20181006

MHIAMB Fanshot #3

BLACK ORGANIZATION AND THE INVESTIGATION
MHIAMB's Fanshot #3
[ January 28, 2018 ]


---

---
Note: This is a fan shot that I had to made because of a Fan Service Thing as a roleplayer. However, I'll be breaking the flow of the original story. Apparently, the things that will happen here haven't happen in the original story yet.

KAYDEN's NARRATION

"Takte, tol. Nakikita nyo ba ang nakikita ng gwapong mga mata ko?" Mahinang bulong ni Azure habang nakatingin sa ibaba kung saan kasalukuyang nagaganap ang party.


"Tol, wag mong mamaliitin ang gwapong mga mata ko na kayang makakita ng panty'ng isang kilometro ang layo." Nakangising dagdag naman ni Cody.

"Tss. Lampe at Lerwick, manahimik muna kayo pwede? Hindi ko marinig si Lionhart sa earpiece." Poker face na saway naman ni Grayson.

Bigla naman akong siniko nitong si Cody. "Bro, manahimik ka daw eh hindi ka naman nagsasalita dyan kanina pa."

"Tss." Tanging yon lang ang sinabi ko.

Apparently, na-assign akong mag-imbestiga kasama ang mahangin na si Lampe, ang mahangin kong kapatid at si Boul. Sa totoo lang, hindi ko maisip kung ba't ako napasama sa tatlong 'to. Ang iingay. Itinaas ko nalang ang telescope para sumilip ulit sa kinatatayuan ng iniimbestigahan namin--si Lovelle Birkins.

Ayon kay Katana, nagkakahinala na siya sa identity ng taong nag-invest sa Heartily's. She says there are similarities with Lovelle Birkins and that person who invest to her company--I don't really remember her name. In fact, I don't give a damn. The thing is, things are getting much more suspiscious.

According to Trigger, it seems like, someone's trying to put Black Organization at stake. And this Grand Business Meeting is dangerous for Katana Roswell who is currently down there and under Strife's surveillance. Kilos naman ni Lovelle Birkins at ng mga taong malapit sa kaniya ang binabantayan namin. Dahil siya ang primary suspect.

[Plan set. Chosen plan; B. First pair, Lampe and Cody. Supervision target, Katana Roswell. Routine 12. Second pair, Kayden and Boulstridge. Supervision target, Lovelle Birkins. Routine 4]

Sabay-sabay naming narinig ang boses ni Strife, ang computer freak ng Black Organization. Nagkatinginan naman si Azure at Cody nang marinig ang pairing.

"'Tol, alam kong gwapo ako pero ba't kailangang si Lampe ang ka-partner ko? Eh mang-eepal lang 'to sa moment namin ni Katana-baby eh." Sabi ni Cody.

"Tol alam ko naman eh. Ayaw mong tumabi sa 'kin dahil siguradong lalamang ang kagwapuhan ko sa'yo? Wag kang mag-alala. Aambunan kita ng spotlight." Tumawa pa ang gago. Napailing naman kami ni Boul.

Tumalikod na ako at nauna nang umalis. Gaya ng instruction ni Strife, sa routine 4 ako dumiretso. Hinihintay kong sumabay sa paglalakad ko si Boul pero wala pa rin sya kaya nilingon ko na. Kaso hindi si Boul ang nakita ko kundi ang nakapamulsang Cody.

"Anong ginagawa mo dito?" Seryosong tanong ko.

"Utol naman, hindi ba pwedeng sabihin mo nalang na natutuwa kang ang gwapo mong kapatid ang pakner mo?" Nakangising sagot nya.

"Tss."

Malamang na nakipagpalit na naman ang isang 'to kay Boul para hindi sila ni Lampe ang pair. Kung hindi naman kasi nagbabaklaan ang dalawang 'yon eh nagtatalo kung si Katana ang pinag-uusapan.

"Utol, sino daw palang babantayan natin? Si Katanababy o ang fiancé ni Bossing?" Hindi kasi nakikinig eh.

