BLACK ORGANIZATION AND THE ABDUCTION
MHIAMB's Fanshot #4
[June 9, 2018]
[June 9, 2018]
---
KAYDEN's NARRATION
Hinawakan ko ang suot kong earpiece device saka nagsalita. "Western bomb, defused."
Ipinagpatuloy ko ang mabilis ngunit maingat na paglalakad sa mismong roof ng hall habang tumitingin sa paligid. Mahirap magmatiyag considering na alas nuebe na ng gabi pero madaling gumalaw dahil madilim na.
[As expected, bomb expert. Isunod mo na yung bomba sa northern entrance]
Napatingin agad ako sa inaapakan ko nang maramdamang hindi na ito tulad ng bubong kanina na bato. And I wanted to curse out loud when I realized that it was a glass roof! Sinundan ko kung gaano ito kalawak. Mula dito sa kinatatayuan ko hanggang... sa palagay ko ay fifteen meters. Kitang-kita ko sa kinatatayuan ko ngayon ang mga nagsasayaw sa ibaba, sa loob ng hall kung saan nagaganap ang kasalukuyang party. Ang buong dance floor ay nasa ilalim ng glass roof na ito. Mabilis akong umatras bago pa may taong makakita sa akin mula sa loob.
Hinawakan ko ulit ang earpiece device ko. "Dammit, Strife. There's no way I can cross this goddamn glass roof! Hindi ako makakatawid nang walang nakakakita sa akin."
[Change route, Kayden. Your left side, it's routine 8] Sagot naman agad ni Strife. [Aaminin ko, may kahirapan i-hack 'tong private CCTV ah]
Tumingin ako sa kaliwa ko at... wala nang bubong. Which means Strife tells me to go through the legal way. Tsk. Hindi naman na talaga ako makakadaan pa sa bubong gaya ng ginagawa ko the earlier 30 minutes that I'm here.
Sinilip ko ang ibaba at nakitang terrace na 'yon. Sarado ang pinto at walang tao. Tahimik at madilim din. Different routines really help in a mission. At itong routine 8, gaya ng napag-usapan sa meeting ay madalas na walang tao. Umatras ako ng apat na hakbang at mabilis na tumakbo saka tumalon pababa.
"Whoa!" Napahawak agad ako sa railings pagkatalon ko pababa.
Napatingala ako para tignan ang pinanggalingan ko. Tsk, mas mataas 'yon kaysa sa inaasahan ko. Napalingon naman ako sa pintuan sa likod ko at nakitang sarado 'yon. Natatakpan rin ang pinto ng kulay puting kurtina. Tumingin naman ako sa ibaba at napag-alamang ground naman na iyon. At doon ang routine 8. Ito lang kasi ang side ng hall na under control na ng Black Organization.
Umakyat ako sa railings at saka tumalon pababa. Ngayon, tama ang tantiya ko sa taas nito. Bumagsak ako sa bermuda kaya wala gaanong ingay. Luminga-linga ako para siguraduhing walang nakakita sa akin. Pero bigla akong napaupo nang makita ang parating na dart sa direksyon ko galing sa right side ko. Shit, what was that?!
Napalingon ako pabalik sa kung saan nanggaling ang dart at nakita ang isang babaeng naka-black gown at naka silver half mask ang naglalakad palapit sa akin. Saktong pagharap ko sa kaniya ay gumilid agad ako dahil isang dart na naman ang binato niya sa direksyon ko. Tsk. Were we caught by the target?
Tumayo agad ako at bahagyang iniyuko ulit ang ulo dahil panibagong dart na naman ang ibinato niya. Nang itaas ko ang ulo, nakita kong nasa harap ko na siya at isang kamao ang paparating sa mukha ko. Anak ng--! Agad kong itinaas ang kamay ko para saluhin ang kamao niya. Panibagong suntok naman ang sinubukan niyang atake papunta sa tagiliran ko. Sinalo ko rin 'yon gamit ang isa ko pang kamay. Bago pa siya gumalaw, inilagay ko na sa likod niya ang dalawa niyang kamay.
"Feisty." Naibulong ko bago siya tiningnan habang hawak ang dalawa niyang kamay sa likod niya. Alright, from afar, it would probably look like I'm hugging her.
[Woah-ha-ha! Ayos din dumamoves 'tong si pareng Kayden] Narinig ko ang boses ni Strife na malamang ay pinapanood kami sa isa sa mga CCTV.
"Who are you?"
Naibalik ko ang atensyon sa babaeng hawak ko. Sinusubukan niyang kumawala pero hindi naman niya kaya ang lakas ko. Hindi ako sumagot. Normal lang na pagtakahan niya ako dahil kahit na naka-formal attire din ako ngayon, sino ba namang tatalon mula sa isang terrace? O baka nakita niya akong tumalon nang nasa bubong palang.
