YELLOW
PROLOGUE
I... I don't know.
I don't know where should I start. I don't know what to say to begin with. I don't know if this would be the right thing to do. I don't know if I'm going to regret or be completely satisfied after this. I.. I just don't know.
Sa loob ng sampung minuto, nanatili kaming tahimik na naglalakad sa gilid
ng dalampasigan. How romantic for a scenario that I'm going to create.
Hindi kami magkahawak-kamay. We’re just... simply walking. Papalubog na
ang araw at lumalamig na ang hangin. Hindi rin naman sya nagtatanong o
nagsisimula ng usapan. He has always been the person I knew. I know he
knows I have something to say and so he remains silent.
Napasulyap ako sa kanya. Nakayuko sya sa buhanginan habang nakapamulsang
naglalakad. As usual, I can't read his expression. I can't guess what's
going on in his mind. Napabuntong-hininga ako at muling ibinalik sa daan
ang tingin.
Ilang minuto pa ang lumipas. Nanatili lang kaming tahimik. Napatingin ako
sa wrist watch ko at nakitang 5:40 na. Nauubusan na ako ng oras. Huminga
ako ng malalim. I have to do this. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto
rin sya. Dahan-dahan ko syang hinarap at nakitang nakaharap na sya sa
'kin.
Nakita ko syang nakatingin sa ‘kin. That pair of hazzel brown orbs.
Hinahangin ang buhok nya at against sya sa orange na sinag ng araw na
dahilan para lalong tumingkad ang brown na kulay ng buhok nya. He’s still
handsome as ever. He always looked calm and composed. Kung titingnan
siguro sya ng ibang tao ngayon, malamang sasabihin nilang bored sya. I
wanted to smile at the thought. That's what I first thought of him. But
now, I know, the way he look at me right now is a way that he never did to
any other girls. His eyes are undoubtedly full of love. Oh God. Am I
really going to do this?
Napalunok ako kasabay ng pagpikit. “I'm..” Why it has to be painful?
“I-I..” Tiningnan ko sya. He seemed to have an idea of what I'm going to
say. Inabot ko ang kamay nya at pinisil iyon. “Let's.. Let's end
this.”
Two seconds. Five seconds. Seven. Ten. He had no response. He remained
staring at me. He maintained a calm blank expression. Sean, what are you
thinking?
I gulped. “I'm.. I'm breaking up with you.” And that was as if a
signal.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at
ibinalik ang tingin sa buhanginan. Hindi pa rin sya sumasagot kahit ilang
minuto na ang lumipas. Muli ko syang tiningala at nakitang nakatagilid ang
ulo nya patingin sa papalubog na araw. Hindi ko makita ang mukha nya.
Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko. Napasinghot ako at pinunasan
yon. Ako 'tong nakikipagbreak pero ako pa 'tong nauunang umiyak. Stupid.
Tiningnan ko sya na nananatiling nakatingin sa araw. Tumulo na naman ang
luha ko at hindi ko na 'yon pinunasan pa.
“Listen.” Halata sa boses ko na umiiyak ako. “I-I’m dating someone else.
I-I..” I gulped. “I-I've been dating him for days now..” Halos pahina na
nang pahina ang boses ko.
I waited and still got no response. Tinawag ko sya at lumingon sya sa
'kin. His eyes suddenly felt cold. Parang nawalan ng kulay ang paningin
nya at naging hollow ang mga pares niyon. Just plain blank. Magsasalita
sana ulit ako nang magsalita na sya.
“I know.”
Nagulat ako. Napatitig ako sa kaniya at hindi ako makasagot. I.. I didn't
know what to say. Nanatili akong nakatulala sa kaniya nang bigla syang
ngumiti. Yung usual nyang slight smile. But this time, it was null.
“Chai, I know..” Pag-uulit nya. This time, mahina na ang boses niya. It
was full of pain and it was as if a knife that had been stabbed on my
chest. H-He knows and yet.. and yet...
Parang umurong ang mga luha ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. He
knows. Parang may mas malaki ang bumara sa lalamunan ko. I couldn't speak.
I couldn't find any words to say. What am I supposed to say anyway?
Bumaling sya sa buhanginan. He was still wearing that usual slight
smile.
“I knew it all along, Chaisee.” Napailing sya ng nakangiti. “What I
didn’t know is that it would be this painful to hear it from you.”
Yumuko sya at sa loob ng isang saglit, nakita ko kung paanong nahulog ang
isang butil ng mga luha sa mata nya. Saglit lang yon, halos hindi lumagpas
ng second, pero sigurado ako sa nakita ko. At parang pinipiniga ng mga
oras na 'yon ang dibdib ko. I had never seen him cry. And the first time I
see him to was because of me. How lovely.
“I knew it all along and I still stayed. Do you know why, right, Chai?”
He said, almost in whisper.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko. I shook my head.
“I’m sorry, Sean. I’m.. I’m sorry. I-I’m really really sorry..”
He looked at me. Walang bakas ng pag-iyak. I almost think the tear I saw
fell from his eyes was just part of my imagination. But I am certain. Why
does he still hold back his emotion even at this moment? Why?
“Even if, Chaisee.” Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi. “Please.”
Halos pabulong na sabi nya. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko. “Please,
stay..” Pabulong na na sabi nya. “Please choose me. Please stay with
me.”
Napapikit ako at kasunod niyon ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
Bakit ang sakit marinig? Ang sakit sakit sakit. Hinawakan ko rin ang
magkabilang pisngi nya at inilayo sya sa 'kin para titigan sa mga
mata.
“Sean.” I called him. “I love you.” Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi
ko. Lumunok ulit ako. “Pero iba na kasi ngayon.” Sabi ko sa paraang parang
nagpapaintindi.
My words were sent to him as if a poison that is bound to kill him.
Lumayo sya sa 'kin at muling ngumiti. Sean, why do you keep on smiling?
Why do you keep on holding back your feelings? Why don't you let it out
and cry?
“Right.” He nodded continously. Tumingin ulit sya sa 'kin. Ngumiti sya
but the sadness were now visible on his eyes. “I’ll just be where you’re
happy.” Lumapit sya sa 'kin, muling hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahan
akong napapikit nang halikan nya ang noo ko. Within two seconds, I felt
his extreme emotion; love, care, pain, sadness and sacrifice. Lumayo sya
sa 'kin at muling ngumiti. “And if this is what would make you happy. Then
so be it.”
With that, he left.
CHAPTER ONE
One month earlier...
Mahina akong natawa habang nakatingala sa umiiyak na kalangitan. Talagang sumabay pa. Inilahad ko ang kaliwang palad ko para saluhin ang ilang patak ng ulan. Ang dilim ng langit at tanging ang ulan lang ang naririnig ko. Ang senti naman ng datingan ko nito.
Ilang minuto rin akong nakatayo sa gitna ng isang tahimik na
kalsada bago ako nagpasyang magpatuloy sa paglalakad papasok ng
eskwelahan. Medyo malakas ang ulan pero nakakatuwa dahil maliliit at
diretso ang bagsak nila. Gustong-gusto ko ang ulan. At ang ganitong
senaryo ay talagang maganda. Tahimik kasi ang malawak na kalsada at puro
puno ang paligid. May ilang dahon pa ang bumabagsak dahil na rin sa ihip
ng hangin.
Nang matanaw ko na ang malaki at kulay itim na may ginto ng
Mysterecy International School ay saka naman ako napadaan sa isang mini
stop. Walang tao do'n maliban sa isang cashier at isang lalaking nakatayo
sa labas at mukhang sumisilong. Nakasuot siya ng itim na jacket at
nakapamulsa. Nakatingala pa siya at tinatanaw ang langit. Ako naman, dahil
may kailangan akong bilihin ay pumunta ako doon at pumasok. Sandali lang
at lumabas din ako dala ang isang supot.
Pagkasara ko ng pinto ay napansin kong nando'n pa rin si kuyang
naka-jacket sa tabi ng pinto dito sa labas. Mukha ngang wala siyang
payong. Bilang isang normal na tao eh magsisimula na sana akong maglakad
palayo pero nakakaisang hakbang pa lamang ako nang bigla nalang akong
tawagin ng lalaki.
"Ah, ate?"
Dahil dalawa lang naman kami do'n, alam ko namang ako na ang
tinatawag niya kaya lumingon ako.
"Bakit po?" Tanong ko naman.
"Ah---ano.." Napakamot siya sa batok niya tapos nag-iwas pa ng
tingin, halatang nahihiya. Gusto ko tuloy mapangiti. "Papunta ka rin do'n
sa MIS, diba?" Tapos tinuro niya yung gate ng MIS na nasa itaas pa. Pataas
kasi ang daan papunta do'n.
Tumango naman ako. Obvious namang do'n ako pupunta dahil suot ko
ang uniform namin at may packback pa akong suot. Do'n ko lang din napansin
na naka-pants pala siya ng school namin at nakablack shoes. Di ko lang
napansin agad na nakapolo din pala siya ng school namin dahil sa suot
niyang jacket. Tapos nakasukbit sa isang balikat niya yung itim niyang
bag.
"Okay lang makisabay?" Tanong niya.
Ano daw? Bigla tuloy akong napatingin sa hawak kong floral na
payong na may blue background. Kasya ba naman kami dito? Hindi kaya mabasa
kami? Kasi pang-isang tao lang talaga 'tong payong tapos ang lakas pa ng
ulan. Saka isa pa... ito ang unang beses na magagamit ko ang regalong
'to.
"Ah, okay lang kung sasabihin mong hindi." Bigla namang nagsalita
si kuya dahil napansin rin nya yung tingin ko sa payong.
"H-Hindi---!" Agad kong sabi naman. Baka kasi na-offend siya dun
sa pag 'hindi' ko, akala yata niya eh pagtanggi kaya nagsalita ulit agad
ako. "Hindi--ano, ang ibig kong sabihin, okay lang." Tapos nilapit ko yung
payong sa kaniya para sabihan siyang okay lang.
Sobrang tahimik namin habang naglalakad. Talagang yung ulan at
paglalakad lang ang maririnig. Nakakailang tuloy. Feeling ko nga,
mapapanisan na ako ng laway. Hindi kasi ako sanay ng tahimik. Pero alangan
namang magpaka-feeling close ako at chikahin siya diba? Tapos ang tangkad
pa niya. Kaya ako naman 'tong 5'2 lang ang height eh todo angat ng kamay
ko para sumakto sa kaniya yung payong at hindi siya yumuko.
"Unang araw ko ngayon dito."
After siguro ng limang minuto ng katahimikan eh nagsalita siya.
Buti na rin 'yon. Naiilang ako eh. Pero ano daw? Unang araw niya ngayon?
Eh fourth grading na ah? Ito kasi ang unang araw namin pagkagaling sa
Christmas break.
"Transferee ka?" Tumango siya sa tanong ko. "Buti pinayagan kang
magtransfer kahit January na."
"Well, luckily enough." Ngumiti siya. "I'm in my fourth year in
high school. Ikaw? Anong year mo?"
Ngumiti din naman ako. "Third year palang po ako. Kuya pala dapat
tawag ko sa inyo?" Pagbibiro ko.
Tumawa naman siya. "Wag ka na magkuya. Nakakatanda eh."
Ngiti lang naman 'yung sinagot ko. Tapos medyo inayos ko ulit yung
hawak ko do'n sa payong dahil bumababa na naman. Napansin ko kasing
napapayuko na siya.
"Ako na hahawak ng payong." Sabi naman niya tapos umambang kukunin
yung payong ko kaso nilayo ko.
"A-Ah hindi, ako na."
Napakamot naman siya sa batok niya. "Ang pangit namang tingnan.
Ako yung lalaki tapos ikaw nagpapayong."
Natawa naman ako. "Okay lang 'yan."
"Ako na kasi maghahawak."
"Payong ko 'to kaya ako ang masusunod."
Nagulat nalang ako nang bigla niyang kunin nalang 'yung payong sa
kamay ko. Hala siya! Hindi na ako nakapagreact dahil sa aramdaman ko na
nahawakan niya yung kamay ko para kunin sa kamay ko yung payong.
Nginitian niya ako. "Hindi, ako na. Mas matangkad ako kaya
nahihirapan kang magbitbit eh."
Napaiwas nalang ako ng tingin. Hay, gusto ko pa naman sanang ako
ang maghawak ng payong kahit na nakakangalay dahil gaya nga ng sabi ko,
unang beses kong magagamit yon! Kaso alangan namang bawiin ko nalang diba?
Baka ma-offend siya. Saka ang rude. Kaya hinayaan ko nalang.
Nakapasok na kami sa gate ng school nang bigla ulit siyang
magsalita. "Ano palang pangalan mo?"
Sumulyap naman ako sa kaniya bago ako sumagot. "Chaisee. Chaisee
Hoshikawa. Pero kahit Chai nalang itawag mo sa 'kin. Ikaw?" Binalik ko
naman yung tanong.
"Sabi ko na nga ba't may lahi kang japanese eh. Base palang sa
feature mo." Ngumiti naman siya. "I'm !@#$%&."
Ano daw? Hindi ko narinig kung anong pangalan niya. Well, narinig
ko naman. Hindi ko nga lang naintindihan. Sounds like Ishan? Christian ba?
Yung apelyido, di ko rin maintindihan. Shwa something eh.
"Ano ulit?" Tinanong ko nalang ulit.
"Asdfghjkl."
Inulit naman niya kaso di ko na naman narinig ng maayos dahil
natyempuhan namang dumaan kami sa waiting shed at ang lakas ng bagsak ng
ulan dun sa yero. Tsk!
"Pwedeng pakiulit?" Sabi ko nalang. Nakakahiya naman.
Natawa naman siya. "Sabi ko, I'm !@#$%^&*"
Okay, for the third time, hindi ko naintindihan! This time, dahil
sa may nakasalubong kaming dalawang babaeng nagtatawanan ng napakalakas.
Uulitin ko pa ba? Syempre hindi na. Nakakahiya naman. Sabihin pa niya,
hindi ako naglilinis ng tenga. Eh ba't ba naman kasi ang lakas ng ulan at
may nakakasalubong kami? Dahil ayoko namang masabihang bingi, tumango at
ngumiti nalang ako. Bahala na, ito naman ang huli at unang beses na
makikita ko siya.
Another session na naman ng katahimikan pagkatapos non. Wala naman
akong maisip sabihin. Natanaw ko na rin yung building namin. Tapos nagulat
ako nang bigla nalang akong kabigin ni kuyang nakikipayong palapit sa
kaniya gamit ang paghawak sa balikat ko. Napatingin naman agad ako sa
kaniya dahil sa ginawa niya.
"Naiilang ka ba? Ang layo mo kasi. Nababasa tuloy yung balikat mo.
Pasensya na ah."
Ah, kaya pala. Tiningnan ko naman yung kanang balikat ko at basa
na nga. Medyo malaki nga yung space sa pagitan namin sa payong. Pati din
yung kabilang balikat niya, basa na. Sino ba naman kasing hindi maiilang
na kasama mo sa iisang payong ang isang estranghero diba?
Maya-maya pa, biglang inabot sa akin ni kuya yung payong. Initial
reaction ko na na kunin yung payong. Saka naman siya lumayo at ngumiti sa
akin.
"Dito na ako, Chaisee. Salamat ulit." Tapos tumakbo siya
papunta sa building. Yun yung building nga ng fourth year.
Pagkasilong niya do'n, lumingon ulit siya sa akin tapos ngumiti at
kumaway. Ngumiti nalang din ako at kumaway pabalik bago nagpatuloy sa
paglalakad. Turns out, magkatapat lang pala yung building namin. Nauna
lang ng konti yung building ng fourth year.
Pagkasilong ko sa building namin at pagkasara ng payong,
napatingin naman ako do'n sa building nila. Wala na siya do'n. Malamang
pumasok na. Ako naman 'tong parang saka lang na-realize ang nangyari
kanina, biglang natawa.
Hindi ko kasi alam ang pangalan niya kahit tatlong beses niya
'yong binanggit.
※※※
Mysteria Secrecy:
This is an excerpt of my best friend’s life story! Yiee Hon, this
very first chapter’s for youuuu! Hearteu~ hearteu~
CHAPTER TWO
“Whoa.”
Sabay pa yata naming hinead-to-toe ang isa’t isa nang magkaharap.
Bigla nga syang napatayo sa pagkakaupo sa sala nang lumabas ako galing sa
office ng SSG Officers.
________________________________________
Dahil sa reaction naman namin, napatingin sa ‘min si Barbie. Yung
president ng SSG na apparently ay isang second year high school.
“You guys know each other?” Tanong nya.
Sabay naman kaming tumango. Tumingin ako kay Barbie at nagsabi na
rin agad. “Kaninang umaga, nakasabay ko sya papasok ng school.”
“Nakisabay ako. Wala kasi akong payong.” Dugtong naman ni Kuya na
parang nahihiya pa kasi medyo napayuko pa at kumamot sa tenga.
Isang tipid na ngiti lang naman ang sinagot ni Barbie at sinabihan
na kaming pwede naman na daw. Eh di ako, dahil wala naman akong gagawin,
kinuha ko na yung bag ko at nilapitan sya. Ghaaad! Akala ko talaga, yung
encounter namin kanina sa payong kaninang umaga ay ‘yon lang kaya kampante
ako kahit di ko talaga narinig ang pangalan nya.
“M—May gagawin ka ba, Kuya? Pwede naman na kitang ngayon na
i-tour.” Alanganin pa yung ngiti ko sa kanya.
Ngumiti naman sya. “Wala naman. Eh, di, tara na?” Nakangiti nyang
tinaas ang dalawang kilay nya.
