniya ang tingin ko. "Is that what you're supposed to say to the
person who saved your brother who was in verge of dying?" Hindi ko
mapigilan ang iritasyon sa boses ko.
Nanatili ang
ngiti sa labi niya. "I am talking to you as the Student Council President
and not as the sister of Dal Ken Jang, Miss Katsuwara." Pati ang pagiging
malumanay ng boses niya ay nanatili.
Pinagcross arms
ko yung kamay ko. "But the Student Council's President is the sister of
Dal Ken Jang. Ibig sabihin, kinakausap mo ako bilang presidente ng Student
Council na kapatid ng batang lalaking niligtas
ko." Pati ako ay naririnig ang matinding sarkasmo sa boses ko.
Tumaas ang
dalawang kilay niya nang nakangiti. Mas ngumiti pa siya. Now, I'm
starting to be irritated to that sweet smile. "I think, I did not
clear my point. What I'm saying is, hanggang ngayon, nilalabag mo pa rin ang
Rules And Regulations ng School."
Napahinga ako ng
malalim. "Well, my point is you should've set that aside and act as a
sister before as an official in this kind of situation." I tsked.
"Sabi ko na nga ba eh. Hindi pwede ang batang pinuno. Masyado pang immature."
Nakangiti pa rin
siya. Parang walang epekto sa kaniya ang sinabi ko. Para talagang manika. Kahit
tawaging bitch, mananatiling nakangiti. Bago pa man siya sumagot, nagulat ako
nang may humawak sa may kanang balikat ko. Napalingon ako at nakita sa kaliwa
ko si Kento na diretsong nakatingin kay Barbie. Sa tabi ni Kento ay si Macky at
ang tumabi sa kanan ko ay si Trace. Malawak na ngumiti sa akin si Macky in a
way na parang inaasar niya ako. Inirapan ko nalang siya.
Nang tingalain ko
naman si Kento, nagulat ako nang makita siyang nakatingin sa akin. Seryoso nang
nakakunot-noo na para bang naiirita siya sa akin.
"Ano?"
Tanong ko sa kaniya na in a way na parang ang whole sentence ko ay 'ano na namang ginawa ko
at ganyan ang tingin mo?'.
"Don't you think you're talking to
yourself?" Huh? Yung sinabi ko ba kay
Barbie na immaturity
ang ibig niyang sabihin? Pss! Bago pa ako
makasagot, tumingin na ulit siya kay Barbie. "If Class 5-1 can keep their
highlights, then so as she." Tapos mas bigla niya akong kinabig palapit sa
kanya. "In case you forgot, Violet Katsuwara is part of Class 5-1 now. She
gets what Class 5-1 gets." Whoa, wait, what?
Tumalikod na siya
at lumakad palabas nang nakapamulsa. Wala akong nagawa kundi sundan siya ng
tingin gaya ng iba. Kaso bigla akong inakbayan ni Macky at hinila pasunod kay
Kento. Pati yung iba pang natitirang Class 5-1 ay sumunod na rin.
Ngumiti siya ng
malawak sa akin at pinitik ang noo ko. "Alam mo ba ang pinasukan mo,
damsel?"
I glared at him
and gritted my teeth. "Who's damsel?" Tapos siniko ko siya para
maalis yung akbay niya. "At tigilan mo nga ang pag-akbay sa 'kin!"
Tumakbo ako
palayo sa kaniya. Dahil sa kaniya ako nakatingin, bigla nalang akong bumagsak
nang tumama ako sa...
"Where the hell
are you looking at?!"
Napangiwi ako
nang marinig ang sigaw ni Kento. Nakatayo siya sa harap ko. Tumayo naman ako
nang pinapagpagan ang pang-upo ko. Ang sakit no'n.
Tinitingnan naman
ako ng kunot-noo ni Kento. Parang mauubusan naman ng pasensya na nagpameywang
siya at bumuga ng hangin. Tiningnan nya ulit ako. "Do you know where you
put us through?" Inis na sabi niya sa akin.
Nakakunot pa rin
ang noo ko na nakatingin sa kaniya pero hindi ako sumagot.
Tinitigan niya
ako nang naiinis tapos bigla nalang siyang tumalikod at nagpamulsa ulit.