Nagulat ako nang bigla nalang niyang apakan ang paa ko! Damn. Sa kapal ng sapatos ko, nagawa pa rin ng takong na suot niya na durugin ang daliri ko sa paa! Anak ng. Pero hindi ko siya binitawan gaya ng inaasahan niya kundi binuhat siya para maalis ang takong niya sa paa ko. Tss, pakiramdam ko nadurog na 'yung buto ko.
"Whoa, Kuya Kayden! Ganiyan ka pala dumiskarte sa girls?"
Napalingon kaming dalawa nang may magsalita sa likuran ko. Nakita ko naman ang isang babaeng suot ang isang fitted black outfit at may nakakalokong ngisi habang may hawak na Caliber 45 sa magkabilang kamay. It was Emerald. Naglakad siya palapit sa amin.
"Kuya Kayden, she's one of our kakampi. Kuya Duke managed to deal with her para this side of hall ay maging under control natin." Lumingon naman si Emerald sa babae. "This is Kayden."
Ibinaba ko ang babae gaya ng sabi ni Emerald. Parang nandidiri na agad naman siyang lumayo nang nakatingin sa akin ng masama. Tss.
Tiningnan ko si Emerald. "Bakit hindi niya ako kilala?" Hindi ko maalis ang inis sa boses ko. Isang malaking hassle kasi ang nangyari. Lalo na ang sa paa ko.
"Hindi kasama sa pictures na ipinadala sa akin ang picture mo." Nagsalita yung babae kaya napatingin ako sa kaniya. Hinubad niya ang mask niya at inoffer sa akin ang kamay niya. That's probably because of Emerald's clumsiness. "I'm Xhyrille Angel Mantes. Sorry for the inconvenience." Napataas ang dalawang kilay ko. She has an angelic face, huh?
Nakipagkamay naman ako. "Kayden." Tapos nilingon ko si Emerald. "I'll get going. Kailangan ko pang i-defuse ang huling bomba.”
Hindi ko na hinintay ang sagot nila at mabilis na tumakbo sa malawak na lawn papunta sa northern entrance. Ilang segundo lang naman at nakarating ako sa entrance. Medyo maraming tao ang nandoon at hindi naman naging mahirap para sa akin ang magblend in. Sa entrance naman ay inabot ko lang ang invitation card na meron kaming lahat.
Pagpasok ay dumiretso agad ako sa hallway na nasa kanan. Walang pumupunta do'n dahil yun na ang private rooms para sa mga guest sa party na dito magpapahinga sa hall. May dalawang bantay pero napalitan na ni Lionhart ang isa. Nang dumaan ako sa kaniya, binigyan niya ako ng susi. Isang makahulugang tingin lang ang ibinigay namin sa isa't isa bago ako dumiretso sa pagpasok.
Nagmamadali ang bawat hakbang ko at hinahanap ang kwarto na may number 16 gaya ng nakaukit sa susi. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang mapapikit sa inis nang marinig ang mga ungol galing sa kabilang linya ng suot kong earpiece device. Yung isa babae at yung isa.. kay Lampe. Ginagawa ba ng gagong 'yun ang trabaho niya?
Nang makita ko ang room 16 ay agad akong pumasok at nakitang wala ngang tao. Inikot ko ang tingin at nakita ang maliliit at nagbiblink na tatlong kulay sa ilalim ng kama. Agad ko naman 'yong kinuha para tingnan. It's the bomb as I expected. Blue wire, red wire and green. Alright, I have 13 minutes left to defuse this one. Just as estimated.
Mayroong apat na time bomb sa buong venue para sa party na 'to. Ang sa west, north, south at east. Ang party ay mere firewall lang para sa transaction ni Trigger at ng isa pang lord sa underground society. Alam ng Black Organization na gusto ng kabilang panig na i-trap lang ang grupo namin. Still, Trigger grabbed it. With a plan of course. Trigger's agitated. That Mr. Gevero who he has a deal with kidnapped Lindsay Arcadia Lee and used her to force us to do some filthy work for him. As if Black Organization would follow someone.
Thirty minutes ago nang magkaroon na ng confrontation sa pagitan nina Trigger, Caliber at Katana at ng businesssman na nagngangalang Bernard Gevero at head ng Gevero Group. Hindi na namin alam ang nangyayari sa kanila ngayon nang mawala ang connection nina Trigger sa amin. Mukhang nasira yung earpiece device niya maging ang maliit na camerang nakakabit sa tie niya. At ayon kay Strife, walang CCTV sa kwarto kung saan nagaganap ang transaction. Dahil na-corner na ng Black Organization ang mafia group nila, inactivate ni Mr. Gevero ang lahat ng time bomb sa buong hall. And here I was, defusing the last bomb. We can't let innocent people die. Besides, malaki ang possibility na isa sa mga bomba ay nandoon si Lindsay.