Alanganin naman akong nangiting naunang maglakad. Bahala na!
Kukuyahin ko sya. Eh sa hindi ko alam ang pangalan nya eh. Parang ngayon
tuloy ay pinagsisisihan kong naging third year representative pa ako. Ako
tuloy ‘tong naatasang i-tour sa school ‘tong transferee. Teka nga! Hindi
naman dapat ako eh. Yung fourth year representative dapat kaso absent
naman ‘yung si Warner ngayon. Grr!
“Uhm, obvious naman na pero sasabihin ko na rin. Yun yung
gymnasium. Dito yung cafeteria. Apat yung cafeteria sa buong school. Sa
north, south, west at east. Yan yung sa East. Based naman sa colors eh.
Basta ang East cafeteria, color white. Color gray sa West, Green sa North
at Light blue sa —eh?” Napatigil ako sa pagsasalita nang mapatingin sa
kaniya. Sa ‘kin kasi nakatingin at di naman dun sa mga tinuturo ko. “May
dumi ba mukha ko?”
Natawa naman sya tapos tumingin sa paligid habang naglalakad nang
nakapamulsa. “Wala. Bihira kasi ako maka-encounter ng may lahing hapon na
fluent sa pagtatagalog lalo na gan’tong international school ‘to.”
Ako naman yung ngumiti. “Mas madalas naman kasi ako dito kaysa sa
Japan. Saka dito na rin ako lumaki. Idagdag pang yung mga taong nakikilala
ko, di rin naman fan ng kaartehan.”
“Oh?” Para namang na-amuse sya. “Swerte mo.”
“Talaga!” Malawak ang ngiting sagot ko. “Ikaw, Kuya? Wala ka man
lang kahit isang kakilala dito?”
“Kuya ka dyan. Sabi ko, wag mo na ako i-kuya eh.”
“Eh anong gusto mo? Pare? Ahead ka kaya sa ‘kin ng one year!”
Tumawa sya tapos bigla akong nginisihan. Hala sya! “O baka hindi
mo na agad natatandaan ang pangalan ko?”
“H–Ha? Hindi ah!” Hindi ko lang talaga narinig nung sinabi mo.
Huhu.
Sumipol sya. “Sabi ko na nga ba. Ganyan naman kayong magaganda.”
Tapos umarte pang parang na-hurt.
“A–Anong! Manggigeneralize ka pa. Hindi ko lang naman narinig nung
sinabi mo kahit tatlong bes—” Late na nang marealize ko yung sinabi ko.
Para akong biglang naestatwa at nanlaki ang mata kasabay ng pag-init ng
pisngi ko. NAKAKAHIYA KA!
“Hahahahahaahah!”
E—Eh? Halos i-tilt ko na ang ulo ko dahil sa biglang pagtawa nya
na parang sobrang nakakaamuse yung sinabi ko. Naano ba ‘to? May sakit kaya
‘to? Hinayaan ko lang syang tumawa. Hanggang sa tumigil sya. Ang lawak nga
lang ng ngiti tapos nakatitig sa akin. Nagulat nalang ako nang may kunin
sya sa bulsa nya at itapat yun sa mukha ko. Medyo napaatras pa ako dahil
sa sobrang lapit. Nang malinawan na ako, nalaman kong ID nya pala yon.
Nandon yung pangalan, teacher at section. Fourth year, section one.
“Sean.” Basa ko sa first name lang nya. Parang biglang nagskip ng
beat yung puso ko pagkabasang-pagkabasa ko sa pangalan nya. Para akong
nakuryente at naestatwa.
Bigla na naman syang tumawa dahilan para mabalik ako sa ulirat.
Ngayon, mas malakas at mas mahaba. Jusq, konti nalang, iisipin kong may
sapak talaga ‘tong sinamahan ko. Maya-maya, tumigil sya sa pagtawa tapos
nakangiti na naman sa akin tapos ginulo ‘yung buhok ko at medyo yumuko
para maging ka-level ako.
“Yeah, you can call me that.” Tapos ngumiti na naman. Eh?
----
Pagkatapos kong ilibot si Kuyang nakipayong na Sean pala ang
pangalan, dumiretso na ako sa first period ko sa afternoon class ko.
Normal naman. Irregular pa medyo kasi kababalik palang sa sembreak. Akala
ko nga, matatapos na ‘yung buong araw ko nang normal kaso pagka-dismissal,
bigla akong nilapitan ni Angelique, kaklase ko. May naghahanap daw sa ‘kin
sa labas. Para pa nga syang may pumupusong mata eh.
Dahil don, lumabas ako ng classroom at tumingin sa kaliwa’t kanan
ng hallway. Nakita ko ang isang lalaking nakapamulsa at nakasandal sa
hallway. As usual, di na naman naka-uniform ‘to. Sa gray highlights palang
sa buhok nya, kilala ko na kung sino. Mabigat man yung paa ko, lumapit pa
din ako sa kanya. Hindi ko naman na kailangang magsalita kasi inangat na
nya sa ‘kin ang tingin nya.
“Gray.” Tawag ko sa pangalan nya. “Bakit?”
Hindi nya ako nginitian. Hindi rin naman masama ang tingin. Yun
yung natural nyang blangkong tingin. Umayos sya ng tayo. Mukha syang
inaantok. Tumingin muna sya sa ibang direksyon bago ulit bumaling sa akin
at nagtanong.
“Wala ka na ba talagang balak bumalik sa banda?”
Sabi ko na nga ba eh. Tungkol sa banda ang itatanong nya.
Magkasama kasi kami sa school band. Silang magkakapatid na lalaki at ako.
Si Gray ang second year classmate ko na nagpasok sa akin don. Pero last
two months lang, bago magsem break, nagquit na ako.
Umiling ako at ngumiti ng kaunti. “Hindi na muna. Saka gusto ko
din namang magfocus sa violin at piano.” Nag-iwas ako ng tingin at sakto
namang natanaw ko si Grizelle sa dulo ng hallway na palinga-linga.
“Speaking of! Ayun na pala sundo ko oh.” Tinuro ko si Grizelle pero
nanatili sa kin ang tingin ni Gray. “GRIZELLE!”
Thankfully, narinig ako ni Grizelle at nagsimulang maglakad
palapit sa amin ng nakangiti. Ramdam ko pa rin ang tingin ni Gray sa‘kin
pero talagang tinutok ko lang kay Grizelle ang tingin ko hanggang sa
marinig ko syang magsalita.
“Give me a month to check things out, Chaisee.”
Dun ako napalingon sa kanya. Seryoso sya. Bago pa ako magreact,
tumalikod na sya at naglakad palayo. Sakto namang nakalapit na si Grizelle
sa akin.
“Uy! Ang duga! Si Gray Katsuwara ‘yon diba?! Ba’t mo namang
hinayaang makaalis nang di pa ako nakakalapit, Chaaaaaai?”
Napabaling naman ako sa kanya at napilitang ngumiti. “Hehe.
Nagmamadali yata. Tara na.” Hinila ko na sya pero mausisa talaga!
“Bakit daw ba? Hihi. Swerte-swerte mo naman eh Nakasama ka
na nga sa banda nilang magkakapatid, binitawan mo pa! Hay nakuuu!”
“Pinapabalik nga ako eh.” I faked a laugh. “Sayang daw kung wala
silang magandang vocalist.”
“Kapal! Don’t tell me, tinanggihan mo?!”
Tiningnan ko sya tapos nakangisi kong tinaas-baba ang kilay ko.
“Sige, hindi ko sasabihin.”
Isang hampas naman ang binigay nya sa kin. Aray! Napaatras pa nga
ako sa lakas. “Lukaret kaaaa! How to be you ba? Myghad.”
Tinawanan ko nalang sya bago ako ulit lumingon sa pinanggalingan
namin kung saan dumaan si Gray. Smile, Chaisee. You chose this path.
Because this is how things would be better.
CHAPTER THREE
Music is an international language that anyone would be captivated
of. Whether it be an acapella or purjely instrumental.
________________________________________
Marahan ang hawak ko sa bow habang malumanay itong iniistrum sa
violin. I had my eyes close to feel the music and balance my key notes
with my chin resting on the violin. Nang makuha ko ang tempo ng piece ni
Mozart na sya namang piniplay ko, nagawa ko nang idilat ang mga mata ko at
iikot ang tingin sa mga nanonood ng practice na ‘to habang pinagpapatuloy
ang mababa at malumanay na piece.
Konti lang naman ang nandito. Yung members ng instrumental family
at mga instructors namin. May iilang estudyanteng nakaupo sa audience
dahil malamang kasama ng mga members. Tutok na tutok sila. Ipipikit ko na
sana ulit ang mata ko para ibalik ang pokus sa balanse ng mga nota nang
mahagip ng mata ko ang isang taong nanonood sa dulo ng theatre kung nasaan
ang daan palabas.
My heart skipped a beat. Biglang dumiin ang hawak ko sa bow
dahilan para magbago ang tono. As if on cue, nagkanda-mali mali na rin ako
ng tira sa mga sumunod na nota. As I was expecting, narinig ko na ang
boses ni Miss Fatima, ang violin instructor namin.
“Okay, okay! Hanggang dyan na muna, Hoshikawa.”
Syempre, no choice ako. At ‘yon din naman talaga ang kailangan ko.
Nawala na ako sa nota eh. Ibinaba ko na ang hawak kong bow at violin.
Alanganing ngumiti ako at nagbow saka tumalon pababa ng stage. Sinabihan
naman na ako ng instructor na magpahinga na. Sinalubong naman agad ako ni
Dina, isa sya sa mga kamember ko sa instrumental family ng Mysterecy High.
Pianist sya at violinist naman ako. Ang lawak ng ngiti! Tapos inalog-alog
pa ako pagkalapit ko sa kaniya.
“Ang galing mo na sanaaaa! No wonder, ikaw ang lead ng violin
group.” Tapos bigla syang ngumuso. “Kaso ba’t bigla ka namang nawala?”
“Wala, di ko pa siguro talagang gaanong kabisado ‘yong piece.”
Palusot ko nalang saka naunang maglakad papunta sa lamesa kung nasaan ang
violin case ko.
“Anong di kabisado! Duh, ikaw kaya nagturo sa violin group bago
tayo isa-isahin ng instructor ngayon.” Sabi nya habang inaayos din ang
sarili nyang violin.
“Bastaaaa. Kumain nalang tayo sa cafeteria. Nagugutom na ako.”
Sabi ko nalang tutal naman alas onse na.
Kaso si Dina naman, biglang lumapit sa ‘kin na para na namang
kinikilig at inalog-alog na naman ang braso ko. Grabe, ang hyper talaga!
“Dito nalang tayo kumain! Ha? Ha? Haaaa?” Kulang nalang magtwinkle yung
mata nya eh.
“Bakit ba? Anong meron dito?” Inikot ko pa yung tingin sa
theatre.
Bumulong naman sya sa ‘kin nang malawak ang ngiti. “Andito ‘yung
transferee kong classmate! Ang gwapo nun, dali, makikita mo naman mamaya.
Tara na, bili na tayo!”
At halos nga kaladkarin na ako ni Dina. Halos mag-ala the flash na
rin kami sa sobrang bilis namin kakamadali nya. Ayun, wala pa yatang ten
minutes, nakabalik na kami sa theatre. Nagulat nga ako kasi ang dami ngang
dito kumakain. Hala sya. Anong meron?
“Miss Hoshikawa?”
Napalingon ako nang tawagin ako ni Miss Fatima. Nasa stage sya, sa
tapat nung musical desk. Pinapalapit nya ako. So, inabot ko naman muna kay
Dina yung mga binili ko at nagpaalam na pupunta kay Miss Fatima.
Pag-akyat ko ng stage, dun ko napansin na may mga kasama pala si
Miss Fatima. Nakaupo across sakanya. Di kita kanina sa baba ng stage dahil
natatakpan ng isang malaking wood. Kilala ko yung tatlo; si Vivian, leader
ng piano group, si Pia, leader ng ukulele at si Grizelle, sa piano group.
Yung pang-apat ang kilala ko pero hindi ko alam kung ba’t andito. Si
Sean.
Dahil puro leaders ng instrumental group ang nandito, alam ko nang
meeting ‘to. Ang ipinagtataka ko lang, ba’t kasama si Sean? Eh ito ang
unang beses na nakita ko sya dito. Pinaupo na ako ni Miss Fatima at dahil
yung seat sa tabi nalang ni Sean ang natitira, dun na ako naupo. As if on
cue, napatingin ako sa palibot ng theatre pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi
nya. Baka... may nakatingin? Argh!
Nagkangitian kami ni Sean pagkaupong-pagkaupo ko. Napatanong tuloy
'yung iba kung magkakilala daw ba kami. Syempre, sinabi naman namin kung
pa’no kami naging acquaintances. Pagkapaliwanag, humarap sa ‘kin si Sean
tapos ngumiti at bumulong.
“Mukhang destined talaga tayong magkita sa campus ah?”
Tiningnan ko lang sya nun at nginiwian. Like, uhm?
Sa discussion ko nalang nalaman na sya pala ang tatayong leader ng
guitar group. Di kasi masimulan yung collaboration present namin na
gaganapin sa Valentines Day dahil walang leader ang guitar group.
Nagtanong nga ako kung ba’t sya considering na transferee sya! Unfair ‘yon
sa mga old members. Sabi naman, okay naman daw sila kay Sean. Besides, si
Sean na ang pinakamatanda. Puro junior ang kasama nya.
Pagkatapos ng brief discussion, nagtuloy na kami sa lunch namin.
Bumaba ako para lapitan si Dina. Papalapit palang ako sa kinauupuan nya,
nagtutwinkle na yung mata nya. Mukha ngang maglalaway pa. Sinaway ko tuloy
sya paglapit na paglapit ko.
“Huy! Ba’t mukha ka nang maglalaway dyan? Sobrang gutom ah.”
Natatawang sabi ko.
Pinalo naman nya ‘ko ng mahina sa braso at lumapit para bumulong.
“Yung sinasabi kong gwapong transferee sa class namin, mamsh, papalapit sa
‘tiiiin!” Tunog impit na tili na ‘yung dulo ng sentence nya. Grabe, kilig
ng bongga?
May idea na ako. Pero tiningnan ko naman ‘yung pinanggalingan ko
para hanapin. At boom, tama nga ang hinala ko! Si Sean! Amfufu. Talaga
bang destined kaming magmeet? Ngumiti sya sa ‘min at kumaway gamit isa
nyang kamay. Yung isa, dala yung pagkain nya. Mahilo-hilo na ako sa
pagkakaalog sa ‘kin ni Dina sa sobrang kilig dahil tulad ko, mukhang
tingin rin nya, makikikain sa ‘min si Sean.
Tama naman. Dahil dumiretso nga talaga sya sa pwesto namin at
nilapag na nya yung pagkain nya sa table namin na actually ay props sa
theatre. Wala, nakigamit lang kami! Haha!
“Pwedeng makisabay sa pagkain?”
Syempre, inunahan na ‘ko ni Dina sa pagsagot. “Oo! Oo! Ito, upuan
oh.” At ang lokaret, nagkusa nang humila ng upuan na nasa likod nya at
ibigay kay Sean.
Natawa tuloy si Sean pero nagpasalamat saka naupo. Nung nagsimula
kaming kumain, nagsimula na ring mag-ala interviewer si Dina. Tuloy,
tuwing mag aattempt si Sean na kausapin ako, may sasabihin si Dina at
required syang harapin at kausapin ‘to. Mabuti na rin. Hehe. Bahala sya,
sya naman ‘tong lumapit dito.
Pagkatapos ng lunch, nagkahiwalay na kami ni Dina dahil sa
magkaiba naman kami ng area sa practice. Si Sean, nakisabay sa ‘kin.
Magkatabi lang kami ng practice area. Pagkalayo namin kay Dina, bigla
syang bumuga ng hangin na parang nakahinga ng maluwag.
“Grabe, ang daldal ng kaibigan mo.” Natatawa nyang sabi.
Natawa naman ako. “I don’t think you should refer to her as my
friend. Kaklase mo kaya sya.”
Mukha naman syang nagulat. Lalo tuloy ako natawa. Naiimagine ko na
mangiyak-ngiyak na hitsura ni Dina pag nalaman nyang di man lang pala alam
ng crush nya na classmates sila. Napakamot si Sean ng ulo tapos napa
‘talaga’ nalang.
“Magkalayo naman kayo ng first letter ng apelyido eh. Kung
alphabetically arranged kayo, malamang di mo pa nga sya nakakaencounter
lalo pa two days ka palang naman.”
Ngumiti naman sya. “Tanda mo.” That didn’t sound a question.
I shrugged. “Tingin ko naman, ‘di ako makakalimutin.”
Ngumiti sya at ‘di na nakasagot kasi nandon na kami sa area nila.
Nagkahiwalay na din kami kasi dumiretso na ako sa practice area namin.
Pagkadating ko nga do’n sa area namin, nanukso pa ‘yung mga kasama ko lalo
na yung mga fourth year na kabuilding ni Sean dahil ako palang daw ang
sinasamahan nun. Naku! Wag naman nila lagyan ng malisya at baka
magkaissue.
Nagsimula na kami sa pagpapractice. Ginagawa ko tapos
pinapacorrect ko sa kanila o kaya, hinihingian ko sila ng feedbacks. Hindi
naman kasi porke leader ako eh hindi na ako magkakamali. Tapos ako naman.
Iniisa-isa kong iplay ‘yung stanza ng key notes tapos sila naman ‘yung
magpiplay.
Siguro nagtagal din kami ng one and a half hour. May mga
nakakakabisado na ng key notes at may mga medyong nahihirapan sa vibrato.