"Lovelle."

Lumiko ako sa kanan at voila, nasa loob na rin kami ng party. Ayos din talaga 'tong si Strife at nakakuha agad ng soft copy ng blue print nitong building kaya may safe route para sa amin. Marami-raming tao. Pero dahil mula sa taas kanina, alam namin ang eksaktong pwesto ni Lovelle Birkins.
Alam kong nakasunod sa akin si Cody pero alam ko ring parang stoplight sa kaniya ang mga babae. Kaya naman nang lumingon ulit ako para tingnan sya, gaya ng inaasahan ko, kung sinong babae na naman ang kinakausap nya. Tsk. Hinila ko sya sa likod at nang makalapit, mabilis kong tinanggal sa tenga nya ang earpiece kasabay ng sa akin.

"Utol naman. Bakit pinipigilan mo ang pagkalap ng kagwapuhan ng iyong kapatid?" Nakasimangot na sabi ni Cody habang nakasunod sa akin.

"Focus, Cody." Poker face na sabi ko habang dire-diretsong naglalakad. "Masyadong malayo ang pwestong pinuntahan mo para bantayan si Lovelle Birkins." Saka naman ako huminto para makiupo sa isang high-table na sakto para sa pagbabantay kay Lovelle Birkins.

"Hi, girls." Nakangiting bati ni Cody sa dalawang babae na naging ka-table namin.

Isang mabilis na sulyap lang ang ibinigay ko kay Lovelle Birkins bago ibinaling na muli ang tingin sa ka-table namin. Cody's doing fine dealing with the girls. Well, that's not questionable for someone who excel in art of seduction. Tss.

Nang mapansin ko ang pag-alis ni Lovelle Birkins sa table na kinabibilangan nya, mabilis naman akong tumayo at isang tap lang kay Cody ang ginawa ko para sabihan sya na alam kong agad nyang nakuha.

Base sa paglalakad, alam kong sa rest room ang tungo ni Miss Birkins. Sumabay ako sa paglalakad nya at sa pinakasimple at hindi kahina-hinalang paraan ay idinikit ko ang maliit na tracking device sa shoulder bag na meron sya. Pero saktong paglampas ko ay sya namang pagbunggo niya sa isang tao.

"Ouch! Look where you're walking!"

Napalingon agad ako para tingnan siya. Nalaglag ang bag nya at pati na ang mga laman niyon. Isang paumanhin naman ang sinabi ng kanyang nakabunggo pero mukhang masyadong nagmamadali para tulungan sya kaya nang umalis ito, ako na ang lumapit para tumulong.

"That jerk. How could he do that to me? Argh. This is annoying."

"Are you alright?" Tanong ko.

Tumingin naman sya sa 'kin at agad na nagtaas ng kilay. "Do I look alright?" Mataray na pagtatanong nya.

Gusto kong mapangiwi. Ngayon, hindi na ako magtataka nang sinabi ni Amber na hindi nya gusto ang pinsan nina Duchess. However, as for someone who's under a mission, standing out is the least thing I'd want to do. Isang tipid na ngiti ang ibinigay ko.

"Here's your stuff."

Inabot ko sa kaniya ang mga napulot kong gamit. Halos sabay lang kaming tumayo at hinead to foot pa niya ako ng tingin bago mataray na tumalikod sa akin para maglakad palayo. Ang kaso, hindi pa siya nakakaisang hakbang, namatay na ang ilaw sa buong venue kasabay ng paghiyaw ng mga bisita. Shit.

Mabilis kong isinuot ang earpiece device bago iginala ang tingin sa lugar. Naririnig ko sa kabilang linya ang boses ni Strife na nagsasabing may dalawang assassin ang nasa loob pero hindi nila alam kung nasaan dahil kulay lang ng laser ang nakikita nila.

Doon ko napansin ang isang mapusyaw na laser ang umiikot sa lugar. Hindi kapansin-pansin dahil sa gilid lang ito. Pero dahil namatay ang mga ilaw at masyadong malapit sa akin, nakita ko agad. At mukhang ang pinupuntirya nito ay ako o si Lovelle Birkins.