Five minutes left and I was finally able to cut the last wire to defuse the bomb. Napabuga ako ng malalim at pinunasan ang pawis sa noo ko. Guess I've done my job well. But I got stiffened nang maramdaman ang malamig na bunganga ng baril sa ulo ko.
"Don't move." Boses 'yon ng isang babae. "Of course, alam naming darating ang isa sa inyo para i-defuse ang mga bomba."
And did she really think I came here with just skills in bombs?
"Sino ka?" Tanong ko.
Matunog siyang ngumisi. "Does that matter to someone who will die?" Mas idiniin niya ang baril sa ulo ko. "Stand up."
Tumayo naman ako. Pero saktong pagtayo ko ay umikot ako saka hinawakan ang baril niya para agawin na agad naman niyang pinaputok ng isa, dalawa, tatlong beses. Hindi 'yon gumawa ng ingay dahil sa silencer sa bunganga nito pero tumagos ang bala papunta sa katabing kwarto.
"Anak ng--! Muntikan na do'n ang kagwapuhan ko, lintek!"
Narinig ko mula sa nabaril na kwarto ang boses ni Lampe. So, he was there? But I got no time to think of that because I have my own trouble to deal with. Sinusubukan ko pa ring agawin ang baril sa babaeng may hawak nito. Just like Emerald earlier, she was wearing a black fitted outfit. Nakatali rin ang mahaba niyang buhok.
I know her. She's one of Mr. Tan's two daughters. Eusene Gevero. Unlike her younger sister, she's aware of the underground society including their mafia group. Katulong siya ni Mr. Gevero sa illegal business at sa legal business naman tumutulong ang nakababata niyang kapatid.
Tumalsik palayo si Eusene Gevero nang maitulak ko siya. Napahiyaw siya sa sakit nang tumama ang likod niya sa pader ng kwarto. I let out a smirk because I was the one who was holding the gun. Itinutok ko iyon sa kaniya.
"It's my turn to say don't move." Sabi ko sa kaniya.
Nginisihan niya ako. "You wish." At ang sunod ko nalang na nalaman, tumalon siya para sipain ako ng dalawang paa na nakasuot ng takong! Damn! I really hate those freakin' goddamn ladies' heels!
Napaatras ako at nabitawan ang baril. Agad niya yung kinuha at pinaputok sa direksyon ko na mabilis ko namang naiwasan. Sunod sunod na ang pagpapaputok niya kaya naman napilitan akong buhatin ang isang shelf at ibato sa direksyon niya. Tumakbo siya pagilid kaya tumama ang shelf sa pader na naghihiwalay sa kwartong 'to at sa kabila.
Nagulat nalang ako nang dahan-dahang bumagsak ang pader na naghahati sa dalawang kuwarto. That was when I realized it was a connected room. Nang tuluyang mawala ang naghahati sa dalawang kwarto ay bumungad naman sa akin at kay Eusene Gevero ang isang eksena na naging dahilan para manigas sa kinatatayuan niya si Eusene.
Hindi ba uso kay Lampe ang salitang kama? Iyon ang unang pumasok sa isip ko. He cornered his girl in the wall. Wala nang suot na gown yung babae at naka-topless si Lampe. Buhat ni Lampe yung babae habang hinahalikan ang leeg nito. Yung babae naman, nakakapit sa likod ni Lampe ang dalawang paa at kamay habang umuungol na tumigil lang nang mawala ang humaharang sa pagitan namin. Parehas kasi silang napatingin sa amin.
I was the first one who reacted. Mabilis akong lumapit kay Eusene Gevero at hinablot sa kaniya ang baril mula sa likod saka hinawakan ang dalawa niyang kamay para hindi na makawala. Nilingon ko ulit ang dalawa sa kabilang kwarto.
I frowned. "Hindi ba't ang usapan ay kukunin mo lang sa kaniya ang susi?" Bakit umabot sa ganiyan? Ang nakababatang Gevero kasi ang may hawak sa susi ng office room ni Mr. Gevero na kukuhanan ng papers at isa sa mga gagamitin namin laban sa Gevero Group.
Ngumisi naman si Lampe sa akin at nagulat ako nang walang habas na ipinasok niya sa loob ng brassiere nung babae yung kamay niya. Nang ilabas naman niya ay hawak na niya isang susi.
"Hindi alam ng gwapong ako kung ba't sa bra nila tinatago ang mga gantong bagay pero pwede na rin dahil may benefits." At nagawa pang kagatin ng gago ang pang-ibabang labi, may ipinapahiwatig.
"Atassha Marie!"