Pero all in all, polishing nalang ang kailangan namin para sa presentation
ng violin group.
Huli akong naiwan sa violin group. Nandon pa din ako sa spot ko.
Nag-aadvance practice na ako sa mga susunod na stanza. Mas okay na rin ‘to
since ayaw ko pang umuwi. Wala naman akong gagawin sa bahay. Siguradong
mag-iisip na naman ako ng kung anu-anong negative.
Pinikit ko ulit ‘yung mata ko para i-balance at pakiramdaman yung
tunog ng pagpiplay ko. Sinasabay ko din ang katawan ko sa bawat hila ko sa
bow ng violin. Nasa kalagitnaan na ako nang biglang may pumalakpak.
Napahinto ako sa pag i strum at napadilat pero di ko inalis yung baba ko
sa chin rest. Nakita ko pagkadilat na pagkadilat ko si Sean.
“You look really graceful when you play.” Nakapamulsa at nakangiti
nyang sabi. Nakasabit na sa likod nya yung gitara nya at di na sya
naka-polo kundi nakablack shirt.
Binaba ko na ‘yung violin at bow saka sya nginitian tapos
tiningnan ko yung area nila. Mga nagsisipag-alisan na din. Binalik ko
sakanya yung tingin ko ng nakangiti pa rin.
“Tapos na din kayo?”
Napatango-tango naman sya. “In fact, mga paalis na sila.” Sabi nya
tapos tinuro yung iba pa. Nakita ko naman paglingon ko. “Balak mong
magpaiwan?” Biro nya.
Umiling-iling ako nang natatawa. “Ayokong mag-overnight sa
theatre.” Bukod sa nakakatakot ang ambiance sa gabi, mas lalo akong
mababaliw! “Tinry ko lang i-self study yung susunod at possible na ending
ng play namin.”
He chuckled and pulled a monoblock to sit on. Yung sandalan ang
ginawa nyang sa harapan nya pagkaupo. Bale, ‘yung siko nya ay nakapatong
parehas sa sandalan habang nakatingin sa ‘kin. “Mukha ngang focused na
focused ka kanina. Di mo yata pansing halos thirty minutes ka nang
mag-isa.”
Ako naman ‘yung nagulat. Thirty minutes? Nahalata naman nya ‘yung
reaksyon ko kaya natawa sya at sinabing marami raw silang kanina pa
nanonood sa ‘kin. Ang amo nga raw ng dating ko. Haha! Nambola.
Dahil tingin ko naman, hindi na ako makakapagplay sa presence
nyang makulit, nilagay ko na ‘yung violin at bow ko sa case nito at
nagsimulang iligpit ‘yung mga gamit ko. Saka isa pa, mukha ngang kami
nalang ang matitira pag nagkataon.
“Oh? Ba’t ipapasok mo na? Akala ko ba, magpapractice ka pa?”
“Paalis na sila eh. Takot ako sa multo, ayoko ngang
magpaiwan.”
Biglang nagpailalim ‘yung tingin nya sa ‘kin, masamang tingin
tapos ngumisi ng creepy. Napangiwi ako at napatigil sa paglalagay ng music
notes sa bag ko nung biglang dahan-dahang yumugyog ang balikat nya at
humahagikhik na. Tinakot ba daw ako? Sa hitsura nyang ‘yan, sinong
matatakot? Ang gwapo nya kaya! Tumawa tuloy ako imbes na matakot kuno.
“Ang korni mo! Tingin mo, matatakot ako?”
Nakitawa na din sya. “Di naman kita tinatakot. Pinapatawa kita.”
Tapos nagbang sya sa ‘kin gamit yung dalawang daliri. “And gotya,
success.”
Tumawa lang ako. May pagkaadik din pala ‘to. “Oh, ikaw? Ba’t di ka
pa nauwi?”
“Wala, pinanood lang kita eh tumigil ka nang tumugtog.”
“Dinaldal mo kaya ‘ko.”
“Okay lang. Mukha namang entertaining pa din panoorin kang
magsalita.”
Tumawa na ako. Tapos inikot ko ‘yung tingin sa theatre. Kami
nalang pala naiwan. “Tayong dalawa nalang pala nandito.” Nung ibalik ko
‘yung tingin sa kanya, nakangisi na naman! Bigla tuloy akong kinabahan.
Tapos medyo napaatras pa ako. “U-Umayos ka ah. May pepper spray ako!”
Tapos kinuha ko sa bulsa ng school skirt ko ‘yung pepper spray ko.
Doon, humalakhak na sya. Ang lakas ng tawa ng mokong! Hawak-hawak
pa ‘yung tyan. Halos ihampas ko naman na sakanya ‘yung hawak kong pouch.
Goodness! Nung tumigil sa pagtawa eh ang lawak pa din ng ngiti.
“Biro lang. Mukha ba naman akong gagawa ng masama?”
I shrugged and zipped my bag. Natapos din! Sinukbit ko na yung
bagpack ko. “Sabi nga, don’t judge the book by its cover.” Binitbit ko na
yung violin case ko. “Tara na.”
Napailing-iling naman sya na parang amused dahil sa ngiti nya.
Tumayo sya tapos tinuro nya yung violin ko. “What made you play a
violin?”
Napangiti naman ako dahil dun. “Parents ko. Gusto daw nilang
marunong ako kahit isang classical instrument. Specifically, either violin
or piano.”
Napatango-tango sya. Nung nagsimula na kaming maglakad paalis ng
theatre, nagtanong ulit sya. “So, marunong ka magplay ng iba pang
instrument.”
Biglang nawala ‘yung ngiti ko dahil sa tanong nya. Pero ngumiti
naman ulit ako. Hindi nga lang sing-genuine ng nauna. Tumango ako ng isang
beses. “Hmm. Isa. Guitar.”
Napataas yung dalawang kilay nya. “Whoa, talaga? Sana pala
pinaggitara kita kanina.”
Natawa naman ako at napailing nalang sa kanya. Ngumiti ulit
sya at nagdiretso kami ng tingin sa paglakad.
“Akala ko, piano since ‘yun ang isa pang gusto ng parents mo para
sa ‘yo.”
Napatingin ako sa ulap habang naglalakad. Dahil past dismissal na,
orange na yung langit. Tahimik na din ang nadadaanan naming ground dahil
wala nang gaanong estudyante. “Unlike the violin, someone else inspired me
to play a guitar.”
“I’d like to see you play my guitar next time.”
Napangiwi ako. “Marunong ako pero hindi ako magaling. Konti palang
naman alam ko eh.”
“Ganon ba? Well, then, what’s your favorite song to play in a
guitar?” Lumingon sya sa ‘kin.
Tumingin din ako sa kanya. “Undoubtedly and definitely the ‘I
Swear This Time I Mean It’ of Mayday Parade?” And this time, I gave him a
genuine smile.
“That’s in a guy’s point of view though.”
“Hindi ah. Pwede din sa girls.” I winked and laughed it off.
Nagulat ako nang bigla nyang guluhin ang buhok ko at tumawa.
“Cool, then. Kung sayo eh.” Tinuro nya ‘yung isang grupo ng mga lalaki na
pasalubong sa ‘min. “Gotta go. Play for the varsity.”
He didn’t wait for my response and ran to them. Wala akong nagawa
kundi sundan sya ng tingin na tumakbo papunta sa mga varsity players na
nakatingin sa kaniya o sa aming dalawa kanina. Bigla akong napalunok
habang sinusundan sya ng tingin. I then held my chest. My heart’s
racing.
CHAPTER FOUR
“Miss Hoshikawa? Miss Hoshikawa!”
________________________________________
I flinched the moment I heard the irritated yell of the teacher
infront. Bigla akong nabalik sa reyalidad at inikot ang tingin sa buong
classroom. Everyone’s staring at me, some were worried. Yung iba naman,
mukhang nawiwirduhan. Kunsabagay, makita ba naman nilang ang isang
grade-conscious ng klase na hindi nakikinig at pinapanood ang ulap sa
bintana eh.
Nang magtama naman ang paningin namin ni Mrs. Vicente, napatayo
ako bigla dahil mukha talaga syang nainsulto. “Yes, Ma’am?”
Mataas ang isang kilay at mataray na dinireksyon ng ulo nya ang
pintuan. Nang tingnan ko naman ay nakita ko si Bryan na vice president ng
class namin at si Wendy na sya namang secretary. Niyayaya nila ako. Nagets
ko namang sinusundo nila ako para umalis.
Inexcuse ko na ang sarili ko at pinuntahan na yung dalawa. Habang
naglalakad kami nila na pinaliwanag kung ba’t kailangan naming umalis. Yun
pala, kailangan naming isa-isahin ang rooms ng Seniors para iinform sa
upcoming pakulo ng senior na country exhibit. Dahil kami ang first section
ng third year, sa ‘min syempre ang task na ‘to.
Sanay naman ako sa public speaking dahil exposed na ako sa tao
ever since yata. Bilang class president ng first section ng third year,
halos karamihan ng speech ay sa akin. Sina Wendy at Bryan naman, madalas
na tagasagot lang ng mga tanong though may kaunti silang explanation.
Nang matapos kami sa third year, saka palang nagsink in sa akin
na—pupuntahan din namin ang mga fourth year!!! Anong gagawin ko?! Dun ako
nataranta na mukha namang nahalata nina Bryan. Pinilit ko na sila na sa
last section kami magsimula. Mabuti nalang at pumayag.
Ang tagal naming nakatayo lang sa pintuan ng first section ng
fourth year. Pinipilit ko sina Wendy at Bryan na sila nalang. Kaso parehas
naman nilang pinagpipilitan na bigyan ko daw muna sila ng valid reason.
Wala naman akong maisip. At nung makaisip ako, di naman na nila
pinaniwalaan.
“Ba’t ka nga ba kasi kabado, Chai?” Si Wendy.
“Oo nga. Diba dapat ngang mas excited ka at ito ang class ng—”
Bago pa matapos ni Bryan yung idudugtong nya, bigla nalang bumukas
yung pinto. Pare-parehas kaming nagulat at napalingon yung dalawang
nakatalikod sa pinto. Alanganin akong ngumiti. Malawak naman ang ngiti
nung nagbukas, si Sean. Nung tanungin nya kami kung anong sadya namin,
wala akong nagawa kundi alanganin at nanginginig na itinaas ang hawak kong
papel. Sabi naman nya, sakto raw at walang teacher. Anong sakto?!
Parang mas lalong ayokong pumasok. Gusto ko nang hilingin sa lahat
ng diyos na sana ay dumikit na sa semento ang nanginginig kong mga paa.
Pero wala, pinagtulakan talaga ako nung dalawa na pumasok. Sunod nalang na
alam ko, nasa unahan na ako ng klase. At nang makita nila ako, tumahimik
bigla.
Itinaas ko ang ulo ko at walang tiningnang kahit sino. Tagusan
hanggang dulo. Ramdam na ramdam ko ang malamig na pawis sa noo ko at ang
panginginig ng kamay ko. Pero nandito na ako. Tumikhim ako at kahit may
kutob na akong mauutal at mababasag ang boses ko, nagsimula na rin akong
magsalita.
“U-Uhm, g-good morning—”
“Anong maganda sa morning kung nandito ka?”
Lahat kami nagulat sa biglang pagsabat ng isang lalaki sa second
line. Napatingin ako bigla kina Wendy at Bryan na nasa gilid bilang
reflex. Sinaway ni Wendy yung lalaki tapos pinatuloy ako. At kahit mas
kinabahan ako lalo, nagpatuloy ako.
“W-We are from.. uhm, t-the third year d—”
“Obvious naman sa color ng border ng plate name nyo, wag tanga.”
May sumabat na naman. This time, babae. Nasa gilid. Gusto kong maiyak
dahil sa paraan ng pagtingin nila sa akin pero alam kong wala yong
maitutulong.
“M-Mag-aannounce lang—”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang mag-ingay na talaga sila
at paalisin kami. Sumigaw pabalik sina Bryan at Wendy para magdefend at
sumaway pero nanatili lang akong nakatayo sa unahan. Pakiramdam ko, late
narinig ng mga god ang panalangin ko. Kasi nung mga oras na yon lang
umepekto ang kagustuhan kong madikit nalang sa semento. Nanginginig pa rin
ang mga kamay ko at wala akong ibang magawa kundi ang ipokus ang tingin ko
sa paanan ko habang magulo at maingay ang lahat sa kwarto.
“Umalis na kayo.”
Napaangat ang ulo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Nakita ko si Tristan na nakatayo na sa harapan ko. Kilala ko sya. Isa sya
sa mga varsity. At kaibigan. Lalo akong parang nawalan ng boses. Nang
hindi ako sumagot, nagsalita ulit sya.
“No, your companions can stay to announce whatever kind of shit
you came up with. But you? You can leave.”
Hindi na sya nagsalita ulit at tumalikod na. Napalunok ako as if
mapipigil nun ang bigat ng dibdib ko at ang nagbabadyang luha sa mga mata
ko. Pagkaalis nila, lumapit sakin yung grupo ng babae na pinapangunahan
nung babaeng sumabat kanina.
“You heard him, right? Get out, trash.”
Bago pa ako makapagreact, tinulak nung nasa unahan ang kanang
balikat ko. Sa kawalan ko ng lakas, hinayaan ko ang sarili kong magpadala
sa tulak na yon at muntikan nang bumagsak nang bigla namang may umalalay
sakin.
“Chaisee, okay ka lang?” Si Sean. Bumaling sya sa tatlong babae.
“Ganyan nyo ba itrato ang mga junior bilang seniors?”
Lumingon ulit sa pwesto namin si Tristan at nag-igting ang panga
nya sa presensya ni Sean sa tabi ko. “Umalis ka dyan, rookie. Wag mong
isawsaw sarili mo kung di ka kasali. Lalo na kung di mo naman kilala yang
hawak mo.”
That triggered Sean. Alam kong sa pagtayo at pagbitaw nya sa ‘kin,
susugod sya kay Tristan na pwedeng pagmulan ng gulo. And I knew what are
they capable to do. Kaya hinila ko pabalik si Sean para pigilan sya. He
refused. Kaya mas hinatak ko sya kasabay ng pagsigaw.
“SEAN, STOP!”
That served as if a cue. Parang nagpause bigla ang oras. Tumahimik
ulit sa classroom at lahat ay napabaling sa amin. Bakas sa mukha ng lahat
ang gulat at pagtataka. Hindi ko alam kung bakit. Pero may ideya ako.
Napalunok ako sa tinging ibinibigay nila. Mas matindi. At wala akong lakas
ng loob para basagin ang katahimikan.
Isang malakas na pagsipa sa pintong nasa dulo ang bumasag ng
yelong nabubuo sa kwarto. Lahat kami ay napalingon don. Isang grupo ng mga
lalaki. Ang magkakapatid na Katsuwara. Nasa unahan nila si Gray na
nakapamulsa at diretso ang blangkong tingin. Sa kanan nya ay ang lalaking
may green highlights at nakatingin sa akin ng diretso, si Neon. Sa kabila
naman ay ang lalaking may red highlights, si Red. Parehas silang
nakatingin at kahit pa gaano ko sila nakilalang masayahin, wala akong
ideya sa iniisip nila sa akin ngayon. Wala akong nagawa kundi salubungin
ang tingin nila sa akin na alam kong pinaghalong disappointment at
awa.
Dahan-dahan namang ibinaling sa akin ni Gray ang ulo nya. Nang
magtama ang paningin namin, ngumisi sya habang pinananatili ang
kablangkuhan ng mata. “Sean, huh?”
Sabay-sabay silang lumingon sa labas. Parang may hinihintay na isa
pang tao. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Halu-halo at magulo. Pero
lahat ay negatibo. Nang mga oras na ‘yon, ang unang bagay na pumasok sa
utak ko ay ang syang ginawa ko. Buong loob kong tinalikuran ang lahat at
humakbang para umalis sa classroom na ‘yon nang hindi lumilingon.
Pagtakbo, iyon lang ang kaya ko.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Kung natuloy ba nina Wendy ang
announcement sa klase nina Sean o hindi. Hindi rin ako nagtanong. Ni hindi
rin ako nagsalita sa mga sumunod na klase. Katunayan, wala ako sa sarili
ko. Mabuti nalang at hindi rin naman nangulit ang dalawa. Tulala lang yata
ako buong maghapon sa bintana. Kinakain ng iniisip.
Dismissal at wala akong balak umattend ng practice sa music club.
Kaso nakaabang na si Dina sa labas ng classroom. At sakanya, wala talaga
akong takas. Wala rin ako sa mood para makipagsagutan at makipagpilitan.
Basta, nagpadala nalang ako.
“Narinig ko ang nangyari sa class kanina.” Sabi nya habang
naglalakad kami.
Oo nga pala. Wala sya kanina sa room nila dahil sa busy’ng
schedule nya sa extra curricular activities. Tiningnan ko lang sya at
nginitian. Wala akong balak magkwento. At nakakapanatag sa loob na hindi
na rin nya inungkat.
Pagdating sa theatre, bigla naman nya akong iniwanan. May
nakalimutan raw sya sa classroom. Alam naman nya ang kaso ko kaya hindi na
rin sya nagpasama. Naiwan naman akong mag-isa. Ayokong malunod na naman sa
mga iniisip ko. Kaya tumayo ako at kinuha ang violin at bow sa case.
Pumwesto ako sa stage at tumayo sa pinakakomportableng pwesto.
Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang musika. Dahan-dahan kong inistrum
ang bow sa violin. Kabisadong-kabisado ko na ang notang ‘to. Mabagal pero
mataas. Gustong-gusto ko dahil ramdam na ramdam ko. Isinasabay ko rin sa
pagtugtog ang galaw ng paa at ulo ko. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtugtog
nang bigla akong mapadilat dahil sa tunog ng pagbuhat ng upuan.