I smell bloodlust.

Hinawakan ko agad si Lovelle Birkins bago ko sya hinila paupo kasabay ko. Halos kasabay noon ay ang pagtama ng bala sa glass wall na originally ay dapat para kay Miss Birkins. Pagkatama ng bala ay syang muling pagbukas ng mga ilaw. Mukha ring walang alam ang mga guests sa assassination attempt. Dahil may silencer ang baril at ni hindi nabasag ang bullet-proof na glass wall. Ni wala ring nakapansin ng ingay mula doon dahil abala ang lahat sa pag-uusap usap sa kung bakit namatay ang mga ilaw.

Sinundan ko agad ng tingin ang pinagmulan ng bala. Pero wala na akong nakita.

"Ano 'yon?!" Pasigaw na tanong sa akin ni Miss Birkins. Tinuro nya rin ang bala na ngayon ay nasa sahig na.

Agad ko naman syang hinila palapit sa bala. Kinuha ko ang bala ng baril at ipinakita sa kaniya. "This means only one thing. Your life is in danger, Miss." Inabot ko sa kamay nya ang bala.

"Ano? Wait." Nanginginig ang mga kamay na kinuha nya ang cellphone sa suot na bag at mukhang may tatawagan. "S-Si Mikazuki ang may pakana nito. Sigurado ako.."

Naririnig kong bulong nya. Kumunot ang noo ko. Si Miss Yagami? Ang fiancé ng kuya ni Katana? Bigla akong napahawak sa earpiece ko nang marinig na magsalita si Lionhart, ang kasama ni Strife sa Control Room.

[Shit. Amber and Duchess are in your 3 o'clock. Cover them, Kayden]

Napalingon naman ako nun sa paligid kasabay ng pagtanggal ng earpiece bago pa may makapansin. Sa hindi kalayuan, nakita ko nga si Amber at Duchess na parehas na lilinga-linga. May task din ba sila? Binigyan din ba sila ni Trigger? Tsk. Pero base sa sinabi ni Lionhart, mukhang pati siya ay hindi alam na nandito sila. Hindi rin naka-connect ang earpiece device namin sa kanila--kung meron man sila.

Nakatingin lang ako sa kanila nang magtama naman ang paningin namin ni Amber. Mukhang sinabihan naman nya si Duchess kaya nagsimula na silang maglakad palapit sa kinatatayuan namin ni Miss Birkins.

"Wengya, Kayden! Anong ginagawa mo dito? Nakita ko rin si Cody kanina ah?"

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan sainyo?" Kunot-noong tanong ko.

Hinawi naman ni Amber ang buhok niya. "Duh? Malamang lang na pag party, kailangang may maganda dito 'no." Tsk.

Bago ako sumagot, nagsalita si Lovelle Birkins. "Wait, what is happening, seriously?" Nagpalit-palit ang tingin niya sa aming tatlo.

"Oh!" Para namang nagulat si Amber. "Nandito pala ang pinsan mo, Duchess eh." Ngumiti si Amber kay Lovelle. "Hi, uhm, ano nga ulit pangalan nya?" Bumulong naman si Duchess kay Amber.
"Lovelle."

"Oh, yeah, Lovelle. Sorry, hindi ka napansin ng maganda kong mga mata. Alam mo na, hindi talaga ito yung tipo ng mata na titingin sa hindi kapwa-maganda, erkey?"

Mukha namang nairita agad si Lovelle dun at pinagtaasan ng kilay si Amber. "What did you say? Bitch."

"Oh? Nagsalita ang hindi bitch?" Sarkastikong banggit naman ni Amber. "Excuse me lang ha. First and foremost, sa ating tatlo lang din naman, kung may bitch eh hindi si Duchess yon at hindi sa ganda kong 'to kundi ikaw. Erkey?"

Hinawakan na ni Duchess si Amber. "Tumigil ka nga, Amber."