Napalingon kaming tatlo kay Eusene Gevero na hawak ko nang galit na sumigaw ito. Nanlaki naman yung babaeng ka-make out ni Lampe. Right, she's Eusene Gevero's younger sister, Atassha Marie Gevero.
"A-Ate..."
"Do you know what you have done?! We're ruined!" Galit na galit na sigaw ni Eusene.
Hinalikan ni Lampe si Atassha Marie sa pisngi bago ito binuhat sa kama at doon ito pinadapa. "A work is a work, babe." Sabi ni Lampe habang tinatalian si Atassha Marie gamit ang kumot.
Ganoon din naman ang ginawa ko. I didn't mean the kiss, I meant the tie, okay? Binuhat ko ang nagpupumiglas na si Eusene Gevero papunta sa kama ng kwarto kung nasaan kami saka siya itinali rin sa kama gamit ang kumot. Sigaw ng sigaw kaya napilitan na din kami ni Lampe na busalan yung bibig nila. Nang matapos ay nagkatinginan kami ni Lampe saka lumabas ng kwarto pagkatapos niyang suutin ulit ang tuxedo niya. Lumabas siya sa pintuan kung nasaan siya at ako sa pintuan kung nasaang kwarto ako.
Paglabas ng kwarto ay narinig namin sa kabilang linya ang boses ni Cody. Siya ang nasa dance floor para sabihin sa amin ang galaw ng mga kailangang tao. Isa pa, may pinapabantayan raw na tao sa kaniya si Katana. Pero ngayon, mukhang tumatakbo siya. Hindi ko naman sila pinapakinggan kung kalokohan lang ang pinag-uusapan nila. But this time, everyone panicked because of what he said.
[Shit! Shit! Nandito sina erpat! Kadarating lang nila]
[Takte ano?!]
[Nalintikan na]
[Anong ginagawa nila dito?]
"Sino pa ang nandito?" Tanong ko.
Sumagot naman agad si Cody. [Nasa dance floor sila. Kasayaw ni erpat si ermat. Takte pati sina Tita Caileigh, tita Amesyl at tita Fauzia magkakasama sa table. Sila palang nakikita ko. Sana wala ng iba]
[Hindi lang 'yon ang problema natin] Boses naman ni Strife ang narinig namin. Lahat kami ay tumahimik para hintayin ang sunod niyang sasabihin. [Natapos ko nang i-hack ang buong system ng Gevero. That includes the basement. And there is a fifth bomb that will explode in thirty minutes. Nandoon si Lindsay]
["Ano?!/What?!"]
Pare-pareho ang reaksyon namin. Nagkatinginan kami ni Lampe at parehas na nagmamadaling pumunta sa dance floor. Habang naglalakad ay ipinapaliwanag na rin sa amin ni Strife ang sitwasyon. Nasa pinakagitna, sa ilalim ng dance floor ang bomba. Doon din nakatali si Lindsay. Napaghandaan na namin ang kasong 'to kaya kahit nawalan kami ng koneksyon kay Trigger, Caliber at Katana ay madali pa ring gumalaw. It's our Plan C. Kaya nagulat pa rin kami. Hindi namin inaasahan na darating kami sa Plan C.
Gaya ng nasa plano, si Azure at si Emerald ang naka-assign para ilayo sina ermat sa nangyayari. It's not that it would be bad for them to see us here. Pero bihasa sila sa mundong minsan na nilang tinirahan na siyang ginagalawan namin ngayon. And what is Black Organization's first rule? No one shall know what happens inside but the members.
Pagdating sa dance floor ay inikot ko ang tingin ko saka hinawakan ang earpiece device sa tenga ko. Naririnig kong nagsasalita si Strife para sabihin sa iba pa ang nangyayari sa lugar na ginagalawan nila. Hinintay ko ring banggitin niya kung anong daan ang magiging safe papunta sa basement.
[On your 11 o`clock, Kayden. Three tables away. That's the safest route. Pero kailangan mong dumaan kina Tita Caileigh] Strife.
Tumingin ako sa direksyon na sinabi ni Strife. Gaya ng sabi niya, three tables away ay nakita ko sina Tita Caileigh, Tita Fauzia at Tita Amesyl na nagtatawanan--mali, si Tita Caileigh at Tita Fauzia lang pala ang nagtatawanan. Tahimik na naka-poker face lang si Tita Amesyl sa gilid. Sa likod ng lamesa nila ay isang pasilyo na may daan pakanan at pakaliwa.
"Akala naman ng babaeng 'yan, ikinaganda niya ang panlalandi sa Grayson na 'yan? Eh kahit saang anggulo naman tingnan, wala siyang binatbat sa kagandahan ko."