"Tsh." Narinig ko pa bago sya magsimulang maglakad palayo.
"Problema
nun?" Naibulong ko nalang sa sarili ko nang makalayo na siya. Nakasunod na
rin sa kaniya yung iba pa.
Bigla namang
sumulpot sa kaliwa ko si Trace at sa kanan naman si Macky.
"You're
really stupid, aren't you?" Nakangiting sabi ni Macky. Yung usual nyang
ngiti na malawak. Nginiwian ko siya kasabay ng paghead-to-toe ng tingin.
"By the way,
being part of Class 5-1 and part of Dexterous is... different." Bigla
namang nagsalita si Trace.
"Uh?"
Iyon lang ang naisagot ko.
"Yung mga
nakaaway mo kanina..." Umakbay bigla sa akin si Macky. Sa kaniya naman ako
napatingala. "...they're The Kings Of First Year Senior
High." Lumingon siya sa akin at ngumisi. "And you just
messed up with up with them!" At tinapik niya ako ng malakas sa balikat
ko. Aray!
Napabuntong-hininga nalang ako.
Man,
Violet, you're totally screwed!
Chapter Thirteen
Gate Battle
Paglabas naman ng
Clinic, dahil sa parking lot din ang punta ng Class 5-1, nagkasabay-sabay kami
maglakad papunta doon na ang daan ay sa school ground. At naman talaga oh,
pare-parehas pa kami na sa underground parking lot nagsipagpark!
"Sinusundan mo ba
kami?" Tinanong ako nun ni Tristan nang mapansin yata niyang kanina pa ako
naglalakad sa may likuran lang nila.
Inambahan ko naman siya
ng suntok. "Asa ka!" Tapos lumiko ako pakaliwa at tumakbo kung nasaan
naka-park yung motor ni Kuya Neon para ipakitang hindi ko naman sila
sinusundan.
And just my luck.
Akalain nyo ba namang ang napili kong pagparkingan ay napapalibutan ng mga
sasakyan at motorbike ng Class 5-1? In the end, ang labas eh parang kasama
talaga nila ako! Geez. I rolled my eyes heavenwards.
"Marunong kang
magmotor, damsel?" Natatawang tanong ni Brix na lumapit din sa motor niya
na katabi lang ng sa akin---I mean, kuya Neon. Halos magkasingtaas lang din
yung motor namin. Isa si Brix sa mga kaklase kong alam ko ang pangalan.
Seatmates kasi kami.
Iritable ko naman siyang
tiningnan. "Hindi ba halata?!" Nagtawanan naman tuloy yung ibang
Class 5-1.
Napatingin naman ako sa
kabilang side ko nang do'n pumwesto si Kento. Which means... ang malaking
motorbike na katabi nitong motor ni Kuya Neon ay sa kaniya?
Tiningnan naman niya ako
nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Dahil napatingin siya sa akin, iniwas
ko yung tingin ko. Pero ibinalik ko din sa kaniya at nakitang naghehelmet na
siya.
"Hoy." Well,
that's the most polite greetings I could come up with.
Suot ang black with neon
green na helmet, tiningnan naman niya ako. Mata lang niya ang kita at halata
do'n ang boredom. Hindi siya sumagot pero dahil tumingin siya sa 'kin, alam
kong hinihintay niya ang sasabihin ko.
"Kayo ba ang
bumack-up sa 'kin?" Tanong ko.
Sumakay na sya sa motor
nya. "We didn't come for you. We came for that guy you tried to
save.." Sinulyapan niya ako. "Weakling."
Nairita naman ako.
"Anong tinawag mo sa 'kin?"
Inistart na nya yung
makina. "You're not just a weakling. You're also deaf."
Bago pa man ako
makasagot, pinaharurot na nya paalis yung motor niya. Nakaawang ang labi na
para bang hindi makapaniwala ko syang sinundan ng tingin. Grabe! Ang tindi nya talagang bwisit sya!
"Aray! Ano
ba!" Napasigaw ako nang may malakas na tapik ang tumama sa likod ng
balikat ko. Nakita ko naman si Macky sa tabi ko, nakasakay siya sa motor niya
at nasa likod naman nya si Trace.