Nakita ko si Sean. May hawak na upuan. Nakashirt at nakasabit sa
likod ang gitara. Napakamot sya ng ulo nang makita akong nakatingin na sa
kaniya. “Sinusubukan kong wag gumawa ng ingay eh.” Hinila nya ang upuan
hanggang sa mapunta ‘yon sa harapan ko. Umupo sya dun nang nasa harapan
ang sandalan. Bale, yung upo nya ay parang upo sa motor habang nakapatong
yung dalawang siko sa ibabaw ng sandalan. “That really is a sad music.
Okay ka lang ba?”
“Tungkol saan?” Tanong ko.
“About earlier.”
Napaiwas ako ng tingin. “Doesn’t matter.” Sagot ko sa ibinaba ang
bow at violin. Inilapag ko ‘yon sa isang lamesa malapit sa ‘kin.
“Ba’t ibinaba mo? Go on. I’m here to listen.”
Umiling ako at ngumiti. “Wala naman akong maisip nang
tugtugin.”
“You were playing when I arrived.”
“That’s a different story.”
“Hmm. Eh kung yung paborito mo kayang kanta sa gitara? Can you
also play Mayday Parade’s I Swear This Time I Mean It in a violin?”
Umiling ako. Napangiti naman sya bigla at humila ng malapit na
upuan sa kanya para ipwesto sa harap nya. Tinapik na yon para ialok sa
akin. “Here.”
I didn’t have a reason to refuse. Naupo naman ako sa harap nya at
inilapag sa lap ko ang bag ko. “By the way, wala ka bang...” Halata sa
boses ko ang pag-aalangan kaya napatingin sya sa ‘kin. “Wala ka bang ibang
pangalan?”
Natawa sya. “What do you mean?”
I shrugged. “Mukhang nagulat sila nang tawagin kitang Sean.”
Ngumiti sya. “Nagulat din naman ako.”
Dun napakunot ang noo ko. Nang mapansin nya ang pagtataka sa mukha
ko ay kinuha nya ang ID sa bulsa ng polo nya at hinarap sa akin. Malinaw
doong nakasulat ang CYAN WARNER at sa ibaba ang 4-1. “Most people
mispronounce my name as sa-yan.” Inangat nya sa kin ang tingin at muling
tinago ang ID. “Pero unang beses na may tumawag sa ‘king shan and Chaisee,
that’s you. So I let you. Either way, the right pronounciation of my name
isn’t sa-yan nor shan but si-yan.”
I was then left dumbfounded. All along... I’ve been calling him
the wrong name! Kaya pala.. Kaya pala natawa sya nung tawagin ko sya?! At
kaya pala.. kaya pala ganon lang din ang reaksyon ng mga taga fourth year
kanina. Why did no one ever correct me?! Nahalata naman yata nya ang
reaksyon ko kaya tumawa na naman sya.
“Look, it’s perfectly alright if you’re still going to call me
Sean. It’s—”
“Aaaaahhhh!” Ginulo ko ang buhok ko saka sya pinaghahampas. “Ba’t
di mo man lang ako kinorrect, Cyan?!” Sigaw ko nang may pagdiin sa
pangalan nya.
Sangga naman sya ng sangga. “Alright, I’m sorry, okay? Here’s a
treat for that.”
Tumigil ako sa paghampas sa kaniya nang bigla nyang iharap sa
kanya ang gitara nya at pumwestong mukhang tutugtog. Nagstrum sya ng isang
beses tapos sumulyap sa ‘kin. Hinintay ko naman ang susunod nyang gawin.
As expected, nagplay sya ng kanta. At intro palang pamilyar na sa akin ang
kanta. Mas nakilala ko nang tumagal. At nagsimulang magpasway ang ulo ko
from left to right para sabayan ang kanta. Napapangiti naman sya sa ‘kin
dahil dun. Akala ko, tutugtugin lang nya. Pero nagulat ako nang sa chorus,
kumanta sya kasabay ng gitara. Napatigil ako sa pagsway at literal na
nastiffen.
“I’m outdated, overrated.
Morning seem so far away.
So I’ll sing a melody.
And hope to—”
Hindi ko na sya pinatapos. Automatic na napatayo ako sa upuan ko.
Sa sobrang pagkabigla, nakalimutan kong nasa lap ko ang bag ko na bumagsak
pagkatayo ko. Dahil din sa reaksyon yun kaya sya napahinto sa pagtugtog at
tiningala ako.
“Bakit, Chaisee?”
Naging malikot ang mata ko bago ko sya natitigan. “Don’t.. Don’t
you ever sing that song to me, Sea—no, Cyan.”
Tinalikuran ko sya at para akong natataranta at nagmamadaling
kinuha ang bag ko. Pumunta ako sa violin para kunin yon. Napahiyaw pa ako
nang sa sobrang taranta ay madanggil ko pa ang lamesa. Nanginginig pa rin
ang kamay ko at malikot pa rin ang mata pero nagawa kong kolektahin lahat
ng gamit ko. Nang lingunin ko ulit si Cyan ay nakita ko na syang nakatayo
at nag-aalalang nakatingin sa ‘kin dahil malamang sa kinikilos ko.
Magsasalita sana sya nang unahan ko na sya.
“Just. Don’t. Sing. That. Ever again.”
That was my only and last line before I turned my back to leave.
Thankfully, hindi sya humabol. Napayuko at napahawak sa dibdib ko na hindi
pa rin kumakalma mula nang marinig ang pagkanta nya sa bawat lyrics ng
chorus. My heart’s racing.
CHAPTER FIVE
“Uhm. Hi, Cyan.” Ibinaba ko ang hawak kong tray na naglalaman ng
lunch meal ko sa harap ni Cyan. I should learn to get use of calling him
Cyan rather than Sean.
________________________________________
Mukha syang nagulat nang makita ako pero ngumiti din naman nung
naupo na ako sa harap ka. “Good to see you here.” Bati nya.
Ngumiti naman ako tapos nilibot ko ang tingin sa cafeteria bago
ibinalik sa kaniya. “Mag-isa ka lang?” Tanong ko. Wala naman kasi akong
nakitang kasama nya nang nabili ako.
Ginesture nya ang line. “Nabili pa sila ng pagkain.”
Napatango-tango naman ako. “I see. Aalis naman ako agad.”
“Ha? Okay lang naman kung makikishare ka.” Bumulong pa sya.
“Actually, better.”
Ngumiti ako at tinuro ang isang mesa di kalayuan sa puwesto namin.
“Kasama ko friends ko.”
Tumango-tango sya at ngumiti. Nagsimula na syang kumain. Ako
naman, tinitingnan sya. Tumityempo. Ayoko namang dumating na ang mga
kasama nya at mawalan na naman ako ng chance para magsalita. Kaya naman
tumikhim na ako.
“Gusto ko lang humingi ng pasensya sa inasal ko kahapon sa
theatre.”
Halos mabulunan naman sya pagkasalita ko nang may kinakain sya.
Ako naman ay natataranta para bigyan sya ng maiinom. Sa pagmamadali ko,
ang naibigay ko sa kanya ay ‘yung isang baso ng salabat na pinasabay sa
‘kin ipabili ni Myka. Bigla syang napaubo pagkainom na pagkainom. Dun ko
agad narealize yung naibigay ko.
“Hala! Hala, sorry! Sorry talaga!” Kinuha ko nalang yung baso nya
at yun ang ibinigay. Myghad, ano bang pinaggagagawa mo, Chaisee
Hoshikawa!
Pagkainom nya habang tinitignan ko syang nag-aalala, nagkatinginan
kami. Wala namang nakakatawa at walang nagsalita pero parehas kaming
natawa bigla parehas. Ano ba ‘to. Napailing-iling pa nga sya. Siguro ilang
minuto bago sya sumagot.
“About yesterday, it’s fine.” Nginitian nya ako. “It’s all fine.
Mukha kang sobrang worried eh.” He chuckled a little.
Natawa na din ako at medyo napakamot ng ulo. Wala nang
nakapagsalita sa amin nang dumating na yung dalawang kasama nya. Classmate
nya yung isa at yung isa ay hindi ko kilala. Pagdating nila, nagpaalam na
din naman ako agad at dinala na kasabay ko paalis ang tray ko.
Pagdating ko naman sa table namin, panay tukso na naman yung tatlo
at naiinggit daw sila. Halos kainin naman ako ni Myka dahil may bawas yung
inumin nya. Pero nung sabihin kong napainom ako nang hindi sinasadya kay
Cyan, bigla syang naging maamong tupa. Naku! Kebago-bago ni Cyan, ang
daming nahahatak na babae!
Pero syempre, hindi nakalagpas sa kanila na tinatawag ko nang Cyan
si Cyan. Hay naku. Kung sila sana kinorrect na ako nung una palang, eh di
sana, walang problema! Buti nalang, nabaling din sa iba ang topic kaya
naging medyo komportable na ako sa pagkain.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang makaramdam ako ng hilo.
Napahawak ako bigla sa bibig ko para takpan dahil pakiramdam ko, anytime
ay masusuka ako. Napansin naman nina Myka. Nagpaalam akong pupunta muna sa
rest room. Gusto pa nga sanang sumama pero di naman na ako nagpasama.
Nagmadali akong pumunta sa rest room at pagpasok na pagpasok,
pumunta ako sa dulong cubicle at sumuka sa bowl. Nahihilo pa rin ako at
nakaramdam ako bigla ng panghihina. Finlush ko na yung bowl pagkatapos at
pumunta sa sink para maghilamos.
Dahan-dahan naman akong naglakad nang humahawak sa pader bilang
alalay palabas. Paglabas ko ng rest room, nanatili pa rin ako sa gilid
para humawak sa pader. Nanlalabo na ang paningin ko. Hinilot ko ang
sentido ko hoping na medyo umayos ang pakiramdam ko. But everything went
much blurry. Lalo akong nanghina at napabitaw sa pagkakahawak. Just
seconds after, even if I didn’t want to, nawalan ako ng balanse.
Bigla akong bumagsak sa sahig. There was a loud impact enough to
catch students’ attention nearby. Blurry na ang paningin ko pero alam kong
naggather na silang lahat palibot sa akin. I couldn’t understand any
words. Basta, focused ako sa pagkahilo. Before even someone pick me up
probably to bring me to the clinic, everything went black.
I fell unconscious, that’s given. Hapon na nang magising ako na
nasa clinic bed na. Inikot ko ang paningin sa paligid. Nakahawi ang lahat
ng kurtina kaya naman nakita kong walang tao maliban sa akin. Napapikit
ako sandali bago ulit dumilat. Nagulat ako nang may humawak sa kamay
ko.
“Ate..”
Bigla akong napalingon. Nakita ko ang isang batang babae sa tabi
ko na hindi ko pala napansin kanina. Mukha syang first year sa tangkad nya
at aakalain kong first year nga sya kung hindi ko nga lang sya kilala at
alam na grade five palang sya at the age of ten. Tulad ng mga kapatid nya
ay mayroon syang highlights sa buhok na isinunod base sa pangalan rin
nya.
Pinatong ko ang kamay ko sa ulo nya at hinimas iyon. Hinawakan ko
ang parte ng buhok nya na may highlights at napangiti. “Ang pasaway ng mga
kuya mo, ‘no, Violet? Pati ikaw na elementary palang, dinamay sa
pagpapahighlights ng buhok.” Nginitian ko sya.
Tiningnan naman nya ako. Manang-mana sa mga kapatid. Ang taray ng
neutral expression pero nawala naman ‘yong ganong impression ng ngumiti
sya. Hinawakan rin nya ang buhok nya. “Napakulayan lang naman nila ‘to
dahil wala si Kuya Silver eh.” Natawa kami parehas nang banggitin nya ang
sobrang stiff at strict na panganay nila. Nang matigil sa pagtawa ay
hinawakan nya ang kamay ko. “Okay ka na ba, ate?”
Tumango naman ako. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin ni
Violet nang bigla akong masuka. Agad akong napatayo sa higaan ko at
napapunta sa sink ng clinic para sumuka. Sumunod naman agad si Violet sa
akin saka nya ako hinimas-himas sa likod para pakalmahin. Napahawak na
naman ako sa sentido ko nang kumirot ito. Lalagnatin ba ako?
Sabay kaming napalingon ni Violet sa pintuan nang may pumasok. Si
Nurse Trina pala. May edad na sya at matagal na dito sa school. Ngumiti
sya sa amin. Pinunasan ko ang labi ko matapos isara ang gripo saka
dahan-dahang naglakad pabalik sa higaan ko nang inaalalayan ni Violet.
“Nurse Trina.. Sino pong.. nagdala sa akin dito?” Tanong ko nang
muling makahiga.
Tipid syang ngumiti. “Pagdating ko kanina ay nandito ka na. Maayos
na bang pakiramdam mo?” Bigla syang napasulyap nang mapansin ang presensya
ni Violet. Nginitian nya ito. “Hello, batang Katsuwara.”
Hindi naman sya sinagot ni Violet at tinignan lang sya kaya sa
‘kin na bumaling si Nurse Trina. Marahan akong tumango. “Pero medyo
masakit pa din po ang ulo ko kahit na uminom na ako ng gamot.”
“Hay naku, bata ka. Sabi ko naman kasing wag mong papagurin ang
sarili mo.” Napailing-iling pa sya. “Nasa labas si Cyan, hinihintay ka
yata. Ipinagpaalam ka na rin nya gamit ang excuse letter na ipinadala ko
sa mga teachers mo.”
“P-Po?”
“Mataas ang lagnat mo at mahihirapan ka pa sa ngayon na gumalaw
nang gumalaw sa lagay mo. Kailangan mo ng pahinga, hija.”
Sa huli, wala na rin naman akong nagawa kundi tanggapin ang pabor
na ginawa ni Nurse Trina. Nagpaalam na rin akong umalis at sinamahan ako
ni Violet palabas. Gaya nga ng sabi ni Nurse Trina, nasa labas si Cyan at
hinihintay ako. Ipinakilala ko sila ni Violet sa isa’t isa pero masungit
ang naging trato ni Violet sa kaniya. Hindi ko naman sya masisisi lalo na
nang magpaalam syang aalis na at babalik sa primary division ng
Mysterecy.
“Kaya mo na bang maglakad?” Tanong ni Cyan nang maiwan kaming
dalawa.
Nagbibirong ngiti ang sinagot ko. “Kung hindi ba, ipapasan mo
‘ko?”
Tumawa sya pero sumagot. “I’d be much willing to.”
Tuloy, parehas kaming natawa. Natawa nga ako lalo nang mag-insist
syang baka nga hindi ko pa kaya. Tawa tuloy ako ng tawa sa kaniya habang
naglalakad kami. Puro din kasi sya biro. Buong oras hanggang sa makarating
kami sa bahay namin ay parehas lang kaming tawa nang tawa sa sarili naming
biruan.
Inabot nya sa ‘kin ang bag ko na sya ang may dala nang makarating
na kami sa may gate. “Ingat ka.”
Inalok ko sya. “Gusto mo bang magkape muna sa loob?”
“Kung walang klase, Chai.” Natatawa nyang sabi.
Napakamot naman ako ng ulo. “Oo nga pala! Hala, baka naman
pagalitan ka na ng teacher mo.”
“Nagpaalam naman ako.” Nagkibit-balikat sya. “Saka kung para sa
‘yo naman, okay lang mapagalitan. Ikaw pa ba?” Tapos nginisihan pa
ako.
Hinampas ko tuloy sya. “Puro ka kalokohan!” Kinumpas ko ang kamay
ko. “Hala, sige! Bumalik ka na. Baka mamaya, may quiz pala kayo eh.”
“Ngayon naman tuloy, atat ka talagang paalisin ako?”
“Hindi, naku!” Tumawa ako at sa huli ay nginitian sya. “Salamat pa
rin. At least, maayos akong nakauwi.”
Ngumiti sya, isang genuine at walang halong birong ngiti. “Ikaw
pa. Sige, una na ako.” Hindi na nya hinintay ang sagot ko at tumalikod na.
Sinundan ko lang sya ng tingin habang naglalakad palayo nang bigla syang
huminto at lumingon para may sabihin. “By the way, Chaisee! Hindi ‘yon
kalokohan!” Ngumiti sya ng sobrang lawak at tumakbo palayo.
Napakunot naman ang noo ko. Alin ang hindi kalokohan? Hay naku.
Napailing-iling nalang ako saka pumasok sa loob nang ginagamit pa rin ang
mga pader bilang alalay sa paglalakad. Nanginginig pa rin kasi at
napakalamya na parang anytime ay babagsak. Wala rin namang tao sa bahay
kaya dumiretso na ako sa kuwarto.
Parang don lang bumalik ang bigat na nararamdaman ko. Pakiramdam
ko pa, pagod na pagod ako sa pag-akyat lang mula sa ibaba papunta dito sa
kwarto ko. Bagsak ang katawan kong napatingala sa kisame. Isang malakas at
mahabang buntong hininga ang pinakawalan ko bago napapikit saka hinayaan
ang sariling makatulog ulit.
Mabilis namang lumipas ang tatlong araw. Wala rin naman akong
gaanong ginawa sa bahay dahil wala talaga silang balak pagawin ako ng kung
anu-ano. Buryo ako sa kwarto. Kaya ang lawak talaga ng ngiti ko habang
naglalakad papasok ng school. Nakasalubong ko ang isa sa mga kaklase ko at
pati sila, ang lawak ng ngiti sa akin. Parang ang aliwalas ng araw
ngayon!