Napailing ako. Am I here to deal with three arguing ladies? Tumalikod na ako para umalis nang sabay-sabay naman nila akong tawagin.

"Kayden, sandali!"

Huminto ako nang humarang si Lovelle Birkins sa harap ko. Mukha siyang sobrang nag-aalala. Malamang ay dahil sa sinabi kong nasa panganib ang buhay niya.

"Don't leave." Mariin niyang sabi.

Hindi ko malaman kung nakikiusap ba o hindi. Pero mukhang oo--sa paraang mapapanatili niya ang ego. Nevertheless, one thing is for good. She had entrusted her life on me. Probably because she thinks I saved her from that bullet. Kinunutan ko siya ng noo.

"Hindi ko gustong nakikisalamuha sa mga babaeng nagtataray pa pagkatapos kong tulungan." Seryosong saad ko na ang pinatutungkulan ay ang pagtulong ko sa kaniya nang may makabunggo sa kaniya. Sandali... Pagbunggo?

"Fine, I'm sorry about earlier! Eh kasi naman---"

"Check your things." Pagpuputol ko sa kaniya.

"Huh?" Tanong nya sa paraang sobrang nawiwirduhan na sa akin.

Tinitigan ko naman siya. "Kung gusto mong tulungan kita, the best thing you can do is to follow me."
Bumalik ako sa pwesto nina Amber at Duchess. Sumunod naman si Miss Birkins. Sa pinakamalapit na high-table ay pumwesto kami. Doon rin inilabas ni Miss Birkins ang laman ng bag niya. Inisa-isa niya iyon. Binigyan naman ako nina Duchess at Amber ng nagtatakang tingin. I shook my head to tell them there's no way I can tell with my mission, Lovelle Birkins, around.

Isinuot ko ang earpiece para magsalita. "Kasama ko sina Miss Birkins, Amber at Duchess. Cody, pumunta ka muna dito."

Saktong pagkatapos kong magsalita ay ang paglingon sa akin ni Lovelle.

"There's nothing wrong with my things! Mind to explain what this is for?!" Iritable nyang tanong.
"You know, the most probable thing if you keep that tone on me is me leaving you." Saad ko.

Sanay ako sa pinakamaingay sa Black Organization--sina Amber at Emerald. Pero iba ang isang 'to at mukhang hindi ko mapipigilan ang sarkasmo. Para sa isang katulad kong tahimik at gusto ng katahimikan, ang mga tipo nila ang pinakahuling gusto kong makausap at kailangang kausapin. She glared at me. I raise both of my eyebrows. She rolled her eyes. I let out an exasparated sigh.
Duchess chuckled. "Hindi ko iniexpect na may taong kayang magpatiklop sa pinsan ko maliban sa fiancé niya, Kayden."

I shook my head. "That's just for temporary countermeasure."

Tumayo ako at kinuha ang bag ni Miss Birkins. Kung walang mali sa mga gamit niya... Tiningnan ko ang handle ng bag. Nakita ko do'n ang tracking device na kinabit ko. Tiningnan ko naman ang ilalim na parte. I was right.

"Yo!"

Napalingon kaming apat nang marinig ang boses ni Cody. Nakangising lumapit siya sa amin. Nang makita pa niyang kasama ko nga si Miss Birkins ay tinapunan niya pa ako ng sikretong tingin.

"Sino ang magandang binibining ito?" Nakangising lumapit si Cody kay Miss Birkins. Inabot niya ang kaniyang kamay. "I'm Cody Lerwick, beautiful. And you are?"

Binigyan naman siya ng nandidiring tingin ni Lovelle. "Gross." Saka ito umirap.
Natawa naman si Duchess at Amber sa kanila.

Napakamot nalang ng ulo si Cody bago bumaling sa akin. "Wengya! Utol, ano bang nangyari? Bigla ka nalang nawawala eh!"

Lumapit siya sa 'kin at ipinakita ko naman sa kaniya ang bag ni Lovelle. Ang parteng may tracking device na halos katulad ng inilagay ko.

"May nagbabalak na patayin siya." Bulong ko.