Ngumiti siya bago tumingin
sa akin. "Wag mong pansinin si Kento, damsel. Alam mo bang pagdating
namin, halos bagsak na lahat sina Aldrin?" Malamang yung first year senior
high ang tinutukoy niyang Aldrin.
"You." Biglang
nagsalita naman si Trace. "Kababae mong tao. Ayusin mo nga ang mga term
mo. Ge, alis na kami." Tapos tinap rin nya ako sa balikat saka pinaharurot
ni Macky ang motor na sinasakyan nila.
Napapailing na sinundan
ko nalang sila ng tingin. Nagsipagsunod naman ng alis ang iba pang Class
5-1--or Dexterous rather. Tatlo lang sa kanila ang nakakotse.
Sasakay na rin sana ako
sa motor nang may mapansin ako. Binuksan ko ang upuan ng motor pero wala.
Tiningnan ko yung magkabilang gilid pero wala pa din. Damn! Nasaan na yung bag
ko?!
Dumating ako dito nang
dala ko ang bag ko. Ni hindi ako pumasok sa kahit anong klase at wala akong
ibang napuntahan bukod dito at sa... TAMA! Sa Clinic.
Ibinalik ko sa bulsa ng
uniform ko ang susi at naglakad pabalik sa loob ng campus. As usual, sa ground
na ako dumaan. Nasa kalagitnaan na ako nang marinig ko ang sarili kong sikmura
na tumunog. Agh, nagugutom na ako. Hindi naman
kasi ako kumain ng tanghalian dahil nga dumiretso ako kaagad ng school at
napasabak sa away tapos alas quatro na. Kaninang alas sais pa ang kain ko!
Ang ending, pumunta muna
ako ng school cafeteria. Dahil dismissal na rin naman halos, kakaunti nalang
ang tao sa cafeteria. Wala na ring nakapila sa counter kaya nakabili agad ako
ng pagkain. Okay, spaghetti with two pieces chicken. Personal pizza. Pineapple
juice. Large burger. Sushi set and leche plan for dessert. Hindi
pa naman ako baboy nito.
Dahil sa dami ng order
ko, nagkaroon ako ng dalawang tray. Mag-isa lang ako kaya may tutulong na sana
sa aking cashier nang may kumuha naman no'n. Nang tingalain ko kung sino,
nakita ko naman si Steal. Nginitian niya ako. Tinanguan ko naman siya.
"Sayo lahat
'to?" Tanong nya habang naglalakad kami sa table na nasa bandang dulo.
"Hai." Sagot
ko sa wikang japanese.
"Tinde! Sa liit
mong yan?!"
Sinamaan ko naman sya ng
tingin pero tumawa lang sya. Pangdalawahan lang yung table na katabi ng
transparent glass wall kaya magkatapat kami ni Cortez sa pag-upo.
"Ba't di mo 'ko
hinintay kanina paglabas ng clinic?"
"Huh?"
Nakangiwing tanong ko. Nagsimula na akong haluin ang spaghetti.
Sumiring siya.
"Tssh! Nakita mo naman ako don sa clinic, dapat hinintay mo ko paglabas
mo."
Nginisihan ko sya.
"Bat naman kita hihintayin?"
Umangat ang isang sulok
ng labi nya at bigla nyang tinapik ang noo ko. "Ganyan ka ka-sweet eh
'no?"
Ngumiti ako at tumango.
"Hm!" Tapos kumagat ako sa burger ng malaki.
Napailing naman sya ng
nakangiti. Dun naman ako may biglang naalala kaya tinanong ko na rin sya.
"Oo nga pala. Anong ginagawa mo kanina sa clinic?"
"Anong anong ginagawa ko?"
Balik tanong nya.
Kumagat naman muna ako
sa manok. "Hindi naman kita kaklase. Ibig kong sabihin, hindi ka taga
Class 5-1. Second year senior high ka na at yung clinic kanina, occupied ng
Class 5-1 maliban dun sa mukhang manikang president at dun sa walang malay na
lalaki na obviously ay hindi mo naman ka-year level." Pinaningkitan ko sya
ng mata. "Wag mong sabihing isa ang SC President sa mga nilalandi
mo?"