Napalingon ako sa kanan ko nang marinig ang nagsalita. Gaya ng inaasahan, si Amber ang nakita ko. She was wearing a peach long gown at nakakulot ang buhok niya. Naka-cross arms siya habang matalim ang tingin sa isang direksyon. Nang sundan ko naman ang tinitingnan niya ay nakita ko si Boul na kasayaw ang isang babae na nakatalikod sa view namin. Gaya ni Cody ay naka-assign siya sa dance floor para matyagan ang galaw ng mga konektadong tao.
Mukhang napansin niya ang nagugulat kong tingin kaya tumingin siya sa akin at nagsalita. "Kayden, alam kong maganda ako. Wag ka nang mahiya na sabihin yun, erkey?" What the heck?
"Nasaan si Emerald? Akala ko ba ay magkasama kayo?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "So, pinagtutulakan mo ang kagandahang nasa harap mo? Hindi mo naappreciate na isang napakagandang dalaga ang kasama mo ngayon? Ganiyan naman kayong mga lalaki. Kung sinu-sino ang hinahanap na wala naman sa tabi nila. Tapos iniechapwera niyo yung nasa harap niyo. Akala niyo ang gagwapo niyo eh sa ganda ko---"
Pinutol ko na ang pagsasalita ni Amber bago pa siya mag-eskandalo sa pamamagitan ng pag-offer ng kamay ko. Nagtanong lang naman ako. Ang dami na niyang sinabi. Kung ganito ang mga babae, mas gugustuhin ko nalang na magbasa ng libro.
[Si Amber ang naka-assign kina Tita Fauzia kasama nina Emerald at Lampe. Miss Xhyrille Mantes stayed outside] Si Strife na ang sumagot ng tanong ko.
"Let's dance." That was not a question. Twas a statement.
Hinila ko siya papunta sa dance floor at habang naglalakad palang kami ay panay pa rin ang pagsasalita niya.
"This is a privilege for you, Kayden, erkey? Isasayaw ka ng napakaganda mong pinsan. Sumama ako sayo dahil alam kong gusto mong makasayaw ng maganda at hindi dahil gusto kong makalapit kay Boul at dun sa hipon na kasama niya, erkey?"
"Oo na. Oo na." Manahimik ka lang.
Tumitingin ako sa paligid habang sinasayaw si Amber na panay pa rin ang daldal tungkol sa kagandahan niya at kay Boul. Tumingin ako sa relo ko at nakitang may 20 minutes pa bago sumabog ang bomba na na kay Lindsay. Kailangan ko nang makaalis dito.
Isinayaw ko si Amber papunta sa ruta na dadaanan ko. Sinusubukan kong magtago sa ilang mga pares para hindi ako makita nina Tita Fauzia. Hindi naman nila ako napansin. Ang kaso, may pares naman na lumapit sa amin.
"Oh, Kayden. You're also here?"
Sabay kaming napalingon sa nagsalita. It was ermat. Kasayaw niya si erpat. Ngumiti ako ng matipid at alanganin naman silang nginitian ni Amber.
"Diyosang evening, Tita and Tito." Bati ni Amber.
"Anak ng--! Nakita ko din dun si Cody kanina ah. Pati pala ang isa pang gwapong anak ng gwapong ako, nandito." Bati naman ni erpat.
"We should have went here together only if you told us that this is the same party you were going to attend in." Sabi naman ni ermat.
"Oo nga, wengya! Kung sumabay sana kayo sa amin, eh di naturuan ka pa ng gwapo mong ama kung paano dumiskarte ng malupit sa babae? Alam mo namang habulin ako ng babae noon. Tingnan mo yung kapatid mo, Kayden. Anak ng, malakas din sa chix. Nagpaturo kasi sa akin 'yun." Naiiling na sabi naman ni erpat. Nginuso niya ang direksyon ni Cody.
Nakatayo si Cody sa isang high table habang may hawak ng wine. Nakaupo siya sa pagitan ng tatlong babae. He was talking to them but I caught him glance in one same direction thrice. Nang sundan ko naman ang tinitingnan ni Cody ay nakita ko ang isang babae na nasa dance floor. It was Mikazuki Yagami. She's the legal CEO of Yagami Corporation if I'm not mistaken. Anong ginagawa niya dito?
"Sige, ermat, erpat. Uupo po muna kami." Pagpapaalam ko naman. Nasaan ba si Azure at Emerald? They should be the one dealing with our parents.
"Dun na kayo sa mesa namin umupo, Kayden at Amber. Tara at uupo na rin kami."
We're doomed.
Sa huli, wala kaming nagawa kundi umupo sa mesang sinasabi nina erpat. Sa mesa kung nasaan sina Tita Fauzia. Nagulat din ako nang makita na nandoon na pala sina Emerald at Azure. Nang tingnan ko sila, halata sa mukha nila na hindi na sila komportable.