Tumawa naman si Cody. "Anak ng! At ikaw ang naging knight in shining armor niya kaya sumama sayo? Ibang klase ka, 'tol!"

Isang poker face lang ang ibinigay ko. Ibinaling kong muli ang tingin sa bag. Tinanggal ko ang nakadikit na tracking device at itinapon iyon sa paraang walang makakapansin.

[Strife, check that tracking device. The four of you, retreat for now. Secure Miss Birkins's safety. Technically, kayo ang magiging primary suspect kung may mangyaring hindi maganda sa kaniya] Narinig naman namin ang boses ni Trigger sa kabilang linya. He's with Katana if I'm not mistaken.

Nagkatinginan kaming apat at nagsipagtanguan sa isa't isa. Si Duchess naman ang kumausap kay Lovelle.

"Uhm, cous. I think, we hafta go. Mas magiging safe ka." Sabi ni Duchess.

Mataray naman siyang tiningnan ni Lovelle. Bago siya magsalita, sumingit si Amber. "Ay, umayos ah. Wag mong tingnan ng ganyan si Duchess baka silawin kita ng kagandahan ko? Sumunod ka nalang bago ka pa iwan ng kagandahan ko, erkey? Nakakairita."

"Psh!" Padabog na inayos ni Miss Birkins ang mga gamit niya. "Fine, let's go." Tapos tumingin siya sa akin. "You have to escort me!"

Whoa. That was demanding. Napabuntong-hininga ako. If it's not because of my duty as one of the Black Organization's leader, there's no way I will deal with this woman.

Ilang minuto lang ay nakalabas din kami sa Grand Business Party. Paglabas naman namin ay si Amber agad ang nagsalita habang naglalakad papunta sa parking lot.

"Kayden ah! Kayo na ang bahala sa isang 'yan, erkey?! Wala kaming balak ni Duchess na isabay 'yan sa kotseng dala namin! Naku, baka hindi kayanin ng kagandahan ko."

"What?" Iritableng sabi ni Lovelle.

Tumawa naman si Cody. "Eh wengya, Amber! Meron ka ba no'n?!"

Bigla namang hinampas ni Amber si Cody ng bag niya. "Aba gago ka ah! Hoy! Wag nga akong pagdiskitahan mo! Palibhasa, di ka pinapansin ni Katana eh!"

"Wengya! Anong hindi?! Karereply pa nga lang ni Baby Katana sa message ko! Sa gwapo ko ba namang 'to, magdududa ka pa?!"

Nagkatinginan nalang kami ni Duchess. Nakangiwi siya. "I wonder how you deal with your brother."
Napailing ako. I also wonder how she deal with Amber.

Pagdating sa parking lot, in the end, sumama si Lovelle sa kotse nina Duchess dahil manunuluyan daw muna siya sa bahay ng pinsang si Duchess.

Pagsakay naman ng kotse ko ay nakaupo na sa passenger seat si Cody. Hawak pa niya ang tiyan niya.
"Grabe utol! Nagugutom na ang kagwapuhan ko! Ni hindi man lang ako nakainom sa party. Ano kayang niluto nina ermat?"

Hindi ko siya sinagot at sinimulan nang paandarin ang sasakyan. Dahil gusto ko na rin namang umuwi, naging mabilis ang pagpapatakbo ko na siya namang ayaw ni Cody.

"Takte! Bagalan mo naman 'tol! Alam mo namang mahihiluhin ako! Pa'no nalang ang kagwapuhan ko kung uuwi akong liliyo-liyo?!"

Nananatili naman akong nakatingin lang sa daanan. Hindi ba naisip ni Cody na wala akong planong sagutin siya? Tss. Lumiko ako sa kanan at mas binilisan ang pagpapatakbo.

"Anak ng tinolaaaaa! Pababain nyo ako, ngayon naaaaa!"

Sa totoo lang, gusto ko nang palabasin ang isang 'to. Napakaingay kasama. Tss. Malakas na pagpreno ang ginawa ko nang tumapat kami sa bahay. Siya namang marahas na pagsettle ni Cody sa upuan niya.