Nanlaki naman ang mata
niya sa akin. "Hell, no!"
"Dapat lang! Ang
bata pa non, loko ka!"
Natawa naman sya.
"Teka nga, ba't ba curious ka?"
"Wala lang. Ba't
ba?"
"Sus. Baka naman
interesado ka na sa 'kin?" Tinaas-baba niya naman yung dalawang kilay nya.
"Anong interesado?!
Pa'no naman naging ganun yun eh nagtanong lang naman ako?!"
"Hinaan mo nga
boses mo! Tsk!"
"Ang kapal mo
kasi."
"Bat di mo nalang
amining may crush ka na sa 'kin? Huh?"
Tiningnan ko sya na
parang nandidiri. "Asa ka, boi."
Tumawa sya. "Ikaw
pa eh 'no?"
"Steal!"
Napalingon kami nang
biglang may sumigaw ng pangalan ni Cortez. May isang babaeng naglalakad palapit
sa amin. Nakangiti siya at kumaway.
"Wendy-myloves!"
Sumigaw din pabalik si Cortez nang nakangiti kasabay ng pagkaway. Nakangiwi ko
naman tuloy syang tiningnan. Ang landi talaga neto.
Nang tingnan ko ang
kulay ng border ng platename nung babaeng palapit, nalaman kong second year
senior high din. Kaklase siguro ni Cortez. Kulot ang buhok nya na masyadong
makulay dahil sa mga kung anong nakalagay. Ang haba pa ng hikaw at puno ng
alahas. Napataas naman ang dalawang kilay ko nang mapansin ang pagiging tight
ng upper uniform ng babae na dahilan para mas makita ang shape ng katawan nya.
Mas maikli din ang uniform niya kumpara sa dapat.
Lumapit sya sa table
namin at dahil pangdalawahan lang naman 'tong table, wala syang maupuan. Parang
nandidiri ko naman syang tiningnan na malagkit ang pagkakatingin kay Cortez.
Nakatayo sya sa kaliwa ni Cortez at hinawakan nya sa kanang balikat si Cortez.
"Mylabs, mamaya
nalang, pwede? I'm with Violet." Pasweet na sabi ni Cortez.
Para namang nandidiring
kinumpas ko ang kamay ko. "Agh, hindi! Umalis ka na. Umalis kayong dalawa
sa harap ko! Ayokong masuka sa kalandian nyo!"
"Pero
Violet--"
"Aalis ka ng kusa o
aalis ka nang may pasa?"
Biglang tumayo si Steal
at umakbay sa babae. "Wendy-myloves. Dun tayo dali." At saka nya
hinatak palayo ang babae nya.
Finally, dahil wala nang
Cortez ang mangungulit sa akin, taimtim na akong makakakain. Kinuha ko yung
burger at kumagat ulit ng malaki doon. Tapos bigla akong may naalala...
"Teka. Sinadya ba
ng lalaking yun na baguhin ang topic kanina?"
Inis na napakagat-labi
ako habang puno ng pagkain ang bibig. Agh, kainis talaga yun! Hindi
nya sinagot ang tanong ko na kung kaanu-ano nya ang SC President. Hindi naman
raw nya fling gaya ng mga babaeng naghahanap sa kanya. Kung hindi sya sa SC
President, eh di malamang, dun sa kapatid ng president na nabugbog ang relation
nya. Tsk, di kasi sumagot.
Mabilis ko namang
natapos ang mga pagkain ko. Yes, makakauwi na ako. Ay, hindi pa nga pala.
Kailangan kong kunin ang bag ko sa clinic. Argh, pati yun, hindi ko naitanong
kay Cortez! Badtrip.
Kaso pagpunta ko sa
clinic, sarado na. Anak naman talaga ng xiomai oh! Nakasimangot tuloy akong
naglakad paalis. Nung malapit naman na ako sa parking space, napansin kong
medyo crowded yung gate. Katabi lang kasi nitong parking ang North Gate ng
Mysterecy High. Maraming students ang nagkukumpulan. Mostly, mga fifth year at
senior high school. Napakunot naman ang noo ko. Anong meron?