Kaunti palang ang tao nang makarating ako sa classroom. Wala pa sa
sampu. Lahat, nasa labas pa. Kaya lalo kong napansin ang nasa ibabaw ng
lamesa ko. Hindi ko maitatangging bigla akong nakaramdam ng kung ano sa
tiyan ko nang makita yon. Nasigurado kong para sa akin nga nang ilapag ko
na ang bag ko at matitigan ‘yon. Isang bugkos ng kulay lilang bulaklak.
Napangiti ako. Sa ibaba ay may isang nakasabit na note. Dahan-dahan kong
binuksan yon at nakitang may printed message in blue font.
‘Please be okay. – Sean’
Biglang kumabog ang dibdib ko nang mabasa ang simple at isang
linyang nakalagay. Napahawak pa ako sa chest ko nun dahil ramdam na ramdam
ko ang epekto nun sa akin. Marahan kong kinuha ang bulaklak at inamoy.
Gustung-gusto ko talaga ang halimuyak nito. Paborito ko sa lahat.
“Ayieee.”
Napalingon ako sa likuran nang marinig ang boses ng mga kaklase
ko. Natawa nalang ako at tinuro ang bulaklak. “Kanino galing ‘to?”
Unfortunately, no one knows. Sinubukan ko ring itanong sa iba pang
maagang dumating pero lahat naman ay iisang sagot—hindi nila alam at
nandito na ‘to nang dumating sila.
Hindi ako nagkaroon ng bakanteng oras buong araw. Masyado ding
nag-alala sa akin ang mga kaibigan ko at ang babait pa na hindi ako
pinalabas ng klase. Sila na ang bumili. Sa lunch break naman ay
kinailangan kong kunin ang mga naiskip ko sa tatlong araw na wala akong
klase. Tuloy, nagkaroon lang ako ng pagkakataon na gawin ang gusto ko nang
pagkadismissal ng hapon. Saktong paglabas ko ay sumalubong sa akin ang
taong hinahanap ko. Nakangiti sya sa ‘kin at nauna nang lumapit.
“Buti, nakapasok ka na.” Aniya.
Tinaas ko yung boquet ng bulaklak at pinakita sa kanya. “Cyan,
ikaw ba nagdala nito dito?”
Napakunot ang noo nya. Nagulat naman ako nang bigla syang may
ilabas na boquet ng bulaklak sa likod nya! This one, roses na dark pink
ang colors. “Uh, no but this one, sa akin galing ‘to.” Nakangiti nyang
sabi.
My heart skipped. The familiar sensation of love suddenly
conquered my system. Kusang umikot ang ulo ko para hanapin sa mga
naglalabasang estudyante at mga grupo ang pangalawang Sean na kilala ko. O
mas tamang sabihing ang una at huli kong Sean..
“Chaisee, okay ka lang ba? Sinong hinahanap mo?”
“Sandali lang.” Sabi ko at aakma nang aalis nang bigla naman nya
akong hawakan sa braso. Doon ako napalingon sa kaniya.
“May practice tayo ngayon sa Music Club, magtatagal ka ba?”
Ngumiti sya. “Ipapaalam nalang kita kay Miss Fatima kung importante at
kailangan talaga ang pupuntahan mo.”
Napatigil ako. Dun ako natauhan at parang nasampal ng gagawin ko
sanang desisyon. Ano nga bang ginagawa ko? This is against my first and
said to be final decision. Importante? Yes, Sean’s important. Than most
people in this world. Pero kailangan? Bakit? Bakit ko nga ba sya
pupuntahan? Hindi ba’t ako ang pumili ng desisyon na ‘to? Bakit? Bakit ko
pa sya guguluhin? Tama nang malaman kong andyan pa rin sya at sa kaniya
talaga galing ang mga bulaklak na ‘yon kanina.
Isang pagbuntong-hininga kasabay ng mariin na pagpikit bago ako
umayos. “Oo nga pala. Tara na sa theatre.” Bagsak ang mga balikat na sabi
ko.
Nilapitan nya ako at sinabayan sa paglalakad. Doon ko naalalang ni
hindi ko pala nakuha sa kaniya ang bulaklak na ibinibigay nya. Kaya naman
alanganin man at late na, kinuha ko na rin na ikinagulat nya.
“Uhm, salamat pala dito, Cyan.”
Ngumiti lang sya at tumango.
Pagdating naman sa theatre, late na kami parehas kaya agad naman
na kaming pinadiretso sa mga pwesto namin. Medyo may mga binago rin pala
sa tono at nota ng piece kaya may mga kailangan rin akong habulin.
Tumutugtog ako ng violin nang ilang beses akong napapasulyap kay
Cyan. Hawak nya ang gitara nya at nasa unahan ng grupo nila. Nakaupo sya
sa isang upuan at seryoso habang nag-i-strum. Pero ako lang ba? O may mali
sa awra nya. Hindi ‘yun yong tipikal at natural na seryoso nyang mukha.
Nag-aalala ako kung dahil ba ‘yon sa kanina.
Atat talaga akong matapos ang practice. Hindi ako mapakali dahil
pakiramdam ko, may nagawa akong mali lalo na sa pambabalewala sa kaniya
kanina kahit pa sabihing hindi sinasadya at maliit na bagay. Pero hindi ko
rin naman alam kung anong sasabihin o kung sasabihin nga ba. Gusto ko lang
ma-assure na okay lang sya.
Nang magdismiss na ang instructor namin, sinadya kong magpahuli.
Alam ko namang mahuhuli din si Cyan dahil tinutulungan nya ang iba sa
pagliligpit. Nang maisaayos ko na ang violin at bow ko sa case nito,
nilapitan ko na sya. Tapos na syang magligpit at nakaupo nalang sa isang
upuan habang nagtotono ng gitara.
Dahan-dahan at alanganin pa akong lumapit sa kaniya nun. Hindi
naman nya itinaas ang ulo nya para tingnan ako. Ano nga bang sasabihin ko?
Normal na conversation. Tama, be normal, Chaisee.
“Magpapractice ka pa rin ba? Nang mag-isa?” Tanong ko.
Humila sya bigla ng upuan at ipinuwesto ‘yon sa tapat ko na
kaharap nya. Tiningnan nya ako at nginitian. “Be my guest?”
Medyo nawala naman ang bigat sa dibdib ko nang ngumiti sya sa
‘kin. Umupo nga ako sa harap nya. Pinapanood ko lang syang magtono ng
gitara hanggang sa matapos sya. Inistrum nya ng isang beses ‘yung gitara.
Isa at dalawa pa. Tapos tiningnan nya ako. Nagclear pa nga sya ng throat
na parang naghahanda sa isang contest bago sya nagsalita.
“Do you remember the last time I sang for you?” Tanong nya.
Naalala ko na naman bigla ang ginawa ko non. Sinabihan ko pa syang
wag na ulit nyang kakantahin yon sa ‘kin. Gusto ko tuloy batukan ang
sarili ko sa hiya. Napakagat-labi at alanganin akong tumango nang hindi
sya tinitingnan sa mata.
Umayos naman sya ng upo pati ang hawak sa gitara. “I think I got
an idea now of why you stopped me from singing.” Ngumiti sya. “So, this
time. Sinigurado ko na na hindi mo ako papatigilin.”
Nginitian ko sya nang ngitian nya rin ako. Yumuko sya at nagform
ng chord saka nagsimulang magstrum sa gitara. Nanatili naman akong
nakikinig at unti-unti ay nagiging pamilyar sa akin ang kanta. Ito ang
unang beses na may tumugtog sa akin nito. At ngayong kinakanta ‘to ni
Cyan, mukhang nagiging malinaw rin sa ‘kin ang gusto nyang sabihin.
[ Insert song about panliligaw ]
Katahimikan ang pumagitan sa ‘min nang matapos syang tumugtog.
Hindi ko sya magawang tingnan sa mata at mukhang kinakabahan rin naman sya
para maunang magsalita. Tuloy, nagsabay kaming tawagin ang isa’t isa.
Awkward man ay ngumiti kami sa isa’t isa at pinauna ulit ang isa’t isa.
Napakamot sya sa ulo. Ngumiti naman ako sinabihan syang mauna na dahil
hindi ko pa rin naman alam kung pa’no ko sisimulan ang sa akin.
“Naiintindihan mo naman ang gusto kong sabihin sa kanta, diba,
Chaisee?”
Napalunok ako at may tipid na ngiting napatango. “Pero, Cyan..”
Napaiwas ako ng tingin. “Kung may ideya ka na kung bakit kita pinatigil sa
pagkanta nung una, bakit tinuloy mo pa rin ang pagtugtog ngayon?”
“I simply wanted to be try that slim chance than never try at
all.” Matipid syang ngumiti. “So, Chaisee?” Malamlam ang mga matang
tiningnan nya ako. “Would you let me court you?”
Alam ko naman. Alam ko naman na na ‘yon ang itatanong nya. Alam
kong ‘yon ang gusto nyang sabihin sa kanta. Alam ko rin ang isasagot ko.
Alam ko. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin. Cyan has always been a
good guy to me ever since we met earlier this month. I just don’t have the
heart to easily turn him down. But then again, mas masaklap at mas unfair
kung hahayaan ko syang manligaw kahit na alam ko ang nararamdaman ko sa
kaniya ay kaibigan lang.
Because there is a Sean in my life.
The first time I saw his name, maybe I did know what was its
pronounciation. Pero dahil stucked ako kay Sean noon, dahil sya ang
iniisip ko, I called him Sean without even knowing what would be its
effect on both side.
There is a Sean that I love. Deeply and madly.
And that would never be changed. Even if we’re cool off right now.
That would never be changed and I am certain of it. Nang binanggit ko ang
pangalan nya after three months though in the form of Sean, nang makita ko
si Cyan na tumakbo papunta sa kanila bilang mga varsity, nang pumasok ako
sa klase nila na ngayon ay ayaw sa ‘kin dahil sa pinili kong pagcool
off—lahat ng mga pagkakataong ‘yon, bawat isa, I’ve always been sure of
one thing. My heart beats the same way. And it will never change. Even if
we are not together as of now, even if I was the one who chose this
distance, even if I want to leave him, he is and will always be the only
one.
And I knew Cyan has all the right to know the truth. Kaya isang
malungkot na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya na alam kong alam na nya ang
ibig sabihin. And even if it would pain him, he has to hear me out.
CHAPTER SIX
“Hoy! Manyakis ka ah!” Sa sobrang pagkainis ko sa lalaking kanina
ko pa nahuhuling pasimple akong pinipicturan, kinuha ko na ‘yung bow ng
violin ko at ginamit na panghampas sa kanya. With. all. my. strength!!!
“ALISSSSS!” Sigaw ko.
________________________________________
“What the fuck!” Sige naman sya sa pag-iwas. Aba, akala ba nya
hahayaan ko syang makatakas nalang basta-basta, ha? Ang kapal ng mukha!
Pinagpatuloy ko lang ang pagwawasiwas sa bow ko na parang espada ko na na
pinanghihiwa sakanya. Wata!
“Idelete mo lahat ng kinuha mong pictures, bastos!!!” Inis na inis
na sigaw ko. Kung bakit ba naman kasi sobrang ikli ng damit na suot ko
para sa violin contest na ‘to. Dinaig ko pa yung nasa ballet! “Hindi mo
ididelete? Ha? Talagang sisirain ko yang camera mo!” Kahit DSLR pa
yan!
Sige ako sa pagsugod at sige naman sya sa pag-atras habang
ginagamit yung siko nya pangshield. Dahil nga di naman sya gaanong
naaapektuhan, gagamitin ko na ang special move ko! Umikot ako ng buong
lakas at kasabay nun ang isang malakas na malakas at mataas na sipaaaaa!
Kyaaaaaah!
Kaso, ang hindi ko inaasahan, bigla nyang sinalo ang paa ko! Pero
dahil nataranta ako, ginalaw ko lahat ng body parts kong pwedeng magalaw
para mabitawan nya. Huli na nang masundan ko ang mga pangyayari. Dahil sa
mahigpit nyang hawak sa paa ko na pilit ko namang winawagwag, bigla nalang
kaming sabay na nahulog sa isang waterfalls na nasa likuran lang nya.
“Aaaaahhhh! Aaaaahhhh! Manyakis! Tulong! Tulong!” Pagtinginan na
sa pagtinginan! Safety ko ang kailangan. Kaso biglang tinakpan ng lalaki
yung bibig ko.
“Ano ba! Tigilan mo kaya ang bunganga mo?! Ang OA mo ah!”
Sinipa-sipa ko sya kahit na nasa tubig pa din kami. “Lumayo ka sa
‘kin, manyakis!” At dali-dali akong tumayo para tumakbo palayo sa kanya.
Kaso bigla nya akong hinila pabalik! Waaaaah! Mama! Papa! Ate! Kuya!
“Pagkatapos mong masira ang camera ko?!”
“Aaaahhh! Ano ba! Bitawan mo ‘ko! Bitawan mo ‘ko!”
At sa sobrang kagustuhan kong makalayo, dinamba ko sya. Halos
malunod na sya dahil ako ang nasa ibabaw. Waaah! Ang higpit pa rin ng
hawak nya sa akin! Hindi ko rin naman sya binitawan. Well, hindi. Hanggang
sa....
“MISS HOSHIKAWAAAA!”
Sunod nalang na nalaman ko, nasa guidance counselor na kami.
Parehas pa kaming basa ng lalaking naka-civilian attire. Nakayuko lang ako
habang hawak ang towel na nakalagay sa likuran ko. Hindi naman kami
pinapagalitan pero sinasabi kung ano ba kasi ang ginawa namin.
Pinapaliwanag ko naman yung side ko. Totoo naman, nasa ibaba sya ng stage
at nasa itaas ako. Tapos yung angle ng camera nya, paitaas! Eh hello!
Nakadress kaya ako na pa-balloon yung ibaba. Ano ba kasing tawag dito!
“How many times do I have to repeat myself? Hin-di nga a-ko
mang-bo-bo-so.” Sabi pa nung lalaki na mukhang iritableng-iritable na.
“Kung hindi naman kasi ako dinamay nitong fetus na ‘to pabagsak dun sa
fountain, eh di sana, ayos pa ‘yung camera ko at nakita nyo yung mga
pictures don. Tsh!” Grabe naman sya magsalita!
Bigla tuloy akong napasabat at napaabante sa kanya. “Sinong
fetus?!” Grr!
Napaabante din sya sa ‘kin. “Ikaw at yung mga kasamahan mong grade
seven. Mga fetus kayo!”
Sinipa ko nga sya sa paa. Dahil dun, kaya napatayo sya at halos
mapatalon-talon sa sakit. “Grade 8 ka lang naman! Grade 7 ka lang
dati!”
“Ano bang problema mo!” Hawak pa rin nya yung paa nya. “Grade 7
ako pero di naman ako singliliit nyo!”
“Fetus pala ah—!” Aatake pa sana ako kaso pinigilan na kami ng
dalawang teachers at sinabihang kumalma. Napayuko nalang ulit ako at
napanguso.
Puro yung lalaki lang naman ang nagsasalita. Pinagpipilitan nyang
hindi sya mamboboso at isa syang photo journalist. Hindi naman yon
mapatunayan dahil bukod sa nasira yung camera nya, wala dito ang buong
photo journ. Sabi nya, paalis na daw sana sila kasama yung iba pa pabalik
sa school nila kaso inatake ko raw sya.
Sa huli, napatunayan din naming photo-journalist nga sya nang
dumating na ‘yung teacher nya. Aggggh! Huli na para mahiya. At dahil rin
sa hiya kaya ayoko talagang magsorry. Kaso pinagtulakan naman ako ng
teachers. Nakanguso ako at nakayuko nun at labag na labag sa loob ko ang
pagsosorry lalo na’t malinaw na malinaw sa mukha nya ang mayabang nyang
expression!
That. That was mine and Sean’s first meeting. Sa school ko nung
G7. A year after, I was transferred into Mysterecy International School —
High School division. Dahil sobrang lawak naman talaga ng school, halos
maligaw-ligaw pa ako sa buong school. Hindi ko alam kung sa’n hahanapin
nun yung room ko. Hanggang sa maglunch at mapunta ako sa isang mapunong
area. Puro aligned na puno at may mga bench. Walang katao-tao kaya
nagdecide ako na dun na muna magstay.
Ilang minuto na ako dun at kinuha ko na ang lunch box sa bag ko
para sana magsimulang kumain. Kaso.. pagbukas na pagbukas ko ng lunch box,
bigla nalang may humampas nun mula sa lap ko dahilan para tumilapon ‘to sa
pinakamalayo. I winced and followed my food with a gaze. Halos mapatalon
pa ako sa gulat nang makarinig ng sigaw mula sa taong nakatayo sa harapan
ko at syang humampas nun.
“Hindi ko kailangan ng pagkain! PERA! Pera ang kailangan ko!”
Tiningnan ko sya nang nanginginig sa takot. May apat pa syang
kasama na nakangisi sa akin. Right then, in a single gaze, I knew they are
those gangsters of the school. Nakauniform sila. Ang pula ng mata nila at
ang lalim ng mata. Masyado akong takot ng mga oras na yon para sumagot.
Napaatras nalang ako nang bigla nyang nilapit sa akin ang nakangisi nyang
mukha.
“At babae.” I was not dumb para di ma-gets yung ibig nyang
sabihin.
Before I knew it, pikit-mata ko syang sinampal ng
pagkalakas-lakas. Nagulat silang lima dun. Even I was surprised. Dun lang
din ako nabalik sa ulirat. And their astonishment was my chance para
mabilis na umatras. Ni hindi na ako nag-abalang kunin ang bag ko. Though,
nanginginig, tinutok ko pa sakanila yung payong kong tangi kong
nadala.