"Oh em! So Kayden's here pala! You're so handsome ngayong gabi." Tumayo si Tita Caileigh at humalik sa pisngi ko. Sa kanan tapos sa kaliwa. Tapos sa kanan ulit at sa kaliwa ulit. Is there anybody out there who also doesn't like being kissed by aunties?
"Siyempre, gwapo ang tatay, gwapo ang anak." Singit naman agad ni erpat. Kinurot naman agad siya ni ermat sa tagiliran. "Wengya! Sabi ko nga, mana sa nanay, baby Mei!"
"Ang hangin pa rin talaga ah?" Natatawang sabi naman ni Tita Fauzia at tulad ni Tita Caileigh ay hinalikan kami ni Amber.
"Kaya ang sarap nilang pag-untugin nina Azure at unggoy." Naka-poker face naman na sabi ni Tita Amesyl.
"Yiee! If I know, you just miss Tito Kaizer po, Tita Amesyl." Nang aasar naman na sabi ni Emerald.
Biglang sumama ang timpla ng mukha ni Tita Amesyl nang lingunin niya si Emerald. "Tigil-tigilan mo ako, Emerald. Akala mo natutuwa ako? Baka hindi kita matantiya."
At ito namang si Lampe, nagback up agad. "Kalma lang ma! Baka umiyak 'tong si Emerald. Kawawa naman ang gwapo niyong anak kung magiging shoulder to cry on lang."
"Isa ka pa, Azure. Bumalik ka na nga sa zoo kasama ng tatay mo." Mataray na namang sabi ni Tita Amesyl na ikinakamot ng ulo ni Lampe.
"Mama---" Hindi pa nakakapagsalita si Amber, sinagot na siya ni Tita Amesyl.
"Tigilan mo ako, Amber. Nag-iinit pa rin ang ulo ko sa dami ng bag sa sala natin sa bahay."
Biglang humalakhak si erpat. "Wengya wala kayong palag sa pinsan ni Miss Aemie ah?"
[Dammit, Kayden. You have to go and defuse the last bomb. Sinira ang CCTV at hindi ko na makita ang nangyayari kay Lindsay. May lalaking pumasok sa kwarto kung nasaan siya]
Nagkatinginan kami ni Amber, Azure at Emerald dahil sa sinabi ni Strife na lahat kami malamang ay narinig dahil sa earpiece na suot namin. Nag-usap kami sa tingin bago ako tumayo para magpaalam.
"Mag-si-CR lang po ako." Paalam ko.
Pero gaya ng inaasahan, inabutan ako ni erpat ng isang baso ng alak. "Teka muna Kayden! Isang tagay lang para sa gwapo mong tatay."
Kinuha ko ang alak at ininom ito, straight. Nag 'wooh' naman sina Tita Fauzia. Aalis na dapat ako pero si Tita Fauzia naman ang nag-abot sa akin ng pagkain para kainin. Ubusin ko raw ng buo. Tsk.
Sinulyapan ko sina Amber, Emerald at Azure. Nag-usap silang tatlo sa tingin. Tapos sumenyas si Emerald na tutusukin ang lalamunan niya. Sinenyas naman ni Amber na magpatuloy lang ako sa pagsakay sa pinapagawa nina Tita Fauzia para madistract sila. Habang sinusunod ko ang sinasabi nina Tita Caileigh ay nakita kong tinutusok ni Emerald ang lalamunan niya gamit ang handle ng kutsara. Sunod nalang na nalaman ko, biglang sumuka si Emerald. Tuloy, lahat kami ay napabaling sa kaniya.
"Wengya!" Agad naman na pinalo ni Lampe si Emerald sa likod. Mukhang napalakas dahil sinamaan ng tingin ni Emerald si Lampe.
"N-Nahihilo na po ako.." Hinawakan pa ni Emerald ang ulo niya.
"Wengya Emerald! Natalsikan yung 35,000 peach smith gown ko. Pasalamat ka't maganda pa rin ako." Inikot pa ni Amber ang mata.
"A-Ah ano, dadalhin ko na po muna si Emerald sa rest room." Paalam ko.
"Oh sige sige! Alalayan mo." Sabi naman agad ni Tita Fauzia.
Inalalayan ko si Emerald na umaarteng nahihilo habang patuloy pa rin sa pagsuka. Nang makarating na kami papunta doon sa hallway na papunta sa basement ay tumigil na siya sa pag-arte.
"Grabe Kuya Kayden! Ang painful sa lalamunan ng ginawa ko." Sabi niya habang hawak ang lalamunan niya. "If nandito si Baby Cali, baka he's turned off na." Hindi pa ba?