Pero hindi ko naman kasi
ugaling makiusyoso kaya hindi ko nalang sana pupuntahan pero may lumapit sa
aking babae. Mas matangkad sya sa akin dahil sa taas ng takong ng sapatos nya.
Mataray syang tumingin at nagsalita.
"Violet Katsuwara,
right?"
Huminto naman ako at
tiningnan lang sya para hintayin ang sasabihin nya.
"Are you looking
for your bag? Nandun." Ngumisi sya at tinuro ang gate na crowded kaya
hindi ko makita ang nasa dulo.
Tiningnan ko sya ng
nakakunot-noo pero hindi na nya inellaborate ang sasabihin nya at tumalikod na
sa akin. Maniniwala ba ko? Pinanood ko syang
maglakad palayo. I think, I
should. Pano naman nila malalamang nawawala ang bag
ko kung hindi nila kinuha, diba?
"Sandali!"
Imbes na yung babae lang
yung tumingin sa akin, pati yung ibang students na nakaharang sa gate, napalingon.
Nagsipag-gasps pa sila nang makita ako. Teka nga, ano
bang meron? Nagulat nalang din ako nang magsipaggilid yung mga
estudyante para mag-give way. Unti-unti, nakita ko kung ano yung nasa entrance
na dahilan ng pagkukumpulan ng mga estudyante.
May limang babaeng
nakatayo sa labas ng school. Nakalinya sila as if mga heroes sa isang movie.
Dalawang lipa ang layo nila sa isa't isa. Pare-parehas pa rin silang
naka-uniform gaya ko. Nakapameywang pa ang nasa gitna at nakita ko sa paanan
nya ang bag ko. Nakangisi silang lima habang nakatingin sa akin at
naggesture pa yung nasa gilid na lumapit ako. Sa likod ng limang babaeng yun ay
may iba pang students na tulad ng lima ay mukhang ako ang hinihintay. At alam
kong hindi maganda ito. Inabangan talaga nila ako.
Humugot ako ng malalim
na hininga. Tingin ba nila, aatras ako? Hah! I smirked back which made them
frown. Nakangiti akong naglakad palapit sa kanila habang nanonood naman ang mga
estudyante sa gilid.
"Ikaw ba si
Violet?"
"Siya ba si
Violet?"
"Oo sya yun. Lagot
sya kina Via."
"Pero sya naman
yung bagong dexter."
"Tsk! Miss, wag ka
nang tumuloy."
"Ate, mag-isa ka
lang. Wag ka na munang lumabas."
Panay ang pagsasalita ng
mga dinadaanan ko pero wala naman sa kanila ang pinakinggan ko. Nagpatuloy ako
sa paglalakad nang nakangiti habang diretsong nakatingin sa babaeng nasa gitna.
Ngayon ko naalalang sya yung babaeng yun yung babaeng nakabangga ko nung first
day. Sila yung grupong nahuli kong sumisilip sa locker room nina Cortez at sila
din yung grupong nagpaalis sa akin sa isang bench. And yeah, they're
Snow's friends. Though hindi ko makita si Snow ngayon sa
kanila. What have I done to push them to come this far?
Nakatingin lang silang
mga naghihintay sa akin. Nagcross arms na nga yung mga babae. Mga nakataas pa
ang kilay nila. Dahil ang labas ng school ay isang malawak na kalsada lang na
sarado para sa public, hindi nila kinailangang iprioritize ang pagdaan ng sasakyan
kahit na nasa gitna sila ng kalsa nakatayo. Naiinis ako sa mga pagmumukha nila.
Seesh, masyadong mga confident. Well, let's show them how confident I am too.
Hinawakan ko ang
magkabilang gilid ng school skirt ko saka ako patalon-talong naglalakad. Umakto
akong parang hindi sila nakikita kundi isang prinsesa sa isang lame na
fairytale habang tumitingin-tingin sa paligid na parang ineenjoy ang buhay.
Nang makatungtong na
tuloy ako sa labas ng gate ng Mysterecy High, hindi ko na napigilang pakawalan
ang ngisi ko nang makita ang leader ng mga babae na nag-iigting ang mga panga
sa sobrang inis sa akin. Tapos saktong pag-apak ko sa labas ng school,
pinalibutan na ako ng mga kasama nilang limang babae. In that way, parang
kinulong nila kaming anim sa isang circle para ma-corner ako. Mukhang naghanda ah?