“W-Wag kang l-lalapit...!”
Tinitigan muna nila ako ng ilang segundo bago sila nagsipagngisi.
Alam ko nang walang epekto. Bahala na. Tumalikod na ako para sana tumakas.
Pero natapilok ako kakamadali lalo na’t may heels ang sapatos ko kaya
nahawakan na naman nila ang braso ko. Napapikit ako at dahil malamang sa
sobrang takot, kumawala na ang luha sa mata ko. Akala ko, katapusan ko na.
Ba’t may gan’to sa school? Hindi ba, bawal ‘to? Ba’t nag-aallow ng mga
ganitong estudyante ang isang prestigious school?
Nang akala kong hihilahin na nila ako palapit sa kanila, may isang
lalaking bigla nalang tumalon mula sa isa sa pinakamalapit na bench.
Umikot sya sa ere kasabay ng paa nya na agad nyang pinatama dun sa ulo
nung humawak sa akin.
Nanghihina akong napabagsak sa damuhan nung mabitawan ako nung
malaking lalaki. Nakatulala at nanginginig pa rin ako. Pero napanood ko
kung paanong mabilis na kalabanin yun nung dumating. Ang gagaling nila.
Masasabi kong may alam sa martial arts or karate or judo. I don’t
know!
Isa nalang yung natira nung biglang may mga tumakbong isa palapit.
Akala ko, kasama sa mga goons. Kasama pala nung nagligtas sa akin.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang bagsak na yung lima. Dun ko inangat
ang tingin dun sa lalaking nagligtas sa akin. Tulad nung apat, hindi sya
naka-uniform. Er, nakapants sya pero naka-black shirt. Nakatalikod sya sa
akin kaya kita ko kung gaano kadami yung blue highlights nya sa buhok.
Nung humarap sya sa akin, ilang segundo lang bago ko sya nakilala.
Dahil siguro sa kahihiyan kaya tumatak sa akin ang mukha nya. Isa pa,
hindi naman kasi mahirap syang tandaan dahil may hitsura sya. Right, sya
yung photojourn last year. But unlike last year na ang neat nya sa uniform
at ang plain ng buhok nya, ngayon, ang spiky na at ang angas masyado ng
dating nya dahil sa black shirt na may print ng typical guy stuffs tapos
meron pa syang black wrist band at kwintas.
Nagulat ako nang bigla nyang i-offer yung kamay nya sa ‘kin para
tulungan akong tumayo. Ewan ko, hindi ako makapagsalita nun at kinuha
nalang ang kamay nya. Isa pang napansin ko, ang dull ng mata nya. Hindi
katulad nung una ko syang nakita na sa unang tingin palang, alam mo nang
may pagkapilyo. This time, ang plain ng expression nya at ang dull ng
tingin.
“Okay ka lang?”
Hindi ako makasagot. Ni hindi ko sya matingnan. Nalulunod na naman
ako sa kahihiyan kada maaalala yung ginawa ko last year. Kaya tumango lang
ako. Tumango-tango din sya tapos napatingin sya dun sa sapatos ko—na
apparently ay naiwan sa damuhan na hindi ko na suot dahil nasira nang
matapilok ako.
“Hindi mo ba alam na dito nakakapuslit mga outsiders?” Parang
sarcastic pero dull ang tono na sabi nya nang hindi ako tinitingnan.
Nandun kasi sa sapatos kong sira ang tingin nya. Nilapitan nya ‘yon at
kinuha.
“Outsiders?” Takang tanong ko. Sa wakas, bumalik ang boses ko.
Naglakad sya palapit sa ‘kin dala ‘yung sapatos ko. Tinapunan nya
yung tingin yung lima na sa hindi malamang dahilan ay tinatalian nung
lalaking kasama nya. Nagets ko naman agad na sila yung sinasabi nyang
outsiders. Nung ibalik ko ang tingin sa kaniya, nagulat ako kasi hinubad
nya yung tsinelas nya at tinapat sa may paanan ko.
“Tara, samahan ka namin sa Hall. May school map dun. Di ka ba
nakakuha?” Ang kaswal ng tono nya pero ang dull ng boses. Tumayo sya at
tiningnan ako. “Suutin mo muna.”
“H–Huh?” Di ko sya magets. Nagets naman nya na yung pag ‘huh’ ko
ay dahil sa una nyang sinabi.
Tinuro nya yung dibdib ko. Napatakip tuloy ako bigla. Kumunot
saglit yung noo nya pero nagsalita. “Transferees lang naman at mga
freshmen pinapayagang pumasok nang walang plate name.”
Ah. Napatango ako. Nauna na syang maglakad kaya naman dali-dali
kong sinuot yung binigay nyang tsinelas at sumunod. Nung maglakad na rin
ako, nagulat ako nang bigla syang lumingon at tinapon sa akin yung bag
kong hinablot nya gamit ang kanang kamay nya habang yung kaliwa ay
nakapamulsa. Buti nalang, nasalo ko naman agad. Ang sakit nga lang ng
impact! Napanguso tuloy ako. Hindi naman ako makareklamo dahil ako na nga
‘tong niligtas, diba?
“Mas mukha pa silang estudyante dito dahil naka-school uniforms
sila eh. Kayo ‘tong di nakauniform at mga nakatsinelas.” Naibulong ko
paghuling sulyap ko dun sa limang iniwanan naming nakatali habang
sinusundan yung dalawang parehong naka-black shirt at tsinelas. Yung isa,
may red highlights.
“Hindi ‘yan uniform ng Mysterecy High, Miss.” Biglang sabi nung
may red highlights nung lumingon sakin tapos tumawa sya. “Saka nasa
practice kasi kami nung manghamon yang lima, tatakbo naman pala.” Tumawa
na naman sya.
Hindi na ako nakasagot kasi binalik na nya yung tingin sa unahan.
Tapos tumingin sya dito kay kuya photojourn na may blue highlights.
“Nga pala, kakilala mo ba ‘to, Blue?” Alam kong ako ‘yung
pinapatungkulan nya sa “‘to” kahit di nya sinadyang iparinig kasi nakaturo
pa sa ‘kin ng konti yung hintuturo nya.
Dun naman medyo lumingon ulit sa ‘kin si kuyang photojourn na may
blue highlights habang naglalakad tapos bumalik ulit sa unahan.
“Hindi.”
That’s when it striked me. Kaya pala... Hindi nya ako
natatandaan.
CHAPTER SEVEN
I... I don't know.
I don't know where should I start. I don't know what to say to begin
with. I don't know if this would be the right thing to do. I don't know if
I'm going to regret or be completely satisfied after this. I.. I just
don't know.
________________________________________
Sa loob ng sampung minuto, nanatili kaming tahimik na naglalakad sa gilid
ng dalampasigan. How romantic for a scenario that I'm going to create.
Hindi kami magkahawak-kamay. We’re just... simply walking. Papalubog na
ang araw at lumalamig na ang hangin. Hindi rin naman sya nagtatanong o
nagsisimula ng usapan. He has always been the person I knew. I know he
knows I have something to say and so he remains silent.
Napasulyap ako sa kanya. Nakayuko sya sa buhanginan habang nakapamulsang
naglalakad. As usual, I can't read his expression. I can't guess what's
going on in his mind. Napabuntong-hininga ako at muling ibinalik sa daan
ang tingin.
Ilang minuto pa ang lumipas. Nanatili lang kaming tahimik. Napatingin ako
sa wrist watch ko at nakitang 5:40 na. Nauubusan na ako ng oras. Huminga
ako ng malalim. I have to do this. Huminto ako sa paglalakad kaya huminto
rin sya. Dahan-dahan ko syang hinarap at nakitang nakaharap na sya sa
'kin.
Nakita ko syang nakatingin sa ‘kin. That pair of hazzel brown orbs.
Hinahangin ang buhok nya at against sya sa orange na sinag ng araw na
dahilan para lalong tumingkad ang brown na kulay ng buhok nya. He’s still
handsome as ever. He always looked calm and composed. Kung titingnan
siguro sya ng ibang tao ngayon, malamang sasabihin nilang bored sya. I
wanted to smile at the thought. That's what I first thought of him. But
now, I know, the way he look at me right now is a way that he never did to
any other girls. His eyes are undoubtedly full of love. Oh God. Am I
really going to do this?
Napalunok ako kasabay ng pagpikit. “I'm..” Why it has to be painful?
“I-I..” Tiningnan ko sya. He seemed to have an idea of what I'm going to
say. Inabot ko ang kamay nya at pinisil iyon. “Let's.. Let's end
this.”
Two seconds. Five seconds. Seven. Ten. He had no response. He remained
staring at me. He maintained a calm blank expression. Sean, what are you
thinking?
I gulped. “I'm.. I'm breaking up with you.” And that was as if a
signal.
Naramdaman ko nalang ang pagtulo ng luha ko. Agad ko iyong pinunasan at
ibinalik ang tingin sa buhanginan. Hindi pa rin sya sumasagot kahit ilang
minuto na ang lumipas. Muli ko syang tiningala at nakitang nakatagilid ang
ulo nya patingin sa papalubog na araw. Hindi ko makita ang mukha nya.
Naramdaman ko na namang tumulo ang luha ko. Napasinghot ako at pinunasan
yon. Ako 'tong nakikipagbreak pero ako pa 'tong nauunang umiyak. Stupid.
Tiningnan ko sya na nananatiling nakatingin sa araw. Tumulo na naman ang
luha ko at hindi ko na 'yon pinunasan pa.
“Listen.” Halata sa boses ko na umiiyak ako. “I-I’m dating someone else.
I-I..” I gulped. “I-I've been dating him for days now..” Halos pahina na
nang pahina ang boses ko.
I waited and still got no response. Tinawag ko sya at lumingon sya sa
'kin. His eyes suddenly felt cold. Parang nawalan ng kulay ang paningin
nya at naging hollow ang mga pares niyon. Just plain blank. Magsasalita
sana ulit ako nang magsalita na sya.
“I know.”
Nagulat ako. Napatitig ako sa kaniya at hindi ako makasagot. I.. I didn't
know what to say. Nanatili akong nakatulala sa kaniya nang bigla syang
ngumiti. Yung usual nyang slight smile. But this time, it was null.
“Chai, I know..” Pag-uulit nya. This time, mahina na ang boses niya. It
was full of pain and it was as if a knife that had been stabbed on my
chest. H-He knows and yet.. and yet...
Parang umurong ang mga luha ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko. He
knows. Parang may mas malaki ang bumara sa lalamunan ko. I couldn't speak.
I couldn't find any words to say. What am I supposed to say anyway?
Bumaling sya sa buhanginan. He was still wearing that usual slight
smile.
“I knew it all along, Chaisee.” Napailing sya ng nakangiti. “What I
didn’t know is that it would be this painful to hear it from you.”
Yumuko sya at sa loob ng isang saglit, nakita ko kung paanong nahulog ang
isang butil ng mga luha sa mata nya. Saglit lang yon, halos hindi lumagpas
ng second, pero sigurado ako sa nakita ko. At parang pinipiniga ng mga
oras na 'yon ang dibdib ko. I had never seen him cry. And the first time I
see him to was because of me. How lovely.
“I knew it all along and I still stayed. Do you know why, right, Chai?”
He said, almost in whisper.
Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pag-iyak ko. I shook my head.
“I’m sorry, Sean. I’m.. I’m sorry. I-I’m really really sorry..”
He looked at me. Walang bakas ng pag-iyak. I almost think the tear I saw
fell from his eyes was just part of my imagination. But I am certain. Why
does he still hold back his emotion even at this moment? Why?
“Even if, Chaisee.” Hinawakan nya ako sa magkabilang pisngi. “Please.”
Halos pabulong na sabi nya. Idinikit nya ang noo nya sa noo ko. “Please,
stay..” Pabulong na na sabi nya. “Please choose me. Please stay with
me.”
Napapikit ako at kasunod niyon ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko.
Bakit ang sakit marinig? Ang sakit sakit sakit. Hinawakan ko rin ang
magkabilang pisngi nya at inilayo sya sa 'kin para titigan sa mga
mata.
“Sean.” I called him. “I love you.” Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi
ko. Lumunok ulit ako. “Pero iba na kasi ngayon.” Sabi ko sa paraang parang
nagpapaintindi.
My words were sent to him as if a poison that is bound to kill him.
Lumayo sya sa 'kin at muling ngumiti. Sean, why do you keep on smiling?
Why do you keep on holding back your feelings? Why don't you let it out
and cry?
“Right.” He nodded continously. Tumingin ulit sya sa 'kin. Ngumiti sya
but the sadness were now visible on his eyes. “I’ll just be where you’re
happy.” Lumapit sya sa 'kin, muling hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahan
akong napapikit nang halikan nya ang noo ko. Within two seconds, I felt
his extreme emotion; love, care, pain, sadness and sacrifice. Lumayo sya
sa 'kin at muling ngumiti. “And if this is what would make you happy. Then
so be it.”
With that, he left.
CHAPTER EIGHT
Deal.
________________________________________
Cyan and I had an official connection. At yun ay isang deal. Deal
bago ang nangyari last week. Deal bago ang huling pagkausap ko kay Sean sa
dalampasigan. Deal pagkatapos kong sabihin kay Cyan ang sitwasyon ko at
tanging dahilan kung bakit gusto kong lumayo kay Sean.
A deal to be together. All for my selfish reasons. All for Sean.
Para.. maging madali kay Sean. Sakanya. Kahit sa kaniya nalang.
Hindi ko magalaw ng maayos yung spaghetti sa harap ko.
Pinapaikot-ikot ko lang sa tinidor pero hindi ko naman isusubo. Nang
mapansin naman ni Cyan ang pagkalutang ko, bigla syang nagsnap sa harap
ko. Dun tuloy ako napalingon sa kaniya. Ngumiti naman sya.
“Feeling old yet?”
Natawa naman ako. Sa totoo lang, medyo.. alanganin ako. Alam ko.
Kahit hindi pa nya sinasabi, hindi naman sya hihingi ng permiso para
manligaw kung hindi nya ako gusto diba? At ngayon, parang.. parang
nahihirapan ako para sa kaniya. I’m practically taking advantage of his
feelings for me by making him pretend that he’s my boyfriend even if I
know that the school might even turn their backs on him. But then, again.
Sabi nya, this could be the least thing that he can do to make his
feelings better and for the thing that I can do to make things easier for
him, at least.
Si Dina naman na kasama namin sa table, himalang tahimik.
Katunayan, nagpapalit-palit lang ang tingin nya sa aming dalawa. Nung
sinabi ko at simulan namin ni Cyan ang deal ng pagiging kami, isa sya sa
mga natuwa. And at the same time ay nanghinayang. Torn daw sya between
Cyan at Sean sa akin. I cannot blame her.
Fifteen minutes lang siguro kaming nakaupo sa cafeteria. Sila Dina
at Sean lang naman ang nagkukwentuhan. Tahimik lang ako habang
patingin-tingin sa paligid. I don’t intend to and I never expected to pero
agaw-atensyon talaga. Nung bumukas ‘yung entrance at tumunog ‘yung
nakasabit dun, napalingon ang ilan. Nang ma-realize ng mga tumingin kung
sino ang limang pumasok, nagkaroon ng mahihina at pilit na tinatagong
reaksyon. Don din napalingon ang karamihan.
I remained staring. Sa totoo lang, alam kong ang pinakadapat kong
gawin ngayon ay ang umiwas ng tingin. Dahil yun ang naaayon sa desisyong
ginawa ko. But I can’t. Hindi ko maiwas ang tingin ko the moment na
lumatay ‘yon sa kaniya. Nahuhuli sya sa paglalakad. Nasa unahan nya sina
Gray at Silver habang nasa pinakaunahan naman nila sina Red at Neon. Given
na agaw-atensyon ang limang magkakapatid na ‘to. They are active all in
academics, sports and.. typical highschool stuffs. Isa pa, sila talaga
‘yung tipo na kahit mag-isa, hahabulin mo ng tingin. Ano pa kung
magsama-sama sila, di ba? But then again, my eyes were only fixated to
that guy who entered last—Blue Seanate.
Pagpasok nila sa cafeteria, sina Red at Neon ang naghanap ng
mauupuan nila. Well, apparently, meron na silang ‘unofficial seat’. Di
naman nila pinapaalis yung nakaupo dun sa unofficial seat nila kung saan
sila madalas umupo pero nagkusa na yung grupo dun. Red and Neon smiled and
thanked them.
Paikot-ikot pa rin ang tingin ni Sean sa cafeteria. Tulad nung
pangalawang beses ko syang ma-encounter, yun yung tingin nya na alam mong
kaswal pero ang dull ng tingin. Napakaplain ng expression pero ang null ng
mata. I have to look away. You have to look away, Chaisee. This cannot be
long. So, then, I turned my head. Pero bigla naman syang lumingon sa
direksyon ko. And at that moment, even if we’re tables away, I was sure of
something. Nagkatinginan kami. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko,
nervous of what could be his reaction. What would he do?
I am very much aware that from the very beginning, ako ang lumayo
sa kaniya. I was the one who pulled myself out of their siblings band. I
was the one who stopped coming to their room. I was the one who quitted in
the school journalism. I was the one who started avoiding him. I was the
one who caused the break up. All to distance us from each other. Pero nung
mga oras na ‘yon, within those milliseconds that we met each other’s gaze,
I cannot deny that tiny little fire of hope inside me that he’d do
something. Like he’d smile, like he’d wave, like he’d come near me, like
he’d give me a candy, like he’d put a silly sticky note on my head—pero
hindi eh. The moment he laid his eyes on me, mabilis at napakakaswal nya
‘yong binawi. That was very quick and I couldn’t even glimpse any kind of
emotion from him. Bakit gan’to? Ako ‘tong umiwas. Ako ‘tong lumayo. Pero
bakit gan’to? Ang sakit. Ang sakit sakit sakit.