I gave him a short nod. "Pwede na tayong maghiwalay dito. Salamat." Sabi ko sa kaniya.
"Uhm.. sige kuya. Goodluck po!" Sabi niya saka nagpaalam sa akin at pumunta na sa daan papuntang rest room. Malamang para linisin yung suka sa gown niya.
Lumiko ako sa kanan para bumaba sa basement pero nagulat ako nang makita si Cody. Nagkabungguan pa kami dahil palabas siya.
"Utol!"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
Sumulyap siya sa likuran ko. "May kailangan lang akong bantayan."
Tiningnan ko kung sino ang nasa likuran ko at nakita ang isang babae. Siya din yung tinitingnan kanina ni Cody sa dance floor. Mikazuki Yagami. Nang magtama sa amin ang tingin niya ay nginitian niya kami ng matipid saka nagtanong.
"Where's the rest room?" Tanong niya.
"Doon banda." Itinuro ni Cody ang pinanggalingan ko at dinaanan ni Emerald. "Medyo malayo yun. Pwede namang sumama ang kagwapuhan ko." Nagvolunteer naman agad si Cody nang nakangisi.
Tinitigan siya ni Miss Mikazuki Yagami na parang inaanalyze bago ngumiti, tumango at nagthank you kay Cody. Naglakad na rin sila palayo. Nang hindi ko na sila matanaw ay agad akong tumakbo patungo sa dulo ng mahabang hallway--ang daan pababa sa basement.
Tiningnan ko ang wrist watch ko at gusto kong mapamura ng malakas nang makitang may natitira nalang akong labing dalawang minuto. Nagmamadali kong binuksan ang pinto sa dulo ng hallway at nasipa ko 'to sa inis nang malamang naka-lock ito. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala akong makitang pin o kahit na anong pwedeng gamitin para i-unlock ang pintuan. Shit.
Tumakbo ulit ako mula sa dulo ng hallway papalabas. Pagdating sa intersection, nakabungguan ko na naman si Cody. Anak ng. Napaatras kami parehas at tiningnan ko siya ng masama dahil sa inis. Nagulat ako nang makita si Mikazuki Yagami sa likod niya. Magkasama pa rin sila? Nang tingnan ko si Cody, nagsalita na siya.
"Wengya dito daw pala yung rest room. Buti nalang at gwapo ako kaya sinagot agad ako nung chix dun." Tinuro niya yung kabilang daan.
Tumango ako at sinulyapan si Mikazuki Yagami. Doon ko naman napansin ang suot niyang hairpin. Gotta get that. Nang tumalikod sila ay tumawag ako.
"Sandali."
Lumingon silang dalawa sa akin. Tiningnan ko si Mikazuki Yagami. "Can I borrow your pin?" Tinuro ko ang suot niyang hairpin.
Kumunot ang noo niya at gaya kanina kay Cody ay tiningnan niya ako na inaanalyze ang expression at tingin ko pero tinanggal din niya yung isa sa mga hairpin na nakakabit sa buhok niya. I said my thanks and hurriedly left them.
Tumakbo ulit ako pabalik sa pinanggalingan ko. Naririnig ko rin ang usapan ng iba pa sa kabilang linya. But I have no time for that. I have to hurry. Real deal.
[Status?] Narinig namin ang boses ni Boulstridge. [Tapos na ako sa asawa ni Mr. Gevero] He's probably pertaining to the woman he was dancing with a while ago.
[Sa'n mo dinala, Boul?] Pagtatanong naman ni Lampe na natatawa. Alam naman niya kung saan. Mukhang gusto lang niyang asarin ang kakambal.
[Sa langit] Sagot naman ni Boul na sinakyan ang trip ni Lampe saka sila nagtawanan.
[Yuck. Hindi na pala hipon ang pinagdidiskitahan ng mga gago ngayon kundi sugar mommy naman? Buti nalang talaga at kahit maganda ako, hindi ako pumapatol kung kani-kanino] Narinig naman namin ang singit ni Amber.
[Tapos na rin po kami kina Tita Fauzia. They're out of the party na] That's Emerald.
[Wala na ring problema sa mga tao ni Mr. Gevero dito. Malinis na] Duke. Malamang naman na ang mga nagbabantay sa kung saan ang sinasabi niya. He's on the roof inside the hall now.
[Boul, back up for Kayden. Nasa south east siya ng hall. Katabi ng route 23. May nakaabang sa loob niyan]
Tiningnan ko ang wrist watch ko. Ten minutes left for the bomb to explode. Damn. Binilisan ko ang pag-ikot sa pin at nang marinig ang click ay binuksan ko na ito para pumasok. Gaya nga ng sabi ni Strife ay may mga bantay. Apat sila. Anak naman ng libro oh.
