The Admirer's Story
One Shot
[September 27, 2018]
[September 27, 2018]
Anim na buwan ko na syang idol na roleplayer. Kaya siguro naging crush ko na din. Ito lang ang pagkakataong aamin ako. Dahil balak ko na rin namang umalis sa rpw. Yes, I can say na
isa din ako sa mga kilalang roleplayer--walang halong pagyayabang, may nanchachat ngang crush daw nila ako! Like, tf. Jowable pala ang lola mo? Haha. Kaso jejemon naman yun. Pfft. Despite of that, hindi pa din ganon ka-lakas ang loob ko para ipangalandakan ang sarili ko. So, I ended up using a dummy account.Me: Hi.
He: Hey.
Me: Uhm. Wala, gusto ko lang sabihing ang galing mong magroleplay ng character mo. Very focused ka din sa pagroroleplay. Haha. Keep it up po.
He: Haha. Salamat.
Wow. Bihira lang yung ganto kabilis magreply sa brp! Hahaha. Of course as a long-time fan, I already know basic information about him like his codename, age and gender. Nagpatuloy kami sa pag-uusap. Hindi ko alam kung paano humaba. Kung sya ba ang madaldal o ako. Hindi namin tinitipid ang sagot sa isa't isa pero hindi rin naman ganon kahahaba. Tuloy, para nang nagbabago na ang isip kong umalis sa rpw. Haha!
Around 12am, it's already my birthday. Kausap ko pa din sya. Four hours na 'tong diretso ah? Haha. Hindi naman nya alam na b-day ng kausap nya pero okay na okay na ako. Sulit bes! Makakarelate kayo kung may ultimate crush din kayo sa rpw. 1am, our conversation got deeper. Hanggang sa dumating ang topic sa status, crush, idolized roleplayers and such. Una ko syang tinanong. Kung sinu-sinong idols or crush nya. I was trembling pa nga habang nagtatype.
He: There's this roleplayer who got my interest.
(Ay wow, shet. Sino naman kayang karibal ko?)
Me: Friend mo?
He: Haha. Hindi. Wala kaming koneksyon. Pero chinachat ko, sinusungitan lang ako o kaya iniinboxzone eh.
(Aba'y--! Sino nang masabunutan ko? Chos!)
(Ay wow, shet. Sino naman kayang karibal ko?)
Me: Friend mo?
He: Haha. Hindi. Wala kaming koneksyon. Pero chinachat ko, sinusungitan lang ako o kaya iniinboxzone eh.
(Aba'y--! Sino nang masabunutan ko? Chos!)
Afterwards, sakin naman napunta. Takte, ang galing makipag usap nito. At dahil na rin sa mood, napaamin na nga ako. I was seriously anxious. Pagkasend ko ng message, na-seen nya agad. Typing... tapos nawala. Tapos typing ulit.. tapos wala na naman! Sheeeet. Ayoko na. Tinakpan ko na yung mukha ko ng unan at gusto ko nang ibato ang cellphone ko. Anooooo baaaaaang ginaaaawaaaaaaa kooooo? Goodness gracious.
Halos mapatalon ako sa gulat nang magreply sya. May pikitan portion pa bago ko binuksan yung message. Expected na pero hindi ko pa rin masubukang di malungkot. He said thanks, sorry and explained his side--having his crush. I acted as if it's alright with the use of haha and emojis. Sabi ko, dapat worth it yung crush nya sakin. Natawa tuloy sya at sinabing paano naman daw yon eh ni hindi nga sya siniseen at iniinboxzone lang. Hindi naman ako naniwala. So, to prove his claim, he sent me a screenshot.
At literal na nalaglag ang panga ko nang makita yung screenshot. Parang nagwala ang buong sistema ko at nagrambol lahat ng emosyon ko. Nanginginig pa ako pero nagawa kong buksan ang fb lite ko saka iopen ang rp account ko. Chineck ang message at binuksan ang pinakalatest. And believe me or not. Sya yung jejemon na nangungulit nang nangungulit sa akin noon pa.
So, my crush created a dummy account to approach me in my rp account just as exactly as I did?
---