"Hah!" Malakas na buntong-hininga niya. "Takte balak mo bang patayin ang gwapong utol mo?! Kung hindi ako naka-seatbelt, malamang wala ka nang gwapong utol. H-Hoy! Anak ng pating naman! Magsalita ka man lang nga!"

Sumunod si Cody sa paglalakad ko. Hawak hawak pa rin niya ang ulo habang naglalakad kami.
"Tol, ba't ba trip na trip mo yung gano'n kabilis? Takte, buti nalang gwapo pa rin ako. Kunsabagay, kahit ano naman yatang gawin ko, gwapo ako eh. Kaya nga humaling na humaling sa akin si Baby Katana ko."

Pagtapat ng pinto, nagsasalita pa rin si Cody. Saktong pagbukas ko ay ang pagyuko dahil sa lumilipad na orasan ang sumalubong sa akin.

"Pero sa totoo lang---anak ng! Ang sakit no'n ermat!"

Napalingon ako kay Cody at nakita syang hawak hawak ang nadugong ilong. Pumasok ako at sinalubong naman ako nina ermat at erpat.

"The hell! What happened to you Cody?!" Nag-aalalang lumapit si ermat kay Cody.

"Yo! Andito na pala ang mga gwapo kong anak!" Bati naman ni erpat.

Nagmano naman ako sa kaniya bago ako umupo sa sofa para tanggalin ang sapatos ko. Sumunod din si Cody.

"Erpat, anong ulam na nakahanda para sa gwapong-gwapo niyong anak?" Tanong ni Cody na kauupo lang sa sofa.

"Ah eh ano nga ba Baby Mei?"

"Ba't di nyo alam erpat? Di pa ba kayo kumakain?"

Natawa naman ng mahina si erpat. "Iba kasi ang inulam ng gwapo mong tatay, Cody." Tapos sumulyap pa kay ermat.

"Tumigil ka dyan, Lerwick!" Siniko ni ermat si erpat na tumawa naman kasabay ni Cody.

Pagkatapos kong magtanggal ng sapatos ay tumayo na ako at nagpaalam nang muli sa kanila.

"Akyat na po muna ako sa taas."

Pagpasok ko naman sa kwarto ko ay saktong pagtunog ng cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko para sagutin ang sinumang tumatawag.

"Hello?" Nagpabagsak na rin ako sa higaan. "Sino 'to?" Number lang kasi.

[This is Lovelle] Bigla akong napabalikwas ng tayo. Shit.

"Bakit?" Seryosong tanong ko, walang bahid ng kaba at pagpapanic. That's good.
Malamang na sa isa sa magkapatid na Lionhart niya nakuha ang number ko. Pero bakit naman nila ibibigay iyon?

[I-I'm in front of your house. I need your help]

Doon parang tuluyang nabuhay ang gusto nang matulog na sistema ko. What the hell?! Bakit ako? Pumunta ako sa terasa at agad na tumingin sa ibaba, sa tapat ng bahay.

And there, Lovelle Birkins, is standing.


---
Note: Well, matagal na 'to actually. I was scrolling my Wattpad Works when I saw this draft. So I have decided to continue this. As I've said, medyo nagalaw ko 'yung original flow ng story. If I were to choose of what theme I would write in a fan shot, pipiliin ko na 'yung hindi ko magagalaw yung story. Kaso dahil ito ay nagmula sa fan service thing bilang roleplayer at may mga nagsabing gusto nilang isama ko si Lovelle at Kayden sa iisang point of view, kahit hindi pa naman talaga nagmimeet si Kayden at Lovelle sa original story, napangunahan ko na. At sa original story, wala ring may alam na nanunuluyan si Lovelle sa Lionharts diba? Pero dito, alam nila. Ayon, dami kong nagalaw. Pfft. Anyways, that's it. Hindi ko alam kung naipakita ko ba yung boldness ng characters pero anla, basta sinubukan ko. Gege bye.