Nagulat naman daw kuno ako.
"Oh. May mga nag-aabang pala sa 'kin?" Nakangiti pa ako nun.
Matalim ang mga matang
naglakad palapit sa akin ang babae. Walang sali-salita, saktong paghinto nya sa
harap ko, bigla nya akong sinampal! Napabaling sa kanan ang mukha ko. Pucha! Masakit
syang sumampal. Ang lutong eh! Napabaling sa gilid yung mukha ko at hindi ko
yon inalis sa ganoong pwesto. Nakaside lang yung mukha ko non saka ko naramdaman
ang pagdugo ng labi ko. Aba, may ibubuga naman pala yung sampal niya.
Dahan-dahan akong napangiti... more like, napangisi. Mata lang ang ginamit ko
para tingnan sya ng matalim. Dahan-dahan kong hinarap ulit sa kanya ang mukha
ko. Ngayon, seryoso ko na syang tinitingnan.
Bumwelo ulit sya para
sana sampalin ako pero malas nya, nasalo ko na ang kamay nya. Nanlalaki ang mga
matang nagpapalit-palit ang tingin nya sa akin at sa wrist nyang hawak ko.
Sinubukan nyang iwaksi ang kamay nya sa hawak ko pero hinigpitan ko lang lalo ang
hawak don. Gamit ang isa kong kamay, ako naman ang sumampal sa kanya. Doble ng
lakas ng ginawa nya. Ang sakit sa kamay non ah! Bumakat sa pisngi nya ang mga
daliri ko kasabay ng pagdugo ng labi nya.
Ako ang pawaksing
binitiwan ang wrist nya in a way na tinulak ko sya palayo. Napaatras naman sya
ng isang hakbang habang nakatingin sa akin ng masama.
"How dare you slap
a Via Torres!" Buong sigaw nya sa harap ko.
I smirked. "Just so
you know, hindi porke't kaibigan ka ng pinsan ko, hindi ako papalag sayo."
Alam kong alam nyang ang pinatutungkulan ko ay si Snow.
"Bitch." She
mumbled with disgust.
Napataas naman ang
dalawang kilay ko. "Sarili mo ba ang pinatutungkulan mo?" Natatawang
sabi ko.
"Hindi mo talaga
alam kung saan lumugar. Gusto mong madagdagan ang mga pasa mo at gasa?"
She smirked. "That will make you even prone to danger. Keep doing what
you're doing and you'll finally be out of this school."
Nagcross arms ako.
"What have I done to you to begin with?"
Lalo namang sumama ang
timpla ng mukha nya. "Hindi mo alam? Ha?" Humakbang sya palapit.
Hindi naman ako umatras pero napatingala ako. Agh, oo na, aaminin ko na! Ang
baba ng height ko!
Bumwelo na naman sya
para sampalin ako. Sinalo ko naman agad at patapong binitawan. "Pwede bang
tigilan mo ang sumubok sumampal? You know what? You look so damn immature to
me!" Iritang sigaw ko sa kanya.
Tinitigan naman nya ako
nang umiigting ang mga panga at galit na mga mata. Tapos bigla nalang nya akong
sinugod hindi para sampalin pero para sabunutan! "BITCH! NOW, YOU RECEIVE
IT ALL!"
Do'n na nagsimula ang
pinlano nila. Ang saya naman! Geez. May pasa pa ako galing sa
away kanina at meron na naman ngayon. Mukhang nonsense ang malaking bandage sa
may sentido ko.
Nagsipaglapitan ang mga
kasama pa nyang babae at pinagtulungan akong sabunutan. Sinamahan pa nila ng
mura, sigaw at panlalait ang bawat pagsabunot nila sa akin. Can't these
girls throw some punches?! I'm not for hair-pulling for holy mother
cheesecake! Naramdaman ko rin ang paglawak ng bilog kung nasaan kami
nang magsipag-atras ang mga estudyante para bigyan kami ng sapat na espasyo
upang magkaroon ng komportableng pagsasabunutan... at yeah, pagkakalmutan.