Nilabas ko na ang baril ko na mayroon nang silencer. It's safe to use it here now. No ladies, no people and no trouble. Pinaputukan ko agad isa-isa. Dalawa ang natamaan sa ulo at bumagsak agad. Yung dalawa ay nakaiwas at sumugod papunta sa akin. May hawak pang kutsilyo yung kalbo.
Umiwas lang ako ng umiwas. Damn! Nasaan na ba si Boul? Sinuntok ko palayo yung kasama nung kalbo na sumugod papunta sa akin. Nung mapaatras siya, tumalon ako para sipain siya ng dalawang paa. Saktong pagbagsak niya ay ang pagdating ni Boul.
"Ge ako nang bahala dito." Tinanguan niya ako.
Tumakbo ako pababa ng paikot na hagdan. Malamya ang ilaw pero nakikita ko na sa ibaba si Lindsay. May ilaw sa uluhan niya at puwesto niya lang maliwanag. Nakatali siya sa isang upuan at mukhang latang-lata na. Gaya ng sabi ni Strife, merong lalaki sa tapat niya. Hindi isa kundi dalawa. Hindi ko makita ang ginagawa ng dalawa dahil parehas nakayuko.
Nang tuluyan akong makababa ay agad din akong napatingala nang biglang may kutsilyo ang dumikit sa leeg ko kasabay ng paglingkis ng braso sa akin para hindi makagalaw. Pero base sa feature, alam kong babae. Sabay ding napalingon sa akin ang dalawang nakayukong lalaki at nakilala naman namin agad ang isa't isa.
"Katana, that's Kayden. Ibaba mo." Ang utos ni Trigger.
Doon naman tinanggal ng nasa likod ko ang kutsilyo sa leeg ko saka ako tinulak palayo. Nang lingunin ko, nakita ko nga si Katana na seryosong nakatingin sa akin. Ibinalik ko ang tingin kina Caliber at Trigger na nakayuko sa... bomba. Nakakabit iyon sa paanan ni Lindsay.
Agad akong umupo at nakitang meron nalang akong anim na minuto para i-defuse ang time bomb na 'to. Ang malala, this is a liquid bomb. Mas maraming wires at mas maraming kulay. Mas kumplikado ang pagkakakabit at mas maingat ang galaw. But that's not a problem. I've encountered this before.
Tiningnan ko isa-isa at gusto kong makahinga ng maluwag dahil mukhang nasimulan na itong i-defuse nina Trigger at Caliber dahil may ilang screws at wires na ang nakatanggal at ginupit.
Kinuha ko kay Caliber ang hawak niyang balisong at sinimulang magtanggal ng screws at gumupit ng wires. Alright, blue wire beneath the yellow and green... fourteenth screw at the bottom... liquid bottle under the time... three minutes left... and I was able to cut the last wire. Napangiti ako at saka tuluyang napaupo sa malamig na semento.
Nakahinga ako ng maluwag saka hinawakan ang earpiece device sa tenga ko. "Last bomb, defused."
Dahil sa sinabi ko ay narinig ko naman mula sa kabilang linya ang paghinga nila ng maluwag at pang-aalaska ng mga gago.
Tinap ako ni Caliber sa balikat. "As expected." Saka siya tumayo.
Si Trigger naman ay hinihimas ang noo ni Lindsay na natatakpan na ng buhok niya na magulo at basa ng pawis. Lindsay was half-asleep. Mukhang malakas talaga ang epekto ng itinurok sa kaniya. She was admitted in the hospital because of her high fever. And that was when a pretending nurse injected her the drug. Hindi naman siya makikidnap kung maayos ang lagay niya.
"Ano palang nangyari sa transaction?" Bigla ko namang naitanong kina Trigger.
Hindi sila sumagot bagkus ay tumingin sa likuran ko. Kaya napalingon ako sa kung ano ang tinitingnan nila. And I saw Katana who was pulling Mr. Gevero's corpse to put in the pile of his dead men.
Hinawakan ko ulit ang earpiece device ko saka nagsalita. "This mission has been accomplished."
---
Finally done. Total of exactly 5000 words! Ang hirap pagsama-samahin sa isang shot ang mga characters na gusto niyong pagsama-samahin nang sinusunod ang flow. Saka ang hirap din mag-isip kung anong topic ba yung pwede na lahat ng characters na dapat ipasok ay makakapasok. Geez. I'm never doing it again. About Mikazuki, I kept her exposure into the minimum. Dahil hindi pa naman talaga nakikita ng Black Organization si Mikazuki. Then, about Atassha Marie Arcadia Lee, I'm sorry but I don't consider rp babies/extended characters kaya yun yung role mo. Sa clock locating, sa mga di alam. Just imagine na si Kayden ay nakatayo sa isang orasan at siya yung nasa pinakagitna.