Yumuko ako at napahawak sa dibdib kong naninikip na naman. Hindi
ko maintindihan ang nararamdaman ko. Naghahalu-halo. At isa lang ang pokus
ko sa mga oras na ‘to—ang pigilan ang mga nagbabadyang luha sa mata ko.
Ayoko. Ayoko nito. Ayoko. Pero anong magagawa ko?
“Chaisee..”
Naramdaman ko ang paghawak ni Cyan sa likod ko. Mukhang napansin
nya. Tumayo sya saglit para ilapit sa akin ang upuan nya bago nya ako
inakbayan. That was my chance to hide my almost crying face. Napansin din
ni Dina pero nagreason out si Cyan na masakit lang daw ulo ko. Nakakainis
kasi. Ang liit-liit na bagay, ba’t gan’to ka mag-inarte, Chaisee? Takot ka
ba na naka-move on na sya agad? Within a month, he already survived the
pain he doesn’t deserved but received from you, Chaisee. Dapat, diba,
masaya ka?
—
Later that day, isinama ako ni Cyan sa isang mall. Tanong ako nang
tanong sa kaniya kung bakit at saan kami pupunta pero basta lang siya ng
basta. Sunod nalang na alam ko, nasa loob na ako ng botique at
binibihisan. Pagkatapos naman doon ay sinalubong ako ni Cyan sa labas.
Tuwang-tuwa pa nga siya nang makitang bagay sa akin ang peach dress na
siya mismo ang pumili.
Dinala niya ako sa restaurant. Lahat nakahanda na. Napangiti ako
dahil sa totoo lang, ang swerte ko sa kaniya. Siya ‘yung ideal guy ng
karamihan ng mga babae. Habang kumakain, panay ang daldal niya. Kung
anu-anong sinasabi. At sunud-sunod pa ang jokes!
“Chaisee, diba sabi bawal isukat ang wedding gown dahil hindi
matutuloy ang kasal? Ano kaya kung isukat din natin ang uniform para di
matuloy ang klase?”
Tumawa na naman ako. “Ewan ko sayo! Kung anu-anong naiisip
mo.”
Tumawa rin naman siya. “Ito pa. Sabi ng teacher, ‘class, make this
a future tense; I’ll kill a person.’ Alam mo kung anong sabi ng
estudyante?”
“Ano?”
“You will go to jail!”
Parehas kaming tumawa sa joke niya. Halos kalahati yata ng oras,
nagjojoke siya sa kahit na anong topic. Tawa naman ako ng tawa. Alam ko
rin namang sinasadya talaga niya akong pasayahin. Sa totoo lang, naienjoy
ko talagang kasama si Cyan. Ang daming pakulo. At habang tumatagal,
nasasabi kong hindi niya ako deserve. Or maybe I should do something to
make his side at least fair.
Nang araw na ‘yon, ang unang bagay na ginawa ko pag-uwi ng bahay
ay ang umakyat sa kwarto at halungkatin ang mga box na nasa ilalim ng kama
ko. Letters, I was lookung for letters. At nang makuha ang tamang boxes na
hinahanap ko, bumaba ako at kinuha ang metal can. Binuhos ko lahat ng
laman nun at saka ako nagsindi ng posporo.
Kaya ko ba talaga?
I have to be fair. Pumikit ako. Ang unang mga ala-alang pumasok sa
isip ko ay ang lahat ng alaalang nakakonekta sa mga sulat na ‘to.
“Chaisee, may sulat ka oh.”
“Kanino galing?”
“Ewan. Nandiyan na kasi sa desk mo.”
‘Hi. I’m, uh, your, admirer. Will you let me court you?’
Napahagikhik ako nang mabuksan yung nakatuping papel. Nakadalawang
bura bago nakabuo ng maayos na sulat. Ang ganda ng papel at ang lawak ng
space pero ‘yon lang talaga ang nakalagay. Sino naman kaya ang magbibigay
nito? Inikot ko ang tingin sa room namin at naghahanap. Kaso, ang nahagip
ng mata ko ay ‘yung lalaki sa labas. Nakapamulsa at mula sa kinatatayuan
niya na mukhang huminto pa sya habang naglalakad, nakatitig siya sa akin.
Mabilis akong napangisi. Si Blue!
Pagkauwian, sa school journalism headquarters, nakita ko si Blue
na nasa labas at nasa garden. Pinipicturan niya ‘yung mga bulaklak at
mariposa. Dahan-dahan akong pumuslit at nilapitan siya. At nang alam kong
pipindutin na niya ang camerang hawak niya at tumatakip sa mukha niya,
tumalon ako at humarang. In the end, ang mukha kong nakangiti ang nakunan
niya.
“Ahh!” Bigla syang napaatras sa gulat at inalis ang camera. “Ano
ba, ba’t bigla kang nasulpot!” Iritable na naman. Wushu!
Nginisihan ko lang sya lalo at hinarap sa mukha niya ang sulat na
nakuha ko kaninang umaga. Nang makita nya yon ay mas napaatras ang mukha
niya at sa puti nyang yan, ang daling makita ng pamumula niya.
“A-A-Ano ‘yan?”
“Uuuuy! Nauutal. Ikaw nga si Kuyang Admirer!”
“Tch! Pwede ba!” He yelled and without waiting for my response,
tumalikod na siya at nagsimulang maglakad paalis.
“Hoy teka, Blue Seanate Katsuwara!” Nagmamadali akong sumunod.
“Don’t you dare call me by my full name!”
“Okay, Nate nalang!”
“My brother’s Nate!”
“Fine, Sean!”
“Mas lalo!”
“Will you just look back?!”
Dahil sa desperada kong boses, napalingon siya. Ang kunot noo
niyang noo na may bahid ng pagkairita ang unang bumungad sa akin pero nang
mabasa niya ang nakasulat sa hawak kong papel na katulad ng pinagsulatan
niya, dahan-dahang nawala ang pagkakakunot ng noo niya at napaawang ang
labi.
‘Give me a 3000-word essay of why I should let you court
me.’
“YOU’RE INSANE!”
Malakas na halakhak lang ang sagot ko nang mas iritableng
tumalikod sya at pumapadyak na naglakad paalis. Sumusuko agad?
Napapunas ako sa pisngi ko. Bakit ba naalala ko na naman ‘to?
Kinuha ko ang isang palito ng posporo mula sa kahon nito at nagsindi. I
stared at the light and the kaleidoscope of everything Cyan have ever done
for me flashed right in front of me.
That moment when I first told him Sean cannot be with me because
of our family background which the Katsuwara lawyer told me. We are bound
to repel each other. Plus the truth that has been slapped on my face—I am
dying of this sickness. There’s no more reason for me to stay with him. I
would die and to make moving on easier for him, this way is better. That
day, I cried. I cried and relied to someone for the very first time. And
he was there, just hushing me down.
When I was bullied by every fangirls of Sean, when I couldn’t
fight for myself, he was there. He stood infront of me and became my
defend. For all the harsh words I received, Cyan has always been
there.
‘Yung araw na dahil maiiyak na naman ako, bumili siya ng isang
malaking galon ng ice cream at sapilitan akong pinakain. Tinuring pa akong
bata at kinwentuhan na kung hindi ako kakain ay kakainin ng mga bulate ang
tiyan ko. Kung anu-ano na namang sinabi para lang matawa ako.
Nung mga panahong puno ng hate letters ang locker ko, kahit na sa
bawat pagbukas ko nun at naglalaglagan ang mga papel mula sa mga taong
nagalit sa akin, mayroong isang malaking yellow sticky note ang nakadikit
sa dulo at nakasulat ang, ‘Cheer up. You have me’ sa kulay pulang tintang
alam kong siya ang may sulat.
And to be fair, maybe I should really give up on Sean. I have to
focus on Cyan who really was always been there for me. Siya ang may mas
karapatan. So, this 3000-word reason why to let one court me, this 100
things I always loved about you, this song I wrote for you, these poems
and these handwritten messages from Sean must be erased for me to finally
be unable to move forward to Cyan.
Ang malapit nang mamatay na palito ng posporo ay dahan-dahan kong
itinapat sa metal can kung saan nakalagay ang lahat ng sulat mula kay
Sean. Pikit-mata kong inihulog ang posporo at nagsimulang kainin ng apoy
ang mga sulat.
—
Nanghihina akong napahawak sa may gripo. Hilong-hilo na ako pero
hindi pa rin nawawala ang pakiramdam ng pagsusuka. Umubo na naman ako nang
umubo pagkatapos ay sumuka na naman ako sa sink. Pawis na pawis na ako at
ang sakit-sakit na ng tyan ko dahil siguro 10 minutes na ako dito sa CR na
puro lang kasusuka.
Nakarinig ako ng katok. “Chaisee? Chaisee, okay ka lang ba? Buksan
mo lang ‘tong pinto kung may kailangan ka. Andito ako.” Narinig ko ang
boses ni Cyan.
Hindi ako nag-abalang sumagot. Pakiramdam ko, ubos na ang lakas ko
para pa magsalita at sagutin sya. Ugggh. Ayoko na. Ang sakit sa ulo!
Hinilamos ko sa mukha ko ang tubig na nasalo ko. Pinunasan ko ang labi ko
at winisik-wisik ang kamay. Pagkatapos ay nakaalalay sa pader na naglakad
ako palabas ng banyo. Pagbukas na pagbukas ko naman ay sumalubong agad sa
akin si Cyan. Gulat at nagmamadali nya akong inalalayan. Niyakap nya ako
pagilid, nakahawak sa balikat ko.
“Kaya mo pa ba?” Nag-aalalang tanong nya saka inabot sa akin ang
isang panyo.
“Salamat.” Sabi ko pagkatapos kong kunin ang panyo nya. Pinunas ko
na ‘yon sa mukha ko.
Alalay nya akong bumalik sa Music Club. Pagdating namin, naupo
muna kaming dalawa sa audience part dahil nauunang pinapractice ni Miss
Fatima yung mga nasa flute. Tapos na din naman kami. Katunayan, pwede na
kaming umuwi. Hinihintay ko lang na maging maayos ang pakiramdam ko.
Maya’t maya naman ang tanong sa akin ni Cyan kung okay na ba ako.
Nginingitian ko nalang sya. Wala talaga akong masabi sa isang ‘to. Do I
really deserve this?
Yayayain ko na sana si Cyan na umuwi pero biglang lumapit ang
ka-guitarist niyang si Marlon at sinabing kailangan nila ng one more hour
para magpractice. Nilingon ako nun ni Cyan nang nag-alala pero tinap ko
siya sa balikat at sinabing kaya ko naman na mag-isa. Hindi ko na siya
hinayaang tanggihan pa si Marlon at mabilis na umalis sa theatre.
Simula nang maging kami ni Cyan, ito palang ang unang beses na
hahayaan niya akong umuwi mag-isa. Feeling ko din naman, pabigat ako sa
kaniya kaya nagkusa na akong umalis. Tahimik lang akong naglalakad habang
nag-iisip isip nang nakayuko. Napahinto ako matapos makita ang ilang pares
ng paa sa harapan ko. Inangat ko ang tingin at sumalubong sa akin ang
isang grupo ng mga babae. Anim sila at pinagtaasan ako ng kilay ng nasa
pinakaunahan. Napalibot ako ng tingin sa paligid at dun ko narealize na
nakalabas na ako ng school. Pagbalik ko sa kanila ng tingin, nagulat
nalang ako nang bigla niya akong itulak. Sobrang lakas ng tulak niya na
napaatras ako. Walang oras para ibalanse ang sarili ko kaya naman bumagsak
ako sa damuhan.
“Bitch, ang kapal din ng mukha mong i-break si Blue Katsuwara,
‘no?” Yun ang unang-unang sinabi ng nasa unahan.
Lumapit sa akin yung nasa gilid niya na may maikling buhok at
bigla nalang akong sinampal. Mabilis na napabaling sa kanan ang mukha ko.
Ramdam ko ang pagbakat ng malakas na sampal na binigay niya.
“Tapos ngayon, may nilalandi ka agad.”
“Ganyan ka ba kahigad?”
“Hindi mo man lang inisip si Blue.”
“At talagang pasanta-santita ka pa rin. Pwe!”
Nagsabay-sabay na silang magsalita. Wala akong espasyo para
sumagot. Hinila ako patayo nung dalawa at hawak nila ako sa braso nung
hilahin pababa ng isa sa kanila ang buhok kong nakatirintas ng isang tali.
Sumunod naman ay may sumipa sa likuran ko. Hindi ko na alam ang mga
sumunod—basta, kinuyog na nila ako at pinuno ng mura.
I was too tired to fight back. Isa pa, tingin ko ay deserve ko
naman talaga ito. Isa rin ‘to sa mga inaasahan ko. So, I kept quiet and
received their words and hair-pulling nang napapalibutan. Akala ko,
makakatagal ako. Akala ko, hanggang matapos sila, hindi ako iiyak. Pero
ewan ko ba, napuno na rin yata talaga ako. Nagsunod-sunod tumulo ang mga
luha ko at wala akong ginawa para punasan ‘yon. Ni hindi ako humikbi o
sumigaw. Bigla silang tumigil. Ipinagtaka ko kaya napatingala ako sa
kanila. Nakatingin sila sa iisang direksyon kaya napatingin rin ako. May
isang kotse sa di kalayuan—kulay itim. Pamilyar ‘yon sa ‘kin.
“CHAISEE!”
Sabay-sabay na nabaling kaming pito sa kabilang direksyon nang may
sumigaw. Nanlaki ang mata ng anim na babae nang makita ang madilim na
mukha ng tumatakbong si Cyan. Bigla silang nataranta pero huli na para
makaalis. Nakalapit na si Cyan at ang una niyang hinablot ay ‘yung mukhang
leader.
“Sinong nagsabi sainyong pwede niyo siyang galawin, Trisha?”
Hindi makatingin sa kaniya ‘yung babae at nangangatal ang labi.
“H-Hindi mo dapat pinapatulan ang malanding katulad n-niya, C-Cyan.”
Nag-igting ang panga ni Cyan at malakas na winaksi si Trisha.
Dahil sa lakas ay muntikan nang matumba si Trisha kung hindi lang s’ya
sinalo ng mga kasama niya. Ang sama ng tingin ng tatlo sa kanila kay Cyan
pero alam nilang wala silang laban. Nilapitan sila ni Cyan at dinuro.
“Sa susunod na makita ko kayong sinasaktan si Chaisee,
sisiguraduhin kong hindi kayo babalik ng school pero hindi expulsion ang
dahilan.”
Hindi makasagot sa takot ‘yung anim at nanginginig lang na
tinititigan siya. Bigla akong napatayo kahit na nabigla ang mga kalmot na
nakuha ko saka hinawakan si Cyan sa braso. Nanginginig din siya malamang
sa galit.
“Cyan...” Malumanay na tawag ko.
Bigla niya akong nilingon at gusto kong makahinga ng maluwag dahil
nakita kong lumambot ang ekspresyon niya. Tiningnan niya ulit ‘yong tatlo.
“Umalis na kayo bago ko malimutang babae ang kaharap ko.”
Walang sabi-sabing nagmamadaling umalis ‘yung anim. Tinapunan pa
ako ng masamang tingin ni Trisha bago sila tuluyang makaalis. Nang mawala
naman sila ay hinarap na ako ni Cyan. Ginilid niya ang buhok ko at
pinunasan ang luha ko. Sa mata niya, malinaw kong nakikita kung gaano
siyang nag-aalala at naaawa sa lagay ko.
“Anong ginawa nila sa ‘yo? Anong masakit, Chai?”
“Okay lang—”
Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang inagaw ng isang sasakyang
biglang humarurot ang atensyon ko. Sinundan ko ‘yon ng tingin at nalamang
‘yon ang sasakyang huminto kanina. Sa pag-alis niyon ay nakita ko ang
plate number kaya nasigurado ko—kay Blue ang sasakyang ‘yon.
“Okay ka lang ba talaga? Ang gulo ng buhok mo.”
Napalingon ulit ako kay Cyan. Kumuha sya ng kung ano sa bulsa niya
at pinakita sa akin. Napakunot ang noo ko nang nakangiti dahil nakitang
isa ‘yong tali sa buhok. Kinindatan niya naman ako at saka sinimulang
itaas ang lahat ng buhok ko na buhaghag at wala nang tali dahil sa ginawa
ng mga babaeng ‘yon.
“Pawis na pawis ang bata.” Natatawang sabi nya habang pinupunasan
ang noo ko.
Hinampas ko naman siya sa dibdib nang natatawa. “Adik.”
Bigla nyang binaba sa akin ang tingin. “Sayo.” Tapos tinaas-taas
pa yung dalawang kilay.
“Ang korni mo ah!” Sabi ko pero natatawa. Nakisabay naman siya sa
pagtawa at tinapos ang pagtali sa akin.
Nang matapos naman siya, inakbayan na niya ako at ginulo ang buhok
ko. “Tara na nga, ihahatid na kita.”
Hinawakan ko naman ang ulo kong ginulo niya. “Pagkatapos mo akong
talian, guguluhin mo? Ano ka ba?” Tumawa lang sya kaya binago ko naman na
ang topic. “Pa’no pala ‘yung one more hour practice nyo dapat?”
Bigla syang napayuko at napakamot sa ulo gamit ang kabilang kamay.