Pilit nila akong
inaatake at pagsipa naman ang initial defense ko. Panay ang pagpupuntirya nila
sa mga sugat ko na may mga bandage lalo na ang nasa bandang sentido ko. Sa
tuwing tatamaan naman nila ang mga pasa ko, natural talaga na mapasigaw ako sa
sakit. Sariwa pa ang mga sugat to think na kaninang umaga lang yan!
Tinulak ko ang babaeng
kinalmot ako sa mukha at saka sya tinadyakan dahilan para lumanding sya sa
lupa. Pero bigla akong napatingala nang may humila na naman ng buhok ko galing
sa galing. God, I swear! Everything but not my precious violet hair!
Paikot akong sumipa ng
high-kick at kung sinong nasa likod ko, sya ang tumanggap ng malakas na sipa
mula sa aking violet sneakers. Saktong pagsipa ko ay may dalawa na namang
sumugod sa akin para sabunutan ako. May sumugod pa galing na naman sa likod ko
at hinila ako pababa kaya naman bigla akong napahiga sa sahig.
Napasigaw ako nang
mabilis na gumapang sa likod ko ang sakit na dulot ng masakit na pagbagsak.
Bago pa ako maka-recover para tumayo, hinawakan na ng iba pang mga babae ang
paahan ko para hindi ako makagalaw saka dinaganan na ako ng leader ng mga
babae. She kept cursing me with livid tone. Akala naman nya hahayaan ko syang
galawin ang mukha ko?! Tama na ang isang kalmot! Kaya naman agad ko syang
sinapak sa mukha. Now, you deserve that!
"ARGH! You'd really
pay for all this trouble, bitch!"
Pinagsasabunot-sabunutan
nya ako at hinahawakan ko yung kamay nya para tanggalin sa buhok ko. Naririnig
ko na rin nga yung mga students no'n na nagchicheer sa akin sa pamamagitan ng
pagsigaw ng 'Vi-o-let! Vi-o-let!'. Lalo namang lumakas ang
loob ko dahil don.
Nang matanggal ko ang
kamay nya, bigla naman nya akong sinuntok! Iniwas ko yung mukha ko kaya sa
bandang sentido tumama. Doon ko lang din naman na nawala na ang bandage
nito. DAMN! My bruise! Ito yung sugat na nanggaling sa
pakikipag-away ko sa mga first year senior high at ngayon, ito ang tinamaan!
Kahit na masakit, hindi
ko naman pwedeng hayaan nalang sya kaya sinuntok ko rin sya. Isang malakas na
suntok na tumama sa ilong nya. Agad na tumulo ang dugo galing do'n kasabay ng
paghiyaw nya. Hinawakan nya ang masakit nyang ilong habang umaaray. Dahil sa
ganong reaksyon, nagawa ko syang itulak ng malakas kaya naman naglanding sya
dun sa mga babaeng kanina pa nakahawak sa paanan ko habang pinagpupukpok iyon
ng kung ano kanina. Ang sakit ng tuhod ko dahil don!
Tiningnan nila yung
leader nila ng nag-aalala. Tinulungan ng dalawa na makatayo ang leader nila na
mukhang nahihilo na. Yung dalawa, tumingin sa akin ng masama tapos
nagsipagsugod na sila. Tumayo naman ako kaagad at paika-ika ngunit mabilis na
umatras. Nang makuha ko ang tamang timing, isang round house kick ang
pinadaanan ko sa kanilang dalawa na naging dahilan ng pagbagsak nila.
Nakaupo silang lima sa
sahig habang nakatingin sa akin ng masama nang hinihingal. Nakafighting stunt
pa rin naman ako habang nakayuko sa kanila na tulad nila ay hinihingal dahil sa
pagod. Panay na din ang tulo ng mga pawis sa noo ko.
Akala ko, susuko na sila
pero hindi yun nangyari. Nagsipagtayo na naman silang lima at sumugod na naman
patakbo sa akin! Aba naman talaga oh! Isang
suntok ang pinadapo ko sa sikmura ng unang babaeng lumapit sa akin. Yung mga
sumunod ay sinabunutan na naman ako! Nakapaikot na sila sa akin habang panay
ang palag ko. Puro sabunot ang ginagawa nila habang puro suntok naman ang sa
akin. Agh! Ako pa kinalaban nila! Grr!