“Eh—” Sinulyapan niya ako. “Wala naman talaga ‘yon. Isusurprise lang
talaga sana kita.” Bigla syang ngumuso na parang naiirita. “Nakakaasar
lang dahil may umeksena.” Siguradong ‘yung anim na babaeng ‘yon ang
sinasabi niya.
“Surprise?” Takang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Nag-open arms sya ng dalawang kamay. Dahil sa
gesture niya, napaikot ako ng tingin sa paligid. Nanlaki ng bahagya ang
mata ko nang makita ang playground. Biglang umilaw at puro Christmas
lights! Dahil padilim na, mas nakakaamaze tingnan ang paligid.
“Wow...” Ang magical tignan.
Pag sa palabas, parang ang simple pero sa totoo lang, ang
liwa-liwanag. Napatingin ako sa dulo at nakita dun ang isang malaking
teddy bear. Mabilis naman akong napapunta dun nang malawak ang ngiti.
“Nagustuhan mo?” Rinig kong tanong sa akin ni Cyan saka siya
naghalf-bend knee din sa tabi ko.
Hindi naman mabura sa labi ko ang ngiti habang tinititigan ang
teddy bear na ‘to na may yellow ribbon na halos singkulay ng mga Christmas
lights. Hindi ako sumagot kay Cyan kundi tumango-tango-tango-tango. Nakita
ko ang note na nakalaylay sa ribbon ng teddy bear. Binuksan ko ‘yon at
nabasa ang nakasulat. Three words, eight letters.
‘I love you’
Sa itaas ay pangalan ko habang sa ibaba ay pangalan ni Cyan.
Nakatitig lang ako dun sa papel at hindi nagsasalita nang bigla ko namang
narinig ang boses ni Cyan sa tabi ko.
“I love you, Chaisee.”
Dahan-dahan akong napalingon sa kaniya. Seryoso ang mga mata pero
may bakas ng tuwa at ngiti. Samantalang dahan-dahan namang nawala ang
ngiti sa labi ko at napalitan ng pag-aalala. Nang hindi siya makakuha ng
reaksyon sa akin ay alanganin siyang napangiti at napakamot nalang ng
ulo.
“I just realized we’ve been together for quiet some time but I
haven’t told you that yet.”
“Cyan—” Gusto kong pagaanin ang loob niya pero isang katok sa noo
ko ang ginawa niya. Napahawak tuloy ako dun.
Ngumiti siya. “It’s okay. You don’t have to answer me yet.”
Tinitigan ko siya, tinatantiya ang emosyon niya. Nginitian niya
ako sa paraang inaassure ako saka siya tumayo at nilahad sa akin ang kamay
niya. That was when I smiled and took his hand. Giniya niya ako paupo sa
swing. Nagstay siya sa likod ko at dahan-dahan akong dinuduyan.
“Chaisee, nakalimutan mo, tama ba?” Dinig kong tanong niya.
“Nakali—” Hindi ko na natapos ang tanong ko dahil kusa akong
sinagot ng utak ko. The date today..
“One month.” Sabi niya ulit. At sa pagkakataong ‘to, dama ko na
ang lungkot sa boses niya. “One month na tayo.”
Hindi ako nakasagot. Totoo, nalimutan ko. I really don’t deserve
this guy.. At sumisikip lang lalo ang dibdib ko. Napayuko nalang ako. What
kind of girlfriend I am? Hindi ako umimik. Wala akong masabi at kinakain
ako ng hiya.
Pero dahan-dahan kong naramdaman ang hawak ni Cyan sa mukha ko.
Napatingin ako sa kaniya nang makitang nakahalf-bend knee sya sa harap ko.
Malinaw sa mata niya ang lungkot at mas nalulungkot akong ako ang dahilan
non at wala akong magawa kundi ang humingi ng tawad.
“Sorry...” Halos pabulong na sabi ko. “I’m.. I’m sorry, Cyan.”
Ngumiti siya. “I understand.” Pinunas nya ang dalawang hinlalaki
sa pisngi ko. “I understand, Chaisee. And I also understand the fact that
you really can’t be in a relationship.” He took a deep breath, looked down
and turned to me. “Chaisee, you need to get back to him.”
“Cyan, alam mong hindi ko kaya..”
“Ano pa ako? Na manonood lang? Chaisee, that’s what you need.”
Ginulo niya ang buhok ko. “Closure.”
CHAPTER NINE
Huminga ako ng malalim saka pikit-matang tumango. “Oo, babalik na
ako.”
________________________________________
Nang idilat ko ang mata ko, nakita kong dahan-dahang pumorma ang
isang ngiti sa labi ni Gray saka siya lumapit sa ‘kin at ginulo ang buhok
ko.
“You’re missed.”
Napangiti naman ako. Namiss ko din naman sila. Pero kinakabahan pa
rin ako. Ito na, babalik na ako. Babalik ako kung saan kami nagsimula.
Hindi na tulad ng dati, alam ko. Pero magiging maayos.
Bumuga ako ng hangin. Ang school band ng Mysterecy High. Doon ko
unang totoong nakilala si Sean. Dahil pagkatapos ng mangyaring
unintentionally’ng pagliligtas niya sa akin noong grade seven na ang
kasama pala niya ay ang kapatid na si Gray, akala ko, hindi ko na siya
makikita.
Pero nung sumali ako ng music club, nakasama ko sya. Pero hindi
bilang ka-miyembro. KUNDI BILANG INSTRUCTOR! Senior ko siya, mas mataas
sya sa ‘kin ng isang taon kaya ang tawag talaga naming mas bata ay senior.
Tapos nautusan pa yung mga students na turuan ang mga one year below
sakanila. Kaya silang grade 8 ang nagturo sa amin.
Nung una, nandun pa rin ‘yung impression ko sa kaniya nung una
kaming magkita sa dati kong school. Pero habang tinuturuan niya kami?
Nalito na ako kung siya nga ba yon. Kasi yung Sean na nakilala ko na sa
Mysterecy High, hindi sing-ingay, hindi singpalasigaw nung Sean na
nakilala ko sa dati kong school. Mas tahimik siya ngayon. Palangiti at
mabait—bagay na hindi mo maiisip dahil sa porma niya.
Dahil sa sobrang curious ko nun sa kaniya, hindi ko napansin na
pinapanood ko na siya. Kung paano siyang gumalaw, magsalita at tumingin.
Ewan ko nga pero basta, kilala ko nalang ‘yung ilan sa paligid niya lalo
na ang mga kapatid niya na palagi naman niyang kasama—si Silver na
panganay. ‘Yun yung madalas ay nakahiwalay sa kanila dahil parating
mag-isa at ayaw sa mga maraming tao. Sumunod naman ay si Gray, yun yung
kakambal ni Silver at tahimik din, ayaw sa maraming tao pero kumpara kay
Silver, mas mild siya. Pangatlo si Blue, siya yung nasa gitna ng limang
lalaking Katsuwara. Tahimik siya, bihirang ngumiti pero ngumingiti. Kaso
pansin ko, nangiti sya for the sake of being polite lang. Like tulad pag
kinakausap ng teacher. Sumunod sa kaniya ay si Neon. Siya ‘yung masyadong
exposed naman sa society dahil guso ng exposure. Si Red ang bunsong
lalaki. Pasaway at mukhang tulad ni Neon na sobrang sociable.
Nung una, hindi ko kayang aminin nun na crush ko sya pero may
isang beses na nagtrigger sa akin. Nung time na mag-isa lang ako sa
backstage at may grupo-grupo yung iba. Yun yung araw na magpipresent
kaming mga violinist pagkatapos ng isang linggong pagtuturo ng mga one
year ahead sa ‘min. Panghuli pa ako at dahil wala akong kausap,
patingin-tingin lang ako sa paligid.
Hanggang sa lumapit sya sa ‘kin. Napatingala ako sa kaniya. Kasama
niya naman si Gray. “Ba’t mag-isa ka?”
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ngumiti lang tuloy ako.
Ewan, basta nahihiya ako! Dapat bang sabihin kong wala akong kakilala? O
sabihin kong wala lang? Ewan.
Nung di ako sumagot, kaswal syang nagyaya. “Tara, bili tayong
pagkain.”
Tumanggi ako nun. Inulit nya. Nahiya na akong tumanggi. Kaya
sumama nalang ako sa kanila tutal naman ay wala rin naman talaga akong
magawa. Habang naglalakad kami, nag-uusap silang dalawa ni Gray tungkol sa
isang banda. Sa bandang sisimulan raw nila.
“Sino namang female vocalist?” Tanong ni Blue kay Gray. Tapos
tumawa siya. “Si Maine? Eh, basag eardrums natin dun.”
“You nailed it.” Sagot ni Gray.
Nagulat kaming tatlo nang may pumagitna kina Gray at Blue. Ako
yata yung pinakanagulat kasi si Silver! Eh, ang ilap-ilap niya sa tao. Isa
pa, sabi nila, homeschooled sya simula grade one. At choice nyang
magpa-homeschooled one year after niyang pumasok sa normal na school.
“Why don’t we try her out?” Tapos nilingon niya ako.
Dun napaligon sakin yung dalawa. Napaturo tuloy ako sa sarili
ko.
“You can sing, can’t you?” Si Silver ulit.
Grabe! Kambal nga sila ni Gray! Mas humane lang si Gray kumpara sa
kaniya dahil yung tono ni Gray ay bored lang parati pero yung kay Silver,
laging parang—authoritative o kaya bossy, ganun.
“O-Oo..” Napasagot nalang ako bigla.
Ngumiti sa akin si Blue. Napatitig lang ako nun kasi hindi yun
yung usual na ngiti niya. That time, may kasamang ngipin tapos ginulo nya
yung buhok ko. “Swerte namin sayo.”
Napahawak ako nun sa ulo ko. Ang simpleng gesture pero napatigil
ako. At oo nga, may crush nga ako kay Senior! At sa pagsama ko sa grupong
tinitingala at kinikilala sa murang edad, nasabi kong mas swerte ako.
Nagkaroon ako ng pagkakataong mas kilalanin silang lima.
Sa loob ng isang taon, hindi talaga nagbago ang crush ko. Fixed na
sa kaniya. Mas nakilala ko siya. Hindi rin naman pala sya ganun katahimik.
Palatawa nga eh. Go to the flow. Siguro dahil siya yung nasa gitna. Siya
din ‘yung tipo ng tao na talagang hindi trying hard pero napakanormal ng
gestures. Hindi ko alam. Hindi ako makaisip ng tamang dahilan.
Unang beses na kumanta ako sa kanila. Dahil siya ang lead
vocalist, duet kami. Kinakabahan pa nga ako nun kasi acapella tapos yung
apat na nakaupo sa harap naming dalawa, nakatitig lang sa ‘min. Tapos sya,
tinaas niya yung thumb nya at tinapat sa ‘kin saka sya ngumiti na parang,
‘okay lang yan’. Nilapit niya yung thumb nyang naka-okay sign at nagets ko
naman ibig nyang sabihin. Kaya tinaas ko din ‘yung thumb ko at pinang-apir
yun sa thumb nya.
Saka kami nagsimulang kumanta.
Nung nagchorus, solo ako nun. Nawala yung kaba ko sa kalagitnaan
kaya naging komportable ako. Nilingon ko sya habang kumakanta tapos
sumabay na sya sa pagkanta. Kaso nakatingin pa din sa ‘kin. Yung tingin
niyang—parang may iba. Nalaman ko nung bigla syang huminto. Napatigil din
tuloy ako sa pagkanta.
“Bakit?” Tanong ni Gray na tanong ko rin dahil nakatitig pa rin
sya sa ‘kin.
Siguro ilang segundo bago sya bumawi. Lumaki yung ngiti nya tapos
nagsnap.
“NAALALA KO NA!”
“Naalala ang alin?” Napatitig kaming lahat sa kaniya nun na
nagtataka.
“Ikaw yun! Ikaw ‘yung babaeng nanghulog sa ‘kin sa tubig kasama
nung camera ko!”
Napanganga ako nun tapos sobrang nanlaki yung mata ko. Ang wrong
timing niya naman kasing maalala!!! I swear, nangamatis talaga ako. Lalo
na nung magtanong yung apat at nagsimula siyang magkuwento. Hiyang-hiya
ako nun at gustung-gusto ko nang lumubog sa inuupuan ko. Pero sila, tawa
nang tawa!
“Sorry na nga eh! Nagsorry naman na ako ah!” Pulang-pula pa ko
nung sinasabi ko yun at halos ngumuso.
Pero tumawa lang sila ng tumawa at sinasabing ang epic ko daw. Si
Silver, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano kasi yun yung unang beses
na nakita ko syang ngumiti. Ngiti lang kasi halata talagang pinipigilan
niyang ngumiti. Hay naku! Ano bang problema ng mga Katsuwara?
Simula nun, inaasar na nila kaming dalawa. Destiny daw. Deny ako
ng deny pero deep inside, natutuwa ako. Crush ko yun eh! Hahahahaha!
Around December nung sumali ako sa Journalism. Nagulat ako kasi sa
Photojournalism, partner kami ni Senior. Siya yung taga-picture at ako sa
article. Hiyang-hiya na naman ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko bang
hindi ko naman alam na kasama pa rin sya sa Journalism o hindi dahil
magtutunog defensive ako nun. Pero siya, pinicturan niya ako bigla gamit
yung hawak niyang DSLR na nakasabit sa leeg nya!
“Senior naman!” Napatakip ako sa mukha ko kahit late na. Nasanay
akong tawagin siyang Senior dahil dun sa one-year-gap sa Music Club.
Tumawa sya habang tinitignan yung picture na kinapture nya.
Hinarap nya bigla sa ‘kin. “Ang cute mo oh.”
Ha?
Pinigilan kong ngumiti pero hindi ko kaya. Napangiti tuloy talaga
ako. Tapos sabi ko nalang, ‘ewan ko sayo senior’. Siya naman, hinilamos
bigla yung kamay nya sa mukha ko. Naku naman! Napaatras tuloy ako at
iritableng kinunutan sya ng noo.
“Ano ka ba. Ilang buwan nang tapos yung Music Presentation. Pwede
mo naman akong tawaging Blue.”
“Diba Blue Seanate ang pangalan mo, senior?”
“Oo, bakit?”
“Nate nalang! Halos lahat, Blue ang tawag sayo.”
Ngumisi sya nun. “Ano? Gusto mong ikaw lang ang tumatawag sa akin
ng Nate?” Tapos nagulat ako nang bigla siyang lumapit. “Gusto mong maging
special sa ‘kin?”
Napalayo ako bigla. At kahit lumayo ako, talagang nag init yung
mukha ko. Feeling ko nga, umaapoy na eh. “A-A-Anong—assuming ka naman,
Senior!”
Tumawa lang ulit sya tapos nagsalita. “Biro lang.” Tapos kinuhanan
na naman niya ako ng picture. “Namumula ka na naman eh.”
Hindi naman ako makasagot. Bigla niya naman akong inakbayan. Dahil
ang tangkad niya, ang laki ng kamay nya sakin tapos yung akbay nya, akbay
na hinahatak ako papuntang kilikili niya! Aaaaghhhh Seniiiioooor!
“Tara na nga. Kailangan pa nating magpasa ng article ngayon.”
Hindi na lang ako sumagot at nakayukong naglakad. Inalis rin nya
agad yung akbay nya. Bukod sa nahihiya pa rin ako dahil sa sinabi ko
kanina, baka mautal lang ulit ako. Kaya tahimik lang kami nun hanggang sa
magsalita sya.
“Ayoko ng Nate.”
Napatingala tuloy ako sa kaniya. “Huh?”
“Not that there’s a clichè background story in that name. It’s
just that, sa magkakapatid, tatlo kaming may ‘Nate’.” Sinulyapan niya ako
tapos nginitian bago tumuloy. “Look, si Kuya Silver at Gray, parehas na
may Cydhe sa pangalan. Kaming tatlong sumunod naman ay may ‘Nate’ sa
pangalan. Blue Seanate, Reddionate, Neon Nathanate. So, hmm.. you can call
me Sean.”
Napangiti ako tapos tumango-tango. Ayokong sayangin ‘tong chance
na nagkukwento siya tungkol sa kaniya kaya hangga’t kayang pahabain ang
usapan, pinapahaba ko. “Pansin ko lang, hindi kayo nagtatawagan ng Kuya?
Si Silver lang ‘yung tinatawag niyong Kuya pero the rest, first name basis
kayo sa isa’t isa.”
Tumangu-tango siya. “We were born in US. Pero nahiwalay si Silver
sa amin mula pagkabata. We met him when I was already in grade three. Nasa
Pilipinas na kami at dahil dun kaya nasanay kaming tawagin siyang
Kuya.”
“Ironic. Japanese kayo diba? Pero sa US ang home base niyo.”
He shrugged. “Well.” Tapos nilingon niya ako. “Ikaw, diba,
half-japanese? Chaisee Hoshikawa. Saka sa mata mo palang na nawawala pag
tumatawa ka, halatang-halata na.”
Aaaaggghhh. Alam niya ang pangalan kooooo.
Sa isang buong taon, napalapit talaga ako kay Sean. And for such
young age, I liked him. It was the early July of this year when I was
already in third year and he’s in fourth when we became together. Which I
ended just a month ago.
Ngayon, babalik ako kung saan kami nagsimula. Hindi pagbabalikan
ang pakay ko pero ang gusto lang, may maayos na relasyon sa pagitan namin.
He’s a treasure. And our memories for the past three years which colored
my high school life is gold.
“Chaisee.” Gray called me. Hawak na niya yung door knob papasok sa
kwarto na may malaking ‘MS’s BAND’. “Let’s go inside.”
I forced myself a happy smile. This is it, Chaisee.
—