Sinisira na din nila ang
eardrums ko sa pamamagitan ng pagsigaw sa tenga ko ng kung anu-anong mura. Wala
na nga akong maintidihan dahil pati yung mga estudyanteng nakapalibot sa amin
ay sumisigaw.
Narinig nalang namin ang
tunog ng isang motor at boses ng isang manong. "Ayaw nyo talagang
mag-paawat?! Tumigil kayo o sasagasaan ko kayo?!" Paktay. Mukhang yung guard yun.
Pero asa namang may
makikinig sa kanya samin! Ang paraan kung paano kami naawat ay nang may humila
sa amin sa bewang palayo sa isa't isa. Galit na galit silang nakatingin sa akin
na parang mga leon na gusto akong kainin. Katulad ko, pilit din silang kumakawala
sa mga humahawak sa kanila at inaabot pa ang mga kamay sa akin as if makakaya
nilang sabunutan pa ako. Pero malalakas naman yung mga estudyanteng lalaki at
dalawang kamay pa ang gamit nila para hawakan kami sa mga bewang.
"Violet, calm
down." Narinig kong bulong ng lalaking humahawak sa akin sa bewang.
Nilingon ko kung sino at
nagulat ako nang makita si Steal. "Anong ginagawa mo dito?!"
Ngumiti sya ng
nakakaloko. "To save you?" Tapos mayabang syang tumingin. "You
know what, knight-in-shining-armour mo talaga ako eh."
"Agh! Yuck! Bitawan
mo nga ako!" Sigaw ko sakanya at sinubukan na namang kumawala sa hawak nya
sa bewang ko pero nonsense talaga.
"STOP ALL OF THESE,
WILL YOU?!"
Bigla nalang may
lalaking pumagitna sa aming anim. Bale kaming mga hawak sa bewang eh
napapalibutan sya. At nagulat ako nang makita na si Fourth ang lalaking
yon! Si Fourth?!
Nilingon ko si Cortez.
"He's not the type to stop a fight! More like, the type who's start a
bigger one!" Pabulong kong isinigaw sa kanya.
Ngumisi si Steal.
"Well, he is when his class is involved. You know, he's not our president
for nothing."
Nanlalaki naman ang mata
kong tiningnan sya. Nilingon ko ulit si Fourth nang may nanlalaking mga mata.
Classmates sila ni Steal?! Napatingin din ako sa mga babae. At kaklase rin nya
ang mga yan?!
Inikot ni Fourth ang
tingin dun sa limang babae. Seryosong seryoso sya nun habang naka-kunot noo.
Nagtitiim din ang mga bagang nya. "Now, how would you escape from the
council?"
Bago pa may magsalita,
bigla nalang naggive way yung mga estudyante gaya ng ginawa nila sa akin
kanina. Nang magsipaggilid ang mga estudyante, nakita namin ang taong binigyan
nila ang daan. Sa dulo ng daanang iyon, nakatayo ang isang maliit na batang
babae. Nakayuko sya nang tingnan namin pero bigla nyang inangat ang ulo nya
para tingnan kami nang may seryosong mga mata.
Nagsimula syang maglakad
sa daanang ibinigay sa kanya. Tahimik ang lugar habang pinapanatili sa kanya ng
lahat ang tingin. Mahinhin ang bawat paghakbang nya. Nasa likod ang dalawang
kamay at diretso ang tingin. Sa paraang iyon, naipaparamdaman nya ang awtoridad
na mayroon sya.
Huminto sya sa harap ni
Fourth--na nasa gitna din naming anim. Inikutan nya kami ng tingin habang sa
kanya naman kaming lahat nakatingin. Hanggang bewang ang mahaba at
brownish-black nyang buhok. Maamo ang mukha gaya ng isang manika ngunit seryoso
ang mga mata gaya ng isang tigre.
Matapos nya kaming
isa-isang tingnan, naglabas sya ng isang maliit ngunit matamis na ngiti.
"I am disappointed. The six of you, in my office tomorrow, first thing in
the school."
Well, how could we go
against the barbie-like Student Council President?